Page 23

Hi Inspirados! So I saw someone asked about the pronunciation of Carlisle's name, to answer that question, the pronunciation is Car-layl.

Forgive me

"Mommy... the guy with muscles seems angry, 'no?" Inosenteng tanong ng anak ko.

Kita ko ang sama ng tingin ni Dos kay Taw habang pilit siyang pinapakalma ni Taw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil alam kong kahit anong galit ang mayroon ang mga Montgomery ngayon ay hindi sila papatulan ni Taw o malulungkot dahil alam kong mas lalo silang hindi titigil ngayon.

Hindi sila titigil lalo na at alam nilang nandito lang ako.

"Mommy..."

I'm afraid of the choices that I will have to face but I'm more afraid that I won't even have the choice except to run away.

"Mommy, okay ka lang po?"

Maagap kong pinunasan ang luhang mabilis na nakatakas mula sa aking kaliwang mata. Pinilit kong ngumiti at nilingon ang anak ko para mapakita sa kanya na walang dapat ika-bahala.

My son is a smart boy. He is intelligent even with his young age. He is also sensitive, marunong siyang makiramdam, lalo na sa akin. Alam na alam niya tuwing malungkot ako...

Hindi ko alam pero kaya nakakaya ko araw-araw kahit wala ang taong pinakamamahal ko... ay dahil kay Carlisle. By just looking at him, I can already his father.

He's just like him...

Tumango ako at inabot siya para hawakan ang kamay niya. His small fingers touched mine and he smiled.

"Okay lang si mommy..." tugon ko.

Kumunot ang kanyang noo at napatingin sa harapan. Dahil doon ay napalingon din ako sa harapan at napaawang ang aking bibig nang makita ang pag martsa ni Dos para lagpasan si Taw. Sinubukan siyang pigilan ni Taw pero tinulak niya lamang ito.

Mabilis kong tinanggal ang strap ng seatbelt sa akin habang nakikitang hinila ni Adrian si Taw para hindi mapigilan si Dos sa pag-lapit sa kotse.

Naikuyom ko ang palad ko nang tuluyan nang makalapit si Dos sa kotse. Bago niya pa subukang buksan ang pintuan ay ako na ang bumukas 'non kay'sa panuorin pa siyang manggulo dahil pipilitin naman niya si Taw na buksan 'yon.

I know this man in front of me and it won't do good if I'll argue with him.

I opened the door and somehow... I heard someone gasp. I was about to check who's the person but Dos blocked my view.

"Kath." Pag tawag niya sa aking pangalan.

Hindi ko alam pero may kumirot sa puso ko nang marinig 'yon. Maybe it's because... medyo matagal na rin simula nang narinig ko ang pamilyar na boses ng mga taong naging minsang mahalaga sa buhay ko.

They were once part of the people I care for.

Tuluyan na akong bumaba sa kotse at akmang isasara ko na ang pintuan nang pinigilan niya akong gawin 'yon. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya pero lalo lamang niyang binuksan ang pintuan ng kotse.

"Damn you!" I heard Taw's voice.

Mabilis na naisara ang pintuan at kahit papaano ay naka-hinga ako nang makitang si Taw ang nag-sara 'non.

Adrian was still beside him. I also saw Simon behind them, he doesn't have any expression on his face, mataman lamang siyang nakatingin na para bang inaaral niya ang mga nangyayari.

I can't help but to feel emotional when I saw Simon. I can see the man I love from him... bakit ga'non? Bakit kailangan ko silang makita ng ganito na para bang pinapamukha ng mundo sa akin kung gaano ko siya kamahal? Kung gaano siya hinahanap ng puso ko?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halong emosyon at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Takot, lungkot, kalituhan o inis dahil sa mga nangyayari.

Ilang segundo kaming nakatayo na para bang nag hihintay ng galaw mula sa isa sa amin. I was only looking at Simon because he's the safest to look at right now while I can feel the hot stare of Dos in front of me.

"Kathleen." Pag-tawag ni Dos sa atensyon ko.

Marahas ko siyang binalingan ng tingin pero kasabay din 'non ang pag-tulo ng luha sa aking mga mata.

The pain is starting to grow in me, again.

The fear is always there but I can feel it crawling in every part of my being. Lagi ko siyang nararamdaman, sanay na ako pero ngayon parang bago na naman, bago dahil hindi ko napaghandaan.

Kung nakita nila ako... ibig sabihin ba alam na rin ni Carl kung nasaan ako?

Hindi niya ako pwede makita.

Hindi pa.

Hindi na.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi kayo dapat nandito. Umalis na kayo." Madiin kong sabi.

Kita ko ang pag-apoy ng galit ni Dos nang marinig 'yon mula sa akin.

He took a step forward which surprised me but I stopped my self from taking a step backwards.

His eyes were reflecting his anger. Sobra-sobra ang galit 'non at alam kong nag hihintay lang ito sumabog.

"Umalis? Can you hear yourself, Kath? Four years! Four years kang nagtatago dito!" Galit na galit niyang punto.

Mas lalo pang sumama ang tingin ko sa kanya pero bago pa ako makapagsalita ay may humarang na sa aming pagitan. I smelled Taw's manly scent in front of me. With his height, nagawa niya akong takpan mula kay Dos na ipinagpapasalamat ko.

"Wala kang karapatan na mag-salita ng ganyan, Dos. Nananahimik kami dito. Kathleen doesn't need to explain. Wala siyang utang na paliwanag mula sa kahit sino man sa inyo kaya walang rason para harapin niya kayo. Umalis na kayo kung ayaw niyong--"

"Kung ayaw naming ano?" Kalmado ngunit madiin na tanong ni Adrian.

Taw stopped from there.

Napayuko ako at humugot ng hininga dahil nararamdaman ko na ang panglalambot. I'm too tired for this, hindi pa ako handang harapin sila at hindi ko alam kung magiging handa pa ako.

"Taw, 'wag mo kaming gaguhin." Dagdag ni Adrian.

I bit my lower lip from the pain I felt because of Adrian's voice. He is serious, galit siya at alam kong hindi rin siya natutuwa sa ginagawa ko pero kahit gusto kong magpaliwanag sa kanya o kahit gusto kong tumakbo pabalik sa kanila... hindi ko magagawa. Wala akong karapatan para piliin pa 'yon.

I'm coward. I know. Pero para sa pamilyang pinoprotektahan ko, kailangan kong mag-sakripisyo.

"Stop meddling with Kathleen's life."

Taw's voice sounded so desperate. Alam niyang umaapaw na ang takot sa puso ko pero alam ko rin na sa ngayon, walang magagawa si Taw para paalisin ang tatlong Montgomery sa harapan namin.

They won't leave till they get what they came here for.

"Stop meddling?" Sarkastikong tanong ni Dos.

Napa-angat ako ng tingin sa tanong niyang 'yon. Dagdag pa ang kumawalang pekeng tawa mula sa kanya pero bago ko pa siya matignan ng maayos ay hinila niya si Taw mula sa akin at tinulak papunta kay Adrian na siya namang humawak sa braso ni Taw para hindi makalapit sa akin.

"Dos!" Galit na galit na sigaw ni Taw.

"Shut the fuck up! Napupuno na ako sa'yo! Isa pang satsat mo diyan, baka kalimutan kong pinsan ka ng mga pinsan ko. Don't try me, Taw. Last time I check, hindi pa naman napapalitan ang pwesto ko. I'm still the asshole here." Dos said while glaring furiously towarda Taw.

"Stop! Can you just please stop this?" Puno ng frustration kong pakiusap. "Dos! Please..." my voice became weaker with ever plead I do. "Please..."

I shook my head while looking at Dos who is still very angry.

"Alam kong hindi ka pumunta rito para makipag-away. I know you, Dos. Kilala kita at alam kong ginagalang mo pa rin ang kung anong man naging desisyon ko. Because if not, sinama mo na si Carl dito and I thank you for not doing that pero please... nakikiusap ako, kumalma ka muna..."

I need to calm him down. Naging pasyente ko siya noon at alam ko kung paano siya magalit. Hindi ko alam kung ano na ang estado niya ngayon pero sa galit na nakikita ko sa mga mata niya, alam kong walang kapupuntahan 'to.

"I have no right, Kath." Aniya.

This time his voice was a little bit calmer. Inalis na rin niya ang tingin kay Taw at dahan-dahan na binaling ang tingin sa akin. This time, mas magaan pa ang pagtingin niya.

I smiled and let my tears fall again.

"Kath, you don't have to do this..." rinig kong sambit muli ni Taw.

With what Taw said, it flickered the anger from Dos but I managed to stop it. I reached out for him and held his left arm.

"Dos, kahit ano pang itanong mo sa akin ngayon, kahit pilitin mo pa akong mag-salita para sa pinsan mo, pasensya ka na pero wala akong masasagot. I can't say anything because it is my decision. Hindi ba pwedeng galangin niyo nalang 'yon?" Puno ng pagsusumamo kong saad.

Kita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pag-sara ng kanyang mga mata. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang mga luha ko. I know I taught him that before. To stop his brain from thinking negativity or bad thoughts, I told him to close his eyes and think of positive thoughts.

Nag-salubong ang kanyang dalawang kilay pero nanatili lamang sarado ang kanyang mga mata. He took a deep breath and sighed. Ramdam ko na sinubukan niya munang ikalma ang sarili niya bago niya ako muli tinignan.

Tumango siya. "I want to. I badly want to respect your decision pero hindi ko magagawa 'yon habang nakikita ang pinsan kong nagkakaga'non. I can't respect your decision if the consequence is seeing my cousin miserable."

Kusang nalaglag ang kamay kong nakahawak sa kanya nang marinig ang mga katagang 'yon. I took a step back and look at him with the same intensity of how he looks at me.

Nanginginig man ang mga pangamba sa puso ko ay winaksi ko ang mga 'yon para itanong ang tanong na matagal kong ibinaon sa puso ko.

"W-what? What happened to Carl?"

"He ruined his life." Umiling siya. "I don't even know what to call it anymore. Hindi ko na alam kung may maitatawag pa ba sa ginagawa niya sa sarili niya." Tugon niya.

Wala sa sariling napaurong ako at muntik ng matumba pero mabilis akong hinablot ni Dos para 'wag tuluyang mahulog. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinilit ako na tignan muli siya sa mga mata.

Ang mga mata ko ay patuloy lamang sa pag-luha. Pagod na pagod na ang mga 'to pero alam kong marami pa silang ilalabas. Sumasakit na rin ang ulo ko sa lahat ng nangyayari.

"Please save him. Save him from ruining his life, Kath." Aniya na para bang nakasalalay ang buhay niya sa paki-usap na 'yon.

"Don't ask Kath to do something she is not responsible--"

"I know you have a child." Mabilis na pag-putol ni Simon sa sasabihin ni Taw.

Gusto ko man magulat pa ay namamanhid na ang buong puso at utak ko para makaramdam at makapag-isip pa. I'm too drained to understand what Simon just said.

Ngumiti si Dos at bahagyang binalingan ng tingin ang mga pinsan niya.

"I saw him. He's inside the car." Ani Dos.

"Dos, 'wag niyo idamay ang bata dito." Pag-pigil ni Taw sa kanila pero hindi siya pinansin ni Dos.

Muli lamang siyang tumingin sa akin at marahang pinisil ang braso ko para ibalik ang aking pag-iisip sa tama.

"May anak ka at si Carl ang tatay. Kadugo namin siya. Dugong Montgomery ang nanalaytay sa bata."

Hindi siya nag tatanong, siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya na para bang walang pwedeng kumwestyon dito.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Kumukuha ng lakas na intindihin ang mga nangyayari, sinusubukan mag-isip ng pwedeng dahilan para makatakas sa sitwasyong ito.

Marahan niyang pinilig ang kanyang ulo.

"At wag mong sasabihin na hindi si Carl ang ama ng batang 'yon. Mas lalong hindi pwedeng sabihin ng gagong pinsan ng mga pinsan ko na siya ang ama. I won't believe it. Walang maniniwala." Dagdag ni Dos.

Narinig ko ang halakhak ni Adrian.

"Of course, wala naman talaga! Hindi naman pwedeng anak ni Taw ang bata tapos si Carl ang pinaglihian kaya naging kamukha." Subok na biro nito pero nang makitang walang natawa sa sinabi niya ay siya mismo ang nag-tikom ng bibig niya.

"So please, Kathleen. Please... help us. Stop this already. Umuwi na kayo ng bata. He is a Montgomery, he deserves to be with the family."

"Dos." Buong diin kong sambit sa pangalan niya.

Inabot ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at kusang binaba 'yon. Umayos ako ng tayo at pinakatitigan siya sa mata.

Carl...

I'm so sorry.

I can't. As much as I want to run to you, may mga bagay akong walang pinagpipilian at sa ngayon, hanggang kaya ko... si mommy at si Carlisle ang po-protektahan ko.

I hope you could forgive me. I hope you'll understand.

"I can't go back, Dos. Hindi pwede." I said with finality.

Napasapo siya sa kanyang mukha at huminga ng malalim dahil sa frustration. Nanatili lamang akong mataman na nakatingin sa kanya. I can hear Adrian cussing while talking to Taw and I can also hear Simon stopping Adrian.

Gusto ko man sila awatin ay mas problema ko si Dos.

"Kathleen! Carl has a right to know your child! Kung ayaw mong bumalik sa kanya, kahit alam ko namang mahal na mahal mo siya--damn love! Bullshit! Ibigay mo naman ang karapatan niyang makilala ang bata!"

I panicked when he started to move to reach the door beside Carlisle. Mabilis kong hinablot ang kamay niya at kahit mas malakas siya ay ginawa ko ang lahat para itulak siya palayo sa sasakyan.

I glared at him and stepped to block the car's door from his reach.

"Magkamatayan na tayo, Dos. But I won't let you meddle with my life. I won't let you touch my son."

Forgive me, Carl.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top