Ikatatlumpung Tugtog
Fight for me...
Minulat ko ang aking mga mata nang maaninagan ko ang ilaw mula sa labas. Napaayos ako ng upo mula sa loob ng sasakyan ni Clyde at napabaling sa driver's seat.
Where is he?
Naramdaman ko ang pag bigat ng puso ko nang maalala ang nangyari kanina. Mabilis kong hinaluglog ang bag ko para hanapin ang cellphone ko para tawagan siya pero bago ko pa iyon magawa ay nakuha na buong atensyon ko.
Hinanap ng mata ko ang narinig na sigaw at natagpuan si Clyde na nakaluhod sa malawak na field kung saan nakaparada ang mga helicopters ng pamilya nila. Ngayon ko lang napansin na dito niya ako dinala, naririnig ko lamang ito dati mula sa kanya, na ito ang paborito niyang lugar na puntahan...
...tuwing gusto niya mapag-isa.
My eyes stayed on him. Naglakas loob akong buksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas mula rito, hindi inaalis ang mga mata mula sa kanya.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Greens are everywhere, night shining so bright, stars on our vision, the moon giving enough light... a man crying, giving heavy breathing, kneeled while he clutched his hand on his heart.
I gasped for air and hugged myself from the cold air surrounding us.
Humakbang ako palapit sa kanya at tinungo ang harapan niya. Lumuhod ako at kahit nanginginig ang kamay ay inabot ko ang kamay niya para hawakan. Nanatili lamang siyang nakayuko habang nakaluhod, ilang butil ng luha niya ang tumulo at nahulog sa magkahawak naming kamay.
"Lia! Beatriz played with us, she planned it all along," hindi pansin ni Angelo ang paligid, sa akin lamang ang buong atensyon niya. "It is you... since the very start, ikaw lang..."
Napaawang ang labi ko dahil sa nakikita mula sa matalik na kaibigan. He looks so frustrated and damn... desperate.
"I loved you... no... I still love you, hanggang ngayon." Aniya.
"Angelo..." tangi kong nasabi.
Naramdaman ko ang pag bitaw ni Clyde sa akin at doon ko naramdaman ang pagkapunit ng puso ko.
No... no, Clyde...
"I wanted to deny my feelings for you... that's why... I got so confused... I tried loving someone else..." bigong bigo na sabi ni Angelo. "Pero ikaw pa rin, hanggang ngayon... alam nila lahat 'yon... noong una pa lang... pero wala ni isa ang naglakas loob na sabihin sa akin 'yon," he gasped for air as he held my hands tighter. "...hindi ka dapat umalis... kung hindi dahil kay Beatriz... if I hadn't stop myself from expressing my love for you, kung hindi ako natakot na masira ang pagkakaibigan natin, alam ko... tayo... tayo ngayon..."
I opened my mouth to say something pero tanging pag-iling lamang ang nagawa ko. I am so sad... to see and hear this from a person I have deeply loved before. Alam ko ang pakiramdam na 'to, yung hopelessness, yung gusto mo umasa na may magbabago sa sitwasyon, that... you're hoping... the situation will work out on your side.
Kasi nagmahal ka lang naman...
"Sigurado ako... tayo ngayon... if things didn't happen the way they did..." habol hininga niya.
"But they did..." bulong ko sapat lamang para marinig niya.
Kita ko ang lalong pagdaan ng sakit sa mga mata niyang namamasa na dahil sa luha.
"We can't blame anyone for what happened, Angelo. Kahit si Beatriz pa." I carefully said as I look at him with so much care. "The decisions we made happened because of us, hindi ng kahit sino..."
"Lia... mahal kita..." nanghihina niyang sabi.
Napayuko ako. Kalungkutan lamang ang nararamdaman ng puso ko para sa kaibigan.
"Angelo, mas maganda kung umuwi ka muna. Hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung ganito na umaapaw ang emosyon mo. Gusto rin kita makausap ng tayong dalawa lang." Tugon ko.
Matagal ko na siyang gusto kausapin pero sa dami ng nangyayari sa pamilya ko hindi ko nagawang unahin 'to, pero I owe him this, as a person I loved before and I deeply cared for, the one thing I could give him is the careful truth, yung kami lang, walang nakakarinig na iba, at gusto ko siya tulungan na marealize at makita ang mas malawak na perspektibo sa nangyayari.
I don't want to invalidate his feelings, but I have to explain it to him with the truth, no sugar coating. We spent our lives hiding and making conclusions, ngayon... gusto ko baguhin 'yon, noong makasama ko si Clyde, 'yon ang natutunan ko.
Tinuruan ako ni Clyde na maging malawak ang pag-unawa at pagtingin sa mga bagay-bagay, ang tanggapin ang para sa akin at palayain ang hindi, ang makita ang maganda sa mabuti... kahit na hindi nakasang-ayon sa akin.
Gusto ko rin ibahagi kay Angelo 'yon, he deserves to be happy... pero kailangan niya muna marinig ng diretso ang katotohanan... mula sa akin.
"I never wanted to hurt him..." Clyde choked from his words while he cries.
Lumapit pa ako ng bahagya sa kanya at bahagyang yumuko para mag lebel ang paningin namin dalawa.
His face was wet from both sweat and tears. Ang buhok niya ay nagulo na rin kung kaya't bahagya kong inayos 'yon. Nanginginig ang kamay niya habang nakakuyom kaya mas lalo kong hinawakan 'yon.
He looks so fragile, kahit na ang laki-laki niya, para siyang batang kailangan yakapin ngayon.
"Kahit kailan... hindi ko ginusto na makasakit kahit sino man..." he said as he convinced his own mind.
Tumango ako.
"I know you will make him happy, I know he can also make you happy... pero... I am being so selfish. Kasi... mahal kita. Mahal na mahal kita, Zabel. Giving you up will detached my heart from me. Paano ako..." puno ng sakit niyang tanong.
Oh Clyde...
Inabot ko siya at marahan niyakap. I hugged him as if I am opening my world to him. I hugged him as if my arms will take all the pain away.
"Tama naman siya... if... if... hindi ka umalis, if you stayed, kayo na siguro ngayon. He will realize it eventually, na mahal ka niya..."
Humigpit ang yakap ko sa kanya kasi ayaw ko ang naririnig ko mula sa kanya. Mas nasasaktan ako na naririnig ko 'to mula sa kanya.
"I feel like I wronged him, pinigilan ko naman, fifteen years... I stopped myself. Oo nga at naging tayo, pero bukas ang pintuan ko na umalis ka kapag narealize mo na siya pa rin. You are my girlfriend but I know, within me, if you realize that you love him still and he finally figured it out on his own that he loves you too, I will set you free..."
Umiling-iling ako. Parang bibiyakin ang puso ko. Bumitaw ako at hinarap siya. Umiwas siya ng tingin sa akin habang patuloy lamang ang mga luha niya sa paglabas.
Hindi ko 'to alam na ganito ang naiisip niya. Oo, our relationship was different, pero ang alam ko, once we see that we won't work out or if we see that someone who was destined for us, sabay namin papakawalan ang isa't isa. Wala si Angelo sa litrato...
"Pero ngayon... pakiramdam ko, kasalanan ko lahat... kasalanan ko kung bakit nagkakaga'non ang pinsan ko," napatingala siya at napabuga ng hangin. "Kasi hindi na kita kaya bitawan..." higit hininga niyang sabi.
"What should I—"
"Mahal kita, Clyde." Buong-buo kong sabi.
Sa pag sabi kong 'yon, parang sumabog ang puso ko, parang may bulkan na matagal ng nagbabadyang sumabog at ngayon lang nakahanap ng lakas para bumuga ng lahat ng naipon nito.
I felt happy.
Sinabi ko lang, magulo pa ang sitwasyon, pero yung kasiyahan ko abot langit na.
I never felt love could be this happy and painful.
This love I have for him... kahit masakit, alam ko masaya ako.
Dahan-dahan bumaba ang tingin niya papunta sa akin. Kita ko ang ka-inosentihan sa mga mata niya. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at tanging pagkagulat ang nakikita ko sa kanya.
His breathing calmed, he blinked a few times and he relaxed. Hinayaan niya ako abutin ang mukha niya para punasan ang namamasa niyang pisngi.
"Mahal din kita..." bulong niya.
Sumilay ang ngiti sa akin pero siya ay nanatiling nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
Oh, I love him...
I love this man so much.
"Sabi mo, sigurado ka na magiging kami kung hindi ako umalis." Ilang segundo akong napanguso bago binalik ang ngiti sa aking labi. "Pero sino ba ang makakalam 'non diba? We could only conclude, assume and think na ga'non nga pero sino nga ba? At kahit ano pa ang nangyari, naniniwala ako na 'yon ang dapat mangyari. We cannot hold on to those kind of thinkings, Clyde. Ikaw mismo nag turo sa akin 'non. Our decisions, whether they are right or wrong, contributes to that path where we should actually be."
I sighed. "At naniniwala ako na noong nag punta ako sa Singapore, hindi ko man inasahan na makita ka roon, mas lalong mapalapit sayo... 'yon ang nakatadhana. Everything was meant to be, just like how it should be." I bit my lower lip. "Corny ba?" Tanong ko.
Maagap siyang umiling na mas lalong nagpangiti sa akin.
Cute.
"Si mamshie ang nagturo sa akin nito, Clyde. Sabi niya, lahat tayo ay nakatadhana para sa isang tao. Kahit ilang tao pa ang mahalin natin, aabot pa rin tayo sa taong para sa atin. And... that love will be different from all the love you felt before. It will feel right, it will feel sure, that love will transcend every... thing... even our own fears." Malambing kong sabi.
Nanglambot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Normally, siya yung gumagawa nito. Making me realize things, he was always the one who's open to possibilities, and he always has this soothing voice that calms me, pero ito ako ngayon... doing it for him, hindi ko na ata magagawang sumaya pa ng higit dito, parang bawal na dahil sa sobra-sobrang kasiyahan ko sa namamagitan sa amin.
"Kahit pakawalan mo ako, Clyde, gaano ka nakakasiguro na makakawala ako?" Bigla kong tanong sa kanya.
I saw I caught him off guard.
"Uh..." paghanap niya sa mga tamang salita. "I just thought... na baka... you will be happier..."
"Kahit pakawalan mo ako hindi ako aalis. Ga'non ako kasigurado sa'yo. Hindi ko kakayanin, my heart... my love... is all for you... this is the love I am not willing to give up. I won't back down kahit ano mangyari, kahit sino pa humiling sa akin. I won't let anyone take this away from us..." Umiling ako. "Can't you do that for me too—"
"Will you marry me?" Maagap at buong-buo niyang tanong.
"...fight for me..." halos bulong kong pagtuloy sa nais kong sabihin.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumango. "Yes!"
Bumilis ang aking pag hinga at tumango ako ng tumango. "Yes, I will marry you, Clyde." Sigurado kong sabi at pareho kaming nangiti sa isa't isa.
Walang sabi-sabi niya akong hinila at nilapat ang labi niya sa akin. His arms encircled my waist and my hands rested on his shoulders. We both smiled in between kisses. I felt him deepen the kiss and I let out a moan. I like it... I love it... everything he is making me feel. Sumunod ako sa kanyang ginagawa at buong puso rin siyang hinalikan.
Humigpit ang hawak ko sa kanyang button down top nang maramdaman ang paghingi niya ng permiso na ipasok ang dila niya sa aking bibig. I willingly obliged and all my sanity left me. Mas lalo niya akong nilapit sa kanya pero pareho kaming nawalan ng balanse.
We fell.
Mabilis niya akong sinalo at siya ang nauna mahulog.
Sumunod ako at napapatong sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin at pareho kaming napangiti. Sa huli ay natawa kami pareho at sumiksik ako lalo sa kanya. Niyakap niya ako at nahiga kami sa malawak na field.
This is all I will look forward to.
To be in his arms.
"I have never been selfish in my entire life, Zabel."
Nilingon niya ako at sa buong gabi na 'to, ngayon ko lang nakita ulit ang maaliwalas niyang mga mata.
"But if for you, selfish could be my surname."
Nangiti ako para pigilan ang pagtawa. Nagkunot ang noo niya. Tinaasan ko siya ng kilay at kita ko ang lalong pagkunot ng noo niya at pagnguso niya.
Inabot ko siya at bahagyang dinampian ng halik sa labi.
Humalakhak ako nang mamula bahagya ang tenga niya.
I remember before, nasabi na ito sa akin dati ng mga Montgomery... na si Simon ang namumula ang tenga pagkanahihiya, magkapatid nga sila.
"I never get shy..." bulong niya.
"Corny ka lang?" Tanong ko sabay ngisi.
Sinamaan niya ako ng tingin at mas lalong niyakap pa. Inipit niya ako kaya napasigaw ako habang natatawa. Hinalik-halikan niya ako sa buong mukha ko, lahat ata ng parte ng mukha ko ay nadampian niya ng labi.
"Damn. Ang tagal ko naghintay." Aniya.
"Thank you," tugon ko.
Natigilan siya.
"For waiting for me..." dugtong ko.
Umayos ako ng higa at pinakatitigan siya. Buong puso niya rin ako tinignan. Clyde is someone who wears his heart on his sleeves, but seeing him now, looking at me like this, I felt like his heart really belongs to me.
Parang ako lang ang nakikita niya.
"I don't mind waiting all over again, basta ikaw ang ending..."
"I love you," Ngiti ko.
Inabot niya ang ilang buhok na tumakas sa tenga ko at binalik iyon sa likuran 'non.
"You are the only woman I ever loved. Noon pa man, I thank the butterflies, the tree house... for leading you to me."
"I thank God, Clyde. For letting you... love me."
"I was willing to pay just to have you love me... kahit sa panaginip lang." Napapaos niyang sabi."Hindi ako makapaniwala..."
"It was a free fall, Clyde."
His lips curved into a smile and I feel like his eyes were smiling too.
"I will make you fall everyday." Aniya sa siguradong sigurado na tono. "You are my love, you will be my wife."
Pumikit siya at gumalaw ng bahagya para dampian ng halik ang noo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top