Ikalabing-tatlong Tugtog

Mysteriously Enchanting

"Open po ba itong place na 'to for public?" Tanong ko sa matandang lalaking sumundo sa amin.

Nakasakay kami sa isang yate para dalhin kami sa aming destinasyon. Ayon kay Manong Bert, isang isla raw ang pupuntahan namin. Naroroon daw ang kaibigan ni Clyde sapagkat siya ang nagmamayari ng isla na iyon.

I bet it will be beautiful. Nakikita ko sa mga mata ni Clyde na inaasam niya talaga na makabalik sa lugar na 'yon.

I wonder how beautiful it will be.

"Mga imbitadong kaibigan lang po ang nakakarating sa isla ni Sir Andrei. Hindi pa po niya ito binubuksan para sa lahat at hindi ko po alam kung mangyayari pa iyon."

Mas lalong umapaw ang kuryosidad mula sa akin kaya naman hinugot ko ang aking lakas ng loob.

"Bakit naman po?"

"Espesyal po kasi kay Sir Andrei ang isla na iyon. Gusto raw niyang mapreserba ang kung anong mayroon ito."

Napatango ako. Somehow I kind of understand where he is coming from. As a travel enthusiast, napakaraming magagandang lugar na ang mga nakita ko at kung may pagpipilian lang ako, marahil ay pipiliin kong mapangalagaan nalamang ang mga lugar na iyon kahit na maging sarado na ang mga ito para sa karamihan ng mga tao.

But of course, I can only hope that people will take care of what we have. Hanggang hindi pa huli ang lahat.

"So..." Tulip trailed. "Kahit po yung palengke, hindi po bukas sa publiko? Wala po kasi akong napansin na turista kanina."

Isang iling ang naging sagot ni Manong Bert.

"Sa buong lupain ng mga Del Cid, tanging ang palengke lamang ang bukas para sa lahat. Kailangan ito dahil ito lamang ang daan papunta sa isla at papunta sa rancho. Pero wala masyadong turista dahil sarado ang isla at rancho. Wala naman mapupuntahan ang mga tao rito maliban sa dalawang lugar na iyon."

"Akala ko, pag may ganito kang lupa, magiging business minded ka na agad. Hindi pala." Komento ni Ate Alice.

"Malaking gulo ang meron sa magkakapatid na Del Cid. Kahit ako ay walang lakas ng loob buksan ang kwento nila at kung bakit hanggang ngayon ay walang pagkakaisa sa lupain na ito. Napakalaking potensyal ang mayroon ang lupain nila. Buwan-buwan ay may pumupuntang mga gusto mamuhunan sa lupain na ito pero away at gulo lang ang dala tuwing may ga'nong usapin. Laking pasasalamat ko nalang na kay Sir Andrei ako napunta dahil siya ang pinakamabait sa lahat ng magkakapatid."

"Oh yeah, I heard it from Andrei before. Ayaw niyang sabihin ang buong kwento pero alam kong hindi sila magkakasundo ng mga kapatid niya. Muntik pa siyang tumigil sa pag-aaral noon dahil magulo pa raw sa pamilya nila. He wants to save his island so he fought for it for a year or two." Ani Clyde na tila inaalala ang mga detalye.

"Is this some sort of telenovela?" Tanong ni Ate Alice sa akin dahil nasa tabi ko siya.

Nagkibit-balikat nalamang ako dahil hindi ko rin maintindihan.

"Ilan po ba silang magkakapatid?" Tanong ni Simon.

"Let's not be chismoso, Simon." Ani Ate Alice.

Simon shrugged. "We will stay here for days, mas maganda ng may alam tayo sa lugar na 'to."

"Tatlo." Tugon ni Manong Bert. "Nang mamatay ang ama nila, ipinama nito ang rancho kay Sir Gabriel, ang isla kay Sir Andrei at ang pamamahala ng bayan kay Sir Amell. Hindi magkasundo ang tatlong magkapatid pero mukhang naaayos na si Sir Andrei at Sir Amell."

Tumayo ako at hinayaan na magkwento ang matanda. Tinungo ko ang open space ng yate para langhapin ang sariwang hangin. Pumwesto ako sa gilid kung saan hindi nila ako nakikita, sapat lamang para marinig ko ng kaunti ang kine-kwento pa tungkol sa lugar na ito.

Ang magkakapatid na 'yon... I wonder if their ill feeling towards each other is reasonable enough to keep them apart like this.

I guess, it is something I will never find out. Kwento nila 'yon. Maswerte ako kung magagawa ko pang marinig kung paano ito magtatapos.

Pumikit ako at humawak sa railings para mas madama pa ang hangin na humihipan sa buhok ko.

Ilang minuto nalang ay ba-baba na ang araw, gusto ko makita ang sunset mula rito, natitiyak ko na sobrang ganda 'non.

"Are you enjoying?"

Bahagya akong napaigtad sa nagsalita sa aking gilid. 

Napalunok ako at napatayo ng maayos. 

Pinilit kong ngumiti at tumango. "Oo naman, you know how I love going to different places-especially to these kind of places. Kahit alam kong masakit ang kwento ng lugar na 'to, hindi pa rin matatago kung gaano ito kaganda."

"There is beauty beyond every pain, huh?" Tanong niya.

There is no hint of sarcasm, kahit mapag-udyok ang kanyang tono. Halatang may pinupunto lang siya.

Tumango ako muli. "Of course, there is..."

Inabot ko ang camera na nakasabit sa aking leeg at kumuha ng mga litrato.

Ang dagat, araw na unti-unting bumababa... ano pa bang mahihiling ko sa tanawin na 'to? The vastness of the sea and sky is overwhelming.

The sky looks kind of purple-ish, napakaganda nito. Ito yung mga tanawin at oras na gusto mo nalang tumigil ang lahat, pakiramdaman ang sariwang hangin at gawing permanente ang ala-alang ito sa isipan mo.

"Let me take a picture of you." Ani Angelo.

Maagap akong umiling. "Hindi, ayos lang. I won't post it anyway. For remembrance lang."

"Yun na nga, for remembrance. Hindi ba mas maganda kung kasama ka sa litrato?"

Napangiti ako at napailing.

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti rin siya. Tinaasan niya ako ng kilay at nilahad ang palad niya upang hingin ang camera. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang nag iisip kung ibibigay ko ba.

"Give it, Lia. Just like the old times."

Lia.

Just like the old times.

Umikot ang aking tyan sa narinig mula sa kanya. Napaawang ang aking labi at naramdaman ko ang panandaliang pagkabingi, kumalabog ang aking puso at nanglambot ang aking mga tuhod.

"Lia... 'wag na makulit." Pagpupumilit niya habang mataman nakatingin sa akin.

Sa isang segundong lumipas, nahanap ko nalang ang sarili kong inaabot sa kanya ang camera. Tumalikod ako mula sa karagatan at araw na lumulubog, siya naman ay pumwesto sa aking harapan para kuhanan ako ng litrato.

"One." Aniya.

Ngumiti ako para sa litrato.

"Two."

Napapikit ako nang maramdaman ang hangin. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka pangit ang kalabasan ng litrato.

Hinipan ng hangin ang aking buhok kaya natawa nalamang ako. Kahit anong pilit kong ayos sa buhok ko ay tuloy-tuloy pa rin ang hangin.

"Three." Mahina niyang sabi, sapat lang para marinig ko.

Bumukas ang aking mga mata at tumalikod mula sa hangin para maayos ang aking buhok. Naramdaman ko ang pag-lapit niya sa akin at ang pag-tayo niya sa aking harapan.

"Pangit no? Yung hangin kasi 'e..." malungkot kong sabi habang kinukuha ang camera mula sa kanya.

"No." Tugon niya.

Tinignan ko siya ng masama at umirap. Tinignan ko ang resulta ng litrato at napangiwi nang makitang nakapikit ako habang hinihipan ng hangin ang buhok ko.

"No ka riyan, tignan mo naman." 

"It's beautiful."

"Anong beaut—"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at natigilan nang makasalubong ko ang kanyang mga mata. It is the same old stare that kept me so damn high before. I never thought I'll be able to see it again. Tingin na alam kong sa akin lang nakatingin, na para bang kami lang ang nandito.

But I know better.

His eyes are very deceiving. Nagawa niya akong tignan dati ng ganito habang sila ni Bea. Anong kaibahan 'non sa ngayon?

"Remember what I told you before?" He breathed.

"Kailan?" Tanong ko.

"Noong first out of town trip mo kasama ako."

Tila alon na rumagasa sa aking isipan ang pangyayaring 'yon. Hinding hindi ko 'yon malilimutan. It was the day that I pleaded my father so hard, para payagan niya ako sumama kina Angelo papunta sa Bataan. Niyaya ako ng mga Montgomery noon dahil alam nila na mahilig ako sa nature.

I was so happy that day kahit na uwian lamang iyon. I still got to experience my first out of town trip. I will never forget how liberating it was. Pakiramdam ko lahat ng mga bituin umayon sa akin. Pumayag si papshie, pinagkatiwalaan nila si Angelo na siya ang bahala sa akin at... kasama ko ang lalaking pinapangarap ko.

I felt like I was living a dream...

"Nathaniel, sobrang ganda..." nakangiti kong sabi habang nakatanaw kami sa malawak na lupain na puno ng mga puno.

Green everywhere, ang sarap sa mata.

"Yes, I can see that." Aniya.

Narinig kong pumipindot siya sa kanyang camera kaya hinayaan ko lamang siyang kuhanan ng litrato ang kapaligiran. Ako naman ay inabot din ang camera ko para kumuha ng mga litrato.

I need to have a good remembrance with him...

Mabilis akong lumingon sa kanya para nakawan siya ng litrato pero laking gulat ko nang nakatapat din sa akin ang camera niya. Pindot siya ng pindot habang ako ay halos hindi alam ang gagawin dahil sigurado akong bakas sa mukha ko ang gulat.

Camera niya iyon! Siguradong hindi ako maganda sa mga kuha niya. Argh, nakakainis! Sanang nakangiti man lang ako.

"Nathaniel!" Sigaw ko sa pangalan niya.

Tinignan ko siya ng masama nang ibaba niya ang camera. Nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahan humakbang paatras habang ako naman ay humakbang palapit sa kanya.

Mabilis siyang tumakbo palayo kaya mabilis ko rin siyang hinabol pero dahil hindi naman ako ga'non ka sporty ay hindi ko siya nagawang maabot.

Paikot-ikot lang kami roon, ang mga pinsan naman niya ay nag ayos na ng mga pagkain na hinanda nila para makapag-meryenda kami.

Nang maramdaman kong napapagod na ako at hindi ko na kaya ay unti-unti akon tumigil sa pag-habol sa kanya.

Tumigil ako sa pwesto namin muli kanina at napangiti nalamang nang tumabi siya sa akin muli at narinig ko ang kanyang mabigat na pag-hinga.

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siyang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero sa huli ay napangiti nalamang din. Pawis na pawis siya kaya inabot ko ang panyo ko sa kanya. Kinuha niya iyon pero muling sumablay ang puso ko nang ako ang punasan niya.

He wiped my sweat away. His manly hands reached for my shoulders to hold me in place. Ang kanyang libreng kamay naman ay pinunasan ang pawis ko.

"You're sweaty too..." Tanging nasabi ko.

Umiling siya. "It's okay. I promised your dad that I will take care of you. Hindi ko siya pwede biguin, minsan lang niya ako pagkatiwalaan sa'yo."

Napatingin ako sa baba at naalalang may tubig akong dala. Kinuha ko iyon mula sa aking body bag at inabot sa kanya.

"Ikaw muna." Aniya.

Natapos siyang punasan ako at tinago ang panyo sa kanyang bulsa. Nahiya ako dahil puno na ng pawis ko iyon.

"Hindi... hindi naman ako nauuhaw."

"I won't drink, if you don't drink." Balik niya sa akin.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa akin at pinagbigyan siya muli.

Uminom ako at halos makalahati ko iyon. Binaba ko iyon at nang akmang isasara ko na ito ay siya rin kasabay nang pag-agaw niya.

"Pangkukuha nalang—"

Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin dahil tuluyan na siyang nakainom.

Puso, kumalma ka. Normal lamang ito. Bestfriend mo yang kaharap mo. Halos pwede na kayong pumasa bilang magkapatid, hindi ka pwede sumablay nalang parati.

Pero kahit anong kumbinsi sa puso ko, ramdam ko wala pa rin. Hindi ito titigil na mahulog... patuloy pa rin hanggang hindi sumasaldak.

"Thanks." Aniya sabay abot muli sa akin ng bote.

"Welcome."

Humarap ako muli sa tanawin. "Thank you, Angelo. For always letting me live my dreams."

"You're exaggerating."

Umiling ako. "Singing man 'yan, ikaw pa rin kasama ko. Ngayon... pati pag punta sa mga lugar na alam mong magugustahan ko, sinasama mo ako."

"Lia..." tawag niya sa akin. "Look at me." Utos niya.

Nilingon ko siya. Ang matamis niyang ngiti ang bumungad sa akin. His fair skin is glistening with sweat but he still looks so fine. Para pa rin siyang bagong ligo.

Napaka-unfair... ako sigurado ay mukhang batang kakatapos lang mag laro sa labas at pinapasok na ng nanay dahil kailangan ng maligo.

I am going crazy, I guess?

"I promise that I will be with you. Kahit nasaan ka, susunod ako. I promise to sing with you always, to be there with you in nature and to take pictures of you while you take pictures of the places you love."

Napakasarap pakinggan. Napakasarap paniwalaan.

Halos sasabog ang puso at isip ko sa kagustuhan na tanggapin nalamang ang kanyang mga sinasabi. Kung pwede ko lang akuin lahat, kahit panandalian lang.

Kahit sandali lang... kahit malaki ang tyansa na baka malunod ako.

Pero alam kong may mga bagay na hanggang pangako lang, may mga bagay na alam kong hindi habang buhay. Tulad ng amin... tulad ng kwento namin.

"Pinky finger?" Mahina kong tanong.

Inabot niya ang pinkyfinger niya at bahagyang tumawa. Ngumiwi ako at inabot ang pinky finger niya.

I sealed it and smiled afterwards.

"I remember." Saad ko.

"I am sorry for not keeping my promise." Aniya.

May maliit na parte sa puso ko ang parang kinurot. Matagal ko ng tinanggap ang lahat ng ito pero bakit masakit pa rin? Bakit parang ang sakit marinig mula sa kanya?

"You did. You kept it. Hindi naman ibig sabihin na hindi mo nagagawa ngayon ay hindi nagawa noon. May hangganan lang talaga ang mga bagay, Angelo."

Umiling siya. "When it comes to us, ayoko ng may hangganan."

Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya.

"Now that you are here, I will keep it again."

"Angelo..."

Muli ko siyang binalingan ng tingin pero natigilan ako nang marinig ang iba pa naming mga kasama na nagsilabasan na mula sa loob ng yate.

Lumingon ako sa kanila at mabilis na pinunasan ang isang butil ng luha na pumatak mula sa aking mata. Pinilit kong ngumiti at humakbang palapit sa kanila na tinatanaw ang isla sa hindi kalayuan.

Natagpuan ko si Clyde na hinahanap ako. Ang mga mata niya ay mabilis na umaliwalas nang matagpuan ako ngunit mabilis din iyon lumihis at dumako sa aking likuran. Kita ko ang pagkabagabag sa kanyang ekspresyon pero tinakpan ko ang taong tinitignan niya sa aking likuran.

I smiled and waved at him. Inabot niya sa akin ang kamay niya at ngumiti sa akin. I accepted his hand and held it. I tried my best to calm my heart and find comfort in him.

Lahat kami ay tumingin sa isla at halos sumabog ang puso ko sa pagkamangha. Parang hindi makapaniwala ang mga mata ko sa nakikita.

Beautiful is an understatement.

Wala akong maisip na ibang salita na maaaring makapagbigay hustisya sa ganda ng lugar na 'to.

Hindi ko alam pero kahit na bakasyon dapat ito, may parte sa akin ang gustong isulat ang magiging karanasan ko rito sa lugar na ito. This is what torns me the most when I travel to such secluded but beautiful places.

I want to show to everyone how beautiful the places we have in this world, lalo na at kaya kong itaya ang pangalan ko para sa mga lugar na ito.

Pero sa kabila 'non, may parte sa akin na gustong manatiling misteryoso ang mga napakagandang lugar na ito. Kahit panandalian lang... I want them to remain untouched.

"Clyde, this is so beautiful. Thank you for bringing us here."

Naramdaman ko ang pag-pisil niya sa aking kamay. Nilingon ko si Clyde at matamis akong ngumiti sa kanya. I am overwhelmed and so happy. Tila nalimutan ko lahat ng pangamba at mga bumabagabag sa akin.

"It is mysteriously enchanting."

Napatingin ako kay Angelo na tumayo sa aking kabilang gilid. Napapagitnaan nila akong dalawa at hindi ko alam kung saan huhugot ng hangin para makahinga ng maayos.

"Ang mga lugar na ganito kaganda, hindi dapat binibitawan. Hindi dapat hinahayaan ipakita sa iba." Komento ni Clyde. "Right, Angelo?"

Muli akong napatingin sa isla at nakitang may dalawang lalaki ang nag hihintay para tulungan kami sa pag-baba.

"Pwede naman ipakita sa iba kasi kahit anong tago mo sa lugar na 'to... its beauty will show itself, it will still enchant anyone around it. It is far from possible that you can keep this place forever, Clyde." May himig ng pagdiin sa kanyang punto ang kanyang boses.

My eyes darted towards Angelo and I saw how his eyes darkened while looking at Clyde. Dahil sa tangkad nila sa akin ay nakaya nilang tignan ang isa't isa ng walang kahirap-hirap.

But... at the same time, I don't like the look they are giving towards each other.

"But the thing is... hanggang tingin lang dapat ang iba. They can appreciate and see for themselves the beauty of it but they can't own it. Kasi may ibang nagmamay-ari."

Angelo...

"Tama ka, hanggang tingin nalamang, kasi kahit kahit anong gawin nila, may ibang nakahawak na. May ibang nag aalaga na. May ibang nag papahalaga na."

Clyde...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top