Ikadalawamput-apat na Tugtog
Sayo lang
"Excuse me," Saad ko bago ko sinagot ang tawag ni Clyde.
A smile instantly crept on my lips when I heard Clyde's laugh on the other line.
"Gulat?" Pang-aasar niya.
Nagkunot ang noo ko. "Ang bilis mo naman? Hindi ba sabi ko mag focus ka muna diyan sa pinapagawa ng daddy mo?" I reprimanded him, kahit sa totoo lang ay ngiting-ngiti ako sa pinanggagagawa niya.
Muli siyang humalakhak at parang nabusog ang puso ko roon.
"Tumawag lang ako kasi..." he dragged until I heard a door closed. "...ayaw kitang kumain mag-isa. Naisip ko na baka gusto mo may kausap ka habang kumakain."
I smiled widely—kung posible pa ba 'to. I know he's just worried that I will feel alone or lonely lalo na at wala si mamshie o papshie para makasama ko sa hapag.
And knowing that he's worried warms my heart, kahit na lagi niya pinapadama sa akin, kahit na kailanman hindi siya nabigo na samahan ako sa lahat... ngayon ko lang nadama ito ng ganito.
Maybe because, it is the first time I opened up...
Napabuntong hininga ako at napatingin kay Angelo... na nakatingin naman sa kaliwa niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya pero alam kong kailangan ko kausapin ng maayos—maliwanag, gusto ko siya maintindihan, gusto ko na magkaliwanagan kami sa mga nangyayari. If I have to draw the line, I would. This is a mistake we did before... not being able to draw the line—which led to us hurting other people.
Pero hindi ko 'yon gagawin at the expense of Clyde. I need to make sure that my relationship with Clyde is safe... hindi ko 'to kaya masakripisyo dahil lang sa kagustuhan ko na matigil na 'tong sakit na nadudulot ko kay Angelo.
At doon ako mag sisimula, kailangan ko marinig mula kay Angelo kung bakit siya umaakto ng ganito.
"Thank you, Clyde..." I sweetly said as he sighed from what he heard from me. "...actually gusto ko nga 'yon. Lalo na nung naserve lahat ng mga paborito ko... parang mas masarap pala kung kasalo kita." Tumibok ng malakas ang puso ko, parang nararamdaman nito ang koneksyon kay Clyde kahit na hindi kami magkaharap. "Pero mas mabuti kung matapos ka agad diyan para mapuntahan mo ako diba?" Suhestyon ko.
"Okay...okay, Miss Zabel." Aniya na may himig na pang-aasar muli.
Parang nakikita ko ang ekspresyon niya habang sinasabi niya 'yon, sigurado akong ngiting-ngiti siya at pinapasadahan ng dila ang kanyang pang-ibabang labi.
Typical Clyde's move when he's teasing me.
"Miss Zabel? Saan mo naman nakuha 'yan ha?"
Kita ko ang mabilis na pagbaling ng tingin sa akin ni Angelo na tila ba may nasabi akong hindi tama. Napaayos siya ng upo at mataman akong tinignan.
Nakuha ni Clyde ang atensyon ko nang muli siyang humalakhak. "Secret. Hindi ko muna sasabihin sa'yo. Next time na."
Ngumiwi ako at napailing nalamang. "Keeping secrets from me, ha? Okay, aabangan ko 'yan, Mister Clyde." I teased and we both laughed.
Sandali siyang natigilan na nagpatigil din ng tibok saglit sa puso ko. Para bang nasasabik at may hinihintay marinig ang puso ko mula sa kanya.
"See you... Miss," he sweetly breathed. "I miss you," he added.
Parang nahulog ang puso ko at biglang tumalon mula sa pagkakahulog. Parang nakahinga ako...
"I miss you too... ingat ka 'ha," I breathed and smiled warmly.
Binaba ko ang tawag at bago ko pa matignan ng diretso si Angelo ay mabilis na siyang tumayo, dahilan para hindi ko na masimulan ang gusto kong klaruhin.
Nag-angat ako ng tingin at kita ko ang kaguluhan sa kanyang isip.
"I have to go..." mabagal niyang pamamaalam habang hindi alam kung saan titingin.
I know this look from Angelo. Ito yung mga mata niya kapag may iniisip siya na hindi niya maintindihan.
"Angelo, are you okay?"
Umiling siya. "D—did... Clyde... r—really..."
Inayos niya ang kanyang necktie na para bang matutulungan siya nito sa kanyang pag iisip. He tried to breathe properly pero napabuga lamang siya ng hangin at bahagyang natawa... na para bang may naisip.
Binalik niya ang tingin sa akin pero iba na ang klase ng tingin na ito. Mapaglarong ngisi ang namutawi sa kanyang labi at tingin na puno ng sakit at determinasyon ang naroroon. Dati tuwing nakikita ko siya, boy-next-door ang lagi kong naiisip sa kanyang aura, lalo na sa ngiti niya. Pero ngayon, tila lahat ng 'siya'... mapanganib.
"He... really..." He smirked as his jaw clenched.
"Angelo, ano bang gusto mong sabihin?"
Lumalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ask my cousin what it means for him to call you 'Miss'."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil doon. I asked him... ang sabi niya ay sikreto 'yon. At ano naman iyon kay Angelo? May malalim bang kahulugan iyon?
"Aalis na ako, mukhang hindi ka nga available." Aniya na may himig ng pait.
I opened my mouth but no words came out. I sighed and shook my head.
"Angelo, I hope next time we could talk... properly... hindi yung nauuuwi sa ganito ang usapan natin. Really." I honestly said.
Umiwas siya ng tingin at umayos ng tayo. "Higit pa 'ron ang gusto ko, Lia."
Bago ko pa makuha ang sinasabi niya ay mabilis na siyang tumalikod at naglakad paalis. Sinundan siya ng mga mata ko at pati na rin ang ilang mga babae sa paligid ay sa kanya ang tingin hanggang makalabas na siya ng restaurant.
Nakaramdam ako ng lungkot habang nakikita siyang paalis. Hindi ito ang gusto ko mangyari sa pagitan naming dalawa, I want us to be atleast casual with each other pero kay hirap din ata 'non ngayon.
"Are you okay?"
Humigpit ang hawak ni Clyde sa aking kamay habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa manibela.
Binalingan ko siya ng tingin at hinawakan din ang kamay niya ng maigi.
"Clyde... Angelo is really acting weird. Hindi mo ba napansin 'yon?"
Sandali siyang tumingin sa akin bago binalik ang tingin sa daan. Kita ko ang pagiging guarded ng kanyang ekspresyon pero kaakibat din 'non ang panlalambot ng kanyang tingin.
"Did something happen?" Maingat niyang tanong.
Honesty... I want honest communication between the both of us.
Tumango ako. "Pinuntahan niya ako kanina habang kumakain ng breakfast, he's frustrated about something... and he told me something about 'Miss'... yung tinawag mo sa akin kaninang umaga."
Isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa labi ni Clyde. He bit his lip and shook his head. Binalingan niya ang muli ng tingin na mas lalong nagpangiti sa kanya bago binalik ang tingin sa daan.
Ngumuso ako at napasandal sa backrest. "Ano ba 'yon? Ano bang ibig sabihin 'non?"
Umiling si Clyde. "I'll tell you next time, hindi ba sabi ko naman secret muna? I won't let Angelo ruin it for me."
He playfully smiled, kung kaya't bahagya kong pinalo ang kanyang braso. Isang halakhak ang kumawala sa kanya. Nakakainis! Naffrustrate na ako at naguguluhan tapos parang biro lang sa kanya 'to? Kung nakita lang niya yung ekspresyon ni Angelo kanina ay baka maintindihan niya pa ang kuryosidad ko.
"Miss..." he trailed as he tease me.
"Clyde! Tell me!" Pag pupumilit ko pero mabilis lamang siyang nagpark sa labas ng hospital.
Nagpasama ako sa kanya na puntahan si papshie, naisip ko ito habang kumakain. Mainam din na makausap ko si papshie habang wala si mamshie. Kanina ay kabang-kaba ako, takot sa malalaman o sa mangyayari pero nagawa ko ito bahagyang makalimutan lalo na at nandito si Clyde.
Inalis niya ang pagkakahawak sa aking kamay at tinanggal ang kanyang seatbelt. Napabuntong hininga ako sa pag suko na mapilit siya. Akmang tatanggalin ko ang pagkakaseatbelt ko nang bigla siyang lumapit sa akin at ilapit ang mukha sa aking mukha.
Nahigit ko ang aking hininga at pilit na ngumiti. Parang mabubuwal ang puso ko mula sa dibdib ko. I always associated carefulness to Clyde pero parang kahit ga'non siya ay kaya niya pa rin guluhin ang puso ko. His eyes gradually darkened... slowly as if he was thinking of something but he closed his eyes and as he opened it... clearness enveloped again.
"Clyde..." I breathed.
Pakiramdam ko naririnig niya ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas nito!
"Aaminin ko, hindi ko nagugustuhan ang ginagawa ni Angelo. I am concern about him and his actions, yes... pero..." he slightly smirked showing me his dangerous side of being a Montgomery.
"I cannot promise you that I will always try to understand him... susubukan ko pero hindi ko mapapangako."
He closed his eyes as if he felt some sense of relief. Ipinatong niya ang noo niya sa aking noo at hinayaan ko lamang siya roon.
Trying to digest what he said...
Inabot ko ang mukha niya at bahagyang hinawakan ang kanyang panga. I want to ease the tension building from him...
My hand looked so small from his chiseled jaw.
He painfully smiled. Showing me his rawness...
"Clyde, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ko.
Inabot niya ang kamay ko at dinala iyon sa puso niya. He is wearing a semi-formal long-sleeves top, nakabukas ang unang dalawang butones kung kaya't ipinasok niya ang kamay ko roon para madama ang kanyang puso, kahit na kabado at nanginginig ang kamay ko ay lakas loob ko pa rin itong nilapat doon.
Dama ko roon ang lakas ng tibok nito. Maingat ang pagkakahawak niya sa kamay ko, tipong ayaw ko na ata maalis 'yon doon...
Ang init ng kamay niya ay taliwas sa lamig ng katawan niya na dulot ng aircon ng sasakyan.
"I want to be mature... pero..." He exhaled. "...he really is pushing my buttons when it comes to you..." his voice quivered from what he said.
Bahagyang kumirot ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Sumakit ito para sa kanya kasi... all his life, I saw how he tried to be mature for his family and for everyone around him. He never was a headache, he studied well, he graduated with latin honors despite of all the chaos in their family, followed his parents will, and he never gave someone a reason to see him as a problem.
He was always the one helping Kuya Carl to keep their family strong.
Taong iintindi...
And I never thought I would want to be that someone that could make him let his guards down.
Umiling ako at mabilis siyang niyakap. Sa bilis ng pangyayari, sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay nawaglit sa isip ko na hindi pa pala namin nakaklaro ang nangyayari sa pagitan namin lalo na pagkatapos ng Isla Del Cid.
"You don't have to try so hard..." I whispered and hug him tightly.
I want to assure him.
"Alam ko na may mga hindi pa tayo napapagusapan, and we need a pretty good amount of time for that..." I know that well... I can feel it. "...pero maniwala ka na kung ano man meron tayo ang importante. It is what I want... what I need and I will never trade this for anything else." I bravely said.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. He inhaled my scent and hugged me tighter.
"Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ginusto maging makasarili," he planted a kiss on my neck which made me gasped. "sayo lang..."
Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng tapang... sa kanya lang...
I smiled shyly... thinking I want more of his kisses. "You can always be selfish when it comes to me." I assured him.
He hugged me and I hugged him back with the same amount of intensity and comfort.
Hinding hindi ko 'to isusuko.
There, we stayed like that for some more minutes till I got my strength to face my father.
"Goodmorning po, Sir Clyde." Bati ng nurse nang makapasok kami sa VIP area ng hospital.
Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng pisngi niya nang ngitian siya ni Clyde bilang pag tanggap sa presensya nito.
Humigpit ang hawak ni Clyde sa akin at nilapit ako sa kanya. Napatingin sa akin ang babaeng nurse at napalitan ng pagkapahiya ang kanyang ekspresyon. Ngumiti nalamang ako at sinamaan ng tingin si Clyde.
Same old tricks.
Lagi siyang ganito kahit sa Singapore. Tuwing may babaeng ganito na aaligid sa kanya o di naman kaya ay namamangha sa kanya, lagi niya akong hinihila palapit na para bang kaya ko siyang itago kahit di hamak na mas malaki siya kaysa sa akin.
"Nandyan ba si Mr. Cabildo?" Tanong ni Clyde gamit ang pormal nitong tono.
Maagap na tumango ang babaeng nurse. "Opo."
Ngayon ko lamang naalala na bawat kwarto sa VIP area ay may naka-assign na isang nurse. Marahil ay itong babae ang naka-assign para sa...ana— sa kasama ni papshie.
Tumango naman si Clyde. "Salamat."
Binalingan niya ako ng tingin pero nanatili ang mga mata ko sa pintuan sa likuran ng nurse.
VIP? So talagang... papshie used his contacts...
Ang VIP area ng hospital nila Clyde ay para lamang sa mga myembro ng pamilya nila o di naman kaya ay malalapit na kaibigan. Alam kong masama pero nakaramdam ako ng matinding takot at pagkagalit kay papshie.
Takot dahil ngayon ko lang nakompirma sa sarili ko na denial pa ako hanggang ngayon. Umaasa pa rin ako na may mali... na may eksplenasyon si papshie, na baka mali ng intindi si mamshie...
Pero ito ako at halos kaharap na ang katotohanan. Isang pintuan nalamang ang pagitan namin.
Pagkagalit dahil... hindi ko matanggap na ito nga ang katotohanan...
I rarely get angry... I don't even remember the last time I felt that extreme emotion. Pero ito ako at nararamdaman 'yon para sa tatay ko.
"Miss..." Clyde whispered to get my attention.
Puno ng pag-aalala ang aking mga mata nang nilingon ko siya.
"Do you really want to do this?"
Clyde's stance comforted me. Humarap siya akin na may pag-aalala ang mga mata pero ang tindig niya ay nagsasabing kaya ako protektahan nito—na para bang walang pwede makapanakit sa akin dahil nandyan siya.
Tumango ako. "Can you call dad for me?"
Nanghina ang boses ko. Hindi sigurado sa sariling sagot.
Inabot niya ako sa bewang at bahagyang niyakap. "Clyde..."
I never thought I needed a half hug from him.
"I won't leave you." Aniya bago binalingan ng tingin ang nurse. "Can you please call Mr. Cabildo? Please tell him someone wants to speak to him, pero 'wag mo sabihin na ako ang nandito."
Oo nga... hindi namin pwede sabihin na kami ang nandito, baka hindi pa lumabas si papshie.
My heart broke at that thought.
Hindi niya ba ako kakausapin kung alam niyang nandito ako? Magagalit ba siya sa akin na pumunta ako rito? Akala niya ba ay guguluhin ko sila ng pamilya—damn. Ayoko isipin. Hindi ko kaya...
Hindi ko na rin alam ang posibleng sagot sa mga tanong ko, parang hindi ko na siya bigla kilala...
Mabilis na sumunod ang nurse. Kumatok muna siya sa pintuan bago pinihit ang seradura kaya bumaling ako ng tingin doon at halos matulak ko si Clyde nang mahagip ko ng tingin ang taong nakahiga sa hospital bed.
"Beatriz..." I whispered.
"Who? Beatriz?" Tanong ni Clyde sa akin.
Tumango ako at napahawak sa puso ko. Hinarap niya ako at pumadausdos ang hawak sa aking kamay. Nakaramdam ako ng panghihina dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip ko lahat ng ala-ala ko kasama si Beatriz, ang girlfriend ni Angelo...
Kahit kaunti lamang iyon dahil hindi naman masyado nakikisalamuha si Beatriz ay hindi ako pwede magkamali, hinding hindi ko siya makakalimutan, I looked up to her a lot.
She is so beautiful, sophisticated, confident and graceful with everything she is doing.
Sigurado ako na siya ang nakita ko sa loob.
Pero paano?
Siya ang anak ni papshie?
Napahawak ako kay Clyde at hihilahin na sana siya paalis doon dahil parang hindi ko pa kakayanin makausap si papshie pero natigilan na ako nang marinig ang tinig ng lalaking hindi ko inakalang kayang saktan ang puso ko ng ganito.
"Anak,"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top