Ikadalawamput-pitong Tugtog
Miss you
"Kuya, hindi naman sa—"
"Uuwi kami!"
Napaawang ang labi ko sa narinig kay Kuya Lian. "Kuya!"
"Our parents are having this problem, Liazabel!" Pagmamatigas niya. "Meron dapat kumausap kay papa!" Dagdag niya sa galit na boses.
"Kakausapin ko rin naman siya, Kuya..."
"No! Kung meron dapat kumausap kay papa, kami 'yon ni Akiliano."
Napabuntong hininga ako. Sa boses pa lang niya ay alam ko na hindi ko sila mapipigilan umuwi.
"Okay po..." mahina kong tugon.
Namayani ang katahimikan sa aming pagitan. Napagpasyahan ko na hindi ko na 'to matatago sa mga kuya ko. I was supposed to tell this first to Kuya Aki... being the one who's more calm and not impulsive— the eldest. Pero, hay! Nasaktuhan pa kung kailan may two-day trip meeting siya, kaya wala akong choice kung hindi sabihin na kay Kuya Lian ang nangyayari.
He sighed. "Hindi ako galit sa'yo, Lia."
I nodded. "Alam ko po..."
He sighed again. "It's just, I can't believe this. I can't believe... na ngayon mo lang sinabi." Napaupo ako sa kama at napayakap sa mga binti ko. "Kung kailan wala na kayo sa bahay? Can't you see Lia? Our family is shattering... sana sinabi mo agad..."
I know, alam ko na mali ang ginawa ko pero hindi ko alam ang gagawin ko, ang sasabihin ko. I was supposed to be back there and leave mamshie and papshie happy, hindi ganito na sirang sira.
"I am sorry, Kuya... I am sorry for not telling you at that time. Akala ko kasi..." Tinago ko ang mukha ko sa mga binti ko... feeling the hollow pit in my stomach. "...akala ko maaayos pa. Just like you, I can't believe dad could actually do that, akala ko misunderstanding lang..."
Isang buntong hininga na naman ang kumawala sa kanya. "Okay... 'wag mo na isipin. How are you? How is mom?"
"Umalis si mommy kanina, pero pabalik na raw siya. May inasikaso lang daw siya. I'll tell her to call you once she reached the hotel."
"Okay... please do. I'll call you once makausap ko rin si Akiliano. Magpapa-book kami agad ng flight para makauwi diyan sa Pilipinas."
"Sige po..." Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa binti ko at pinatong nalamang ang mukha ko roon.
"You? Kamusta ka? I know you're closest to papa. You look up to him more than anyone else. Okay ka lang ba?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.
Mapait akong napangiti. Naramdaman ko ang pag babadya na manumbalik ang mga ala-ala sa isip ko, mga ala-ala namin ni papshie kung kaya't maagap ko rin pinigilan ang mga 'to.
Tama si kuya, ako ang pinakamalapit kay papshie, I learned almost everything about music from him.
"Okay lang po, I have mom with me, kaming dalawa... we're getting by. Don't worry kuya, alam mo naman kami ni mamshie, we're alpha females." Tugon ko.
Muling namayani ang katahimikan, hindi namin alam pareho ang sasabihin sa isa't isa. Naiintindihan ko si Kuya Lian, ang gusto niya ay nandito sila para magsilbing bato namin ni mamshie lalo na at alam kong alam nila na nanghihina kami... lalo na si mamshie.
If we are hurt, what more si mamshie? Dad is the love of her life, she sacrificed a lot of things to be with him. Kahit ayaw nila lolo at lola sa relasyon nilang dalawa, she pushed through. Ang nangyaring 'to ay parang sampal sa kanya, na sana... nakinig nalang siya sa mga magulang niya.
Kasi...
Sasaktan lang din pala siya ng taong pinaglaban niya.
"Okay, hayaan muna kita mag pahinga ngayon. Call me when you need something, okay? Pakisabi kay mama..." he stopped. Naramdaman ko ang pagbigat ng puso ko. "We love her. We love you both,"
"I will, Kuya. We love you too, see you very soon. Take care."
Binaba ko ang tawag at muling napayakap sa sarili ko.
How nice it would be kung nandito nga talaga sila ni Kuya Aki. Mahirap man ang sitwasyon, atleast nandito kaming lahat.
An hour after, umuwi rin si mamshie at agad niya akong hinila sa sofa para umupo.
She looks tired and stressed out...
"Mamshie, saan ka po galing? Kumain na po ba kayo? Si kuya nga po pala..."
I stopped what I was about to say when she held my hand. Maingat nya akong inabot at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Liazabel... anak..." malungkot niya akong tinignan. "...we're leaving..."
Nagkunot ang aking noo sa narinig. "Leaving? Saan tayo pupunta mamshie?"
She reached for my cheeks and slightly caressed it. Kita ko ang pagiging sorry niya sa mga mata niya.
"For the mean time, sa bahay muna tayo ng lolo at lola mo, pero pinapaayos ko na ang bahay na pinamana sa akin sa Pampanga. Then... we'll move there."
"Ma..." mahina kong tawag sa kanya.
Umiling siya. "I am sorry, patawarin mo ako na hindi ko nasabi sayo na ito ang naisip kong gawin sa ngayon. But we cannot stay here longer, nakakahiya rin sa pamilya ni Clyde, kaya kanina... umuwi ako kina lolo mo, sinabi ko na mag babakasyon ang papshie mo kasama ang mga kaibigan niya kaya mag sstay muna tayo sa kanila. Pumayag naman sila..."
"Ma..." malungkot ko siyang tinignan. "Oo nga po... nakakahiya mag stay ng matagal dito pero akala ko kakausapin muna natin si papshie? Yung tayong tatlo po? O kaya kapag kauwi nina kuya, mag papabook na raw po sila pauwi, akala ko susubukan natin ayusin..."
Napayuko si mamshie at nakita kong tumulo ang mga luha niya. May ibabasag pa pala ang puso ko? 'Yon ang nararamdaman ko ngayon. It's really one thing to feel the pain but to see your mom cry and get broken is deadlier.
Lumapit ako sa kanya at dinala siya sa bisig ko.
I held her tightly. Hinayaan ko siyang umiyak sa bisig ko at nanatiling tahimik. Walang nag salita sa aming dalawa, umiyak lamang siya at ako ay nagpigil ng kalungkutan. Mamshie needs me now, kailangan niya ako, hindi mahina... kung hindi malakas, para sa aming dalawa.
"Alam mo ba, gustong gusto ko sabihin kina lolo mo ang nangyari, I badly want to run to them and cry my heart out pero hindi ko kaya masira..." She gasped and cried harder. Hirap na hirap siyang mag salita dahil sa hikbing pilit kumakawala sa kanya. Tinapik tapik ko lamang ang kanyang likuran at mas niyakap pa siya. "...hindi ko kaya masira ang papa mo... kasi mahal na mahal ko siya..."
Naramdaman ko ang kanyang pag-iling niya. "Alam ko na gusto mo maayos pa 'to, kahit naman ako, anak, pero... hindi ko pa kaya makita o marinig ang papa mo ngayon. Hindi muna..." malungkot at bigo niyang sabi.
I nodded. "Naiintindihan ko po, ayos lang mamshie, take your time, we'll go... sasamahan kita," bulong ko sa kanya at hinalikan ang kanyang ulo.
Inangat ko ang kumot at kinumutan si mamshie ng maayos. Hinawi ko ang buhok niya at napabuntong hininga habang pinagmamasdan siya. At last, nakatulog na rin siya, kanina pa siya tawag ng tawag sa mga kapatid niya para kamustahin ang pinapaasikasong bahay sa Pampanga. It's already late, mag eleven o'clock na, buti nalang ay tinamaan na siya ng antok.
Nandito na kami sa bahay nina lolo, sinundo kami ng kapatid ni mamshie, si Tito Jude. Everything's normal habang kaharap sila lolo at lola, parang walang problema, nagawa pa namin mag dinner ng masaya. Kwentuhan sa mga nangyari sa mga nakalipas na araw lalo na tungkol sa pag uwi ko, sa amin ni Clyde, o hindi kaya tungkol sa mga kuya ko pero pansin ko na hindi niya hinahayaan dumapo ang usapan tungkol kay papshie.
Alam ko na hindi naman sila manhid. Sa itsura palang ni mamshie na pagod na pagod at parang may dinadala ay alam kong malalaman na nila. Normally mamshie looks so in control, but now... she's a mess at walang ngiti ang kaya mag tago 'non.
Besides... they are her parents.
Kita at pansin ko rin ang ilang tinginan nila na para bang nananantya. Si mamshie lang ang hindi nakakapansin siguro? Lalo na at punong puno ang isip niya ngayon. Pretending to be okay in front of her family, thinking about our family and thinking about her relationship... with papshie.
Sumandal ako sa headboard ng kama at inabot ang cellphone ko para mag check ng mensahe mula kay Clyde.
He was busy after leaving the hotel. Sa ngayon ay tumutulong siya sa mga business ng pamilya niya. They want him to be permanent here, lalo na sa LH o kaya sa mismong kompanya ng mga Montgomery pero kung may natutunan man ako sa pagkakakilala ko kay Clyde, 'yon ang individuality niya.
He told me before that he wants to have his own business. He is still thinking about what kind of business, lalo na at masyadong malawak ang businesses na meron sila. He wouldn't want to compete with his own family.
He also wanted to have different kind of foundations for homeless children and for the sick.
Clyde is very helpful, nakuha niya raw iyon kay Kuya Carl pero sa nakikita ko, mas malala pa siya kay Kuya Carl. Naalala ko tuloy ang dahilan ng pag punta niya 'non sa Singapore...
Nakasuhan siya dati dahil akala ay siya ang may kasalanan sa pagka-rape ng isang babae rito sa Pilipinas. It was a very harsh event in his life, it changed his life a lot. Pero kalaunan napawalang sala din siya kasi... turns out... siya pala ang tumulong doon sa babae. Hindi lang agad-agad nalaman dahil nag suffer sa severe trauma ang babae.
From: Clyde Matthew Montgomery
Tita Isabel is sleeping?
Napangiti ako nang mabasa ang mensahe niya ilang minuto ang nakaraan.
To: Clyde Matthew Montgomery
Oo, tulog na siya. Ikaw? Nakauwi ka na ba?
Habang hinihintay ko ang reply niya ay bigla akong nakareceive ng message mula kay Angelo.
From: Angelo Nathaniel Montgomery
Wala na raw kayo sa hotel, saan kayo nag sstay ngayon? Umuwi ba kayo sa inyo?
Simple ko naman iyon nireplyan.
To: Angelo Nathaniel Montgomery
Yup, thank you for the good accommodation, Angelo. You're doing well there.
I hope he understands the line I am marking between us. I am just not comfortable, lalo na at si Beatriz ang nakita ko na anak... ng tatay ko. Hindi ko pa alam ang lahat ng nangyayari pero I can't just be that with Angelo again.
Casual will do.
Binalikan ko ang conversation namin ni Clyde at agad naman ako nakareceive ng reply mula sa kanya. Looks like he's home...
From: Clyde Matthew Montgomery
No, I am not yet home.
Napaayos ako ng upo nang mabasa ang reply niya at nang bigla siyang tumawag sa akin.
"H-hello..." napapaos kong bungad.
Hindi ko pa alam paano makikitungo sa kanya pagkatapos ng usapan namin kanina. I felt like what we have know is binding... strongly...
If we were girlfriend-boyfriend before...
Ano kami ngayon? Should I put official there? Hay! Officially with feelings?
"Hey..." aniya.
"Hindi ka pa nakauwi? Overtime?" Nag-aalala kong tanong.
Tumikhim ako at napatingin kay mamshie na mahimbing pa ang tulog.
"Uhm..." he trailed.
Puso ko! Bakit parang hindi na naman ako mapakali, nanabik ako sa kanya. Is this normal? Kakakita ko lang sa kanya... kanina...
Wala pang twenty-four hours!
"Yes?" I waited.
"I am outside your house..." he finally dropped which made my heart dropped!
"Hah?!" Gulat na gulat kong tanong at mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa balcony ng kwarto ni mamshie rito sa bahay nila lola at lolo.
Napatakip ako ng bibig nang makita nga siya sa labas ng bahay. Kasama niya roon si Kuya Uno. Nakahilig sila pareho sa sasakyan marahil ni Kuya Uno, hindi pa nila ako nakikita kaya mabilis akong pumasok muli sa kwarto.
"Uh... are you going to sleep now?" Tanong niya.
His voice sounded so unsure.
Umiling ako na para bang nakikita niya ako at mabilis na kumuha ng cardigan sa may cabinet. Halos madapa ako sa pagmamadali dahil naka long silky dress ako na sumasayad ang likurang dulo sa sahig, mabuti nalang at hindi nakatakdang madapa ako ngayon.
"I should go now, mag pahinga ka na..."
"No!" Pag pigil ko.
Napatutop ako muli sa aking bibig at tinakbo ang palabas sa aming bahay. Natutulog na ang lahat sa amin, lalo na ang lola at lolo ko! Lia, ang ingay!
"Oh..." gulat niyang sabi dahil sa naging sagot ko.
"I am here..." halos mahina kong buga nang tuluyan na akong makalabas.
Lumabas ako ng gate at kita kong napaayos sila ng tayo nang makita ako. Isang ngiti ang ginawad ko kay Kuya Uno at ngumisi naman siya sabay sunod na tingin kay Clyde.
Tinapik niya ang balikat nito na nagpabaling ng tingin ni Clyde sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin at bahagyang siniko sa tyan. Napadaing si Kuya Uno at kumaway sa akin.
Lalo akong nangiti at mas lalo rin sumama ang tingin ni Clyde sa kanya. Nag taas si Kuya Uno ng dalawang kamay bilang pag suko.
"Nice seeing you again, Lia. Pasok na ako sa sasakyan." Ani Kuya Uno.
Tumango ako at hinintay siya makapasok.
Muli siya lumingon kay Clyde pero hindi nawala ang sama ng tingin ni Clyde sa kanya.
"Hehe." Anito bago isara ang sasakyan.
Napayakap ako sa aking sarili kasabay ng pag ihip ng hangin. Naging malikot ang mata ko, pero nahuli pa rin nito ang nananatyang Clyde. He changed clothes... halos pareho sila ng damit ni Kuya Uno. Pareho silang naka longsleeves, puti lamang ang kay Clyde, itim naman ang kay Kuya Uno.
He rolled his sleeves up to his elbow, isang tikhim din ang pinakawalan niya.
"Well..." he trailed. "Fuck." Marahas niyang mura nang bumusina si Kuya Uno.
Napayuko ako at bahagyang natawa dahil sa kanilang dalawa.
Nanatili ang tingin niya sa akin kahit na alam kong gusto niya ng singhalan si Kuya Uno.
He smiled and shook his head.
"I just want to see you before going home, sumabay ako kay Uno kasi nasa casa ang sasakyan ko, bukas ko pa makukuha..."
Gusto rin kita makita...
Tumango ako. "Gusto niyo ba pumasok?" Tinuro ko ang loob ng bahay.
Umiling siya. "Hindi na, tulog na ang grandparents mo diba? At si Tita Isabel? Pagka... gising nalang sila."
Tumango ako ulit.
Kru. Kru. Literal ko ata narinig 'yon.
Gusto ko siya yakapin... kaya lang nahihiya ako kay Kuya Uno.
"Oh okay... sige," bulong ko.
"Miss," tawag niya sa akin.
Nangiti ako at parang umihip ang hangin sa puso ko.
"Hmm?"
He smile sweetly. "Heck with Uno,"
Inabot niya ako sa aking braso at maingat akong hinila para mayakap. Uminit ang puso ko sa naramdaman kong init ng bisig niya. I am wearing something thin but... his arms are enough to make me feel warm, his body feels home.
Always home.
"I missed you," bulong ko sa kanya.
Nilapat ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at pumikit para damhin ang yakap niya.
"I missed you, Miss. I still miss you even if I am hugging you right now. And I know, I will endlessly miss you once I go home... without you... Zabel."
Humigpit ang yakap niya sa akin at ga'non din ang ginawa ko sa kanya. Ninamnam ko ang yakap niya, his smell is so addicting...
Lahat nalang ata paborito ko sa kanya.
"You don't have to miss me, pwede mo naman ako kausapin hanggang sa makatulog ka,"
As if I don't miss him the same...
Naramdaman ko na natigilan siya. Nag-angat ako ng tingin at kita ko ang pag pipigil niya ng ngiti at mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya, o sa akin ba iyon?
"Let's do that..." manghang tugon niya.
"Ayaw mo?" Tudyo ko pero nanatiling seryoso ang mukha ko, sinusubukan ko itago ang ngiti sa akin.
Umiling siya. "Gustong gusto," he said breathlessly.
"Gusto rin kita marinig kagising..." he bit his lower lip to stop himself from smiling. "...if that's okay with you of course,"
Of course! Of course I would love that!
I like a kiss too...
Pero nandito si Kuya Uno, hay.
Ilang beses ko ata nahuli ang mga mata niya bumaba ang tingin sa labi ko, little did he know... ako rin... sa labi niya.
Hindi rin sila nag tagal, maikling minuto pa kaming nanatiling magkayakap nang muling bumusina si Kuya Uno, hudyat na kailangan na nila umalis.
"Maawa kayo sa akin, please." Alala kong sabi ni Kuya Uno habang nanunuod sa amin.
Hindi ko man napansin na nakababa na pala ang bintana! Nakakahiya! I am sure, the way I look at Clyde... tingin na parang gusto ko na siya iuwi sa amin!
The look I give towards him gives me away!
"Next time, ako nalang mag isa dadalaw. Goodnight, Miss." Huling sabi niya sa akin at parang buong gabi ko atang maririnig 'yon sa tainga ko.
How can he look so innocent while saying those words? Habang ako... dadagain ata.
Or... was he innocent noong sinabi niya iyon?
Ako lang ba?
Am I getting my period soon? Baka hormones?
Argh! Lia! Nakakahiya ka, pati sa sarili mong pag iisip!
Pumasok na ako ng bahay habang di maalis-alis ang ngiti sa akin. Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko, nag madali akong tignan 'yon, umaasang mensahe mula kay Clyde ang mabasa pero ilang mensahe mula kay Angelo lamang ang naroroon at isa mula sa isang unknown number.
From: Angelo Nathaniel Montgomery
Nasaan kayo?
Can't you tell me?
Hey...
Are you busy?
Are you sleeping?
Message me once you see my messages.
I really want to see you.
I am sorry for how I acted this morning.
I am going to sleep now...
Goodnight, Lia.
And then from the unknown number.
From: Unknown Number
I want to talk to you. - Beatriz Cabildo
Wait what? Beatriz? Cabildo? She is using my father's surname?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top