Ikalabing-walong Tugtog

Start of closure

"Hm," rinig kong pag galaw ni Tulip mula sa kanyang kama.

Napatingin ako sa orasan at nakitang five o'clock palang ng umaga. Napayakap ako sa unan at mas naramdaman ang pagiging komportable ng aking higaan. Mas binalot ko ang aking sarili sa puting kumot dahil sa lamig na pumapasok sa nakabukas na bintana ng aming cabin.

Hindi mapigilan ng isip kong lumipad papunta sa ala-ala ng gabi. Pinasadahan ng palad ko ang lambot ng unan at tila nakapa nito ang lambot na naramdaman ng puso ko kagabi.

"Angelo... sigurado ka ba? You really think we can still be friends?" Tanong ko.

Hindi ako mag sisinungaling at basta-basta nalang o-oo. Ngayong lumilinaw na sa amin dalawa ang mga nangyari noon, ngayong totoo na kami sa naramdaman namin noon, kahit hindi pa rin ako lubusang makapaniwala, kahit na maraming tanong sa isip ko, especially about his girlfriend... tingin ko ay may mas dapat akong isipin. 

Ang pagiging totoo. 

Kaya ngayon na gusto niya maging mag-kaibigan, kailangan ko siguraduhin na ayos lang talaga iyon dahil baka mas lalo kami magkaproblema kung hindi naman pala...

"If... if you're asking us to be f—friends dahil lang sa nanghihinayang ka, don't be—"

"Hindi ako nanghihinayang, Lia. Mas gusto ko pa nga ata na nangyari 'to," he slightly chuckled by what he said. "Ang masabi sayo ang nararamdaman ko..."

Humugot siya ng hininga. "Friends?"

Inalok niya ang kamay niya sa akin. Bumaba ang tingin ko roon at bahagyang nahigit ang aking pag-hinga.

Muli akong nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin. His deep eyes bore into mine. Naalala ko, doon nakilala si Angelo. Yes he was known because of his surname but his eyes definitely contributes a lot. 

Masyado itong maganda...

Parang ginawa ang mga mata niya ng walang katulad, na parang para sa kanya lamang talaga ito.

Para itong paraiso na gugustuhin mong makita at tignan parati. It's like an unknown island, a beautiful one, na gugustuhin mo nalang na itago hangga't maaari. 

My favorite...

"Okay... friends." May kabagalan kong tugon sabay tanggap ng kamay niya.

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Sinubukan kong kunin ito pero hindi niya alintana 'yon, basta nakangiti lamang siya habang hawak-hawak ako.

I looked at him and watched him. Ngayong magkahawak ang aming mga kamay at mula sa kanyang pag-amin kanina, parang naramdaman ko ang bahagyang paglapit ng mundo niya sa akin, na ni minsan ay hindi ko naisip mangyari. Yes, we were bestfriends, pero pakiramdam ko ay napakalayo niya pa rin para abutin, that there will always be a gap between us, something I wouldn't be able to cross.

That we were parallel lines...

No chance of meeting.

I smiled and took a deep breath.

"Angelo, yung kamay ko," pag-tawag ko sa atensyon niya at mukha naman nagulat siya sa sinabi ko.

"Uh..." bumaba ang tingin niya sa aming mga kamay. "Oh..."

Mabilis niya binitawan ang kamay ko at napaiwas ng tingin. Bahagya akong natigilan dahil sa kanyang inakto. 

He got shy?

Mula ata nang bumalik ako rito ay kahit kailan hindi ko nakita ang ganito sa kanya. The only change I saw from him was he was more vocal, confident and intense.

No gentleness... until now.

Napahawak siya sa kanyang batok at muling sumilay ang ngiti sa kanya.

Lumingon siya sa akin pero nang makita niyang pinagmamasdan ko siya ay muli siyang napaiwas ng tingin. Nagkunot ang noo ko pero sa huli ay napangiti na rin ako. Napailing ako at nang mapansin niyang nangingiti na ako ay ang siya rin pag ngiti niya lalo.

Ganon nagtapos ang gabi namin. Sa ilalim ng maliwanag na gabi na punong puno ng mga bituin, masarap at malamig na simoy na hangin, payapang gabi, magkaharap sa isa't isa, ako na hinihipan ang buhok at bestida habang siya naman ay nakasimpleng t-shirt at shorts lamang. 

Kung titignan ay parang napakagandang tanawin. 

Parang panaginip pa rin ang lahat.

Okay na kaming dalawa. Maayos na...

Hay, Lia! Pwede ka na huminga.

Natigilan ako sa aking pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Inabot ko ito mula sa ibabaw ng bedside table at nakita ang hindi pamilyar na numero roon.

From: Unknown Number

Goodmorning, Lia. Gising ka na?

Sino naman kaya ito? Kakaunti lamang ang may alam ng numero ko lalo na at kababalik ko lang at temporary sim lamang ito.

To: Unknown Number

Sino po ito?

Hindi naman ako matagal naghintay dahil mabilis din nag reply ang taong iyon.

From: Unknown Number

This is Nath, Lia.

Napaawang ang labi ko at napabitaw ako sa yakap-yakap na unan. 

Muling tumunog ito para sa isa pang mensahe mula sa kaparehong numero.

From: Unknown Number

You reply to unknown numbers? That's dangerous, paano nalang kung masamang tao pala ako? You're a public figure, baka may masamang intensyon ang mag text sayo. You should be more careful, Lia.

Where did he get my number? At isa pa... bakit siya nag tetext ng ganito kaaga? He doesn't normally gets up early...noon.

Napalingon ako kay Tulip na mahimbing pa ang tulog.

Muling nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko nang tumunog ito muli. Panibagong mensahe na naman mula sa kanya.

I felt my heart racing. Like a sudden rush of emotions entered me. Marahil ay dahil hindi ko talaga inasahan ito.

Totally unexpected.

From: Unknown Number

Hey... sorry, nagising ba kita?

Mabilis akong nagtipa ng tugon.

To: Unknown Number

Hindi naman, maaga ako nagising. And, it's okay, temporary number ko lang naman ito, ididispose ko rin kapag babalik na ako sa Singapore. Ikaw? Bakit gising ka na?

Habang nag hihintay ng reply ay ni-save ko siya sa aking contacts. 

From: Angelo Nathaniel Montgomery

Oh... wala naman, hindi ko rin alam hehehe

Nag kunot ang aking noo. Hehehe? He does that?

Napaayos ako ng higa at sandaling tinitigan ang kanyang reply bago nag tipa muli ng tugon.

To: Angelo Nathaniel Montgomery

I think you're still sleepy. Sleep more, Angelo. :)

Binalik ko sa ibabaw ng lamesa ang cellphone ko at muling yumakap sa aking unan. Hindi ko alam pero naging mas komportable ang pakiramdam ko. 

Maybe I should sleep more?

Nang makapikit na ako ay muli akong napadilat nang tumunog ang cellphone ko ng dalawang beses.

Inabot ko iyon at tinignan ang mensahe mula kay Angelo mula sa aking Eiffel Tower na lockscreen. Dalawang magkasunod na mensahe ang naroroon.

From: Angelo Nathaniel Montgomery

Okay, I will. You should also. Let's just talk later.

From: Angelo Nathaniel Montgomery

Good morning again, Lia. Thank you for making me smile this morning. :)

Napaawang ang aking labi sa nabasa. 'Let's just talk later'? Bakit? Para saan ulit? Hindi ko alam pero tila parang nakakakaba tuwing gusto niya akong kausapin. Parang may lagi siyang dala-dalang bomba na ikakagulat ko.

Pero hindi rin nagtagal ay sumilay na rin ang ngiti sa aking labi. Nag tagal ang tingin ko sa smiley face mula sa dulo ng kanyang mensahe. I didn't know he uses this. Hindi naman iyon pala-emoji o ano-ano man. Actually pareho kami, we would rather call than text. 

So this is actually new. A lot really changed. Mukhang marami ng nag bago sa kanya at sa akin.

Mukhang seryoso nga siya sa pakikipag-kaibigan.

If this continues, a new friendship may form. 

Ang kaibihan lamg, mas tama na ngayon.

Napailing nalamang ako at muling binaba ang cellphone ko sa lamesa at muling pumikit para makatulog.


"Lia?"

Napalingon ako kay Tulip dahil sa kanyang pag tawag sa aking atensyon. Tumigil ako sa pamimili mula sa mga damit ko para sa isusuot buong mag hapon.

Napakarami nilang plano para sa hapon, gusto nilang mag laro, mag-ihaw, mag-kanta, lumangoy, at kung ano-ano pa man na makakapag pa-enjoy sa amin dito.

Sa bawat segundong lumilipas, mas may narerealize ako, and that is I am definitely thankful of what Angelo and I talked about yesterday. Kung hindi nangyari iyon, marahil ay kabado ako ngayon at malaki ang tsansa na hindi ko ma-enjoy ang bakasyon. 

But now, it feels lighter. 

"Hm, ano 'yon?" 

"May favor sana ako, kung okay lang?" Nahihiya niyang sabi.

Mas lalo ko siyang nilingon at hinarap. Binaba ko ang maxi dress na hawak ko sa kama at nilapitan siya. She was on her bed, nakaupo at nakasandal sa headboard ng kanyang queen size bed habang nakakumot pa dahil sa lamig ng paligid.

Kita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mga mata. Tulip is like an open book, parang napakadali niyang basahin eversince na nakilala ko siya.

Tumingin ako sa dulo ng kama niya, silently asking for permission to sit down there.

Tumango siya.

"Ano 'yon? Kung kaya ko bakit hindi?"

Though I didn't expect she'll ask for a favor. Hindi pa naman kasi iyon nangyari noon, she is very talented and she can get a lot of help from her family, noong may problema naman ay wala na ako rito sa Pilipinas.

But I heard from Clyde that during those time... those trying times... he felt like his sister had detached herself already, always sad... especially after what happened to their family. She never asked again for anything, lagi nakakulong sa kwarto, walang ginawa kung hindi um-oo sa sinasabi nilang lahat. 

As if she was a robot, ready to do anything for her family.

But now, she looks a lot better...

Siguro kahit na maayos na ang lahat ngayon sa pagitan nila, mahirap na rin ibalik ang lahat sa dati. Maging maayos man, may nag bago pa rin. 

Just like her... she magnificently grew as this woman I see now. An epitome of bloomed flower.

She bit her lower lip. "Ano sana..." sandali siyang natigilan, hindi mawari kung paano niya sasabihin. "Kung okay lang, papaturo sana ako doon sa recording sa cassette tapes. The one you're doing for Angelo before." 

Natigilan ako dahil sa kanyang request. But surprisingly, walang kirot akong naramdaman. I am not ashamed of that fact at hindi na rin ga'non kasakit balikan ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit? Marahil dahil sa usap namin ni Angelo kahapon?

Napakarami nga naitulong sa akin 'non. Mas lalong hindi ko pinagsisisihan na pumunta ako roon. 

Kahit gaano man kasakit, it was for the best.

I immediately nodded and smiled. Ipinakita ko sa ngiti ko na walang problema at kita ko ang pag aliwalas ng ekspresyon niya. Napabuntong-hininga si Tulip at nang tumingin siya muli sa akin ay hindi namin napigilan tumawa ng mahina.

"Birthday na kasi ni Simon niyan... and I really want to do something extraordinary for him. Naalala ko na minsan niyang nabanggit sa akin yung mga cassette tapes na ginawa mo raw for Angelo. He is really amazed by it. He finds it really special. I want to do it for him too, tweaking it with my style... kung okay lang sayo?" 

Nanglambot ang puso ko roon. Hindi ko alam pero natuwa ako na hindi siya nag alinlangan humingi sa akin ng tulong. Sa narinig ko mula kay Clyde, kahit na kinasal na sila, mailap pa rin sila sa mga tao. Hindi naman kasi basta-basta matatanggap iyon. Dahan-dahan, hanggang masanay ang lahat, ang importante ay sa pagitan ng mga pamilya nila ay tanggap at maayos na ang lahat. 

Hindi ko akalain na mababanggit niya si Simon ng ga'non sa akin lalo pa at hindi naman ako pamilya.

Hindi ko napigilan pumasok sa isip ko si Angelo. He never heard one of those, kung maririnig kaya niya ay maiisip niya rin 'yon? Will he find it special too? 

But I ought not to let him hear it anymore. 

I nodded. "Hindi rin naman sa akin ang idea na 'yon. Mula 'yon sa papshie ko. Nag rerecord kasi siya ng mga kanta rin noon para kay mamshie. Minsan naman ay pag nag aaway sila, doon niya pinapadaan ang sorry niya at panunuyo. It was..." I smiled. "...their thing. Just like anybody else, who did it to for the person they love."

Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Tulip dahil sa sinabi ko. Nag iwas siya ng tingin at napangiti ng matamis.

"Gusto ko sana mag record ng kanta roon, kanta namin dalawa—kaya lang hindi ako marunong... I never actually used one before..."

Tumango ako at mas lalong napangiti. "No problem, Tulip. Madali lamang iyon. Kabalik natin sa Manila, I will surely teach you before going back to Singapore."

Muli siyang napabuntong-hininga at tumango-tango. 

"Thank you, Lia. Thank you very much..." I can see excitement in her eyes. 

Hindi ko alam pero ang pasasalamat niya ay sobrang nagpasaya sa akin. Pakiramdam ko ay napakalaking bagay 'non sa kanya. Ako rin ay gumaan ang loob at muli ng tumayo para balikan ang mga gamit ko. 

Bago ko pa maabot ang white maxi dress na pinaka napuso-an kong isuot ay natigilan ako nang tumunog ang aking cellphone. Dalawang beses ito kung kaya't inuna ko itong inabot bago ang dress ko.

I tucked my hair before unlocking my screen. Nagulat ako nang makakita ng dalawang mensahe mula sa dalawang magkaibang tao. May pumukpok sa puso ko nang basahin ang mga mensaheng iyon.

From: Angelo Nathaniel Montgomery

I am awake now. Goodmorning again, Lia! I am smiling as soon as I wake up, can't believe we're okay now. May isesend akong pictures mamaya, just like before help me to choose what to wear, okay?

From: Clyde Matthew Montgomery

Goodmorning, Princess ;) Are you ready? Breakfast sana tayong dalawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top