Page 37

Hello my Inspirados! I know I've been very cruel. Napakatagal nga naman. The last update was last year, June. I must say, it was overwhelming to read everyone's comments. It kept me going. Nakakataba ng puso lalo na sa mga patuloy na nag hihintay. Gusto kong replyan lahat pero naisip kong mag bigay nalang ng maikling mensahe dito.

A lot has happened, if you're a member of the group in Facebook, hindi naman lingid doon lahat ng mga nangyayari sa akin.

But to inform everyone, I already graduated from my 1st degree. Isang taon nalang para sa 2nd degree ko then board exams. I've thought of giving up Wattpad permanently. Yes, dumapo yon sa isipan ko pero I guess... mahal na mahal ko 'to kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako.

Maraming salamat sa mga nag hintay.


I am his father

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Adrian kay Dos na nakayuko lamang habang nakaupo sa sahig.

We are infront of the operating room. Karating namin dito, si Dos lamang ang nadatnan namin na tila wala ring buhay dahil sa pagkaka-upo niya sa sahig. Kita ang pagod sa kanya at hindi maitatago ang bakas ng dugo sa kanyang damit.

Halos hindi ko siya matignan. Hindi dahil sa galit ako kung hindi dahil alam kong dugo ng anak ko ang nagkalat sa damit at kamay niya.

I can't even imagine what happened...

I don't even want to think about it.

"What happened? Diba sinabi mo na ikaw ang susundo sa kanya? Paanong naaksidente ang bata?" Dagdag na tanong ni Adrian.

"I am sorry..." Ani Dos habang lumuluha.

Umiling siya at napatingin sa kamay na puno ng natuyong dugo ng anak ko.

Nilapitan siya ni Alice at napaluhod sa tabi ng kapatid niya. Inabot niya ang kamay nito at dahan-dahang pinunasan gamit ang sariling panyo.

"It was my fault. The car..."

I can sense fear from him. Hindi ito makakabuti sa kanya. The horror in his eyes show that it wasn't a nice sight for him.

"The car... it hit him because... I was... I... I am so sorry—"

"Please stop this..." I asked while my tears start falling.

Tila nakikita ko ang imahe ng anak ko habang tinatamaan ng sasakyan. Hindi ko kaya, hindi ko kayang marinig mula kay Dos 'yon. Besides, it won't do him good to explain now. Walang idudulot na maganda kung ngayon niya ikekwento.

I know him, alam kong hindi sadya 'yon. It was an accident, I am sure.

"Let's not talk about this here. Just please... stop." I asked again and I felt Evangeline's arms hugged me.

"Carl!"

Mabilis akong lumingon doon at nakitang nakatayo na si Dos habang hawak-hawak ni Carl ang kanyang kwelyo. Kita ko ang higpit ng pagkakahawak ni Carl ngunit hinang-hina lamang si Dos habang nakatingin sa kanya.

"Carl! Ano ba? Itigil mo 'yan! Nasa hospital tayo!" Bawal sa kaniya ni Uno.

Sinubukan siya hilahin palayo kay Dos pero iwinaksi niya lamang ang kamay ni Uno na humawak sa balikat niya.

"You asshole! Ano na naman ang ginawa mo?!" He roared.

Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa pag-sigaw niya.

Humakbang ako palapit doon pero may humawak sa kamay ko na nagpatigil sa akin. Lumingon ako at nakita si Adrianna na puno ng pag-aalala ang mga mata.

Umiling siya. "Carl and Dos need this kung hindi mas lalo silang hindi magkakaintindihan. Hayaan na natin si Uno at Adrian na pumigil sa kanila."

Muli akong napalingon sa kanilang gawi.

"Punong puno na ako sayo! Ano bang kasalanan ko sayong gago ka at lagi kang gumagawa ng ikamamatay ko?! First, my siblings! Then you helped Kathleen leave, akala mo hindi ko alam 'yon? Hindi ako tanga, Dos! Then this? Ipapahamak mo pa ang anak ko?" Tanong ni Carl na para bang hindi siya makapaniwala sa mismong sinasabi.

Anak ko...

I never thought I would love it this much to hear that from him.

Pero bakit sa ganitong sitwasyon pa? Hindi ba pwedeng maging masaya muna? Bakit kailangan masaktan ng paulit-ulit?

"Carl, kumalma ka muna. Hindi makakabuti na mag away kayo rito." Ani Adrian at sinubukan muling hilahin si Carl.

"Hayaan niyo siya, kasalanan ko." Ani Dos na mas lalong kinagalit ni Carl.

"Gago ka talaga!"

Akmang susuntukin siya ni Carl nang mabilis na lumapit si Simon at Angelo para hilahin siya palayo rito.

"No! Stop meddling! Kayong lahat!"

Napatakip ako ng bibig sa nakitang galit mula sa kanya. Tinulak niya si Simon at Angelo palayo sa kanya. Binitawan niya si Dos at mabilis na dinaluhan ni Uno ang kapatid.

Carl looked at all of us with so much anger.

Yung tingin na para bang konting-konti nalang ay sasabog lahat ng galit na naipon sa dibdib niya.

"Alam niyong lahat? You all have the nerve to hide this from me? Sobrang saya ba na paglaruan ako?" He asked with so much pain.

Kita ko ang pagkuyom ng kanyang palad at ang mabigat na pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa pag hinga.

"I know I wasn't sane the past years but still, you all have no right to hide this. Anak ko 'yon. Dugo ko ang batang tinago niyo sa akin."

Nanahimik lamang ang lahat. Walang may lakas ng loob na sumagot dahil tama siya.

Kasalanan ko...

"Oh bakit hindi kayo mag salita? Gustong gusto niyo nakikielam hindi ba? Do it now! Answer!"

Ang mga mata niya ay dumapo sa akin at sandali iyon nanglambot pero mabilis din tumalim ang kanyang tingin.

Nanakit ang aking puso at napayuko nalamang. It wasn't supposed to be like this...

It's his birthday.

"Anong kasalanan ko sa inyo?" His voice broke and I heard him cry.

"Carl, please... control yourself." It was Evander's voice.

Kalmado ang boses ni Evander, the usual him. Umangat ang tingin ko muli at nakitang humakbang siya palapit kay Carl. Tinapik niya ang balikat nito at nanatiling nakapatong ang kanyang kanang kamay sa kaliwang balikat ni Carl.

"I am talking to you as a father myself. I know I wouldn't understand the pain, dahil wala naman ako sa posisyon mo. Hindi ko rin naranasan ang nararanasan mo ngayon pero gusto kong ipaalam sayo na hindi kami natutuwang makita kang ganito. Alam kong alam mo 'yon. Galit ka lang kaya hindi mo nakikita."

Evander stopped for a while and looked at us before looking back to Carl. "Gustuhin man namin sagutin lahat ng tanong mo... I am sure they all want to explain everything to you. Iyon naman ang plano talaga, they plan on bringing your son to meet you there, during your birthday party. As much as we want things to happen the way we planned it to be, as much as we want to ease your anger right now. We can't because there is a much more important person to consider right now."

"Sa ngayon, anak mo muna ang isipin mo. He is the priority. I am sorry to say this, Carl... but getting angry and bursting right now won't solve this. It will only make things worse. Anak mo muna bago ang lahat." Ani Evander.

Lumapit din si Adrian sa kanya. "You have a great kid inside that operating room, fighting for his life. Hindi namin ginusto na humantong sa ganito, and we are very sorry because it did."

"We are not invalidating your feelings right now, Carl. Alam namin na kami ang may mali. We just have to prioritize your son, right now. It is also what a father should do." Ani Evander.

Kumalma ang puso ko nang hindi na kami nakarinig pa ng kahit ano mula kay Carl. Dumaan ang mga minuto at kumalma na rin ang lahat. May kaba pa rin kami para kay Carlisle pero mas matiwasay na kaming nag hihintay.

Ang iba ay lumabas muna para kumuha ng damit at bumili ng pagkain. Si Dos naman ay pinilit nilang ipa-admit na rin sa hospital. Ako naman ay nanatili kasama si Adrian, Carl, Evander, Adrianna, Agatha at ang asawa nito.

My hands are still trembling. Hindi ako makakampante hanggang hindi ko nakakausap si Tito Zam. I heard he's the one operating Carlisle right now. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit kahit papaano ay tiwala ako.

I also want to enter the operating room, to see my son and make him feel that he is not alone. That I am only beside him, watching him.

I want to tell him that mommy is here.

Pero alam kong hindi ko rin siya kakayanin na makitang ga'non. I will only break down the moment I see him fighting for his life there. Makakasagabal lamang ako roon. Kahit gustuhin kong tumulong, I am not in the state to perform nor even help for his operation.

I just have to trust God that he will save my son. Alam kong hindi Niya ito babawiin sa akin.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makita si Carl sa aking harapan. Lumuhod siya sa harapan ko para mag-lebel ang aming paningin. Itinukod niya ang kanyang kanang tuhod para suportahan ang kanyang katawan.

Inabot niya ang aking kamay at marahan 'yon hinawakan.

"I just want to ask you..." he almost whispered. "What did I do wrong for me to receive this from you?"

I felt a pang on my heart. Tinignan niya ako gamit ang mga mata niyang puno ng hinanakit. Na tila, sa lahat ng bagay na kanyang naranasan, ito ang pinakamasakit— at ako ang dulot 'non.

Napayuko ako pero hindi niya ako hinayaan. Inabot niya ang aking mukha at marahan 'yon hinaplos. I felt more guilty than ever. I know, kung mag hahanap lang siya ng rason para magalit sa akin, madali siyang makakahanap. Kung iisip siya ng rason para iwan ako, I am sure it wouldn't take a second to think one.

Despite of that, here he is... careful and worried.

Umiling ako. "Wala kang kasalanan. It is all on me, Carl. I am at fault. Alam ko na kahit anong gawin ko o sabihin, walang tamang rason para sa ginawa ko. I hide him from you, from everyone. Tinanggalan kita ng karapatan na makita siyang lumaki. I precluded you from being a father."

His eyes were soaked with tears while he wipes mine. Nanatili lamang siyang mataman na nakatingin sa akin habang ang kanyang mga luha ay patuloy na lumalandas sa kanyang pisngi.

Alam kong taliwas sa nararamdaman niya ang ginagawa niya.

He feels pain but he comforts.

"What is your reason, then?" Aniya sa mababang boses pero kalakip 'non ang sakit na hindi matatago.

"Baka hindi mo maintindihan..." I closed my eyes to bear the pain. "Kasi, ako... halos hindi ko na rin maintindihan kung bakit umabot sa ganito. It was all my selfish decisions."

Hiyang hiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling pero ramdam ko na nangliliit ako mula sa kanya ngayon.

But behind my head, I can hear it...

It's because— his love is so big for me yet I give him less than what he deserves.

"Open your eyes, love." Puno ng pag-aalala niyang saad.

Kahit hirap ay pinilit kong buksan ang mga mata ko para matignan siya muli.

He faintly smiled. "Try me."

I reached for his face to wipe his tears but he stopped me. Rather, he tightly held my hands as if his sanity depended on it.

"We will talk. Pagkatapos ng lahat ng 'to, mag uusap tayo. Pero sa ngayon, kahit yung dahilan mo lang ang marinig ko, ibigay mo sana. Please..." His voice cracked which made him stop for a second. "I am begging you. May karapatan naman siguro ako hingin 'yon diba?"

I don't deserve him as he don't deserve someone like me.

What did I do for God to be so kind to me?

"For my mom. It is for my mom, Carl. I wanted to protect her, and protecting her means leaving."

I looked at him with so much guilt. Pakiramdam ko, mas nasasaktan ko lamang siya sa mga sinasabi ko.

I saw that he was quite surprised for a second but he quickly forced a smile and nodded. He bit his lower lip and looked at the floor. Hinayaan ko lamang siya na mag-isip habang hawak-hawak ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya roon, na parang wala siyang balak bitawan 'yon.

"Anong pangalan niya? He is a boy, right? What is his name?"

Nag-angat siya ng tingin muli sa akin at kita ko ang bahagyang pagningning ng kanyang mga mata.

"His name is C—"

"Parents of Carlisle King Camongol?"

Mabilis akong napatayo mula sa aking kinauupuan at napabitaw kay Carl. Tinungo ko ang direksyon ni Tito Zam at mabilis na hinawakan ang kanyang kanang kamay.

"I am his mother, Tito. How is he?"

I can see that I caught him off-guard. Nanginginig pa rin ang aking kamay kung kaya't pinatong niya ang kaliwang kamay niya roon.

"You are a doctor, Kathleen. I will be straight to the point. He is still in a critical condition. Hindi kinaya ng katawan niya ang lakas ng impact ng sasakyan na nakabunggo sa kanya. There will be a need for blood transfusion..."

Saglit natigilan si Tito Zam at napatingin sa mga taong nasa likuran ko bago muling bumalik sa akin ang tingin.

"But last time I checked, hind kayo pareho ng blood type ng anak mo. Ipapacheck ko sa blood bank kung may sapat na—"

"I will do it. I am the father."

Naramdaman ko ang presensya ni Carl mula sa aking likuran. His voice was firm, it is as if we can't do anything to stop him if we even try.

"I am Carl James Montgomery. Father of Carlisle King Montgomery."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top