Page 35

Hi Inspirados! It has been a while! I know, medyo natagalan ang update ko. Sadly, I'll be going back to school next week, so I've been busy preparing for go-back-to-school stuff. I am not promising anything except that I will try my best to write as much as I can. Please bear with me? Hindi ko 'to kaya mag isa kung wala ang suporta niyo kaya kapit lang ha? Mahal na mahal ko kayo.

Choosing him

Dati ang hinihiling ko lang ay maging maayos ang pamilyang pinili kong protektahan. I only hoped for my mom's happiness and my son's safety. Kahit kailan naman ay hindi ako humiling para sa pansarili kong kasiyahan.

Ngayon lang...

Ngayon ko lang ginusto na maging masaya para sa sarili ko. Ngayon ko lang pinili ang sarili ko pero kalakip 'non ay ang piliin din ang daan papunta kay Carl.

Because he is my happiness.

Bawat sakit, bawat sugat... nag-hihilom tuwing nakikita ko siya.

Am I too selfish to pick him?

Kahit na alam kong hanggang hindi pa tapos ang laban, kahit na alam kong pwede siyang gamitin bilang kahinaan ko, kakayanin ko ba na ilagay siya sa kapahamakan?

"I knocked on your door.... what are you doing here?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ng taong laman ng isipan ko.

Looking at the sky, I felt him walked closer and placed a jacket over my shoulders. Mula sa malamig na ihip ng hangin ay unti-unti itong nag-laho dahil sa proteksyon ng jacket niya pero mas lalo pa itong nag-laho nang maramdaman ko ang bisig niyang pumaikot sa aking bewang.

I felt his chest on my back and he embraced me like it was what he hoped for a very long time. I felt safe and calm in his arms.

Feeling his embrace, his warmth, his care and his love will be a dream that I will never wish to escaped from.

"I can't sleep..." tugon ko.

Muli akong tumingin sa langit habang ang mga kamay kong nakahawak sa railings ay naglakas loob na abutin ang kanyang braso. Hinawakan ko iyon at marahang hinaplos.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" Tanong ko.

Naramdaman ko ang pag-iling niya at ang pag-hilig ng kanyang ulo sa aking ulo.

"Hindi rin ako makatulog."

"Bakit naman?"

Humigpit ang yakap niya sa akin at isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya.

"Knowing that you're here and you're staying next door from my room will never make me sleep, love."

Sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Ewan ko ba sa'yo, ikaw daw ang nag desisyon na matutulog ang mga babae sa iisang kwarto at ang mga lalaki naman sa isa. We are with married couples already, ang harsh ng ginawa mong pag hihiwalay sa kanila."

"But we're not married." Maagap niyang sabi.

I stopped from what he said.

Naramdaman ko ang pag hampas ng puso ko. Ang daming emosyon ang lumukob sa akin. Parang kakainin ako ng mga salitang lumabas sa bibig niya.

Kung hindi ako umalis noon... ano na kaya kami ngayon?

Iisa na kaya kami?

"Ano naman koneksyon 'non?" Pag-subok kong pag bibigay linaw sa sinabi niya.

"Maiinggit lang ako sa kanila. They will be sleeping with their wives, they will wake up beside them. Tapos ako? Mag-isa? I won't allow that. Kahit pa mag tantrums si Markus buong gabi, hindi ko sila pag bibigyan."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Naalala ko na kanina pa nga dumadaing si Markus dahil sa kadahilanang hindi niya katabi matutulog si Agatha.

Uno's eyes were throwing daggers towards Carl, Evander was silent so I don't have any idea if it's okay with him while Simon is still with Tulip at this hour, umalis sila kanina para mamasyal at hindi pa sila bumabalik, marahil ay sinusulit nila ang oras mag kasama dahil pupunta raw si Tulip sa New York sa susunod na linggo. Dalawang linggo siya roon at hindi naman makakasama si Simon dahil siya ang namamahala ng mga lupain sa Argao.

"Sino ba ang nag-sabi na mag-isa ka?" Lakas loob kong tanong.

Ramdam ko ang pag-luwag ng yakap niya sa akin. Sandaling namayani ang katahimikan sa buong lugar. Tanging ang tunog lamang mula sa mga puno ang naririnig at ang haplos na nanggagaling sa malumanay na hangin.

I took that as a chance to face him.

Tumalikod ako sa magandang tanawin ng Tagaytay at humarap ako sa kanya. My smile grew when our eyes met and I can see that he's still shocked from what he heard from me.

Ang kanyang mga mata ay nag niningning habang nakatingin sa akin. Ang mga kamay niya ay lumapat sa aking likuran.

"What do you mean?"

I shrugged. "You could have asked me to stay with you if you're not comfortable alone."

"Kathleen..." he barely whispered while his eyes were softly staring at me.

I took a deep breath and gathered my courage to reach for his face.

Kahit na kinakabahan ay lakas loob ko iyong hinawakan at hinaplos. Nanikip ang puso ko dahil doon. Gusto kong maiyak sa sobrang saya. Kay tagal kong hinintay na mangyari 'to, akala ko hanggang panaginip nalang...

"I'm so stupid. Hindi ko naisip." Aniya.

Muli akong natawa sa kanyang sinabi pero kasabay 'non ang pag takas ng isang butil ng luha mula sa aking kaliwang mata.

"Hey..." he worriedly said while trying to reach for my face.

Mabilis kong iniwas ang mukha ko at pinilig ang ulo ko.

"Ito na naman sila, tumatakas. Araw araw ata akong umiiyak dahil sa'yo."

"What? Am I hurting you?"

Bakas pa rin sa mga mata niya ang pag-aalala.

Umiling ako. "Masyado lang akong masaya. Sobra-sobra na natatakot ako na baka mawala sa akin ang kasiyahan na meron ako ngayon."

Tuluyan ng nag bagsakan ang mga luha ko. Tuloy-tuloy ang mga ito at tila walang balak na tumigil.

"You see..." Huminga ako ng malalim dahil sa garalgal kong boses. "Sa buhay kong 'to, wala akong nakuha ng wala rin akong sinasakripisyo."

Damn it.

I need to say these words properly, ito na ang oras na hinihintay ko, kung saan makakapag sabi na ako sa kanya kahit konti lang sa totoo kong nararamdaman. No pretentions, secrets, only the truth. Kahit na hindi pa lahat, gusto ko na mag bukas na kahit konti lamang.

But here I am, my voice... trembling!

"I have a lot to say, I have a lot to admit. Pero natatakot ako. Takot na takot ako na baka mag kamali ako at mawala lahat."

"Kath..." he uttered as he was looking for the right words.

He reached for my hands that were on his face and held it. He placed it on his chest and warmly smiled at me. Sunod niyang inabot ang mukha ko at marahang hinaplos ito para punasan ang mga luha ko.

Napapikit ako sa kanyang pag haplos. Mapait akong napangiti at dinama ang hawak niya habang pinapakiramdaman ang malalim niyang pag-hinga sa harapan ko.

"You don't have to be afraid."

He kissed me on my forehead.

"Maybe you still don't trust me to open up your--"

Maagap akong umiling at minulat ang mga mata ko.

I looked at him with all of me.

"It's not about trust, Carl." Umiling ako. "Hindi 'yon. Dahil alam ng Diyos kung gaano kita pinagkakatiwalaan. Kaya nga ako sumugal ulit, kahit na walang kasiguraduhan kung tama ba 'to, sumugal ako kasi alam ko, hindi man sigurado ang dulo, alam ko na mapapagkatiwalaan kitang hindi mo ako sasaktan..."

He remained silent. As if he was giving me the time to regain myself, to speak more, to open up.

"... it is about my fear. Maraming nangyari, sa mga nag daang taon, napakarami ng nangyari. May mga bagay na hindi ko alam kung masasabi ko pa sa'yo pero araw-araw kong pinag dadasal na sana isang araw masabi ko ang mga 'yon sa'yo. Mga bagay, mga dahilan... dahilan kung bakit ako umalis. Kung bakit kita iniwan. Kung bakit ako umalis ng walang sinasabi sa'yo kahit na mahal na mahal kita."

"Damn. I never thought it would feel this way to hear you say that you love me... well you said it before but, now... it's as if you it is the most important word that you have said."

It is.

Napayuko ako sa kanyang sinabi. Hindi nakatakas sa akin ang ngiting kumawala sa kanya. Ang mga kamay niyang nakahawak sa aking mukha ay inangat ang mukha ko para matignan ako muli.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na makaya ang pag wawala ng puso ko. Baka hindi ko kayanin pag muling nag-tama ang mga mata namin.

"I love you too. So damn fucking much."

"How sure are you? How about Hazel? Ang dami ng taon ang dumaan, hindi mo ba naisip na baka nagkakamali ka lang. Na baka akala mo ga'non pa rin ang nararamdaman mo pero hindi na pala. Maybe pity? You thought it is love but it is just actually pity." I said with so much fear.

I heard him sigh.

Sinubukan niyang hulihin ang tingin ko pero hindi ko siya hinayaan. Nanatili akong nakaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Nag-init ang pisngi ko at nakapakagat ako sa aking pang-ibabang labi.

"No, I am a thousand percent sure." He said with so much assurance.

"You won't understand but a Montgomery only love once. Hindi ko alam kung bakit ga'non, aaminin ko na hindi rin ako naniniwala dati na isang beses ko lang kaya ibigay ang puso ko pero ngayon naiintindihan ko na."

His hands left my face and went to hold my hands.

Sa pag-hawak niyang 'yon ay nagawa ko siyang tignan muli. My heart felt like it would burst in any second. My eyes met his and it warmed my being.

Kahit buong buhay ko nalang siyang tignan, I know I'll be happy with every second.

"Kahit na malayo tayo, with every breath, every dream, every time you pass my imagination, my feelings only got stronger. I don't pity you, I pity myself for I am so damn smitten over you. You don't know how much I got scared that you don't love me anymore while I am this in love with you. Nakakaawa ako diba?"

Mabagal niyang pinilig ang ulo niya at isang halakhak ang kumawala sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti o tumawa, nanatili lamang akong mataman na nakatingin sa kanya.

He smiled and raised his left brow. Pinagdikit niya ang mga noo namin at pumikit.

"What am I saying? I feel like my heart will escape from my body. Pag tatawanan ako ng mga pinsan ko pag narinig nila ako. Pero gusto ko malaman mo na totoo lahat ng mga sinasabi ko..."

He opened his eyes once again.

"Kung ako lang ang mag dedesisyon, gusto ko malaman lahat. I want you to tell me everything. I want to carry the things that made you feel scared, kung hindi mo sila kaya ibigay sa akin, tutulungan nalang kitang dalhin ang mga 'yon. I can't let myself see you suffering from the inside while doing nothing."

Natunaw ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi niya alam kung gaano niya ako natutulungan sa pag tayo niya lang sa harapan ko, sa pag ngiti niya lang... sa pakikinig niya lang.

Sa mga dumaang taon, ako lang ang nag dadala ng mga bagahe ko, I kept them in my heart for a very long time now. Everyday, I was hoping that someone would help me lift them up from my heart but the heaviness just kept on getting deeper and deeper.

But here he is, holding me, not knowing that he is already doing so much.

"I promise that I will not keep secrets from you anymore." I whispered.

I reached for his cheeks and kissed him there. Nanatili ng ilang segundo ang labi ko roon bago ko sunod na hinalikan ang kanyang noo.

Napangiti ako at humiwalay sa kanya. Ngumiti ako at hindi ko naiwasan ang maalala si Carlisle habang nakatingin sa kanya.

Kung wala si Carlisle, baka nabaliw na ako habang malayo sa kanya. Carlisle kept me going, hindi ko man alam pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit tuwing tinitignan ko si Carlisle, nagkakaroon ako ng pag-asa na isang araw, darating din ang oras na makukuha ko maging masaya ulit.

"Just give me some time? Ihahanda ko lang ang sarili ko. Hm? Wait for me okay? I will tell you everything and I hope that I could give you my best gift. I hope it would compensate for the years that we were apart."

His gift would be my gift to him too.

As much as it healed me years ago, I hope it would heal him too.

"Gift?" May kalituhan niyang tanong pero mabilis din nag laho ang kalituhan sa kanya.

Tila naintindihan niya na ang ibig kong sabihin.

"You mean for my birthday?" Tanong niya pero umiling siya. "You don't have to. You being with me now, saying that you love me... how could I wish for more? You are my greatest gift."

Kung alam mo lang...

May hihigit pa sa akin. Tulad ng saya na binigay niya sa akin, alam kong mapapasaya ka rin niya.

"Basta..." pag pupumilit ko.

I gave him my sweetest smile and reached for him to hug him. I embraced him and he didn't think twice to embrace me back.

"I was broken..."

I kissed the side of his neck and I heard him sigh. I felt him kissed my neck too.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"I was broken, Carl. But thank you for fixing me again."

"Promise me that you won't turn your back on me again. I promise to wait for you until you're okay to open up but you have to promise me too that you won't leave anymore. Promise me that you'll choose me this time. Ako naman..."

I nodded and placed my head on his chest. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong kumalma ang puso ko sa kanyang bisig. Ang matagal ko ng hinihiling na kapayapaan ng puso ay unti-unti ng lumulukob.

"Pangako."

His head leaned over my head and his hands settled on my back.

"We will be one again."

Carlisle, this is your father.

You are just like him, so loving and understanding. Laging ako ang iniisip, laging kapakanan ko at ang kasiyahan ko ang inuuna. Like him, you're brilliant and you're compassionate. You are everything he is and I thank God that you were.

You are my greatest gift and I hope you would be his too.

I remember Carlisle asking me once about his father.

"Mommy, bakit yung classmates ko they have their daddy with them pero ako wala? I know Tito Taw is always there pero hindi naman siya yung daddy ko."

I smiled and somehow, I remember Carl while looking at him. That gave my heart a race that it will never win.

I love remembering him...

Yet painful.

"Who said you're not with him? He is always with you, hindi naman ibig sabihin na hindi mo siya nakikita, wala na siya sa tabi mo. You have him in your blood, in your heart and your whole being. Hindi mo pa maiintindihan pero darating ang araw na makikita mo rin siya. You might not know who he is but your heart will know."

I have no plans on getting back but I know they will see each other one day, wala man ako sabihin pero alam kong malalaman nila kung sino sila sa isa't isa.

Every bit of Carlisle is shouting Carl.

My plans before changed already, ngayon handa na akong piliin naman siya.

"We are always one, Carl."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top