Page 28

Hi to the both of you, I am so happy na nakakatulong ako para maibsan ang stress niyo sa school. I can remember myself being like that too before. Reading so I could have inspiration to go on and be motivated. Good luck! Love love!

Memoryado

"So this property is still mine?" Manghang tanong ko habang nakatanaw sa kabuo-an ng dagat.

The sea is very clear and calm. Parang tahimik na nag hihintay para maramdaman siya ng mga tao. It is so beautiful to touch, parang nakakatakot na masira ito ng kahit sino.

It's enchanting.

Magnificent.

"Yes." Ngiting tugon sa akin ni Adrian.

"Oh my." I am so speechless.

Wala akong masabi dahil hindi ko kahit kailan man inasahan ito. I left home without anything, ibinigay ko lahat, nag paraya ako sa lahat ng bagay na iniwan ko rito pero ito ako, sinasabihan na may mga natira pa sa akin.

May mabuti pa rin pala akong mababalikan.

God is just so wonderful.

"Believe it or not, Kath. Sayong sayo ang property na ito. You still have your resort and I'm looking for your other properties, baka kaya ko pang bawiin ang iba o baka may hindi pa nalilipat sa pangalan ng mga kapatid mo." Ani Adrian.

Umiling ako at marahang pumikit.

I smiled and stretched my arms to feel the wind. Palubog na ang araw at lumalakas na ang ihip ng hangin. Ang init na simoy ng hangin kanina ay napapalitan na ng lamig.

Sakto lang.

Prekso at masarap sa pakiramdam.

Pinakiramdaman ko ang tunog ng mga puno sa paligid, ang bawat tunog na nanggagaling mula sa pag galaw ng tubig dagat at ang bawat ihip ng hangin.

"Sapat na 'to, Ad. Honestly, this is too much already. Okay na ako rito." I said while breathing the fresh air.

Naramdaman kong hinipan ng hangin ang aking maikling buhok na kinahagikgik ko.

I remember, when I was a kid, nag lalakad kami palagi ni Mommy sa dalampasigan at gustong gusto ko na hinihipan ng hangin ang buhok ko. I feel so free when that happens.

Wala na akong mahihiling pa. Kahit ito lang, kahit ganito lang, sobra-sobra na sa akin. I just want my family to be happy, kung dito kami mananatili pagkatapos ng lahat... sa tingin ko ay kaya ko ng maging masaya.

Kahit hindi ko siya kasama.

Kath!

Damn! Bakit na naman siya napasok sa isip ko? I can't let him invade my mind every time I feel happy, na para bang sinasabi ng puso ko na hindi ako makokompleto kung wala siya. Hindi pwede na laging ga'non.

I can accept pain from him but I can't enter his world again.

Lalo na ngayon na alam kong wala na akong babalikan sa kanya. I had my chance and I chose to blow it away, tanggap ko 'yon at hindi ko 'yon pinagsisisihan.

"I am happy, Kathleen." Ani Adrian.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko at bahagyang humakbang palapit sa tubig.

The wind got stronger and I felt my dress followed the wind's direction. Ang mahabang dress na suot ko ay bahagyang lumilipad sa direksyon kung saan patungo ang hangin, kasunod 'non ay ang pag hipan din sa aking buhok.

Ang mga kamay ko ay nadadama ang bawat galaw ng hangin.

My heart is bursting from too much feels of perfection.

"I am happier, Adrian. Kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya sa pinakita mo sa akin ngayon..."

Minulat ko ang aking mga mata at naramdaman ko ang pag patak ng luha sa aking mga mata.

Ang mga luha ko ay nagsitakasan, lumabas sila hindi dahil nasasaktan ako kung hindi dahil masaya ako. Sobrang saya, sobra-sobra na alam kong wala akong karapatan para maramdaman 'to.

Tipid akong umiling at nilingon siya. "Thank you so much, Adrian. This means a lot to me. Alam mo 'yan. Salamat kasi kahit ano pang mga maling desisyon na ginawa ko, nandyan ka pa rin." I said with all my heart and made my way to run towards him.

Mabilis ko siyang niyakap at umiyak ako sa bisig niya. Naramdaman ko ang pag tanggap niya sa aking yakap na mas nagpaiyak sa akin.

He comforted me and I felt so happy because of that.

For the past years, I chose not to show the people around me how hurt I am. Hangga't maaari ay tinatago ko sa loob ko kung gaano ako nasasaktan sa lahat ng nangyayari pero ito ako, umiiyak sa bisig ng matalik kong kaibigan na pinili kong talikuran noon.

I never thought I'll miss his brotherly care.

"I am happy that you're back, Kathleen. Alam ko na marami kang pinagdaanan kasi hindi ka magiging ganito kung wala. I know that you had a very big reason... rason kung bakit ka umalis dati. The old Kathleen is not like this, ngayon... you seem so scared and sad. Damn it, I know I matured and all but the way you changed is different. Magiging prangka ako, ayoko ng pag babago mo. I prefer the bitchy-kath version of you, but I know that this version is the mother of Carlisle and I have to accept that."

I bitterly smiled and slightly punched his arm. Humiwalay ako sa kanya at humakbang paatras. Tinignan ko siya mula sa aking pwesto. Bahagya siyang natatakpan ng sikat ng araw lalo na at unti-unti na itong lumulubog.

Matamis akong ngumiti habang tinitignan siya.

"Ang drama mo Mr. Adrian Joseph Montgomery." Tukso ko sa kanya.

Aninag at rinig ko ang pag tawa niya. Umiling iling siya na para bang hindi makapaniwala sa naririnig mula sa akin.

"Alam kong wala pang nag sasabi nito sa'yo. Pero..."

He took a step back and stretched his arms like he's welcoming something.

"Welcome home, Kathleen Fae Camongol." Aniya.

Naramdaman ko muli ang pag patak ng luha ko at napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil doon.

"Hindi man masaya ang pinsan kong unggoy na makita ka, ako... masayang masaya. I have my bestfriend back, paanong hindi ako magiging masaya? May tutuwid na sa maling daan na tinatahak ko." Pag bibiro niya.

"Asshole!" Singhal ko sa kanya pero sabay lamang kaming natawa.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Hinarap niya ako muli sa dagat at narinig ko ang pag buntong hininga niya. Inakbayan ko rin siya at dahil mas matangkad siya ay kumapit ako sa puting sandong suot niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang naaalala ko kung paano niya ako sinundo kanina. He knocked on my door wearing a white sando and a shorts with some leaves printed on it. Habang ako naman ay mugto pa ang mga mata dahil sa pag iyak, tatlong araw na simula nang mangyari ang birthday party ni Taw at tatlong araw na rin akong hindi lumalabas.

Gabi-gabi ay napapanaginipan ko ang mga nag mumuhing mata ni Carl at sa mga gabing 'yon ay umiiyak din ako ng umiiyak. Then here goes Adrian, fetching me, telling me that he has a surprise for me but I have to match his outfit first before coming with him.

Ako naman na uto-uto, sinunod siya.

And here we are, dinala niya ako sa lugar na hindi ko akalaing akin pa rin.

I badly wanted to bring Carlisle with us but he needs to attend his school works and my mom is having an important talk with Dos and Clyde, sila ang tumutulong sa kasong balak isampa ni mommy sa asawa ni daddy. Everything is going well, hindi ako makapaniwala na hanggang sa huli ay ang mga Montgomery din pala ang tutulong sa amin.

Sana... balang araw, mabayaran ko rin ang lahat ng tulong nila sa amin.

I will be forever indebted to them.

Kahit noon pa man, their home was my second home. They never made me feel that I am not welcome in their residences, para ko na rin silang kadugo.

"May iniisip ka na namang nakakatawa tungkol sa akin 'no?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa dagat.

Umiling ako at hinilig ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Hay." I literally sighed.

"Lalim." Komento niya.

Tinapik tapik ko ang kanyang balikat at sinabayan siyang tanawin ang tuluyang lumubog na araw at ang alon na nag sisimulang lumakas.

"Before, nag tataka talaga ako kung bakit ikaw ang naging bestfriend ko." I said with a tone of disgust.

Rinig ko naman ang kanyang halakhak. "Well! Excuse me? Napaka-swerte mo kaya sa akin 'no!" Depensa niya.

"I know! I know! Patapusin mo muna kasi ako no?" Inis kong sabi sa kanya sabay kurot sa kanyang tagiliran.

Dumaing naman siya kaya natawa ako at napailing-iling habang tinatapik ang parteng kinurot ko.

"I am just saying that, before, when we were still young minded people... ga'non ang nararamdaman ko pero ngayon alam ko na kung bakit ka binigay ng Diyos sa akin. Now, I understand why I am not and never was attracted to you. Kasi alam ng Diyos na darating ang araw na 'to, na... kakailanganin ko ng taong tulad mo. I am so lucky that you are my bestfriend, Adrian. Sobra-sobra akong masaya na kaibigan kita." I said with my sweetest smile and looked up to see his reaction.

Kita ko ang pamumula niya at ang pipigil niya ng ngiti. Lumawak ang ngiti sa aking labi at pinanuod lamang siya.

"You don't need to state the obvious. Binabayaran ko lang naman yung mga ginawa mo para sa akin noon. Remember? Ikaw ang pumipingot sa tenga ko kapag may ginagawa akong masama. Ikaw ang nag papaliwanag kay mommy at daddy pag may nakaka-away ako, pinagtatanggol mo ako at sinasabi sa kanila na hindi naman ako yung nag sisimula. Kapag kasi ang mga pinsan ko o ako ang mag sasabi 'non, they won't believe me but my parents believe in your words. Ikaw lang kasi ang nakakakilala sa akin ng sobra, and to repay that... I'll protect you and I'll help you in any way possible. That's why... we're even now." Aniya.

Kumunot ang aking noo habang nakangiti pa rin at napailing nalamang. Dami-dami niya pang sinasabi para mapagtakpan ang mga ginagawa niya, tulad ng sabi niya... kilalang kilala ko siya at alam kong hindi 'yon ang dahilan kung bakit tinutulungan niya ako.

A part of it is because I am his bestfriend but I know a large part of it is because of Carlisle too and maybe pity?

"Basta, thank you." I said and stared at the see again.

Hindi na ata ako mag sasawang tignan pa 'yon. Kahit dito nalang ako pang habang buhay... okay na okay na sa akin.

"Uh..."

Bumaling ang tingin ko kay Adrian na bahagyang bumitaw sa akin. Nakatingin siya sa kanyang cellphone at mabilis na nag tipa roon.

"Wait lang ha, I just have to do something. I have another surprise for you." Aniya at nag madaling ilagay ang cellphone niya sa kanyang tenga.

Litong-lito ko naman siyang tinignan habang siya ay nag mamadaling tumakbo pabalik kung saan kami naglakad papasok rito sa resort. Sinubukan ko siyang sundan pero tumigil siya at nilingon ako. He was talking to with someone over the phone and looked back at me.

"Wait lang! 'Wag kang susunod. Diyan ka lang! Wait for me there." Aniya at hindi na ako hinintay pang mag salita dahil walang sabi siyang tumabko.

Pinanuod ko lamang siyang tumakbo at nagkibit-balikat nalamang.

Napabuga ako ng hangin at napatingin sa suot ko. Bahagya ko itong inayos at pinasadahan ng kamay bago ako muling tumingin sa dagat. Madilim na ang paligid pero may mga ilaw sa tabi kaya sapat lang para mabigyan pa rin ako ng pagkakataon para pagmasdan ang dagat.

A dark yet clear sea, how beautiful.

Sunod akong napatingin sa langit at wala sa sariling napangiti nang makita ang sobrang daming mga bituin. Sinubukan kong i-angat ang aking kamay para makita sa ilusyon ko na nahahawakan ko ang mga 'yon.

Naramdaman ko ang sobrang saya sa puso ko. This day is so perfect, wala akong masabi. Lahat ng iniyak ko sa mga nag daan na araw ay nabayaran ng umaapaw na kasiyahan ko ngayong araw.

I will forever treasure moments like this.

Binaba ko ang kamay ko at pumikit. I inhaled the air and exhaled. I slightly felt the water reached my foot. Nakiliti ako nang maramdaman ko ang paglapat ng tubig sa aking paa.

Minulat ko ang aking mga mata at napatingin sa aking paa na basang basa na. Umurong ako at ngiting-ngiti na lumuhod para kuhanin ang sandals ko at ang rubber shoes ni Adrian na hinubad namin kanina dahil aabutan na rin sila ng tubig.

Akmang tatayo na ako ng diretso nang natigilan ako. May nahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan. Muling umihip ang hangin kaya napa-angat ako ng tingin. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang mga nakatayo roon habang lahat sila ay mataman na nakatingin sa akin.

They were just standing there, as if they were really watching me. May ngiti sa kanilang mga labi, pero hindi makakatakas sa akin ang ngiting mayroon si Tita Josephine.

Nabitawan ko ang sandals ko at sapatos ni Adrian. Naramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata at napatakip ng bibig nang bahagyang matumba si Tita Pin sa ginawa niyang pag hakbang palapit sa akin pero mabilis din akong nakahuma at tumakbo palapit sa kanya. Inalalayan siya ni Adrian at Evander pero lumuhod pa rin siya sa buhangin kaya dinaluhan ko siya.

Mabilis niya akong niyakap at humagulgol habang hinahagod ang likod ko. Nanikip ang dibdib ko nang sinuklian ko ang yakap niya. I felt so emotional, I can remember how I missed her care for me when I left. Kahit naman papaano ay siya ang tumayong pangalawang ina ko nang nawala si mommy.

She was there for me everytime.

Everytime.

Her whole family was.

Kahit na noong umamin na kami ni Adrian na hindi talaga kami, hindi siya nagalit. She cried and told me that she's sad because it means that maybe Adrian and I will never work out... that I will never be her daughter-in-law but beyond that, she forgave me and accepted me again.

My heart is literally crying.

"I thought something bad happened to you..." aniya habang umiiyak pa rin.

Umiling ako at humiwalay sa kanya. Pareho na kaming nakaluhod sa buhangin, naka-lebel ang mga tingin naming dalawa. Inabot niya ang mukha ko at marahang hinaplos. Sobrang ingat nito na para bang natatakot siya sa hindi ko alam na dahilan.

She smiled, a motherly one and nodded.

"I am so happy to see you again. Kailangan mong ikwento sa akin ang lahat, you need to tell me everything. Okay? Let's talk. I'll listen." Aniya.

"Ma, hindi niya sasabihin sa'yo, sa akin nga hindi--"

"Yes po tita, I will." Pag putol ko sa sasabihin ni Adrian.

Matamis akong ngumiti at inabot ang kamay niya. Mahigpit ko 'yong hinawakan at nag-angat ng tingin para tignan kung sino ang lahat ng nandito.

They are all smiling.

Adrianna, Evander, Adrian, Agatha, Simon, Tulip.

Except for one person. Nakatayo lamang siya sa gilid. Matamang nakatingin sa amin ni Tita Pin. Muntikan na mag tama ang aming mga tingin kaya mabilis akong umiwas.

Kumabog ng malakas ang puso ko pero mabilis ko rin 'yon pinatay.

Binalik ko ang tingin ko kay Adrian. Tinanguan ko siya para itayo si Tita Pin at nilingon naman niya si Evander para tulungan siya.

"Come! Nagpahanda ako ng dinner." Ani anunsyo ni Adrian habang tinutulungan ang emosyonal pa rin niyang ina.

"What power do you have, kuya?" Pang-aasar ni Agatha sa kanya.

"I am the owner's bestfriend." Aniya sabay halakhak.

Natawa naman sila at pati rin ako. Narinig ko pang sinapak siya ni Agatha kaya lalo silang natawa. Tinukod ko ang kamay ko at tumayo na rin.

Sinubukan kong humakbang pero sumabit ang dulo ng palda ko kaya natapilok ako. I was about to fall and I closed my eyes already when I felt a pair of hands embraced my waist to stop me from falling.

I gasped and took a deep breath from the sudden situation. Mabilis kong minulat ang aking mga mata at mas lalo akong nawalan ng hininga nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Tulad ng laging nangyayari, ito kami... sobrang malapit sa isa't isa.

Nakakawalang hangin, nakakapanginig ng tuhod at nakakahilo.

"Are you okay?" His deep voice asked.

Wala sa sariling napatango ako.

The intensity from his eyes is overwhelming. Kaya kahit na nag wawala ang puso ko ay kinuha ko ang lahat ng lakas ko para itulak siya ng bahagya.

I need space from him.

Distance.

I felt electricity when I touched his chest. Buti nalang ay mabilis ko rin 'yon inalis. Akala ko ay tatalikuran na niya ako pero hinawakan niya ang braso ko at bahagyang yumuko. Siya ang nag ayos ng dulo ng dress na suot ko para mawala 'yon sa dinadaanan ko.

I just watched him do things for me.

My heart shouted but I didn't let him see it. Hinintay ko siyang matapos at tumayo ako ng diretso. Inalis ko rin ang pagkakahawak niya sa aking braso at laking pasasalamat ko nang hayaan niya ako.

Napatingin ako sa paligid at nakitang naglalakad na ang iba papunta sa loob ng maliit na bahay sa tabi. Doon kami nananatili ni mommy noon tuwing pumupunta kami rito, ito lang kasi ang bukas ngayon dahil napabayaan ko rin ang lugar na ito, hindi naman din kasi nakabukas ito sa marami.

"Come." Aniya at muli akong hinawakan sa braso.

"Kaya ko na." Pigil ko sa kanya pero mabilis akong napadaing nang maramdaman ang kirot sa paa ko.

"Tss." Inis niyang sabi.

I was about to walk again when I felt his hands on my waist and before I know it, naka-angat na ako sa lupa. Napilitan akong ipa-ikot ang braso ko sa leeg niya dahil kung hindi ay mahuhulog ako.

Kumabog ng malakas ang puso ko dahil doon. This time, hindi ko magawang iwaksi. Tuloy-tuloy lamang ang pag hampas 'non sa dibdib ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tignan nalang siya habang nag simula na siyang sumunod kina Adrian.

"Kaya ko naman... you don't have to." Mahina kong sabi.

I am so afraid to talk to him. Pakiramdam ko lahat ng sasabihin ko ay mali.

"I don't want to argue with you right now. Just listen, kahit ngayon lang." Aniya.

Naisara ko nalang ang bibig ko at pumirmi nalang sa pagkakahawak ko sa kanya.

Diretso lang ang tingin niya. Bahagya rin nakakunot ang noo niya. Kung titignan siya ngayon, para bang sobrang sama ng timpla niya at parang ayaw niya ang ginagawa niya.

Hindi naman nakakapag taka 'yon...

Ako 'to 'e.

But despite of that, sobrang gaan ng kamay niya. It was careful while holding me. Nakakapanglambot ng puso pero alam kong hindi ako pwede mag isip ng ganito. Kailangan ko lang talaga ng tulong, 'yon lang 'yon...

"Kumakain ka ba ng maayos? Gumaan ka." Komento niya na hindi pa rin ako tinitignan.

"I am. Baka naninibago ka lang." Tugon ko.

Umiling siya at tumigil. Binaba niya na ako at doon ko narealize na nasa harap na kami ng pinto. Muli niya akong hinawakan sa kamay at hinigit para mapalapit sa kanya.

"Hindi ako pwedeng magkamali. I'm sure. Memoryado ko ang bawat detalye ng kahit ano tungkol sa'yo. Your height, weight, every curve... everything, even the way you breathe when you sleep." He breathed with so much emotion.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top