Page 42
Kath's reason
"Dinner? Mamaya?"
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi upang pigilan ang ngiting gustong kumubli sa aking labi. Bahagya kong nilaro ang lapis na hawak ko habang pinapakinggan ang mabagal niyang pag-hinga sa kabilang linya.
I looked up to check the clock. It's already five o'clock in the evening.
"Hmmm, okay. Later? At seven or eight?" I said while nodding.
"Seven." Agap niyang sabi.
Marahan akong natawa sa narinig na pagkataranta niya. Ano kayang meron? This is so not Carl James Montgomery.
"Okay. Okay. Noted." Saad ko. "See you at—"
"I'll just go to the hospital, ako mismo ang susundo sa'yo." Pag-putol niya sa dapat kong sasabihin.
Ang mga salitang dapat na sasabihin ko ay tila nag-laho sa hangin. Napasandal ako sa aking swivel chair at ginalaw-galaw 'yon upang mag-isip ng dapat na sasabihin.
I don't want to end the call yet.
But I have work...
Ever since that night I told him about my honest feelings for him... mas naging malapit pa kami sa isa't isa. He's always there, he never fails to make me feel that I have him each day, every day of my life.
Ganito pala ang pakiramdam ng may aabangan sa bawat araw. The amazing thing is that even though I see him everyday. My heart still misses him every second, always.
"I miss you..." he whispered.
His voice sounded so unguarded. Tila nagpakawala siya ng salitang gustong gusto niyang sabihin kanina pa.
I heard him sigh.
I smiled more, ngumiti ako na para bang nakikita niya ako.
"I miss you too..." bulong ko rin.
Katahimikan ang pumaibabaw sa pagitan namin dalawa. Walang nag-sasalita pero hindi namin binaba ang tawag. Pinakiramdaman lamang namin ang isa't isa.
Days went by just like that. He became part of my world as I became part of his. We always make sure that we will have the time to see each other each day. Kahit gaano pa ka-busy ang isa, pupuntahan ng isa. Kung sabay kaming abala sa mga gawain, we will call each other sometimes and work as if we are together.
Pareho kaming puno ng dedikasyon sa aming mga trabaho pero masaya ako na hindi hadlang 'yon sa amin.
Kung tutuusin, mas naging maayos ang aking trabaho. I never felt tired since we became what we are now.
Pure bliss.
Sobrang ganda ng nangyayari sa amin na kahit may takot sa puso ko na mawala lahat ng 'to, mas nangingibabaw pa rin ang paniniwala ko na baka ito na ang hinihintay kong kasiyahan.
That's why when I told him that I am ready for something new, that I am now ready to be officially his— pinanghawakan ko sa puso ko na aalagaan ko siya, ang meron kami at buong puso ko siyang mamahalin kahit gaano pa kalayo ang marating 'non.
I will protect him, I will always make sure that my love for him will win any doubt I have.
"Carl, this time... officially... I am ready to be yours."
Kita ko na natigilan siya sa pag-inom ng kanyang inumin dahil sa narinig mula sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla dahil hindi niya inaasahan ito.
Of course, mabibigla talaga siya... kahit naman ako ay hindi handa sa sinabi ko.
Today was supposed to be a normal day, a normal coffee date, lalo na at hindi namin inaasahan na sasakto ang schedule ko sa schedule niya.
But as I was looking at him, smiling and taking care of me, telling me stories about his day and making me feel that he waited so long for this time of the day.
Making me feel special...
Bigla ko nalang naisip na sabihin 'yon.
Naisip ko pa nga kung dapat ba ay may pa-surpresa ako para sa kanya. Like how young couples do... pero naisip ko rin na, the relationship we have has been full of surprises already. It deserves something straight to the point.
Kinuha ko ang tinidor at pinangkuha siya ng sticky cinnamon. I sliced a part for him and placed it on his plate.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kita na wala pa rin siya sa sarili. He was just looking at me like I said something he can't comprehend. I rolled my eyes and sipped from my coffee.
Itinukod ko ang siko ko sa lamesa at sumimsim muli sa aking kape habang ang mga mata ko ay tumingin nalamang sa labas ng glass window upang panoorin ang mga taong dumaraan.
Makulimlim din at sigurado akong uulan mamaya.
"Kath..." pag-agaw niya sa atensyon ko.
Tumingin ako sa kanya na para bang napaka-normal ng lahat.
"Hmmm?" Balik ko sa kanya.
Isang ngiti ang kumawala sa kanyang labi at mabilis na tumayo. Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa makaupo siya sa tabi ko.
Napalunok ako sa pag-tabi niya sa akin pero hindi na tulad ng dati na nahihiya pa ako tuwing ganito kami kalapit, ngayon ay mas komportable na ako. I didn't even move away from him. Kahit na sobrang magkadikit na namin.
He reached for me and half hugged me with his left arm. Nanlambot ang puso ko at sumilay na rin ang ngiti sa aking labi. Gumalaw ako para mapalapit sa kanya at isiniksik ang sarili ko sa kanyang bisig.
Ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang ang kanyang braso ay nasa aking balikat. Naramdaman ko ang mababaw na pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.
"You're getting braver." Aniya.
Napatingin ako muli sa labas at pinanuod muli ang mga taong dumaraan. My heart felt like it will cry, pero hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa sobrang saya.
"Ang galing ng trainer ko 'e?" Balik ko.
"Fast learner naman ang studyante ko."
Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi. "Mag masteral na ba ako?"
Nilingon ko siya ng kaunti at nakita ang hindi maitagong ngiti mula sa kanya.
Mas lumawak pa ang ngiti ko at bumalik sa komportableng pwesto sa kanyang bisig.
"Bakit? Handa ka na ba sa susunod mong sagot sa akin para sa masteral mo?"
Mabilis ko siyang siniko sa kanyang tyan at sabay kaming natawa. Napailing nalamang ako habang ngiting-ngiti na tinignan siya.
Sinalubong niya ang mga mata ko. I looked at him with so much intensity. I can see from his eyes that he is happy as I am. Inabot ko ang mukha niya at unti-unting lumapit para dampian siya ng halik sa kanyang pisngi.
My lips lingered there. Hinayaan kong bumilis ang tibok ng puso ko habang nakalapat ang aking labi sa kanyang pisngi.
Bumitaw ako at niyakap siya muli.
"I love you." He said as he accepted me in his arms.
"Sinong mag aakala na ako ang babaeng mamahalin mo..."
I feel so lucky. For the longest time, hinahangaan siya sa unibersidad na pinapasukan namin noon. Mataas ang tingin ng kahit sino sa kanya, hindi lamang dahil sa kanyang apelyido kung hindi dahil sa kanyang talino, ugali at mga talento.
His looks are already there and proven but people saw how amazing he is beyond of what they can only see.
At isa na ako roon.
Lahat ay pinangarap na mapansin niya.
Umiling siya. "Sinong mag aakala na mapapansin mo rin ako?"
Kumawala ako sa kanyang bisig at tinaasan siya ng kilay.
"Bolero ka talaga."
He shrugged. "Lagi kang 'Adrian' noon eh. Parang kaya mong punuin ng luha ang dagat pag may nangyayaring masama sa kanya. Given the fact that he's always causing trouble, I saw you cry a lot."
"Of course, I'll cry an ocean... even." Tugon ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil alam kong inaasahan niyang pagagaanin ko ang loob niya na bakas naman sa tono niya na nag seselos siya pag dating sa usapang 'Adrian'.
Nag kibit-balikat din ako at muling humilig sa kanyang bisig.
"Adrian is Adrian for me, Carl. He is my bestfriend, the brother I never had. My heart will shatter if something bad happens to him. Hindi ko ikakaila 'yon. Importante siya sa akin."
"Then how do I differ from him?"
I felt my heart compressed from his question. The mere fact na iisipin kong baka may mangyaring masama sa kanya ay hindi ko kinakaya.
"You are Carl for me, the man that I love. Pero hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa'yo. I will lose it..."
"My heart will die..."
Inabot niya ang kamay ko at pinaglaruan 'yon. Muli niya akong dinampian ng halik sa aking noo at doon lamang kumalma ang puso ko.
"Nothing will happen. I am sorry for asking that."
Tumango ako at sabay naming pinanuod ang pagbaba ng araw.
Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to, kung saan wala akong kailangan isipin kung hindi ang kasiyahan ko. Kahit sandali lang, sobrang saya pala. Wala na akong mahihiling pa maliban sa mahanap na ang nanay ko.
When that time comes, my happiness will no longer be stolen from me.
Tumingin ako sa orasan at nakitang malapit na mag-umaga. Tama nga ang hinala ko na uulan dahil hindi na ito tumigil simula nang mahatid ako ni Carl sa hospital.
Marahan kong minasahe ang leeg ko dahil sa buong gabi na pag aasikaso sa mga pasyente.
Mukhang hindi na ako makakauwi nito, kailangan kong ipaalam kay Georgina.
Akmang kukunin ko ang phone ko mula sa aking bulsa nang matigilan ako dahil sa taong mabilis na tumatakbo palapit sa akin.
She's a nurse and base from my memory, madalas ko siya makita sa emergency room.
"Doc!"
Nagsalubong ang aking kilay. "Is everything okay?"
"Nasa emergency room po ang kapatid niyo."
Napaawang ang aking labi.
"Who?"
"Donabella raw po." Aniya.
Bahagyang kinurot ang puso ko. Malaki ang parte sa akin na gusto siyang tignan, kung napano ba siya, maybe it's the doctor in me or maybe the sibling in me... I don't know.
Pero may parte sa akin ang ayaw na makita ang kahit sino sa kanila kung maaari lang.
"Wala ba si Dr. Derick doon?"
Nanakit ang puso ko sa sariling tanong. Labag 'to sa paniniwala ko, I can't choose my patients but here I am... damn it.
"Nasa operating room po siya. Isa pa po, kayo po ang hinahanap ng kapatid niyo." Magalang nitong tugon.
Tumango ako at napabuntong hininga. Nakuha naman niya iyon at nauna na sa akin mag-lakad papuntang emergency room.
Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig na siya mismo ang nag hanap sa akin, it means she is quite okay. I don't think she'll place her state on my care... kung hindi siya okay.
Sumunod nalamang ako sa nurse. Pumasok kami sa emergency room at kahit mag-uumaga na ay napakarami pa rin pasyente roon. Binati ako ng ilang nurse at binati ko naman sila pabalik.
Tinungo namin ang kinaroroonan ng kapatid ko pero laking gulat ko nang makitang nakatayo ito at bakas sa kanya ang pag-aalala sa taong nakahiga sa hospital bed.
She looks like a mess, may sugat ang kanyang noo at may bakas ng dugo sa kanyang damit. Magulo ang kanyang buhok pero hindi tulad ng pagkakakilala ko sa kanya na sobrang arte pag dating sa itsura ay wala siyang pakielam ngayon.
Ang kanyang kamay ay puno rin ng natuyong dugo pero nakakasigurado ako na hindi mula sa kanya iyon kung hindi sa lalaking nakahiga at walang malay.
"Miss." Tawag sa kanya ng nurse.
Maagap siyang napatingin sa direksyon namin at halos takbuhin niya ang palapit sa akin. Nahigit ko ang aking hininga nang abutin niya ang kamay ko at mahigpit na hawakan. Kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko siya nakitang ganito.
Especially pag dating sa akin.
So helpless and lost...
I know if she has a choice, hindi niya ipapakita sa akin ang estado niyang 'to.
What made her decide to seek me like this?
"Kath... K-Kath... please, help us. Kailangan daw niya ma-operahan."
Sandali siyang napatingin sa lalaking walang malay. Umagos ang mga luha mula sa kanyang mata nang bumalik sa akin ang tingin niya. Parang nadurog ang puso ko sa nakikita kong pag-aalala sa kanya.
I never thought that she could have this kind of care towards another person, aside from herself.
"Na—aksidente kami... the road was slippery... hindi niya napansin yung sasakyan sa gilid—"
"Let's talk about that later. I'll have to take care of him, first. Ikaw din, you have to let them clean your wounds." Pag-putol ko sa kanyang sasabihin.
Umiling siya. "I—I am okay. I have to be with him..." Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. "Please... please save him, Kath. Malaki ang tiwala ko sa'yo."
I faintly smiled and nodded.
Somehow, with her desperation, my heart softened. Alam kong malalim ang pinanghuhugutan ng kanyang mga salita. Hindi lamang iyon para sa taong walang malay kung hindi iyon talaga ang totoo, naramdaman kong may tiwala talaga siya sa akin.
"I will try my best..."
Nilingon ko ang nurse at nag tawag pa siya ng ibang kasama para dalhin na sa operating room ang lalaking kasama ng kapatid ko. Bumitaw ako kay Donabella at sinenyasan ang isang nurse roon na asikasuhin ang aking kapatid.
Humingi ako ng initial record ng lalaking 'yon para malaman kung ano ang estado niya at walang pag-aalinlangan na ginawa ang dapat kong gawin hindi lang dahil sa kapatid ko ang nakiusap sa akin— kung hindi dahil isa akong doktor bago ang lahat.
I saw from the records that his name is Russel De Leon. His name is not familiar but a question entered my mind that I have to ask my sister.
May tatlong oras din ang tinakbo ng operasyon. Hindi ko masasabi na naging madali iyon pero hindi ko rin masasabi na mahirap.
Isa lang ang sigurado, that man is a fighter.
Lumabas ako ng operating room at nadatnan si Donabella na nag hihintay sa may waiting area. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Mangiyakngiyak ang kanyang mga mata at nanginginig ang kamay na inabot ang kamay ko.
Mas maayos na siyang tignan ngayon, ginamot na rin ang kanyang sugat. Pero ang pag-aalala sa kanyang mga mata ay hindi man lang nabawasan.
"Is he okay?" Tanong niya.
"Who is he? Bakit kayo magkasama?" Balik kong tanong.
"Is he okay, Kathleen?" Muli niyang tanong na para bang wala siyang balak sabihin hanggang hindi ko sinasagot ang tanong niya.
Tears flowed from her eyes again so to ease her heart and to answer her question, I nodded.
"The operation is successful. Hindi tinamaan ang spine niya na isa sa mga kinabahala ko noong una."
I saw relief from her eyes.
"So now, answer me. Is he your boyfriend? Hindi ba ay engaged ka na sa isang anak ng politiko?"
Napapikit siya at mas lalong naiyak. Hikbi lamang ang naging tugon niya pero kahit wala siyang sabihin ay nakuha ko na ang nais niyang iparating. Naiitindihan ko, I was once at her state, ang kaibihan lang ay wala pang Carl noon.
I held her hand back and smiled.
"I won't say a thing to Cecilia or even kay papa. Nangangako ako. Wala ka na rin dapat ikabahala dahil malayo na siya sa kapahamakan." I assured her.
She nodded and looked back at me. I saw hope from her and somehow, I felt happy for her. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina lalo na noon pero ngayong nakita ko siya muli, lalo na at sa ganitong sitwasyon pa, napatunayan ko na itsura lang ang nakuha niya rito.
"Ngayon, kahit papaano... nasagot ang tanong ko kung bakit nangyari sa amin 'to."
"What do you mean?" Tanong ko sapagkat hindi ko siya naintindihan sa sinabi niya.
"Mag tatanan kami, Kath. Aalis kami dapat dito at uuwi sa probinsya niya. Pinipilit kasi ako ni mommy at daddy na magpakasal doon sa anak ng governor. I don't want to do it, kahit anong pakiusap ko ay ayaw nilang pakinggan kaya kinailangan namin mag desisyon na umalis."
My lips parted. Ang daming tanong ang nabuo sa isip ko tulad ng 'nakaya talaga ni mom and dad na ipilit ang ganoong bagay sa kanya?', 'talagang kaya nilang isakripisyo ang kasiyahan ng mga anak nila para sa pang-sariling ambisyon?'
Natigil ako sa pag iisip nang may isiksik siyang papel sa kamay ko. I was about to ask her what it is but she held it tightly.
"Now I know why we were brought here." Malungkot ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. "To correct a big mistake."
"Hindi kita naiintindihan. Wala kang kasalanan, walang may gusto na narito kayo ngayon. It was an accident, kaya 'wag ka na mag isip ng ganyan."
Umiling siya at pinisil ang aking kamay.
"Nakasulat sa papel na 'yan ang kinaroroonan ng mommy mo. It's a safe house under dad's name. I am not sure if you know that place pero ang alam ko ay walang may alam ng property na 'yon maliban sa amin."
"Donabella..."
A tear fell from my left eye.
Bumagsak ang puso ko at pati na rin ang katawan ko. Napaupo ako sa sahig at mabilis akong dinaluhan ng kapatid ko. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang sobrang galit, pagkalito at sakit na gustong gusto kumawala sa akin.
She reached for me while crying and held my free hand.
"Your mom is alive, Kath. Buhay siya at kaya mo pa siyang bawiin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top