Ikalabing-isang Tugtog

I won't make promises but I guess... I am back?

Lahat ba to panaginip lang?

Kahit kailan, kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na sasabihin niya sa akin ang mga sinabi niya kanina. Every word he said was surreal.

Kahit sa panaginip ko... I never dared to dream about it.

Parang joke nalang lahat, sino ba magaakala na ang simpleng panandaliang pagbabalik ko ay magdudulot ng ganito?

"You are spacing out again."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong boses.

I bit my lower lip and smiled bitterly. Tinignan ko si Clyde na abala sa pag papark ng sasakyan habang ang dalawang kilay ay magkasalubong.

"I am not. May naisip lang sandali." I reasoned out.

"What are you thinking about?" May pagaalala niyang tanong.

Sandali akong natigilan sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. In full honesty, kaya ko naman sabihin pero ayaw kong magkamali siya ng intindi.

I can't even understand myself yet, how can I make him understand?

"Hmmm... I was thinking about... h-how—to deal with your cousins."

I closed my eyes tightly for I wasn't happy with my answer. I am not proud of it nor proud of the fact that I lied. I hate lying... but here I am doing it a lot.

Clyde, forgive me.

Lord, forgive me for not telling him the truth.

I can sense that he was not buying it. Nanahimik siya ng ilang segundo at sa pagkaka-kilala ko sa kanya ay hindi niya ipipilit ang nasa utak niya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon o hindi— na siya ang tipo ng tao na marunong makiramdam.

Alam kong dama niya na ayaw ko mag sabi at alam ko rin na gagalangin niya 'yon.

He successfully parked the car and remained still for a minute. Kahit ako ay nanatili ang tingin sa labas upang takasan ang responsibilidad na harapin siya gayong bakas sa mata ko na maraming tumatakbo sa utak ko.

"Okay..."

He sighed.

My heart felt heavy. "Clyde—"

"Bakit mo naman iniisip kung paano sila haharapin?" Pag-putol niya sa sasabihin ko.

I looked at him and I saw that he is trying his best to sound that he really believes my answer. Ngumiti pa siya sa akin at mas lalong nanakit ang puso ko.

Alam ko na pinangako namin sa isa't isa na magiging maintindihin kami sa kung anong meron kami pero hindi ko mapigilan makonsensya dahil hindi ko masabi-sabi sa kanya ang tumatakbo sa isip ko.

I don't want to say anything for now. Sa kahit kanino. Gusto ko sarilihin muna ang lahat, habang magulo pa. Isa pa, ayoko na dumagdag sa mga iniisip niya. Masyado na niya akong bitbit sa lahat ng bagay, ayokong makadagdag pa 'to.

"Hindi ko lang alam kung paano sila haharapin pagkatapos ng maraming taon. Naging malapit din ako sa kanila, Clyde. Hindi ko alam kung anong iniisip nila tungkol sa akin ngayon. Before, I was Angelo's bestfriend who fell in love with him, who was broken, who suffers from unrequited love. Ngayon kaya... ano?" I said truthfully.

This time wala ng halos kasinungalingan ang mga sinabi ko.

Isa talaga 'to sa mga pangamba ko. They are not just Angelo's cousins for me, naging malapit din ako ng sobra sa kanila. They became part of my life too. They protected me more than Angelo, mas concern pa sila sa akin kay'sa sa kanya kaya mahalaga para sa akin kung paano nila ako tignan.

"Now... you are my girlfriend. My cousins will understand. Alam nila lahat ng nangyari dati, alam nila na deserve mo maging masaya."

"But still—"

"Don't worry too much, Zabel. Everything will be okay."

Nanlambot ang puso ko dahil sa assurance na binigay niya. As always, binibigyan niya ako ng kasiguraduhan na magiging maayos din ang lahat.

Bumaba ang tingin ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I am just so tired for today, pagod na akong mag-isip at makaramdam.

Sa totoo lang, I just want us to go somewhere else, kung saan kami nalang o kaya manatili nalang sa bahay namin pero hindi ako maka-hindi dahil minsan lang siya humingi ng pabor sa akin. He wanted me to accompany him tonight so I just did without thinking that I'll have to face his cousins.

Mag cecelebrate kasi sila ng birthday ni Kuya Uno sa isang high-end bar at inimbitahan din daw ako. I was about to decline when he convinced me to go. Clyde will never convince me unless he really wants me to do something so I said yes.

"They will be happy for you, trust me. Masayang masaya sila na makitang okay ka. Nakita ko mismo 'yon sa mga mata nila noong nagkausap-usap kami..." He stopped as if he thought of something but he immediately smiled and shook his head. "...okay na ba 'yan? Naniniwala ka na ba?"

"Naniniwala naman ako sa'yo."

I believe him, iba ang kinakabagabag ko. I just want to leave the Philippines without seeing them again.

"But its not enough for you to feel ease for tonight."

Nilingon ko siya at mabilis na niyakap. "Clyde, I am sorry."

There.

Nasabi ko na rin. Hindi ko alam kung para saan ang sorry ko. I just have to say it in anyway or form.

Gumaan sandali ang pakiramdam ko nang lumabas ang mga salitang 'yon mula sa akin pero muli rin itong bumigat dahil hindi ko naman talaga maisasantabi ang totoo.

"I am so sorry for being like this." Muli kong paghingi ng paumanhin habang nanatiling nakayakap sa kanya.

I felt his hand pushed me lightly and reached for my cheek and slightly caressed it. Kumalma ang puso ko, tulad ng lagi niyang pinaparamdam sa akin. 

Kalmado. Tahimik. Payapa.

"No, I am sorry. You deserve to be happy." Aniya.

I closed my eyes and forced a smile. "I am..." I was happy, I will be happy again, mawala lang lahat ng mga gumugulo sa isip ko.

"Hmmm..." 'Yan nalamang ang namutawi sa kanyang labi. "Come, hinihintay na nila tayo."

Bumitaw siya sa akin at lumabas ng kotse para pag-buksan ako ng pintuan. I gathered my strength and went out while feeling the air from Manila's cold night.

Huminga ako ng malalim. Narinig ko ang pag-sara ng pintuan sa aking likuran. Inabot niya ang kanyang braso at isang ngiti ang kumawala sa akin. I reached for his arm and we walked together towards the establishment.

Mula sa loob ay dinig na dinig ko ang banda na tumutugtog. Bawat hakbang ko ay kasabay din ang pamumuo ng kaba.

Nang pag-buksan kami ng pintuan ng guard ay mabilis na gumalaw si Clyde para protektahan ako sa mga taong sumasayaw. Tinakpan niya ako kaya tanging ang likuran lamang niya ako nakikita ko.

Hindi naman kami nahirapan dahil tuwing nakikita ng mga tao kung sino ang dadaan ay kusa silang tumatabi. 

He is Clyde Matthew Montgomery after all.

Napadiretso ako ng tayo nang marinig ko na ang tawanan sa hindi kalayuan. I am familiar with their voice so I can somehow tell that we are already about to approach them.

"Clyde!" It was Ate Alice.

"Hey, Ms. Best Actress." Bati niya rito at narinig ko naman ang pag singhal ni Ate Alice.

Tumawa ang mga mag pipinsan at para akong mas kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ba ang unang dapat gawin.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nakatingin lahat sa gawi namin. Bahagya kong siniksik ang sarili ko sa likuran ni Clyde pero mali ata ang aking ginawa dahil napansin niya ako. He moved away which exposed me to his cousins.

I am expecting a stoic expression from them but I got smiles— warm smiles to be specific.

"Well, guys... I brought Lia with me." Ani Clyde.

I smiled.

"Hi Lia! Kamusta ka na?" Puno ng sinseridad na tanong ni Ate Adrianna.

Nakaupo siya sa tabi ni Kuya Evander habang nakapatong ang ulo sa balikat ng asawa.

Tumango ako ng kaunti. "Ayos naman po."

Nakarinig ako ng pag-tawa sa aking likuran. "Drop the honorifics, masyado mong pinapahalata na matanda na si Adrianna."

They all laughed with Kuya Adrian's statement.

"Damn. Hard." Rinig kong komento ni Ate Alice.

Mula sa aking likuran ay dumaan si Kuya Adrian papunta sa lamesa at naglapag ng ilang dagdag na inumin. Binalingan niya ako ng tingin at matamis na ngumiti sa akin.

"Welcome home, Lia."

"Welcome home your ass, kakambal kita so it means matanda ka na rin." Inis na depensa ni Ate Adrianna.

He shrugged while still looking at me. "I didn't say I am not."

Mas nainis si Ate Adrianna dahil doon pero nang hinalikan ni Kuya Evander ang kanyang noo ay tila mabilis na nanlambot ang kanyang ekspresyon.

"Hindi niyo ba ako kukumustahin?" Kunyari ay may pag tatampong tanong ni Clyde.

"No way, sawang sawa na nga kami sayo." Ani Agatha bago inabot kay Dos ang inumin na kanyang hawak.

Tumawa sila muli at aaminin kong nakatulong 'yon upang maging komportable ako. Their remarks and laughter helped to ease the tension I am feeling.

Magaan naman talaga kasama ang mga Montgomery. They know how to set the mood and they know how to make their guests feel at ease.

"Here comes the birthday boy!" Rinig kong anunsyo ni Ate Alice.

Lahat sila ay napatingin sa aking likuran kung kaya't napalingon din ako. I saw Kuya Uno as he walks towards us. Sa kanyang tabi ay ang isang babae na sobrang amo ng mukha, simple lamang ang ayos pero mukhang anghel lalo na ngayong nakatabi kay Kuya Uno. If I am not mistaken, she is Ate Evie— his wife.

Well... Clyde didn't fail with updating me about his family, which I appreciate a lot. Lalo na at maraming beses umalis ng Singapore si Clyde para tulungan ang pamilya niya, at sa tuwing babalik siya ay paniguradong napakarami niyang kwento na sinisigurado ko naman na nakatago sa lilim ng tiwala niya sa akin.

"Lia, upo ka rito."

Nakuha 'non ang atensyon ko at nakitang inaalok ni Agatha ang espasyo sa kanyang tabi. Hindi ko alam kung uupo ba ako roon o hihintayin si Clyde pero nang siya na ang humila sa akin paupo roon ay wala na akong nagawa.

Typical, Agatha. As always. No wonder they all share the same blood.

Binati namin si Kuya Uno at pinagkanta siya ni Tulip. May surprise birthday cake din si Ate Evie para sa kanya at kita ko ang sobrang saya sa mga mata ni Kuya Uno. Somehow, my heart warmed as I watched them share this beautiful moment.

Ate Evie was smiling while Kuya Uno makes his wish. When he blew the candle, he swiftly stole a kiss from Ate Evie which made us all shout for joy.

Kahit ako ay napangiti at naramdaman ang saya na nagmumula sa kanilang lahat.

Masaya ang lahat, puro tawanan—nang bigla kaming napatigil lahat dahil sa pumaibabaw na tinig.

"Oh... it's Angelo na naman." Ani Ate Alice.

Tila umakyat lahat ng dugo papunta sa utak ko nang marinig ko ang kanyang pangalan.

Ano ang wika ng nananabik
Ng pusong umiiyak at nauuhaw

"Siya na naman? Kanina pa siya riyan. Patigilin niyo na." Reklamo ni Dos na para bang inis na inis.

"Lasing na ata." Imporma ni Simon habang sumisimsim sa kanyang inumin.

Kita ko ang pag babawal sa kanya ni Tulip pero nginitian niya lamang ito at pinag-siklop ang kanilang mga daliri. Gusto ko pang punahin ang reaksyon ni Tulip pero naagaw na ni Angelo ang atensyon ko.

Nasaan ang sinag ng mapanglaw
Nakatanim na larawan ng
Pag-ibig na sumisigaw

"Here we go again..." bulong ni Agatha na para bang sanay na sanay na sa ganitong pangyayari.

This song...

I know this song. Isa ito sa mga kantang ayaw kinakanta ni Angelo dati dahil hindi daw na-aangkop sa kanya.

The song is just too much to bear. Kahit ako ay ayaw ko naririnig ang kantang 'to dahil kabaliktaran niya, masyado itong angkop sa akin. It speaks volume of what I feel. Lahat ng gusto kong sabihin ay sinabi na ng kantang 'to.

Sa bakuran ng aking isip
Nakatanim ang ating pag-ibig

Nag-angat ako ng tingin at halos kapusin ako ng hangin sa bigat ng puso ko. His eyes were on me. It was bloodshot red, I saw nothing but pain and sadness.

Nakasilong ang ngiti
Ng ligayang nakakasilaw

I wasn't ready for all of this. Habang nakikita at naririnig ko siyang kumakanta, parang tuluyan na rin pumasok sa akin ang katotohanan na nandito na nga ako— sa lugar kung saan nasaan din siya. 

It's like are breathing the same air again.

Hindi makalipad
At basa ng ulan
Ang pagtingin sayo'y
Nasa likod ng buwan

"By the way, Lia."

Wala sa sariling bumaling ang tingin ko kay Kuya Adrian.

Nang magtama ang mga mata namin ay ang pag-alala ko rin sa gabing nagsimula ng apoy sa pagitan namin ni Angelo. 

Ang tawag na nagsimula ng lahat.

Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "I am sorry in behalf of Angelo. I know what he did is wrong when he called you."

Rinig ko ang gulat ng aking nasa tabi. "Hindi niyo nakwento sa akin 'yan! Ang daya!" Inis na sabi ni Agatha.

"Angelo called Lia while he's drunk. No need to elaborate, alam mo na kung anong mga sinabi niya." Maikling kwento ni Simon.

"Argh. Gago talaga siya. Buti naman tamang numero na ang tinawagan niya ngayon."

Ate Alice laughed. "Who would have thought na gugulo ng ganito? Ako ata ang idol ni Gelo, I used to be in his state, thank God hindi na."

"Let's not talk about it here. Birthday ni Uno..." pigil ni Tulip.

"I—I..." I want to leave

I want to leave and run away but I feel weaker than before. Gusto ko takbuhan nalang ang lahat, bumalik ng Singapore.

Bakit lagi nalang mali ang lahat? Masama ba na hilingin maging masaya?

Bakit kailangan may masasaktan sa pagitan naming dalawa?

Sa ating hardin
Kung saan tayo'y malayang
Malayang sumayaw
At sambitin ang pagtingin

"Do you get it now, Lia?" Tanong sa akin ni Agatha.

"Agatha! We have no right to speak for Gelo." Bawal sa kanya ni Ate Adrianna.

"But Ate—"

"Let's not commit the same mistake again by meddling with their lives. Hayaan na natin sila umayos niyan." Ani Dos sa isang boses na hindi ko maintindihan anong gusto ipahayag.

Puno ng kalituhan ang aking isipan. Gusto ko mag tanong pero sa tingin ko ay masyadong abot langit ang aking naiisip.

"Okay fine, I won't." Pag bitaw ni Agatha sa mga balak sabihin.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ko kinakaya ang pagkalabog 'non.
Rumagasa lahat ng ala-ala naming dalawa, bawat hawak... bawat salita. Ang lahat ay nanumbalik.

Ang mga sinabi niya kanina— ito ba talaga ang ibig sabihin 'non?

Pero paano?

Bakit?

Bakit ngayon lang?

Kung kailan tanggap ko na.

Kung kailan maayos na ako.

Kung kailan handa na ako maging masaya para sa sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top