Page 43
Hi Inspirados...
A year has passed. I remember updating last year, not knowing it will take another one to update again. A lot has happened. Noong una, naging abala ako sa pagiging graduating student, sa mga nakakaalam, hindi naman sikreto ang kurso ko, I am a graduate of BS Accountancy. I was also vying for latin honors kasi kailangan ng pamilya ko ang scholarship sa review center. Naisip ko noon, that maybe... it is the end. Na ang passion ko ay hanggang doon nalang. I was making excuses for myself. Para hindi ko hanap-hanapin.
Alam ko noong April, nakapag update ako ulit ng Free fall, but I must admit, I wasn't back wholeheartedly. And I know it wasn't right. Kaya tumigil ako ulit kasi ayoko naman mag sulat ng hindi buo ang loob ko.
But a few weeks now, hindi maalis sa isip ko ito. Kasi I know, a part of me wants to write again. So I decided to read a couple of chapters ng Take A Chance, at nakakatawa dahil habang nag babasa ako parang hindi ako ang nag sulat, ga'non ang pakiramdam ko. Mas nilukob ako ng takot bumalik. Kasi naiisip ko, what if hindi ko na pala kaya? What if yon nalang talaga? What if wala na akong babalikan? There are a lot of what ifs going on inside my head. At ang sabi nga diba, what and if, when placed beside each other, they can haunt you. Natatakot ako kasi hindi ko alam paano na ba ngayon dito, na baka hindi ko na kaya tulad ng dati. I don't even know how to start.
But I know... those will remain questions unless I start somewhere.
So now, I am asking for your support again. I am not sure how this will work, but I will try to get back. Starting from TAC. (I hope you enjoy this update, hindi tulad ng dati na isahang upo, nakakapag sulat ako, itong update na to... actually took two days. Hehehe pero mas masaya, kasi talagang napasubok ako dito.)
I'll explore too, dahil alam kong napakarami ko pang kailangan iimprove.
Sorry for keeping you waiting.
Thank you for those who patiently waited. Thank you for those who supported me now and until now.
I am scared but I will try.
Kath's choice
Sa bawat pag lipas ng araw, sa bawat ngiting nasisilayan, sa bawat pag-tawag ng pangalan at sa bawat araw at gabing aking nararanasan kasama ang dalawang taong mahal na mahal ko, minsan ay hindi ko mapigilan maisip kung may natitira pa bang sakit sa puso ko.
What happened before was really meant to happen. 'Yon ang napatunayan ko kahit na gaano pa kasakit ang nangyari. It was just what the situation needs. Minsan, tuwing tayo ay nakaharap sa napakahirap na sitwasyon, hindi natin nakikita ang maganda at mabuti rito, we try to find a hole where we can fit our reasons.
Pero hindi eh... it is just... we win or we grow.
Marahil ay totoo nga na kayang pawiin ng pagmamahal ang lahat ng sakit. Sakit... na binalot ako. Dahil tuwing tinitignan ko sila, kahit sa simpleng pag tulog lamang nila, hindi ko na magawang maisip kung paano ako noong hindi na ako naniniwala na may pag-asa pa, pag-asa na sumaya... not in this life time I thought. But here he is... making me realize that I deserve every ounce of happiness I have right now.
I am now... happy.
Very happy.
"Adrian..." garalgal na boses kong tawag sa pangalan ng matalik kong kaibigan.
"Hey... Kath? Why are you crying? Napano? May problema ka ba?" Rinig kong may pangambang tanong niya.
Tinakpan ko ang aking labi para mapigilan ang pag hikbi pero dahil sa sobrang pag iyak ay kumawala pa rin ito at alam kong dinig na dinig niya ito dahil narinig ko ang mabilis na kaluskos at pag bukas-sara ng pintuan.
I feel like I am losing my sanity at that very moment, I never felt so alone... lost and broken— all at once.
Ang isip ko ay gulong-gulo, wala akong maisip na tamang gawin, ang puso ko ay nananakit sa sobrang paninikip.
I am so scared...
"Where are you?! Tell me, pupuntahan kita..." I closed my eyes to drift myself away from the first place I run to.
Hindi ako umimik dahil hindi ko masabi sa kanya kung nasaan ako. "Damn it! Kathleen! Tell me or I am going to track you down!" Rinig ko ang desperasyon mula sa kanyang boses. "Nasa sasakyan na ako, sabihin mo lang kung nasaan ka, I'll be there in no time, just tell me... gusto mo ba tawagan ko si Carl? Where is he? Is he with you?"
Umiling ako na para bang nakikita niya ako. "Adrian... help me..." I barely whispered.
"Kath! Shit! No need, 'wag mo na sabihin sa akin kung nasaan ka, I am going to find you myself!" Mabilis niyang pinatay ang tawag at napabuntong hininga nalamang ako.
Yes, Adrian... please look for me, for I can't even find myself.
Lumingon ako at tinignan ang natutulog kong ina. I managed to make her sleep. She was crying the whole time na nasa sasakyan kami, ni hindi niya ako mapagkatiwalaan, hindi niya ako makilala at takot na takot lamang siya—takot siya na dumating si daddy. Kahit anong paninigurado ko na hindi mangyayari 'yon, hindi siya nakikinig, fear is just the only thing she feels.
Wide eyed, scared, lost.
That was what I saw from her. She's wearing a simple tattered brown dress, she's not even wearing her slippers. Namayat siya, walang kulay, malayong malayo sa kilala kong ina. Before, she was known to be a classy and sophisticated woman.
Ngayon, hindi ko na rin alam.
My heart broke while looking at her. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan. Una akong pumunta sa tahanan nina Carl, sa tahanan ng lalaking alam kong matatakbuhan ko, pero... hanggang ngayon hindi ko magawang tumawag sa kanya o kumatok man lang sa pintuan nila...
...dahil habang nandito ako sa malayo ay nakikita ko ang mga tauhan nina daddy.
My mind went black, kanina ay natatakot lamang ako para kay mommy pero ngayon natatakot na rin ako para kay Carl.
What if saktan din siya? What if kunin din siya sa akin? What if... hindi pa kuntento si daddy sa ginawa niya kay mommy? What if buong pamilya niya? Dahil ba mahal nila ako, sasaktan din sila ni daddy? Dahil ba naging masaya ako, babawiin na sila sa akin?
Will they be the payment for my short lived happiness?
What if... What if... I can't...
Not him... not the family who accepted me...
"Save..." I stopped. Nilingon ko si mommy at nakita ang isang butil ng luhang kumawala sa kanyang kaliwang mata. "...me..."
I felt a pang on my chest. Napaawang ang aking labi at iwinaksi ko ang mga mata ko mula sa kanya. Sumandal ako sa aking kinauupuan at muling tinitigan ang tahanan ng lalaking minamahal ko ng lubos.
Suddenly... I feel like I can see him smiling at me, looking at me while we became one. While he thrust... while I accepted him, while I allowed him to claim me. I feel like I can hear him saying I love you again and again just so he could ease the pain away.
Kung pwede ko lamang paulit-ulit na marinig iyon.
"Are you ready?" He asked while his eyes glimmer with love and anticipation.
I nodded and bit my lower lip.
Ngumiti siya at tila saglit na napawi lahat ng pangamba ko.
"Don't do that, love. I may not be able to control myself..."
I reached for his face and reached for his lips. I passionately kissed him, made sure that the kiss will tell him that I trust him no matter what.
Wala akong pag aalinlangan, gusto ko malaman niya iyon.
I can feel the closeness from our body, no hindrance from any cloth, just us.
Kumpara sa aking katawan ay talagang may kalakihan ang kanya, I felt small compared to his large frame. I never felt so protected and loved.
I felt home...
After giving all that I can with that kiss, I stopped and hugged him tightly. I closed my eyes and positioned myself properly.
My heart was beating so fast, this is my first... he is my first.
I am so scared not because I am doing it with him but scared because of the pain that I know I am about to feel.
I drew him closer and whispered. "I am ready... I love you..."
I felt him kissed my ear before entering me.
Nang maramdaman ko ang kanyang kabuo-an, naramdaman ko rin ang pag tulo ng aking mga luha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Niyakap ko pa siya, mas mahigpit— kung posible lamang ito, na para bang sa pag-kapit na iyon ay mapapawi ang sakit.
"I love you..." he whispered.
Sa bawat pag-ulos niya, iyon ang kanyang binabanggit.
"I love you, mahal na mahal kita..."
He kissed me while my tears were flowing because of the unbearable pain.
"I am sorry, love..."
Umiling ako para malaman niya na ayos lamang ako. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang mukha.
He intently stared at me. Inabot niya ang aking kanang bewang at marahang hinaplos ang parteng iyon. Somehow, I can feel that the pain was subsiding, his touch surely helped.
Pero ang mga mata niya ay hindi bumitiw sa akin. Na para bang may gustong gusto siya sabihin. Mataman... puno ng intensidad ang kanyang mga mata. Unti-unti na rin napapawi ang sakit, gumaan ang pakiramdam ko, nagiging komportable hindi lamang ang katawan ko, ngunit pati na rin ang puso ko.
I felt so happy, so happy that I never want to be away from him anymore.
"Kath... please... allow me to be your husband." he pleaded before thrusting again.
Napaawang ang labi ko sa bigla niyang pag-ulos pero niyakap ko lamang siya at hinayaang damhin ang pagmamahal niya.
This night was the best decision I ever made in my life.
Our body moved in unison, na para bang iisa lamang kami, tinulungan niya ako, ginabayan, hindi niya ako pinabayaan, at alam ko sa sarili ko na wala akong pag si-sisi sa kahit ano dahil handa akong pakasalan siya. Siya ang lalaking nais kong makasama habang buhay.
I will choose him everyday if I have to.
"Ayoko dito..."
Mabilis akong napalingon nang marinig ang tinig ng aking ina.
"Mommy... gising ka na po?"
Lumingon siya sa akin at parang nakakita ako ng kakaunting pagkakakilanlan mula sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil doon, I felt hope na baka hindi naman kailangan umalis, na baka kaya namin basta mag kasama kami.
"Fae... Fae ko..." she desperately said as she hugged herself.
Mabilis akong tumango-tango at napatingin sa mga tauhan ni daddy. Gusto kong lumabas at akapin si mommy dahil nasa likuran siya pero di ko magawa dahil baka makaagaw ako ng pansin.
"Mommy... ako to... si Fae."
Nanginginig man ang mga kamay ko ay pilit ko siyang inabot pero takot na takot siyang umiwas. Siniksik niya ang sarili niya sa dulo kung saan hindi ko siya maaabot at muling nawala ang nakita kong pagkakakilanlan sa mga mata niya.
"Mom..." I desperately called her.
Umiling siya at napasapo sa kanyang ulo. "Ayoko dito..." bulong niya.
Mas lalo niyang hinawakan ang kanyang ulo at sinabunutan ang kanyang sarili. "Ayoko dito!" Bigla niyang pag sigaw.
"Ayoko dito! Ayoko!" Ulit-ulit niyang sambit.
Napapitlag ako sa pagtataas niya ng boses dahil kahit kailan ay hindi ko pa siya narinig na nag taas ng boses. Umakyat ang kaba sa aking dibdib nang makita siyang sinasaktan ang sarili niya.
Wala siyang ginawa kung hindi sabunutan ang kanyang sarili at ipukpok ang ulo sa bintana ng sasakyan.
Sa takot ko na kung anong gawin niya ay mabilis kong inabot ang kanyang kamay. Kahit na anong pigil niya sa akin ay di ako nag patinag, I held her hands until she got tired. Tinanggap ko ang mga sigaw niya para lamang hindi niya saktan ang sarilli niya.
"Ma... si Fae to, please... stop... sh.."
She kept on pushing me away. Looking at me like I will hurt her. But that didn't stop me, kahit na ako na mismo ang nasasaktan niya. Ilang kalmot din ang inabot ko dahil sa pag pupumilit niyang bitawan ko siya.
"'Wag mo ako saktan, please, nag mamakaawa ako." Isang hikbi ang kumawala sa kanya. "Hindi na ako tatakas... please... please..." she said while crying her eyes out.
Umiling ako habang pinipilit ang sarili maging matatag at wag umiyak sa harapan niya. Pinilit kong ngumiti at marahan na hinaplos ang kanyang kamay. I made tiny circles to even soothe her emotions, noon kasi... gustong gusto niya iyon.
Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagkalma at ang pag-angat niya ng tingin sa akin. Nanginginig ang kanyang mga kamay at mataman akong tinitigan gamit ang mga mata niyang puno ng takot.
She likes it when I play with her palm.
"Sh... I won't hurt you." I smiled and I felt her slowly put her guard down.
Nang maramdaman ko ang pag papaubaya niya sa akin na hawakan siya ay parang nakaramdam ako ng pag luwag ng aking puso.
"Hindi kita sasaktan, you are safe now. Wala ng mananakit sayo." I managed to reassuringly say.
Malungkot niya ako tinignan at tumingin muli sa kawalan. "Pangako?" Walang buhay lakas niyang tanong.
Maagap akong tumango. "Pangako."
Kinuha niya ang kamay niya mula sa akin na muling nagpabalik ng takot ko pero mabilis din iyon napawi nang makitang sumandal lamang siya at niyakap ang kanyang sarili.
"Ayoko dito, ilayo mo ako..." aniya bago muling pumikit.
I don't know what she's capable of doing, I admit... takot na takot ako pero... alam ko, mas delikado siya sa kanyang sarili kaysa delikado sa akin.
She need saving...
She needs to feel safe with me, na kahit anong gawin niya ay hindi ko siya sasaktan. I need her trust. Not as a doctor but as her... daughter.
"Lalayo tayo..." bulong ko sa hangin.
Sandali ko pa siyang pinanood hanggang sa makita kong kalmado na siya sa kanyang pag tulog.
Bumaling ako sa bahay sa hindi kalayuan. Nandoon pa rin ang mga tauhan nina daddy. Alerto sa kung sino man ang darating.
'Love, I am sorry. Forgive me. For I won't be able to keep my promise. I am sorry... for... letting you meet such a weak woman.'
Natigilan ako nang makitang bumukas ang gate ng mga Montgomerys. Lumabas dito si Simon at Tulip at nilapitan ang mga tauhan ni daddy. Hindi ko na sila hinintay pa at mabilis kong pinaandar ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
Hindi pa man ako nakakalayo ay tumunog na ang aking telepono. Nakita kong si daddy ang tumatawag.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ang mga sasakyan na sumusunod mula sa aking likuran. Hindi na ako mag tatakapa kung ang mga tauhan ni daddy yon. Lalo na at talagang sa sasakyan ko pa bumubuntot.
Inapakan ko ang gas at pinaharurot ang sasakyan pero alam kong hindi sasapat iyon. Muli na naman akong nilukob ng takot, takot na baka maabutan nila kami at ano na naman ang gawin ni daddy lalo na ngayon...
... now that I am not even sure what he can do knowing that mom escaped.
I thought of one thing...
One thing that could save us...
Inabot ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong alam kong di ako bibiguin sa kahit anong hihilingin ko.
"Adrian—"
"Damn, wala na bang bibilis ang sasakyan mo? Sino ba ang mga ito at bakit ayaw ka tigilan?" Puno ng inis niyang tanong.
Napalingon ako at nakita ang sasakyan niya sa likuran. Inaasahan ko man, nagulat pa rin ako sa aking sarili nang maramdaman ang pag ginhawa ng puso ko.
"Adrian... pwede mo ba akong—"
"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya habang naririnig ko ang sunod-sunod niyang mura dahil pilit niyang pinapagitna ang sasakyan sa akin at sa mga tauhan ni daddy.
"Adrian, please, let me finish first." Walang lakas kong balik sa kanya.
I want to snap at him tulad ng lagi kong ginagawa pero this time, wala akong lakas gawin 'yon, gusto ko nalang makalayo, huminga at matulungan si mommy.
Pagkapagod nalamang ang nararamdaman ko...
Natihimik siya sa kabilang linya habang naririnig ko pa rin ang mabilis niyang pag mamaniobra sa sasakyan. Kinuha ko itong oportunidad para masabi ang nais kong hilingin sa kanya.
"Ad... kailangan ko makalabas ng bansa—"
"Oh, 'yon lang pala, we should call Carl first kasi—"
"Without telling him..." I cut him off. Muli siyang natahimik. "or anyone..." I trailed.
"Kath...wait... masyado kang nagpapadalos-dalos, natatakot ka ba?" Tanong niya na hindi ko sinagot. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na ang gusto ko lang ay malayo si mommy. "...dito sa mga humahabol sayo? Kaya ka naman namin tulungan..." dugtong niya.
Umiling ako. "I don't know, Ad..." Sandali kong tinignan si mommy bago binalik ang tingin sa harapan. "Si mommy muna, I need to get her out... of here..." I barely managed to say.
"Mommy? Si tita? Buhay si tita?" Gulat na gulat niyang tanong.
Napatingin ako sa aking gilid dahil may pamilyar na kotse ang sumabay sa aking takbo. Imbes na mainis ako dahil alam kong si Adrian ang nagpapunta sa kanya rito ay hindi ko na nagawa dahil sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang mukha ng taong nag mamaneho nang ibaba niya ang bintana ng sasakyan.
"Oh shit! Kath, alam kong hindi ko mababago ang isip mo pero please, isipin mo naman ang pinsan ko, pati na rin ang sarili mo, hindi mo kaya mag isa. Alam mo iyon. Kaya ka namin mailabas ng bansa pero... hindi ito ang tamang gawin." Tuloy-tuloy niyang pag kumbinsi sa akin.
"Kath?" Muli niyang pag tawag sa aking atensyon.
Humigpit ang hawak ko sa aking manibela. How I love to turn back and run to Carl. How my heart compress by the mere thought of not having him beside me, hindi ko na siya muli mahahawakan, mayayakap, maaalagaan, o kahit man lang marinig ang pangalan ko mula sa kanya.
How I love to make him my priority. Kasi yun ang nararapat para sa kanya. Babae na handang maging kanya lamang.
No baggages.
Pakiramdam ko ngayon, nabuhay man ang kalahati ng puso ko sa pagkikita namin ni mommy, ay siya rin pagkamatay ng kalahati dahil sa naiisip kong gawin.
Carl...
Mommy...
I am sorry.
"Thank you, Ad. Tatanawin ko tong malaking utang na loob..." binaba ko ang tawag nang hindi na hihintay ang kanyang magiging tugon.
I am so scared that...
He might be able to change my mind.
Nakapag desisyon na ako. Hindi na ito maaaring mag bago.
"Hey..."
Naramdaman ko ang mainit na bisig na bumalot at yumakap sa akin. Matamis akong napangiti at humilig sa kanyang dibdib.
"Hi, love. Bakit gising ka pa? Sana hinintay mo nalang ako, pinatulog ko lang si Carlisle."
Inabot ko ang kamay niya at pinatong doon ang kamay ko habang siya ay nasa likuran ko at tanaw namin ang kabuo-an ng syudad. The house he built for us has a city view behind it. Dito namin gusto namamalagi tuwing nag uusap kami pagkatapos ng trabaho o kaya naman minsan, pag dumarating ang mga pinsan at kapatid niya, dito kami nag sasalo-salo.
Every day with him is pure bliss.
Yung tipong gigising ka sa umaga at alam mo na kahit ano man mangyari sa araw mo, magaan at panatag pa rin ang puso mo kasi iisang tao ang makikita mo pagkagising at sa pagtulog, at ang taong to ang pinakamamahal mo.
We have ups and downs, we have misunderstandings like any other married couples have but, siguro dahil na rin sa mga pinag daanan namin ay nagiging madali ayusin ang mga ito.
We make sure, as long as we are together, communicating with trust, respect and love, we can conquer anything that will come along the way.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo, I want to hear what you're thinking about..." aniya at bahagyang hinalikan ang gilid ng noo ko.
My heart fluttered because of it.
Napayuko ako at inabot ang palad niya. I made tiny circles there while thinking of how I should tell him about the things that were bugging me the entire day.
I sighed and looked up, naramdaman ko ang pag ihip ng hangin ngunit hindi man ako nilamig dala ng init ng katawan at yakap niya.
I would trade everything just to stay like this with him.
"Well... tomorrow, we're finally getting married, iniisip ko lang yung mga rason ko kung bakit ako umalis noon. Kasi, looking at it now, I really don't have any proper acceptable reason kung bakit ako umalis. My reasons were selfish, they were there because of my fears, nangyari sila kasi nasanay akong tumatakbo sa mga bagay, pumupunta sa kung saan ang mas madali kasi buong buhay ko nahihirapan ako..." I faced him and saw his eyes full of comfort and love.
Nakakatawang isipin na napaka ganda na ng tanawin ko kanina pero may mas gaganda pa pala. Lalo na ngayong mas nagniningning siya dulot ng liwanag na dala ng buwan.
"But I know... they are not enough to leave you..." I said as I reached for his face.
Totoo naman iyon, alam ko na ang mga rason sa desisyon ko noon ay hindi sasapat para sa kahit anong ginawa ko. They are the result of me... being a weak human.
Hinaplos ko iyon at isang ngiti naman ang ginawad niya sa akin.
"Do you have plans on leaving again?" Banayad niyang tanong.
Napaawang ang aking labi sa kanyang tanong. Hindi ko alam pero mayroong namuong kaba sa akin.
Maagap akong umiling at niyakap siya. Narinig ko ang kanyang halakhak dahil sa ginawa kong aksyon.
Did I make him question my plans about us again?
"No... hindi na ako aalis." I assured him while hugging him tight. "Dito lang ako, kung saan ka."
Naramdaman ko ang pag pulupot ng kanyang braso sa aking bewang. Mula sa kaba, mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang pag lapit sa akin at sa pag gawad niya ng mabababaw na halik sa aking balikat.
"Alam ko, then that's enough. Let's bury the past in our hearts now and let's focus on our future, let's build our family together. I love you." Aniya na may tinig ng kasiguraduhan, na para bang yon lang ang mahalaga, wala ng iba.
Tumango ako at napangiti habang hindi humihiwalay sa kanyang bisig.
"I love you too."
And now, our family will always be my choice.
I will make sure of that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top