Ika-siyam na Tugtog

Come back to me

How can he look at me like that?

Parang sasabog ang puso ko habang naaalala ang boses at mukha niya. He looks so sad and empty. Hindi ga'non ang ginusto kong madatnan sa muli naming pagkikita, hindi ga'non ang inaasahan kong makita.

I really... sincerely... hoped na sana ay okay lang siya. Marahil ay may mabigat siyang problema. Siguro sa business nila? There's this part of me na gusto ko malaman... pero iba na kasi ngayon, hindi ko na kailangan malaman.

If we could even go back as being friends— pero alam kong malabo na yun.

I didn't even bother to ask him.

Hindi ko na alam ang gagawin, hindi tulad noon.

"Lia..."

May pinagdadaanan kaya siya?

Is he really okay? O nag sinungaling siya sa akin nang sabihin niya na ayos lang siya?

"Hey..."

"Hmm?" Wala sa sariling tugon ko kay Clyde.

Nawala ako sa aking iniisip nang marinig ang boses ni Clyde. Nilingon ko siya at kita ko ang pag-aala sa kanyang mga mata habang mataman na nakatingin sa akin. Tila binabasa ang aking iniisip.

"Princess."

I bit my lower lip.

"Liazabel."

Inabot niya ang aking kamay at marahan iyon hinaplos. Para akong hinila mula sa malalim na pagkakalunod sa iniisip. Nanlambot ang puso ko nang lumalim ang tingin niya sa akin.

"Are you okay?" His voice sounded so worried.

I suddenly felt guilty.

Kumalma ang puso ko at napakagat muli sa aking pang ibabang labi sabay iwas ng tingin sa kanya.

I forced a smile and nodded. Napatingin ako sa labas at nakita na nasa tapat na kami ng bahay namin.

"You seem disturbed. Okay ka lang ba talaga?"

Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

I shook my head.

Inabot ko ang bag ko at kinuha roon ang gamot niya. Inabot ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at binigay ang gamot sa kanya. I closed his palm and tightly held it.

Mula sa pag-iiwas ko ng tingin ay lakas loob akong nag-angat ng tingin upang salubungin ang kanyang mga mata. I saw how his eyes shined while looking at me. Hindi ko napigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya.

Ilang segundo kaming nanatiling ga'non. Kalmado ang aking puso at alam kong ga'non din ang sa kanya. We always tell each other before how much our heart calms whenever we look at each other.

"Tara? Let's drink some tea. Nahilig na rin sina papshie sa tea, panigurado ay may stock na ngayon sa bahay."

Siya naman ang sinuri ko ngayon. Pinagmasdan ko ang bawat kibot ng kanyang labi na para bang may gusto siya sabihin.

"Clyde... ayaw mo ba pumasok?" Tanong ko muli nang walang mamutawi mula sa kanya.

"Hm, may aasikasuhin kasi ako. Magkikita-kita kasi kami nina Uno ngayon." He took a deep breath. Tila hindi sangayon sa naging desisyon. "Tomorrow. I'll go tomorrow. Pakisabi nalang kina tito na bukas nalang ako papakita." Dagdag niya.

I showed a smile to assure him that it's okay. 

I nodded. "Tomorrow it is." 

I smiled more when he smiled. Hinaplos ko ang kanyang kamay bago inalis ang seatbelt na nakaharang para makalabas na ako ng kanyang kotse. Nakita ko siyang gumalaw para buksan ang pintuan sa kanyang gilid pero mabilis ko siyang pinigilan. I held his arm which stopped him.

Lumingon siya sa akin. "I want to open the door for you..." parang bata niyang sabi.

Bahagya akong natawa dahil doon pero pinilig ko lamang ang aking ulo.

"'Wag na. Mapapagod ka lang. Hindi ka pa umiinom ng gamot mo, I don't want to exhaust you. See you tomorrow, rest well okay?"

I reached for his cheek and kissed him there. I smiled and hurried myself to go out from his car.

Kumaway ako sa kanya at kumaway din siya pabalik. Mas lalo akong napangiti nang makita ang ngiti sa kanyang labi. Sinara ko ang pintuan ng kanyang kotse at naglakad na papasok ng aming bahay.

Kahit na gusto ko pa siyang lingunin sana para muling kumaway ay hindi ko na nagawa dahil nanikip muli ang puso ko. I don't know why— or where it was coming from. Basta naramdaman ko lang.

Binuksan ko ang gate namin at tuloy-tuloy lamang akong pumasok doon. Sinara ko ang gate at napasandal doon.

Napahawak ako sa puso ko at naramdaman ang muling pag-tibok 'non ng mabilis.

May mukhang gustong pumasok sa isip ko pero pinilit ko itong umalis, hindi ko ito hinayaan na makapasok at sinara ko ang aking isipan at puso.

How can this be real?

Nandito na ako. Nakabalik na ako. I feel overwhelmed suddenly. Marahil ay dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari ngayong araw. 

Bumaba na ang araw at unti-unti ko ng nararamdaman ang lamig na simoy ng gabi.

"What are you trying to convince yourself?"

Mabilis akong napaayos ng tayo nang marinig ang boses ng tatay ko.

Sumilay ang ngiti sa aking labi at mabilis na tinawid ang distansya naming dalawa.

He opened his arms to welcome me and I ran to hug him.

"Papshie!" I exclaimed and hugged him tight.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan lang na ikulong ako ng aking ama sa kanyang bisig.

"I missed you, papsh. Sobra sobra po." Malambing kong sabi.

I smelled his shirt and smiled more because of it.

I feel home. So home.

"May problema ka ba?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako at mas sumiksik lamang sa kanyang bisig.

"Wala po, na-miss ko lang kayo. We only have three days to be together so... nalulungkot po ako."

Narinig ko ang halakhak mula sa kanya. Inabot niya ang aking buhok at pinasadahan 'yon ng kanyang kamay.

"Ts. My daughter is being melodramatic again. 'Wag mo na isipin 'yon, if you'll dwell about the fact that we only have a little time to spend with each other, at kung bibilangin mo ang mga araw, aba! Talagang walang mangyayari sa atin, Lia. I didn't raise you to be such a weak hearted woman."

I pouted and pulled away to look at my father's face.

"Nag mana lang po ako sa inyo."

Muling humalakhak ang aking ama at binigyan ako ng halik sa aking noo. I never felt so happy again, ngayon lang, pakiramdam ko... ngayon lang talaga ako muli nakahinga ng maayos.

The years passed were bearable, somehow happy and okay but right now, I am contented and I feel like it won't be wrong to say that I am completely happy.

Here, I am me. Makalat. Emosyonal. Matatakutin. Nerbyosa. I can be everything.

No pretensions.

Just me.

"Oh? Nasaan na 'yong nobyo mo? Bakit hindi mo pinapasok?"

Umiling ako. "Bukas nalang po siya pupunta rito, he needs to be with his family too. Miss na miss po siya ng mga Montgomery. Nakaka-guilty naman kung mananatili siya rito habang ang pamilya niya ay nandoon lang sa bahay nila." Paliwanag ko.

Nag-taas ang kilay ni papshie. Tila hindi siya naniniwala sa sinasabi ko pero ngumiti lamang siya at nag kibit-balikat.

"Nakakapanibago" Aniya.

"Ang alin po?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at tuluyan ng humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin.

"I never thought you will be like that with your boyfriend."

Inayos ko ang aking buhok at litong tinignan ang aking ama gamit ang mga matang nag tatanong.

"Dati kasi, halos hindi kayo mapaghiwalay ni Angelo. Considering that you weren't even boyfriend-girlfriend at that time. Isa pa, hindi ko pa hinahayaan na makapasok dito ang Montgomery na 'yon pero hindi naging rason 'yon para hindi kayo mag kita. Ngayon na bukas ang tahanang ito para sa nobyo mo, tsaka ko naman nakikita na mali ang inakala ko."

Noon...

Ngayon.

Ano nga ba ang mga pag babago? Mayroon ba talaga?

Pinilit kong ipakita na mali siya at walang pag babago. "Papsh, natural, kasama ko na doon si Clyde, araw-araw, palagi. Ngayon naman, ibibigay ko ang oras ko sa inyo... at siya rin, sa kanyang pamilya."

Nanglambot ang mga mata ni papshie at matamis na ngumiti. He looked at me with so much love and concern.

He doesn't believe me.

Pero sabagay, how can he believe me if I don't know the truth myself?

"Si mamshie po pala? Nasaan?" Tanong ko para maiba ang usapan.

I look pass him and saw that the living room is empty.

"Namili ng rekados ang nanay mo para ipagluto ka ng mga paborito mo. Ito nga at susunduin ko, mag pahinga ka muna sa kwarto mo, nilinis na namin iyon para sa pag uwi mo. Tatawagin ka nalang namin pag luto na." Ani papshie.

I nodded and gave him a hug again.

"Ingat po, mag papahinga lang po ako." Saad ko.

He hugged me back. "Welcome home anak."

My heart warmed as I heard what he said.

I pulled away again and gave way for him to go out the house. Pinanuod ko si papshie na sumakay sa kotse at sandali pa siyang kumaway sa akin. Matamis akong napangiti at kumaway pabalik.

Hindi ko na siya hinintay pang makaalis at tuluyan na akong pumasok ng bahay namin. Sa pag salubong sa akin ng sala ay parang gustong sumabog ng puso ko.

Everything feels home. The smell, ambiance and feels. Lahat ay nanumbalik sa akin.

Sa loob ng mga lumipas na taon, pinilit kong buo-in ang sarili ko, everyday... I wonder why I feel like something is still lacking. Parang nasa okay zone lang ako. Hindi masaya, hindi malungkot, sapat lang para ngumiti at kayanin lahat.

But now, konti-konti ay naiintindihan ko na kung bakit. Dahil iyon sa... wala ako sa lugar kung saan kayang ibsan ang bawat lungkot. Dito sa bahay na 'to, kahit anong mangyari... alam kong magiging masaya rin sa huli. I'll feel sad but my family's comfort will somehow ease everything.

I bitterly smiled and walked to my room. Bawat bagay na madaanan ko ay tila kinikiliti ang puso ko. Ala-ala sa bawat sulok ng bahay namin ay pumasok sa isip ko. Bawat pag-tapak ko ay tama, komportable at alam kong hindi magkakamali.

Nang marating ko ang kwarto ko ay tumigil ako sa harapan 'non. Inabot ko ang seradura ng pintuan at pinihit ito. Sumalubong sa akin ang gusto kong amoy ng kwarto ko. A mix of flowers and baby smell.

Napangiti ako nang makitang halos walang nag bago. Pinanatili lamang itong malinis pero nandoon pa rin ang lahat. Kahit ang bakas ng nakaraan ay nandoon pa rin.

Nakasabit pa rin ang mga pictures namin ni Angelo sa dingding ng aking kwarto. Ang ilang hindi pa gamit na cassette tapes ay nasa may shelf ko pa rin. Ang listahan ng  mga mahahalagang araw para sa akin at para sa amin ni Angelo ay nakasabit pa rin.

Humakbang ako palapit sa aking kama, malapit sa mga litrato naming dalawa at natigilan ako nang makita ang isang litrato na paboritong paborito ko dati.

It was New Year back then. Kasama ko siya at ang mga Montgomery sa hotel nila. Nasa roof top kaming lahat at nag sasaya habang pinapanuod ang mga fireworks na walang tigil sa pag putok habang tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan namin.

Ako lamang ang hindi Montgomery doon. Ayokong sumama noon kasi alam kong kasama niya ang mga pinsan niya, okay lang sana kung may imbitado rin na ibang kaibigan nila pero wala, ako lang talaga ang hindi nila ka-apilyido roon.

Pero siya mismo ang sumundo sa akin at kumausap kay papshie. Kahit na ayaw siyang kausapin ni papshie 'non, hindi siya sumuko at talagang sinuyo niya ito. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya na nag papayag kay papshie pero nakuha rin niya na mapapayag ito.

It was blissful at that time. Nakangiti lang ako buong gabi. Hindi siya umalis sa tabi ko. Then at midnight, saktong sakto sa oras ng bagong taon, tinawag niya si Agatha para kuhanan kami ng litrato. Inakbayan niya ako at nilapit ang ulo niya sa akin. I thought he will place his head on my shoulder, tulad ng hilig niyang gawin tuwing kukuhanan kami ng litrato, but he placed a kiss on my forehead while Agatha was smiling and giggling.

Napapikit ako para maalis ang mga mata ko roon. Tumingin ako sa ibang parte ng kwarto ko at dahan-dahan na humiga sa kama ko. Inabot ko ang unan ko at niyakap 'yon ng mahigpit.

As I feel my bed's warmth, naramdaman ko ang pag lukob sa akin ng antok. Pinikit ko ang aking mga mata habang isang mukha lamang ang rumerehistro sa aking isipan.

Gusto ko pa sana makita ang mukhang 'yon pero tuluyan na akong kinain ng antok.

I woke up feeling a little light headed. Narinig ko ang walang sawa na pag ring ng cellphone ko kung kaya't napilitan akong kunin ang cellphone ko sa may tabi ko.

I answered the call without looking at the person calling.

"Hello?" Bungad ko sa tumawag gamit ang boses na antok na antok pa.

My eyes closed as I heard the other person's breathing from the opposite line.

"Hey... Lia."

Mabilis na nag bukas ang mga mata ko nang marinig ang boses niya.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa naramdaman kong pag lundag 'non. Hindi ko magawang buksan ang bibig ko para sumagot kung kaya't hinayaan ko lang ang sarili kong marinig ang pag-hinga niya sa kabilang linya.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at napapikit nang umikot ang tyan ko dahil sa halo-halong emosyon na pumapasok sa akin.

"Mag salita ka naman... please? Kausapin mo ako." Aniya.

I bit my lower lip and found myself worried for him.

"Ayos ka lang ba? Are you drunk?" Tanong ko dahil base sa boses niya, mukhang nakainom siya.

I heard him groaned. "Bakit? Kung lasing ba ako, kakausapin mo ako? Aalagaan mo ako tulad ng dati? Babalik ka ba sa akin? Tatanggapin mo ba ako ulit? If yes, then fuck it! Magpapakalasing ako palagi."

Mariin akong napapikit sa sakit na narinig ko mula sa boses niya. Parang sinuntok ang puso ko habang naririnig siya sa kabilang linya. Every breath, every sound, every word hurts.

"Nasaan ka? Are you with the Montgomerys?" Nag aalalang tanong ko.

"Do you still care about me?" Hindi niya pag sagot sa tanong ko.

Yes of course...

Mawawala ba iyon? Parang kahit makausad ako ng napakalayo ay hinding hindi na yun mawawala.

"Angelo." I firmly said his name to stop him from what he is doing.

I heard him laugh, tawa na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. Tawa na alam kong hindi siya natutuwa.

Ironic isn't. Ganitong ganito siya tuwing may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan 'non, he'll react the opposite para bwisitin ako.

"Angelo?" He repeated what I called him. "Call me Nathaniel."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatakip ako ng bibig at naramdaman ko ang pag takas ng mga luha sa aking mga mata.

Anong nangyayari?

This is not supposed to be it...

Why is he being like this?

"Please..." he whispered.

I hugged my pillow tightly as if my life depended on it.

"Please, baby. Call me Nathaniel again, come back to me—"

"Lia?"

Mabilis kong inayos ang pag hinga ko na hirap na hirap kanina nang makarinig ako ng ibang boses.

"Kuya Adrian?" Paninigurado ko.

I heard him sigh as he cussed at Angelo.

"Gago ka ba Angelo? Lia is Clyde's girlfriend! Baka nakakalimutan mo 'yon, stop acting like shit!" Inis niyang wika rito.

"I know! Hindi ko nakakalimutan! Hindi ko makalimutan! That's my problem! I am so fucking mad because of that fact, Kuya! So please, just please give me my phone. I need to talk to her."

Unti-unti akong napaupo sa narinig ko mula sa kanya. Napasapo ako sa aking mukha gamit ang aking libreng kamay at sinubukang intindihan ang mga sinabi niya pero tila walang maintindihan ang utak ko.

Naririnig ko ang mahinang tunog ng orasan mula sa dingding ng aking kwarto, parang sumasabay dito ang puso ko, hindi ko mawari kung ano ba ang dapat gawin.

My heart is in a ruckus.

Ngayon ko lamang ito naramdaman. I am at peace for a very long time, ngayon ko lang ulit naramdaman na magkaroon ng gyera sa aking puso at isip.

"No, I won't let you talk to her until you fix yourself! Iuuwi na kita." Matigas na sabi ni Kuya Adrian.

Kuya Adrian is always chill and cool, hearing him like this makes me realize how wrong this is. How messed up everything is just because Angelo said the words I never thought I'll hear from him.

Pero ano nga ba ang tamang maramdaman sa mga panahong 'to?

Wala akong maintindihan. Baka nananaginip pa ako? 

Yes! Maybe... kasi sa panaginip lang naman ito pwedeng mangyari.

My heart feels the opposite. It beats faster and faster, like it will explode soon.

"I will never be able to fix myself until you let me talk to her. Kailangan ko lang marinig ang boses niya, Kuya. Pag bigyan niyo na ako... nagmamakaawa ako." Angelo said painfully.

I hugged myself and felt my nerves melted.

"Angelo." Tawag sa kanya ni Kuya Adrian sa mas malumanay na boses.

I heard someone sobbed and my heart ached when I realized that it was Angelo.

"Bakit ba ayaw niyo ako pag bigyan? Years, taon-taon ko pinagbayaran ang kasalanan ko... pero bakit parang hindi pa rin sapat? I just want to hear her voice, 'yun lang naman. I just want her to call me Nathaniel again, to come back to me tulad ng dati, mahirap ba 'yon?" He asked while his words went through my heart, piercing it.

"Is it really that hard to be with me again?" I heard him whispered painfully.

"No Angelo, it is not. Pero hindi na pwede. You have to think of Clyde too. Hindi pwedeng dahil gusto mo lang siya bumalik sa'yo, ga'non nalang 'yon. I am sorry brother, I can't help you this time."

Napa-angat ako ng tingin at tinignan ang oras. It is almost eight o'clock. Siguradong patapos na mag luto sina papshie at mamshie nito.

"Hindi ko naman kailangan ng tulong mo. Hindi ko rin hinihingi ang tulong mo. Wala rin akong balak humingi ng permiso kay Clyde dahil hindi rin siya humingi ng permiso sa akin. I don't care about everyone nor anything else." He took a deep breath once more. 

"Now, give me back my phone." Aniya sa desididong boses.

Mabilis kong pinatay ang tawag at pinatay ang cellphone ko. I am afraid that I'll get to talk to him again. Tinago ko ito sa ilalim ng aking unan at muling napahiga.

My chest hurts.

Alam kong dahil iyon sa matinding pag-aalala. Dapat ba ay hindi na ako bumalik? Parang nagulo ko ang bagay na dapat matagal ng tapos.

Okay na lahat, then here I am ruining it again.

Mababaliw na ata ako, wala pang isang araw nang magkita kami pero ito ako, pinapatunayan sa mundo kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sa kanya noon.

Noon...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top