Page 25

Hi to Andi119! You made by day when I read your comment. Thank you for reading! Have a nice day ahead!

Kamuhimuhi

One week...

One week na simula nang makauwi kami rito sa Pilipinas pero ito ako at kinukulong pa rin ang sarili sa condo unit namin ni Georgina.

Hindi ko alam pero hindi ko magawang lumabas noong mga nakaraang araw. Marahil dahil kung ako ang papipiliin, wala naman sa plano ko ang umuwi.

I feel like I shouldn't be here.

Kung hindi naman dahil sa pangingielam ng mga Montgomery ay siguradong wala ako sa sitwasyong 'to. Nakakatawang isipin na daig pa nila ang tatay ng anak ko sa oras na kasama niya dapat ito.

Simula nang umuwi kami rito sa Pilipinas ay araw-araw din sila rito. Hapon dumadating si Simon at Tulip habang si Adrian at Dos naman ay tuwing gabi dumadaan. Hindi ko nga alam kung paano ba ako dapat humarap sa kanila...

...kaswal ba o dapat ko bang ipakita na ayaw ko silang makita?

Especially towards Tulip.

Mahirap makitungo sa kanya dahil alam ko ang mga pinagdaanan niya. Nakita ko lahat 'yon. Hindi biro pero pinaglaban niya ang nararamdaman niya para kay Simon. Yes, there were times that they had to seperate but sa totoo lang, sa kabila ng ilang pag hihiwalay nila, alam kong hindi nila sinukuan ang isa't isa.

With that, I know that there is a big chance that they'll think that my actions are kind of cowardly. Which is somehow true. Lalo na pag tinitignan nila ako ng puno ng pag-aalala at awa, ramdam na ramdam ko na iniisip nila ang tungkol sa amin ng tatay ng anak ko.

Because honestly speaking, kung gugustuhin kong tumakas sa lahat ng ito, isa lang ang paraan at ito ang tumakbo ako papunta sa kanya...

To run towards him would be my escape.

Carl James Montgomery is my escape.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dos nang makapasok sa unit namin ni Georgina.

This place has been my home... my family's home for the whole week already. Hindi ko pa kasi alam kung saan ko talaga sila dadalhin. Iniwan ko lahat ng assets ko at hindi ko na sila kayang balikan gayong tinalikuran ko na ang tao sa likod ng apilyido ko.

It will hurt my pride to use my assets.

Kumunot ang noo ko nang makitang sobrang pag-aalala ang mayroon siya.

Ngumisi ako at inayos ang buhok kong may ka-iksihan na.

"I won't run away, Dos. Kung 'yon ang iniisip mo." Tugon ko.

"Oh."

I nodded and didn't bother to look at him. Nanatiling naka-direkta ang mga mata ko sa harapan kung saan kitang-kita ko ang buong itsura ko.

In front of me is a body-length mirror.

I'm wearing a white blouse tucked in my skinny jeans with my feet sheltered with a pair of heels.

From what I'm wearing, nostalgia hit me. Parang ako lamang noong nag ta-trabaho pa ako, the only difference is my short hair.

"If that's the case, then where are you going?" Tanong niya muli.

I sighed. "Sa hospital--"

"You'll go back?" Maagap niyang dagdag tanong.

Binalingan ko siya ng tingin at isang ngisi ang sumilay sa aking labi.

"Is this an interview? Dapat ko bang sagutin ang mga tanong mo sa akin?" I sarcastically asked back.

"No. Hindi sa ga'non. It's just that, nakakagulat na makita kang lumabas. You've been locking yourself for God knows how long."

He stopped for a while and took a deep breath.

"Tapos ngayon lalabas ka? Of course magtataka ako." Tugon niya gamit ang tonong may pagpipigil.

Nag kibit-balikat ako. "Well you have a point. But still, hindi ko mahanap ang rason kung bakit kailangan kong ipaliwanag sa'yo kung saan ako pupunta at bakit ako pupunta roon. Besides... ako dapat ang mag tanong sa'yo."

Nag-baba ako ng tingin sa relo ko at muli siyang tinignan.

"Hapon pa lang. Hindi pa gabi, Mr. Dos Montgomery. Anong ginagawa mo rito? New schedule? Baka gusto niyong ipaalam sa akin ang mga plano niyo, baka lang naman. Especially if it concerns my son."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag-aapoy ng puso. Naiinis ako tuwing ganito sila, gumagawa ng mga bagay na walang paalam. Wala naman kaso sa akin 'yon kung ako lang ang pinapakielaman nila pero pati ang anak at nanay ko ay pilit nilang pinapasok sa mundo nila.

Lalo na si Carlisle.

Sobra-sobra silang mag-kwento ng mga ka-gaguhan nila. Proud na proud pa ang Titos of the Montgomerys. Buti nalang at matalino ang anak ko at sinasabihan sila na masama ang kanilang mga gawain.

Shame on them. Isang bata pa talaga ang nag-sabi sa kanila 'non.

"Well Simon and Tulip wouldn't be able to go--"

"Because they don't have to, Dos." Pag-putol ko sa kanyang sasabihin.

Nag-salubong ang kanyang mga kilay at humakbang papalapit sa akin.

"Stop saying that, Kath! Araw-araw ko ipapaalala sa'yo na kadugo namin siya. Carlisle is a Montgomery. He is and he will forever be that. So... can you please cut the crap of your whole pushing us all away thing?" Inis niyang pakiusap.

Hindi ko siya inurungan at binigyan siya ng matalim na tingin.

"I know. Alam na alam ko 'yon, Dos. Kaya nga takot na takot na ako diba?" Balik ko sa kanya.

Napasapo siya sa kanyang sentido at hinilot 'yon. Napairap ako at huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko ang hampas ng puso ko sa inis, takot at desperasyon na mapaalis sila sa buhay namin.

"What are you doing here? Give me an exact answer. Don't speak bullshit to me, Dos."

"I'm just here to see Carlisle. I need to see him to strengthen my will to fix this. Sa Montgomery Residences kasi, wala ng matino. Dati... mayroon, nag-iisa, pero ngayon pati siya ay nawala na."

I painfully smiled because of that. Hindi ko alam kung gaanong pagkawala ang ibig sabihin nilang nangyari kay Carl pero alam ko sa loob-loob ko na wala akong balak na makita 'yon.

Ngayon palang na hindi ko siya nakikita ay namumuhi na ako sa sarili ko, paano kung makita ko pa kung gaano siya ka-miserable tulad ng sinasabi nila.

"Baka nakakalimutan mo na ikaw ang tumulong sa akin makaalis dati?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Noong umalis ako apat na taon na ang nakakaraan ay isa siya sa mga tumulong sa akin. Georgina was still not that capable of helping me get out the country without any tracks. Hindi ko alam kung paano napasok sa help-hotline si Dos pero nagulat nalang ako nang makita ko siya sa airport 'non, kinakausap ang ilan sa mga personnel doon para tulungan ako i-sekreto ang pag-alis ko.

It started from there and we changed from one country to another para talagang walang makahanap sa akin.

Para hindi niya ako makita...

"I remember it so well, Kath. Pero sobra-sobra kong pinagsisisihan ang desisyon kong 'yon." Aniya.

Umiling ako. "Please don't. 'Wag dahil hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa mong pag-tulong sa akin 'non." I said back.

I bit my lower lip and pointed the living room.

"Nandoon sila sa sala, nanonood ng cartoons. Aalis lang muna ako para pumunta sa LFH. Babalik din ako agad. Ikaw ng bahala sa kanila." Paalam ko at umalis na nang hindi siya hinihintay pang kumibo.

"Ija, wala ka na bang balak bumalik dito? We lost so much when you left. You know how much of an asset you are in this hospital." Ani Tita Jackie.

I'm here at her office in the hospital. Pinuntahan ko siya para humingi ng dispensa sa ginawa kong pag-alis ng walang paalam. I know, it's too late for me to say sorry but I know... I can't start a new life if I still have some business that I didn't get to finish four years ago...

Kaya balak kong ayusin ang mga kaya ko lang ayusin.

May mga bagay pa rin na hindi ko kakayaning balikan pa.

I smiled and pressed her hands that were already holding mine. "Mayroon naman po tita, pero bago po ako bumalik... gusto ko muna po makahingi ng tawad. I'm sorry for not being able to formally say goodbye, for leaving without any notice. Sorry po."

Napayuko ako at nakaramdam ng kaunting kaginhawaan ng loob.

Sabi nila, to be able to say sorry means a lot already. Plus points nalang pag tinanggap ang sorry mo.

Umiling siya at inabot ang mukha ko para marahang haplusin.

"It's okay, Kathleen. It's okay. Hindi ko man alam ang mga pinagdaanan mo o ang mga pinagdadaanan mo pa, alam kong hindi ka gagawa ng bagay na tulad ng ga'non ng walang matinding dahilan. You look so tired, I hope you're doing okay."

Hindi ko alam pero nag-simulang mangilid ang luha ko nang marinig 'yon mula sa kanya.

I felt comforted. Hindi naging hadlang ang office table niyang nakapagitan sa amin para iparamdam niya kung gaano siya nag-aalala para sa akin.

"Thank you, tita... so much. Hindi niyo po alam kung gaano ko kailangan marinig 'yan." I said while trying my best to maintain my normal voice.

"Ang dami ng nangyari. Masyado ka ng nadamay sa iba't ibang bagay na hindi mo naman dapat danasin. I know you had problems with your family before, especially towards your dad. Tapos nangyari pa ang gulo sa relasyon niyo nina Carl at Adrian. Hindi ko nga nagawang intindihin 'non kung paanong umamin kayong may relasyon kayo ni Adrian pero si Carl naman pala ang totoong laman ng puso mo. I was still trying to understand it but you vanished without any tracks..."

"...ang daming naiwan na mga sugat, wounds that are still open. Pero alam kong sa mga panahong 'yon, it was for the best. Hindi kita pipiliting mag-salita ngayon o magpaliwanag dahil alam kong iyo 'yon. I can't take that decision away from you. But I just want you to know how glad I am to see you here at my office. Don't think about any problem that may arise from your comeback in this hospital. Ako ng bahala. You just have to return. I know that somehow, this hospital is home for you."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kung pwede ko lang pigilan habang buhay ay gagawin ko. Nagsipatakan sila ng walang pasabi at hindi ko man sila magawang pigilan dahil sa nakahawak na kamay sa akin ni Tita.

Hinayaan ko lamang silang tumulo.

"Tita, thank you so much. I don't know what to say. I'm just so thankful." Tumango ako. "And yes tita, this hospital was kind of my home before."

I remember that if I won't sleep at the condo unit, dito ako matutulog. Mas bahay ko pa 'to kay'sa totoong bahay namin.

"That's enough. Your thank you is enough. By the way ija, alam mo bang nakauwi na rin si Taw. Umalis din kasi ang batang 'yon at halos namalagi rin sa ibang bansa. Saan nga bang bansa ka pumunta? Taw stayed in Australia." Aniya habang tinutulungan akong punasan ang mga luha ko.

I bit my lower lip to help me think. Ayokong mag-sinungaling. Ayoko ng dagdagan pa ang mga kasalanan ko.

"Well, I moved from one place to another po but I also stayed for quite a long time in Australia po." Tugon ko.

Nanlaki ang kanyang dalawang mata at bahagyang napangiti. Alam ko ang ngiting 'yon, hindi naman lingid sa kaalaman niya ang nangyari noon at ang nararamdaman ni Taw para sa akin. Taw was so vocal about it, siguradong alam na alam niya.

"So nagkita ba kayo?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.

Tumango ako. "Opo." No need to lie.

Mas nagkita ng kagalakan ang mga mata niya. "Great! Hindi na ako mahihiyang imbitahan ka sa birthday party niya mamaya. It is a surprise one, kaya hindi mo pwedeng sabihin sa kanya ha? It was his cousins' idea."

Maagap akong umiling.

"I'm sorry but I can't tita. Hindi po ako makakapunta. Marami pa po kasi akong gagawin." Pag-dadahilan ko.

Ano namang gagawin mo, Kath? Mag mumukmok sa harapan ng bintana habang binibilang kung ilang beses kumislap ang isang bituin?

Wow, I just said that I don't want to lie anymore.

Pero hindi pwede... I'm sure not only the Scotts, Salvadors and the Morgans are there but the Montgomerys as well.

Hindi pwede...

Besides I need to be with mommy and Carlisle.

Kita ko ang pag-lungkot ng kanyang mga mata.

"But please... can you try? Kahit sumaglit ka lang."

"Nakakahiya naman po kung sasaglit lang ako. 'Wag nalang po."

Umiling siya. "Carl will be there. The whole Montgomerys. Hindi mo naman kailangan mahiya kahit sandali ka lang, kung 'yon ang inaalala mo. Besides, hindi mo nagawang harapin ang mga Montgomery noong umamin sina Carl kung ano talaga ang totoo hindi ba? You can use this opportunity to finally face them." Aniya.

With the mention of his name, all my insides went crazy... crazier than ever.

But... with all that she said, mas hindi ako pwede pumunta. Pero, birthday ni Taw... nakalimutan ko nga na mas lalong nagpapakonsensya sa akin. He's been with me, helping me since day one, tapos ganito pa?

Pero maiintindihan naman niya siguro kung hindi ako makakapunta. I can't face them, not now...

I tried my best to put up a smile and slightly fixed my sit.

"Titignan ko po tita, I will try my best but don't mind me po. Ang mahalaga ay mapasaya niyo si Taw. He deserves to be pampered even just for a day. He's too independent and away for so long. Siya po muna ang isipin niyo, kayo ng buong pamilya niyo." I replied.

Nanatiling malungkot ang kanyang mga mata pero sa huli ay sumilay pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Tumango siya at tumayo, ga'non din ako at napatingin ako sa orasan at nakitang mahigit isang oras din ang dinaan ng usapan namin.

Bumaba ang kanyang tingin sa kalendaryo sa kanyang lamesa.

"I have a meeting, mauna na ako, ija. Basta susubukan mo makapunta mamaya ha? And please tell me if you're going back to work. Para maasikaso ko na."

Tumango ako at sumabay sa kanya sa pag-labas mula sa kanyang opisina. Hawak-kamay kaming lumabas at bumitaw lamang nang tuluyan ng masara ang pintuan sa likuran namin.

"Thank you, Tita Jackie. I will tell you as soon as possible. Maraming salamat po talaga."

Umiling siya at bahagyang pinisil ang kamay ko.

"Don't mention it, sabi ko hindi ba. Mag-iingat ka. See you later." Aniya sabay hagikgik.

Napangiti rin ako dahil doon at binigyan siya ng yakap. Niyakap niya ako pabalik at ngiting-ngiti na tumalikod sa akin. Pinanuod ko lamang siya hanggang tuluyan nang mag laho ang kanyang anino.

I sighed and held my bag as if my life depended on it.

God is so good.

Humakbang na ako para makaalis pero parang napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na kahit sa panaginip ay patuloy akong dinadalaw sa loob ng apat na taon.

"What are you doing here?" Anito sa boses na mapanghusga.

I don't know but I can feel the heaviness from his voice. Bumigat ang puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong lumingon para makita siya pero hindi ko ata kakayanin.

I might lose it.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba.

I'm not ready. Hindi dito ang gusto kong pagkikita namin. Hindi ko na nga hinangad pa na mangyari ang pagkikita namin.

I am contented with our beautiful memories...

"Nandito ka ba para humingi ng tawad?" Muli niyang tanong na nagpasakit ng puso ko.

His voice sounded so painful. Kahit walang masakit sa mga salita niya, ang tono niya ay sapat na para masaktan ako.

Why? Because I know my montgomery is not capable of producing such tone.

How dare of me to claim him mine...

"Answer me..."

Napasinghap ako nang maramdahan ko ang marahas na pag-higit sa akin paharap sa kanya. Bumagsak ako sa kanyang malapad na dibdib at kinulong niya ako gamit ang kanyang bisig.

I closed my eyes to avoid looking at him.

I don't want to see him. Not this way.

"Sana hindi ka na bumalik, because even you say sorry... I will never forgive you." He breathed like he wants me to get stabbed by his words.

My heart bursted from what he said. Parang tinarak ng ilang punyal ang puso ko sa narinig. Nanakit ito ng sobra na ilang segundo pa ang pinalipas ko para magawa kong huminga ng tama.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Gusto ko nalang mag-laho pero hindi ko rin magawang itulak siya palayo gayong alam ng puso't isip ko kung gaano ako nanghihina lalo na ngayong nakapalibot ang mga kamay niya sa akin.

Kahit na gaano pa kasakit ang mga salita niya. With his touch, I felt safe. Lagi naman ga'non...

Siguro kahit na nag-bago lahat, 'yon ay hinding hindi mag babago.

"I hate you damn much, Kathleen." Aniya.

Ang mga salitang 'yon ang nagpamulat sa aking mga mata. Sinalubong sila ng hindi pamilyar na tingin. Pamilyar na mukha pero hindi ng pagkatao. Halos maubos ang hangin ko nang mag-tama ang mga paningin namin.

He is not my montgomery.

I made him this...

Ang mukha niya ay may stubbles na, his hair is messy... everything about his appearance looked so rugged. Far from his clean and organized apperance before.

Ako ang may kasalanan. Walang dapat sisihin kung bakit halos hindi ko na siya makilala. Alam kong hindi lang physical appearance ang nag-bago, alam kong may nasira rin ako sa loob niya.

Mas mahalaga, mas masakit at mas kamuhimuhi.

He stared at me with so much intensity but looking at his eyes, I find it so empty. Halos wala akong makuha roon. Bakas din ang pagod sa kanyang mga mata, pagod na alam kong hindi lang ngayon makikita.

Nakaramdam ako ng kagustuhang hawakan siya pero mabuti nalang at nasa katinuan pa ako.

Mayroon pa nga ba ako 'non?

"I hate you, love." He uttered with so much hatred.

Hindi ko alam na may idudurog pa pala ang puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top