Page 29

Hi to the both of you :
I am an unexperienced romance writer, alam 'yan ng nakakarami so what I do is I watch movies and kdramas, listen to my friends or family's love stories, I also read comments, each and every comment, mula sa mga komento niyo... natututo ako kung ano ba yung maaaring maramdaman talaga ng totoong tao sa sitwasyong sinusulat ko. I want my characters to be as real as possible and your comments helped me a lot in writing this chapter. So thank you, love love.

Accept

"Carl, ako nalang." Mahina kong sabi.

Sinubukan kong agawin ang paa ko mula sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Mahigpit niya 'yong hinawakan ng mahigpit na naging dahilan ng pag daing ko.

Ramdam ko ang mabilis niyang pag-luwag sa hawak niya at hinagod 'yon para mawala ang sakit. Napapikit ako at hinayaan nalamang siya sa ginagawa niya.

Minasahe niya 'yon at hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil doon.

His touch...

Hindi nakakatulong ang pag hawak niya sa akin para makapag-isip ako ng tama. My mind is all over the place.

I can't think of anything, I can't breathe properly and my heart is just going around, beating so fast like it would burst anytime.

"Baka hinahanap na tayo sa loob. Mag di-dinner na." Subok kong pag-agaw muli pero muli lamang niya 'yon binalik sa ibabaw ng kanyang tuhod.

Nasa may labas kami ng bahay, may bench sa gilid ng pintuan at doon niya ako pinaupo para masahihin ang paa kong bahagyang natapilok kanina.

"Hindi ko naman ginusto 'to. Sino bang tanga ang hindi tumitingin sa dinadaanan niya? If you were just paying attention, you wouldn't end up this way." He said with so much annoyance.

Hindi man lang niya ako tinignan. Nakatingin lamang siya sa paa ko at seryosong minamasahe 'yon. Nakaupo siya sa harapan ko habang nakatukod ang paa, nakapatong ang paa ko sa kanyang tuhod at parang manlalambot ang puso ko dahil doon.

Nakakunot ang kanyang noo at parang inis na inis. Sa totoo lang, dapat ay masaktan ako sa sinabi niya. Nakakasakit talaga ng damdamin lalo na kung mula sa kanya galing. Dahil alam ko, kailanman ay hindi magagawang sabihin ng kilala kong Carl 'yon.

Pero iba na siya...

I can't expect him to treat me nicely after everything.

But I can't help but to feel happy.

Masaya? Masaya dahil taliwas sa kanyang pananalita at mga sinasabi ay nandito siya sa harapan ko, inaalagaan ako kahit hindi kailangan.

Maingat ang kanyang bawat hagod. Umupo nalamang ako ng maayos at pinanuod siya. Ginamit ko ang pagkakataong ito para pagmasdan siya. Isang bagay na gustong-gusto ko gawin simula noong mag kita kami muli.

Umihip ang hangin at bahagyang gumalaw ang mga puno. Kasabay 'non ay ang pag kabog ng dibdib ko. Ang aking mga mata ay pinagmasdan ang kanyang buhok na wala sa ayos... though it didn't make him look less handsome. Mula sa kanyang buhok ay bumaba ang tingin ko sa kanyang noo na hindi alam kung mag pipirmi ba o hindi.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob pero inangat ko ang aking kamay at hinawakan ang kanyang noo. I touched it lightly and we both stopped from moving.

Even breathing... for a second.

My right hand is still on his forehead when he looked back at me. Naalis ang pagkakakunot 'non at umaliwalas ang kanyang mukha. He didn't smile but his angry expression vanished.

Sapat na 'yon.

Marahan akong ngumiti at inalis ang kamay ko pero laking gulat ko nang mabilis niyang hinuli iyon at hinawakan. Napaawang ang aking labi sa kanyang ginawa kaya napilitan akong tignan siya muli sa mata

Ga'non pa rin ang ekspresyon niya.

Expressionless.

Despite of his expression, mahigpit ang kanyang pagkahawak sa akin. Sapat ang higpit 'non para mawala ng tuluyan ang puso at kaluluwa ko. Hindi ko alam pero mas lalo akong nabaliw nang ilapat niya ang palad ko sa kanyang dibdib kung saan nakatapat ang puso niya.

Kita ko ang pag lunok niya. Bahagyang nag-kunot ang kanyang noo pero nawala rin ulit 'yon. Maya't maya ay babalik pero mawawala. Pakiramdam ko tuloy ay pinapakalma niya ang kanyang sarili.

He took a deep breath and closed his eyes. Pinakiramdaman ko lang ang pintig ng puso niya. It is fast, the beating is just like mine. Habang tinitignan ko siyang naka-pikit ang mga mata, habang nararamdaman ko ang puso niya, habang tahimik ang paligid... tila ang puso ko ay sumasabay sa kanyang pag pintig.

Carlisle, kaharap ko ngayon ang daddy mo. I'm sure, you'll be happy to see and know him. You're the same in a lot of things and I know that you'll be proud to know how good of a person he is.

Carl... patawarin mo ako. Pangako, isang araw, ipapakilala ko rin siya sa'yo. Sa araw na 'yon, sana ay nabawasan na ng kaunti ang pagkamuhi mo sa akin.

Sa araw na 'yon, sana ay masaya kang makita siya.

I know, you'll be a good father.

"This..." he breathed.

Minulat niya ang kanyang mga mata kaya muling nag tama ang aming paningin.

I can see pain from his eyes.

Sobra-sobrang sakit.

"You don't know how much I dreamt of touching you again. You don't know how much I wished for this to happen again. You. Me. Together in one place."

"Carl..."

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko. Maingat niyang binaba ang paa ko at tumayo.

Naramdaman ko ang pag-kirot ng puso ko nang makitang mag-lakad na siya papasok ng bahay. Kasabay ng pag alis niya ay ang pag tulo ng mga luha ko.

I thank God that they didn't escape a while ago. Buti nalang ay ngayon lamang sila lumabas. Ramdam na ramdam ko ang sakit, siguro ito na ang parusa niya sa akin, his sharp words, the way he blames me, his stare...

Tatanggapin ko silang lahat. Baka sakaling maibsan ang sakit sa kanyang puso. Baka sakaling magkaroon ng puwang sa puso niya na patawarin ako.

"Are you okay?"

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.

Umupo si Adrian sa harapan ko at nag-lebel ng tingin sa akin. Hinarap niya ako at sinubukan punasan ang mga luha ko.

Bakas ang pag-aalala mula sa kanya kaya tumango ako bilang sagot. Ayoko naman na mag-alala sila ng sobra sa akin. Ayoko na makaabala ako sa kanila.

Pamilya nila si Carl at alam kong alam nila kung anong pinagdaanan niya. I know, a part of them somehow blamed me for what happened. Hindi naman nila ako pupuntahan sa Australia kung hindi.

I have to deal with my own scars and if I have to take his... gagawin ko.

"Hindi ko alam kung kailan matatapos lahat ng 'to. Kung hanggang kailan kayo magkakasakitan. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi niya intensyon saktan ka. Kahit gaano siya ka-gago ngayon, I know he still cares for you. Hindi naman kami bulag para hindi makita 'yon. Noong birthday ni Taw, muntik na niyang masaktan ang sarili niya dahil nag basag siya. Siguro ay wala siyang ma-away kaya ang mga baso at pinggan ang pinagbuntunan niya ng galit." Ani Adrian sabay halakhak.

Bahagya akong napangiti pero muling tumulo ang mga luha ko kaya napailing siya.

Bawat luha ko ay isang latay sa puso ko...

"Buti nalang ay wala na ang mga elders 'non at naawat namin siya. He hurt you but he hurt himself too. Ga'non ata ang gusto niyang parusa sa'yo. Masaktan ka, masaktan siya, magkasakitan kayo lalo. Hindi ko na alam..."

Pinilit kong ngumiti at tumayo. Sumunod siyang tumuyo sa akin at hinawakan ako sa braso para maalalayan ako pero winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Inabot ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata. Mahigpit ko 'yon hinawakan na nagpatigil sa kanya.

"Ad, ikaw ng bahala kay Carl. 'Wag na 'wag mo siya hahayaan saktan ang sarili niya. Okay? Please promise me."

"What? Ikaw ang sinasaktan niya tapo--"

"Adrian, please." Pagmamakaawa ko.

Napaiwas siya ng tingin at napabuga ng hangin. Inagaw niya ang kamay niya at tumango nang hindi nakatingin sa akin.

Nagsalubong ang kanyang kilay at sandali akong binalingan ng tigin.

"Oo na. Tara na." Aniya at nauna ng pumasok.

Napangiti ako at pumasok na rin.

"What the actual fuck." Diretsong mura ni Adrian nang makapasok kami sa bahay.

I was about to smack him for cursing when I stopped because of what I saw.

Napatakip ako ng bibig sa nakita.

In the living room, Carl is sitting on the sofa while his right hand is bleeding. Sinusubukan takpan ni Tulip 'yon gamit ang panyo pero pilit iniiwas ni Carl ang kamay niya. Kita ko na lumabas si Simon mula sa kusina at mabilis na hinila si Tulip, marahil ay takot din siyang masaktan ito.

"What is happening?" Rinig kong tanong ni Adrianna na lumabas din mula sa kusina.

Adrian went near Carl and touched his hand but Carl didn't let him. Nakatungo lamang ito habang hinahayaan na dumugo ang kamay niya.

"Kuya Carl punched the vase pero tumama ang kamay niya sa pader..." mahinang paliwanag ni Tulip.

"Carl, are you crazy? Nandito si mommy, buti nalang at hindi ka niya nakita." Singhal ni Adrianna sa kanya pero hindi siya kinibo pabalik ni Carl.

Rinig ko ang pag buntong hininga ni Adrianna.

Alam kong alam niya na wala na siyang magagawa dahil mukhang walang balak si Carl na harapin sila.

"Carl--"

Natigilan kaming lahat nang tumayo si Carl at nag-martsa palabas ng bahay.

He didn't even bother to listen on what Adrianna is about to say.

Nilagpasan niya ako at sinundan siya ng paningin ko. Akmang susunod si Tulip sa kanya pero pinigilan siya ni Simon. Umiling si Simon at niyakap si Tulip.

Lumapit ako kay Tulip at kinuha ang panyo mula sa kanya pero kasabay 'non ang pag hawak ni Adrian sa kamay ko para pigilan ako. Lumingon ako sa kanyang gawi at tinignan ang kanyang mga mata na puno ng pag-aalala. Umiling ako at ngumiti para makita niya na hindi niya kailangan mag-alala.

"Kayo ng bahala rito, sabihin niyo kay Tita Pin na mag uusap lang kami ni Carl. Ako ng bahala sa kanya. Alam ko na malaki ang parte ko kung bakit nagakakaganito siya." Paninigurado ko sa kanya.

"Kath, hindi mo kailangan gawin 'to. Baka masaktan ka lang..." Pag pipigil pa rin ni Adrian.

"Adrian is right, Kath. Hayaan nalang natin muna siya siguro. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'to. Magpapahangin lang 'yon at babalik din. Carl won't kill himself, hindi naman siya ga'non... galit lang siya." Pagpapangalawa ni Adrianna.

Muli akong umiling. "Gustuhin ko man na 'wag nalang siya pakielaman ay hindi ko naman magagawa 'yon lalo na harap-harapan ko siyang nakikita na ganito. Plus he's wounded, hindi ko siya pwedeng pabayaan. Kaya ko 'to, kung itataboy niya ako... then so be it, but I have to try..."

Hindi ko na sila hinayaan na may sabihin pa para pigilan ako. Kinuha ko na ang panyo at inalis ang pagkakahawak ni Adrian sa akin. Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay kahit na medyo kumikirot pa ang paa ko.

Tuloy-tuloy lamang ako sa pag-takbo habang kaliwa't kanan akong tumitingin sa iba't ibang parte ng resort para makita siya. Hindi naman ako nahirapan na makita siya dahil nakaupo lamang siya sa may dalampasigan. Nakaharap sa madilim na dagat habang umiihip ng malakas ang hangin.

Naramdaman ko ang pag-kirot ng puso ko habang nakikita siyang mag-isa roon. Never in my life I thought I would see him like this.

Miserable, wounded and alone.

Kahit na nanghihina ay pinilit kong lumapit sa kanya. I walked towards him and sat beside him. Kahit na hindi niya ako pinapayagan o kahit na hindi pa ako nag papaalam ay inabot ko ang kamay niyang nasugatan at pinatong ko roon ang panyo.

Sinubukan niyang agawin 'yon pero muli ko lang hinawakan 'yon.

Kasabay ng pag dikit ng aming mga kamay ay ang pag-patak ng kanyang luha sa aking braso. Nadurog ang puso ko nang makita ang mga mata niyang hilam dahil sa mga luhang nagsilabasan mula roon. Kahit na nanginginig ang aking mga kamay ay pinilit ko pa rin na bendahan ang kamay niya ng panyo ni Tulip.

Nang masigurado kong kahit papaano ay okay na, inabot ko ang mukha niya para punasan ang mga luha niya. Nahirapan akong iharap siya sa akin lalo na at iniiwas niya ang mukha niya pero hindi ako sumuko. I forced him to look at me as I wiped his tears.

Nakaharap nga sa akin ang mukha niya ay sa iba naman nakatingin ang mga mata niya.

He doesn't really want to look at me...

I held his face and wiped his tears. Nagdikit ang aming mga tuhod at laking gulat ko nang pumulupot ang braso niya sa aking bewang at hilahin ako palapit sa kanya na naging dahilan upang mas mag-lapit ang aming mga katawan.

Without even saying anything, niyakap niya ako at siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko ang pag-basa ng aking leeg dahil sa kanyang mga luha pero hinayaan ko lang 'yon. Niyakap ko siya pabalik at marahang tinapik ang kanyang likod.

Ang sariling mga luha ko ay nagsitakasan na rin. Niyakap niya lamang ako ng mahigpit at umiyak sa aking bisig. Kahit na pakiramdam ko ay hindi tama, kahit na alam kong dapat ko siyang itulak, kahit na alam kong mas nagkakasakitan lang kami ay hindi ko siya magawang bitawan.

I want to spare him from the pain. I want him to realize that I'm not worth it. Hindi ako nararapat para sa sakit na nararamdaman niya.

Nasasaktan ako para sa akin, para kay Carlisle, para kay mommy, para sa lahat ng nakapaligid sa akin pero mas nasasaktan ako para sa kanya, triple ang balik tuwing nasasaktan siya at panghabang buhay kong dadalhin ang sakit na binigay ko sa kanya.

"I want to ask you a lot of things, gustong gusto kitang sumbatan... but thinking that you'll get hurt by my questions... it kills me." Aniya sa napakasakit na tono.

Napapikit ako sa kanyang sinabi at napatigil sa pagtapik sa kanyang likod. Unti-unti siyang umalis sa pagkakayakap sa akin at akala ko ay tuluyan na siyang lalayo nang maramdaman kong nag-dikit ang aming mga noo.

Isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa aking puso at bumaliktad ang sikmura ko. I felt weak and lost from his touch. Hinawakan niya ang mukha ko at marahang pinunasan ang mga luhang lumandas doon. Nanatili akong nakapikit, takot na pag binuksan ko ang aking mga mata ay bumigay ako at tumakbo pabalik sa kanya.

"Bakit ka pa bumalik?" Tanong niya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko.

I can feel his hot minty breath from our short distance, hindi nakakatulong 'yon para makapag isip ako ng tamang sagot.

"Carl..." hirap na hirap kong banggit sa pangalan niya.

"You know what? Noong iniwan mo ako, ang sabi ko sa sarili ko, pag nakita kita... wala akong gagawin kung hindi iparamdam sa'yo kung gaano mo ako nasaktan. I am so ready to hurt you, that even you'll say sorry... alam ko sa sarili ko na hindi kita patatawarin. Na kahit bumalik ka pa sa akin, hindi na kita tatanggapin."

The sharpness from his voice is like a sword that can stab me... that can kill me... than can hurt me.

Saktong sakto sa puso ko ang bawat sinasabi niya. Kahit hindi niya sinasabi ang mga 'yon para saktan ako, kahit na wala siyang intensyon na saktan ako gamit ang mga salitang 'yon ay hindi ko makakailang abo't langit ang kirot na bigay 'non sa akin.

"But when I first saw you back at the hospital..."

He slightly placed a kiss on my forehead.

"Mas nagalit ako sa sarili ko dahil alam kong humingi ka lang ng tawad ay handa akong tanggapin ka pabalik. Iiwan ko lahat, the pain... the hatred... everything... just for you. That is how much of a stupid man I am, ga'non ako ka-tanga para lang balikan mo ako."

Umiling ako at iniwas ang mukha ko mula sa kanya pero hinawakan niya 'yon at mariing dinampian ng halik ang labi ko. I gasped because of the sudden action from him and he took that as an opportunity to enter his tongue in my mouth.

I pushed him but he pulled me closer. His kiss is very demanding, proving and it has so much intensity, pero nang maramdaman niyang nawalan na ako ng lakas para lumaban pa, para itulak siya palayo dahil 'yun ang tama, dahil muli na naman akong bumigay sa kanya...

...unti-unting naging magaan at mapanuyo ang kanyang halik. Tila nag dadahan-dahan, maingat at takot na masaktan ako. It is moving slowly and carefully, it is passionate and full of longing.

Ang kanyang mga kamay ay nakapa-ikot sa aking bewang at ramdam na ramdam ko roon na wala siyang balak na pakawalan ako. Mahigpit at mapang-angkin ang yakap niya. I can feel his body from mine and my hands gave up on pushing him, nanatili nalamang ito sa may dibdib niya, kumukuha ng lakas para kayanin pa.

Kung sanang ibang buhay ang mayroon kami...

Kung sanang hindi ako naging mahina.

Kung sanang wala ng masasagasaan kung babalik ako ulit sa kanya.

Kung sanang kakayanin ko na mahalin at ibigay ang buong ako sa kanya. Kung sana kaya kong i-alay ang lahat ng mayroon ako, harapin ang lahat, ibigay ang lahat...

Si Hazel.

Mabilis ko siyang tinulak at bakas sa kanya na hindi niya inaasahan 'yon. Napahawak ako sa aking labi at mabilis na tumayo. Sumunod naman siya at sinubukan hawakan ako pero humakbang ako patalikod.

"May girlfriend ka, Carl. Kahit kailan ay hindi tamang gawin mo 'to, ano man ang dahilan mo. Kahit kailan ay hindi ko ginustong makasira ng relasyon ng iba. Iniwan ni Hazel ang lahat para sa'yo, ang ama ng anak niya pati na rin ang pamilyang pinagpaguran niya kaya sana... panindigan mo 'yon. You brought her into this, panindigan mo." I painfully said while wiping my tears.

I didn't bother to look at him. Ayokong makita siya, ayokong makita kung gaano ko siya nasasaktan.

Ayokong makita niya kung gaano ako nasasaktan...

I envy Hazel so much. Nagawa niyang iwan lahat para kay Carl. Nagawa niyang gawin ang bagay na dapat ako ang gumawa. He deserves someone like Hazel.

Tumalikod ako at nag-simula ng mag lakad pabalik sa bahay pero nakakailang hakbang palang ako nang maramdaman ko muli ang braso niyang pumulupot sa aking bewang.

Niyakap niya ako mula sa likuran at muli akong napahikbi dahil doon. Pinatong niya ang ulo niya sa aking balikat at dinikit ako lalo sa kanya.

Ang yakap niya ay puno ng takot...

"Yes, I have a girlfriend. Iniwan niya ako noon. We didn't have our proper closure so I assume, kami pa rin all these years. Gusto ko malaman niya na wala akong pakielam sa iba. Paano niya nagagawang isipin ang iba gayong ganito na ang sitwasyon namin? Kaya kong iwan lahat para sa kanya, kahit na talikuran ko pa ang lahat. Kung hindi niya kayang bumalik sa akin, ako ang pupunta sa kanya."

He embraced me more and kissed my neck then my cheek.

"I won't let her leave me again. Especially now that I can see how much she loves me and I love her too, with so much more of what I can give. I love her..."

"...I love you. Accept me again. Please."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top