Ikalabing-apat na Tugtog

Not a free fall

Like a person diving through the depth of the water, I hope to feel that freedom that I took away from myself before it take a toll on me.

"Dinner is served, I hope everyone will enjoy their stay here."

Napalingon ako sa kaibigan ni Clyde.

Andrei Del Cid.

His aura shouts calmness. Hindi ako na-intimidate sa kanya na malayo sa inaasahan ko. I know how to appreciate view when I see one, and despite of his good body and strong features, I can sense calmness from him.

"Thank you, Drei. Akala ko hindi na ako makakabalik sa lugar na 'to." Ani Clyde na nasa aking tabi.

"Sabi ko naman sayo, you're welcome here." Tugon ng kanyang kaibigan.

Nag-simula na kaming kumuha ng pagkain mula sa napakaraming putahe na pinahanda ng kaibigan ni Clyde.

Nang makarating kami kanina sa isla, agad kaming sinalubong ni Andrei Del Cid. Halata sa kanya ang pagkagalak sa aming pag dating. Matalik silang magkaibigan ni Clyde at masaya ako makita 'yon dahil madalang lang magkaroon ng kaibigan ang mga Montgomery.

They're most of the time together that's why they don't have any reason to get close to other people.

Akala ko ay wala na akong ikakamangha pa sa lugar na 'to pero nag kamali ako. When we were slightly toured before going to our cabins, pakiramdam ko ay nasa isang paraiso ako. Lugar kung saan tanging magagandang bagay lang ang makikita.

Mistulang pati ang bato sa gilid ay dekorasyon sa ganda ng lugar.

After fixing our things in our cabins. Sinabihan na kaming pumunta sa bahay mismo ni Andrei Del Cid dahil doon daw kami mag di-dinner.

Ang kasama ko sa cabin ay si Tulip. Nakampante naman ako dahil mas komportable akong kasama siya kay'sa kay Ate Alice o Agatha.

I feel like my tongue is tied when they're around.

"I heard wala ka raw balak gawin business ito, Mr. Del Cid?" Rinig kong tanong ni Ate Alice.

Pinalibot ko ang mata sa kanyang kusina.

I noticed that he has a very big house but a humble one I may say. Very ancestral ang dating ng kanyang tahanan.

Natigil ako sa pagmamasid nang mapansin ang mga matang diretso ang tingin sa akin.

Halos mahigit ko ang aking hininga nang mag salubong ang aming mga tingin. Hindi man lang siya nabagabag kahit na nahuli ko siyang nakatingin, he continued staring at me, making me melt because of the intensity.

Sa tabi niya ay si Ate Alice na abala sa pakikipag-usap sa mga pinsan at sa kaibigan ni Clyde. Pati na rin si Clyde ay walang tigil sa pag kwento ng kung ano-anong mga bagay sa mga pinsan.

Nanglambot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Bahagya akong ngumiti at umiwas ng tingin pagkatapos.

What's the softness for, Angelo?

Hindi na talaga kita maintindihan. Anong nangyayari sayo?

I focused myself on Clyde and the food. Dahil iyon naman talaga ang dapat. Pumunta kaming dalawa rito para mag bakasyon. Para makalayo sa mga bagay na bumabagabag sa amin. Dinala niya ako dito para sumaya ako, hindi ko pwede sirain ang bakasyon namin dahil lang sa hindi magandang nararamdaman ko ngayon, hindi pwede madaig ang bakasyon na ito dahil lamang sa hindi ako komportable na naririto ang mga pinsan niya.

Mabilis lumalim ang gabi.

Napag desisyunan namin na bukas na kami lalangoy at mamamasyal. Sa ngayon ay nasa may dalampasigan kami ng mga babae at ang mga lalaki naman ay naiwan para uminom.

Naka upo kaming lahat sa buhangin habang tanaw ang madilim na katubigan. Despite of the darkness, I can still see how beautiful it is.

"How can a place be so beautiful?" Bulong ni Tulip sa hangin habang nakatuon ang mga mata sa katubigan.

Tumango ako bilang pag sangayon.

"Lia." Tawag sa akin ni Ate Alice.

Napalingon ako sa kanyang gawi at nakita ang kuryosidad sa kanyang mga mata.

"Alice." Tawag sa kanya ni Agatha na may pag babanta sa boses.

She darted her eyes to Agatha and rolled her eyes. "I haven't said anything yet. Masyado niyo naman akong hinuhusgahan."

"Al, it's just that—" ani Tulip sa malambot na boses.

"I just want to ask Lia something, I won't make gulo, okay?"

"It's okay..." pagpapagitna ko sa kanila. "Go on, just ask." I assured her.

Napayakap ako sa aking sarili hindi dahil sa lamig na dala ng hangin kung hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Ate Alice has a sweet but very strong personality. I can't help but to feel little infront of her. Kahit na halos buong buhay ko sila nakasama, hindi na yata ako masasanay. I remember us being so close before... pero dahil kay Angelo. 

Kung titignan ay wala naman dapat nag bago pero siguro sa sitwasyon namin... lahat nakatakdang magbago.

"How..." she stopped for a second and sighed. "How did you know..." she stopped again.

I can see that she's trying to find the right words to say.

Umihip ang hangin at bahagyang nahipan ang ilang hibla ng aking buhok. I tried fixing it but failed. I felt Tulip's hands on my hair and she fixed it for me.

Ate Alice bit her lower lip and the emotions on her eyes quickly changed. From showing courage to showing sadness.

"How did you know that you have to leave my cousin na?"

My lips parted from her question.

"Al..." tawag sa kanya ni Tulip.

"Sabi mo hindi ka manggugulo." Matalim na banta ni Agatha.

Litong-lito ako tinignan ni Ate Alice at kita ko ang panunubig ng kanyang mga mata.

"I just want to know kung paano mo 'yon nalaman sa sarili mo? Kahit na mahal mo pa siya. Kahit na sobra-sobra mo siyang mahal. I want to understand how can a person leave despite of—"

She stopped and harshly sighed. Umiwas siya ng tingin at pinigilan ang nag babadyang luha. Humarap siya sa karagatan para itago ang mga mata.

Her long straight hair hid her emotions from us but I know better, alam kong hindi naman para sa akin ang tanong niyang iyon. Kaya kahit mahirap sagutin, pinilit ko para sa kapayapaan ng isip niya.

Through out the years, naisip ko na rin ang sagot sa tanong niya.

Paano ko nga ba nakayang layuan ang taong pinaka mahalaga sa akin?

"I didn't leave him." I whispered pero sapat na para marinig nila.

Katahimikan ang namayani sa buong lugar. I bitterly smiled and hugged myself tighter.

"Para sa akin, ang ibig sabihin ng pag lisan sa kanya ay ang tuluyang pagkalimot din..."

I shook my head. "... pero hindi ako umalis para kalimutan siya. Umalis ako para makalimutan ang nararamdaman ko. It's not leaving him but leaving so that I can come back to him without feeling... that..." I felt like my words are out of reach but I tried to collect myself. "... inside me again."

"Paano mo nalaman na panahon na?" She asked again.

Humarap siya sa akin at bakas sa kanyang mga mata ang pilit niyang pinipigilang mga luha. Namumula na rin ang kanyang ilong at pisngi.

Inabot siya ni Agatha at bahagyang niyakap pero nanatili siyang nakatingin sa akin.

"Because at that time, mas mahirap ng manatili kaysa umalis."

Pakiramdam ko ay may kumawala sa akin sa aking sinabi. Tila nakahinga ako, these are the thoughts that I was holding on to, wala ako mapagsabihan nito dahil pakiramdam ko walang makakaintindi.

How is that even possible?

"I need to save what I can. Hindi ko kayang makita pa kaming masira dahil sa nararamdaman ko. Ayaw ko dumating ang araw na kahit tignan man lang siya ay hindi ko magawa."

I smiled and felt the cold breeze on my face. "Ga'non ko siya ka-mahal noon." I stopped to give way for my breath after my last word.

"Ayaw ko siya tuluyan mawala sa akin kaya kailangan kong umalis panandalian."

"But now you are here. Ibig ba sabihin nito—"

"Stop this already." Ani Agatha.

Natigilan si Ate Alice at tumingin sa pinsan.

"Mag pahinga na tayo. I know where you're coming from but it's not okay to ask her this. It's enough that we ruined their vacation already, let's not make her upset by asking questions that will make her uncomfortable."

Walang nagawa si Ate Alice nang itayo siya ni Agatha at hinila paalis. Binigyan niya ako ng malungkot na tingin at nagpatianod sa pinsan. Marahil ay pagod na rin siya kaya sinuko na rin ang pag tatanong.

From how I know her, she's persuasive and she'll keep on asking me. Marahil ay dahil sa halo-halong emosyon kaya hindi na niya ipinilit pa.

I'm quite relieved, I admit.

"I am sorry for that."

"Ayos lang, Tulip." Tumingin na ako muli sa dagat.

"It's okay..." muli kong bulong na para bang kinukumbinsi ang sarili.

"Babalik na ako sa cabin, you'll stay here?" Tanong niya.

Tumango ako. "Susunod nalang ako."

I want to breathe for a while. Pakiramdam ko ay bilang ang aking pag hinga mula kanina.

"Okay..."

Tumayo siya at nag lakad na pabalik ng cabin namin. Malayo ang kina-uupuan namin mula sa mga cabin at tahanan ni Andrei Del Cid. Sa kaliwang bahagi na to ng isla kung kaya gusto ko na manatili muna.

Ayoko muna makarinig ng kahit ano. Tanging katahimikan lang at kapayapaan ang gusto ko ngayon.

Unti-unti kong inalis ang pagkakayakap ko sa aking sarili at nilapat ang kanang kamay sa buhangin. Pinakiramdaman ko ang buhangin at pumikit. Ipinatong ko ang mukha ko sa aking tuhod habang gumuguhit ng maliliit na bilog sa buhangin.

Nanatili lamang akong nakaga'non sa loob ng kaunting minuto. Nakinig lamang ako sa tunog ng maliliit na alon, ihip ng hangin at tunog na nanggagaling mula sa mga puno.

Lia, napakaganda ng lugar pero ganito kabigat ang puso mo.

Nang maisip kong baka hanapin ako ni Clyde ay napag desisyunan kong tumayo na. Pinagpag ko ang aking floral dress para maalis ang mga buhangin na sumama sa aking pag tayo.

Lumingon ako para tahakin ang daan pabalik sa mga cabin pero halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang tumambad sa aking harapan ang huling taong gusto ko makita ngayon.

Nanatili ako sa aking pwesto habang nilalamon ng kanyang titig. Malalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Tila hindi rin alam kung ano ba ang dapat gawin.

"Uh..."

I searched for words.

"Tapos na ba kayo?" I broke the silence between us.

Ang kanyang mapupungay na mga mata ay hindi lumihis. Hindi rin bumuka ang kanyang bibig para sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Humakbang ako palapit sa kanya para ipakitang maayos pa rin ako. One of us should try to make things comfortable between us, kung makakasama ko siya ng ilang araw dito kailangan ay maging normal kahit papaano. I don't want to feel this uncomfortable every second I'll see him.

"Angelo, mauuna na ako ha? Babalik na ako sa cabin. Don't stay up too late, malamig na" Saad ko.

Tuluyan na akong nag lakad at nilagpasan siya pero bago ko pa magawa 'yon ay napigilan niya na ako sa pag hawak sa aking braso.

Nahigit ko ang aking hininga sa kanyang ginawa.

"Bakit ganito nalang kadali sayo ang umaktong parang wala ako? Na parang wala kang pakielam sa akin?" Puno ng pait niyang tanong.

From his fresh manly scent, I can smell alcohol from him.

"Lasing ka, Angelo."

I wasn't asking.

Nagpakawala siya ng halakhak. Bakas doon ang inis at frustration niya.

"Bakit? Nagkakaroon ka lang naman ng pakielam sa akin tuwing lasing ako."

Pinihit niya ako paharap sa kanya at halos mapahawak ako sa puso ko sa ginawa niya. I felt the stinging pain inside of me.

"May pakielam ka na ba ulit sa akin?"

Parang ulit-ulit sinaksak ang puso ko dahil sa nakikita at naririnig ko. Magulo ang kanyang buhok at napipikit ang mga mata.

His eyes were bloodshot red...

Nababalot ng lungkot at sakit ang Angelo na kaharap ko. Ayaw ko man aminin ay alam kong galit din siya.

"Gusto ko maintindihan kung bakit ga'non nalang kadali lahat para sayo habang ako hirap na hirap pa rin! You left without a word. You left me, Lia!"

My heart broke hearing his cry. Anger is evident from his eyes. His jaw clenched from the pain he's suppressing.

It was never easy. Kahit ngayon, hindi madali. Walang madali.

Gusto ko isatinig ang mga salitang 'yan pero wala akong lakas ng loob.

I wanted to step forward and touch him— to calm him.

But I was scared.

Scared for him. Scared for myself.

I never saw him this mad. Fuming mad.

Nanatili lamang akong nakatayo sa harapan niya. I felt my eyes stinging but I held my tears from falling. My heart is tightening for every second that passed. Pakiramdam ko muli akong nabuhay pero kasabay 'non ang muli kong pagkamatay dahil nakikita ko siyang nagkakaganito.

"Angelo..." I whispered his name.

I want him to stop. Hindi naman niya dapat sinasabi ang mga ito, nagagawa niya lamang ito ngayon dahil lasing siya. He will regret this sooner or later.

His eyes exhibited emotions I never knew I could see from him. Pero mabilis lamang iyon, muling bumalik ang galit mula sa kanyang mga mata.

"Lia, can you please for once... answer me..." He pleaded.

"Alam ko, I did you wrong! Hinayaan kitang umalis noong gabing 'yon. I admit that part. Pero akala ko kasi... ayos lang mag isip muna. I was taken aback..." his eyes remained hard, full of pain, longing and anger but his voice was starting to sound weak by every word he uttered.

"Akala ko hindi ka naman mawawala. Akala ko nandyan ka pa rin. Nasanay akong ga'non. But I was wrong..."

Umiling ako. "Angelo, I explained this to you before, right? Noong gabing huli nating pag uusap, sinabi ko sayo kung bakit kailangan ko gawin ang mga bagay na ginawa ko." I took a deep breath and held his hand like I usually do before when we were sill friends. "Pero hindi ibig sabihin 'non ay wala akong pakielam sayo. You are still very dear to me... kahit ngayon. It's just that, kailangan natin matanggap na hindi na tayo tulad noon." I tried to explain as hard as I can, maturely.

"Did you really love me? Totoo ba talaga 'yon? O nalito ka lang tapos ay narealize mo 'yon nang umalis ka. Ngayong bumalik ka, naisip mo na hindi mo naman talaga ako minahal kaya ang dali sayo umaktong wala na ako sa'yo. Ga'non ba 'yon?"

Behind the anger in his eyes, fear elevated. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso at bahagyang mas nilapit pa ako sa kanya. Parang wala siyang narinig mula sa akin, he was just so determined to get answers for his questions.

Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti.

Sa totoo lang ay ayaw kong sumagot, gusto ko nalamang umalis at takbuhan ang lahat ng tanong niya dahil ako mismo ay hindi nakasisigurado sa sagot pero pakiramdam ko, mas madudurog ako pag hindi ko ibinigay sa kanya ang sagot sa mga katanungan niya kahit sa paraang kaya ko lang.

"My love for you will always be special. I felt everything because of it. Mga bagay na alam kong ikaw lang ang kaya magpadama sa akin. I often ask the world if I am being unfair to you. Kasi minahal kita kahit bawal."

I loved you even though I know I'll be punished for it.

"It wasn't a free fall, Angelo."

I paid so much for falling and I can't believe I am willing to pay more for it.

Lumapit ako sa kanya at tinawid ang distansya sa pagitan namin. Niyakap ko siya at hinayaan na umiyak sa aking bisig. I tapped his back to assure him it's okay.

"Shh, it's okay..." I whispered. "Okay na ako ngayon..."

Pumikit ako at naramdaman ang pag patak ng luha sa aking mga mata at naramdaman ko ang kamay niyang pumaikot sa aking bewang. Mas siniksik niya ang kanyang sarili sa akin at mas lalong umiyak na mas nagpasakit sa aking puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top