Simula


Chances are given to people who are brave to take them.

Wala sa sariling napangiti ako nang mabasa ang mga katagang 'yon sa magazine na libreng binibigay ng hospital na pinag ta-trabahuhan ko.

Ganon ba talaga 'yon?

Isn't if it was meant for you, whatever happens, it will fall just right when you need it?

Oh, well.. may iba't ibang pananaw ang mga tao.

Pinilig ko ang aking ulo at nilipat ng ilang pahina ang magazine. Kung tutuusin, puro tungkol sa mga may-ari ng hospital na 'to ang nasa magazine kaya binibigay sa amin 'to ng libre. Puro mukha nila ang nasa magazine kaya kung ikalat nila 'to parang pamilya nila ang nag labas ng issue.

Natigilan ako sa aking ginagawa nang biglang tumunog ang aking cellphone. Inabot ko 'to at sinagot habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa magazine.

"Hello." Bungad ko sa tumawag.

"Hi to my very good friend." Bati pabalik ng tumawag.

Napaismid ako at napailing nang marinig ang malalim na boses ng taong tumawag.

"What?" Mataray kong tanong.

Boses palang niya, alam ko na kung sino.

Narinig ko ang halakhak mula sa kabilang linya. Napailing nalamang ako dahil alam ko naman na wala lang magawang matino ang taong 'to kaya mukhang ako nanaman ang napagdiskitahan ngayon.

"Adrian, why did you call?" Pag uulit ko.

I heard him chuckled again.

"What are you doing?" Tanong niya.

Nilipat ko ang pahina at tumambad sa akin ang magkatabing litrato ni Adrian at Carl Montgomery bilang sila ang mukha ngayon ng business nila.

"Hey.. still there?" Tanong muli ni Adrian.

I licked my lower lip and nodded as if he can see me.

"Yes, I am and to answer your question.. wala na po akong ginagawa Mr. Adrian. Pauwi na kasi ako niyan. I'm just browsing your family's magazine." Tugon ko.

I can't help but to linger my eyes on their picture. I can't help but to point out things in my head about their physical differences.

Adrian has this devious smile plastered on his lips while Carl has a calm and mysterious one.

"Family's magazine? We don't have one!" Hindi makapaniwala niyang depensa.

I smirked. "Please note that I sarcastically said that."

Rinig ko ang muling tawa niya mula sa kabilang linya.

"Oh! I get it now! You mean the latest issue of the magazine where our whole family was featured?"

"Ahuh." Tugon ko sabay sara ng magazine.

Pinatong ko 'to sa aking lamesa at napasandal sa aking upuan.

"What do you need, Adrian?" Muli kong tanong habang prenteng nakasandal sa aking upuan.

"Gwapo ko doon 'no?" Biro niya.

Naitaas ko ang aking kilay dahil sa narinig.

"What do you need?" Muli kong tanong na may halong pag titimpi.

Muli siyang natawa kaya napaikot nalamang ang aking mga mata.

"Chill! I just want to ask you if you're available tonight.."

Kung kanina ay halatang nakikipag biruan pa siya dahil sa tono niya. Ngayon, halatang nag aalinlangan siya at kabado dahil alam niya kung anong isasagot ko.

"Why?" Tipid kong tanong pabalik.

"Uh.."

Nakarinig ako ng ilang kaluskos mula sa kabilang linya.

"Well.. my family is asking me to bring my girlfriend.."

I raised an eyebrow again.

"I'm not your girlfriend."

"I know.. I know. Of course you're not. We're good friends." Aniya na para bang sinasabi niya kung ano ang obvious.

"Tapos ang usapan." I said with finality.

"Wait!" Maagap niyang pigil sa akin.

I temporarily erased the thought of ending our phone call and extended my patience to hear what he has to say.

"I don't know what to do. I promised my mom to bring a girl tonight and I don't have one. Alam mo naman na malayo pa sa isip ko 'yan. Then I thought of you, you're single, smart, beautiful and I trust you. You're the best woman to bring there." Aniya.

Napahawak ako sa aking tenga at napabuntong hininga.

Adrian Montgomery is a really good friend. Isa siya sa mga pinag kakatiwalaan ko sa mundong alam kong maraming tatalikod sa akin. Alam ko rin na minamadali na siya ng pamilya niyang mag uwi ng babaeng tatagal talaga sa kanya.

I know Tita Josephine is worried because Adrian keeps on fooling around and as much as I want to help him, hindi sa ganitong paraan.

"I'm sorry, Ad. I really want to help you, trust me. Pero.. magulo na ang buhay ko para lalo pang gumulo. You want to fool the Montgomerys? Then I'm telling you that it won't work. Sige sabihin natin na dadalhin mo ako mamaya.. paano pag sa ibang araw? Paano pag nag demand sila ng higit sa ganitong relasyon? Sasabihin mo nag break tayo? It would be awkward as fuck especially that I'm working in your hospital. Ayoko ng ganito.." paliwanag ko.

"But.."

I can hear desperation from him.

"Ad, I'll help you think of another way but not--"

"Sinabi ko na kasi na ikaw." Pag putol niya sa aking sasabihin.

"What?!"

Hindi ko napigilang mapatayo mula sa aking pag kakaupo. Lumalim ang aking pag hinga at napaawang ang aking labi dahil sa gulat. Parang umakyat lahat ng dugo sa aking utak at parang sasabog 'yon pag may sinabi pang hindi maganda si Adrian.

Naikuyom ko ang aking mga palad.

"What did you just say?" Pigil hininga kong tanong.

Nag tiim bagang ako at hinintay siyang mag salita ng may pagtitimpi.

"I'm.."

Mariin kong napikit ang aking mga mata.

"Adrian, ayusin mo ang pag sagot. I'm about to kill you inside my head by cutting your balls."

"I'm sorry! I'm really really sorry! Promise, I'll fix this. Babawi ako sa'yo. Just please help me tonight. Ngayong gabi lang.. please." Desperadong wika niya.

"No-"

"I'll help you with your mom. We'll find her. I'll hire the best people to find your mom." Maagap niyang alok.

Namulat ang aking mga mata dahil doon. May kung anong pumisil sa puso ko at hindi ko alam kung anong susunod na dapat kong sabihin.

Of course I should say no! I should stick to my principles. I should never let this devious man drag me into his evil acts! He is my friend and I know how he moves. He'll use everything that he has to make me say yes.

Gagamitin niya lahat ng alam niyang mag papa-oo sa akin.

Using my mom is his best move to make me say yes.

"I don't need your help, Montgomery. I have the money to find her." Diin ko.

I heard him laugh.

Damn.

He is now making fun of me. I'm not talking to my friend anymore, I'm negotiating with the real Adrian Montgomery right now.

"You have the money but I have the connections, babe." Mapanukso niyang sabi.

"Fuck you." Puno ng diin kong sabi.

Huminga ako ng malalim.

"Fuck you Adrian. Just.. fuck you." Inis na inis kong wika.

Muli siyang natawa na mas lalo kong kinainis. Nababaliw na ba siya? Halos sumabog ako dito habang siya ay natatawa lang sa mga nangyayari?

Kakaiba!

He is enjoying my dilemma, I'm sure.

"I don't fuck friends but maybe we could sort that out."  Tukso niya muli.

"Adrian!" Banta ko sa kanya.

"Fine!" Maagap niyang sabi bago ako sumabog.

He sighed.

"Fine.. I won't fool around anymore. Just help me on this one. Promise I'll help you find your mother. You know my surname's power.. kahit sabihin mo pang hindi mo kailangan ng tulong ko o ng kahit sino, let's be real.. you need my surname's connection. Stop being hardheaded." Seryoso niyang sabi.

I never asked for someone's help ever.

Kahit kailan ay hindi ko kinailangan ng tulong ng iba. Kahit gaano pa makapangyarihan ang tatay ko, hindi ko ginamit 'yon. Lahat ng narating ko ngayon, lahat dahil sa pagsisikap ko. Even about my mom's condition, ako lahat gumagawa ng paraan para mahanap siya.

But I know..

Adrian Montgomery could help me a hundred times faster.

"You're so evil, Ad." Mahina kong sabi.

Muli akong napaupo sa aking upuan.

"I don't have any intention to hurt you. You know me, I love you like my own sister. But I really need you on this one and I'm willing to use everything just to make you say yes. Just think that with your help, you can also find your mom. It's a win-win situation, babe." Malumanay niyang paliwanag.

Muli akong napasandal sa aking upuan at napapikit dahil sumakit talaga ang ulo ko sa pakikipag usap sa panganay na anak ni Theodore Montgomery.

Now I know why they always win in every deal.

"See you later. Message me the location of the lion's den I'm about to enter." Pag suko ko.

"What? Pumapayag ka na? Really?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Nanatili akong tikom ang bibig. Alam niya na ang ibigsabihin ng pananahimik ko.

It means, he need to shut his mouth and stop me with his tricks.

"Susunduin nalang kita." Aniya.

"No need. May kotse ako, kaya ko mag-isa. Saan ba kasi?" Pag pigil ko sa kanya.

"Sa bahay."

"Hah? Anong sa bahay?" Naguguluhan kong tanong.

"Sa bahay ang dinner. Alam mo naman kung saan ang bahay namin-"

"Wait.. wait.. wait! Sa bahay niyo?! Are you serious?! Pamamanhikan na ata 'to! Aba, Adrian Montgomery--"

"See you later, babe. Love you. I'll wait for you. Pag hindi ka sumipot, ako mismo ang mag dadala sa'yo sa bahay namin kaya make sure to show your face later." Aniya sabay patay ng tawag.

I was left with my lips parted and clueless mind.

Pakiramdam ko naisahan ako ng Adrian Montgomery na 'yon. I can't believe this! Totally can't! Parang pumasok ako sa isang problemang hindi ako makakawala kahit anong mangyari.

I can say no.

Habang maaga pa.

But my mom..

Kung Montgomery ang magiging susi para makita ko siya, then I'll enter the lion's den alone.


Breaking on the ground
Silence all around
Thinking to myself
Never ever wanna be found
Not now

Sandali akong napabaling ng tingin sa cellphone ko.

Inabot ko 'to at tinignan ang tumatawag. Napangiwi ako nang makita ang pangalan ni Adrian doon. Hindi ko 'to pinansin at muling binaling ang tingin sa daan habang tinatahak ko ang papunta sa bahay nila.

Hah!

Bahala siya diyan! Akala niya siguro hindi ako sisipot.

You said baby I wish you could see what I see
Coz lately I felt like your all I’d ever need
And baby there’s nowhere else I’d rather be
So maybe you could take a chance on me

Napabaling ako sa kaliwa at tumambad sa akin ang isang pamilyar na kotse.

Nagkibit-balikat nalamang ako at binaling muli ang atensyon sa daan. Mula sa hindi kalayuan ay nakikita ko na ang bahay nila Adrian. As usual, malaki ito at sumisigaw ng kapangyarihan. Nakabukas ang malaking gate nila na tila inaasahan na doon ang pagdating ng isang bisita.

Wow.. looks like being an Adrian's girl is a big issue.

Kumunot ang aking noo nang sabay kaming pumasok sa loob ng gate ng pamilyar na kotse. Nag park ako sa gilid ng sasakyan ni Adrian at pinasok ang cellphone ko sa aking bag para mabilis na makababa. Kasabay nang aking pagbaba sa kotse ay siya ring pag baba ng taong nasa loob ng pamilyar na kotse.

Bahagya kong nataas ang aking kilay nang magtama ang aming mga mata.

Kaya naman pala pamilyar..

A member of the Montgomery Family.

"Carl Montgomery" bati ko sa kanya.

Kita ko ang pag salubong ng kanyang kilay at mataman akong tinignan. Tila pinoproseso ang aking presensya sa tahanan ng pamilya ni Theodore Montgomery.

Hindi ko naman inurungan ang tingin na 'yon at mataman din siyang tinignan.

I admit.. nakaka-intimidate ang tingin na binibigay niya pero hindi ako ang klase ng taong umiiwas ng tingin dahil lang sa intimidation.

"Dra. Kathleen Fae Camongol." Puno ng alinlangan niyang bati sa akin.

Tipid akong ngumiti at sinara ang pintuan ng aking kotse.

"What are you doing here?" Tanong niya habang sinasara ang pintuan ng kotse niya.

Mahigpit kong hinawakan ang aking bag at nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ko alam ang isasagot ko. Magiging tapat at totoo ba ako o simula na ba ng pag papanggap ko ngayong gabi?

I'm in deep shit.

Thanks to Adrian Montgomery.

"Well.." I started.

"Do you have any business here?" Tanong niya muli sabay hakbang palapit sa akin.

Wala sa sariling napahakbang ako paatras.

Damn.

"I don't think that's a question I need to answer from you." I strongly answered back.

What the heck?

Saan nanggagaling ang tensyon sa pagitan namin? I never talked to him that much, bakit kinakausap niya ako ngayon?

"Babe!"

Halos mapaigtad ako sa narinig ko. Maagap akong napabaling doon at bumungad sa akin ang ngiting ngiting itsura ni Adrian habang palabas ng pintuan ng bahay nila.

"Adrian?" Naguguluhang sambit ni Carl habang litong lito kaming tinitignan.

Napalunok ako at napahawak sa aking sentido.

Sabi ko naman kasi.. we can't fool them. They won't buy it, hindi talaga kapanipaniwala na kami ni Adrian.

"Bro! Buti naman nakapunta ka. So I guess, you've met my girl already?" Inosenteng tanong ni Adrian.

Muling bumalik sa akin ang tingin ni Carl. Halos mahigit ko ang aking pag hinga dahil doon.

"Your girl?"

Hindi ko alam pero sumilay ang isang ngisi mula sakanya.

Kung ano man 'yon..

I assume it's nothing good.

Welcome to the lion's den, Kathleen!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top