Ikaapatnaput-walong Tugtog
Hi Inspirados!
So I have said, I want to particularly comment on this comment here...
This explained a lot of my thoughts as I write this story. Kung mapapansin niyo, the Montgomery series balanced the weight it tells every story. May sobrang bigat, meron din hindi. May sobrang emosyon, meron naman na papatawanin ka muna. But this one... I wanted to involve more feelings than the conflict itself. Because I realized, ga'non madalas, tiny scenarios that could break our hearts to a million pieces.
Kaya nga madalas hindi natin naiintindihan bakit nararamdaman natin ang mga bagay-bagay. We just do. And there's no way to describe why. Basta masakit. Basta nanunuot ang sakit.
I will tell the gist on how I ended up having Angelo and Clyde, Lia in between for this story as I write the remaining chapters.
Ikalawang silip kay Clyde
I was always composed and calm. I can think of myself as someone who doesn't get scared easily, I am rational and systematic. Maybe that's why ako ang pinagkakatiwalaan sa security ng pamilya namin.
I am one of the trusted to manage it one day. With Dos. Although, mas marami siyang hawak kaysa sa amin lahat dahil talagang magaling siya sa business.
He is an all rounder. I rely on him a lot but I know he has more trust on me than I have for myself. I remember him telling me 'damn Clyde, mas magaling ka kaysa sa akin dito, have some belief, man.'
With his help, unti-unting tumaas ang confidence ko sa sarili ko. Nag simula na rin akong humawak ng malalaking projects, even projects that relates to personal matters of our family.
Noon, sa lahat ng mayroon ako, isang tao lang talaga ang nakakapagpaahon ng kaba at takot sa akin.
It is her. The love I cannot have for myself.
But there was a time, that... I was haunted by my own demons. I got lost and I had no where to go. Not to my family. Not to her. Not to myself. I was left alone... sa sariling kagagawan, dahil iyon ang pinili ko. Ang mawala at hayaan na lumipas ang panahon.
I thought I was strong enough to let everything go. Even her... I thought of letting go. Bakit pa? She doesn't deserve someone like me. Name tainted as a rapist. She doesn't need a man that has anxiety. Magiging alagain lang ako sa kanya. Pabigat. Imbes na alagaan ko siya, ako pa ang aalagaan niya... kung sakaling puntahan ko man siya at magustuhan niya ako.
Tss. As if naman magugustuhan niya ako? Patay na patay 'yon sa pinsan ko.
Pero baka? Kung susubukan ko?
Baka pwede?
Pero kaya ko ba iyon? Kaya ko ba na mahirapan siya dahil lang sa akin?
Para akong mas mababaliw pag naiisip kung kamusta na siya. Sometimes, while inside my room, I will try to search about her, listen to her music, or stare at her pictures... I will feel fine.
Pero agad ko rin tinitigil iyon dahil mas mag iigting ang kagustuhan kong makita siya.
But one day...
Uno visited me.
"Hey..."
Tinanguan ko siya habang maagap na sinara ang laptop ko kung saan pinapanood ko ang isang interview ni Liazabel. She was having her rare interviews about her plans and travels, hindi siya mapag interview dahil ang sabi niya ay mas gusto niya ang blogging kaysa ang lumilitaw sa telebisyon.
Buti nalang...
Baka mabaliw ako sa pag iisip na maraming magkakagusto sa kanya at manliligaw.
I hope when that time comes... I won't be able to witness it.
Or I'll get crushed. Into dust. Not even to pieces.
Lumapit si Uno at umupo sa kama ko. Pabagsak siyang umupo at bahagyang humalakhak na para bang sinasabi sa akin na nakita niya pa rin naman ang tinago ko.
"Fuck off, Uno, bakit ka ba nandito?"
"When was the last time you went out, huh?" he scoffed.
"Kagabi." Tipid kong sagot.
He scoffed again. "At saan? Sa garden niyo? Namuti ka na ng sobra oh. You should get a tan."
I rolled my eyes at my very 'concerned' cousin.
"Para kang si Dos 'eh. Him at the large frames on his condo unit. You... with your laptop."
"Ano ba talaga ang sadya mo?" Buntonghininga ko.
Mula sa hawak niyang cellphone, doon ko lang napansin na may iba pa siyang hawak. Hindi ko na kailangan mag taka kung ano pa iyon dahil agad niya iyon binato sa harapan ko, sa ibabaw lamang ng laptop ko.
Ticket to Singapore.
Nagkunot ang noo ko. "What is this for? Kailangan ko na bang magtago roon? Am I being thrown out?" Isang walang lakas na ngisi ang kumawala sa akin.
"Silly. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Kami ng bahala rito. Dos is on top of it. Hindi ka pababayaan 'non. Just... go... for now."
Bumagal ang kanyang mga salita sa huling parte ng sinabi.
"Why? My presence is too much for a burden now? Bakit hindi na lang sa Argao? I can accompany my brother there."
Pero baka mabaliw si mommy? Two of her sons... in Argao... imbes na mag mukhang may business kami roon ay mag mukha na talagang lugar iyon kung saan pinapatapon ang mga nagkakamali.
Alam ko iyon, aware ako na lahat sila nahihirapan sa nangyari. Especially that I am mum about it. Halos hindi ko mabalikan ang lahat ng nangyari, mas pinipili kong mag kulong at mag tago sa lahat.
I can't find a reason...
To just even try.
Parang ubos na ubos ako, ni walang lakas sumubok.
I just let every passing day to do its thing.
I feel numb and empty.
I just want to see the end and maybe try again in the next life.
I can't end my life because I love my family... I won't even try that, masyado ko silang mahal para saktan ng ga'non, kaya hinahayaan ko nalang na kusang lumipas ang bawat araw.
"Gago. Try living, Clyde. Just try." He breathed.
Parang hirap na hirap pa ang gagong 'to na sabihin iyon sa akin.
Napasandal ako sa swivel chair at bahagyang humalakhak. Hindi ko alam pero nanginig ang labi ko, tila hirap pigilan ang nararamdaman ngayong nasa harapan ko ang pinsan kong may kaunting nalalaman sa mga nangyari.
"Try living, huh?" My voice sounded so hoarse.
"Yes. Liazabel is in Singapore right now. Nakatira kasama ang mga kuya niya. Inayos ko na ang lahat. You'll live just a few blocks away from her house—"
"Tss. Hindi ako stalker, Uno."
"Fuck you, Clyde! I am doing this for you. Gusto kong umasa na pag nakita mo siya, kahit makita lang... gustuhin mo ulit mabuhay. This is not my thing to say, but fuck you fucker, para pumasok diyan sa utak mo na desperado na ako!" Alam ko na ang boses niyang ito.
Desperate. Frustrated. Authoritative.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Humawak sa balikat ko at kasabay 'non ay ang pag landas ng kaunting luha sa gilid ng mata. Tinapik niya ako, hindi tinitignan. I saw his face hardened as my chest hurt from the intensity of his words.
"Paano si Angelo?" Halos bulong nalamang ang tanong ko.
I felt him press my shoulder a bit.
"Stop thinking about the others... just go..." pagkumbinse niya.
Napailing siya kasabay ng pag iling ko.
"Please Clyde, just try. Kung walang epekto, umuwi ka ulit dito. I'll build a house where you'll forever hide, I promise. A house with a tanning place para naman hindi ka sobrang puti." He laughed without a humor.
"But for now... please try. Find a reason to try. A reason to live." Basag ang boses niyang sabi habang nakatingin sa malaking picture frame ko sa dingding.
A picture of me laughing while being surrounded by my family. Naka black and white iyon pero sobrang saya ng litratong iyon. Naka blur sila sa paligid habang naka tutok sa akin ang camera. Wearing my usual white shirt and denim pants. I was holding a champagne, celebrating my birthday... happily.
"Come back to us, man. We miss you." Mahina niyang sabi.
I tried.
I went.
Not because I believe that I will find a reason to try again but because I don't want to disappoint them more. I will indulge them... baka mabawasan man lang ang mga dagdag na alalahanin na ako ang may dulot.
If they see that I am trying, I hope that will make them feel relieved.
But when I saw her... when I finally got a taste of a moment with her, it changed everything.
I finally saw that glint of hope Uno was talking about.
It was like... the first taste of freedom, a reward to oneself, the feeling of watching the sunrise... for a new beginning.
It felt like finally jumping off the cliff.
Falling.
Sinking in the water but smiling after bouncing back to see how up you went.
It was like I could finally taste it...
Like I could finally reach it...
It gave me hope. Na baka pwede na. Baka sa pagkakataong 'to, pwede akong humakbang pasulong.
Pero kapag nakatikim ka ng kaunti, gugustuhin mo na ang makatikim ulit. Especially if that taste is heaven among the fire you were living with.
Like finding a body of water in the middle of the desert.
Ga'non ang nangyari sa akin.
Even how short our gazes are, gusto ko pa rin.
Natatakot ako sa sarili na baka mas humiling pa ako ng higit dito.
Noong unang pagkikita namin sa Singapore ay nasungitan ko siya. I just didn't know how to act! Should I greet her? Would she greet me back? Will I smile? Will she smile back? Shall I try to be friendly? O baka naman ayaw niya na ako maging kaibigan dahil sa pinsan ko?
Sa dami ng tanong sa isip ko ay naging iritable nalang ako.
But today... bumalik ako sa parehong araw noong nakaraan. It's her grocery day... I assume? Ayoko mag mukhang stalker niya kaya hindi ko na inalam, napansin ko lang naman.
Friday.
I arrived around one-thirty in the afternoon. Tumabi lamang ako sa gilid kung saan ako hindi gaanong mapapansin pero parang mas lalo lamang ako napansin dahil doon? Hindi ko alam pero tingin ng tingin sa akin ang mga tao?
Maybe because I am not buying anything? Baka maisip nila na 'sino ba itong tambay na 'to?', in international setting... 'who is this creep wearing a hoody, hiding?'
Shall I start getting some stuff? Kaya lang baka hindi ko siya mapansin pag nandito na siya?
Bago pa ako humakbang para tigilan na ng mga tao ang pag tingin sa akin ay napalingon ako sa bagong pasok sa grocery.
Nahigit ko ang hininga ko nang masilayan siya ulit. I always watch her interviews and read her blogs, plus I just saw her last week pero matutuliro talaga ako pag nakita ko siya. Napaurong tuloy ako kaysa mapahakbang pasulong.
The wind from opening the main door of the grocery blew her hair.
Beautiful.
I leaned on the wall and watched her look around.
Hmm, may kikitain ba siya rito? Bakit parang may hinahanap?
Parang kukulo ang dugo ko sa naisip.
Hay, Clyde. As if naman may karapatan ang dugo mo kumulo?
Napailing nalamang ako sa sariling naisip at napaayos ng tayo nang makita siyang kumuha ng cart. Sinundan ko siya, I tried to put distance between us, about... eight carts just to be sure that she won't get bothered by me.
Now this feels like stalking!
Kasalanan 'to ni Uno eh. Lagot siya sa akin mamaya! I must call him! Ni hindi niya sinabi sa akin kung anong gagawin ko karating dito! Yes I work but... iyon lang ba?
Wala man lang siyang advice?
I was getting uneasy every second, paano ba naman, parang lagi siya may lalapitan pero babakas sa mukha niya ang pagkadismaya pagtapos makita ang mukha ng lalapitan?
What are you doing, Zabel?
I leaned on my cart as she murmured words to herself.
I am down bad for her but I guess she is too? Pero kanino?
Sino ba ang hinahanap nito?
Kahit na naiinis sa naiisip na baka may gusto nga siyang makita at may hinahanap siya, ay siya rin hindi mapigilan na pag silay ng ngisi sa labi ko. Nakakatawa talaga siyang panoorin na malito sa ginagawa dahil lang sa siguradong dami ng iniisip niya.
Her cute movements tickles me.
She is really a breath of fresh air.
I wonder what her thoughts are? I want to listen to them.
I stopped when she roamed around again. Napasiksik tuloy ako sa wardrobe section at dumampot ng kahit anong pwede kong ipangtago sa mukha ko!
Shit!
I am just wearing a white hoodie, cotton shorts and slippers. Hindi naman siguro halata na ako 'to?
I stopped a little to check what she is doing now but I even stopped my own breathing when I realized I was holding an underwear!
Great! What a great way to embarrass myself! Paano ko niyan ito ibababa?! Ng hindi nakikita?
Pinanindigan ko nalang ito at tinignan siya muli habang nakatakip pa rin. I saw her grab a lot of black underwear and one red only!
Why red? That's very... unlike her... but cute.
Sexy cute.
Napailing ako ulit at napangisi.
Down bad, huh?
Eh kung mag cliff jumping nalang talaga ako at baka maisip na mali ang ginagawa kong pag sunod sa kanya?
Kahit gustuhin ko man na tumalikod nalang at hayaan na siya ay natitigilan ako para panoorin ang mga ekspresyon niya. I am really amused by her reactions. Halata kasing may naisip siya kaya napakuha siya ng pula.
I followed her after that, leaving the underwear I was holding of course!
Sinundan ko siya sa area kung nasaan ang mga bed sheets, pillow cases, necessities sa pag liligo at kung ano-ano pa. Kung anong kinukuha niya ay kinukuha ko rin. Even air purifiers! And I even chose what she liked for a room scent!
Now this is stalking!
Napanindigan ko na rin ang pagiging stalker, talaga nga naman?
For her body wash and shampoo, sa kalituhan kung anong kukunin ay kinuha ko nalang din ang kinuha niya! Flowery scent pa talaga ang mga ito? I am looking weirder every second!
Isa pa, marami pa akong stock sa bahay kaya wala talagang kwenta itong mga pinagkukuha ko.
But another embarrassing moment happened! Pumunta siya sa area kung nasaan naroroon ang mga brassiere! To hide, I grabbed two and hid my face!
I tried to peak but I only saw her weird look towards me! She was definitely judging me and I am certain that she is trying to counter that in her mind! Alam na alam ko na siya noon pa. She can't help but judge inside her head but because she is naturally kind, kokontrahin niya pa iyon sa isip niya.
Tsk. What are you thinking, Zabel?
Why do I think that I won't be happy with that thought huh?
Nang makita na dumiretso na siya sa cashier at iniisa-isa na ang mga pinamili ay nag madali na ako papunta roon. I let the other cashier process my transaction while I gave one of my cards to the other one, kung saan siya papunta. I said that I will take care of her bill.
Maagap akong tumalikod para humilig at magkunwaring abala sa pag babayad ng akin.
Naunang natapos ang akin kaya mabilis akong tumungo sa hindi kalayuan para panoorin siya ulit. I really like observing her small actions. Parang pinupuno 'non ang pangungulila ko sa kanya sa mga nagdaan na buwan.
She looks better now. Compared the last time I saw her crying. Parang maaliwalas na siya tignan ngayon, mas magaan, may kakaunting bahid pa rin ng nakaraan pero na sisigurado kong mas maayos na siya ngayon.
Nakita ko siyang kinuha ang wallet niya at ang mabilis na pagdaan ng ibat-ibang reaksyon sa mukha niya. One second, she was smiling and asking, another second... she was confused... and last second... she roamed her eyes around and found me.
Tinuro pa ako noong babae kung kanino ko binigay ang card ko kanina kaya napaayos ako ng tayo para umaktong normal.
My heart wildly jumped and I felt my stomach turned!
Fuck this.
Mariin kong naipikit ang mga mata ko saglit bago sinalubong ang mga tingin niya. Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa at nanlaki ang mga mata, tila may naiisip!
What is she thinking? Parang naliwanagan siya sa natuklasan!
I hope I look okay?
Dapat pala ay mas nag ayos ako. Kahit polo shirt lang at khaki shorts? Ano ba ito? Mukha lang akong mag jo-jogging sa labas.
"Clyde..." I saw her lips moved slightly.
Tila nakuryente ako sa pagkabog ng dibdib ko.
Parang gusto ko pag pawisan sa kaba. Gusto kong kabugin ang dibdib ko, baka sakaling manahimik ang maingay kong puso.
Fucking shit.
Pinagmasdan niya ako.
Ga'non din ako.
Nakatingin sa kanya...
Isang kalabog. Dalawa. Tatlo. Mabibingi ako sa sariling puso ko.
I embraced the gazes we gave each other.
This was just once a dream, pero ito ulit ako... nagkaroon ng pagkakataon. Gusto kong bumuntonghininga sa ginhawa. Ang dami ko kayang ipagpalit para lang magkaroon ng maraming pagkakataon na makita siya ng ganito.
I could pay a lot for our small interactions.
I could probably even live with this. Kahit ito lang. Kahit kakarumpot lang. Manlilimos ako ng kahit kaunti para sa mga ganito sa pagitan namin.
I placed my hands inside my pocket as I cursed silently at myself.
What now? Do I even have the right to let myself feel this way? Hindi ba ito betrayal sa pinsan ko? Nararapat ba ito sa katulad ko?
Natigilan ako ulit nang makita ang pag silay ng ngiti sa kanyang labi.
Napaawang ang labi ko nang makita ang pag ngiti niya.
Napahawak ako sa puso ko, I wanted to get a hold of myself! Baka ikahimatay ko pa ang pag ngiti niyang ito!
Her smile...
Another thing that I could pay a lot for... is her smile.
Gusto kong ilipat ang tingin sa cart niya na hawak-hawak ng isang lalaki. Gusto ko iyon kunin para ako nalang ang tumulong pero pinigilan ko ng sobra ang sarili!
Don't go there, Clyde. Just don't.
Gustuhin ko man ilipat ang mga tingin ay hindi ko magawa dahil sayang...
Nakakapanghinayang kung hindi ko susulitin ang pag titinginan namin.
If she won't break our gazes towards each other, I won't too.
Every second counts. Ito yung tipo na gagamitan ko ng limitadong film sa polaroid para makuha ang mga importanteng interaksyon.
But I might spend all my money buying films, hmm? As I consider every interaction with her important.
Hay.
Napapangiwi lamang ako kapag mas nadedepina ang pag ngiti niya habang nakatingin sa akin.
Why is she smiling like that? May nakakatawa ba sa mukha ko? Maybe I have a dirt?! Or I have something funny on my forehead? Gusto ko tignan sa salamin ang mukha ko pero sayang.
Bahala na mag mukhang engot, 'wag lang maalis ang titigan namin!
Nahigit ko ang hininga ko nang paunahin niya ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa akin.
I licked my lower lip as she stepped lastly in front of me. My insides were all over the place, my heart is on the rocket, more than ready to get launched whether I like it or not.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She is wearing an extra large hoody and a fitted knee length black shorts together with a pair of black slippers.
Cute.
Pretty.
I noticed her toes curled a little bit.
I smiled a little because of that. How cute. Humugot ako ng malalim na hininga. I exhaled silently with caution. Bumalik ang tingin niya sa akin kaya napawi ang ngiti ko at wala sa sariling napangiwi!
"Hmm" pauna niya.
"Salamat pero... babayaran ko 'yon sayo."
Umirap ako at mas napangiwi.
See Clyde? She doesn't even want to accept anything from you!
Baka nahihiya?
O baka naman ayaw niya kasi mayroon nga siyang hinihintay dito?
O baka tama ang naiisip ko noon na ayaw niya talaga akong makita rito?
Tumikhim ako at humalukipkip.
"You're doing grocery here every week?" Hindi ko mapigilan itanong.
This is good right? Not stalking. Just asking?
Mas mainam na sa kanya manggaling kaysa abangan ko siya rito araw-araw para lang malaman ang eksaktong schedule niya ng pag go-grocery?
Tumango siya.
Cold-hearted.
Ang sungit! Ang tipid! Dati naman ay hindi siya ganito sa akin, ha? Ang dami-dami niya nai-kekwento at nasasabi. Ngayon ay ganito?
Nag taas ang kilay ko at hindi napigilan umirap.
My eyes slightly tried peaking to see her but I immediately put my eyes away when I saw her eyes searching for mine!
Shit.
Bakit naman ganito ito?
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Sinubukan ko na ibalik ang tingin sa kanya na siya naman tinanggap niya. Nagkatitigan lamang kami. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi pa dahil sa paminsan-minsan niyang pag ngiti.
Her having these reactions towards me is beyond me.
Hindi ganito ang lulan ng mga panaginip ko.
Most of the time, I imagined her still crying for Angelo. Tulad noong huling pagkikita namin noon.
Hindi tulad ngayon na nangingiti pa. Nakikipaglokohan sa mga titig niya.
"At two o'clock?" Tanong ko muli.
Her cute twinkling eyes glimmered more.
Tsk. Pacute.
Pag ako na-fall...
Bahala ka. Saluhin mo ako!
"Hmm... oo," tugon niya.
Na-i-taas ko ang isang kilay ko ulit.
Hmm... so tama nga ang estimation ko?
I saw her expression changed again to confusion.
Pero wala na akong panahon para isipin pa iyon. I have to do this now or else I wouldn't have any other chance.
Napalunok ako.
"Okay. I'll do grocery here too."
Natigilan siya at muling bumalik ang tingin sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumikhim muli. "Every week. On this day."
Binaling ko ang tingin sa kaliwa habang nakangiwi pa rin at nakakunot ang noo.
I shall pretend that I am not that happy about this. Kunyari ay naghahanap lang ng kasabay? Kasi ako lang mag-isa rito? Will she buy that?
Fuck. Bahala na. Kausapin ko nalang si Uno!
His charms worked with her girl kahit nakakairita siya. He might be able to help me? Kasi nakakairita rin naman ako?
My heart fell.
Pinulot ko iyon at pinagtibay.
"At two o'clock."
It is now or never.
Bahala na talaga kung saan man ako pupulutin. Baka sa ilalim na talaga ng bangin.
Lalangoy nalang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top