Ika-apatnapung Tugtog

Song: I Choose by Alessia Cara

Nahirapan akong isulat ang chapter na ito. Honestly the whole story was hard for me to write, maybe... kasi... it speaks about moving on, giving yourself a second chance in love, jumping into uncertainty if it will even ever happen. Noong isang araw, I asked in my Wattpad Wall if, paano ba mag move on. If there is even a perfect formula for it, kasi ako mismo... nasa proseso pa. Kaya mahirap sa akin kasi ako mismo hindi sigurado. But recently, the past days, I am getting better. Kaya... nakuha ko matapos ang chapter na to. Napaka galing nga ng timing, sakto... it has been almost a year of needing to move on, yet a chapter before this, pakiramdam ko hindi pa ako gumagalaw mula sa kinatatayuan ko—isang taon na ang nakaraan. But... exactly this day, I got my heart broken last year. A year after, I felt a part of it healing. Eksakto sa kabanatang ito. Hindi ko alam paano, bakit... pero masaya ako. 

So for everyone that is going through the process of moving on, it doesn't have to be romantically speaking, even in friendships or any kind of relationship, just hold on... akala ko rin noon wala na, I even thought na baka hindi na ako magiging genuinely happy—I know hindi totoo yon pero at that point, yun ang naramdaman ko, pero a year after... I am smiling, laughing, not yet there pero... working on it. It is possible. It will happen at that moment you're not even expecting it to happen. Basta wag ka titigil, hakbang lang, pag napagod, pahinga ka... pero lakad ulit. 

Hopefully this chapter can resonate that as well.

I love you.

Silently wished

"Saan tayo pupunta?"

Pabalik na kami galing sa University. We walked hand in hand and I never felt more relaxed. A part of me is in pain for Angelo, hindi na siguro mawawala iyon, I will always silently care for him. He is my bestfriend after all, pero sa kabila ng lahat, kahit makasarili isipin, gusto ko pa rin maniwala na makilala niya ang para sa kanya at pag dumating ang araw na 'yon, he will finally understand.

Malabo lang sa ngayon, because he's hurting, tulad noon... ako rin, kahit na umalis ako para makalimot, malaki ang parte sa akin na takot—takot na baka hindi na ako makausad. That maybe... I wouldn't be able to move on, or if I did, baka piliin ko pa rin na hindi na mag mahal ulit, o baka mag mahal nga ako pero hindi matatapatan ang intensidad ng nararamdaman ko para sa kanya.

I had various thoughts and fears. Paulit-ulit araw-araw, nilulukob ang puso ko, parang hindi matatapos, it almost felt impossible.

But slowly... like a withdrawal... makakahinga ka rin, nakahinga ako. Unti-unti, bumabangon na ako, binubuo na ang araw ko ng mga gawain na hindi ko magawa dati dahil iniisip ko na baka mag kita kami, baka kailangan niya ako, o kung ano-ano pa na patungkol sa kanya.

Moving on is hard.

Complicated even.

Walang tamang formula para rito. Kahit ako na napagtagumpayan iyon, hindi ko pa rin masasabi kung paano.

But one thing is for sure, that change is constant, minsan... hindi comforting marinig 'yon, especially the discomfort associated with it, pero sa aspetong to, change is what we should hold on to.

Na lahat nag babago. Hindi ka pang habang buhay malungkot, marahil mukhang imposible sa una pero kalaunan... aayos din. Ngingiti ka rin. Sasaya. Tatawa.

That—yes, I believe so, that... the happiest days of your life did not even happen yet.

Na totoo ang nababasa natin tungkol sa hindi pa natin nakikilala ang lahat ng taong mag mamahal sa atin.

I believe so...

I wanted to believe so...

Kahit masakit. Gusto ko maniwala.

And when you hit rock bottom, there's no other way but to go up.

Difficult, yes, pero wala naman mawawala kung maniniwala tayo.

'Yon ang pinanghawakan ko para makaabot dito.

And I hope... Angelo as well.

Ngayon, nasa estado na ako kung saan hindi na importante sa akin kung kailan ba ang araw na magiging pinaka masaya ako, kasi ngayon... kontento na ako. I am happy. 'Yon ang importante. And I wish it also for the people I love.

Pero alam ko hindi magiging madali. It will be very selfish to wish that he will get over it immediately.

Malayo roon ang katotohanan. Hindi magiging madali, proseso ito, mahaba at kailangan pag tyagaan—lalo na kung totoo ang naramdaman mo.

But the important thing is— it is doable— possible.

"Hmm..." Clyde trailed.

Marahan siyang nag park sa gilid ng isang daan kung saan halos walang building ang nakatayo, nilingon ko ang kabilang bahagi ng daan at nakita ang isang chapel doon.

Hindi ko alam pero nang masilayan ko ang chapel ay halos kumawala ang puso ko sa katawan ko.

It is beautiful...

Cream colored, glass walls and doors...

Maliit lamang ito pero napaka ganda. Naiiba sa mga gusaling nakatayo sa di kalayuan. Parang hindi ito nababagay sa lugar na kinatatayuan nito, like a foreign place, a peace within chaos, a light within darkness.

"A-anong... ginagawa natin dito?" Lakas loob kong tanong nang pag buksan niya ako ng pintuan.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin at malugod ko itong tinanggap. Napangiti ako ng kaunti nang makababa sa sasakyan, he never fails to make me feel so important, mas na-appreciate ko iyon ngayon... his consistency.

"Naalala mo yung ni-kwento ko sayo na paboritong chapel ni mommy?"

Mabilis bumalik sa ala-ala ko ang kwento niya noon, ang sabi niya ay may paboritong chapel ang mommy niya dahil doon daw siya dinala ng daddy niya para magkasal-kasalan.

It wasn't really a wedding, it was some sort of a promise— a simulation, even better than the real wedding, sabi niya.

Mas maganda raw ito dahil mas pribado, taimtim, sila lang ang naroroon kasama ang Diyos, nangangako sa isa't isa, na mamahalin nila ang bawat isa habang nabubuhay at kung may buhay man pagkatapos 'non.

"Clyde..." halos hangin kong tawag sa pangalan niya.

Binalik ko ang tingin sa chapel at iginiya niya ako papunta roon. Mas namangha ako habang pinagmamasdan ang mga detalye rito, may mga anghel na nakaukit sa pader nito, simple lamang ang lahat, pati ang mga kulay ng pintura na ginamit ay cream, brown, beige— mga neutral colors lamang.

"P-pero..."

Binuksan niya ang pintuan ng chapel para sa akin at unang tumambad ang kapatid niyang babae, si Tulip. Nasa dulo siya ng aisle, halatang nag hihintay sa amin. Sumilay ang ngiti sa kanya nang matagpuan kami ng mga mata niya.

Sunod na dumapo ang mga mata ko sa katabi niya, her husband and my future husband's brother... Simon, at sa pinaka dulo ay si Kuya Carl.

Naalala ko ang problema ni Kuya Carl, pero ngayong tinitignan ko siya parang isa lang ang importante sa kanya, at iyon ay ang kasiyahan ng kapatid niya.

Humigpit ang hawak niya sa akin. "Gusto ko sana tayo lang... but they wanted to... make sure... daw... that I won't give way..." puno ng kahihiyan niyang sabi.

Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Bumaling ang tingin ko sa kanya at naramdaman ko ang pag init ng aking mga mata. Umalon ang puso ko sa sobrang kasiyahan at pagkagalak, I have so many emotions that I can't contain my tears.

How can this be real?

How can he be real?

Napaka-precious ni Clyde. He has the most beautiful heart I know. His love is always enduring. And that kind of love is what I also want to give him, because he deserves it.

Pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, kulang pa rin para mapantayan man lang siya. Sobra-sobra siya sa akin. Looking how clear his eyes are, pakiramdam ko hindi ako nararapat tignan 'non. Parang ang liit ko para tignan man lang niya.

But his warm loving gaze tells me, that it sees beyond my lacking.

"I know this is sudden, Liazabel. Alam ko na may mga problema pa tayong haharapin... at hindi ito ang tamang oras. Maybe yes. Maybe no. Hindi ko alam at wala sigurong makakaalam, at wala akong balak na hintayin kung ano ang sagot ng panahon. Napakahaba na ng araw na 'to para sa atin, napakabigat ng lahat ng nangyari. Pero hindi ko ata kayang matapos ang araw na ito na hindi ka nadadala rito. I just want you to know, to show you, that I am this ready to marry you... now." Napapaos pero buo niyang sabi.

Alam ko na ang gusto niyang sabihin pero kakaiba pa rin pala marinig iyon.

Nahigit ko pa rin ang hininga ko sa gulat, kahit alam ko naman na...

"Mahal na mahal kita, gusto kita pakasalan." Mas malinaw niyang sabi.

His eyes glittered.

"Kung hindi ka pa handa... naiintindihan ko rin 'yon..." aniya.

Sandali akong napapikit sa kanyang sinabi at doon tumulo ang mga luha ko.

Kita ko ang pagkataranta niya at ang mabilis niyang pag abot sa mukha ko para punasan ang mga luha ko.

"Hey... did I say something wrong? Napressure ka ba? I am sorry... this is not real, hindi pa naman ngayon, at hindi mo kailangan mangako. Alam kong marami pa tayo dapat ayusin sa mga pamilya natin. You have yours. I have mine. Pero, ako ang gusto mangako sayo. This is a promise... that... I have no one in mind but you. That my heart seeks only you..."

"...that it is you I want to marry..."

"...and whenever you're ready, I am also ready..."

"...shit..." marahas niyang mura at mabilis na palis sa kanyang sariling luha.

"I am losing control of our situation..." he said painfully. "I am losing my calmness from all of these..."

Parang mababasag ang puso ko sa narinig. Alam kong nahihirapan siya ng sobra. Pinangangalagaan niya ang relasyon namin dalawa, habang sinusubukan din niyang maging mabuti sa pamilya niya. 

How hard could that be? To be selfless while wanting to be selfish? To hold back while wanting to push through? To wait while wanting to give it all?

He was handling everything, ni-minsan ay hindi siya nagalit kahit kanino kahit na ang bigat-bigat na ng nasa kamay niya.

He's always trying to make good sense out of the worsts.

Nakakapagod iyon, alam ko. Hindi ko ma-imagine pero damang dama ko, kahit na hindi siya nag rereklamo.

"I am very proud of you, Clyde." I said truthfully.

Umiling siya. "Not yet. Hindi pa tapos. Hindi ko pa naaayos."

Oh Clyde...

"Hindi mo naman kailangan ayusin lahat, Clyde. You must accept, na may mga bagay na hindi na natin hawak. Mga kwentong hindi na tayo ang susulat, na may mga gusot na hindi muna maaayos ngayon. We could only try our best and you did—much more."

Kita ko ang pagkabigo sa mga mata niya. "Natatakot akong magkamali." Hinang-hina niyang sabi.

"But I am not scared to lose everything just for us to be together, Liazabel." Walang pag-aalinlangan niyang sabi, sa gitna ng pag hihirap ng kalooban.

"I am not scared, not even a bit..." my lips trembled.

"How..." 

"Kasi nandyan ka..." tugon ko.

"Nag-sisisi ka na ba?" Tanong ko.

I want him to realize it himself. Kung ano yung nakikita at nararamdaman kong lakas dahil alam kong magkasama kami.

Tuloy-tuloy lamang ang pag landas ng luha niya.

Maagap siyang umiling. Kunot-noo niya akong tinignan. "No... of course not. Paano mo naman naisip 'yon?"

Nag kibitbalikat ako. "You tell me, Clyde..."

"Kaya ko ulit-ulitin lahat ng hirap na naranasan natin, basta tayo pa rin sa dulo." Buong puso niyang sabi.

He bit his lower lip and painfully smiled.

"Basta tayo pa rin, I'll be on my bended knees fighting."

Marahas akong umiling na nagpakita ng sobra-sobrang sakit na nararamdaman ng puso ko. He doesn't have to be on his knees.

My Clyde...

Kung alam mo lang kung gaano kalalim at sobra, gaano ka-buo ang pagmamahal ko sayo. You wouldn't even flinch.

"Tingin mo ba gusto kong pagdaanan mo lahat 'yan?" Umiling ako. "I wanted you to be assured. Mas gusto kong maramdaman mo na secured ka sa pagmamahal ko, Clyde. I want you to feel that you're not fighting alone, that you have me too. I want you to see and feel how big my love is. Kasi ako... hindi na alam saan ko pa ilulugar ang pagmamahal ko sayo, kasi sobra-sobra—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa mabilis niyang pag-sakop sa labi ko. It was a swift, loving and deep kiss. Nanginginig ang labi ko pero naramdaman ko pa rin ang tamis ng halik niya. Nakakahugot hininga, nakakabuhay, it will make you want more. Yung kapag natikman mo na, kahit alam mong pwede naman kahit kailan, kahit alam mong hindi mo kailangan hingin sa kanya, gugustuhin mo pa rin tikman ng paulit-ulit.

Bumitaw siya sa akin at muling sinapo ang mukha dahil sa mga luhang ayaw tumigil.

My Clyde is a crybaby, huh?

Nanginginig ang mga kamay, inabot ko ang mukha niya para siya naman ang tulungan na mag punas ng luha.

Umiling ako muli. "I want real..." I said breathlessly.

Natigilan siya sa narinig mula sa akin. Tumigil siya sa pag punas ng luha at muling binalik sa akin ang tingin.

"I want to marry you too, Clyde... for real. Kahit saan pa. Basta ikaw. Kahit kailan. Basta tayong dalawa." Puno ng emosyon kong sabi.

His expression held so much emotion, maagap niya akong inabot sa bewang at niyakap. Mahigpit iyon, parang ayaw ako pakawalan. Yakap na hindi lang sa puso ang abot, kung hindi sa buong pagkatao ko.

"What we have is real,"

Suminghap siya sa sariling sinabi. "Hindi ako makapaniwala."

"Pangarap lang kita..." bulong niya bago hinalikan ang likuran ng tenga ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang halik niya.

"Ikaw ang tumupad sa mga pangarap ko, Clyde."

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Come... let's get married..."

Tumango ako. "I am already married to you. Ikaw lang naman ata ang nag sasabing hindi."

Kahit hindi ako nararapat sa pagmamahal niya, susubukan ko maging karapatdapat. I want to be deserving because it just him that I want.

Napanguso siya sandali at kahit hilam ang mata sa pag-iyak, nagawa niyang ngumiti.

"More than half of my life, Miss, kasal na ako sayo. Mga bata pa lang tayo, dito... sa pribadong parte ng puso ko, kasal na tayo."

Kumalabog ang puso ko kung kaya't mas napayakap ako sa kanya.

"I knew you would be a Montgomery." Bulong niya.

"I just never knew that I will be your Montgomery..." mas mahina niyang sabi.

"Though maybe... at one point, kahit makasarili, hiniling ko na ako." Mas napapaos niyang pag-amin. "

"I silently wish for it, Zabel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top