Page 5

Haven't done for you

"Carl.." halos hirap kong banggit sa pangalan niya.

Napayakap ako sa aking sarili habang tinatanaw mula sa labas ng kanyang kotse ang walang kapagurang pag-bagsak ng ulan.

Naririto kami ngayon sa loob ng kotse niya, wala na akong nagawa-- well, wala na akong lakas manlaban pa sa kanya noong bigla niya akong binuhat na para bang wala akong kabigat-bigat at dinala ako sa loob ng kanyang kotse.

"Are you cold?" Tanong niya habang ang mga tingin ko'y nasa labas pa rin.

Hindi ko magawang lumingon sa kanyang gawi. Pakiramdam ko ay lahat ng kahihiyan na pwede kong maranasan sa buong buhay ko ay nagawa ko na sa harapan niya kanina.

I showed him my vulnerability, I bursted my anger and frustrations, though I didn't tell him everything.. I felt like a part of me was exposed.

"Babalik na ako sa sasakyan ko. Uuwi na ako." I answered back.

My voice sounded so weak compared to the heavy downpour of rain.

Ayoko ng ganito.

Ayoko mag mukhang mahina sa harapan ng kanino man pero wala din akong lakas umakto na para bang malakas pa ako.

Hindi sa ngayon..

Kung presensya niya palang, dahilan na ng pang-hihina ko.

"Let's wait for the rain to stop. I won't let you drive like this." Aniya gamit ang napaka-malumanay na boses.

Umiling ako.

"Kaya ko naman. Kaya ko." Pag-pupumilit ko.

"No." He sternly said.

Marahas akong napabaling sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Sumalubong sa akin ang malalambot niyang mga tingin na pilit kong tinataboy maisip.

His overwhelming stare bugged me to the core.

Napaka expressive ng mga mata niya na nakakainis na. Bawat kibot ng labi niya ay napapansin ko din kaya mas lalo akong nanggigigil sa inis.

"Stop me with your kaya ko. If it works on Adrian then not for me." Aniya.

Muli na namang umakyat ang inis sa akin. Kanina pa siya, wala na siyang ginawa kung hindi ang kontrahin nalang ang lahat ng gagawin ko o sasabihin ko.

"Bakit ko pa nga ba sinasabi sa'yo. Kung pwede naman akong umalis nalang." Pigil-inis kong sabi bago pumihit para hawakan ang pintuan ng kanyang kotse.

Pero bago ko pa mabuksan ng tuluyan ang pintuan ng kotse niya ay mabilis niya akong pinigilan. Hinawakan niya ako sa braso at muling hinarap sa kanya pero maagap ko 'rin binawi ang braso ko. Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan nalang na lumayo sa hawak niya.

Inabot ng kanang kamay ko ang kaliwang braso ko para hawakan ang parte ng braso ko kung saan siya humawak kanina.

"Can you please.. listen to me? For once."

I can sense his frustration again.

Pero wala akong pakielam. Ako 'rin naman ah? Frustrated sa kanya! Kung sa kanya ko kaya gamitin ang linya niya?

Can he listen to me?

Obviously no.

Because he's Carl Montgomery.

He reached for me but I only glared at him.

"I don't know why you're being like this. I don't know what stunt you are pulling but I'm telling you that it won't work on me. I know somehow.. maybe you pity me. You pity me this much that's why you're acting this way. Wala ka bang tinutulungan ngayon kaya ako ang napagdi-diskitahan mo?"

Huminga ako ng malalim pero nanatiling matalim ang tingin ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at tinuloy lamang ang balak na pag-abot sa akin. Bahagya kong nilayo ang katawan ko sa abot niya pero hindi pala yun ang pakay niya.

Dumapo ang kamay niya sa aking tuhod at marahang hinawakan 'yon. Inangat niya 'yon at sa puntong 'yon ay naramdaman ko ang pag-bilis ng takbo ng puso ko.

I was only watching him.

Too shocked to say anything.

"I don't pity you. I'm concern." Aniya sa mahinang boses.

"Then am I your charity case?"

Sunod niyang inabot ang kabilang tuhod ko at inangat din 'yon. Pinagdikit niya ang dalawa kong paa at pinatong 'yon sa kanyang hita. Inalis niya ang heels na suot ko at nilagay 'yon sa likuran namin.

Naging malaya ang aking mga paa sa sakit na nararamdaman kanina pero parang nilukob din ako ng lamig dahil doon.

Muli akong napayakap sa sarili ko.

"No." Muli niyang sagot.

Pumihit siya patalikod at inabot ang kung anong bagay. Akmang babawiin ko na ang mga paa ko nang biglang bumungad sa akin ang isang kulay itim na t-shirt.

Hawak niya 'yon habang nakalahad sa harapan ko.

"No need but thank you." Pag-tanggi ko.

"Just use this to cover yourself. I'm just a man, mahirap din mag-pigil." Aniya.

Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi pero hindi naman ako ga'non ka-inosente para hindi agad maintindihan ang sinasabi niya kaya nang tuluyan ko ng makuha ang gusto niyang sabihin ay nag-baba ang tingin ko sa katawan ko.

I'm wearing a thin blouse and only a skin-colored bra inside that's why I looked partially exposed in front of him.

Blame the rain, Kath.

"Uh.. well...thank you." I managed to say.

Inabot ko ang t-shirt at mabilis na sinuot 'yon para matakpan ang mga dapat matakpan. Agad naman pumasok sa sistema ko ang mabangong amoy ng t-shirt na 'yon kaya hindi ko napigilan ang mapakagat sa aking pang-ibabang labi.

Ayoko naman punahin pa 'yon.

"Does your feet hurt?"

Umiling ako. "Kanina pero okay na ngayon."

"Good."

Naitikom ko ang aking bibig sa sinabi niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay muling may inabot sa likuran, kahit gusto kong magulat sa mga aksyon niya ay hindi ko na maipakita pa 'yon dahil sobrang bilis ng mga pangyayari.

Tulad ngayon.. ang tangi ko nalang nagawa ay mapaawang ang labi ko habang pumapasok sa akin ang realisasyon na ang kinuha niyang twalya sa likuran ay gagamitin niyang pang-punas sa nabasang paa ko, kahit na dapat ay sarili niya ang patuyuin niya.

"Wag na. Okay lang naman. Sa tingin ko naman, titila na ang ulan kaya makaka-uwi na din ako. I'll just fix myself at home." Subok kong pag-pigil pero nakalimutan ko ata kung sino siya.

He's someone who won't just listen to anyone.

I sighed and leaned back.

"You're wiping my feet." I stated the obvious.

"I'm wiping your feet." Pag-uulit niya pa.

Napangiwi ako.

"And do you think that's normal?"

He stopped and looked back at me.

Mula sa kanyang mga mata ay nag-taas ang tingin ko papunta sa kanyang buhok kung saan pansin na ang pag-tuyo 'non. Mukhang malambot 'to at may kung anong temptasyon sa akin ang gustong hawakan 'yon.

No.

Of course not.

Why would I?

"Hindi pa ba ginawa ni Adrian 'to para sa'yo?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.

Muli akong umiling.

"Hindi. Bakit naman niya gagawin 'yan? I'll probably kick him if he touch me." Tugon ko.

Tumaas ang kanyang kanang kilay dahil sa narinig mula sa akin at kasunod 'non ay ang pag-tango niya.

"Then are you going to kick me too?" Ngising tanong niya.

Namilog ang aking mga mata at napa-ayos ng upo dahil sa hindi inaasahang marinig. Bumuka ang aking bibig para mag-salita pero walang lumabas doon kaya naitikom ko ito muli.

He's right..

I should kick him or treat him like how I treat other but I can't just do it.

And I'm afraid to ask myself why.

Maybe.. it's because he doesn't deserve it. Kahit na gaano pa siya nakakainis ay hindi naman niya deserve na sipain ko hindi tulad ni Adrian na talagang sasakalin ko na dahil sa kasalanan niya sa akin.

Tama.. 'yun lang 'yon.

Dapat ay ga'non lang.

"I'm glad there's something Adrian haven't done for you yet."

"What?" Halos hangin na lamang ang lumabas sa akin.

Ang kanyang ngisi ay naging ngiti at umiling-iling.

"You're not mad at me?"

Umiling ako.

"No.. I mean.. yes... yes, I'm not mad at you." Lito kong sagot.

"Then are we bestfriends now?"

Ano daw?

Bestfriends?

Mukhang nakuha niya mula sa ekspresyon ko ang kalituhan kaya napahawak siya sa kanyang batok at bahagyang humalakhak.

Sexy laugh.

Damn it.

"Is that too fast? Should we be close friends first?" Muli niyang tanong nang makahuma na siya sa kanyang pag-tawa.

Mas lalo lamang akong nalito sa kanyang sinabi at alam kong kitang kita 'yon sa ekspresyon ko kaya siguro siya napahawak sa kanyang sentido at bahagyang minasahe 'yon.

Ilang segundo ang lumipas habang parang nag-iisip siya.

Ako naman ay pinagmamasdan lang siya habang nag hihintay ng susunod niyang sasabihin. Sinubukan ko din bawiin na ang paa ko mula sa pagkaka-patong nito sa hita niya pero maagap niyang hinawakan ang binti ko gamit ang libreng kamay.

Buti nalang ay nakapantalon ako..

Or else, I can't imagine how my body will react just by the mere touch of his warm hand on mine.

"Okay fine.." he trailed.

Humugot siya ng malalim na hininga at muli akong binalingan ng tingin. Hindi nakawala sa akin ang pag-tagis ng kanyang panga at hindi ko alam kung para saan 'yon.

"I'll settle with us being friends first." Aniya.

"Friends?" Wala sa sariling tanong ko.

Tumango siya. "Pwede ba?"

Me and Carl? Friends?

Never in my whole existence that I imagined that.

Nag kibit-balikat ako. "Pag-iisipan ko."

I expect him to be offended because of my rejection but he smiled more and that made my heart leap.

Hindi talaga ako sanay na ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Alam kong lagi siyang ngumingiti sa iba pero kahit kailan ay hindi sa akin. Akala ko nga dati ay galit siya sa akin o kaya ay ayaw niya lang talaga ng presensya ko pero ito siya at ginagawa ang lahat ng ito para sa akin.

He's smiling in front of me and I don't even know how to react.

Tanging ang kaguluhan nalang sa loob ko ang nagpapa-tunay na totoo nga talaga ito.

"Okay na 'yon, atleast iisipin mo ako."

My jaw literally dropped not just because of his smile but because of what he said too.

"I'll find her. I'll do everything to find her. I promise you."

I promise you..

He promised.

No. No. No. Don't trust his words.

Promises are meant to be broken anyway. What's the use? I'll just be disappointed for the nth time.

Wala sa sariling napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang nakatanaw sa dingding ng nag-sisilbing clinic ko sa loob ng LFH.

Inabot ng kamay ko ang aking dibdib at nilapat ko ang palad ko sa taas ng puso ko.

My heart can't deal with another disappointment.

"Argh." Daing ko.

Napatakip ako ng mukha at pabagsak na sumandal sa aking swivel chair. Bahagya itong gumalaw at umikot pero hindi ko ito pinansin. Nanatili lamang akong ga'non ng ilang segundo bago napabuntong hininga dahil sa walang magawang frustrations ko.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa kanya, sa akin at sa lahat. Anong meron? His touch.. his stare.. his everything. Lahat ay ginugulo ako.

Pakiramdam ko, sa munting pag-kurap ko ay nabago ang lahat. Ang perpekto kong mundo ay gumuho nang mawala si mommy, ngayon naman.. sistema ko ang nagugulo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Pero mas lalo kong hindi maintindihan ang lalaking 'yon..

Hindi talaga.

Ano bang problema niya?

Kung ano man ang problema niya, nagiging problema ko na din ata.

"Dra. Camongol?"

Maagap akong napaayos ng tindig at inalis ko ang aking mga kamay sa pagkaka-takip nito sa mukha ko. Inikot ko muli ang swivel chair para maharap ang taong nag-salita at tumambad sa harapan ko ang isang nurse.

Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi.

"Yes, Kelly?"

Ngumiti din siya pabalik at tinuro ang pintuan sa kanyang likuran.

Bahagya siyang ngumiti ng pilit.

"Kumatok po ako ng ilang beses pero hindi po kayo sumagot kaya pumasok nalang po ako para tignan kung nandito po ba kayo o wala. Urgent lang po." Aniya.

I nodded and continued to show my faint smile.

Damn.

Kumatok siya at hindi ko napansin? Ga'non ako ka pre-occupied kanina? At dahil kanino? Wow! Grabe naman talaga ang dulot ng lalaking 'yon sa sistema ko. Maganda 'yan, Kathleen. Mabuti 'yan. Ipagpatuloy.

Note the sarcasm, self.

Isang tikhim ang kumawala sa akin. "What is it, Kelly?" Subok kong pag-aktong normal.

"Uh.. si Evangeline Yu po, anak ng isa sa mga VIP patients ngayon--"

Maagap akong napatayo na nag-patigil sa kanyang pag-sasalita. Parang may umakyat sa puso ko na hindi ko matukoy kung ano. Saya para kay Dos at lungkot para sa taong 'yon dahil kahit papaano ay ramdam ko siya.

Ramdam kasi.. minsan ko din kinailangan umuwi ng bansang 'to para sa taong napaka-importante sa akin. Ang kaibahan lang, noong umuwi ako ay patay na ang bumungad sa akin.

Atleast for that girl, she has the chance to see her mother.

Somehow, something inside me is pushing me to work harder. I want to do everything to save her mom. I want to give them the chance to be together. Not for my soon to be ex-bestfriend's cousin but for myself too.

I want to do something I didn't had the chance to do before.

"Dra? Okay lang po ba kayo?" Aniya na nag-pabalik sa akin sa realidad.

Tumango ako. "Evangeline Yu? Daughter of Mrs. Yu from the ICU?" Paninigurado ko.

Tumango ito bilang tugon. "Ngayon po ang uwi niya at paniguradong dito po siya didiretso."

Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone at pinindot ang home button nito. Bumungad sa akin ang oras na eight o'clock.

I need to see Dos or atleast talk to him.

"Sa'yo ko po ba siya dadalhin mamaya?" Tanong ni Kelly.

Umiling ako bago nag-angat ng tingin.

"Let her talk to Dr. Derick Castro. Mas mabuting siya ang makausap ni Ms. Yu tungkol sa lagay ng nanay niya. She needs to know the whole situation and I just recently got included on the list of her mom's doctors. Ako rin ay inaaral pa ang lagay ng nanay niya kaya mas mabuting si Dr. Castro nalang. But I'll eventually talk to her too." Imporma ko sa kanya.

Muli itong tumango at humakbang paatras.

"Okay po Dra. Makakarating po sa kanya. Maraming salamat po." Aniya.

Isang tango lamang ang ginawad ko pabalik at hinintay na siyang tumalikod. Pinanuod ko siyang pumihit paharap sa pintuan hanggang sa tuluyan ng lumabas mula doon. Nang masigurado kong wala na siya ay tsaka ko palang pinulot ang cellphone ko.

Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa at agad na hinanap ang contact ni Dos para matawagan siya. Muli akong napaupo sa aking swivel chair habang hinihintay na sumagot siya sa tawag.

Bahagya ko pang naipikit ang aking mga mata habang hinihintay siyang sumagot.

Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko.

Mga bagay na hindi ko akalain na bibigyang panahon ko para pumasok man lang sa isip ko.

"Tita!"

Halos mahulog ko ang cellphone ko nang bumukas bigla ang pintuan ng clinic ko. Mabuti nalang ay mahigpit ang pagkaka-hawak ko doon kaya't nanatili itong nasa aking kaliwang kamay.

"Tita Kathleen!"

Pero.. hindi nga cellphone ang nahulog mula sa akin, ibang bagay naman.

Mas importante.. at babasagin.

"Vanessa.." pilit kong bati sa batang pumasok sa loob ng clinic ko.

Ngumiti ako at tumayo.

"Tita! Na-miss po kita! Sobra!" Masiglang bati niya na kinagalak naman ng puso ko.

"Ako din, I missed you too."

Tinahak ko ang papunta sa kanya at sinalubong siya. Bahagya akong lumuhod para mag-lebel ng tingin sa kanya pero bago ko pa magawa 'yon ay nahagip muli ng aking tingin ang kasama niyang lalaki.

Hinawakan ko sa kamay si Vanessa bago binalingan ng tingin si Carl.

Naka-sandal lamang siya sa hamba ng pintuan habang mataman kaming tinitignan. Napatikhim ako at tumayo ng diretso para harapin siya.

"Anong sadya mo?"

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at inangat ang isang paperbag na alam kong may lamang pagkain mula sa Evergarden.

"Ginawa na ba ni Adrian 'to para sayo? Like.. bringing you your favorite food here in your clinic?"

Nag-salubong ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi pa.."

Umalis siya sa kanyang pagkaka-hilig at tuluyang pumasok sa loob. Sinara niya ang pintuan at humakbang palapit sa amin ni Vanessa.

Kusa namang humakbang ang paa ko ng isang beses.

His intimidating presence makes feel suffocated.

May kalakihan ang clinic ko pero parang lumiit ito dahil sa kanya. Masyadong malakas ang presensya niya para manatiling normal pa ang takbo ng utak at puso ko.

"Good. I'll do things he haven't done before till his existence would be nothing to you anymore."

He smirked and I just felt running away from him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top