Ikalimangput-isang Tugtog
Next chapter will be the last glimpse for Clyde's POV then Wakas...
Just a little bit more and this story will finally come to end. I have more to say but I am just very emotional right now for this story was hard and meant to much to me at the same time. For now, let's enjoy the love for this chapter.
Thank you!
Marry me
Ikalimang silip kay Clyde
The love I have for my family was indeed more than my life. I could catch a bullet for all of them. And... I never thought I'll find a love... more than all the love I have for anyone before. I cannot say that I love her more than my family because she's my family now... but... what I can just say is... my life here was fulfilled because of her...
Because I have her... this life is worthwhile.
And that's where I started defying my unending loyalty with my family.
"We need to talk,"
Hinablot ni Angelo ang kanang kamay ni Lia.
My heart trembled with anger I never thought could surface for my cousin... for a family.
"Angelo, let's talk some other—"
"I didn't know you're this asshole."
Maingat akong lumapit sa kaliwang banda ni Lia. I grabbed her left hand softly and intertwined our fingers. I did it not just to stop her from going with Angelo, pero para pakalmahin din ang puso kong nag sisimula ng magalit.
Kita ko ang pag-igting ng panga ng pinsan ko. Angelo's eyes snapped towards me, glaring at me, at alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng galit sa pagitan naming dalawa kung hindi siya rin.
"You're the asshole! Gustong gusto mo tumutulong? Oh don't bluff! Lahat ng tao akala ikaw yung mabait? Hindi nila alam, it is just your way to get things your way!" Singhal niya sa akin at marahas niyang hinila si Lia mula sa akin pero mabilis ko iyon pinigilan.
I reached for her waist and grabbed her securely to my side.
I am sorry, Angelo...
I can't give in, I can't give her up...
Pinantayan ko ang galit ng mga mata niya, I defied my willingness to sacrifice for my family, I indulged my selfishness this time, I have embraced the love I was willing to fight for.
"Call me names, paniwalaan mo ang gusto mo paniwalaan, throw tantrums, punch me if you like, I don't care, Angelo. 'Wag lang siya."
Nanginig ang boses ko sa halo-halong emosyon.
Sa galit, lungkot, pag-mamahal at kagustuhan na... maintindihan ito ng pinsan ko. I don't want to fight, kung ako lang ay gusto kong maging masaya ako kasama rin sila pero kung hindi sila magiging masaya para sa akin, then... I have to do this alone.
"I can't let you touch her. Not my world. Because, I'll cut every gravity between the both of you."
Pinag luksaan ng puso ko ang nasirang relasyon ko sa pinsan ko. Gusto kong umasa na balang araw ay matatanggap din nila, na... hindi na magiging mali sa paningin nila ang pagmamahal ko para kay Lia, na... mapapatawad din ako ni Angelo na minahal ko si Lia...
But... my heart couldn't hide that I hoped for their acceptance. Mahal na mahal ko sila na napakasakit pala na makitang kailangan ko 'to gawin mag-isa.
Oh, how I would love to be with them while I pursue my happiness...
I clutched my heart and cried hard. I shouted with so much pain. Nakaluhod ako habang sapo-sapo ang puso ko. Basang-basa ang mukha ko ng mga luhang ilang buwan ko na atang bitbit.
"Ahhhhhh! Fuck! I am sorry..." sigaw at panghihina ko.
Nandito ako ngayon sa lugar kung saan nakaparada ang mga helicopters ng pamilya namin. I always go here whenever I want to be alone...
Napakaliwanag ng buwan na nakapaibabaw sa buong kalangitan pero napakadilim ng puso ko. The light coming from the moon didn't suffice to at least make my heart feel lighter...
I whimpered when I felt a presence in front of me. Naramdaman ko ang paglukob ng mainit na haplos sa kamay ko. Her hand pressed mine— the one holding my chest. Masakit akong napahikbi nang maramdaman ang kaginhawaan sa hawak niyang iyon. Nanatili akong nakayuko sa kahihiyan.
I feel so guilty...
Nakokonsensya ako na haplos lang niya ay... ayos na ako.
I know I don't deserve this. I am a flawed man. I don't deserve this kind of grace. Pero ito ako, hinehele ng haplos at hawak niya. Like her touch could save me... like... it kisses all my sorrow and guilt away, as if...
She is my salvation...
Oh God, please forgive me...
"I never wanted to hurt him..." I choked from my own words while I continued crying.
I surely looked like a mess. Basa ako ng pawis at luha pero kung ayusin ni Lia ang mukha ko ay parang ako pa rin ang pinakamagandang nakikita niya. My heart hurt from the love I am receiving but for every love I feel from her, my guilt increases...
Humigpit ang hawak niya sa kamay kong nakakuyom.
"Kahit kailan... hindi ko ginusto na makasakit ng kahit sino man..."
Umiling ako nang mag bara muli ang lalamunan ko.
"I know you will make him happy, I know he can also make you happy... pero... I am being so selfish. Kasi... mahal kita. Mahal na mahal kita, Zabel. Giving you up will detach my heart from me. Paano ako..." puno ng sakit kong tanong.
Paulit-ulit ko iyon tinatanong sa sarili ko kada pasok sa isip ko na sumuko nalang para maging masaya na silang lahat ulit.
Dahil aminin ko man sa oo o sa hindi ay hindi ko mapigilan maisip na kung mawala ako sa litrato, they can all be happy. Liazabel loved him before, if I go... maybe... she'll love him again. Magiging masaya ang pinsan ko. He once made her happy, kaya baka maging masaya rin si Lia kalaunan. Then my family won't have a hard time between us two...
Pero ang kasamaan sa puso ko ay napapatanong minsan...
Kung paano ako? Paano naman... ako?
This is something I badly want for myself...
Pwede ba ako mapagbigyan?
I crouched from the unbearable pain. Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin na panandalian lang din dahil binalot ako ng mainit na yakap ng babaeng pinakamamahal ko. Parang matutunaw ako sa yakap niyang iyon, gusto kong 'wag umalis doon, manirahan doon at maging masaya.
Liazabel, hindi ba pwedeng maging masama ka nalang sa akin? That way, I could probably give you up. Hindi itong ganito. As I receive your love, it's like my strength to fight just becomes stronger, baka kahit sino ay banggain ko nalang para lang tayo sa dulo.
"Tama naman siya... if... if... hindi ka umalis, if you stayed, kayo na siguro ngayon. He will realize it eventually, na mahal ka niya..."
Her hug for me got tighter.
Fuck. I can... live in her embrace...
Dito nalang po ako.
"I feel like I wronged him, pinigilan ko naman, fifteen years... I stopped myself. Oo nga at naging tayo, pero bukas ang pintuan ko na umalis ka kapag narealize mo na siya pa rin. You are my girlfriend but I know, within me, if you realize that you love him still and he finally figured it out on his own that he loves you too, I will set you free..."
Parang pipilasin ang puso ko sa bawat katagang lumalabas sa bibig ko. Naramdaman ko ang pag-iling niya. Bumitaw siya sa akin na gusto ko sanang pigilan pero nang hanapin niya ang linya ng paningin ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang mapaiwas.
I don't want to look so weak. I want to always look capable in front of her, dahil iyon ako para sa kanya. I was always the strong Clyde in front of her ever since, gusto ko malaman niya na kaya ko maging sandalan niya panghabangbuhay.
Hindi iyong ganito na parang matutunaw ako sa bawat haplos at yakap niya. Na ang totoo... may kahinaan ako.
The thought of us not being together at the end— that's my weakness. And it looms over me every second I see my cousin.
"Pero ngayon... pakiramdam ko, kasalanan ko lahat... kasalanan ko kung bakit nagkakaga'non ang pinsan ko," napatingala ako at napabuga ng hangin. "Kasi hindi na kita kaya bitawan..." higit hininga kong sabi.
I saw her face etched with pain and sadness looking at me.
Tignan mo? Napalungkot ko siya...
Wala pa man pero malungkot na siya dahil sa akin! Fuck! Kaya ko ba talaga siya pasiyahin?!
"What should I—"
"Mahal kita, Clyde." Buong-buo niyang sabi.
Natigalgal ako sa narinig mula sa kanya. Nanglambot ang nakakuyom kong palad. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko. Napalitan ang ekspresyon ko ng gulat. This time, nalusaw na talaga ako sa malamig na tubig na bumuhos sa lahat ng pangamba ko kanina dahil lang sa tatlong salitang lumabas sa labi niya.
My breathing calmed, I blinked a few times and the fire inside me got tamed.
Mahal kita, Clyde
She said she loves me. Para sa akin. It was my name.
My fucking name!
Inabot niya ang mukha ko at marahang pinunasan ang mga luha ko.
Her soft hands felt so good on my face.
"Mahal din kita..." bulong ko.
Ang sakit at saya sabihin.
Gusto kong mag duda na mabait lang siya kaya niya ito sinasabi sa akin, na masyado lang siyang mabait sa akin kaya niya 'to nagagawa sa harapan ko pero ang mga mata niya ang nagpapakawala ng lahat ng pangamba ko.
A smile formed on her lips. Nagningning ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Her eyes gave her away. The genuineness of her feelings was delivered not just by her words but by her gaze too.
Hindi ko alam na ganito pala kasaya mapaluguran ang matagal ko ng pangarap. My successes all fail compared to the joy my heart feels hearing and seeing her love for me...
God...
What did I do to deserve this? Sana hindi po kayo mag-sisi na pinagbigyan niyo ako ng ganito.
"Sabi mo, sigurado ka na magiging kami kung hindi ako umalis." She cutely pouted before smiling again. "Pero sino ba ang makakalam 'non diba? We could only conclude, assume and think na ga'non nga pero sino nga ba? At kahit ano pa ang nangyari, naniniwala ako na 'yon ang dapat mangyari. We cannot hold on to those kind of thinkings, Clyde. Ikaw mismo nag turo sa akin 'non. Our decisions, whether they were right or wrong, contribute to the path where we should actually be."
Her voice was sweet, mellow and calm, like she has all of this mapped out. Na habang gumuguho ako, siya naman ay buong buo ang pagmamahal para sa akin.
She sighed. "At naniniwala ako na noong nag punta ako sa Singapore, hindi ko man inasahan na makita ka roon, mas lalong mapalapit sayo... 'yon ang nakatadhana. Everything was meant to be, just like how it should be."
She bit her lower lip.
Nag tagal ang tingin ko roon.
Oh... I want to kiss her so bad!
Can I?
"Corny ba?" Tanong niya.
Maagap akong umiling na mas lalong nagpangiti sa kanya.
Parang maamong bata akong tumugon, kaya kong um-oo sa lahat ng tanong niya. Kaya ko siya pag bigyan sa lahat ng tanong at hiling niya.
"Si mamshie ang nagturo sa akin nito, Clyde. Sabi niya, lahat tayo ay nakatadhana para sa isang tao. Kahit ilang tao pa ang mahalin natin, aabot pa rin tayo sa taong para sa atin. And... that love will be different from all the love you felt before. It will feel right, it will feel sure, that love will transcend every... thing... even our own fears." Malambing niyang sabi.
Nanglambot ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
Her eyes reflected the comfort I willingly gave her the past years of being together.
Gusto kong hilingin na ngumiti pa siya. Wala siyang ideya sa kayang ibigay ng ngiti niya sa akin, kaya kong pag trabahuhan iyon habang buhay. And my life long mission will be to make her happy for the rest of our life and the next life times we have yet to discover.
"Kahit pakawalan mo ako, Clyde, gaano ka nakakasiguro na makakawala ako?"
Natigilan ako sa tanong niya.
"Uh..." paghanap ko sa mga tamang salita. "I just thought... na baka... you will be happier..."
Naisip ko lang naman iyon...
Her voice sounded so accusing.
Naisip ko lang dahil nakita ko naman kung paano niya minahal noon si Angelo. At hindi mahirap mahalin ang pinsan ko, if I am out of the picture, she could love him again? Perhaps...
But...
Her pretty brows furrowed.
Umiling siya at marahang nag taray ang mga mata.
"Kahit pakawalan mo ako hindi ako aalis. Ga'non ako kasigurado sa'yo. Hindi ko kakayanin, my heart... my love... is all for you... this is the love I am not willing to give up. I won't back down kahit ano mangyari, kahit sino pa humiling sa akin. I won't let anyone take this away from us..." Umiling siya uli. "Can't you do that for me too—"
Oh princess,
There's only one thing I can think of right now...
Bagay na alam kong kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan. Ga'non pala iyon, my father said I will know when to ask when I am ready, ako lang daw ang makakaalam 'non, at hindi ko mapapansin na nag hahanda na ako pero ngayon, I cannot say I have prepared anything, hindi ko naman din alam na ganito pala ang ibig sabihin 'non, like a rocket shooting towards the space, you'll just want to jump and feel that sky rocket happiness being fulfilled.
Although, this is not how I want to do it, she deserves every grande thing I can give, but... I could provide that later. For now...
I can feel it, I am ready to marry her.
Kahit ilang beses pa. Kahit saan. Basta siya ang mag lalakad papunta sa akin.
"Will you marry me?" Maagap at buong-buo kong tanong.
"...fight for me..." halos bulong niyang pagtuloy sa sinasabi niya.
Rumehistro ang gulat sa kanyang mga mata. The cold air blew and hugged us both. Gusto ko siyang yakapin para hindi siya lamigin pero tila napako ako sa kinau-upuan ko dahil sa kaba na baka humindi siya? Our relationship is still in the works tapos tatanongin ko siya kung gusto niya ako pakasalan!
Katatapos ko lang mag break down kani-kanina! Hindi pa tapos ang problema namin kay Angelo! My face right now doesn't look marry-able!
Fuck.
Did I mess it up? Mali ba na tinanong ko na ngayon? Pero pwede naman humindi...
I just don't want to miss the chance!
Makakapag hintay naman ako!
But...
Please say yes for me, princess...
I bit my lower lip for the anticipation she quickly blew away.
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumango. "Yes!"
"Yes, I will marry you, Clyde." Sigurado niyang sabi at pareho kaming nangiti sa isa't isa.
She didn't even give me a chance to doubt, her eyes showed everything. She was sure. She said yes. It was her real decision!
She loves me! She is going to marry me! She is making my dream come true!
Walang sabi-sabi ko siyang hinila at nilapat ang labi ko sa kanya. My arms encircled her waist and her hands rested on my shoulders.
I can't help but smile in between our kisses, ang tamis ng halik niya sa akin ay tila nagpapawala sa hwisyo ko.
I am addicted to her touch but I am insane for her kisses.
Siya rin ay ngumiti sa pagitan ng aming mga halik at tila napupos ako lalo. Nilaliman ko ang aking halik, devouring her lips like I was hungry for it all my life. My heart throbbed like a wildfire, sumabog ang pagmamahal kong pilit kong winawaksi sa mga taon na lumipas, pinaluguran ko sila dahil ngayon ay pwede na.
While kissing her, my legs got weak and I lost my strength, I melted in her arms which made us both fall.
Mabilis ko siyang sinalo.
Sumunod siya sa akin at napapatong sa ibabaw ko.
Nagtama ang mga mata namin at pareho kaming napangiti. Sa huli ay natawa kami pareho at sumiksik siya lalo sa akin.
I hugged her tight. Niyakap namin ang isa't isa sa gitna ng malawak na field.
I never thought a fulfilled dream can look like this. In the middle of a field, under the stars, face drenched in tears, weakened heart, breaking down but loved.
"I have never been selfish in my entire life, Zabel." Kapos na hininga kong sabi.
"But if for you, selfish could be my surname."
Nangiti siya, tinatago ang kagustuhang matawa! Nagkunot ang noo ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako at napaiwas ng tingin! Tila ngayon ko naramdaman ang hiya sa lahat ng nangyari, sa mga salitang nabitawan ko, hindi ko na talaga siya pakakawalan! She saw everything of me already, that sealed the deal! Hindi na siya makakawala pa sa akin!
Inabot niya ako at bahagyang dinampian ng halik sa labi.
Nag-init ang buong mukha ko!
Talagang malulusaw na ako nito!
I am slave for her every sweet actions! Gusto ko pa... gutom na gutom ako para rito!
Welcoming this gestures from her is like finally seeing water after a long walk on the desert.
"I never get shy..." bulong ko.
"Corny ka lang?" Tanong niya sabay ngisi.
Sinamaan ko siya ng tingin at mas lalong niyakap pa. Inipit ko siya kaya napasigaw siya habang natatawa.
Hinayaan kong manaig ang gigil ko sa kanya! I kissed her face multiple times, my kisses rained her, bawat parte ng mukha niya ay dinampian ko ng halik, minamarkahan ang matagal ko ng gustong gawin.
"Damn. Ang tagal ko naghintay." Pag-amin ko.
"Thank you," aniya.
Natigilan ako.
She is thanking me? For what?
Pangarap ko ang natupad...
"For waiting for me..." dugtong niya.
Umayos siya ng higa at pinakatitigan ako. I focused on her like it was the last thing I'll do in this lifetime. Siya ang unang taong hahanapin ko sa susunod na buhay ko, kung mayroon man. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita. At kung mauulit man ang lahat, siya pa rin ang mamahalin ko.
Kung may babaguhin man ako, I will woo her the instant I see her, para hindi na kami umabot pa sa parteng makakasakit kami ng iba. I will make sure we will love each other earlier so that Angelo will be saved from pain.
"I don't mind waiting all over again, basta ikaw ang ending..."
"I love you," Ngiti niya.
Her smile definitely saves me.
I am in awe of her...
Inabot ko ang ilang takas na buhok niya at nilagay iyon sa likuran ng tainga niya para mas makita ko pa ang mukha niya.
Everything about her is artsy and deep, to be seen by her is like being an art deserving for recognition.
But I don't want to be recognized by anyone else, siya lang ang gusto ko, sapat na siya... sobra-sobra pa para sa akin.
"You are the only woman I ever loved. Noon pa man, I thank the butterflies, the tree house... for leading you to me."
Mahal na mahal ko siya...
"I thank God, Clyde. For letting you... love me."
And I know I am also loved by her...
"I was willing to pay just to have you love me... kahit sa panaginip lang." Napapaos kong sabi."Hindi ako makapaniwala..."
Siya ay panaginip ko... noon pa man.
Her eyes glistened.
"It was a free fall, Clyde."
Mukhang nahulog nga ako sa bangin, pero sumama siya sa akin. She made sure she caught me the moment I thought I will fall without her catching me.
Nauna lang ako pero humabol siya.
My lips curved into a smile.
"I will make you fall everyday." Desidido kong sabi. "You are my love, you will be my wife."
Pumikit ako at gumalaw ng bahagya para dampian ng halik ang noo niya.
Her hands rested on my chest and I was sure she can feel how loud my heart was beating for her.
Just for her. Insanely. All for her.
She freely fell for me while I was willing to pay for both of us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top