Page 24
Hi to Dahliab! Thank you so much for appreciating. Your comments give me so much life and inspiration. Thank you for understanding the side of every character. I totally appreciate it.
Home
"Taw, pumasok ka na sa kotse." Utos ko habang ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Dos.
He tried stepping forward but I held the car's door which made him stop.
"Kath! Please. Stop running away!"
Umiling ako at hinayaan na tumulo muli ang isang batalyon ng luha mula sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang paninikip ng puso ko. The pain is so deeply rooted within me.
"No, Dos. I'm sorry. I'll only stop running away if you stop going near me."
"What?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
Binaling ko ang tingin ko kay Adrian na malungkot na nakatingin sa akin. Mas lalong sumakit ang nananakit kong puso. Maybe because of the way he looks at me, the pity was there but I can also see concern from him.
"I'm sorry. Please, hayaan niyo na ako. Nagmamakaawa ako." I begged.
Without waiting for them to answer, nag madali akong buksan ang pintuan ng sasakyan at walang sabi-sabing sumakay doon.
"Let's go, Taw."
"Saan tayo?" Tanong niya habang sinisimulan ng paandarin ang kotse.
Lumingon ako sa anak kong papikit-pikit na at hinayaang gumaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan siya.
"Sa bahay. We have to go back." I answered.
"What? But--"
"Sa bahay, Taw. Please." I stopped him from stopping me.
Rinig ko ang pag-buntong hininga niya. Pina-ikot niya ang sasakyan at tinahak na ang daan pabalik sa bahay na tinitirahan namin dito sa Australia.
Bago kami tuluyang makalayo ay napalingon ako para tignan kung umalis na sina Dos pero nakita kong pinipigilan pa ni Adrian at Simon si Dos sa pag-sunod sa amin.
"Anong plano mo?" Tanong ni Taw nang makarating kami sa harap ng bahay.
Hindi ko siya sinagot at hindi ko rin siya hinintay na pag-buksan pa ako ng pintuan. Mabilis akong bumaba at tinungo ang pwesto ng anak ko. Binuksan ko ang pintuan malapit sa kanya at agad na kinuha siya para kargahin papasok ng bahay.
"Mommy, hindi na po tayo mag-grocery?" Tanong ng anak ko habang kinukusot pa ang mga mata.
Umiling ako at halos lakad-takbo ang ginawa ko para makapasok agad.
"Kathleen!" Rinig kong tawag sa akin ni Taw. "Kath, mag-usap muna tayo." Aniya.
Binaba ko ang anak ko at ngumiti sa harapan niya para hindi siya mag-tanong. Tinukod ko ang binti ko sa sahig para mag-lebel ng tingin sa kanya. I carressed his face and slightly kissed his forehead.
"Go find your lola, tell her to pack our things."
Tumango si Carlisle at akmang tatalikod na siya nang tumigil siya para tignan ako muli.
"Mommy, are you okay?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.
"Yes, of course. Just do what I say, okay? Everything will be fine."
Ang maliit niyang kamay ay inabot ang mukha ko para marahang hawakan. Muling tumulo ang mga luha ko pero ngumuti ako para 'wag siyang mag-alala.
My son is really smart...
...and I don't know if that's a good thing.
"Now, Carlisle. Find your lola." Saad ko.
Tumango siya at patakbong tinungo ang kusina ng bahay.
Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim bago tumayo para harapin si Taw. Nilingon ko siya at kita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya.
"Go home, Taw. Bumalik ka na ng Pilipinas. Plano? Ang plano ko ay umalis mula rito at--"
"Mag-tago ulit?" Pag-tutuloy niya sa sasabihin ko.
Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko kine-kwestyon niya ang desisyon ko. Sa ngayon, kahit anong sabihin ng mga tao sa paligid ko, wala ng makakapigil sa akin. Kahit ano pang sabihin nila, wala ng makakapag-pabago sa isip ko.
"'Yan nalang ba ang solusyon mo sa lahat? Ang tumakbo? Ang mag-tago? I don't even know why you're running away, Kath. Hindi ko maintindihan."
Napahawak ako sa noo ko at humugot ng hininga para masagot siya.
"Hindi mo talaga maiintindihan dahil kahit kailan ay hindi mo mararamdaman kung paano mapunta sa sitwasyon ko. Hindi mo alam ang pakiramdam na kahit walang humahabol sa'yo, parang kailangan lagi akong alerto kasi baka mawalan ulit ako. Hindi mo alam ang pakiramdam ng taong gabi-gabing hindi makatulog... natatakot na pag-gising niya ay wala na ang dalawang taong pinaka-importante sa kanya. Hindi mo alam ang pakiramdam ng matakot at masaktan dahil alam mong wala kang laban sa lahat ng 'to. Hindi mo alam, Taw... hindi mo alam kaya hindi mo maiintindihan."
Kita ko ang sakit at pag-susumamo sa mga mata niya. It pains me to see him like that, alam kong wala siyang hangad kung hindi mapabuti ako at ang pamilya ko pero kailangan ko siyang gisingin sa kahibangan niya.
I don't deserve his love. He doesn't deserve a woman like me. Full of fears and a heart that is owned by another man.
"Then let me understand it..." basag na boses niyang sabi.
Umiling ako. "No, Taw. I'm sorry. I can't accept that. I can't let you suffer because of me. Umalis ka na. Kung ayaw mong mabaliw ako, aalis ka."
"Kathleen, don't do this. I promise to take care of you and your family. I promise to protect you. Ilalayo ko kayo rito. I won't let anything happen to you and your son. Just don't push me away, just let me help you."
I took a step closer to him and reached for his hand. Hinawakan ko 'yon at marahang pinisil. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa kanyang mga mata. I can see pain from his eyes, a pain that is very familiar to me.
Pamilyar dahil simula noon ay 'yon nalang ang binibigay ko sa kanya.
Pahirap at pasakit.
"I can't give back what you're willing to give me, Taw. Hindi ko na kayang dagdagan ang sakit na pinaranas ko sa'yo noon. You are special to me, mahalaga ka sa akin kaya ayaw kong madamay ka pa rito. Hindi ko kayang hayaan na masaktan ka para lang ma-protektahan kami ng pamilya ko. I know I am desperate to run away but I can't do this to you."
"I'm okay... hindi naman ako nasasaktan."
I painfully smiled and slightly pressed his hand again.
"Liar."
Umiling siya at bahagyang lumapit pa sa akin. Sinuklian niya ang pag-hawak ko sa kamay niya at inangat 'yon palapit sa kanyang dibdib na mas lalo kong kina-konsensya.
He's too caring and precious to get hurt.
"No. I'm telling the truth, Kath. Okay lang ako. I'm totally fine as long as I'm with you. Hindi mo naman kailangan suklian ang mga binibigay ko sa'yo. What I want is just for you and your family to be safe. Gusto ko lang kayo tumigil sa pag-takbo at pag-tago. Besides, Carlisle doesn't deserve this kind of life. Hindi siya dapat nabubuhay na para bang pinagkakaitan siya sa buhay na dapat ay nasa kanya. If you want to stay here then stay. Ako ng bahala sa pamilya ko. I won't let them near you again. So please, stop running away."
Carlisle doesn't deserve this kind of life.
Hindi siya dapat nabubuhay na para bang pinagkakaitan siya sa buhay na dapat ay nasa kanya.
Did I ruin my son's life? He deserves everything a Montgomery should have pero ito ako at nilalayo siya. Is that wrong? Mali ba na mag-desisyon para sa anak ko?
"I'm so sorry, Taw... but... I can't. It's not just about you being okay with this, it's also about me letting you go through this. Hindi ako ga'non ka-manhid para hindi maramdaman na nakakasakit na ako."
Umiling ako muli at bumitaw na sa kanya. Humakbang ako paatras at pinilit na ngumiti kahit hirap na hirap ako.
"Thank you for everything. I owe you a lot but don't worry because I'll make sure that I'll pay them. Just... give this to me."
Tumalikod na ako at akmang hahakbang na papunta sa pamilya ko nang muli siyang mag-salita na nagpalaglag sa puso ko.
He asked the question I was so afraid to face for a very long time because I know the answer would be the same.
"Mahal mo pa ba si Carl?"
Mariin akong pumikit at hinayaang tumakas muli ang mga luha ko. Napatakip ako ng bibig at hiniling sa Diyos na tumigil na ang puso ko sa pag-ramdam sa mga bagay na nakakasakit lamang sa akin at sa iba.
"You still love him, do you?" Muli niyang tanong.
I took a deep breath wiped my tears.
"Go home."
Hindi ko na siya hinayaan pa mag-salita ulit at tumakbo na ako papasok ng kwarto ko at ni Carlisle para mag-impake ng damit. Mabilis kong sinara ang pintuan at ni-lock ito.
Tinungo ko ang kabinet para kunin ang mga maleta namin habang hindi mapigilan ng mga mata kong tignan ang mommy ko habang siya ay nakatayo sa may bintana. Binaba ko ang mga maleta sa kama at tumigil sa pag-galaw nang makitang nakatayo lamang siya roon habang si Carlisle ay tinitignan din ang kung ano mang tinitignan niya roon.
"Ma?" Pag-tawag ko sa atensyon niya.
Instead of getting her attention, it was my Son who looked at me. Nag-madali itong tumakbo papunta sa akin kaya sinalubong ko siya. Lumebel ako ng tingin sa kanya at pinunasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo.
"Mommy, akala ko ba hindi sasama sa atin yung mga guys kanina? Why are they in front of our bahay po?"
Napaawang ang labi ko sa tanong ng anak ko. Nagmadali akong lumapit sa may bintana at tinignan ang labas ng bahay namin kung saan naroroon nga ang sasakyan ng mga Montgomery.
Si Dos ay nakasandal sa may gilid ng kotse habang si Adrian at Simon ay nag-uusap.
"Ma, I promise to stop them. 'Wag ka ng mag-alala. Tulungan mo na ako mag-impake--"
"Ako ang nag-sabi sa kanila kung nasaan kayo kanina at ako ang tumawag sa kanila para pumunta ulit dito." Ani Mommy na napatigil sa akin.
"Ma..."
Napahawak ako sa kurtina para hindi ako matumba. Binalingan ko ng tingin ang aking ina habang siya ay mataman pa rin na nakatingin sa labas.
"We have to go back, Kath."
Umiling ako. "Hindi mo alam ang sinasabi mo. Ma, 'wag mo naman gawin 'to. 'Wag ka naman sumuko. Hindi ko kakayanin pag ikaw din sumuko na."
Kita ko ang pag-pikit niya na para bang timping-timpi siya sa mga pangyayari. Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang pamamanhid nito. Parang pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hangin dahil sa mga nangyayari.
Nilingon niya ako at marahang binigyan ng ngiti. Inabot niya ang mukha ko para palisin ang mga luhang walang hiyang dumadaloy roon.
"Hindi ba matagal na tayong sumuko noong lumayo at nag-tago tayo rito? Apat na taon na simula noong sumuko ka, anak. Kaya ngayon... ako naman ang lalaban para sa atin. Ako ang ina mo, ako dapat ang lumalaban para sa atin. Hindi ka nararapat dito, you and Carlisle deserve so much more than this. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa'yo."
I held her hand that was holding me.
Kita ko ang pag-luha ng kanyang mga mata. Hindi magawang i-proseso ng utak ko ang mga sinasabi niya, gusto ko man intindihin lahat ay hindi ko magawa dahil sa takot na mawala lahat ng pinaghirapan kong protektahan dito.
"Ma, okay lang. Wala naman akong ginusto sa buhay ko kung hindi makita ka ulit. Ngayon, ang gusto ko lang ay malayo kayo ni Carlisle sa mga taong gustong makitang nasasaktan ako. I can't bear for you and Carlisle to get hurt. Hindi ko ata kakayanin na makita ko pang may nasasaktan sa mga taong mahal na mahal ko. I can't... I just can't, Ma."
Napaupo ako at napahagulgol. Napasapo ako sa mukha ko at binuhos ang takot na apat na taong nakabaon sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng lahat ng parte ng katawan ko. Pakiramdam ko binugbog ako ng paulit-ulit.
The pain is so heavy that I felt so numb at the same time. Ironic isn't?
I felt someone hugged me. A small hand embraced me from my neck and placed my head on his small chest. Another person hugged me and I smelled my mom's scent which made me cry even more.
"I'm so sorry, anak. I promise to protect you this time. Ako na ang lalaban para sa atin kaya bumalik na tayo, handa na akong ilaban ang karapatan mo sa mundong 'to. Ibabalik ko kayo sa lugar na nararapat talaga kayo. Carlisle has so much potential on him and you... I can't let your life stop like this. Maraming taong nag hihintay na matulungan mo, hindi ka dapat nag mumukmok lang dito."
"Ma... hindi ko kaya."
I gasped and cried on my son's chest.
"Pagbabayarin ko ang mga taong nanakit sa akin at sa'yo. Hindi ako titigil hanggang hindi nakukulong ang mga taong naging dahilan ng buhay na mayroon tayo ngayon. Gagawin ko ang lahat ng dapat ay ginawa ko noon." Aniya at mas lalo pa akong niyakap at ang anak ko.
I felt my mom's hand tapped my shoulder and she placed a kiss on my head.
"Let's go back. Umuwi na tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top