Page 34
Hi Inspirados, maraming nag fa-final exams ngayon, isama natin sila sa prayers natin, especially the graduating students. Cheering you all, God bless you all!
Carlisle King
"Let's check your temperature now..." Mahina kong sabi nang marinig na tumunog ang thermometer.
Kinuha ko 'yon mula sa kanya at tinignan kung ano ang body temperature niya pagkatapos ko siyang alagaan ng buong gabi at painumin ng gamot.
Hindi ako umuwi, kinausap ko si nanay para sana makapagpaalam pero bago ko pa masabi ang dapat kong sabihin ay pinangunahan na niya ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero isa lang ang naiisip kong konklusyon kung paano nga ba niya nalaman.
Sino pa nga ba ang mag sasabi sa kanya?
No other than Dos.
Sige na anak, okay na. Ako ng bahala kay Carlisle. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Matagal na panahon mo na kaming inuuna, ang dami mong sinakripisyo para sa amin ng anak mo, hindi naman masama kung unahin mo muna ang sarili mo. Basta mag iingat ka ha? 'Wag mong pababayaan ang sarili mo.
Her words comforted me. Matagal na panahon ang nag-daan para maging ganito kami. Years passed and she's still not able to talk, nakaupo lamang siya sa tabi, umiiyak o kaya naman ay nakatulala. Ako ang naging ina niya noong mga panahong 'yon kaya sobrang saya ko ngayon na ganito na siya sa akin, na ako naman ang anak niya...
Matagal na panahon din ang hinintay ko, pero nasisigurado ko na itong panahong 'to ang pinaka masasabi kong maayos sa aming lahat at sisiguraduhin kong walang makakasira nito kahit sino.
I will make sure that the security of my family will not suffer, it is my top priority.
"Thirty-seven degrees, looks like... okay ka na."
Nilapag ko ang thermometer sa bed-side table at inabot ang gamot sa kanya. Umupo ako para matulungan siyang inumin 'yon. Sunod kong inabot ang tubig sa kanya at parang bata naman siyang sumusunod sa bawat sinasabi kong dapat niyang gawin.
I smiled and slightly reached for his neck to check his temperature, mukhang okay na talaga siya at hindi naman makakaila 'yon dahil ngiting ngiti siya habang nakatingin sa akin.
"My doctor is good that's why." Aniya.
I smirked. "Buti alam mo."
"Okay na ba talaga ako?" Biglaang seryoso niyang tanong.
Nag-salubong ang aking kilay at mabilis na tinukod ang kamay ko sa kama para suportahan ang sarili ko sa pag-lapit sa kanya.
I moved closer to him while he's leaning on the bed's headboard. Inosente siyang nakatingin sa akin habang ako ay hindi alam ang gagawin dahil sa tanong niya.
"May masakit pa ba sa'yo? Sabihin mo sa akin, para magawan natin ng paraan. Wala ka ng lagnat pero..." Saad ko at inabot muli ang leeg niya.
"Anong nararamdaman mo? May masakit pa?" Tanong ko habang sinusuri siya.
Marahan siyang umiling at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Inabot niya ang kamay ko at dahan-dahan na binaba 'yon.
Nanglambot ang puso ko sa magaan niyang hawak sa akin, dalawang kamay niya ang nakahawak sa isa kong kamay, tila takot siya na masaktan ako at puno ng pag-aalaga ang kanyang bawat haplos doon.
My eyes watched him. My lips curved into a smile while looking at him as his eyes moved from my hand to my arm to my shoulder to my face and back to my eyes.
"Okay na okay na ako, sobra-sobra." Aniya.
Bahagya akong napabuntong-hininga dahil doon.
I nodded. "Buti naman. Basta, promise me that you'll tell me if you feel something bad okay? Don't be such a hard headed man, alam kong malakas ka at kaya mo pero hindi naman laging ga'non."
"Lagi ka bang nandyan para alagaan ako? Hindi mo na ba ako iiwan?" May kabagalan niyang tanong.
Supposed to be, I should be hurt. With his words, parang sinasabi niya na hindi niya ako mapapagkatiwalaan at nakakasakit talaga 'yon ng damdamin pero hindi ko naman siya masisisi. Despite that, mas nagkaroon ako ng dahilan para ipakita sa kanya na kahit wala akong kasigaraduhan, may isang bagay pa rin na sigurado sa akin.
And that would be my care and love for him.
I may not be able to tell him that right now, alam ko sa kaloob-looban ko ang lakas at tibay ng pagmamahal ko sa kanya. Walang makakakuha 'non sa akin, walang makakatanggi 'non.
Umiling ako. "Hindi na. I won't promise anything but I will do my best to stay by your side, I will work hard on that."
He smiled and reached for his phone.
Bumitaw siya sa akin at kinuha ko naman 'yon bilang oportunidad para kunin ang baso sa kanyang tabi at ibalik 'yon sa bed-side table. Nag-tipa siya roon at hinayaan ko lang siya tutal ay okay naman na siya.
I was about to stand up when he grabbed my hand again which stopped me and made me look at him again.
Nag-tama ang mga mata namin at mula roon ay kita ko ang dating mga mata niya. His eyes that could be compared to the ocean, kalmado lamang at inosente. Puno ng pagmamahal at sa tingin niyang 'yon ay alam kong kaya niya akong protektahan sa lahat, alam kong basta siya ang kasama ko ay walang magiging mali.
His eyes secures me.
Muli akong bumalik sa pagkaka-upo at tinignan siya ng malapitan. Bakas sa kanya ang saya, hindi ko alam kung bakit pero natuwa na rin ako kahit hindi ko pa alam ang dahilan ng mga ngiti niya na hindi lang makikita sa labi niya kung hindi pati na rin sa mga mata niya.
"If I will ask you to come with me, sasama ka ba?"
"Saan ba?" I asked back.
He slightly shrugged. "Kung wala pa akong naiisip na lugar at tatanungin kita ngayon kung gusto mo ba sumama sa akin, sasama ka ba?" Pag-tatanong niya muli.
I stopped for a second. My mind went blank but my heart is surely beating so fast. Sa hindi ko alam na dahilan, sigurado ako sa isasagot ko pero nakaramdam ako ng hiya dahil patunay ito sa tindi ng pagmamahal na mayroon ako para sa kanya.
Nag-init ang aking pisngi at matamis na napangiti. Inabot ko ang kanyang mukha at tinignan siya sa paraang alam ko na maiintindihan niya kahit hindi ako mag-salita.
I looked at him with all my heart.
"Oo." I nodded. "Kahit saan pa, basta ikaw ang kasama ko, sasama ako." I answered.
Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi at hinigit ako para mayakap. Kumawala naman ang isang mahinang tawa mula sa akin at niyakap rin siya pabalik.
Kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko inakalang mararamdaman ko ulit 'to, abot langit na saya at kapayapaan ng puso. In his arms, I know that everything will be alright and no one could hurt me.
"Then..." he trailed.
Lumayo siya sa akin at sandaling napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi.
"Will you come with me right now? To my family's vacation? Dapat ay kasama nila ako kahapon pumunta roon pero dahil may sakit ako ay hindi ako nakasama. Gusto ko sana humabol pero naisip ko na hindi ko magagawang mahiwalay sa'yo kahit sandali lang. Ngayon pa ba na okay na tayo? You might change your mind if I'll leave." He paused and slightly laughed at his own words.
"Gusto ko ngayon na kasama ka. Will you?" Dagdag niya habang puno ng alinlangan akong tinitigan.
Sinong kasama natin? Nandoon ba ang buong pamilya mo? Saan ba ang bakasyon na 'yon? Matagal ba tayo roon? Kailangan ba natin mag-paliwanag kung bakit tayo magkasama?
Lalo na sa mga magulang mo... maiintindihan ba nila kaagad ang nangyari at mangyayari sa atin?
Ang daming tanong na pumaibabaw sa isipan ko. Gusto ko lahat sila itanong pero hindi ko magawang ilabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. Sa dami ng mga 'yon sa utak ko, isa lamang ang sagot na sinigaw ng puso ko.
At sa pagkakataong 'to, puso ko ang masusunod.
Sana lang ay tama, sana lang...
Nilahad niya ang kamay niya sa akin at bumaba ang tingin ko roon.
"Will you, Kath?" Tanong niya muli.
For once, ako muna.
I nodded and without thinking anything, I accepted his hand and held it. Mahigpit ko iyong hinawakan at nag-angat ng tingin sa kanya. Kita ko ang gulat pero saya sa mga mata niya kaya
"Sasama ako. Kahit saan pa."
"Thank you."
Umiling ako at muling hinawakan ang mukha niya para haplusin.
"No, thank you..."
I inhaled and exhaled the cold wind coming from the high place of Tagaytay. The trees are slightly moving, following the direction of the wind as I hear the leaves move and make calming sounds.
From my back, I can hear Agatha and Markus's bickering conversation while they're trying to cook the barbeques. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang tawanan ni Tulip, Vanessa at Simon sa may hindi kalayuan habang ang anak na lalaki ni Adrianna ay nag lalaro kasama ang anak na lalaki ni Agatha.
"Terenz, careful son. Baka masugatan ka." Rinig kong bawal ni Markus sa kanya.
"Hayaan mo, lalaki naman siya. He'll learn how to be strong if he'll experience the pain on his own." Pag babawal naman ni Agatha kay Markus.
"But--"
"No buts." Pag-puputol ni Agatha sa sasabihin ng asawa niya.
Dumaing si Markus at humalakhak naman si Agatha. Narinig ko ang pag-tawa ni Adrianna at Evander dahil doon.
Lumingon ako sa kanila at lumakad palapit sa ihawan. Kumuha ako ng ilang hindi pa luto at tumabi kay Agatha para iluto ang mga 'yon. Mabilis naman siyang gumalaw para bigyan ako ng sapat na espasyo sa kanyang tabi.
Napangiti ako dahil doon. Ewan ko ba, dati hindi naman ako nahihiya sa kanila. Lagi pa nga ako sa bahay nila dahil kay Adrian pero nang malaman ko kay Evangeline na alam nilang lahat ang tungkol kay Carlisle ay hindi ko na alam kung paano makikitungo sa kanila.
"Ate Kath, ikaw? What do you think? Sino ang tama? Si Markus o ako?" Tanong ni Agatha sa akin.
Natigilan ako dahil doon. Napaangat ako ng tingin sa kanila at nahagip ng mga mata ko ang mapanuring mata ni Adrianna. Sa kabila 'non, hindi ako umiwas ng tingin, wala naman akong dapat itago dahil alam na nilang lahat ang totoo.
Ngumiti ako at tumingin kay Agatha para sagutin ang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako at napabuntong-hininga. Binitawan ko ang barbeque at inalala kung paano ko ba pinalaki si Carlisle.
"Well, wala namang tama o mali sa pagpapalaki ng anak. We experience as they experience too. Natututo tayo tuwing natututo sila, pero tama ka rin, dapat ay hayaan natin silang maramdaman ang sakit mag-isa para sa susunod alam na nilang protektahan ang mga sarili nila pero tama rin naman ang asawa mo, dapat ay gabayan pa rin sila, kung alam mo naman na ikasasakit ng anak mo, bakit mo hahayaan diba? Maybe the right thing to do is to let them experience things while the both of you can watch them closely." Tugon ko.
Natahimik ang lahat. Tanging ang ingay mula sa mga puno at ang ingay ng mga bata ang naririnig. Lahat sila ay nakinig sa sagot ko at kita ko ang pag-tinginan ni Markus at Agatha na para bang nalinawagan silang pareho.
Napangiti ako at inabot muli ang ilang barbeque para lutuin at ang iba naman na luto na ay kinuha ko at nilagay sa malinis na plato sa aking tabi.
"You're a good mother." Ani Adrianna. "Right, Evander?" Pag-baling niya sa kanyang asawa habang ito ay nag-hahanda ng ibang pagkain na lulutuin.
Tumango naman ito at saglit akong tinignan. Ngumiti siya at lumitaw ang dimples nito. Hindi naman ito nag-tagal at bumaling siya agad sa kanyang asawa at mabilis na dinampian ito ng halik sa pisngi.
"Yes, she is. Like you, sweetheart. You're a good mother." Aniya.
Kita ko ang pamumula ni Adrianna dahil sa sinabi ng asawa niya. Maagap siyang pumunta sa likuran nito at niyakap siya. Nag-tago siya roon at hindi namin napigilan na matawa dahil doon. Mukhang gustong gusto naman ni Evander Claveria ang pagyakap sa kanya ni Adrianna dahil lalong nakita ang dimples mula sa pag-tawa niya.
Narinig ko ang pag-daing ni Agatha sa gilid ko.
"Sabihan mo rin ako ng ga'non!" Inis niyang sabi kay Markus.
Humalakhak si Markus at pasimple rin hinalikan sa pisngi si Agatha pero kasabay 'non ang pag-iling niya at pinag-patuloy ang pag-ihaw.
"Ayoko nga." Anito.
"Bahala ka sa buhay mo! 'Wag kang tatabi sa akin mamaya, makikita mo talaga." Inis na sabi ni Agatha at binalingan ako ulit ng tingin.
"Markus, sabihin mo na kasi!" Ani Simon na hawak-hawak ang kamay ni Tulip habang palapit sa amin.
Nang tuluyan na silang makalapit ay umupo sila sa may harap namin at tumulong si Tulip sa pag tusok ng mga hotdog sa stick para maluto na rin.
"Ayoko nga, hayaan mo si Agatha Joan. Siya naman ang lalapit at tatabi sa akin, hindi ako matitiis niyan." Pag-tanggi pa rin ni Markus.
Agatha rolled her eyes and stucked her tongue out.
"As if! In your dreams, De la Fuente." Aniya at umirap muli.
Markus laughed and Evander followed him. Mabilis naman na pinalo ni Adrianna si Evander sa braso dahil sa pakikisabay nitong tumawa.
"Oh heck yes, I will dream of you Mrs. De la Fuente." Patuloy na panunukso ni Markus.
Umirap muli si Agatha at tumingin sa akin. Kita ko ang pag-silay ng ngiti sa kanyang labi habang si Markus naman ay ngiting-ngiti rin. Pilit niyang tinatago ang ngiti niya sa pag-irap niya ng ilang ulit kay Markus.
Napangiti rin ako habang pinapanuod sila. Ewan ko ba, gumaan ang loob ko habang kasama sila. Naging ilap ako sa mga tao noong nasa ibang bansa ako, lumayo ako at kinulong ang sarili ko kasama ang anak at nanay ko. Ngayon, pakiramdam ko habang kasama sila...
Normal.
Normal lahat. Ako, sila, ang buhay ko at ang lahat sa akin.
"Ate Kath." Muling pag-tawag ni Agatha ng atensyon ko.
Tinignan ko siya at nginitian.
"Hm?"
"Kumusta si Carlisle King? Kamukha ba siya ni Kuya Carl? Kaugali ba niya o kamukha lang?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Uh..."
I bit my lower lip as I think of my son. It feels weird to talk about him with them.
Mataman lamang silang nakikinig at nag-hihintay ng sagot sa akin. Especially Adrianna, parang binabasa niya ako sa bawat tingin niya sa akin.
"Yup, Carlisle looks like Kuya Carl. Everything about him is Carl Montgomery. Sa ugali naman ay pareho lang, nakuha niya ang pagiging magaling sa salita at pagiging responsable ni Kuya Carl while he got Ate Kath's aggressive way of talking. He is smart too, a mixture of Montgomery and Camongol's intelligence." Pag-sagot ni Simon para sa akin.
Napangiti ako dahil doon. Lumingon sa kanya si Tulip at matamis itong napangiti. Tulip nodded with what he said and leaned her head on Simon's shoulder. Simon smiled too and kissed her forehead.
Agatha clapped and held my hand.
"We want to see him. I want to see him. Kailan mo kaya pwede ipakilala sa amin si Carlisle?" Tanong niya.
Kailan nga ba?
Ano pa nga bang hinihintay ko? Mayroon ba o ang sarili ko nalang ang hinihintay ko?
"Well, pwede naman pero--"
"Sino si Carlisle? Why do you need to meet him?"
Lahat kami ay natigilan sa boses ng nag-tanong. Sabay-sabay kaming napalingon sa taong 'yon at sa hamba ng pintuan ay prenteng nakasandal si Carl habang si Evangeline at Uno ay magkahawak kamay na nakatayo sa kanyang gilid.
Uno glared at Agatha but I can't check how Agatha is looking at Uno because Carl is looking at me with so much confusion and intensity. There are unknown emotions I can see from his eyes but I can't seem to comprehend them.
Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko pa naman napaghandaan 'to, wala pa akong tamang sagot na masasabi sa kanya, dapat ba ay magsinungaling ako ngayon? But what kind of lie? How will I lie? Damn it, Kathleen, bakit ba wala si Adrian dito para solusyonan 'to para sa akin? He is good with white lies.
"Carlisle is..." I started while I'm trying to find the right words.
Nanikip ang puso ko. I badly want to say the truth.
He is your son.
Bakit parang hindi kaya ng sikmura kong magsabi ng hindi totoo ngayon.
"Well he is..."
"He is your future son, Kuya." Mabilis na sagot ni Agatha sabay tawa.
Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Agatha. Rinig ko rin ang pagkahulog ng kubyertos na hawak ni Tulip na siya namang mabilis kinuha ni Simon. Evangeline took a step towards us but Uno grabbed her hand to stop her.
Nilingon ko si Agatha na inosenteng nakatingin kay Carl.
"He will be your son, Kuya Carl. Kasi tinanong ko si Ate Kath kung anong pangalan ang gusto niyang i-pangalan sa magiging panganay na anak niya. She said Carlisle King will be his name, halata naman na lalaki ang gusto niyang panganay kaya bigyan mo siya 'non ha! For sure naman mabibigay mo 'yon, ikaw pa! Sharp shooter ka kaya." Ani Agatha sabay halakhak muli.
Uno laughed with her and pulled Evangeline towards Adrianna and Evander. Nilapag nila sa ibabaw ng lamesa ang ilang plastic bags na naglalaman ng dagdag pagkain at supplies para sa pagluluto habang si Carl ay napaayos ng tayo at hindi makapagsalita.
Hindi ko siya magawang tignan. Natatakot ako na may mali akong maipakita sa kanya.
"Oh? Anong kinakagulat mo diyan, Kuya Carl. Sino pa ba ang expect mong mag bibigay 'non kay Ate Kath? Si Taw? Matakot ka naman, bilisan mo! Baka mamaya si Taw nga. Bahala ka diyan." Banta ni Agatha.
Napatingin ako kay Carl dahil doon. Kita ko ang pag-dilim ng mukha niya. Parang bumalik ang Carl na nakita ko noong kababalik ko pa lamang noon dito sa Pilipinas. So distant and dark, scary and seems like no one would dare to touch him.
Pero sa kabila 'non ay hindi man kinabahan si Agatha dahil nakuha niya pang subuan si Markus ng barbeque at nakipag-tawanan pa kay Uno na nakisama na rin sa pag-luto.
"Kath, iinom na ako ng gamot." Madiin na sabi ni Carl at nag-martsa papasok ng bahay na pag mamay-ari nila rito sa Tagaytay.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Napatingin ako sa mga pinsan at kapatid niya pero parang wala lang sa kanila. Kahit si Tulip ay nakikipag-tawanan kay Simon at Adrianna kahit na madalas ay alam ko na siya ang mabilis kabahan sa kanilang kahat.
Napatayo ako at aalis na sana pero hinawakan ako ni Agatha sa kamay at ngiting-ngiti na tinignan ako.
"Don't worry, Ate Kath. Kami nga hindi takot kasi alam namin na nandyan ka, ikaw pa kaya na hindi niya kayang kagalitan? Nag seselos lang 'yon, hayaan mo siya." Aniya at muling bumalik sa pag-luluto.
Should I feel okay with what she said? Bakit parang hindi man nabawasan ang kaba sa puso ko? Nandoon pa rin ang mukha ni Carl sa isip ko nang marinig niya ang paliwanag ni Agatha tungkol sa kung sino nga ba si Carlisle.
Shock and confused...
Now, I am scared on how will he take the truth that Carlisle is really our son. Isang anak na tinago at nilayo ko mula sa lahat, kahit na karapatan niyang makilala ito.
Will he get mad? Of course he will. Tinatanong pa ba 'yon? Paano ko ipapaliwanag sa kanya? Makakapag handa pa ba ako?
"Paiinumin ko muna siya ng gamot." I managed to say before walking inside the house.
May sinabi pa sila sa akin pero hindi ko na nagawang pakinggan dahil nakatuon na ang atensyon ko sa taong makikita ko sa loob ng bahay.
Tinungo ko ang kusina kung saan ko siya matatagpuan at bumungad sa akin ang kanyang likuran na nakatapat sa bintana ng kusina kung saan tanaw ang mataas na lupain ng Tagaytay.
Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin lumapit sa kanya at tumabi habang tinatanaw ang labas. Inabot ko siya at hinawakan sa balikat pero nanatili siyang nakatingin sa harapan.
"You really want to name your first born... Carlisle King?" Tanong niya sa isang malalim na tono.
Natunaw ang puso ko sa tanong niya. Nanglambot ang mga mata ko habang nakatuon ang mga ito sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat pero bumaba rin ito at inabot ko ang kamay niya.
Pinagsiklop ko ang aming mga daliri at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.
I already did.
Tumango ako at ngumiti. "Oo, ang pangalan ng first born ko ay Carlisle King. Gusto ko 'yon. Gustong gusto." Tugon ko.
Somehow, I didn't lie...
Hindi ko lang masabi.
Pero alam ko na mali pa rin, dahil kailangan sabihin ko pa rin sa kanya. Hindi ibig sabihin na hindi ko sinabi ay hindi na ako nag-sisinungaling pero kailangan ko magdahilan para sa sarili ko.
Habang nag hahanda pa ako...
Dito ako magaling, reasoning for my own guilt.
I'm so sorry, Carl.
The tension from his shoulder is slowly vanishing. Humigpit din ang hawak niya sa aking kamay at binalingan ako ng tingin. His eyes warmed and looked back at me with comfort and affection.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at lumapit sa akin para bigyan ako ng halik sa noo ko.
Tila liliparin ang puso ko sa halik niyang 'yon. Napangiti ako lalo at binigyan siya ng halik sa balikat niya at pinatong ang ulo ko roon.
"I will give you that, I promise. Ako ang mag bibigay 'non sayo, not Taw nor any random guy. Ako lang, naiintindihan mo ba 'yon? Please, let me be the one. Damn. I want to claim it already but still, I want to plead." Aniya.
Nanikip ang puso ko dahil doon. Kita ko sa mga mata niya ang sinseridad at dedikasyon sa gusto niyang mangyari. From his eyes, I can see that he is willing to do everything to give me that and I felt more guilty.
I want to tell him right now.
I want to tell him that we have a son, named Carlisle King and he looks like him.
So much.
Too much that it helped me to go through life just by looking at him looking like his father.
But I can't. Not now. Hindi pa. Hindi ko kayang sirain ang bakasyong 'to. Pero pinapangako ko, kabalik namin ng Maynila, ipapakilala ko na sila sa isa't isa. Magalit man siya o hindi, tatanggapin ko.
I will face it for him and for Carlisle.
Tumango ako at pumikit.
"I like that. Ikaw ang mag bibigay 'non sa akin, not any guy. Just you and you don't have to plead, love. You don't have to. Trust me, you don't have to worry about anything."
Naramdaman ko muli ang pag-dampi ng kanyang labi sa aking noo. Pababa sa aking ilong. Papunta sa aking labi. Mababaw at mapanukso ang mga halik niya noong una pero sa huli ay hinuli niya rin ang labi ko at hinalikan ito ng malalim.
He kissed me passionately and I answered his kisses. I kissed him as if I was showing how much I missed him all these years. I dreamt of us making love again and again, I yearned for his touch, his hugs and his kisses.
Kahit ang kanyang boses ay hindi ako pinapatulog na para bang katabi ko lang siya kahit na malayo kami sa isa't isa.
"I will be your husband and the father of your children. Mark that. I love you, Kathleen." He said between our kisses.
Napangiti ako dahil doon at bahagya kong kinagat ang kanyang pang-ibabang labi na siya namang nag pangiti rin sa kanya.
My eyes remained close as our lips claimed each other.
"Mahal na mahal kita, Carl. Hindi nag bago 'yon..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top