Page 31

Hi to the two of you :
Again, a lot are worthy to be highlighted from the comment section. I have a hard time writing this story because it requires deep analysis from both parties, plus may baby pa sila so it is challenging for me who never experienced any romantic love in the first place so reading comments really helped me a lot plus listening to music too. So if you have songs which could be relatable to this story, please don't hesitate to tell me.


He is back

Accept me...

Love.

"Accept me." Bulong ko habang nakasandal sa swivel chair ng aking clinic.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Sa pag pikit ko ay mukha niya ang nakita ko, hawak niya ang naramdaman ko, pag hinga at pag tawa niya ang narinig ko.

In every thing I do, it screams everything about him. Ga'non pa rin kalakas ang epekto niya sa akin para gambalain niya ako ng ganito kahit na hindi ko naman siya nakikita.

A week passed already, tatlong araw na rin simula noong nakabalik ako rito sa Landford Hospital. Sa loob ng isang linggong 'yon ay wala akong nakitang anino niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ko siya nakikita, meaning sumuko na siya at tinantanan na niya ako o dapat bang malungkot ako dahil sobra naman siyang hinahanap ng puso ko?

I should be happy of course...

Dapat talaga.

Everything is going well, mom is finally having some courage for herself while Carlisle is doing good in school as always. I should celebrate for everything good that is happening to my life.

Pero bakit ganito?

"Doktora?"

Natigilan ako sa malalim kong pag-iisip nang may kumatok sa pintuan ng clinic. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakadungaw si Evangeline roon.

Sumilay agad ang ngiti sa aking labi at hinintay siyang pumasok sa loob ng aking clinic. She's wearing the usual nurse uniform with her eye-glasses on while I'm wearing my white coat, I can't help but to look back in our old days, noong unang beses ko siyang nakilala at hindi pa ganito ka-komplikado ang lahat.

"Halika, sit down." Anyaya ko sa kanya at iginiya ang upuan sa harapan lamesa.

Ngiting-ngiti naman siyang umupo sa harapan ko at agad na may nilabas mula sa kanyang bulsa. Isang puting sobre at pinatong niya 'yon sa ibabaw ng lamesa.

"What is this?" Tanong ko.

"Birthday ko po kasi bukas pero gusto kasi ni Uno na i-celebrate ngayong gabi dahil mag out of town po kami bukas. Matagal na kitang gustong imbitahan pero hindi ako makahanap ng tamang tyempo, busy po kasi kayo sa pag babalik niyo rito at agad din naman po kayong umuuwi kaya hindi ko kayo naaabutan. Buti nalang po at sumakto ang duty ko ngayong araw at nandito kayo." Aniya.

Tinignan ko ang sobre ng ilang sandali bago ko kinuha 'yon at binuksan, nilabas ko ang imbitasyon mula roon at binasa. Napangiti ako habang binabasa 'yon dahil ramdam na ramdam ko ang kasiyahan hindi lamang sa selebrasyon na 'yon kung hindi kay Evangeline na rin.

She got what she deserved. Sa lahat ng pinagdaanan niya, it's time for her to be happy for the rest of her life.

With Uno of course, alam ko naman na hindi siya pababayaan ng mga Montgomery.

"Pupunta ka po ba?" She said with her hopeful voice.

Binaba ko ang imbitasyon at nag-angat muli ng tingin sa kanya. Binalik ko 'yon sa loob ng sobre at isang ngiti ang sumilay sa aking labi.

"I will go if..."

I stopped and stared at her.

Kita ang sobrang saya sa kanyang mukha, like nothing is bothering her and she's already having the time of her life.

Will I ever get the same happiness?

Yung tipong kahit may problema ay ayos lang dahil alam kong kaya ko ng harapin.

"If you'll stop using po whenever you're talking to me." I finally said my condition.

Her eyes lit up and nodded. Bahagya akong natawa dahil doon at ga'non din siya. She reached for my hand and warmly smiled at me.

"Thank you so much for everything. Sa pag-aalaga kay nanay at kay Uno noong mga panahon na wala ako. Maraming salamat." Aniya.

Umiling ako at sinuklian ang pag-hawak niya sa aking kamay. I held it firmly but carefully.

"No. Thank you, Evangeline. For showing me that there's still hope." I breathed.

"Of course, there's always hope. Kung ano man ang pinagdadaanan mo, alam ko na malalagpasan mo 'yan. Isa ka sa mga hinahangaan kong babae sa buhay ko... gusto ko lang malaman mo 'yon."

I scoffed and laughed. "We're being melo-dramatic. Especially you... something is really different about you, baka buntis ka ha?" Biro ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at natigilan. Napahawak siya sa kanyang tyan at napakagat sa pang-ibabang labi niya. Unti-unting nagkaroon ng konklusyon sa aking utak kaya muli kong hinigpitan ang hawak sa kanya.

Gumuhit sa kanyang mga mata ang kaba at kalituhan pero bakas din doon ang kasiyahan.

"You should have it checked." Suhestyon ko.

Tumango siya at tumayo.

Hindi ko alam pero wala sa sariling nilapitan ko siya at inalalayan. I'm not even sure if she's pregnant but something is telling me she is. With that, hindi ko mapigilan ang maalala noong mga panahong ako naman ang buntis, mga panahong ako lang mag-isa at walang katulong.

Time when I had to take care of my mom and myself. Doble ang ingat ko noon para kay Carlisle. Everytime mom would have her episodes, natatakot ako na may mangyaring masama rin sa anak ko.

I was so scared at that time. I have Georgina with me but she had responsibilities here in the Philippines, si Taw naman ay ga'non din at malinaw kay Taw noong mga panahon na 'yon na ayaw ko siyang nakikita. I was very sensitive at that time, pakiramdam ko ay bibigay ako tuwing nakakakita ako ng kahit anong may koneksyon kay Carl-- and Taw is his cousin.

"Okay lang po-- okay lang ako, hindi pa naman sigurado." Aniya.

Umiling ako at pinag-buksan siya ng pintuan. "I am sure, trust me you are. Balitaan mo ako agad kung ilang linggo na ha?"

Namula ang kanyang pisngi at bahagyang natawa.

"Pupunta ka mamaya ha? Sasabihan ko na si Uno na pupunta ka kaya wala ng urungan." Aniya at hindi na ako hinintay pang mag-salita.

Tinalikuran niya ako at nagmadaling naglakad palayo. I took a deep breath and smiled as I watch her walk away.

"Mommy, you look so good!"

Nanlambot ang puso ko nang marinig ang boses ng aking anak sa aking likuran.

Napatingin ako sa malaking salamin sa aking harapan. I'm almost not wearing any make-up on. I'm wearing a dress I bought four years ago and I thanked God because I still fit the dress. It's a backless cream colored dress paired with nude heels. My hair is slightly curled, enough to emphasize my short hair and the shape of my face.

"Oo naman, Carlito! Ganda-ganda ng mommy mo!" Ani Georgina habang bahagyang dinadagdagan ang kulot sa aking buhok.

I sternly looked at her but at the end, we both laughed. Napailing nalang ako at bahagyang nilahad ang kamay ko sa gilid para tawagin ang anak ko.

"Come here, baby." I called him.

Lumapit siya sa akin at pinatong ang maliit niyang kamay sa aking palad. Napangiti ako nang maramdaman ang kamay niya roon. Minsan, napapaisip ako kung kakayanin ko bang lumaki pa siya. Dahil sigurado akong pag dating ng oras na 'yon ay hindi na kami lagi magkasama.

Right now, he is showing how independent he could be. Just like his father, hindi siya mahirap kausap. He easily listens and responsible enough for everything I ought him to do.

He is with me all the time. He was my companion and my little angel. He was my strength. Sa kanya ko lahat hinuhugot ang lakas ng loob ko tuwing gusto ko ng sumuko. Kung wala siya, hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay ng ako lang habang inaalagaan ko si mommy.

Natigilan ako nang marinig ang cellphone kong tumunog. Kinuha ko 'yon at tinignan ang caller. Nag-salubong ang kilay ko nang makita kung sino 'yon pero sinagot ko pa 'rin.

"What do you need, Dos?" Tanong ko.

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Georgina sa buhok ko kaya napatingin ako sa kanya mula sa salamin pero nagkibit-balikat lamang siya at ngumiti ng matamis.

I saw Carlisle's face lit up.

"Is that Tito Dos, mommy?" Tanong niya.

I nodded and held his hands properly.

Sobra na siyang napalapit sa mga Montgomery. Especially to Adrian and Dos, talagang tuwing naririnig niya ang boses ng dalawa ay parang hindi na siya mapakali at gustong gusto na niyang magpa-buhat.

I stopped a bit when I heard Adrian's laughter from the other line.

Mas nag-kunot ang noo ko dahil doon.

"Adrian? Ikaw ba 'to? What do you need? Can you stop laughing? Nakakainis." Kalmado kong sabi pero nararamdaman ko na ang pag-akyat ng inis sa aking ulo.

Muli lamang siyang tumawa. I can also hear Dos cussing from the background.

"Ano ba? Hindi ka ba mag-aayos diyan? I'm sure you didn't call me just for you to laugh. I'm busy and I have a lot of things to do other than wait for you to get your sanity back, Adrian." Pigil inis kong sabi.

Mas lalo siyang humagalpak ng tawa na mas lalong nagpa-inis sa akin. Rinig ko ang pag-pipigil niya 'non pero sa huli ay matatawa lamang siya ulit.

Si Dos naman ay narinig kong nakikitawa rin sa kanya. Alam kong hiniling ko dati na makatawa ulit si Dos ng ganito pero parang gusto ko ng bawiin 'yon. He's good and happy but I don't think it benefited me at all.

"Nasaan ka?" Pigil tawang tanong ni Adrian.

Napabuga ako ng hangin at napaikot ng mata.

"You called to ask me that? Well to answer your question, nasa condo unit ako. Bakit?" May katarayan kong sabi.

"Whoa! Whoa! Chill, bestfriend! Bumabalik na ata ang dating Kathleen. 'Wag muna, ma-mimiss ko ata ang mabait na ikaw." Aniya sabay tawa muli.

He laughed and I waited. Hinintay ko muna siyang mahimasmasan, nahiya naman ako sa saya niya. Plus it seems like they are with someone also, nakakarinig ako ng ilang yapak at salita, hindi lang malinaw kaya hindi ko siguro kung kanino o sino ang mga 'yon.

I sighed. "Hindi ka mag-sasalita ng maayos? Ibaba ko 'to." Banta ko.

Narinig ko na natigilan siya at may ilang kaluskos sa paligid. Natahimik at tumikhim siya na nagpangiti sa akin. Sa wakas, nabuhusan na siya ng malamig na tubig.

"I'll fetch you. Paalis na ako sa bahay. Sinabi ni Uno na pupunta ka kaya walang urungan. Pupunta ka talaga ha? Hindi ka nag dadalawang isip? Is the old Kathleen back? Pareho kayong nag balik ha, pinag usapan niyo ba 'yan?"

He kept on blabbering and blabbering but I didn't understand a thing. Wala akong naintindihan maliban sa isang bagay na sinabi niya.

Pareho kayong nag balik ha.

Pareho...

Sinong kapareho kong bumalik? Is it Carl? Is he back?

Is he?

He is...

Naramdaman ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko. My heart stirred and my breathing got heavy. I had the urge to ask, to hear more about him but I didn't. Instead, I closed my mouth and closed my eyes.

Imahe ni Carl ang nasilayan ko sa aking pag-pikit at hindi nakatulong 'yon sa puso kong nag-wawala na. Paano pa kaya pag nakita ko na siya?

Will I still be able to breathe?

Anong sasabihin ko? Kakayanin ko bang titigan siya?

"Sunduin kita ha? Are you listening?" Rinig kong sambit muli ni Adrian sa kabilang linya.

Tumango ako at nag-mulat ng mata. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Georgina sa salamin.

"May magagawa ba ako?" Mahina kong tanong.

"Wala." Tugon ni Adrian.

I smiled. "If that's the case, wala na tayo dapat pag usapan. See you. Mag ingat ka." Saad ko sabay patay ng tawag.

Mabilis kong binaba ang cellphone ko at huminga ng malalim. Napahawak ako sa puso ko ay napabaling kay Carlisle na matamang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ang pag-kalma ng puso ko nang masilayan ko ang mga mata niya.

How ironic isn't? His father could bring chaos inside me while Carlisle can calm my nerves.

"Nasaan si Lola mo?" Tanong ko.

"She's resting, mommy. She got tired talking to Tito Dos and Tito Clyde a while ago." Aniya.

Tumango ako. "Okay, go to our room and sleep beside her. Mommy will go to a long time friend's birthday party. I'm not sure kung maaabutan pa kitang gising so I'll tell you my goodnight na ha?" Malambing kong sabi sa kanya habang si Georgina ay inaayos ang buhok ko.

Napayuko siya at napanguso.

He held my hand firmly and looked back at me with a hopeful expression.

"Can I come, mommy? I'll behave, I promise."

Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Ramdam ko rin na natigilan si Georgina dahil lumayo siya sa aking buhok at binaba sa gilid ang pang-kulot niya ng buhok.

I took that as an opportunity to face my son. Inabot ko ang kanyang mukha at marahang hinaplos.

"Next time, baby. I promise to bring you next time. Puro adults lang kasi ang pwede roon. Pero next time I promise to let you meet them. For sure you'll have fun with them, you'll have a great time and you'll meet a lot of people." You'll probably like them. Maybe even live with them.

Because you're part of them.

Inabot niya ang nakahawak kong kamay sa kanyang mukha at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Binaba niya ang kamay ko at hinawakan ang mukha ko gamit ang maliit niyang mga kamay.

Pinagdikit niya ang aming mga noo at marahang tumango. He hugged me tightly and I hugged him back.

"I'm sorry, baby." Mahina kong sabi at naramdaman ang pag babadya ng mga luha ko pero buong lakas kong pinigilan ang mga 'yon.

Mas niyakap ko pa siya at pinikit ang mga mata ko. Dinama ko ang kanyang yakap, ang kanyang maliit na kamay na nakapa-ikot sa aking leeg at ang kanyang ulo na nakapatong sa aking balikat.

He is my treasure.

Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Magkakahiwalay ba kami pag ginawa ko 'yon? He deserves to know, he deserves to be with them but a part of me is telling me that I can't come with him in that part of his life.

"It's okay, mommy. Nag jo'joke lang naman ako. Ayoko naman talaga sumama, antok na kaya ako. 'Wag ka na po sad." Aniya.

"Hay nako! Maniwala ako sa'yo, Carlito! Pinapagaan mo lang ang loob ng mommy mo 'e!" Singit ni Georgina.

Rinig ko ang pag daing ni Carlisle at ang pagkalas niya sa aming yakap. Mabilis kong pinunasan ang ibabang parte ng aking mga mata at laking pasasalamat ko nang walang bakas ng pagkabasa iyon.

"Hindi kaya, Tita G! Totoo kaya na joke ko lang 'yon." Depensa niya.

Napangiti ako habang pinapanuod siyang depensahan ang kanyang sarili. My eyes watch every movement from his lips, his eyes and his hands.

I'll never get tired watching him.

"Oo na! Mag goodnight ka na sa mommy mo at matulog ka na roon. Kung hindi, bahala ka... forever ka ng small." Banta ni Georgina kaya binalingan ko siya ng tingin at binigyan ng isang matalim na titig.

Nag taas siya ng kamay at umupo sa sofa. She crossed her legs and reached for her phone. Mabilis akong napatakip ng mukha nang mag ang camera ng kanyang cellphone at kinuhanan ako ng litrato.

Natawa nalamang ako nang hindi siya tumigil at muling hinarap ang anak ko.

"Goodnight, baby ko. Sleep ka na ha? Don't stay up too late." Saad ko sabay haplos sa kanyang buhok.

Tumango siya at tumingkayad para bigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi.

"Goodnight, mommy ko. You take care. Enjoy ka po." Aniya at binigyan ako ulit ng yakap.

Hindi naman nag tagal 'yon at mabilis din kumalas sa akin. Sunod siyang tumakbo kay Georgina at binigyan ito ng halik sa pisngi bago tumakbo papunta sa kwarto namin at lalo akong napangiti nang marinig ko ang lock 'non.

Nilingon ko si Georgina at kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Napahawak siya sa kanyang pisngi at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa kanyang ekspresyon.

I get it, I understand. Dati kasi ay ayaw nag papakita ni Carlisle ng affection sa kanya, lagi silang nag aaway at nag aasaran kaya bago ito para sa kanya.

"Alam mo, may realization ako." Aniya at bumalik sa pwesto.

Prente siyang sumandal sa sofa at tinignan ako na para bang napaka-halaga ng realization niyang 'yon.

"Ano?" Tanong ko.

Napatayo ako at sinipat ang aking sarili. Pinasadahan ko ng aking kamay ang aking dress at napangiti nang maramdaman ang tela 'non.

It's a flowy dress, sumusunod ito sa bawat galaw ko. Naaasiwa nga lang ako dahil backless ito, hindi na ako sanay na nag susuot ng mga ganito at maliit pa ang buhok ko kaya naman kitang-kita talaga ang aking likuran.

"Dati noong wala ka rito sa Pilipinas. Laging magulo pag ka-meeting ko ang Montgomery Corporation. Having Adrian, Carl, Uno and Dos in the board room, damn headache. Lalo na si Papa Carlito, parang laging pasan ang mundo, tuso at wala sa mood palagi." Aniya.

Natahimik lamang ako sa kanyang sinasabi at napabuntong hininga. Nanikip ng husto ang puso ko at nag bara ang aking lalamunan.

I don't know if I want to see that part of him. The part where he's miserable because of me. Parang ayoko makita kung gaano ko siya nasira, kung paano ako naging dahilan ng pagiging ga'non niya.

"But for the past few days, everything is peaceful." Dagdag niya.

Napalingon ako sa kanya. "What do you mean?"

She smiled and shook her head. Napapikit siya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang braso.

"Wala naman. You'll see for sure." She almost whispered.

"Ang masasabi ko lang ay, bumalik na ang hangin na papatay sa apoy."

Apoy...

Hangin.

"Oo na! Ito na! I'm almost there, Adrian. Bakit ka ba nag mamadali? Ang naka-saad sa invitation ay nine o'clock ang party. It's freaking seven o'clock!" I exclaimed while waiting for the elevator to open.

Nang sa wakas ay bumukas ito, nag madali akong lumabas doon at tinungo ang labasan ng lobby kung saan sinabi ni Adrian na mag hintay ako.

I slightly fixed my hair and took a deep breath while standing in front of the building. Ramdam ko ang lamig ng gabi habang mahinang umiihip ang hangin.

"Of course dapat maaga tayo! We're family, it is only right that we're earlier than the visitors." He pointed out like it is the most normal thing in earth.

I rolled my eyes but smiled...

"Family ka diyan! Pasalamat ka at pamilya ang turing ko kay Tita Pin. Nasaan ka na ba? Akala ko ba nandito ka na? Sinabi mo lang ba 'yon para bumaba na ako?" Sunod-sunod kong tanong.

Rinig ko ang mabilis na pag-ikot ng steering wheel sa kabilang linya pero bago pa ako makapag-salita ay may tatlong sasakyan na tumigil sa aking harapan.

I took a step back from the intimidation I felt. Three cars stopped and I'm sure that the these are the Montgomerys.

Bumaba ang bintana ng una at pangatlong sasakyan. Adrian is driving the first car while Dos is driving the third. Kita ko ang saya sa kanilang mga mukha na nagpa-inis sa akin dahil halatang kanina pa nila akong pinag-titripan.

Now, I wonder... why are they so happy?

"Looks like, nag balik ka na talaga." Ani Adrian sa kabilang linya habang nakatingin sa akin.

I scoffed and laughed. "Ewan ko sa'yo. Nag dala ka pa talaga ng back up?"

He shrugged and looked back to the second car. He pressed the car's horn which caused me to slightly step backwards again.

Show off!

"I need to make sure na sasabay ka kaya dapat may back up." Aniya at muling pinindot ang horn ng sasakyan niya.

Bahagya akong napapitlag dahil doon.

"What are you doing? Nababaliw ka na ba? Stop pressing it. Sasakay na ako sa kotse mo. Manahimik ka na. Nice suit by the way." Saad ko at akmang mag lalakad na palapit sa kanyang kotse ng napatigil ako.

The middle car's door opened and I almost drop my phone when I saw the person inside it. Adrian and Dos' laughter didn't help. Nanlambot ang aking tuhod at kinailangan kong mag hanap ng suporta pero tanging pag lunok lamang ang aking nagawa.

His presence was enough to stop my world from spinning, to make my heart feel like it's compressing and it's enough to make me weak but alive at the same time.

Sa kanyang presensya ay naglaho lahat. Tanging siya nalamang ang nakikita ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. He is wearing his usual suit but it feels different. He doesn't have any stubble anymore and his hair looks neatly done, he looks fine and damn good looking.

He is back.

Totoo nga ang sinabi ni Adrian. Bumalik na siya. Hindi lamang basehan ang itsura niya kung hindi ang buong presensya niya. Hindi mabigat at tulad lamang ng dati...

The presence that would make you feel safe.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at napahawak siya sa kanyang batok.

"I might melt." Aniya.

My lips parted and my eyes darted away from him. Hindi ko alam pero umakyat ang inis sa ulo ko kaya mabilis ko siyang nilingon muli.

Isang masamang tingin ang ginawad ko sa kanya at nag martsa palapit sa kanyang kotse. I opened the car beside the passenger seat but stopped to look at Adrian who's trying to watch what's happening.

Nakadungaw siya sa bintana at kita kong hindi niya alam ang gagawin nang tignan ko rin siya ng masama.

"Sasakay na ako. I won't run away. Stop looking at us." Inis kong sabi at mabilis na sumakay ng kotse ni Carl.

I was about to reach the car's handle when Carl stopped me from doing so. Pumagitna siya sa pintuan at sa akin. He leaned closer and closer until we only have an inch apart. Halos maduling ako sa ginawa niyang pag-lapit pero wala naman akong magawang sabihin para pigilan siya.

I'm drowning from looking at him and I'm scared on what will happen next, may magagawa pa ba ako para pigilan ang pagkalunod?

"Galit ka ba sa akin?" Mataman niyang tanong.

Nag taas ako ng kilay. "Hindi. Bakit naman ako magagalit sa'yo? May ginawa ka ba na dapat kong ikagalit?"

Kita ko ang pag-kunot ng kanyang noo. Napahawak siya sa headboard para suportahan ang kanyang sarili. Napauron ako dahil doon pero nilapit niya lamang ang sarili niya.

Isang hampas mula sa aking puso ang naramdaman ko. I feel like my brain is giving my heart a warning but my heart is not accepting it.

"I don't think so. Wala naman akong naaalalang may ginawa akong masama sa'yo na dapat mong ikagalit." Puno ng alinlangan niyang tugon.

I smirked. "Oo naman, wala talaga. I didn't see you for the whole week so how could you? Ano 'yon, anino mo ang gumawa ng kasalanan? I didn't even see your shadow. So wala talaga, walang wala." Tugon ko habang pinipilit na ngumiti.

I'm not even sure if any of the things I said make sense. Basta ang alam ko lang ay naiinis ako at gusto kong makita niya ang frustration ko for the whole week!

He needs to be responsible for it!

No!

He doesn't!

He shouldn't be responsible for anything. Hindi... wala... ano ba 'tong ginagawa ko?

This is not right! Hindi dapat. Anong pinagsasabi ko? Damn! Bibig na naman bago utak! Kathleen! Isip please! Huminahon ka!

Sa kalagitnaan ng kalituhan ko ay inabot niya ang kamay ko at marahang nilapat ang palad ko sa kanyang dibdib. Napasinghap ako dahil doon pero nanglambot lamang ang puso ko habang ang mga mata niya ay matamang nakatingin sa akin.

"I'm sorry. Hindi ako nag pakita kasi--"

"You don't have to explain anything--"

I cut him off but he cut me too by planting a kiss on my lips. Mabilis at mababaw lamang 'yon pero sapat na para matunaw ang lahat ng pader na binuo ko para sa sarili ko. Lahat ng pag hahanda ko ay nag-laho ng parang bula.

Inangat niya ang kamay kong naka-lapat sa kanyang dibdib at nilagay 'yon sa kanyang mukha. Dinama niya 'yon at malambot ang mga mata niya akong tinignan. Tulad ng tingin na lagi niyang binibigay sa akin.

This isn't the first time he gave me this look since we saw each other again but this is the first time from his old self.

"I need to. Pakiramdam ko kailangan ko magpaliwanag at gusto ko rin. I didn't see you for the whole week because I was working on myself. I want to be completely okay before facing you. Gusto ko wala na akong bagahe at maayos na ako pag nag-kita tayo ulit. I am ashame of myself, nagawa kong pag sabihan ka ng mga bagay na hindi tama, forgive me. I can't imagine myself facing you with that version of me again. Now I want to take responsibility of my actions."

Hindi ko alam na may ika-sasabog pa ang puso ko. I looked at him the way I want to since the day I saw him again. Somehow I got lost, I felt like my inhibitions went away and all my fears were gone.

I keep on pushing my guard up but I can't. Nawala sila ng tuluyan dahil nalunod na ako sa mga tingin niya.

"Forgive me, love." He whispered and kissed my palm.

Umiling ako at naramdaman ang luhang nag babadya.

"I'm sorry, Carl." Puno ng kabuluhan kong sabi.

Naramdaman ko ang pag-patak ng isang luha sa aking mga mata at mabilis siyang niyakap. An image of Carlisle flashed in my mind while hugging him. For sure, he'll love him so much...

Nanakit ng sobra ang puso ko at mas niyakap pa siya nang maramdaman kong niyakap niya ako pabalik ng higit pa sa hinihingi ko.

He comforted me through his hugs and I never felt so okay...

"I'm sorry." I whispered again.

Umiling siya at marahang inabot ang buhok ko. Hinaplos niya 'yon at naramdaman ko ang pag-dampi ng kanyang labi sa gilid ng aking noo.

"Let's stop saying sorry..."

I'm sorry.

Forgive me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top