Ikalimangpung Tugtog

Hi lovely Inspirados!

As promised: here's a link for the spotify playlist for Free Fall!

https://open.spotify.com/playlist/1b9TaxwrKQOLaoRjkAKG9e?si=QRfcNiuQRBy5GqAnJu4UhA&pi=a-oKhx8re4Qr2y

Enjoy! Thank you!

Chances

Ikaapat na silip kay Clyde

Having the chance to love her everyday just drowned me more. It was a struggle to convince myself everyday... na may hangganan ang lahat ng nararamdaman ko.

Drown in a way that... noon akala ko, by convincing myself every fucking day that I don't hold her heart... I'll be able to let go and save myself one day. Pero hindi, sa bawat ngiting makikita ko, sa bawat hawak at usap namin, parang lalo lang ako lumulubog, mas lalo ko lang siya minamahal.

Kung noon, dalawa ang pwedeng magpabago ng nararamdaman ko, my situation and her love for my cousin, ngayon... tanging ang pagmamahal nalang niya sa pinsan ko ang pwedeng pumigil sa akin.

Because I'll fix myself. I am determined to be okay just so I could be here. Aayusin ko ang buhay ko dahil iyon lang ang kontrolado ko.

And... that reality scared me more when we went back to the Philippines.

Noong bumalik kami, I told myself that I will loosen my grip towards her, mamahalin ko siya pero hindi gaanong mahigpit ang pagkakahawak ko... so that when she finally decided to go back to Angelo, I could let her go.

Sa parte ko, iniinom ko sa oras ang gamot ko, I still talk to my therapist, I tried my best to be okay... for her, I want to keep going.

Alam ko rin na kakaiba ang pagmamahal niya para kay Angelo noon, nakita ko iyon sa napakahabang panahon. Minsan naiisip ko na hindi na niya magagawang mag mahal pa.

But... the power she has over me whenever she assures me... parang gusto ko na talagang umasa na baka pwede? Baka pwedeng ako?

Luluhod at taimtim akong mag dadasal na pag bigyan ako.

"Nakakalimutan mo na ba ang pangako natin sa isa't isa?"

Umiling ako. "Hindi."

Tumango ako at binigyan siya ng ngiti. Akmang tatayo na ako nang hinila niya ako ulit para humarap sa akin.

"What we have is real, Clyde. It is real. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang ideya na 'yan pero gusto lang kitang i-assure. Hm? That's why it doesn't bother me if I'll enter your room. We are what we are and it's special."

I bit my lower lip and saw her smiled to me.

Lia, wag kang ganyan, aasa na talaga ako.

Kahit gusto ko mag damot, hinayaan ko siya na makasalamuha si Angelo. Una sa lahat, pakiramdam ko wala akong karapatan na bakuran siya, pangalawa... gusto ko maging patas siya sa sarili niya at malaman kung ano ang gusto niya talaga.

Gusto ko siya maging masaya.

Kahit hindi ako, basta masaya siya... okay ako.

"You are spacing out again."

I watched her eyes, how guilty and shock she looks.

Sa mga nag daang taon na magkasama kami ay nakabisado ko na siya. Alam kong naguguluhan siya, nasasaktan ako na ga'non nga pero gusto ko pa rin siya samahan.

Kahit na kakapusin ata ako sa bawat pag hinga ko, sasamahan ko pa rin siya. I will only let her go when she finally decides that she chooses Angelo.

I never thought I could do this for a girl, akala ko noon magiging madali lahat para sa akin, I am good in school, hindi ako bulakbol, I have less escapades compared to my cousins, I don't have a bad reputation, I can easily date anyone I want... akala ko.

Pero ang hirap pala kung hindi ka naman gusto ng gusto mo.

She bit her lower lip and smiled bitterly.

"I am not. May naisip lang sandali." She reasoned out.

Oh, Lia... my confused Lia...

Malapit mo na ata ako durugin...

Kailangan ko ng mag handa hindi ba?

"What are you thinking about?"

Bago ako maging boyfriend, I was her friend first at gusto ko maging andyan para sa kanya.

Kaya ko lunukin lahat para lang protektahan ang puso niya.

"Hmmm... I was thinking about... h-how—to deal with your cousins."

She's lying...

Ganito na siya simula noong unang beses sila nag kita ni Angelo. Alam kong naguluhan siya nang mag kita sila, at alam ko rin na... mas mahirap na ngayon dahil nagising na sa kahibangan ang pinsan ko.

He finally saw what I saw for years before... until today.

Finally... he saw.

Lia deserves to be loved... by the person she loves.

Gabi-gabi akong nag dadasal simula 'non, araw at gabi akong nag bibilang sa papalapit na katapusan ko. Sa sobrang takot na nararamdaman ko, parang oras nalang ang bibilangin at hindi ko na siya pwedeng samahan sa araw-araw.

It scared me.

Fucking scared the shit out of me.

Mahal na mahal ko siya. Gusto ko sulitin ang panahon na binigay sa akin ng Diyos.

I successfully parked the car and remained still for a minute.

I painfully smiled and felt my chest hurt.

Tangina. Hindi man ako basted-in ni Lia, masasaktan pa rin talaga ako.

"Okay..."

I sighed.

Pero tangina talaga, kahit ga'non, sige ayos lang... at least nakasama ko pa rin siya sa tatlong taon na nag daan.

We both helped each other, ayos naman na siguro iyon diba?

"Clyde—"

"Bakit mo naman iniisip kung paano sila haharapin?" Pag-putol ko sa sasabihin niya.

I'll pretend that I buy her lies.

I will do it so that it will be easier for her.

I will pretend... for more seconds... for more time... I will treasure even these moments with her.

I smiled.

"Hindi ko lang alam kung paano sila haharapin pagkatapos ng maraming taon. Naging malapit din ako sa kanila, Clyde. Hindi ko alam kung anong iniisip nila tungkol sa akin ngayon. Before, I was Angelo's bestfriend who fell in love with him, who was broken, who suffers from unrequited love. Ngayon kaya... ano?" I said truthfully.

Bahagya akong natigilan, nahimigan ko na kahit papaano ay may kaunting katotohanan sa sagot niya.

"Now... you are my girlfriend. My cousins will understand. Alam nila lahat ng nangyari dati, alam nila na deserve mo maging masaya."

"But still—"

"Don't worry too much, Zabel. Everything will be okay."

They will understand. Wala silang magagawa. Kung sakali man na... totoong sa huli ay ako at siya, alam ko ang kaya kong gawin para sa amin. Ni hindi magiging problema ang pamilya ko dahil wala na akong magiging pakielam 'non, tanging siya lang at kami ang iisipin ko.

The only thing that's stopping me is her love for Angelo, at bigyan niya lang ako ng pahiwatig na tapos na iyon...

Tapos ang usapan.

Sa huli ay ako at siya. Walang papagitan. Pamilya ko man o si Angelo, I will not... give her up.

Days passed by after we went home to the Philippines ... at mas naramdaman ko lang ang pagkalito sa kanya. Nag bakasyon kami kasama ang mga pinsan at kapatid ko, dito ay hinayaan ko siyang gawin ang gusto ng puso niya.

Hindi ako dumikit sa kanya kahit na ang gusto ko lang ay samahan siya parati. I want to spend time with her and be with her always but... alam kong kailangan ko siyang tulungan na malaman sa sarili niya kung anong gusto niya talaga.

Tatawanan ako ng mga pinsan at kapatid ko kung malaman nila na ganito ang naiisip ko.

I am far different from the way they love. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito... pero ang sabi ni mommy ay may pagkaka tulad ako sa lola ko, Lola Selena, she's patient and her love endures, she's far more willing to sacrifice...

Besides... hindi ko rin kakayanin na nahihirapan si Lia.

Her confusion makes her sad and I don't like her sad... so if helping her see Angelo to make it clear to herself what she really wants, I will help her.

I waited for little moments I could be with her, kahit tuwing umaga lang, for breakfast...

I don't want to take much of her time...

But I want to be with her too habang pwede pa, so I settled for few hours of her time.

"Here we go..." bulong ko.

I wanted to surprise her, malapit na kami umalis at bumalik, nararamdaman ko rin na malapit na ang katapusan ko sa kahibangan kong pag mamahal at pag-asa sa kanya kaya gusto ko magkaroon ng magandang ala-ala bago matapos ang lahat ng 'to.

I carefully put away my hanky from her eyes.

Ngiting-ngiti ako, waiting for my love's expression.

I hope she likes this...

Seeing her anticipation swelled my heart. Oh, how much I am willing to give her more of these.

Ang sakit ng puso ko.

"Clyde..." she whispered.

"Do you like it?" Muli kong bulong sabay hawak sa kanyang kamay para gabayan siya muli sa paglalakad palapit sa upuan.

I beg for more moments like this.

Kahit kaunting oras pa para mahawakan lang siya.

Hindi siya makasagot, nakatingin lamang siya sa kanyang harapan hanggang sa makaupo.

I prepared a table for two. I cooked for us but the design, table setting and all that, I asked help from the people maintaining this island. Gusto ko ito maging espesyal, I wish for mornings like this with her, kahit noon pa man sa Singapore.

Hindi ang engrandeng candle light dinner ang mga pinaka tumatak sa akin, I love those yes... but our simple breakfast waiting for the sunrise and our coffee talks after our quick grocery as we wait for the sunset... are what I dream and begged for more.

Umihip ang hangin, sumabog ng kaunti ang kanyang buhok. Ang ganda niya, sobra, para siyang anghel na kailangan ingatan sa napakadelikadong mundo na ito.

Nag angat siya ng tingin sa akin at matamis na ngumiti.

Ugh, damn beautiful.

Gustong gusto ko siya hawakan, I want to kiss her so bad too! Fuck this!

I want a kiss beside the shore, at this morning!

I stared right back at her. Nanamnamin ko 'to, hanggang sa akin pa ang oras na 'to.

"Hey...do you like it?"

Maybe... hindi niya nagustuhan? Hindi siya nag sasalita, basta lamang siya nakatingin sa akin. Kahit tuwing exams ay hindi ako kinakabahan! O tuwing mag pe-present ako para sa isang business proposal ay hindi rin!

Huling ala-ala ko na kinabahan ako ay noong makikita ko siya sa ulit sa Singapore, at pagkatapos ay ngayon nalang ulit.

Maybe this is the wrong time? I should have given her more? Perhaps, gusto niya pa pag-isipan ang tungkol kay Angelo? Baka nakakagulo ako sa kanyang pag-iisip?

Oh fucking desperate shit.

Did I just mess this up?

Tatayo na sana ako para lapitan siya nang magulat ako sa biglaan niyang pag ngiti.

Binaling niya ang tingin sa dalampasigan.

Huh? Anong ibig sabihin 'non? Bakit siya ngumiti? Is that a good thing?

Damn fucking nervous nerves.

"Zabel?" Pag-tawag ko sa kanya na may himig na kaba.

Gusto ko ayusin ang boses ko pero hindi ko talaga magawang itago ang kaba ko roon.

Nilingon niya ako ngunit wala pa rin siyang sinabi. Hinipan lamang ang kanyang buhok muli at natameme na naman ako sa paninitig sa kanya.

"Are you unhappy?" Tanong ko at tuluyan na akong binigay ng pag-aalala sa aking boses.

"Are you mad? Kasi ayaw mo ng ganito diba? Surprises... kasi mas gusto mo yung kalmadong relasyon? A relationship just like friends?"

Napalunok ako.

Garalgal ang aking boses at parang pinupukpok ng martilyo ang puso ko.

I always remember her telling me that she wants a calm relationship...

Instead of rainbows, fireworks and surprises, she prefers calm, stillness and serenity.

Heck. I really did ruin this.

"Did I went overboard?" Bakas na bakas sa boses ko ang pangamba.

Ililigpit ko na 'to ngayon din!

Sino kaya ang pwede kong hingan ng tulong? I'll ask them to remove everything, ilipat nalang ang aming mga pagkain sa patio o kung saan man na mas simple!

My jaw clenched as I tried to keep myself calm.

Alright, Clyde. You messed up. Now what? Isip. Utak muna.

Siguro ihatid ko muna siya pabalik sa cabin? Then I'll ask someone to help me remove this fucking pahamak shit, then... I'll put our food back to their cabin, doon nalang kami kakain?

"Ang gwapo mo,"

Muli akong natigilan sa iniisip.

Napangiwi ako sa narinig.

Now she's bluffing! Pinapagaan niya ang loob ko para hindi ako gaanong masaktan. Ganito iyon diba? Pupurihin ka, papagaanin ang loob mo at papasayahin ka pero sa huli ay sasaktan ka pa rin.

Ganito ba ang nararamdaman ng mga babaeng ni-reject ko noon? I'll tell them they're pretty... but it's not them that I like so... sorry?

"Liazabel, you can tell me if you're unhappy..." I reassured. "...no need to tease me,"

Saktan mo nalang ako agad! Para matapos na! I have braved myself for this for a long-long time now, kaya ko ito! Iiyak at magugutay gutay lang ako pero kaya ko 'to!

I can hear Agatha or Alice laughing! Telling me 'sad boy' ko naman!

Parang hindi niya ako naririnig, nanatili siyang nakatanaw sa akin, pinapasadahan ang mukha ko at ang buong... katawan ko.

Nag-init ang tenga ko sa huling naisip.

Delusional, Clyde.

"Thank you, Clyde..." aniya.

I shifted from my seat.

Shit.

Ito na... nagpapasalamat na siya.

Ito na ba yung 'thank you pero hanggang dito nalang'? o kaya 'thank you pero nakapagdesisyon na ako, salamat nalang sa lahat'?

My lips parted to all the pain that crossed my heart.

O baka...

'thank you for everything but... I can't give you the love that you deserve'?

Masyado siya mabait para diretsuhin ako.

"Hindi ako galit, mas lalong hindi ako malungkot, I am just out of words." she breathed. "Oo nga at ayoko ng surprises at gusto ko ng tahimik na relasyon but I admit... what you've done today... I realize how happy you make me and..."

O baka, gusto niya magpasalamat para makapagpaalam—

Wait, what?

Ano raw?

I make her happy?!

Sa mga mata niya ay nakita ko ang pagbabago! Hindi ko alam kung ano iyon o hindi ko matukoy kung anong tawag man doon pero... I know something changed.

I've been with her for years, observed her with every second I have... kaya alam kong may nag bago, alam na alam ko siya, pag hinga pa lang niya ay alam ko na ang ibig sabihin.

I can't take this!

I have to see her clearly, maybe I am missing something?

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Inabot ko ang kanyang kamay at parang binigay na sa akin ang buong mundo nang mag lapat ang mga kamay namin. I moved her to face me, inabot ko ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at ibinaba iyon.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinanap ang kanyang mga mata.

I looked at her worriedly.

She looks amused but confused at the same time. Nag niningning ang mga mata niyang nakatingin sa akin, nag babadya ang mga luha roon.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Puno ng pag-aalala ang aking tinig.

Umiling siya at mabilis akong niyakap. Inabot niya ako at pinulupot ang kanyang braso sa aking leeg. I can't help but shift my weight again to properly help her to hug me, ayoko siya mahirapan na abutin ako kaya nag adjust ako para mayakap niya akong mabuti.

I placed my hand on her lower back to hug her back.

Kumalampog na naman ang puso ko! Parang mapupunit sa mga gustong maisip pero takot na mabiyak sa bigong pag-asa.

This is the first time she let me see too much emotions from her. This is the first time she actually initiated and went near me... to see how vulnerable she is.

Like a baby, muli siyang umiyak ng masakit pero hindi nakatakas sa akin doon ang ginhawa.

Ibinalik ko ang aking yakap at hinagod ang kanyang likuran. Napahikbi siya at parang dudugo ang labi ko sa pagkagat 'non.

I don't like hearing her cry...

"I...I..." hirap niyang sabi.

Shush... I want to shush her. Shush princess, it's okay... kung masakit, hindi mo kailangan mag salita.

Maiintindihan ko kung thank you lang ang kaya mong sabihin, hinanda ko na ang sarili ko rito, I will take it all in, kaya ko.

"I am just so..." subok niya muli pero napasinghap lamang siya sa dulo para magpakawala ng hikbi.

Oh God... help. My love is in front of me... crying. Hindi ko po kaya ito. Hindi ko nahanda ang sarili ko rito.

"Zabel... you're making me really worried. I never thought surprises could make feel you like this... hindi ko na sana pala ginawa, I am sorry..." mahina kong paghingi ng paumanhin habang hinahagod ang kanyang likuran para patahanin siya.

Umiling siya at mas niyakap ako ng mahigpit.

Oh what I could do and how much I could pay for her hugs. Panaginip ko ito araw-araw, anong mayroon ngayong araw na 'to para iparamdam sa akin 'to ng mundo? Anong ginawa ko para matupad ang mumunting hiling ko?

I love her. I definitely love her.

Siya na lang ang kaya kong mahalin sa buhay na 'to.

With her hug, hindi ko na masasalba ang sarili ko sa bangin.

I'll fall freely.

"I realized I don't mind spending my whole life like this," Hikbi niya.

From then on, from her words, I knew... tapos na.

May nag bago at hindi ko papalagpasin ang pag babagong iyon. Hindi man ako makapaniwala na nabigyan ako ng tyansa pero hindi ko ito tatanggihan!

I cannot love anyone else but her, kahit matapos kami at piliin niya si Angelo ay alam kong hindi ko na iyon magagawa kaya ngayong sinasabi niya sa akin ito, I drop everything...

Siya nalang ang dadalhin ko.

I will never let this chance go.

But I guess... love doesn't come freely, may masasaktan at masasaktan pa rin kami, pero ngayon ay mas nasisigurado ko kung ano-ano at sino-sino ang kaya kong talikuran para sa pagmamahal kong 'to.

I don't want to choose or to hurt anyone, I vow to protect my family but...

This chance is only once in my lifetime, I can't...

I can't give it up...

Inabot ko siya at marahan na dinampian ng halik ang kanyang noo.

To freely kiss her like this.

"Pang goodluck ko lang," bulong ko at sumunod na sa mga pinsan.

"Angelo!"

"Gelo!"

This is it...

It's starting now. Sa amin mag pipinsan ay isa ako sa mga pinaka nakakakilala kay Angelo. I may be closest with Dos because we're the same age but... Angelo and I have the same humor so we get to bond a lot.

I clenched my jaw when I saw him fall on the ground dahil sa malakas na pag spike sa bola. Napadaing siya pero mabilis siyang tumayo. Tinignan ko si Simon at sinenyasan siyang daluhan si Angelo.

He hissed and nodded. Alam kong aburido ngayon si Simon kay Angelo, we talked about this last night that... he doesn't like how Angelo is dealing with his situation with Lia. Pero alam kong nasasabi niya lang iyon dahil kapatid niya ako, at kung tutuusin ay ginagawa lang naman ni Angelo ang dapat na niyang matagal ginawa.

Alam kong bumabawi lang siya, and... he's taking his chances.

It's fair and normal.

Hinawakan siya sa braso ni Simon pero hinawi niya ito at umiling nalamang habang madilim pa rin ang mga mata.

Inaral ko ang sitwasyon.

Masama ang timpla ni Angelo. Simon doesn't care that much for this game, I know he'll play fine. Siya ang kasangga ni Angelo. I will be partnered with Agatha and... she is competitive. Alam kong hindi niya uurungan ang kapatid niya, she'll get hurt if she tries to play like her usual.

I can't let anyone get hurt.

Pumwesto ako sa bandang harapan ni Agatha, trying to atleast hide her behind me, I'll accept all the hard passes.

"Don't insult me, Clyde. What the fuck?" Agatha hissed behind me. "Minamaliit mo ba ang kakayahan ko." Inis niyang sabi, inaakalang hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

Ngumisi ako. "Chill, Gath. I trust that you can win this on your own... but not with your brother's wrath. I won't..." I positioned. "... let you get hurt."

"What?" Litong tanong niya at marahil hinanap ng mga mata niya ang kapatid.

I heard her gasp. "What the fucking fuck? Why is he so mad?"

Nilingon ko siya ng kaunti, hindi inaalis ang kaunting tingin ko sa harapan kung nasaan sina Angelo, ayokong masilisihan ako ng bola at baka tumama iyon kay Agatha.

"Umalis ka na rito, Clyde. I'll play for the both of us. Kaya ko 'to. He won't hurt me." Alalang-alala na sabi ni Agatha.

Umiling ako. "I won't run." Pinal kong sabi.

"Fucking shit!" Sumigaw si Agatha nang mag serve na si Angelo.

Nakita kong tumakbo si Agatha para saluhin iyon pero inunahan ko siya. I run and screamed 'mine!' before hitting it back to their net. I immediately felt a sting on my arms as the ball bounced from there.

The game went on, at tama ako. Halos saluhin lahat ni Angelo ang tira ko, ibabalik niya iyon sa akin ng triple ang lakas na halos ikatumba ko sa bawat tira. I saw Simon motioned stop to me but I shook my head, kailangan to ni Angelo, kailangan niya ilabas ang sama ng loob niya at handa akong saluhin lahat iyon.

May mga pagkakataon na nauunahan ako ni Agatha, she did her best to help me, may mga tira na sinasalo niya kahit na hinaharangan ko siya pero karamihan ng tira ni Gelo ay talagang kinukuha ko. Halos wala ng matira si Simon dahil ayaw paawat ni Angelo. Tatalunin niya kahit na malayo na sa kanya para lang maibato sa amin— akin ulit.

When Simon gets his chance, hahayaan kong si Agatha ang tumanggap 'non para makapag pahinga sandali.

"Putangina! Clyde, umalis ka na rito!" Sigaw ni Agatha nang maunahan ko siya ulit para ako ang tumira sa bola na bato ni Angelo.

Napadaing ako pero hindi ko iyon ininda.

Fuck shit, Angelo! Sana pagkatapos nito ay tumigil ka na.

Dahil pagkatapos nito... baka hindi na kita mapagbigyan.

"Angelo! Umayos ka nga! Naiirita na ako sa'yo 'ha!" Sigaw ni Agatha pero parang bingi si Angelo.

"Yeah, bro! Chill. This is just a game!" Iritadong pigil sa kanya ni Simon.

His eyes only remained bloodshot and mad. Matalim lamang ang mga matang nakatingin sa akin.

Umiling si Angelo at muling tumira. Agatha was about to run but I saw how strong Gelo tried hitting the ball, tinakbo ko iyon at inunahan si Agatha, I grunted when it hit my legs.

Hindi ko iyon nakuha at natumba ako sa lakas 'non.

"Angelo!" Marahas na sigaw ni Agatha.

Napapikit ako sa sakit 'non. Pagod na pagod ako at hingal na hingal. I heard footsteps running towards us. I bit my lower lip and tried to stand up but I only stumbled and fell again! Sumuko ako at marahas na bumagsak sa buhangin.

I panted to catch my breath as I try to regain my sense, pawis na pawis ako, mainit ang ilalim ng mga mata sa pagod.

I felt an arm hold my shoulders. My arms were stinging and my leg hurt.

Bumaling ako ng tingin sa kanya at isang ngiti ang ginawad ko. Her worried face welcomed me, at sa lahat ng galit na ekpresyon na bumabad sa aking paningin kanina— from Agatha's irritation, Simon's decreased patience and Angelo's morbid hits—

— her soft worried expression was like a splash of water amidst a painful drought.

I am okay, princess.

I am okay, you're here.

"Clyde... are you..."

Her voice is a lullaby amidst the booming angry voice from the people around me.

"Angelo, napapano ba you kasi?!" Rinig kong sigaw ni Alice.

I want to stop them but I can't take my eyes away from Lia. I want to make sure she's fine and she's not regretting her words this morning.

Umiling ako at napabuga ng hangin. "I am okay, princess." I assured her, halos mapaos sa huling salita.

Bumaba ang tingin niya at sinundan ko iyon. Natuon ang atensyon niya sa braso kong pulang-pula na ngayon. Kita ko ang alanganin niyang galaw...

Kukunin ko na sana ang kamay niya pero halos mahigit ko ang hininga ko nang lakas loob niyang ilapat ang kamay sa braso ko.

"Clyde, you okay?" Tanong ni Tulip.

She leveled herself to see me but... I am sorry sister, hindi ko kaya palagpasin ang nakikita kong pag-aalala mula sa babaeng mahal ko.

Ang tagal kong pangarap 'to.

Tumango lamang ako. Through seeing her, I tried calming myself down too. Bahagyang bumabagal ang pag taas-baba ng aking dibdib. Ninamnam ko ang mga mata namin na sa isa't isa lang nakatingin.

Isang haplos mula sa kanya ay halos mag hilom lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I could live with her touch.

Ang sakit. Pero... masarap. Ang puso ko.

Inabot niya ang kamay ko.

"I am fine now..." paninigurado ko sa kanya dahil bakas doon ang pag-aalala.

"Damn it!" Rinig kong sigaw ni Angelo.

I was about to turn to him when... I almost lost my patience!

I've never felt so angry. Pakiramdam ko nag dilim ang paningin ko. I was always cool... and calm but...

Nang hablutin niya ang kaliwang kamay ni Lia at itinayo siya ay parang gusto ko nalang itulak ang pinsan ko para maitago si Lia sa likuran ko, and I know if he tries to get closer again... I'll be violent!

"Angelo!" Galit na sigaw ni Simon at mabilis na humabol sa amin para hawakan ang balikat ni Angelo at mapigilan siya.

"Angelo ano ba?! Itigil mo 'to kung hindi babanatan na kita!" Ani Agatha na lumapit na rin.

Hinigpitan ko ang hawak ko kay Lia. Umayos ako ng tayo at kahit hirap ay tinapatan ko siya ng tingin. Kita ko ang sakit na dumadaloy sa mga mata niya, he was angry, hurt and frustrated...

I get that. Naiintindihan ko. Iintindihin ko. My heart hurt for my cousin. But...

I can't. I am sorry, Gelo.

Not this one, buddy.

"Be worried for me too! Fuck! Mag alala ka naman para sa akin!" Galit at puno ng frustration niyang sigaw.

Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin.

Naikuyom ko ang palad ko.

That's it.

Mabilis akong pumagitna sa kanila at sinubukan na tabigin ang pagkakahawak niya kay Lia pero mahigpit na mahigpit pa rin ang hawak niya roon.

Simon tried removing Angelo's hand from Lia but Angelo was like a steel.

Damn. Fuck.

I am sorry, Angelo.

Pinilig ko ang ulo ko para mag klaro ang paningin ko. I don't want to hurt my cousin. I don't want to hurt my family. I don't want to hurt, Lia. Pero pag hindi ka nadaan sa usapan, I might forget... that we have the same surname.

"Angelo, bitaw." Kalmado pero matigas kong sabi.

Dama ko ang panginginig ko sa pag pipigil.

"Bitawan mo siya, or else I won't understand you anymore." Dagdag kong may pag babanta.

Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumisi. As if he was saying he doesn't care. And I knew... I don't care anymore too. I could hurt anyone who will get in the way. Hindi ko na 'to kaya bitawan pa.

Ngayong may tyansa na ako, hindi ko na 'to bibitawan pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top