Ikadalawampung Tugtog
Bitaw
Dahan-dahan, isang hakbang sa isa pang hakbang, pinanood ko ang mga paa naming sabay nag lalakad sa tabi ng dalampasigan. Beyond words, this island is beautiful as is, simple lamang ito, puti ang buhangin at malinaw na malinaw ang tubig. Pero wala ng gaganda pa sa tanawin ko...
Ako at siya...
Kaming dalawa, hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito...
Hihilingin na sana ganito nalang palagi.
We finished our breakfast and we decided to walk along the shore. Tahimik lamang ang paligid, ang mga dahon na mahinang nag hahampasan lamang ang tanging naririnig sa buong paligid, pero sa kabila ng katahimikan ay ang ilang beses din niyang mataman na pag tingin sa akin.
I can sense his eyes from my side. Like it was trying to decipher something from me, like he was weighing his fear and curiosity at the same time, afraid to ask but curious.
Alam kong nag tataka siya dahil ako rin naman ay gulong-gulo pa sa mga nararamdaman ko biglaan. Hindi ko alam kailan nag simula, bakit o paano, pero basta ang alam ko lang, masaya ako ngayon na kasama ko siya.
"Zabel..." he uttered using his deep soothing voice.
I bit my lower lip and welcomed his eyes. Nilingon ko siya at kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Is something wrong, hmm?" He carefully asked.
Tila umangat ang puso ko at marahang lumipad dahil sa kanyang tinig.
My... m-my Clyde Matthew... my Montgomery... always careful... basta pag dating sa akin.
Marahan akong umiling at bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Kumirot ang puso ko. I feel like the gap and holes inside my heart are getting filled for each second that ticks. Mga ala-ala namin simula noong una ko siyang nakilala, noong mga panahon na ang mga mata ko ay nakatingin sa ibang tao, noong mga panahon na magugulat nalang ako at darating siya sa gitna ng pag-iyak ko.
He was that person to me...
He was the one who was one call away, at kahit hindi tawagan, lilitaw pa rin na para bang responsibilidad niyang i-ahon ako tuwing nalulunod ako sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon.
Bumalik noong kaming dalawa nalang, noong panahon na inaabot ko ang mga pangarap ko, noong mga panahon na natututo ako mag-isa, noong mga panahon na akala ko mag-isa ako sa ibang lugar...
But never was alone,
Because he was there all along.
"Are you okay?"
"What happened?"
That person who will always worry...
"Lia, I am sorry"
"I just want to say sorry..."
That person who will say sorry, kahit na wala naman siyang ginawa kung hindi ang damayan ako...
"Cheer up, Lia!"
"Hey, you got this okay?"
That person who will make me endure...
Napabuga ako ng hangin sa sari-saring emosyon na nagdaan sa akin. Pumaibabaw ang boses niya sa isip ko, bumalik lahat lahat simula sa una, lumitaw ang mga ngiti at lungkot na pinagsamahan naming dalawa. Hindi ko alam paano ko iisa-isahin lahat ng nararamdaman ko, parang sumabog lang lahat.
At one moment, I was sure of what I was feeling,
Pero ngayon ay hindi na.
I was so used to a feeling before...
Pero hindi ko alam anong nangyari. What changed? Why am I suddenly feeling this way for him.
Takot?
Saya?
Lungkot?
Pagka-galak?
Lahat-lahat na ata nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan 'to, at mas lalong hindi ngayon, hindi pagkatapos ng narinig ko kagabi.
Maaari ba 'yon?
Kahit na sobra ang takot kong hawakan siya ngayon, takot dahil baka umigting ang nararamdaman ko, lakas loob kong inabot ang kamay niya at naramdaman ko na natigilan siya lalo dahil doon. My small hand held his bigger hand and I felt like it fits just right there. I bit my lower lip again before looking at him.
"Hey..." he sounded so scared and worried.
Naramdaman ko ang bahagyang pag higpit ng hawak niya sa akin.
Kumalabog ang puso ko. Isang hampas na para bang ginigising ako nito sa lahat.
There...
Right there...
That's it.
Totoo nga.
"Clyde..." I whispered his name.
He shifted and moved towards me. Humarap siya sa akin na para bang handa siyang pakinggan ang bawat katagang sasabihin ko ng may pag intindi at walang pag huhusga.
Just like he always does.
"What is it? Tell me..."
Marahan akong ngumiti at umiling.
I stared at him. His whole face was always expressive, kitang kita roon kapag sobra sobra siyang nag aalala, o kung galit man siya na hindi ko pa ata nakita ng sukdulan, o kapag ayaw niya makipag usap...
He was always an open book to me.
At ngayon, alam kong sobra siyang nag-aalala sa inaakto ko.
Alam ko naman kung bakit. We were never like this. Just like what he said, we were like friends. Kasi 'yon rin naman ang naging usapan namin noon. Na walang kasiguraduhan ang lahat, but we wanted to try because we find comfort in each other...
And if all else fails, we will still be there for each other, as each other's companion.
We hold hands, we hug, he kisses my temple...
But that's it.
We were close, yes. He is my closest.
But there was this wall, a strong one, in the middle of us.
Kaya ako gulong gulo rin ngayon. Dahil hindi ko alam kung kailan o paano, pero nagising nalang ako ngayon ng wala na iyon.
Kaya paano ko mapapaliwanag sa kanya kung ako rin ay hindi ko maintindihan?
Right now, I can feel us together. So close. With only our hands together, para bang binabalot niya ako, nanunuot siya sa akin.
Invading me...
"Zabel, it seems like you don't want to talk about it?" Pag-kuha niya sa atensyon ko.
Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. His broad shoulders welcome me.
I took a deep breath and nodded.
I heard him sighed. "Okay... we'll talk about it in Manila?"
My Montgomery...
Can I really claim him mine now?
I nodded again.
"Promise?" Aniya habang hinahanap ang mga mata ko.
Gusto ko na naman siyang yakapin!
Why is he making this so hard for me? Sa ginagawa niya ay baka hindi na ako umabot sa araw ng pagintindi ko sa sarili ko at bigla ko nalang sabihin lahat ng iniisip ko!
This is making my feelings so elevated!
"Look at me, princess..."
Nahuli niya ang mga mata ko nang abutin niya ang takas na buhok ko at inipit 'yon sa likod ng tenga ko. I gasped and brought my eyes back at him. Gumalaw ang kamay niya at nanatili iyon sa gilid ng aking pisngi at marahan niyang hinaplos 'yon.
Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga na para bang nag pipigil siya. Nanatiling kalmado ang kanyang mga mata kahit na ga'non kung kaya't namangha ako sa pagtitig ko sa kanya.
A mixture of Jade and Ivor Montgomery. Tita Jade for his gentleness and Tito Ivor for his incredible strong aura. He can look so strict and calm at the same time.
Napa-angat ang tingin ko sa kanyang buhok na bahagyang nagulo dahil sa hangin. But he still looks so... dashing... so crisp... like he has this aura that seems so responsible and strict but comfortable.
Like home...
I always appreciate him, but now it's as if my eyes are very clear.
Mas lalo akong napangiti at tumango. Pinagsiklop ko ang mga kamay namin na alam kong mas nagpatigil sa kanya.
"I promise," halos bulong kong pangako.
"Where kayo galing?" Tanong ni Ate Alice.
Hawak-hawak ako, inalalayan ako ni Clyde palapit sa kanyang mga pinsan. Nang tuluyan nang makalapit ay tsaka ko palang sila binalingan ng tingin.
"We had breakfast and went for a morning walk, Al." Tugon ni Clyde at sunod naman ako inalalayan na umupo sa isang sun lounger doon, katabi ng kay Ate Alice.
I smiled at Clyde and gave space for him to sit beside me.
Umupo siya sa tabi ko at sabay kaming humarap sa kanyang mga pinsan. Lahat sila ay nakatingin na sa amin at kung dati ay may kaba sa puso ko tuwing titingin sa kanila, ngayon ay wala na. I just feel free and comfortable, I feel like I am true now.
Bahagyang gumalaw si Clyde at mas nilapit pa ang sarili sa akin. Nagdikit ang aming mga binti at parang hihipan ang puso ko dahil doon.
His small gestures now... seem so big for me.
"Ahuh..." mabagal na balik ni Ate Alice. "Nag sasarili kayo ha! You're so madaya! For sure mas masarap ang nilutong food para sa inyo no? At for sure pang five star ang pagkaka prepare no!" Dagdag nito at umirap pa na para bang tampong-tampo sa amin.
Isang palo ang ginawad ni Agatha sa braso niya habang kami naman ni Clyde ay nagkatinginan. I am sure, he can see that my eyes were shining because of the memory a while ago. His eyes showed that it was taunting me, tinatakot niya ako na 'wag sabihin ang totoong itsura ng kinain namin kanina.
Isang mahinang tawa ang kumawala sa akin habang tinataasan ko siya ng kilay. Ngumiwi siya at nagkunot ang noo. Ngumuso siya na parang bata at inabot ang bewang ko para lalong mapalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko pero hindi nawala ang ngisi sa akin. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang lapit namin dalawa.
Mapapaso ako sa bawat reaksyon mula sa kanya.
Damn.
Am I hungry for him?
Inilapit niya ang bibig niya sa aking kaliwang tenga. "Masarap naman hindi ba?" Bulong niya na kung kaya't mas natawa ako.
Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya roon.
Damn it!
Napatakip ako sa mukha ko at tumango-tango. Ramdam ko ang pag-iinit ng batok at leeg ko paakyat sa pisngi ko.
We're together now! Matagal na! Bakit parang highschool ang nararamdam ko?!
"Ehem" literal na pag-tikhim ni Ate Alice.
Mabilis akong napalayo kay Clyde dahil doon at napabaling ng tingin sa kanila. Kita ko ang paninitig ng mga pinsan niya sa amin. Ate Alice were looking at us like she was dissecting us. Simon was looking at Clyde, smirking. Tulip was looking at me, then Clyde, then me again, with a sweet smile on her face.
Agatha was looking at another person...
Sumunod ang mga mata ko roon at nahigit ko ang aking hininga nang mag tama ang mga mata namin ni Angelo.
He was looking at me with his dark eyes. Ngumiti ako sa kanya at tinignan siya na para bang tinatanong ko sa kanya kung ayos lang siya.
Kunot ang kanyang noo. Nagtagis ang kanyang panga.
Napaawang ang labi ko dahil sa nakita sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin sa akin tinuon ang mga mata sa hindi kalayuang dagat.
I thought...
Akala ko ay okay na kami?
Why is he back to being cold?
"You two..." Ate Alice trailed, ang kanyang boses ay may pag-aakusa. "Something is..." she trailed once more.
Naramdaman ko ang pag-hawak ni Clyde sa kamay ko at hinayaan ko siyang ipagsiklop ang aming mga daliri.
Naiintindihan ko sila, kahit alam nilang kami ni Clyde, alam kong may pagkakaiba talaga kami ngayon mula kaninang umaga. It will show, definitely...
"Mag laro na nga lang tayo! Beach voleyball!" Basag ni Agatha sa namayaning katahimikan.
Nilingon siya ni Ate Alice at kita sa kanya na gusto niyang mag tanong muna at may sasabihin pa.
"But..."
"Hindi na..." pinanlakihan niya ito ng mata. "Tara na, maglalaro tayo," dagdag niya at hinablot na si Ate Alice papunta sa ni-setup na net para sa volleyball.
"Ih! I don't like nga, Gath!" Rinig kong pag pupumiglas ni Ate Alice pero wala siyang magawa dahil hindi hamak na mas malakas si Agatha kaysa sa kanya.
Nilingon ako ni Clyde ng may pagtatanong ang mga mata. "You want to join?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Hm... gusto ko sana pero mamaya nalang?" Bumaba ang mata ko sa suot ko na sinundan naman niya.
I was wearing a dress and a white two-piece bikini inside. Si Agatha ay naka fitted na blue rash guard at shorts, si Ate Alice naman ay naka maroon na one piece bikini at si Tulip ay naka light pink na one piece bikini na pinatungan ng shorts. Nakakahiya naman mag two piece bigla dito... I am not comfortable...
Una akong nag-angat ng tingin at nakita ang ibang klaseng reaksyon sa kanyang mga mata. Unang beses ko tong nakita sa kanya kaya hindi ko makuha kung ano iyon.
Napanguso ako. "I'll change later kapag sasali na ako, don't worry about me okay? Play with your cousins!" Sabi ko at bahagya siyang tinulak tulak para tumayo na.
"Go!" Ngiting-ngiti kong sabi.
Tumayo siya at bumalik na sa normal ang kanyang mga mata. Tumango siya at napangiti.
"Okay..." aniya at tinaas ang kamay bilang tanda ng pag suko.
Inabot niya ako at muli kong nahigit ang aking hininga nang dampian niya ng halik ang aking ulo.
Liazabel! Hindi ka na bata! Bakit parang first time mo?!
Eh first time ko naman talaga pala!
"Pang goodluck ko lang," bulong niya at sumunod na sa mga pinsan.
"Angelo!"
"Gelo!"
Nabaling ako kay Angelo nang marinig ang malakas nilang sigaw.
Natigilan ako nang makita siyang bumagsak mula sa malakas na pag spike sa bola. Kita ko ang pag-daing niya pero mabilis siyang tumayo. Umakyat ang kaba sa puso ko para sa kanya at akmang tatayo ako nang makita kong dinaluhan naman siya ni Simon.
Kita ko ang pag-aalala ng mga pinsan niya. Hinawakan siya sa braso ni Simon pero hinawi niya ito at umiling nalamang habang madilim pa rin ang mga mata.
His jaw clenched suppressing the pain?
Hindi na muna dapat siya mag laro...
Binalingan niya ako ng tingin at kanyang masamang timpla lamang ang bumungad sa akin. Tinignan ko siya ng may pag-aalala pero muli siyang umiwas ng tingin.
Kusang hinanap ng mga mata ko si Clyde at nakitang pumwesto sa tabi ni Agatha. Tumalon-talon si Ate Alice sa tuwa dahil mukhang papalitan siya ni Clyde sa laro. It's Clyde and Agatha versus Simon and Angelo now.
"He shouldn't play..."
Binalingan ko si Tulip na umupo sa kaharap kong sun lounger kung saan nakaupo si Ate Alice kanina.
I nodded knowing that he's pertaining to Angelo.
"I agree, mukhang masama ang timpla niya." Tango ko. "Maybe you can ask him to stop for awhile?"
Umiling siya at inayos ang kanyang pag-upo at hinarap ang mga pinsan.
"He doesn't listen now. Pag pinagbawalan, mas gagawin." Komento niya.
"Gelo is so nakakainis! He's so badtrip!" Reklamo ni Ate Alice habang palapit sa amin.
Pinagpag niya ang legs niya na puno rin ng buhangin. Mas lalong nangibabaw ang features niya dahil sa kanyang iritang ekspresyon. Alice Montgomery's features are very strong, agaw pansin kahit wala siyang gawin kaya kahit konting ekspresyon lang mula sa kanya ay talagang pansin na pansin. Her sharp cat eyes tells me that she's pissed towards Angelo. While Tulip's features are subtle, magaan ang kanyang aura at parang anghel na naitatago ang totoong saloobin.
"See niyo 'yon? He's so competitive! Eh ako yung kalaban niya! One wrong move and I won't have a face to show the television! Akala niya ata ay nasa international competition siya! We're only having a fun game! Why is he making bunton his galit to me?! What did I do? None!" Sunod-sunod na baril ng bibig ni Ate Alice.
She flipped her hair as she says the last part. Bumuga siya ng hangin at umupo sa tabi ni Tulip. Kunot na kunot pa rin ang kanyang noo.
Bahagya namang natawa si Tulip. "For sure that's not the last stunt he'll pull today."
Ate Alice crossed her legs and rolled her eyes. "Atleast wala na ako roon! Bahala na si Clyde sa kanya." Ate Alice said as she hissed.
Bumaling sa akin si Tulip at makabuluhan akong tinignan. Hindi ko 'yon nakuha kaya umiwas nalamang ako ng tingin. Natahimik na kami at nanuod nalamang ng game at paminsan-minsan nag pipicture tuwing nag aaya si Ate Alice.
The game was heated. Kitang kita na hindi ito 'fun' game tulad ng sinabi ni Ate Alice. And it's because of Angelo...
Sobra-sobra ang binibigay niya sa bawat tira niya. I am not sure if he's trying to hurt himself or he wants to hurt someone. Basta kunot-noo siya at madilim ang mata habang tumitira. Bakas naman kay Simon ang pag-aalala habang halos wala ng natitira dahil sinasalo lahat ni Angelo. I can see Agatha's tiredness from her movements. Alam kong malakas siya pero hindi pa rin maikukumpara ang lakas ng mga pinsan niya sa kanya.
She's getting tired from helping Clyde...
Or as if he's protecting him...
Malalakas lahat ng tira ni Angelo, parang hindi napapagod habang ang mga kasama ay hindi na alam ang gagawin. My eyes rested on Clyde, seryoso lamang siyang tumatanggap ng mga tira ni Angelo. He was calm as he plays at kahit na sinusuportahan siya ni Agatha sa mga tira, I noticed that he claims the strongest hits.
Pulang pula na ang braso ni Clyde sa mga natatanggap na tira pero binabalik niya ang bola ng maayos.
Parang mapupunit ang puso ko habang nakikita ang laro. I want to pull Clyde out from there. I don't want to see him this hurt. Kahit na alam kong laro 'yon...
Tumayo ako at sinubukan humakbang para patigilin na sana si Clyde pero mabilis akong pinigilan ni Ate Alice gamit ang pag hawak sa aking braso.
"Don't, Lia! They are at their peak! Getting in between won't do good." Aniya na may pag-aalala.
Sumunod sa amin Tulip at tumabi sa akin.
"No, Al. We should stop them now. Lalo na si Angelo. Baka magkasakitan pa. Halata naman na he's not fit to play now. Nagkamali ako, akala ko mabuting mailabas niya 'to but seems like... he won't stop hanggang..."
"Hanggang walang nasasaktan..." Ate Alice continued what Tulip was about to say.
Muli akong humakbang para puntahan si Clyde pero sabay-sabay kaming tumigil nang makitang tumama ang malakas na tira ni Angelo sa binti ni Clyde dahilan ng pagkatumba nito. Nanlaki ang mga mata ko at parang bulkan na sumabog ang puso ko sa pag-aalala.
Walang pag aalinlangan akong tumakbo papunta roon at dinaluhan siya. I saw him biting his lower lip as he tries to stand up pero hindi niya kinaya dahil na rin sa pagod. Hinihingal siyang naupo nalamang. Pawis na pawis siya at parang mauubusan ng hininga sa bawat pag galaw niya.
I leveled myself to him and looked at him. Bumaling ang tingin niya sa akin at isang ngiti ang ginawad niya.
My heart warmed...
Nakuha niya pang ngumiti...
"Clyde... are you..." damn I want to ask if he's okay but of course he's not.
"Angelo, napapano ba you kasi?!" Rinig kong sigaw ni Ate Alice pero hindi ko magawang lumingon doon dahil hindi ko maalis ang tingin kay Clyde.
Umiling si Clyde at napabuga ng hangin. "I am okay, princess." He assured me with his soothing tired voice.
I looked at his reddish arm and reached out for him. Parang mapapaso ako sa pag hawak ko sa kanya pero I still carefully held his lower arm.
"Clyde, you okay?" Tanong ni Tulip na lumebel na rin kay Clyde.
Tumango siya pero hindi niya inalis ang tingin sa akin. Bahagyang bumabagal na ang pag taas-baba ng kanyang dibdib. His eyes wandered on my face and he gradually rested while sitting there watching me.
Hinaplos ko ang braso niya at inabot ang kamay niya.
Kahit nakakapaso...
Okay lang...
I want to cool him down...
"I am fine now..." aniya habang mataman pa rin nakatingin sa akin.
"Damn it!" Rinig kong sigaw ni Angelo.
Lilingon na sana ako roon pero napaawang ang labi ko nang hablutin niya ang kaliwang kamay ko at itinayo ako.
"Angelo!" Galit na sigaw ni Simon at mabilis na humabol sa amin para hawakan ang balikat ni Angelo at mapigilan siya.
"Angelo ano ba?! Itigil mo 'to kung hindi babanatan na kita!" Sunod ni Agatha at lumapit kay Angelo.
Simon and Agatha were looking at Angelo like he was some sort of a dangerous human being. Binabantayan nila ang bawat galaw niya at kahit anong gawin niya ngayon ay siguradong pipigigilan nila.
I looked back at him pero hindi ko binitawan si Clyde. I felt Clyde's hand held me tighter that he never did before. Naramdaman ko ang dibdib niya sa aking likuran. Mas humigpit ang hawak namin sa isa't isa habang umaakyat ang kaba sa puso ko habang nakikita si Angelo.
His eyes were full of pain and anger. Parang sumabog siya at kayang kaya niyang sumabog pa ulit. I never saw him this angry before.
"Be worried for me too! Fuck! Mag alala ka naman para sa akin!" Galit at puno ng frustration siyang sigaw.
Parang tumigil ako sa pag hinga dahil sa kanyang sinabi. Mabilis na pumagitna si Clyde sa amin pero hindi pa rin ako binitawan ni Angelo. Mahigpit na mahigpit pa rin ang hawak niya roon at ganoon din si Simon sa kanya, mas pinigilan niya lamang ito.
"Angelo, bitaw." Kalmado pero matigas na sabi ni Clyde.
I never heard him talk like this before...
There's no hint of carefulness in his voice...
"Bitawan mo siya, or else I won't understand you anymore." Dagdag na banta ni Clyde.
His broad shoulders covered me and held me tighter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top