Ika-anim na Tugtog
Hi Inspirados!
New Beginning
January 1, 2018
'Happy New Year, Angelo.'
Saying this is like whispering in thin air, wishing that it will be delivered to you but at the same time, I hope it wouldn't.
Sa totoo lang, I don't know why I'm still doing this. Maybe to say goodbye to my habits? Bad habits. Para matapos na, para matigil na 'to. We may not be talking or seeing each other right now but my heart is still beating for you. Hindi na ata mag babago 'yon pero sabi nga nila, Change is the only constant thing in the world. For sure, a year from now, marami ng mag babago.
I hope you're doing okay.
If the time will come, the time when you'll hear these recordings, sana kasama mo ako, tinatawanan ang boses ko na hindi alam kung paano itago ang sakit at saya. At that time, sana isang biro nalang sa atin ang nangyari, then everything will go back to its original place.
Today, I'm missing you...
Today, I want to say good bye.
This is my last. Goodbye.
A day without him is hard. A month is harder. A year without hearing his voice nor seeing him is the hardest.
Sabi nila, kinaya ko naman daw mag bakasyon ng wala siya noon, tatlong buwan? Limang buwan? Pitong buwan?
Bakit hirap daw ako ngayon?
The answer is simple. I'm maybe in vacation in those times but I still get to see him. We're doing video calls, non stop voice calls and the fact that when I'll go back home, he'll be there...
'Yon lang, okay na sa akin dati pero ngayon... alam kong kahit anong mangyari hindi ko siya pwedeng makita dahil pinili ko 'to. I can't just go around against my words. Mauulit lang ang lahat, hindi na matatapos ang sakit, kailangan kong tiisin para sa sarili ko at para sa lahat ng nakapaligid sa amin.
Yes, it is hard. Sobra-sobra. Yung nakaka-ubos na sakit. The more I want to see him, the more I feel the pain.
Ang daming kailangan mag-bago. Before, when I hear a good news, siya agad ang maiisip ko o tuwing malungkot ako, siya rin ang takbuhan ko pero ngayon kailangan lahat mag bago 'non.
I need to independent. I need to grow. I need to do the things that I forgot I am capable of doing myself because he was doing those things for me.
Pero saan ako mag sisimula?
Paano?
'Paano'
Matamis akong napangiti sa narinig na tanong mula sa babaeng nag i-interview sa akin.
"Paano mo nagawang ipunin lahat ng recordings na 'to? At pwede ba naming malaman kung anong laman ng mga ito? There are rumors saying that these are your daily thoughts about your unrequited love. Totoo ba 'yon, Ms. Zabel?"
I bit my lower lips and shyly smiled. Nag-init ang pisngi ko sa ginawang pag-amin.
There's no point in hiding it. Hindi naman ako showbiz na tao para itago ang isang bagay na hindi ko naman kinakahiyang naramdaman ko.
"What a rumor, napaka-precise naman." Komento ko na siya namang kina-hagikgik namin ng nag i-interview.
Tumango-tango siya habang ang mata ay muling dumako sa kahon ng cassette tapes na hiniling nilang dalhin ko sa first interview ko bilang isang song writer.
Song writer...
Who would have thought that the broken hearted me will find the inspiration to write and sing songs to inspire others.
"Can you please tell us a bit about these recordings?" Aniya.
Ang kamay ko ay nanatiling naka-patong sa hita ko. Hindi ko alam pero nanlamig ako habang muling bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Kiliti at hapdi ang naramdaman ng puso ko pero sa huli ay napangiti pa rin ako at tumango sa kanilang lahat, sa lahat ng nanonood.
"These recordings are my diary. They contain the words I have no courage to speak. They are my voice from the unrequited love I have before."
Before...
She nodded to signal that I can continue.
Bumaba ang tingin ko sa mga kahon at mapait na napangiti. Hindi ko mapigilan magalak na hindi na sila nadagdagan simula noong tumigil ako. There are countless of times when I wanted to try recording again but I stopped myself everytime. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero ito ako, masaya dahil nagawa ko.
It made me stronger.
"I don't know how to explain why I did these, honestly. Basta ang alam ko lang, noon... ginusto kong maibigay sa kanya ang mga 'to. I have no concrete plans, basta ang nasa isip ko lang 'non ay itong mga recordings na 'to ang mag sisilbing patunay na naramdaman ko ang bagay na 'yon."
She warmly smiled at me. Napangiti lamang ako at napatingin sa mga audience na tahimik lamang nakikinig sa akin. Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin mula sa naka-todong aircon. Muling dumako ang mga mata ko sa mga staff na nasa gilid.
Mas napangiti ako nang makita ng mga mata ko ang taong hinahanap ko. He smiled at me and nodded, I felt a slight punch on my heart but shrugged it off. I nodded back and darted my eyes towards the interviewer.
"Bakit hindi mo naibigay?" Tanong niya muli.
Umiling ako. "I didn't had the courage and the chance to do it. Hindi pa kasi kami nag kikita. Maybe soon? Or maybe never. Kasi... para saan pa hindi ba?" Tugon ko.
She nodded and clapped her hands. I smiled with her reaction and the audience laughed too.
"Sa kanya mo ba nakukuha ang inspirasyon sa mga masasakit na kantang nasusulat mo?"
I stopped for a while and got lost from reality but when I snapped back, maagap akong nagkibit-balikat.
"Hindi ko alam, siguro? Pero malaking parte ang pamilya at mga kaibigan ko sa inspirasyon na sinasabi mo. It doesn't mean that I have written sad songs, my inspiration is sadness too. I'm more into feeling happiness and then writing sad songs to make people realize how important it is to chase our happiness. Kasi pag masaya ka, pag naramdaman mo yung kasiyahan na 'yon, you'll trade everything for it to stay that way, so through writing sad songs, I get to touch people's lives and then I make ways on how to transform their sadness to happiness... to inspiration."
The crowd went silent.
Natahimik ako dahil doon. Napahawak ako sa buhok ko at bahagyang natawa para maibsan ang tahimik na paligid. Mukha naman nakuha 'yon ng interviewer at sinabayan din ako, may isang staff naman na iginiya ang mga manonood na pumalakpak.
"Did I went overboard? I was super serious, right? I'm sorry." Saad ko at muling natawa dahil sa sarili.
This is why I hate interviews. Hindi naman ako showbiz na tao kaya too much information lagi ang nangyayari pero hindi naman pwedeng tumanggi sa mga ganito dahil for publicity din.
Maagap siyang umiling at tumango-tango habang tinitignan ang cue card para sa susunod na tanong.
"For the question that for sure, all the boys out there are waiting for. Are you in a relationship right now, Ms. Zabel?" Tanong niya.
Hindi ko alam pero bahagya akong natawa sa tanong niya. Dumako muli ang mga mata ko sa mga staff sa gilid at hinanap ng mga mata ko ang taong nanonood behind the stage sa akin. Siya lang ang naiiba ang suot doon kaya hindi ako nahihirapan hanapin siya at sa presensya niya palang ay hinding hindi talaga siya mawawala sa mga mata ko.
Tinaasan ko siya ng kilay bilang tanong kung okay lang ba na sagutin ko ang mga ito. Hindi ko nareview ang questions kanina dahil halos natagalan kami sa prior commitment ko kaya nang makarating ako dito ay sinalang na ako agad.
He shrugged and smiled playfully. Hindi ko mapigilan ang matuwa sa ekspresyon niya lalo na at ang daming napapatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa aura na tinataglay niya? Sarap din niyang i-bulsa minsan.
Nagsalubong ang kilay ko na siya namang ikina-tawa niya. Umiling-iling siya pero sa huli ay tumango nalamang bilang pag sangayon.
Mula roon, muli kong binalik ang tingin sa taong nag i-interview sa akin. Tumango ako at mabilis naman nag react ang mga tao, hindi ko alam kung dahil ba sa pagiging honest ko o dahil hindi nila inaasahan na mayroon akong nobyo.
"Yes, I'm in a relationship." Tugon ko.
The interviewer smiled widely and looked at the cue card again.
"May we know who this lucky man is? Or is he the person behind this cassette tapes?" Tanong nito muli.
Umiling ako. "Hindi siya ang taong 'yon at matagal na 'yon, the man behind the cassette tapes is just a memory. To answer your question, hindi ko siya maipapakilala sa ngayon."
My answer made the audience more curious than ever. I can see it from their reaction that they want more from my answer. Even the interviewer, but I know she'll respect my answer. They can't force me to speak about something I don't want to answer.
Showbiz or not, hindi ko gagawin 'yon.
"We will respect that. We will respect the private relationship that you have with your boyfriend. Thank you for answering our questions. You may now promote your new song." Aniya.
Tumango ako at hinanap ang camera. Humarap ako roon at ngumiti bago sinabi ang promotions ko.
"Hi everyone, please get a copy of my new single which is also written by me, titled New Beginning. Thank you everyone for supporting me locally and internationally. Please support me and my team, we love you all!"
Nakakuha ako ng palakpak mula sa mga taong nanonood kaya mas napangiti ako. Hindi na ata ako masasanay na ginagawa 'to, kahit na maraming beses ko na 'tong ginagawa ay hindi ako pwedeng hindi mailang sa harapan ng camera.
"Thank you everyone for watching! This is The Talk going live with the singer, song writer and blogger, Zabel Cabildo! We will be back soon!" Pamamaalam ng interviewer at muling iginiya ang mga tao para pumalakpak.
That was the cue for the recording to stop. Tumayo ako at tumayo rin ang interviewer. Inabot niya ang kanyang kamay na masaya ko namang tinanggap. Ngumiti ako sa kanya at kinamayan siya.
"Thank you for accepting this interview." Aniya.
I sweetly smiled. "My pleasure."
Binitawan ko ang kanyang kamay at nilingon ang team ko. Tinanguan ko sila para kuhanin na ang mga cassette tapes ko. Lumapit naman ang mga staff sa akin habang may mga dalang camera.
Ngumiti ako habang pina-uunlakan ang kagustuhan nilang magpa-picture. Sa bawat ngiti ko ay hindi ko maiwasan hanapin ang taong dapat ay bumabati sa akin ngayon. Napangiwi ako ng bahagya pero mabilis ko rin 'yon winaksi at ngumiti muli para sa mga nag papa-picture.
Nang matapos ang lahat ay nag-ligpit na rin ang mga tao. Pinipilit ko pa rin ngumiti sa kabila ng lungkot ko dahil bigla nalamang siyang nawala. Ilang buntong hininga ang kumawala sa akin at ilang pekeng ngiti rin ang ginawad ko sa mga taong nakakasalubong ko.
"Ma'am, di-diretso na po ba namin ito sa sasakyan?" Tanong ng isang staff ko, tinutukoy niya ang mga cassette tapes.
Tumango ako.
For the nth time, I forced to smile. "Yes, please." Tugon ko.
Mabilis silang sumunod at nauna ng mag-lakad. May mga naiwan na sumusunod sa akin mula sa aking likuran. Muli akong napa-buntong hininga at mula sa bulsa ng aking mahabang palda ay kinuha ko ang ang cellphone ko.
I searched for his number and got disappointed when I remembered that we didn't had the chance to buy a local sim card. Umuwi lamang kasi kami sa Pilipinas para sa ilang promotions na gagawin ko rito.
For the past three years, I was living with my brother who's living in Singapore. Siya ang kumupkop sa akin noong mga panahon na nag lalayas ang puso ko. Nakakatawang isipin na sa paglalayas kong 'yon ay may natagpuan din akong mahalagang bagay. Bagay na sana ay panghabang buhay na hindi mawawala sa buhay ko.
"Why are you sulking?" A deep calm voice asked behind me.
A smile made its way to my lips. Mabilis ko siyang nilingon at binigyan ng mahinang palo sa braso na siya namang dinaing niya. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na hindi maitago sa labi ko ang ngiti.
"You left me in there!" Kunyari ay pagtatampo ko.
Napahawak siya sa kanyang batok at bahagyang natawa. "I'm sorry, Lia. Nandito kasi kanina si Alice. May interview din ata siya. Binati ko lang siya at inimbita sa dinner mamaya sa bahay kahit na alam kong alam na ng buong angkan namin.
I rolled my eyes at him but end up smiling again because of his cute gesture. Gustong gusto ko talagang nakikita ang paghawak niya sa kanyang batok, he looks cute and charming when he do that.
His left hand reached for me and held my waist. Inirapan ko lamang siya pero mas lalo niya akong nilapit sa kanya at malambing na idinikit ang pisngi sa aking buhok.
I know what he's doing. Ginagaya niya ang aso ko dahil ga'non ang ginagawa nito sa akin tuwing may gusto ito. Ang kaibihan lang, ang aso ko ay pinupuntirya ang hita ko.
"What do you need, Clyde?" I asked.
He smiled widely at me as I was suppressing mine.
"Sama ka mamaya? Bago tayo umuwi ng Singapore?" Tanong niya na nag-patigil sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top