Page 41

Abangan ang malapit na pag tatapos ng Take A Chance. I read a lot of comments from the previous chapter and I am happy that a lot understand what the characters are going through. Lagi ko ngang sinasabi na, "To read and understand the plot is one thing but understanding the depth of each character is another thing." Sobrang nasisiyahan ako pag nakikita kong sinusubukan niyo sila intindihin.

I feel like we have more connection when you do that.

Dad

"Pasok po kayo ma'am."

Tumapat ako sa harapan ng isang pintuan. Napalunok ako at naramdaman ang matinding kaba sa puso ko.

The feeling of fear and anger...

But at the same time, worry is there.

I smiled towards the police officer and nodded. Hinayaan ko siyang abutin ang seradura ng pinto at pag buksan ako. Nilawakan niya ang pag bukas 'non at bumungad sa akin ang taong hindi ko inakalang makikita ko muli.

Nakaupo siya sa isang mahabang upuan. Bakas sa kanya ang kawalan ng sigla at sustansya sa katawan.

Nakayuko siya habang magkasiklop ang kamay na nakapatong sa lamesa.

"Camongol, may bisita ka." Imporma sa kanya ng police.

Dahan-dahan naman siyang nag angat ng tingin at sinalubong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Nangilabot ako sa pag tama ng aming mga paningin. I never dreamt of seeing those eyes again— of seeing my father's eyes again.

I saw it from his eyes.

Pain. Anger. Sadness.

Malalim ang kanyang mga eye-bags, halata rin ang pagod sa kanyang itsura. Sa madaling salita, napakalayo niya sa dating ama na kilala ko. Before, he looks untouchable, someone you know is highly respected and powerful.

But now... he looks so lost.

"Hi." I almost whispered.

Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Kinuha ko naman 'yon bilang pagkakataon para maglakad papalapit sa kanya.

I sat across him.

I precluded myself from gasping when our eyes met once again. But this time, closer... in the same level. 

"How are you?" I tried asking when I saw that he won't speak unless I speak to him.

Ilang segundo siyang nanatiling nakatingin lamang sa akin. Tila nag iisip kung anong dapat isagot o baka wala lang talaga siyang balak kausapin ako.

Pero nang makita kong bumuka ang kanyang bibig para mag salita pero mabilis din niya iyon sinarado ay hindi ko na napigilan ang makaramdam muli ng kirot sa aking puso.

For the longest time... lagi siyang ganito. Lagi akong hirap na makarinig ng kahit ano mula sa kanya. Marahil ay dahil hindi naman talaga ako galing sa kanya.

"M—Mr." I bit my lower lip and felt my eyes watered. "C—Ca—Camongol"

From there, my tears poured out restlessly.

"I just want to know how you're doing..."

Naipanalo ng abogado ni Mommy ang kaso laban kay Daddy. With the help of Adrian, Clyde and Dos, walang kahirap-hirap na umusad ang kaso at naipakulong siya.

A year passed already after my engagement with Carl. Naging abala kami sa pag-aasikaso ng kasal at pag bawi sa mga oras na nawala sa amin. Especially Carl and Carlisle, halos hindi sila mapaghiwalay. Hinding hindi mabibili ang sayang nakita ko sa anak ko sa tuwing tatakbo siya at yayakap sa ama niya.

I was just so happy—very happy to see my son have a father.

Masaya ako na nararamdaman niya ang bagay na pinagkait sa akin.

Si mommy naman ay bumuo na rin ng buhay na kanya lamang. She started a business, a small shop that sells body products. Mahilig kasi si mommy sa mga lotion, perfumes, soap and other body products.

Umiling siya at yumuko lamang. I bitterly smiled and sadly reached for his hand. Mabilis niya iyong sinubukan hablutin pero hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya.

Napilitan siyang tumingin sa akin dahil doon. Kita ko na rin ang pamumula ng kanyang mga mata.

"I know, I know that you loved mom. Nakita ko 'yon sa mga mata mo tuwing tinitignan mo siya noon. You loved her so much but jealousy triggered you to do things that are not right. Naiintindihan ko 'yon, alam ko kung anong pinanggagalingan ng mga aksyon mo. Because if you didn't really love her... hindi mo rin ako tatanggapin bilang anak mo pero... pinalaki mo pa rin ako."

Isang masakit na hikbi ang kumawala sa akin habang mahigpit na mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. He only remained looking at me na mas lalong kinasakit ng dibdib ko.

"With that, for loving her..." I smiled while my tears were flowing nonstop. "... thank you so much."

I saw that his lips parted.

"And I am sorry."

I closed my eyes while saying those because it hurts so much.

"I am sorry because my mom had me. If it wasn't for me... baka kayo pa rin."

I realized that maybe if my mom's love with his first love didn't bloom with someone like me, then maybe he wouldn't be reminded everyday of that man... of my real father.

But at the same time, I also realized that will his love fail for her if he truly love my mom? Did my mom failed to assure him that their married years made her love him too?

My mom didn't cheat. Meron ng ako bago pa sila magpakasal, pero ang problema siguro ay kung paano rin sila nag simula. It was an arrange marriage after all. Ulila man si mommy ay sa kanya naman pinama ang lahat ng ari-arian ng mga magulang niya. They needed her fortune for the business so they forced her to marry him. Ayaw ni mommy— of course there was me and her first love but my real father ran when he knew about me.

It's funny to think that both of them didn't want me.

Kahit ano pa man ang sagot sa mga tanong ko. Hindi na 'yon importante dahil malinaw naman na pareho silang nasaktan. Pareho silang nahirapan. His pain... mom's pain... both of them should heal.

Ngayon, kailangan na niyang pag bayarin ang mga kasalanan niya kay mommy.

"Mukhang hindi mo talaga ako kakausapin..."

I smiled and bit my lower lip. Tumingala ako para pigilan ang mga luha sa aking mga mata pero ayaw talaga nilang makinig. Pinisil ko ang kanyang kamay at kahit hirap ay bumitaw ako sa kanya.

"I hope somehow... you'll not get sick."

I stood up and watched him cover his face showing that he is frustrated.

"Thank you..."

I felt a pang of pain in my heart but a relief came after.

"Thank you for letting me carry your surname. Kahit hindi ko man naramdaman ng buong buo ang pagmamahal ng isang ama. There is no doubt that you gave me what you can. You gave me your surname and accepted me in your house."

Tumalikod ako para doon pakawalan ang susunod na batalyon ng luha. Maybe it was what I really want to say to him. To thank him because he gave me a family even how imperfect it was.

"That's more than enough..."

I gathered my sanity and took a step forward to leave the place.

"I am sorry."

Natigilan ako sa pag lalakad nang mag salita siya. Kahit papaano ay mas lumuwag ang pakiramdam ko. His voice was still deep and very solid but it can't hide the pain he is going through.

"I am sorry for not being the father you deserve to have. I am sorry for not being your biological father. But believe me when I say that I was and still am... very proud of what you've become. A great doctor... and a daughter."

I nodded without looking at him. Alam ko na ayaw niyang makita ko siya sa ganitong estado kaya ibibigay ko sa kanya ito. Ayaw niyang pinapakita ang kahinaan niya kahit kanino, and for him to say sorry means vulnerability.

"I understand. This means a lot to me. Alam niyo po ba kung gaano ko pinag dasal araw-araw 'to? Na sabihin niyo sa akin 'yan... that you'll tell me you're proud of me. It was my only goal before, to make you proud of me. Baka kasi when that time comes... I'll feel how you can be a father to me. So... thank you..."

I swallowed the lump in my throat.

"...dad"

Kahit mahirap na gawin ay pinilit ko pa rin ilakad ang mga paa ko. Sa wakas ay narating ko ang pintuan at agad ko naman pinihit ang seradura ng pintuan para makaalis. Ngunit bago ako tuluyan makalabas ay narinig ko ang impit na hagulgol mula sa kanya na nag bigay ng kirot sa puso ko.

Sinara ko ang pintuan at napasandal doon. Pinakinggan ko lamang ang kanyang masakit na iyak.

It was the first... that I heard him cry so hard.

"Dad, ikakasal na po ako bukas. I remember dreaming about you walking me down the aisle. Sayang lang kasi hindi pala mangyayari 'yon." I wanted to say.

But there are words better left not said.

Inayos ko ang aking sarili at pinunasan ang mga luhang matutuyo na sa aking pisngi. Pinasadahan ko ang aking buhok pero natigilan ako nang makita sa harapan ko si Carl habang buhat-buhat niya si Carlisle.

Carlisle is laughing and talking nonstop while Carl is looking at me with so much intensity.

Ngumiti ako pero mabilis napawi 'yon nang makitang hindi ngumiti pabalik si Carl sa akin.

Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga at ang pag subok niyang lumapit pero napangiwi ako nang tumalikod siya at naunang maglakad paalis.

Napalingon si Carlisle sa akin habang patuloy siya sa kinekwento niya sa kanyang ama pero tuloy-tuloy lamang si Carl sa paglalakad palabas ng lugar. Mabilis naman akong sumunod at inabot pa si Carlisle sa gilid para mahaplos ang kanyang mukha.

Ngumiti ang anak ko at ikinwento rin sa akin ang sinasabi niya. It was from his trip last week with his uncles para sa stag party ni Carl. Pero kahit gusto kong makinig ay hindi ko magawa dahil sa nakabusangot na mukha ng magiging asawa ko.

"Mommy... daddy... are you both listening po?" Makulit na tanong ng anak ko.

Marahil ay sa kadahilanang hindi niya nakuha ang dapat na reaksyon namin. The party was a blast I heard and I want to listen if Carl isn't like this.

I forced a smile and tried to follow them. Napakabilis kasi maglakad ni Carl papunta sa sasakyan niya. Inabot ko naman ang kamay ng anak ko at tumango.

"Of course, baby. Mommy is listening."

Ngumiwi ang anak ko at umiling. "No, the both of you are not listening."

Natigilan ako sa sinabi niya at sa ekspresyon niya. Looking at them, para akong nakatingin sa luma at bagong litrato ni Carl. With them looking like they're throwing tantrums, magkamukhang magkamukha talaga sila.

Sinundan ko sila muli at pinanuod si Carl na ipasok sa sasakyan ang anak namin. Kita ko pa ang malungkot na mukha ni Carlisle pero inabutan lang siya ng tsokolate ni Carlisle ay sumilay na ang ngiti sa kanyang labi.

Tulad ng ama niya, mababaw lang din ang kaligayaham niya.

Inabot siya ni Carl at hinagkan sa noo. Tumawa naman si Carlisle at niyakap ng mahigpit ang ama. Binigyan niya ng napakaraming halik sa mukha si Carl na ikinangiti ko.

Nanglambot ang puso ko sa nakikita ko. May sinabi si Carl sa kanya at tumango naman si Carlisle. Ginulo ni Carl ang buhok ng anak namin bago sinara ang pintuan ng kotse.

Nilingon ako ni Carl at muling bumalik ang nakabusangot niyang ekspresyon. Humakbang ako palapit sa kanya at naglakas loob na ipa-ikot ang braso ko sa kanyang katawan.

Niyakap ko siya at pinatong ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Huminga ako ng malalim at dinama ang kanyang bisig na niyakap na rin ako pabalik. Kumalma lahat ng emosyon ko habang yakap-yakap siya.

I feel safe and okay now.

"Why are you mad at me, love?" Mahina kong tanong.

I felt his head over mine and pulled me closer if that was even possible.

"I am not mad. I am sad. Bakit lagi mo binababa ang sarili mo? Are you really sorry for your existence?"

My lips parted. "What?" I tried to pull away. "Narinig mo?" Pinilit kong makita siya pero hindi niya ako hinayaan. Nanatili kaming magkayakap.

"I know you were just being sorry towards him. Kahit na hindi naman dapat dahil wala ka naman kasalanan."

Huminga siya ng malalim at bahagyang niluwagan ang yakap niya sa akin. Sapat lang para maangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Ayoko marinig sayo ang mga ga'nong bagay. You've been through so much and hearing you being sorry for your existence just so you could justify his inhumane actions makes me angry."

I reached for his face and touched his forehead. Pinalis ko ang pagkakakunot 'non. Tumingkayad ako para bigyan siya ng marahan na halik sa labi.

"I wasn't sorry for my existence. I was sorry for the situation that we have. Totoo naman hindi ba? Na ang nag tulak sa kanya na gawin 'yon ay ako... kahit hind niya sabihin, alam ko 'yon. Kaya humingi ako ng tawad dahil alam ko na tuwing nakikita niya ako, imahe ng lalaking unang minahal ni mommy ang nakikita niya. To think that he has to go through that for a lot years... I can only imagine his pain."

He sighed and placed his forehead against mine.

"But that doesn't justify his actions." Aniya.

I nodded and caressed his face.

"I know."

"I just want you to treat yourself better." He whispered and slightly kissed the tip of my nose.

I sweetly smiled. "I am treating myself so much better. Ang pagpapakasal sayo ay sobra-sobra ng ebidensya para sabihing pinagbigyan ko ng sobra ang sarili ko."

Bahagya siyang napangiti pero halatang nagpipigil siya.

"I didn't mean it like that."

I rolled my eyes. "But really, it's the truth. I am the happiest right now. Ang buong taon na magkasama tayo ay sobrang pinawi lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Nilagpasan pa nga..."

Kita ko ang pagningning ng mga mata niya habang nakikinig sa akin. Inabot niya ang kamay ko habang nakahawak sa mukha niya.

"I want you to appreciate yourself and accept nothing but the best."

Humalakhak ako at tumango. "You are the best."

Sumuko siya sa pagpipigil ng ngiti at mabilis akong binigyan ng halik sa labi habang ramdam ko ang kanyang pagngiti.

"Thank you for coming back and for accepting me again. Maraming salamat sa regalo mong pang habang buhay."

I reached for his right cheek and kissed him there.

"Thank you for giving me a family that I never thought of having."

Pinagdikit niya ang aming mga pisngi at bahagyang tumawa. Pinalo ko naman ang braso niya dahil doon.

"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Wala, naisip ko lang na gusto ko pa ng maraming regalo." Aniya sa tinig na parang napaka normal sabihin 'non.

"Carl James Montgomery!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top