Page 30

Hi to the both of you :
I read every comment from the past chapter and a lot were worthy to be highlighted but for now, I'll highlight these two comments about Kath and Carl individually. The comments were about the two... both have something that they're fighting for. Thank you for sharing your thoughts, I enjoyed a lot in reading them. Marami rin akong natutunan, sobra.





Breathe again

"Carl, anong nangyari diyan sa kamay mo?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Pin nang pumasok kami sa kusina.

They were already eating when we entered the kitchen. Lahat sila ay napatigil sa pagkain at napalingon sa amin. Napayuko nalamang ako at hinayaan si Carl na sumagot para sa sarili niya.

"Hon! What happened?"

Hindi ko alam pero parang nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses ni Hazel. Kahit ayaw ko ay napaangat ako ng tingin at nakitang halos takbuhin niya ang distansyang mayroon sila ni Carl.

Mabilis siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay. Pinakatitigan niya iyon at inalis ang panyong tinali ko. Mapait akong napangiti at iniwas ang mga mata ko sa kanila. Sa pag-lihis ng mata ko ay napatingin ako kay Adrian na nginitian ako. Tinapik niya ang upuan na katabi niya at sa tabi naman 'non ay si Tita Pin.

Tumango ako at humakbang patungo roon pero bago pa man ako maka-dalawang hakbang ay may humawak na sa kamay ko para pigilan ako.

Maagap akong napalingon sa taong 'yon at nakita si Carl na masinsinan akong tinitigan habang ang kanyang kamay ay nakahawak sa akin. Nanglambot ang puso ko dahil doon pero napatingin din ako kay Hazel na bakas ang sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Carl.

Napalunok ako at inabot ang kamay ni Carl para unti-unting alisin sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko na tinignan pa ang reaksyon niya dahil hindi ko kakayanin na makita siyang masaktan pa.

"Kumain na kayo rito." Ani Tita Pin.

"Yeah, come..." dagdag ni Adrianna.

I heard Agatha laughed. "Oh, may gagamot na sa kamay mo. 'Wag mo ng pilitin si Ate Kath na gumamot niyan. May girlfriend kang doktor." Sarkastiko nitong saad.

"Agatha." May pag babantang tawag sa kanya ni Adrianna.

"What? Wala naman akong sinabi na mali." Depensa niya at muling tumawa.

Napatingin ako sa kanya at kita ko ang pag-kindat niya sa akin. Napakagat ako sa aking labi at hindi nalang nag-salita. Tinungo ko na ang katabing upuan ni Adrian at umupo sa gitna nila ni Tita Pin.

Tita Pin hurriedly placed some food on my plate. Inasikaso niya ako at ngumiti lamang ang nagawa ko habang ginagawa niya 'yon.

"Tita, that's too much. Hindi ko po mauubos 'yan." Sabi ko habang pinapanuod siyang lagyan ng pagkain ang pinggan ko.

Umiling siya at nginitian ako. "You deserve to eat this much. Tignan mo naman, ang payat-payat mo. Hindi ka ba nakakakain ng maayos? Dapat siguro ay madalas kitang ipasundo kay Adrian at ipag-luluto kita ng maraming pagkain."

"Tita... it's okay. Nakaka-kain naman po ako ng maayos. Believe me." Tugon ko.

She shrugged and slightly fixed my hair while looking at me intently. Kahit naiilang ako ay pinilit kong kunin ang kubyertos at mag-simulang kumain.

Tita Pin watched me while eating. Maya't maya ay pagsisilbihan ako tulad ng pagkukuha niya ako ng tubig o pupunasan ang gilid ng bibig ko. My heart melted because of her actions, nagpapasalamat din ako dahil hindi ko na nagawang pagtuonan pa ng pansin si Carl at Hazel.

Minsan ay mapapatingin ako sa kanila pero bago pa tuluyan tumama ang mga mata ko sa kanila ay iiwas ko na at titingin nalang muli kay Tita Pin.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makita sila, dati ay okay naman sa akin... alam ko na kakayanin ko dahil mahalaga sa akin si Carl at mas nangingibabaw sa akin ang saya na may nag-aalaga sa kanya pero pagkatapos ng mga sinabi niya sa may dalampasigan... hindi ko na alam.

Hindi ko na alam ang dapat maramadaman ko o ang dapat gawin.

"Excuse me, I have a call that I need to answer." Ani Evander Claveria.

Tumayo ito at lumabas ng kusina. Kita kong sinundan siya ng tingin ni Adrianna at bakas sa kanya ang pag-aalala. Hindi ko mapigilan ang mapaisip kung gaano sila kasaya ngayon, they are together... plus they have their children, okay naman ang buhay nila at parang wala na silang mahihiling pa.

How nice would that be?

To find that someone who you'll spend your life with. To build a family with that someone and there won't be anything that could seperate the both of you.

To have all the right to care for and love that someone, to hold and touch that someone...

Natigil ang pag-iisip ko nang pumasok muli si Evander at mabilis siyang bumalik sa tabi ni Adrianna. Agad naman hinaplos ni Adrianna ang pisngi ng asawa niya at ngumiti sila sa isa't isa.

"Claveria, okay na ba ang mga Harris Helicopters? Makakarating daw ba sila ngayong gabi? Nahiya naman ako na inuna mo pa si Ate Adrianna kay'sa ibalita sa amin ang Helicopters." Singit ni Agatha sa kanilang dalawa.

Bahagyang humalakhak si Evander at inabot ang kamay ni Adrianna na nakahawak sa kanyang mukha. He looked at her lovingly and slightly put their hand down. Binalingan niya ng tingin si Agatha at tumango.

"They will. Okay naman daw ang weather forecast kaya walang problema." Ani Evander.

Tumango si Agatha at sumimsim sa kanyang inumin.

"Nag-aalala ka bang may ibang katabi si Markus sa kama niyo mamayang gabi--"

Hindi na natuloy ni Adrian ang sasabihin dahil nabuga ni Agatha ang inumin niya sa mukha mismo ni Adrian.

Agatha is sitting across Adrian...

"Kuya! Kasalanan mo 'yan kaya 'wag mo akong sisisihin." Matiim nitong banta nang makitang mag tagis ang bagang ni Adrian.

Napatakip ako ng bibig para mag pigil ng tawa. Napapikit lamang si Adrian habang basang basa ang mukha niya. Inabot naman ni Adrianna ang tissue sa kanya pero hindi niya kinuha 'yon dahil abala pa siya sa pag pipigil ng inis.

"Ako na..." bulong ko at kinuha ang tissue mula kay Adrianna.

Kahit natatawa ay pinunasan ko ang mukha niya. Pilit niya pang iniiwas 'yon pero hinawakan ko siya sa pisngi at hinarap sa akin. Nakangiti ko siyang pinunasan at hindi na rin niya napigilang kumawala ang ngiti sa kanyang labi.

Inabot niya ang tissue mula sa akin at kinuha 'yon pero inagaw ko 'yon sa kanya. Sumimangot siya at pinagpatuloy ko lamang ang pag-punas.

"'I'll go out." Ani Carl at mabilis na tumayo para makalabas.

Natigilan kaming lahat sa ginawa niyang pag-tayo at pag-alis. Sinundan namin siya ng tingin pero wala man sino sa amin ang pumigil sa kanya. Hazel stood up too and followed him without saying anything. Sandali niya pa akong tinignan pero wala naman siyang sinabi, tingin at pag-iwas lamang ang ginawa niya.

"Ako na, Kath." Ani Adrian at tuluyan ng inagaw sa akin ang tissue.

Hindi ko alam pero hinayaan ko nalang siyang mag punas sa sarili niya. Nanikip ang puso ko at bahagyang nakaramdam 'yon ng lungkot at...

Hindi ko matukoy...

Pero may iba pa 'yon nararamdaman.

Tumikhim si Agatha at isang pekeng tawa ang lumabas mula sa kanya.

"Matuto kang mag salita ng maayos, kuya. For your information hindi 'yon ang iniisip ko dahil una sa lahat, hindi magagawa ni Markus 'yon. Takot lang niya 'no, barilin ko siya 'e. Pangalawa, ang iniisip ko ay ang anak ko. Palibhasa kasi, you don't have someone with you kaya nagagawa mong sabihin 'yan. Why don't you settle down and try getting a life. Hindi ka ba nahihiya na naunahan pa kita? Oh please, sana unahan mo naman si Angelo." Mataray nitong sabi at sinamaan ng tingin ang kuya niya.

Adrian made a face but Tita Pin warned him. Natawa nalamang kami dahil sumimangot si Adrian, hudyat ng pag-suko niya kay Agatha. Tumingin sa akin si Adrian, nanghihingi ng tulong pero tinawanan ko lamang siya kaya mas lalo siyang sumimangot pero sa huli ay tumawa rin.

Ang gabi namin ay napuno ng tawanan at kwentuhan. Hindi na rin nag tanong si Tita Pin tungkol sa nakaraan ko, marahil ay nakalimutan niya 'yon panandalian pero nag papasalamat ako dahil hindi siya nag tanong. Hindi ko alam kung handa na ba akong ikwento lahat...

Kaya ko naman pero hindi muna ngayon. May tamang panahon para sabihin ko ang lahat ng nangyari. Hindi ko pa kayang buksan ang parteng 'yon ng buhay ko. Pero alam ko, darating din ang araw na mag tatanong siya, darating din ang araw na sasabihin ko ang lahat, hindi lang sa kanya kung hindi sa kanilang lahat din.

Tita Pin took care of me until we reached Manila. Ang resort ay sa Bataan matatagpuan kaya ang pinakamadaling sakyan ay ang helicopter nila. Gusto ko na rin makauwi agad dahil nag-aalala na ako sa pamilya ko.

For sure, Carlisle is looking for me already.

Ang kasama ko sa loob ng helicopter ay si Adrian, hindi ko na nakita si Carl kahit noong lumabas kami ng bahay para puntahan na kung saan bumaba ang mga helicopter. Marahil ay nauna na sila ni Hazel...

Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng lungkot o ano pa man dahil hindi naman ako mag sisinungaling sa sarili ko, kaya kong itago ang nararamdaman ko para sa kanya mula sa kanilang lahat pero hindi sa sarili ko.

I want to see him of course, kahit sa malayo lang ay sapat na sa akin.

"Mommy... are you okay?"

Napabaling ako ng tingin sa anak ko na bahagyang kinukusot ang mata.

Tumango ako. "Of course, may iniisip lang si mommy." Tugon ko.

Tinulungan ko siyang humiga ulit at bahagyang hinila palapit sa akin para mayakap. Bahagya kong tinapik-tapik ang kanyang binti para bumalik siya sa pag-tulog.

"Go back to sleep, baby. Maaga pa ang pasok mo bukas. I promise to bring you to school tomorrow." I whispered.

I saw my son's smile from the dark which made my heart flutter.

Kung tutuusin ay pareho sila ng ngiti ni Carl. Pero kailan nga ba nang huli kong makita ang ngiting 'yon? It's a long time already yet I can still picture it from my memory.

"Promise mommy?" Pahina na ng pahina ang boses niya, bakas na inaantok na siya ulit.

Tumango ako at binigyan ng halik ang noo niya.

"I promise." I whispered and gave him one more kiss.

I heard his deep breath and I smiled because of it. Tinuloy ko lamang ang pag-tapik sa kanyang binti at nang masigurado kong tulog na tulog na siya ay inabot ko ang kumot at inayos 'to, sapat lamang para maprotektahan siya at si mommy sa lamig.

Pinagmasdan ko silang dalawa at natunaw ang puso ko habang ginagawa 'yon. My son and my mom is sleeping soundly and peacefully. Walang sagabal at ligtas, wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi manatili silang ganito sa aking tabi. Gagawin ko ang lahat para wala ng gumulo pa sa amin.

I was about to sleep beside them when my phone beeped.

Inabot ko 'yon mula sa aking bed-side table at binasa ang mensaheng nakita ko roon.

I'm outside your condo unit's building. I won't go inside your unit, I'm just inside my car. Can I see you? - Carl M.

Mula sa kalmado kong puso ay unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Napabaling ako ng tingin kay Carlisle at napasandal sa headboard ng kama. Ano ba ang tamang emosyon na maramdaman ngayon? Dapat ba ay matuwa ako dahil makikita ko siya?

Tama ba 'yon?

Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone at nag tipa ng isasagot ko.

Umuwi ka na.

Parang ako ang nasaktan para sa kanya dahil sa aking sagot. Pero kailangan dahil kung hindi ako hi-hindi ngayon, baka hindi ko na magawa 'yon kahit kailan.

Matapos kong ma-ipadala 'yon, hindi lumipas ang ilang minuto ay tumatawag naman siya.

Sandali kong tinignan ang anak ko bago ako tumayo at lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang cardigan ko sa may sofa at tinungo ang pintuan pero bago ko hawakan ang seradura nito ay napatigil ako. Napatingin ako sa cellphone kong patuloy na tumutunog at napaurong, ramdam na ramdam ko sa utak at puso ko ang pag tatalo.

I shouldn't...

I should say no.

But I'm worried about him. Gabi na, dapat ay nakauwi na siya sa mga oras na 'to, wala siya dapat dito.

It's already past twelve o'clock...

I bit my lower lip and closed my eyes. I can just not go. I can ignore him, pwede kong gawin 'yon pero hindi kaya ng puso ko.

Damn it.

Tuluyan ko ng inabot ang seradura at pinihit 'yon para mabuksan ko ang pintuan. Sinuot ko ang cardigan ko at sinara ang pintuan. Muli akong napatingin sa cellphone ko na tumutunog pa rin kaya binulsa ko iyon. Nagmadali akong nag-lakad papunta sa elevator at bumaba ng building.

Halos takbuhin ko ang palabas ng building at hindi nga ako nag kakamali sa nararamdaman ko. As I lay my eyes on him, my heart bursted with so much emotions. Tulad ng laging nangyayari ay nanghina na naman lahat ng toreng binuo ko palibot sa akin para ma-protektahan ako sa kahit sino.

He's standing in front of his car. Naka sandal siya sa may pintuan habang ang mga mata ay nasa cellphone niya. Marahil ay narinig niya ang pag-tunog ng cellphone ko kaya napaangat siya ng tingin. Kita ko ang pag-silay ng ngiti sa kanyang labi na nag palaglag ng puso ko.

Pinatay niya ang tawag at binulsa ang kanyang cellphone. Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at ilang hakbang ang kanyang ginawa para malapitan ako. Without saying anything, walang sabing niyakap niya ako ng mahigpit. Napasinghap ako at bumagsak na ng tuluyan ang lahat ng depensa ko.

"Now I can breathe again." He whispered while still hugging me.

I closed my eyes and let him hug me.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

Ramdam ko ang pag iling niya habang yakap-yakap ako.

"Kanina hindi..." tugon niya.

Tumango naman siya at bahagyang lumayo sa akin para tignan ako. Inabot niya ang aking pisngi at marahang hinaplos 'yon. My eyes went for his and I can't help but to give him a faint smile.

"Ngayon okay na." Aniya.

Tumango ako at inabot ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi at binaba 'yon. Akmang bibitawan ko na ang kanyang kamay nang mabilis niyang kunin ang aking kamay at mahigpit na hawakan 'yon.

Hinila niya ako papunta sa kanyang kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Hindi ako sumakay at nanatiling nakatayo lamang sa harapan 'non, nag tatanong ang aking mga mata nang balingan ko siya ng tingin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hindi tayo aalis. Sasakay lang tayo sa loob. Baka kasi lamigin ka." Aniya.

Hindi pa man ako nakakapag-salita ulit nang i-angat niya ang kamay niyang naka-benda pa rin gamit ang panyong ginamit ko kanina.

Napaawang ang labi ko. "Hindi mo pa rin napapalinis 'yan?"

Parang bata siyang umiling at mas nilawakan ang pag-bukas sa pintuan ng kotse. Napabuntong-hininga ako at pumasok nalamang.

He closed the door beside me and his smile didn't escape from me. Pinanuod ko lamang siyang pumunta sa aking tabi. He went inside and sat on the driver's seat. He reached for something at the back seat, napailing nalamang ako nang makitang first aid kit 'yon.

Inabot niya 'yon sa akin at pinatong ang kamay niya sa aking kandungan.

"You're really something, Carl." I barely said while reaching for his hand.

Tinanggal ko ang pagkakabenda 'non at ginawa nalamang ang hindi ko dapat ginagawa. I want to speak more, to tell him to go home or go to his girlfriend, kayang kaya naman siyang tulungan ni Hazel sa mga sugat niya.

But I didn't.

Hindi ko ginawa dahil natatakot akong may sabihin na naman siyang magpapatahimik sa akin, baka may sabihin na naman siyang magpapasuko sa puso ko.

Baka mamaya, hindi ko na talaga kayanin at tumakbo nalang ako pabalik sa kanya.

"You know..." he started.

Hindi ko siya tinignan at tinuon nalamang ang atensyon ko sa pag-gamot sa kanyang kamay.

"Buong buhay ko, hati kami ni Adrian at Uno sa lahat. I'm fine with everything, sila ang katulong ko sa lahat ng bagay. I was able to reach what I am now with their help. Kahit noong ayaw ko ng magpatuloy sa pamamahala ng mga business namin, silang dalawa ang pumilit sa akin na ituloy."

He stopped.

Napatigil din ako dahil doon at bahagyang hinipan ang kanyang sugat. Sandali ko siyang tinignan pero napaiwas din ako agad dahil hindi ko kinaya ang kanyang malulungkot na mga matang nakatigin sa akin.

I focused again on his wound and continued cleaning it.

"Pero alam mo, pag ikaw na ang pinag uusapan. Naiinis ako kay Adrian. I really want to punch him everytime he's near you. I want to drag him away from you. Kung pwede lang, sa malayong malayo ko siya hilahin para kahit kailan ay hindi na siya makalapit sa'yo."

Napalunok ako mula sa aking narinig.

How can he say all these things to me. It's very unlikely of him to say everything he feels. Naaalala ko noon, he's very reserved, pili lamang ang kanyang mga sinasabi. Yes, he admits his feelings towards me but not this open.

Right now, I feel like he's opening everything to me.

"Tulip asked me kung hindi ba ako nababahala kay Taw. They told me that he was with you all this time. All these years. Always. But you know what? I'm not. Mas takot pa akong maagaw ka ni Adrian kay'sa ni Taw."

Inalis niya ang kamay niya sa aking kandungan na nagpatigil sa akin. Napilitan akong tignan siya dahil doon at bumungad sa akin ang ngiting mayroon siya.

He slightly leaned towards me. Bahagya akong napaurong pero hinawakan niya ako sa likod at muling nilapit sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib para hindi ako tuluyang dumikit sa kanya.

"Ask me why..." he said with so much intensity.

Hinanap ng mga mata niya ang mga mata ko.

"Why?" I finally asked when our eyes met.

"Because I know if you'll choose Taw then you should have done it years ago." May kayabangan niyang sabi.

Napaiwas ako ng tingin pero ang kanyang isang kamay ay inabot ang kaliwang pisngi ko para magtama muli ang mga mata namin.

"In Adrian's case, alam kong hindi mo rin naman siya pipiliin but I really hate how you care for him. Basta naiinis lang ako. Ayoko kayong nakikitang magkasama."

"You're too sure..." I breathed.

A smile formed again on his lips and nodded. Pinagdikit niya ang aming mga noo at pumikit. Pinagmasdan ko lamang ang kanyang mukha habang nakapikit siya, nakaramdam ako ng kagustuhang hawakan siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Sa ngayon, sapat na ganito lang muna.

Kahit tignan ko lang siya ng malapitan ay okay na ako. Sobra-sobra pa sa hiling kong matignan siya mula sa malayo.

"You didn't accept me a while ago but I know you still love me. Wala ka rito ngayon kung hindi. Kilala kita, pag ayaw mo... ayaw mo. Walang makakapilit sa'yo. Knowing you still care for me, I'll work hard for you to accept me again. Wala pa akong pinagpapaguran na hindi ko nakukuha."

He opened his eyes and planted a kiss on my lips.

"You're holding my heart and I'll do everything to hold yours, love." He said and kissed me again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top