Ikaapatnaput-limang Tugtog

Dance

"Iwan mo nalang diyan, hija."

Nilagay ni Tita Jade ang ilang pinggan sa gilid ng lababo.

Akmang kukunin ng kasambahay nila pero sumenyas si Tita Jade na siya nalamang ang mag aasikaso 'non.

"Okay lang po Tita, pagkatapos ng mahabang araw na to, gusto ko pong gumawa ng simpleng bagay."

That kind of feeling... na pagkatapos ng nakakapagod na kaganapan, ang isang simpleng gawain ang magpapakalma sayo. Yung matutulala ka lang habang ginagawa mo to.

Naalala ko, noong nag aaral kami, pag may mahirap na quiz kinabukasan, gusto ko ako ang nag huhugas ng pinggan para may rason ako para mag pahinga sa review, matutulala lanang ako 'non habang nakikinig ng music, pinagmamasdan ang pinggan at bula ng sabon.

"Ilabas mo nalang itong dessert sa garden, aayusin ko lang ito at susunod ako."

Tinignan ko ang nakahain na apat na lecheflan sa isang malaking tray. May nakalagay na rin na kubyertos sa pinaka-gilid ng tray.

Tumango ako at tinungo ang counter top kung saan nakalagay ito. Inayos ko ito para masiguradong hindi mahuhulog bago inangat at kinuha.

"Lia..." she trailed.

"Po?"

Magaan na ngiti ang ibinigay ni Tita sa akin.

"Thank you..." her eyes glimmered. "For... everything you've done for my son."

Napailing ako sa sinabi niya. "He did so much more for me po, Tita."

She gracefully smiled at me. Tita Jade's whole appearance shouts elegance, kahit naka simpleng puting dress lamang siya na hanggang tuhod, nakalugay ang maikling buhok at walang kahit anong make-up.

Halatang na-aalagaan din niya ang sarili niya dahil hindi kalayuan ang mukha niya sa mukha niya noong dalaga pa siya— na makikita sa mga naka-display sa sala nila.

If anything else, she looks even beautiful now. Like a fine wine.

"All these years, pakiramdam ko napabayaan ko si Clyde. Sa kanilang magkakapatid kasi, sa kanya lang ako hindi nagkakaproblema. You already know about two of my children, and Carl... has been very... hmm... extreme lately. But with Clyde, he always listens and he does things with caution pero hindi ko inakalang mas kailangan niya ako. I failed him—"

"No, Tita." Putol ko.

Hindi ko mapigilan mapangiti. "Clyde is who he is because of you and Tito. Hindi niya po iyan gugustuhin marinig."

"No, hija... let's admit it. I should have asked more... cared more..."

"Noon, ganyan din po ang iniisip ko. Kahit naman po ngayon. Pero, naisip ko, mawawalang saysay lahat ng ginawa niya para sa atin kung iisipin ko palagi 'yon. Instead, I want to show my appreciation to him, every single second... everytime... gusto ko pong makita niya na worth it lahat..." putol-putol kong sabi.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawang sabihin 'to kay Tita Jade, to be this expressive to her... pero, para kay Clyde gagawin ko. To assure the people he loves that he's okay, he will be okay, kasi nandito kami at dapat maging matatag kami para sa kanya.

I want to help him this way.

"I..." nanginig ang boses niya. "...am sorry, I just..." naalarma ako nang mabilis niyang punasan ang mga luha niyang nagsipatakan.

"Tita..."

Lalapit na sana ako nang pigilan niya ako gamit ang pag taas ng kamay niya. "I am okay..."

Pinunasan niya ng dahan-dahan ang pisngi niya. "Mag aayos lang ako, please serve them the dessert."

Napatango nalamang ako at hindi na pinilit ang aking tulong. Pinanood ko siyang tumalikod at iwan ang mga pinggan sa lababo. Narinig ko ang mahinang pag tawag niya sa kasambahay bago siya tuluyan pumunta sa hagdan paakyat para mag ayos.

I love how hands on she is, may mga kasambahay sila pero nangunguna pa rin siya sa mga gawaing bahay— sa napansin ko.

Binaling ko ang atensyon ko sa kailangan gawin. Tinungo ko ang daan papunta sa garden para ibigay ang lecheflan.

Bawat hakbang ko, bawat lapit ko sa garden ay nakakarinig ako ng tugtugin.

Strumming the guitar, Simon was oblivious about everyone and just played.

"Mmmm... I remember so well..." panimula niya.

Nakaupo siya sa pinaka gilid ng garden, naka panjama, naka taas ang dalawang paa sa isa pang upuan habang tahimik na tumutugtog.

Kuya Carl and Tito Ivor are standing from the opposite side, talking seriously.

Si Clyde naman ay mabilis napatayo nang makita ako at mabilis na sinalubong ako para kunin sa kamay ko ang tray at siya ang naglapag 'non sa lamesa na naka pwesto sa gitna ng garden.

Umalis na ang mga pinsan niya at tanging silang pamilya nalamang ang kasama ko.

Medyo nakakapanibago pa rin, many years... ang pamilya ni Angelo ang kasama ko. Sino mag aakala na dito rin ako dadalhin ng tadhana?

Siguro ga'non talaga? Minsan, kahit nakasanayan mo na ang isang bagay, kahit ni-gusto mo pa itong maging permanente, even the most habit of all habits... pwedeng mag bago dahil sa huli, mapupunta ka pa rin sa hantungan mo.

How amazing it is? To realize that there are lots of paths to take, at kahit isa-isahin mo ang daan na 'yon, bawat desisyon ay kontribusyon sa kung anong para sa'yo talaga.

Like one simple step in life is a contribution to where you should be.

"...the day that you came into my life..." mahinang tugtog ni Simon habang kinakapa ang tono ng gitara.

"Si mommy?" Tanong ni Clyde.

"Nag ayos lang, ba-baba na rin siya," tugon ko.

"How do you feel?" Puno ng kuryosidad kong tanong habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.

He looks much better now pero hindi ko pa rin mapigilan mag-alala. His tears awhile ago, hindi ko maiwaksi sa isipan ko.

Kinuha niya ang itim na jacket sa isang upuan at inalok iyon sa akin.

Umiling ako.

"...my life started to change..."

Tipid siyang ngumiti at kinuha ang kanang kamay ko. Hinila niya ako ng marahan palapit sa kanya at maingat na niyakap ako.

My arms were below his. Nakapaikot ang braso ko habang siya naman ay niyakap din ako. Idinikit niya ang mukha ko sa kanyang dibdib at dahan-dahan akong sinayaw.

Parang sumabay sa tugtugin ang pintig ng puso niya... at puso ko.

Naiintindihan ko na pag sinasabing kaya nilang pakinggan ang pintig ng puso ng taong minamahal nila nang walang sawa. Ga'non ang nararamdaman ko ngayon.

"Gusto mo pa yakap ko."

"Asa." Pang-aasar ko sa kanya.

"Okay, 'wag nalang, 'to nalang jacket," subok niyang pag hiwalay sa akin.

"Tampo ka naman."

Pigil tawa kong sabi. Araw-araw may nadidiskubre akong ugali ni Clyde na hindi ko nakikita noon. Pero sa bawat diskubre ko, mas nagugulat at minamahal ko siya.

Hindi ko mapigilan ma-excite sa hinaharap. Kung ano pang matutuklasan ko.

Lalo na at... humans are innately changing and I have a lifetime to see and discover him.

"...I'd wake up each day feeling alright," napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Tulip.

Kalalabas lang niya mula sa main door. Naka simpleng white shirt lamang siya at denim shorts.

Ang alam ko, kakalipat lang ni Tulip dito dahil inasikaso niya muna ang pamilya niya bago bumalik sa mga Montgomery bilang asawa ni Simon. 

Hindi pa kami pwede ikasal ni Clyde this year dahil sukob, kung hindi ako nagkakamali ay ikinasal sila ni Simon ilang buwan lamang ng pag babalik ni Tulip sa Pilipanas. Nasa Singapore pa kami 'non ni Clyde at siya lamang ang umuwi para dumalo.

I regret not going though...

"Dito ka lang," bulong ni Clyde at muling dinikit ang ulo ko sa dibdib niya.

I chuckled. "Clingy."

"Yup. I am clingy to you. Ayaw mo?"

I rolled my eyes as if he could see it. "Ayaw ko."

Mabilis niya akong dinungaw at kunot-noo niya akong tinignan.

Hay, Clyde...

Isang bungisngis na tawa ang kumawala sa akin at muli siyang niyakap. This time, mas mahigpit ng konti.

"I love you clingy. Yakapin mo pa ako sige." Paglalambing ko sa kanya.

I heard him sigh and hugged me back with the same intensity.

"how did you know?" Muling kanta ni Simon.

"I needed someone like you in my life?" Dugtong ni Tulip.

"That there's an empty space in my heart?" Napangiti ako lalo nang marinig muli ang boses ni Simon.

Napaka-gifted nila sa pagkanta, ang ganda ng boses nila.

"Joachim..." rinig kong tawag ni Tita Jade.

Bago ko pa sila lingunin ay nakita ko na sila mula sa pwesto. Lumapit si Tita Jade kay Tito Ivor at sinalubong naman siya ni Tito na parang alam niya na ang gagawin.

He held her on her waist and she reached for his shoulders. Tulad namin ay dahan-dahan din silang sumayaw habang magkalapit pero ang kaibahan lang ay tinitignan nila ang isa't isa at paminsan-minsan ay bumabaling sa amin.

"How you brought the sun to shine in my life?" Mahina kong sabay kay Tulip.

Kumanta ako ng mahina, sapat lang para marinig ni Clyde.

"And took all the worries and fears that I had..." mahinang kanta niya rin.

I chuckled a bit as I heard him sing. Well... let's just say... nakuha na ni Simon ang talent na 'to sa pamilya nila.

"Hindi na nga," pag tatampo niya.

Muli akong natawa. "Biro lang! Go on!"

"Ayaw."

"Please..." hinigpitan ko ang yakap sa kanya at bahagyang hinalikan ang braso niya.

"It's not every day that someone like you comes my way" kanta niya ng mas lalong mahina.

Kung kanina ay nasa volume number two siya, ngayon siguro ay volume number one nalamang.

"No words can express how much I love you, you," pag sabay ko muli.

How I love to stay like this? With him. Under the moonlight. Dancing. In each other's arms.

This is what I want. For myself and for him.

Simula noong makilala ko siya, ganto na ang pinaramdaman niya— ng paligid niya akin basta nandyan siya. He's a walking peaceful world. At pag naranasan mo ng manirahan sa mundo niya, hindi mo na gugustuhin umalis pa.

It was like, everyday... just with his mere presence, he is fulfilling a promise to give peace and calmness to me. Bagay na hindi ko hinihingi pero kusa niyang binibigay.

How could he do that? Sa lahat ng napagdaanan niya? Sa lahat ng gulo at sakit? Sa trauma niya? How can he not project it?

He's so...

Wonderful.

"Samahan mo ako bukas magpacheck-up?"

Nagulat ako sa bigla niyang tanong.

"Sigurado ka?"

Naramdaman ko ang buntonghininga niya. "Yes, gusto kong nandoon ka."

"Hmm... kung gusto mo at ayos lang sayo, sige."

"Thank you,"

"No, Clyde. Thank you for letting me go with you."

Isang buntonghininga muli ang kumawala sa kanya at niyakap ako ng mainit.

"I love you,"

"Mahal din kita, Clyde."

"Kahit... wala ako sa tono?"

Isang mahinang halakhak ang kumawala sa akin.

"Hmm..." pagkukunwari kong nag-iisip.

"Nevermind—"

"Yes! Kahit ano pa yan, hindi mag babago ang pagmamahal ko sayo." Pag lalambing ko muli.

Naramdaman ko ang pag dikit ng ulo niya sa aking ulo.

"This is what I always dream of, Lia. You with me, us... with my family, in our home. Complete. Ito lang lagi ang hinihiling ko. I can't believe it. Nandito na. Hindi ko alam anong nagawa ko para ibigay 'to sa akin ng Diyos."

"You did well." Sagot ko na para bang sagot 'yon sa lahat ng iniisip niya.

Hindi niya alam, kami ang kailangan mapaisip kung anong ginawa namin para ibigay siya sa amin ng Diyos.

He's our blessing.

"Clyde, may gusto ako itanong pero pwede mo sagutin pag handa ka na."

"Hmm?"

Tinanggap ko ang katanungan sa isip ko na bumabagabag simula nang marinig ko ang kwento niya kanina kay Kuya Adrian.

"Bakit ikaw ang diniin sa rape case ni Ritzelle..." banggit ko sa pangalan na unang beses ko pa lang narinig sa buong buhay ko.

Naalala ko na nakwento na niya ito sa akin noon sa Singapore, gusto ko lang mas maintindihan pa ang pagkatagpi-tagpi ng kwento.

Muli siyang bumuntonghininga. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Pero may hula na ako kung bakit." He kissed my temple. "Noong gabing nagahasa siya, ako ang kasama niya sa tagpuan nila ni Kuya Adrian. Na-extend kasi ang meeting ni Kuya Adrian, ako naman ay nasa university para sunduin si Tulip. Hinabilin siya sa akin, pero nang dumating si Tulip at makatanggap ako ng mensahe kay Kuya Adrian na papunta na siya ay iniwan na namin siya roon..."

Parang may kumurot sa puso ko sa kwento niya. Hindi ko pa nakikilala ang babaeng iyon pero parang nagkaka-imahe na ako sa kanya... ngunit... napaka lungkot ng taong nasa imahinasyon ko. Sana ay kung nasaan man siya ay nakakangiti siya,

Sana ay mabulok sa kulungan ang gumawa sa kanya 'non...

"Pinaka madaling alibi nila 'yon, lalo na ako ang huling nakitang kasama."

Paano nila nagagawa iyon? Anong klaseng konsensya ang meron sila? Nag iisip pa ba sila?

"Don't worry, binasura naman ang kaso dahil walang sapat na ebidensya. Medyo malakas nga lang ang kalaban kaya natagalan..."

Ni-dungaw ko siya at matamis akong ngumiti sa kanya.

"I am proud of you."

Nanglambot ang mga tingin niya sa akin.

Paano nagagawang magkaroon ng ganito kalinaw na mata ng isang taong maraming pinagdaanan?

"Thank you..." marahan niya akong dinampian ng halik sa labi na mas nag pangiti sa akin. "... pero nag sisimula pa lang tayo, marami pa akong plano para sa atin, sa kabila rin 'non, gusto ko tulungan ang pamilya ko mahanap si Ritzelle, para rin sa ikatatahimik ko, kaya sana... 'wag kang bibitaw hanggang maayos ko lahat."

Umiling ako. "Hindi ako bibitaw, Clyde. Dito lang ako sa tabi mo. Kahit saan pa tayo dalhin nito, I will always stay with you. I'll see this till the end... hanggang sa panibagong bukas naman ang haharapin natin." Walang pag dadalawang isip kong sagot sa kanya.

"This family deserves a vacation, Joachim." Ani Tita Jade.

"I'll schedule one, asap, Miss."

Napangiti ako at niyakap siya muli. Pumikit ako at dinama ang bisig ng taong pinakamamahal ko habang pinapakinggan ang ibang tugtugin ni Simon at Tulip.

Kahit saan pa kami mapunta. Kahit sino pa ang kasama namin. Basta kasama ko siya, ayos lang.

Because... he's my home.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top