Ikalabing-pitong Tugtog

Paano

"Hah? You... you mean..." I can't even finish my sentence.

Tila natigalgal ako sa narinig mula sa kanya.

Luminga-linga ako sa paligid, tila nag hahanap ng kamalian sa paligid pero napakalakas ng kanyang presensya para hindi ito maging totoo.

My bestfriend...

Actually admitted that...

He loved me...

Tumango siya. "Yes, Lia. I loved you before."

It wasn't one sided afterall...

But...

"So much. Damn freaking much that I felt different when you left me. Hindi ko maintindihan noon. I was confused. Hindi ko alam anong gagawin ko, for an instant akala ko mababaliw ako. It was just so painful and it hurts more because I don't know why I was feeling that way. I was telling myself that it's okay, it will be okay, it was bound to happen, pero sinong niloloko ko? Everyday... it just keep getting harder...But then, I realized..."

"... I felt that way because you were already a part of me. Akala ko, by not acknowledging what I felt for you will save our friendship. I thought it will keep you close to me. Kasi yun lang ang gusto ko, yung wag ka mawala. Tayo. Parati." He stopped and drifted his eyes towards the bright shining stars. "Pero hindi ko alam na yun ang magiging dahilan ng pagkawala mo. I miscalculated it. Akala ko pwede kong daanin na parang negosyo, but I lost you and also...maybe I must learn it in the hard way,"

Nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga ito sa kanya.

I tried calming my nerves. Sinusubukan mahanap ang mga salita na dapat ay kaya ko ng sabihin pero hindi ko magawang mabuo ang loob ko.

Yes, I practiced so hard for this day.

Alam ko na ang mga sasabihin ko sa araw na pag uusapan namin ang nakaraan. Ulit-ulit, memoryado ko na pero paano... how if this is totally different from what I imagined it to be.

Never, even in my dreams...

I never even hoped for him to say that he liked me... much more he loved me.

"But I know, kailangan mangyari ang mga nangyari. Without those, maybe we... I wouldn't realize the feelings we had for each other. I wouldn't learn how to just go... for the ones you love,"

"Angelo... I..." wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. "I... don't know what..." to say. "Paano..."

My lips were trembling, hindi ko alam kung dahil ba ito sa lamig ng simoy ng hangin o dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko at mga luhang gusto nalamang lumabas.

Binaling niya muli ang tingin niya sa akin at marahang ngumiti. Nanglambot ang puso ko sa ngiting iginawad niya. Parang nanumbalik ang noon, kung saan tuwing nasisilayan ko ang ngiti niya, napapawi lahat.

"Hindi ko to sinasabi para manggulo. I know you and my cousin are already together. I just really want to tell you atleast. Tutal, we already came at this point. Wala na mawawala."

Hindi ako makapag-isip. Hindi ko alam ang uunahin. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong maramdaman ngayon.

"I am sorry..." I whispered.

But he didn't hear it.

Panandaliang katahimikan muli ang namutawi.

Sa mga nangyari, marahil dito mapapatunayan kung gaano namin nirerespeto ang mayroon kami noon. This is how it should really end. Our way.

Binawi ko ang lakas ko habang ang mga mata niya ay hindi lumilisan sa pagkakatitig sa akin. Hindi ko alam paano ko nagawa pero nakuha kong ngumiti at tumango.

"I understand. I guess, this is what we need. To be honest. We owe our friendship atleast that one."

Napabuga siya ng hangin at marahang natawa. Humiga siya at pinagmasdan ang napakagandang kalangitan na tila nagsisilbing ilaw sa aming dalawa.

I unknowingly fixed the blanket behind his head.

"It feels good to actually tell you that. Parang naalisan ako ng bumabara sa akin. I feel free," aniya.

Marahan akong napangiti at tumango.

Tinabihan ko siya at humiga rin. Pinagmasdan ko ang buwan na nakatanaw sa amin. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Naalala ko noon, tuwing tumitingin ako sa buwan, parang ibinubulong ko rito lahat ng totoong nasa puso ko. Ang mga takot, mga bagay na hindi ko maisalita, kahinaan, damdamin at mga bagay na ikinukubli ko.

Ngayon... maayos na ako.

I don't have to wish anything related to him now, I don't have to silently whisper while my heart is breaking into pieces.

Who would have thought?

Sino mag aakala na darating pa itong araw na 'to? Kung saan magagawa namin tumingin sa iisang tanawin, magkatabi at nakangiti.

Hindi ko na hihilingin na walang kirot sa puso namin.

This... is enough.

More than enough.

I closed my eyes.

God, thank you. You really have your way. A much better way.

"Thank you, Angelo." Nagawa kong sabihin sa gitna ng katahimikan.

I heard him shifted.

"For?"

"Hm..." I smiled and looked at him. "For telling me. Hindi ko inakalang kakailanganin ko marinig iyon."

Isang buntong-hininga ang kumawala sa akin. "Akala ko wala na akong kailangan pa mula sa nakaraan. I was so eager to put everything behind. Not realizing that... I would actually need to hear what you have to say."

Lumingon siya sa akin at bahagyang umiling. "No, Lia. Thank you. Salamat kasi minahal mo ako. I can't imagine how it was for you. The confusion, pain, suppression, seeing me with other girls..." wala sa sarili akong napahawak sa may puso ko.

Ga'non pala 'yon? Kahit nag hilom na, kapag aalalahanin mo ang nakaraan parang may hahagod sa dinaanan ng sugat na iyon.

Pero patunay din iyon na bakas nalang ang natitira at 'yon ang importante.

"Hindi ko alam pano mo nakayanan lahat ng 'yon habang ako makita palang kitang—" he suddenly stopped from what he was about to say.

"I can't imagine the pain I put you through. But... still... thank you. You are so courageous for deciding for the both us. Dati hindi ko maintidihan kung bakit kailangan mo gawin 'yon, I was just so confused and mad that you left me. I actually agreed with Alice before, na walang sino man ang dapat mag desisyon para sa amin pero ngayon alam ko na— na... it doesn't work for everyone. Kasi kung ako 'yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Maybe I'll do it my way—which will definitely hurt others." Ang kanyang boses ay tila nagdadahan-dahan, para bang ayaw nito na masaktan ako at puno ito ng pag-iingat.

I bit my lower lip. Para bang kaya akong sagipin 'non sa lahat-lahat ng nararamdaman ko ngayon.

"It's okay. Wala naman perfect formula sa takbo ng buhay natin, minsan kahit anong isip natin sa kung ano bang dapat o tamang gawin, magkakamali at magkakamali pa rin tayo. We will definitely stumble and fall many times. Kahit ako, hindi ko alam kung tama ba ang mga desisyon ko noon, but I guess... what's important is what we learned afterwards. That at the end of the day, we gained something. I gained more of me and you gained your realizations."

Suddenly, I remember something.

Pinakiramdaman ko ang simoy ng hangin at kumuha ako doon ng lakas para maisatinig ang nasa isipan ko.

"Angelo, I want to ask you something..."

"Hm?"

"Angelo, minsan ba naisip mo na sana hindi nalang natin minahal ang isa't isa ng ga'non?" Wala sa sarili kong naitanong.

For so many years, ilang beses dumaan sa isip ko kung pinagsisisihan niya ba na nakilala niya ako, at sa mga taong 'yon, gusto ko marinig ang sagot mula sa kanya. For once, I threw that idea away. Kasi umabot na ako sa punto na ayoko na talaga mag tanong pa.

Para bang, I want to keep our memories just the way they are. Kasi kahit naman papaano, napakagandang balikan ng mga iyon. Natakot ako na pag nagtanong ako ay magulo ang magagandang ala-ala na 'yon.

Me. Loving him. Almost destroyed our memories.

Ayoko na masira pa lalo ang mga 'yon dahil lang sa mga katanungan ko. Pero ngayon, this happened and might as well ask.

But now, I have a better question to ask...

"Lia," he sighed, tila hindi makapaniwala sa narinig na tanong sa akin. "Wala akong pinagsisisihan. I will always want that love you had for me as much as I will always choose to love you. Yung mga taon na 'yon, I was the happiest. Kahit sobrang gulo minsan ng pamilya ko, when we were together, I know everything will be just fine. You were everything to me then. We did everything together. Kaya paano ko naman 'yon pag sisisihan? I will always want those years. Kahit hindi na panghabang-buhay."

Malungkot akong napangiti at hinayaan ang mga luha kong tumulo. Napakasarap marinig ng mga sinasabi niya, parang panaginip lahat. Hindi ko alam kung paano ko ilulugar ang puso ko. Parang sasabog ito sa sobra-sobrang nararamdaman.

Inabot niya ako at maingat na pinunasan ang mga luha ko.

But at the same time, sobrang sakit din, parang sinasampal ako ng mundo sa katotohanan na hindi talaga kami para sa isa't isa.

It is as if, the world is telling me that, kahit gaano ko pala kagusto na mangyari ito, hindi pwede kasi hindi talaga dapat.

I stared at him.

Dinama ko lang ang pagkakataon na masilayan ng ganto ang taong minsan kong minahal ng sobra-sobra, higit pa sa inakala kong kaya kong maramdaman at kaya ko ibigay.

His eyes...

My favorite.

His nose... to his lips...

Everything.

"We had our time Angelo... and at least we did. Those were our twelve years. Very beautiful worth remembering years." I painfully said.

"My cousin is one heck of a lucky guy to have you."

Napapikit siya at sa sandaling iyon ay mas pinukpok ang puso ko.

How... paano...paano papawiin ang sakit na nararamdaman namin ngayon...

"Fuck." Masakit niyang mura.

Minulat niya ang kanyang mata at nakita ko roon ang pag babadya ng luha.

"Angelo, galit ka ba sa akin? Nagalit ka ba sa akin at sa ginawa kong desisyon noon?" Lakas loob kong tanong.

I know how he looked at me the past days and his words... the way he talked to me. Para bang may naipon na galit mula sa kanya. Kahit na sinasabi niya ang mga ito sa akin, the last few days were still evident to me. 

I know what I saw, I know how much pain I saw through him.

Umiling siya at doon ay tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha sa kanyang mata. Parang sinaksak ang puso ko habang nakikita ang mga mata niyang lumuluha.

He wiped my tears away again.

"No... no Lia. I am not angry at you. Never. Maybe I was just hurt... but never angry. I am sorry for the way I treated you the past days. Alam ko nahirapan ka ng sobra sa akin. I was very difficult."

Napahikbi ako habang nararamdaman ko ang kanyang kamay na hinahaplos ang pisngi ko.

His touch...

His warmth...

His comfort...

For years, he was that person to me...

That person who I'll run to, whenever, wherever.

"I wouldn't dare to get mad at you. You're my angel."

Marahan akong napangiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ng puso ko. I nodded as a sign that I do believe him.

"We're very mature now, don't you think?" Pag papagaan ko sa usapan habang siya ay abala pa rin sa pag punas ng mga luha ko.

"You were always the matured one. Always choosing the right thing. Me? Hindi ko alam. I have a lot to work on."

Tumango ako. "Hmm,"

Kumunot ang noo niya, mukhang inaasahan niya na bobolahin ko siya.

"You really have a lot to work on. Lalo na yung patience mo." Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay pero mahina nalang akong natawa dahil totoo naman ang sinasabi ko.

Bumangon ako at pinagpag ang bestidang suot ko.

"Pero, alam ko na you'll make it. You'll do just fine, Angelo." Habol ko habang inaalis ang ilang buhangin sa palda ko.

Nilingon ko siya nang mabilis siyang tumayo para abutin ang tsinelas ko at lumuhod sa aking harapan.

Napasinghap ako. "Angelo, you don't have to..." nahihiya kong sabi habang sinusuot niya ang tsinelas ko. Inayos niya iyon at wala akong nagawa kung hindi ang tignan nalamang siya.

Muli siyang tumayo at sinalubong ang mga mata ko.

"Do you think we can be friends again?" Tanong niya, tila hindi man narinig ang aking huling sinabi.

Kita ko ang pag aalinlangan sa kanyang isip at sa pagkakakilala ko sa kanya, I can sense his nervousness.

Sandali akong napaisip.

Friends?

Can I really be friends with him again?

"Is it possible?"

Napatutop ako sa aking labi. Hindi ko akalain na maisasatinig ko ang tumatakbo sa isip ko.

"You're very important to me, Lia. I want us to stay."

He breathed. "Really really really badly want us... to stay..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top