Ikalabing-anim na Tugtog
Ayokong masanay
Bago siya tuluyang makalayo ay panandalian siyang tumigil nang hindi lumilingon sa akin.
"Sa mga lumipas na taon, alam ko na marami ng nag bago pero hindi pa rin ako sanay."
"At..."
Narinig ko ang kanyang mahinang buntong hininga.
Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko. Alam ko ang pakiramdam ng walang prenong sakit na hindi mo aakalaing kayang damhin ng puso mo. Once, before, I felt it from him. At hindi ko akalain na ngayon, ako naman ang mag bibigay sa kanya ng sakit na iyon.
"Ayokong masanay."
Nang lumabas ang mga salitang 'yon sa kanyang labi ay kasabay ng kanyang pag lingon sa akin. Kita ko ang pag aliwalas ng kanyang mga mata. Ang mga salitang namutawi sa kanya ay tila bagahe na pilit bumabara sa kanyang dibdib na nag laho nang masabi niya ito.
Nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata dahil iniintindi ko siya. Gusto ko siya maintindihan tulad ng dati pero parang hindi ko magawa... ngayon.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
A small smile formed in his lips. "Gusto mong malaman?"
Nag salubong ang aking kilay dahil sa kaguluhan. Hindi ko maintindihan kung ano ang kahulugan ng ekspresyon niya ngayon. Ang kanyang mga mata ay tila may pinapatunayan at ang kanyang ngiti ay... hindi ko maisalita.
"Angelo, pwede bang diretsuhin mo na ako?"
He let out a chuckle.
Umiwas ako ng tingin dahil sa frustration na nadarama ko mula sa kanya.
"As always, my curious Liazabel."
Tila umikot pabaliktad ang mundo ko nang marinig ang kanyang sinabi.
Hold on tight, Lia.
"Dito sa eksaktong lugar na 'to, eleven pm." Aniya.
He smiled. "Let's go back. Babalik na muna ako sa cabin, pakisabi nalang pag hinanap nila ako."
Wala sa sariling napatango ako at pinanuod siyang ngiting ngiti habang nag lalakad at naunang mag lakad pabalik ng cabins.
Angelo, ano ba itong ginagawa mo? I just hope you won't do anything that could ruin us more.
Ayokong umabot sa punto na aalis na naman ako para lang maiwasan ka.
"Kayo nalang, wala ako sa mood lumabas." Rinig kong sabi ni Tulip habang may kausap sa cellphone niya.
Nakahilig siya sa may bintana ng cabin kung saan tanaw ang madilim na kapaligaran na iniilawan lamang ng buwan at mga bituin.
Narinig ko ang kanyang buntong hininga at bahagyang ngumiti. Her faint smile made her look like an angel under the moonlight.
"Sorry, Alice. Maybe next time." Aniya sa mahinhin na boses.
Binaba niya ang tawag at nanatiling nakatingin sa labas.
Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang sampung minuto nalang bago mag eleven pm.
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi at napasandal sa may pintuan. Nakabukas ang pintuan ng cabin namin para pumasok ang sariwang hangin mula sa gabi. Nakahilig ako roon habang pinagmamasdan ang karagatan sa may hindi kalayuan.
'Dito sa eksaktong lugar na 'to, eleven pm.'
I should not go...
But what if he waits? I know him, he won't leave.
Pero noon 'yon, paano kung hindi na ga'non? What if kung umalis naman siya after a few minutes... when he notice that I won't come.
Sana may fast forward ang mga buhay para makita ko kung ano ang mangyayari, para maihanda ko ang sarili ko.
So I won't be this uncertain.
Nakakainis!
Napapikit ako at napahawak sa aking noo.
No, Lia! Don't go! Hindi na itinatanong pa 'yan. Dapat ikaw na mismo ang umiwas. If you know that it won't do you good then don't.
But at what point, we became bestfriends. Isa pa, may sasabihin siya, pinakinggan niya ako noong ako ang may sasabihin. It's unfair if I won't listen to him just because I want to contain my peace.
But still...
"Go."
Napalingon ako kay Tulip.
"Hah?" I muttered.
Nakatingin siya sa akin habang matamis na nakangiti.
"Puntahan mo na ang gusto mo puntahan."
Natigilan ako sa kanyang sinabi at walang masagot pabalik.
Paano niya nalaman? Did I say my thoughts out loud or did Angelo tell her?
Napailing siya at muling tumingin sa labas ng bintana habang hindi na maalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Your right foot is telling you that it wants to go out..." she whispered but enough for me to hear.
Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at nakitang naka hakbang na ito palabas. Hindi ko napansin na hindi na ako nakahilig sa pintuan at nakatapat na ang katawan ko sa labas. Tila handa na umalis.
Sandali akong napapikit at huminga ng malalim.
Muli ko siyang nilingon. "Aalis lang ako sandali. Mauna ka ng matulog, Tulip." Paalam ko sa kanya.
She nodded while still smiling at me. Ayoko na makita ang ngiti niyang may ibang pinaparating sa akin kung kaya't tinahak ko na ang daan papunta sa may dalampasigan. Bahagya akong napayakap sa aking sarili nang salubungin ko ang malamig na hangin dulot ng gabi.
I am only wearing a white cotton shirt and a knee-length maroon cotton shorts and that didn't fully help me to protect myself from the cold air.
Nagpatuloy ako sa pag lalakad hanggang marating ko ang aming tagpuan. Nang makarating ako roon ay nakita ko siyang nakaupo sa nakalatag na dilaw na tela. May ilang pagkain doon at may dala siyang gitara.
I stopped walking and I can't help but observe him. He is also wearing a white cotton shirt but a different knee-length colored shorts. He's wearing a black one. Mukha rin bagong ligo siya dahil halata pa ang pagka-basa ng kanyang buhok.
Naaamoy ko rin ang mabango niyang pabango. It seems like... hindi naman siya nag bago ng pabango. The same perfume from years ago.
Pinagalitan ko nalamang ang aking sarili bago tumikhim para makuha ang atensyon niya dahil abala siya sa pag totono ng gitara.
Mabilis siyang napalingon at agad naman sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Umayos siya ng upo at tinapik ang katabi niyang espasyo.
"Here..." aniya.
Tumango ako at umupo na sa kanyang tabi. Pinigilan kong may maisip o may maramdaman habang papalapit sa kanya pero talagang pinapahirapan niya ako dahil pinanood niya ang bawat galaw ko at hindi inalis ang tingin niya kahit na nasa tabi na niya ako.
"Nag abala ka pa, paano kung hindi ako dumating. Masasayang lang ang lahat ng 'to."
Parang wala sa kanya ang sinabi ko at mas lalo pa siyang napangiti. Kumikislap ang mata niya ngayong mas malapitan ko siyang nakikita.
"But you came." He said with so much emphasis.
Natahimik ako at napaiwas ng tingin. "Angelo, you know what I meant."
Ngiti lamang ang ginawad niya sa akin at muling binalik ang ngiti sa kanyang labi nang bahagya itong mapawi dahil sa sinabi ko.
"Play for me..."
Inabot niya sa akin ang gitara.
Tinignan ko ito sandali bago inayos at pwinesto sa taas ng aking hita. I carefully touched the guitar which is very familiar to me. Pinakiramdaman ko ito na para bang napaka espesyal nito sa akin.
It was his.
Despite of it being used for over a decade, the guitar is still looking strong and looked almost new. Marahil ay pinaayos niya na ito para mas lalong tumibay at mag tagal.
Tuwing pumupunta ako sa kanila noon ay hindi na ako nag dadala ng gitara at ang kanya nalamang ang ginagamit namin. Naiinis nga si papshie noon dahil gusto niya gamitin ko palagi ang mga gitara niya, hindi raw ang kay Angelo.
Kung iisipin, naparaming nakakatawang ala-ala ang baon ko sa aking isip at puso.
And this particular guitar contained a lot of memories. Memories that I will never trade for anything else.
Aalma sana ako ngunit gusto ko na rin kumalma at maging komportable. Maybe this will help the both of us to be comfortable again.
Sa tingin ko ay matutulungan ako ng pag-kanta.
"Ngayon lang to, Angelo." Babala ko sa kanya.
He smiled and nodded. "Just play..."
"Ano naman ang gusto mo tugtugin ko?" Tanong ko ngunit iling ang kanyang paunang tugon.
"Anything," aniya
I shrugged and took a deep breath.
I love this place
But haunted without you
Napangiti ako ng kaunti nang makita ang pag kunot ng kanyang noo dahil sa napili kong kanta na tugtugin.
My tired heart is beating so slow
Our hearts sing less than we wanted
We wanted
Napailing nalamang ako nang umayos siya ng upo at mas lalong humarap sa akin. Tinapat niya sa akin ang kanyang katawan at mas tinuon pa ang tingin sa akin.
Our hearts sing cause
We do not know
We do not know
Tila mas lumiwanag pa ang buwan sa bawat tunog na kumakawala sa gitara at sa aking tinig. I tried closing my eyes but I can't, I was too caught by his eyes.
To light the night
To help us grow
To help us grow
It is not said I always know
I smiled a little when I remembered how pissed I was before whenever I sing this song to him. Lagi nalang niya ako tinutulugan tuwing itong kanta na ito ang kinakanta at tinutugtog ko.
"It won't go away
The wonder of it all the wonder that I made
I am here to stay
I am here to stay
Stay"
I sighed when I saw him sleeping already. Tinulugan na naman ako!
Inalis ko ang gitara sa ibabaw ng aking hita at nilapag iyon sa aking tabi. Humiga ako sa kanyang tabi at naramdaman ang mga damo sa aking likuran.
Tinignan ko ang malawak na kalangitan. Napaka ganda ng mga bituin at buwan, napaka liwanag nila ngayon, parang lumaki at lumapit sila sa amin.
Pumikit ako at humiling sa mga bituin.
'Stars, I wish to stay... I wish that I could stay beside him for the longest that I can.'
Naramdaman ko ang pag galaw niya kaya nag mulat ako ng mata at bumaling ng tingin sa kanya. Inabot niya ang extra jacket niya sa akin kaya umupo ako ng kaunti para isuot iyon.
Napangiti ako nang makitang mataman niya akong tinitignan. Para bang sinusuri ako ng mga mata niya.
Muli akong humiga sa kanyang tabi at sinamaan siya ng tingin.
"Tinulugan mo na naman ako!" Reklamo ko sa kanya.
Bahagya akong natawa dahil sa sariling reklamo pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Inayos ko ang higa ko para matignan siya dahil napaka seryoso niya.
"Ayos ka lang ba?"
"Are you really going to stay with me?"
Napaawang ang aking labi sa kanyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay para hintayin na bawiin niya ang kanyang tanong pero mukhang seryoso talaga siya dahil hindi nag bago ang kanyang ekspresyon.
Tumikhim ako at pinilit ngumiti.
"O-of course..."
Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang intensidad ng kanyang tingin. Muli kong binalik ang mata sa kalangitan.
"Really? Hindi lang basta kanta iyon?"
"I will stay, Nathaniel." I assured him while my eyes were still looking at the stars. "We're going to be bestfriends for the rest of our lives. I promise." I whispered and smiled.
I felt my heart quenched.
You can catch me
Don't you run
Don't you run
If you live another day in this happy little house
Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang tinitignan din siya na nakangiti. His smile looks the same as before, sa tinagal kong nawala, pakiramdam ko ay nasasabik ako sa kanyang mga ngiti.
The fires here to stay
Natigilan ako sandali nang sabayan niya ako kumanta. I chuckled and he did too. Unang beses to na umabot siyang gising at sumabay pa sa akin sa pag kanta.
"Continue, Lia. Let's finish it together."
Tinaasan ko siya ng kanang kilay at bumigay nalamang sa kanyang hiling. I strummed again and continued where I left.
To light the night
To help us grow
To help us grow
It is not said I always know
Huminto siya at hinayaan akong kumanta mag isa. Naramdaman ko ang tila panandaliang pag tigil ng tibok ng puso ko bago ito muling tumibok ng mabagal.
Please don't make a fuss
It won't go away
The wonder of it all the wonder that I made
I am here to stay
Mabagal man ang tibok ng puso ko, hindi naman matatawaran ang lakas 'non.
I am here to stay
Muli siyang sumabay sa akin kung kaya't ako naman ang napatigil sa kalagitnaan ng linyang kinakanta.
Stay
He finished the song and smiled at me.
This is the happiest I saw him since the day I came back.
"Lia, I want to tell you something."
I stopped and looked at him straightly. "Ano 'yon?"
"This is something that I should have told you before but the courage I have wasn't enough to realize everything."
Mas lalo ako naguluhan dahil sa kanyang sinasabi. Bahagya na rin akong nakaramdam ng kaba. Lahat yata ng mauugnay sa nakaraan ay ayoko ng marinig.
"But Angelo..."
"I like you."
Nabitawan ko ang gitarang hawak ko at hindi makapaniwala siyang tinignan. Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin at tanging ang tunog ng paggalaw lamang ng mga dahon sa namutawi sa paligid habang siya at matamang nakatingin sa akin.
Ang kanyang mga mata ay tila nangungusap at kita sa mga iyon na masayang masaya siya sa sinabi niya.
"And I realized..." he drew closer.
Bahagya akong napalayo sa kanyang biglang paglapit.
"I loved you." His smile grew sweeter. "For a very long time."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top