Ikatatlumput-anim na Tugtog
Savored
"Are you sure, sasama ka sa akin?"
Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay bago ko binalik ang tingin sa daan na sabay namin tinatahak.
Tumango ako at ngumiti. "Ito na ata ang pinaka sigurado sa buhay ko, Clyde."
Binalingan ko siya ng tingin at nakita ko ang bahagyang pag silay ng ngiti sa kanyang labi.
"Nakausap ko na si mamshie kanina..."
"Pumayag ba siya? Na sumama sa atin? For a few days lang... naman..." puno ng alinlangan niyang sunod-sunod na tanong.
I let out a small laugh.
Hay, hindi ko lubusang maisip kung paano niya ako nagawang mahintay ng ganito katagal, where in fact, a lot of woman would surely love to be in my place.
Everything about him... is heart catching.
"Gusto niya sumama sa atin, gustong gusto sa katunayan, ang dami niya gusto itanong at pag-usapan... if you only heard her, sobra siyang masaya para sa atin, he likes you... for me..." sandali ako natigilan sa pag-alala kung paano ko narinig ang kasiyahan sa boses ni mamshie kanina.
Matagal tagal ko na rin hindi 'yon naririnig sa kanya.
Basta lalaking mapapasaya ka, at hindi ka sasaktan, someone who will stay loyal to you, someone who will cross oceans to be with you, gustong gusto ko para sayo.
And I know, noon pa, the way he looks at you... Clyde is that man.
I smiled remembering her words.
Gusto ko pa rin maniwala na si papshie ay ga'non din para kay mamshie.
"...pero she chose to stay. Pupuntahan niya pa ang bahay namin sa Pampaga. I actually said na doon na muna tayo mag stay, for a few days, with her, I even offered her to go to Singapore with me, alam mo naman na hindi ko kaya iwan si mommy, lalo na sa sitwasyon ngayon, but she told me she actually wanted some space. Gusto niya mapag-isa at gusto niya daw 'yon hingin sa akin kahapon pa. Ngayong ganito na ang sitwasyon, gusto daw niya kunin ang tyansa para mapag-isa."
With eyebrows furrowed. "I still don't think that's a good idea, love. 'Wag natin siya iwan mag-isa, especially now she's carrying this heavy situation. Ipapasundo ko siya mamaya sa driver."
Love?
Tama ba ang narinig ko?
Nag taas kilay ako at hindi napigilan ng labi ko ang magpakawala ng ngisi.
But deep inside me, butterflies scattered and flew, flapping their wings, making small tingling flattering feeling inside me.
Love...
My Clyde. My love.
"Love huh?" Tukso ko sa kanya.
Kita ko ang bahagyang pagkagulat niya sa napansin ko at ang mabilis na pagpula ng tenga niya sa hiya. Nag tagis ang panga niya na mas kina-ngiti ko. Parang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa lamig, I suddenly missed his touch.
"Well... I badly wanted to call you... that...before... pa..." may kabagalan niyang tugon.
"Oh? Dati pa? Gusto mo ako tawaging love? You want that as an endearment?" Sunod-sunod kong tanong gamit ang normal kong boses.
Habang siya naman ay parang gusto mag tago sa hiya.
How cute!
Hindi na talaga ako masasanay sa side niyang ganto. Nawawala ang pagiging intimidating niya bilang Montgomery sa paningin ko.
Mukhang ito ang mag mamarka sa akin.
"Hmm... weird ba?" Nahihiya niyang tanong. "Sabi kasi sa akin... basta sabihin ko lang daw, hindi naman dapat pinag uusapan 'yon?"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang pinagmamasdan siya. He looks unearthly handsome and cute at the same time.
Gusto ko matawa sa kanya. Tama naman siya, at gusto ko rin naman 'yon... ang sarap lang niya talaga tuksuhin.
Plus... I want to admire him, habang ganto siya sa harapan ko.
Gulo-gulo na ang kanyang buhok, messed up long sleeves polo, flushed cheeks, but... he still can go and pose for the billboard.
"Love..." I whispered enough for him to hear.
Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak niya sa aking kamay.
"I like it... I love you..."
Parang dahon na sumasayaw sa hangin ang puso ko nang sabihin ko ang tatlong salitang 'yon.
I have said it a while ago, pero parang unang beses pa rin. Liberating, napaka sarap sa pakiramdam.
"I love you, Miss." He whispered and pulled my left hand closer to his lips.
Bahagya niya itong binigyan ng mababaw na halik na mas lalong nagpalubog ng puso ko sa sobra-sobrang emosyon.
"Miss? Lagi mo sinasabi 'yon..."
I remember Angelo being bothered by it before. I want to know the reason behind that 'Miss' word. Pero parang naikwento na 'to sa akin noon, or I heard something about it noon pa, hindi ko lang sigurado kung narinig ko ba ang buong kwento kasi sigurado ako na hindi ko 'yon makakalimutan kung sakali.
"Miss, yun ang tawag ni daddy noon kay mommy, and sometimes even now... doon sila nag simula, parang endearment niya kay mommy noon, kahit noong panahon na hindi pa alam ni mommy na pinopormahan na siya ni daddy."
Napaawang ang labi ko sa narinig. Now I am sure, ngayon niya lang 'to nabanggit sa akin, pero now that he said it, I suddenly remember... hearing Tito Ivor calling Tita Jade, miss... way back.
"And I told my family, my cousins before... I'll only call someone 'miss' when I am sure... that I'll bring that woman in front of the altar."
He quickly placed a kiss again on the back of my hand.
Hindi ko alam pero parang mangingilid ulit ang luha ko.
All my fears were washed away— mga pangamba ko noon na baka hindi ko na talaga mararamdaman 'to, na sasaya pa ako ng ganito, pero ngayon, wala ng espasyo sa puso ko dahil punong-puno na.
Lahat ng nawala sa puso ko ay sobra-sobra pa ngayon. Hindi ko inaasahan, but I thank God for giving me him.
Noon, hindi ko naiintindihan, tuwing sinasabi nila na... when the right one comes a long, hindi mo man malalaman, walang warning, it will come gradually, that kind of love will just sweep you off your feet, and will bring you above the clouds.
And then you'll fall.
Without fears.
Kasi alam mo na may sasalo sa'yo.
Free fall.
It won't demand anything from you, kasi lahat ay kusa mo matatanggap at ibibigay.
"I'll marry you, kahit saan, kahit ilang beses pa."
"You'll marry me in every country there is?"
Tumango ako. "I want our love everywhere."
"Your wish is my command." He genuinely smiled before looking at me again.
"As for mamshie, may plano kami ni Beatriz para sa kanya at para kay daddy. Hindi pa plakado pero pag-uusapan namin bukas..."
"Ohh... I get it, I understand. Gusto ko rin malaman ang naging takbo ng usapan niyo ni Beatriz kanina, and we have the whole night to talk about it, pero, I wanted to ask you this, hmm... napatawad mo na ba si tito?" Tanong niya na hindi ko inaasahan.
Hindi ko naman 'to naiisip kanina. Masyado ako naka focus sa palitan namin ng messages ni Beatriz tungkol sa plano niya na magka-ayos ang parents ko. My dad is a wreck, I've heard it too, kaya pumayag ako, dahil alam ko naman na ito ang makakabuti ngayon, na simulan ayusin ang nagulo, kung hindi man magka-ayos, baka kahit makapag-usap lang.
Pero sa lahat ng iniisip kong plano kanina, nawala sa isip ko ang tanong kung napatawad ko na ba siya. Alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko si papshie, at marahil ay hindi na kasing-sakit ng dati ang nararamdaman ko, pero... have I forgiven his decision before?
"Sa totoo lang, Clyde. Hindi ko alam. Siguro, oo. Hindi naman ga'non kahirap mag patawad, lalo na nakita ko naman ang pag sisisi sa kanya, plus... I heard it from Beatriz too, at alam kong nag sasabi siya ng totoo. May mga desisyon man siya na hindi ko maiintindihan, tulad ng bakit hindi siya agad bumalik, why did he give up from Beatriz's whims, o kung bakit hindi siya nag pumilit na makabalik sa amin... may parte pa rin sa akin na naiintindihan siya, kahit na hindi ito masasalita."
Mapait akong napangiti. "Siguro kasi... ako ang girl version niya? I know, like me, papshie likes to wait for things to die down... though I would have wanted him to try harder, hindi ko mahihiling sa kanya ang bagay na hindi ko sigurado na gagawin ko rin sa sitwasyon na 'yon. At kaysa isipin ang lahat ng sagot sa tanong ko, gusto ko nalang piliin na hintayin 'yon marinig mula sa kanya, kasi yung kay Beatriz... hindi ko inaasahan 'yon, at alam ko na may mabuting madudulot ang pagtutulungan namin dalawa. I know, he has a lot to explain, at mahabang proseso 'to, tiwala ang nasira kaya tiwala rin ang kailangan maibalik— na hindi madali, pero sa ngayon, ang alam ko lang, kahit mahirap, I am willing to do everything for our family to work again."
He slightly reassuringly pressed my hand. "It will work, your father loves you, pati na rin si tita. May mga desisyon lang talaga tayo minsan na hindi maiintindihan ng lahat... kaya nga may pagmamahal," he paused and I felt the car stopped.
Nilingon niya ako at mataman na sinalubong ang mga mata ko.
Kinain ng presensya niya ang buong atensyon ko. Lumangoy ang puso ko papunta sa kanya. Kahit malunod ako, hindi ko na gugustuhin umahon pa. Basta magkahawak ang kamay namin, wala akong ikakatakot.
"Love transcends all. Kahit ang mga bagay na hindi natin maintindihan." Kinalas niya ang seatbelt niya, "Dahil pag hindi natin kaya umunawa, puso ang gagawa 'non."
Sunod niya kinalas ang akin.
"We're here..."
Dumako ang tingin ko sa labas kung saan makikita ang katubigan. Naka-parada kami sa gilid ng mga yate.
"Clyde..."
Napakaganda...
"Tinawagan ko ang kuya ko kanina, he pulled some strings para mabilisang mapaayos ang yate. We could stay here for a while, ayaw kita ilayo masyado kasi alam ko kailangan pa rin natin harapin 'to. We'll just wait for things to settle down, kakausapin natin silang lahat."
Maagap akong tumango. Naiintindihan ko. Sa amin dalawa, mas logical siya mag isip, mas may pag unawa, alam ko lahat ng desisyon niya, pinag isipan niya mabuti.
May masasaktan man. He will still choose the one with less pain.
And for now, staying this close... is that choice.
"Sasama ako sayo kahit saan pa."
"Lizabel..." he lovingly stared at me. "Thank you..." he genuinely said. "For this night. For loving me."
Nilingon ko siya at mabilis na inabot para mayakap. Umiling ako. Kung alam lang niya na mas pinagpapasalamat ko na minahal niya ako, dahil alam ko sa aming dalawa ay mas mahirap ako mahalin.
He is all giving, I am hard headed.
"Mahal kita."
Naramdaman ko ang kanyang pag-buntong hininga. Pumaikot ang kanyang braso sa aking bewang at hinila ako palapit pa lalo sa kanya kahit hirap kami sa loob ng sasakyan.
"I love you." Bulong niya at bahagyang hinagkan ang leeg ko.
"Say it again." Nahihiya kong sabi at siniksik ang sarili ko sa kanya.
He chuckled and nuzzled my cheek. "I love you. Mahal na mahal." Buong-buo niyang pag-ulit.
"Let's go?" Aniya.
Tumango ako at kumalas sa kanya para lumabas. Mabilis siyang dumalo sa akin dala ang jacket niya, pinasuot niya 'yon at inakbayan ako para masangga ako sa lamig. Nilagay ko naman ang aking kamay sa likuran niya para kumapit sa kanya.
We walked that way towards the yacht. May mga naka abang ng helpers para sa aming dalawa. Kinausap sila ni Clyde dahil sila ang makakasama namin buong gabi.
Ako naman ay hindi maalis ang tingin sa kabuo-an ng lugar.
Dim lights. Food. Wine. Blankets. Pillows. Mellow music.
Para sa amin.
"You're cold?" Tanong niya nang lumapit ulit sa akin.
Hinila niya ako at binigyan ng halik sa gilid ng aking noo.
Napangiti ako bago umiling.
"I'm warm..." tugon ko.
"May mga pinabili akong damit, nasa loob na. Gusto mo muna mag palit?"
Umiling ako. "Gutom na ako."
Ngumiti siya at tumango. Nilingon niya ang mga helpers namin doon at sinenyasan na mag ayos na.
"Sana ganito araw-araw." Hindi ko napigilan masabi.
Bumalik ang tingin niya sa akin. "Ang alin? Dinner? We can live in a yacht, kung gusto mo."
Kumawala ang halakhak sa akin dahil hindi ko alam kung pinipilosopo niya ba ako o sadyang 'yon ang naisip niya sa sinabi ko.
Kinurot ko ang tagiliran niya kaya bahagya siyang napadaing.
Ngumuso siya at niyakap ako ulit para mahagkan sa noo.
"No. What I mean is... tayo, magkasama, kakain... araw-araw." Putol-putol kong sabi dahil parang mawawala ako sa hwisyo sa bawat halik niya pababa mula sa aking noo hanggang sa aking pisngi.
Para akong makikiliti sa bawat sensasyon.
"No problem. Us. Everyday. Together." Aniya before showering me with kisses all over my face... maliban sa labi.
"Nakakarami ka na ha." Tukso ko sa kanya.
"Ang bagal ko na nga niyan." Bawi niya bago ako hinalikan sa gilid ng labi ko.
Sobrang bagal, Clyde Matthew Montgomery.
"Ayoko na mag hintay." Bulong ko.
"Hah? Sa?" Lito niyang tanong at bahagyang lumayo sa akin para matignan ako.
Napangisi ako at ako mismo ang humila sa kanya at tumingkayad din para masalubong ang labi niya.
"I am only impatient when it comes to you." I said between kisses.
"I am only selfish when it comes to you." He said as he claimed my lips fully and hungrily.
I tiptoed more to get a good feel of his lips, naintindihan niya naman iyon kung kaya't gamit ang isang kamay ay inangat niya ako mula sa aking bewang.
From there, I drowned from his sweet lips. I savored his kisses. I embraced his love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top