Page 6
At that time
"B-bakit naman?"
I tried to sound normal but I failed miserably.
Bakas sa aking boses at ekspresyon na hindi lamang ako naguguluhan sa sinabi niya kung hindi talagang na-apektuhan ako.
Ayoko ng paligoy-ligoy. Alam kong may kaka-iba sa mga kinikilos niya. Hindi naman siya magiging ganito lang bigla gayong sobrang layo nito sa kanyang pakiki-tungo dati sa akin. Isa pa, wala naman siyang pakielam dati kung ano man ang mayroon sa pakikipag-kaibigan ko sa mga pinsan niya.
Pero ngayon..
Sobrang pakielamero niya naman ata?
"Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yan?" Tanong niya na may himig ng panunudyo.
Bakas pa 'rin ang ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko alam pero parang manlalambot ang mga tuhod ko. Laking pasasalamat ko nalang at hindi pa ako tuluyang bumabagsak.
"Uh.."
I bit my lower lip.
Heck! Ano 'to? Parang bumalik ako sa pagka-bata.
I'm a freaking adult! Earning! Pero kung umakto ako sa harapan niya ay parang high-school na kaharap ang crush niya, where in fact ay hindi naman! Hindi ko naman siya gusto.
I noticed that he was about to open his mouth that's why I immediately shook my head.
"Huwag na pala. Alam ko na ang sagot." Maagap kong pag-pigil sa kanya.
Nag-taas ang kanyang kilay.
"Really? So.. tell me, why do you think I'm doing this?" Tanong niya na para bang napaka-inosente ng intensyon niya.
Napaiwas ako ng tingin.
What is this? Bakit may nararamdaman akong tensyon?
"Eyes on me, Kathleen." Aniya.
Hindi ko alam pero napasunod ako sa kanyang sinabi. Muli kong binaling ang mga mata ko sa kanya. Nakakainis! Lagi ko nalang hindi alam kung bakit ganito ang reaksyon o ang mga inaakto ko pag siya na ang pinag uusapan!
Pwede naman akong hindi sumunod.
I'm no one's follower, except for my dad, ibang usapan naman 'yon. But there is something with his voice that's making me feel like everything he's saying is so damn important.
"Wala lang. Bored ka lang. O baka, ayaw mo lang na maging kaibigan ko ang pinsan mo. Pero 'wag kang mag-alala dahil mukhang hindi ko na siya kaibigan. I don't befriend people who break my trust." Tugon ko.
He shrugged. "Sad for him but I don't care. And you're right."
I'm right?
"Bored ka lang?" Muli kong pag-ulit.
Umiling siya at lalong lumawak ang ngiting ginagawad sa akin. Sa pag-ngiti niyang 'yon ay parang gumaan ang buong paligid. Naramdaman ko ang pag-panatag ng puso at buong mundo na ginagalawan ko.
May kung anong naukit sa puso ko at ayoko ng alamin kung ano pa 'yon.
"I'm not sure if you're just dense or you're forcing yourself to be one."
Matalim ang tingin na binigay ko sa kanya.
"And your point?"
He took a step forward and I tried to step backwards but Vanessa held my hand tighter which made stop and before I knew it, he's already in front of me, making me feel so uncomfortable with our distance.
I opened my mouth and shut it again.
I'm speechless.
Talagang wala akong masabi, parang iikot ang mundo ko dahil sa hatid ng presensya niya.
"First, you're right because I don't really like you being friends with my cousins. I hate it when they can casually talk to you and touch you, I hate it. I hate it."
May diin ang kanyang boses habang sinasabi ang mga bagay na hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya. Tila may pinatutunayan talaga siya at parang ayoko ng malaman kung ano man 'yon.
Bahagya siyang nag lebel sa akin ng tingin na kina-urong ko naman bilang depensa.
"My point is, I wish you'll just ask me directly then I'll answer you with full honesty. The only thing that's preventing me from telling you the things that I want to tell you is my respect for the shit-- I mean, for the deal you made with Adrian."
Deal..
Napayuko ako para makaiwas sa usapang 'yon. Narinig ko naman ang mabilis niyang pag-tikhim pero bago pa ako makapag-angat ng tingin ay natigilan na ako nang makita ang suot niyang sapatos.
Tila pinukpok ang puso ko dahil doon.
Hindi ako pwede mag-kamali..
Pero, baka ka-pareho lang? Ang alam ko ay hindi naman siya tumatanggap ng mga regalo na binibigay sa kanya. Kahit anong regalo ay tinatanggihan niya.
Even the gifts from his graduation day, kahit Summa Cum Laude pa siya noong nag-graduate siya at talagang normal lang na maraming mag bigay ng regalo ay talagang wala siyang tinanggap.
Kung tatanggapin man niya ay siguradong sa charity 'yon mapupunta. Though, konti lang naman ang nag bibigay sa kanya dahil alam na halos ng lahat ng malalapit sa kanya na ayaw niya. Kahit birthday pa niya ay hindi talaga. Kaya nga sabi ni Adrian sa akin, everything he owns.. is completely from his hardwork.
Kahit yung una pa niyang sasakyan.
Hindi ko makakalimutan 'yon..
"Bakit mo naman ako dinala dito? Ano 'to? Pinapakita mo sa akin ang regalo ng papa mo?" Mataray kong tanong kay Carl, pinsan ng kaklase kong si Adrian.
Hindi kami close pero pakielamero siya kaya wala akong magawa kung hindi ang tiisin ang pang-pepesteng ginagawa niya sa akin.
Wala nga akong ideya kung bakit niya ba ako pilit na kinakausap gayong wala naman kami dapat pag-usapan. Hindi naman siya ang kaklase ko at sa huling tanda ko naman ay hindi ko 'rin siya kaibigan pero ngayon bigla nalang niya akong hinila sa parking lot ng eskwelahan namin para ano?
Para ipakita ang regalo ng tatay niya?
Nasa harapan kami ngayon ng isang kulay puti na kotse at hindi ko alam kung anong modelo 'to kasi wala naman akong alam sa mga ganito.
"Well.."
Napalingon ako sa kanya at kita ko ang nahihiyang ngiting nag-lalaro sa kanyang labi.
Prente niyang pinasok ang mga kamay sa mag-kabilang bulsa at ang isa ay may kinuha doon. Bumungad sa akin ang susi marahil ng kanyang kotse at sunod niyang pinindot 'yon para mapatunog 'to.
"This is not my dad's gift." Aniya.
Napangiwi ako. "Don't bluff, Carl James. As if maniniwala ako. Kung hindi sa daddy mo, mommy?"
Umiling siya.
"I worked for six months under my Tito Theodore. Though wala pa akong alam sa kompanya, I worked hard to know the basics. Kaya hindi mo 'rin ako masyadong nakikita this past few months."
Napalunok ako at pinilit ang sariling mag-lihis ng tingin ngunit hindi ako pinag-bigyan ng sarili dahil hindi ko magawang maalis ang tingin sa kanya. Nanatili lamang ang mga mata kong nakatuon sa kanya.
I'm completely drawn.
I can't help but to get amazed by everything he's telling me. I know he's not lying, sinabi na 'yon sa akin ni Adrian.
I can see from his eyes that he's proud of what he's showing me and as my lips curved into a smile, I know he can see that I'm also proud of what I'm seeing.
"Did you miss me?" Tanong niya.
Napawi ang ngiti sa aking labi. Ito ang ayaw ko sa kanya, masyado siyang diretso sa mga gusto niyang sabihin, hindi ba niya naisip na baka bigla akong ma-heart attack dahil sa tanong niya?
"Hindi."
I was expecting his smile to vanish yet it didn't.
Nakakainis, ayoko siyang ngumingiti. Pakiramdam ko, ginagayuma ako pag nakikita ko siyang naka-ngiti.
"I don't believe you." Bigla niyang sabi.
Mas sumama ang tingin ko sa kanya kung may isasama pa 'yon.
"'Di wag! Hindi naman kita pinipilit. Sinagot ko lang ang tanong mo."
Kumawala ang halakhak mula sa kanya. Napansin ko din ang pag-tingin ng ilan sa aming gawi, lalo na ng mga babae. Mabilis kong ginawaran ng matatalim na tingin ang mga babaeng dumadaan at tumitingin pero nang matigil siya ay binalik ko ang tingin sa kanya.
Hmp! Usual Montgomery effect.
Titingin-tingin pa yung iba, akala mo naman monumento ang kasama ko.
"If that's the case, ano yung sinasabi sa akin ni Adrian na tinatanong mo daw kung nasaan ako at bakit hindi mo ako nakikita?" Pang-aasar niya.
Naipikit ko ang aking mga mata at lihim na pinatay si Adrian sa utak ko. Sinaksak at sinakal ko na siya, sana ay maramdaman niya 'yon.
Sinabi ko na ngang 'wag niyang sasabihin 'yon! Dahil wala naman talaga, tinanong ko lang dahil sa kuryosidad ko. Ang masama, Adrian has this annoying way to over exaggerate things.
"Are you still going to deny it? That you're not looking for me? That you didn't miss me." Aniya gamit pa rin ang boses na tila mapang-asar.
I opened my eyes and his sparkling eyes welcomed me.
I tried to stop the loud thump my heart is making but I guess, I can't.
"I hate you." I managed to say.
Sa puntong 'yon, napawi ang ngiti sa kanyang labi.
Nawala ang matalim kong tingin sa kanya pero nanatili akong seryoso. Inabot ng kamay ko ang dalawang strap ng backpack ko sa aking balikat at mahigpit na hinawakan ang mga 'yon.
"One moment, you're not talking to me. Then one moment you will. One day, you'll act as if you're so distant then the next day, you'll act like this.. like you actually care for me. Like.. we're close. I'm tired of getting my hopes up that you'll just stay like this but sadly, I know that I'll get disappointed because there's a big chance that you'll go back to being your distant self again." Lakas loob kong sabi.
Nakakapagod umasa..
Umasa sa mga taong alam kong bibiguin lang naman ako.
Kaya hangga't maari ay pinipigilan kong pag isipan ng kung ano ang mga aksyon na pinapakita niya sa akin dahil alam kong ngayon lang 'to. May sumapi lang sa kanya kaya siya ganito.
"Kath.."
I smiled.
"I'm sorry, you don't have to do anything. Problema ko 'to, ang inosente ng intensyon mo na ipakita sa akin 'to pero ito ako at minamasama pa. Sorry. Naguguluhan lang talaga kasi ako."
Fuck. I hate this.
I'm being too honest again which I hate because for me, showing honesty is like showing vulnerability to people.
It's like giving them the chance to hurt you because of that vulnerability.
"Come.."
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses niya.
"Saan?" Tanong ko habang sinusundan siya ng mga mata ko.
Tinungo niya ang papunta sa passenger sit at binuksan ang pintuan ng kotse.
"I'll drive for you. Gusto ko, ikaw ang unang babaeng makasakay dito. Baka maunahan ka pa nina Agatha pag nakita nila 'to kaya, please, don't make this hard for me."
As he say the word 'please', kung may ibang makakarinig 'non, talagang iisipin na pinapahirapan ko siya.
Umirap ako at nag-lakad na palapit sa kanya.
"Dami mo talagang alam. Bahala ka nga." Pag-kukunyari kong naiinis sabay pasok sa loob ng sasakyan niya.
Muli siyang natawa habang sinasara ang pintuan ng kotse.
Inalis ko ang pag-kakasabit ng bag ko sa aking balikat habang ang mga mata ay sinusundan lamang siya. Hindi ko maiwasan na pansinin ang pagiging natural ng galaw niya, ang sarap lang tignan.
Bagay na bagay talaga sa kanya ang simpleng blue shirt niyang suot, napaka-linis tignan. Nakakadagdag gwapo sa kanya.
Shit.
Wait.
Maagap kong nailapat ang kamay sa tapat ng puso ko at pinakiramdaman ang pintig 'non.
Kalma..
Hindi pwede.
Then the next thing I knew, he started not talking to me again. Before I knew it, wala na sila.. they already moved to Argao.
Hindi ko mapigilan maisip na baka panaginip ko lang ang mga panahon na kinakausap niya ako o baka nababaliw na ako kaya may mga imahinasyon akong mga ga'non.
Kung tutuusin ay maraming beses kami nagka-usap ng matagal, I'm exaggerating when I said the longest time of us talking happened a few days ago. It's just that, after they went to Argao, 'yon din ang huling pagkaka-taon na nagka-usap kami.
Then I made myself believe that we never talked at all.
That it's just me, hallucinating.
Because even if I try so hard to deny it, I know.. I really liked him. Atleast at that time.
"Is that.. I mean.."
Napa-angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ako ng nahihiya niyang mga tingin.
"Well, yeah.."
Nag-salubong ang dalawang kilay ko.
"Pero diba, hindi ka tumatanggap ng regalo?" Naguguluhan kong tanong.
Ang alam ko, tuwing sinusubukan kong mag-bigay ng regalo sa kanya ay napupunta lang 'yon kay Adrian. Ang sabi ko kasi sa kanya ay wala akong pakielam basta ibigay niya.. kung hindi tatanggapin ay kanya nalang basta 'wag ibabalik sa akin.
That's why, all this time.. akala ko talaga ay si Adrian ang tumatanggap ng mga regalong bigay ko.
Don't get me wrong, I give everyone of them gifts.
"Yeah but you're different."
What do you mean different?
Gusto ko itanong 'yan pero pinigilan ko. Hindi ako pwede umasa ulit. Baka kinabukasan, balik na naman siya sa dati.
"I only accept gifts if they are from you. Thank God, Adrian didn't keep them. Though, he didn't tell me, iniiwan niya lang sa mga katulong sa bahay."
Pinilig ko ang aking ulo.
"You actually accepted gifts from me. Unbelievable."
Talagang hindi kapani-paniwala.
"You accept gifts na tito? Can I give you gifts too?" Inosenteng tanong ni Vanessa.
Napangiti naman ako doon at binalingan ng tingin ang bata.
Her eyes speak innocence.
It's making me sad that she has to suffer at an early age.
"No, I don't. But I can accept written letters from you. Just don't spend for me. Especially if the money will come from your mom and dad." Tugon ni Carl.
Lalo akong napangiti dahil doon.
Buti nalang at may matino pang gumagabay sa mga bata. Hindi naman maasahan sa mga ganitong bagay sina Adrian, baka kung ano pa ang ituro sa kanila.
"By the way."
My eyes went back to Carl. "Yes?"
Nilahad niya ang kamay kay Vanessa kaya bumitaw ang bata sa akin. Lumapit siya kay Carl at tinanggap ang kamay nito. Muli niyang inangat ang paper bag at pinatong 'yon sa taas ng lamesa ko.
"My family will be having a dinner party later, I'm sure.. Adrian will ask you to come."
Dinner?
Wala pa naman nababanggit si Adrian sa akin. Pero hiling ako ay wag, ayoko ng lumala pa ang kasinungalingan namin. Pakiramdam ko, bawat pag-harap na gagawin ko sa pamilya niya ay lalong lumalalim ang kasinungalingan.
Paano pa kung sa buong angkan ng Montgomery ang haharap?
"I won't come.. if ever. Wala pa kasi siyang sinasabi sa akin."
Tumango si Carl. "As much as I want to see you, mas mabuti na ngang 'wag ka pumunta. Going there means introducing you as his girlfriend to the family."
Nahigit ko ang pag-hinga dahil sa narinig.
Here he goes again..
"But if you have no choice but to come. Just don't make me feel jealous. Baka ano pang magawa ko."
Okay.
I'm done.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top