Ikalabing-dalawang Tugtog
Smile
"Ito ang bayan ng Del Cid."
Napatingin ako sa labas ng bintana nang banggitin ni Clyde kung nasaan na kami. I know the place by name because he was telling me about it non-stop but I never knew that there is really a place like this.
Bumungad sa aking paningin ang isang abalang palengke. Pamilyar sa akin ang ganitong pamumuhay dahil nakita ko na rin ito sa Argao noon pero mas simple ang nakikita ko ngayon. Walang cellphone akong nakikita na hawak ng mga taong naglalakad, tanging ngiti lamang ang kanilang mga bitbit habang maya't maya ay bumabati sa mga nakakasalubong.
Mga taong simple lamang ang suot ang dumadaan sa aming gilid upang pumunta sa kanilang destinasyon. Wala akong makitang ibang kotse maliban ang sa amin at ang dala ni Simon. Pero bago ko pa matanong kung paano ang transportasyon ay napansin ko na ang mga tricycle at bisikleta sa paligid.
"I thought we'll go to a resort? Hindi ko naman alam na sa probinsya pala. We could have visited Argao nalang kung gusto niyo ng ganitong ambiance." Rinig kong komento ni Ate Alice sa likuran.
Natigil ako sa pag tingin sa labas dahil doon. Gusto kong mag salita at sabihin na ayos lang naman dito, I really have no problem with the place.
Resort man o hindi, this place looks peaceful. 'Yon naman ang gusto ni Clyde— ang makapag-relax kami.
I heard him sigh. "Al, hindi kita pinilit sumama rito. In the first place, this trip is only for me and Lia. Hindi ko nga alam kung bakit kayo sumama ngayon."
His voice sounded so calm and unbothered, opposite from his expression that looked pissed.
"So ayaw mo kaming sumama?" Biglang punto ni Ate Alice.
Napalingon si Clyde sa kanilang gawi pero mabilis din binalik ang tingin sa daan.
Napailing siya. "I didn't say that."
"Well, 'yon ang pinapakita mo. Baka nakakalimutan mo na may kasama ka rito na hindi mo pagmamay-ari? Lahat tayo rito ay saling-pusa lang."
"Alice." Banta ni Agatha na kakagising lamang.
Napaiwas nalamang ako ng tingin at napahawak sa aking buhok. Bumigat ang puso ko sa naging paninimula ng araw pero mabilis ko 'yon winaksi dahil alam kong malulungkot si Clyde pag nakita niyang apektado ako.
This trip, whether with his cousins or not, should be enjoyed by us.
This vacation is for me and Clyde. 'Yon ang dapat kong isipin. Kung may mag aadjust man sa bakasyon na 'to, hindi kami 'yon.
"What? Totoo naman? Nagiging entitled na siya." Ani Ate Alice.
"Still, Alice. Whatever thinking you have right now, it doesn't change the fact that we only invited ourselves. Tayo ang sumama. Tayo ang makikisama. Isa pa, nakakalimutan mo ata na pinsan natin si Clyde."
"Pinsan din namin ang kapatid mo, Gath. Hindi man lang ba niya naisip na hindi pa ayos si Angelo para magbakasyon sila ni Lia ngayon?"
Nagulat ako sa namutawi sa bibig ni Ate Alice, hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko.
Kung pwede lang mag-laho nalang ngayon ay ginawa ko na. Kung ganito lang pala ang magiging bakasyon namin ay sanang pinilit ko nalang umuwi si Clyde ng Singapore.
Napatingin ako kay Clyde at nakitang nagtagis ang kanyang bagang. Inabot ko ang kanyang braso at marahang pinisil 'yon.
"Alice, hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo." Muling banta ni Agatha pero sa pagkakataong ito ay mas seryoso at mapagtimpi.
Napatingin si Clyde sa akin at nanglambot ang kanyang mga mata. He faintly smiled and looked at his cousins.
"I am sorry..."
"... hindi ko alam na ga'non pala ang maiisip niyo tungkol sa bakasyon na 'to." Aniya at muling humarap sa daan.
"I just really want to take Lia out on vacation, bago siya umaalis." Dagdag ni Clyde.
Nag-kunot ang noo ko sa sinabi niya. Bago siya umalis. What does he mean by that? Ako lang? Hindi siya sasama? Akala ko ba ay sasabay siya sa akin pabalik?
I opened my mouth but closed it again because I heard Ate Alice sighed.
"Okay fine, I am sorry din." Aniya sa malumanay na boses. "I am just really frustrated by how the things are turning out. Pero hindi naman ibig-sabihin 'non galit ako sa'yo. You're still our Clyde."
Napakagat nalamang ako sa aking pang-ibabang labi at inalis lahat ng balak ko itanong kay Clyde.
I smiled when I heard Agatha laughed. Napangiti na rin si Clyde at sa huli ay natawa na rin dahil sa pang-aasar ni Agatha.
"Thank God!" Agatha exclaimed. "Akala ko ay aabot ng isang araw ang pag susungit ni Best Actress! Ayokong may kasamang nakabusangot habang nag babakasyon. Baka itapon kita."
"Hmp! Okay na ako, hindi na ako mag susungit. Nailabas ko na ang inis ko kanina."
Nagpatuloy si Agatha sa pang-aasar kay Ate Alice pero inabot niya lamang si Clyde para kalbitin.
"I said sorry already." Mahina niyang sabi. "Bati na ba tayo?" Tanong niya rito.
Clyde's smile grew and nodded without thinking twice. "Hindi naman ako nagalit sa mga sinabi mo. I understand."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Bati na ba tayo? Ayoko ng tango."
"Ang arte!" Natatawang sabi ni Agatha.
"Can you please shut up, Gath?" Baling sa kanya ni Ate Alice.
Sinamaan niya ito ng tingin at binalingan muli ng tingin si Clyde para hintayin ang kanyang sagot.
"Clyde, I am not going to ask you again."
Clyde laughed again. "Yes, bati na tayo."
Nang marinig namin 'yon ay muli silang tumawa habang ako ay napapangiti habang pinapanuod sila. Pilit niyayakap ni Ate Alice si Agatha pero umiiwas lamang ito kaya napasabay na rin ako sa pag-tawa.
"By the way, isa sa mga anak ng may-ari ng lupaing 'to ay kaibigan ko. I met him in Manila when we were still studying. Hindi kami naging mag kaibigan noong college pero after graduation, he invited me here and I got to spend a few days which made me fall in love with everything about this place."
"Lupain? You mean... hindi lang 'tong bayan na 'to ang pinunta natin dito?" Tanong ni Ate Alice kay Clyde.
"Oo naman." Aniya bago pinarada ang sasakyan sa gilid ng daan. "You haven't seen everything yet, wait until you do. Baka ikaw mismo ay hindi umuwi."
Clyde winked at them and looked at me while smiling. I rolled my eyes and smiled too.
"Ew, ang annoying mo." Kunyari ay naiinis na sabi ni Ate Alice pero napangiti pa rin sa huli.
"Tara, we have to ride a boat to get to the island."
"Island?" Muling pag-ulit ni Ate Alice sa tila hindi makapaniwalang boses.
"Ulit-ulit?" Tanong ni Agatha.
Parang bata akong tumango at inayos na ang body bag na nakasabit sa akin. Hindi ko na siya hinintay pang makababa at ako na ang kusang nag-bukas ng pintuan sa gilid ko para makababa.
"I didn't know na may island sa place na 'to. Who would have thought?" Rinig kong komento ni Ate Alice.
Napapikit ako nang malanghap ko ang sariwang hangin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi habang dama ang malumanay pero preskong hangin ng lugar na ito.
Nakaramdam ako ng presensya ng tao sa gilid ko.
"Clyde, pakiramdam ko... I am meant for this place." Bulong ko.
My eyes remained close.
"I have a good feeling about this place." Dagdag ko.
"Bakit hindi mo ako hinintay na pag-buksan ka?" Rinig kong tanong ni Clyde kasabay ng mabibigat niyang yapak na palapit pa lang sa akin.
Natigilan ako sa narinig. Ramdam kong natigilan din siya dahil hindi siya tuluyang nakalapit sa akin.
A part of my heart thumped like crazy. Naramdaman kong mas lumapit ang taong hindi ko gustong makompirma kung sino. I want to deny him but my whole body is familiar— very familiar when it comes to him.
His scent entered my senses and there, I got it all confirmed which made my heart stop for a second before going crazy again.
If that is even possible...
"Sir Clyde, nandito na po pala kayo."
"Manong Bert, kamusta na po? Pinadala pa po ata kayo ni Andrei?"
Bumukas ang mga mata ko nang makarinig ng may katandaang boses. Gustuhin ko man tumingin sa gawi nila ay nakuha na ng taong nasa gilid ko ang aking atensyon.
Wala sa sariling humarap ako sa kanya at sinalubong ang mga mata niya. Nahigit ko ang aking hininga nang mag-tama ang aming mga paningin.
I was expecting myself to feel sad or guilty because I know I'll only see his eyes full of pain but it didn't came. Sa halip ay matang puno ng buhay ang bumungad sa akin. Napaawang ang labi ko dahil doon at ilang beses kong binukas-sara ang mata ko para masigurado ang nakikita.
It is as if I am seeing the Nathaniel before...
What joke is this?
He looks good. So good. He looks clean.
Liazabel? Ano bang mga naiisip mo?
Nakaputing t-shirt lamang siya at asul na khaki shorts na mas lalong nagpaaliwalas ng aura niya. Maayos ang kanyang gupit, mas lumitaw ang ganda ng kanyang mata sa bago niyang ayos.
His best asset is his eyes. 'Yon lagi ang nakakabihag ng kahit sino man gustuhin mabihag 'non.
"Angelo." Lakas loob kong banggit sa pangalan niya.
Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakangiti habang mataman nakatingin sa akin.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko.
Naging ngisi ang kanyang ngiti at umiling. Napayuko siya at napahawak sa kanyang batok. Pinigilan ko mapangiti dahil hindi naman lingid sa kanya na gustong gusto kong ginagawa niya ang aksyon na 'yon— dati.
He seems innocent when he do that.
Muli niya akong tinignan habang pinipigilan ang kanyang ngiti.
"Well, I just can't help but feel..." he stopped and bit his lower lip. "Ano kasi eh... yung ano... our clothes."
Bahagya kong natagilid ang aking ulo dahil hindi ko nakuha ang kanyang sinasabi. Napatingin ako sa damit niya, pagkatapos ay sa damit ko pero bago ko pa maisip ang sinasabi niya ay nasagot na ang kalituhan sa akin.
"Matchy daw kayo." Bulong ni Agatha bago kami lagpasan para lumapit kay Clyde at doon sa matandang bumati kay Clyde.
"How childish." Bulong ni Ate Alice habang nakangiting sumunod kay Agatha.
Muli akong napatingin sa suot ko. I am wearing a white shirt paired with high-waist blue shorts. Napataas ang aking kilay dahil doon at muling nag-taas ng tingin kay Angelo.
Ngiting-ngiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Nagpamulsa siya at napaiwas ng tingin, kita ko naman ang pamumula ng kanyang tenga. Napabuga siya ng hangin at pinilig ang ulo pero hindi pa rin siya nag-tagumpay na itago ang kanyang ngiti.
"Alam ko na 'yan."
Natigilan kami pareho nang may pumitik sa tenga niya.
"Simon!" Inis niyang bigkas sa pangalan nito at napahawak sa tenga niya.
Napahakbang ako palapit sa kanya dahil doon. Rinig ko ang malakas na pag pitik ni Simon kaya hindi ko mapigilan ang mag-alala lalo na at bakas sa mukha niya ang sakit.
Napadaing siya kaya muli akong humakbang palapit at bahagyang sinilip ang kanyang tenga para makita 'yon. Mas namula ito pero ngayon, alam kong dahil na sa pitik ni Simon.
"Hi Lia! Good afternoon! Pasensya na ha? Sunod nalang kayo." Pag hingi ng paumahin ni Tulip at lumakad paalis ng hindi pinapansin si Simon.
Natikom ni Simon ang bibig niya at malungkot na pinagmasdan ang paalis na si Tulip. Bagsak ang kanyang balikat at mabilis na sinundan si Tulip. It's so good to see them okay and happy, hindi pa ako sanay pero maganda talaga sila tignan magkasama.
Gustuhin ko man masuri ang dalawa dahil sa mga kwento ni Clyde ay hindi ko magawa dahil nagulat nalang ako sa sarili ko nang wala sa sariling abutin ko ang tenga ni Angelo at marahang hinaplos 'yon.
I can feel the familiarity from our skin.
"Masakit ba?" I asked while my thumb brushed on his ear.
Tila nawala sa kanyang isip ang iniindang sakit nang muling mag-tama ang mga mata namin. Kahit ako ay natigilan dahil hindi ko inasahan ang lapit ng aming mukha. He's only a few centimeters away which made me almost stopped from breathing.
"Uh—"
Lalayo na sana ako sa kanya pero inabot niya ang nakahawak kong kamay sa tenga niya at hinawakan ako roon. Mas lalo niya akong nilapit sa kanya kung kaya't nanlaki ang mga mata ko.
I can smell his fresh breath from our distance and his scent took all over me. Para akong malulunod dahil sa distansyang meron kami at hindi nakakatulong ang sobrang lakas na pagkabog ng puso ko.
"Masakit..."
I saw pain flashed through his eyes but it didn't stay long.
"Pero hindi kayang higitin ng sakit niyan ang sakit dito..."
Dinala niya ang kamay ko sa tapat ng kanyang puso. Ang mga mata ko ay hindi magawang makawala sa kanya kahit alam kong dapat na akong lumayo. Para akong hinihila ng kung ano at tanging siya lamang ang nakikita ko ngayon.
My eyes to his. My hand to his. With every brush of our skin, parang may kumakatok sa puso ko.
"I am sorry. Hindi ko sinasadya."
Hindi ko alam pero 'yon ang lumabas sa bibig ko. Somehow, I want to ease his pain and when I saw how his eyes brightened up, napangiti ako ng bahagya kahit papaano.
"Hindi ka ba masaya na sumama ako?" Tanong niya.
Napalunok ako at napatingin sa kamay kong nakapatong pa rin sa tapat ng kanyang puso. Akmang kukunin ko na 'yon pero hindi niya ako hinayaan, sa halip ay mas hinila niya pa ako palapit kaya muli akong napatingin sa kanyang mata.
Kita ko naman na masaya siya sa ginawa niya. Habang ako ay hindi alam kung paano hihinga ng tama.
"Ayaw mo ba na nandito ako?" Muli niyang tanong.
Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso niya.
Umiling ako. "Hindi naman sa ga'non."
Mas tumamis ang ngiti niya.
He nodded. "Your answer is enough. Akala ko kasi ayaw mo. Though I still won't leave kahit ayaw mo."
Unti-unti ay binaba niya ang kamay naming dalawa pero nanatili siyang nakahawak sa akin.
"I will just make you like the fact that I am here. I will make you love my presence again." He said with so much confidence.
Umayos siya ng tayo at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Bahagya naman siyang natawa nang makitang naginhawaan ako sa pag-layo niya ng konti.
Sinamaan ko siya ng tingin pero kumawala rin ang ngiti sa akin. I miss us... being friends.
"I'll start by making you smile."
I felt conscious about my smile so looked away and prevented my lips from curving.
"Just like before, Lia. Tulad ng dati, ako ulit ang magpapangiti sa'yo."
I want to believe that he will always make me smile, kahit na wala na akong nararamdaman para sa kanya.
I want to move on,
I want to forget,
But I still want to remain friends... if it's possible.
If not, then I guess we don't fit each other's lives anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top