Page 21
Hi to Patricia Ante! I'm so proud of you, continue reaching your dreams, I will always be right behind you! Thank you for loving me and my stories. Thank you for being part of my family here in Wattpad.
The change
Love is something I yearned for.
Not receiving it from the people I expect to give me love is painful yet tiring at the same time. That's why I stopped, I prevented myself from expecting because I know... they will all leave me.
That's how my life goes...
Kung hindi sila ang aalis, siguradong ako ang aalis.
Am I bound to be like this forever?
Will all the people I love and care for find their way to leave me? Will I be forced to leave the people who are ready to give me love?
For the past years, I kept asking this questions but now, I know I won't be alone anymore... because I have someone that is from me.
Marahan akong pumikit at hinayaang lumandas ang aking mga luha. Pang ilang luha ko na ba ito sa apat na taong lumipas? Pang ilang hikbi ko na ba ito?
Napahawak ako sa aking puso habang pinapakiramdaman ang ihip ng hangin. Naramdaman ko ang pag-kirot 'non at ang kagustuhan nitong kumawala at bumalik sa taong nag mamayari sa kanya.
Today is one of the days where in I misses him so much.
Sobra-sobra na parang ikamamatay ko kapag hindi ko siya nakita pero alam kong hanggang dito lang. Bukas, gigising na naman ako na wala siya, susubukan na gawing normal ang araw, susubukan na tanggapin na pinili ko 'to at kailangan kong panindigan ang mga desisyon ko.
"Malamig dito, Kath. Pumasok ka na sa loob." Puno ng pag-aalalang saad ni Georgina.
Umiling ako at niyakap lamang ang aking sarili. Isang hikbi ang kumawala sa akin habang unti-unting minumulat ang mga mata ko para pagmasdan ang langit.
"Please naman, Kath. Makinig ka naman sa akin." Aniya.
Muli akong umiling at hindi inalis ang mga mata sa nagkikintabang bituin.
"Let me be for a while, G. Alam mo naman na dito ko lang pwedeng gawin 'to. I won't run back to him... I won't, I just need to let it out because I might lose my mind if I don't." I painfully said.
Naramdaman ko ang pag-lapit sa akin ng kaibigan ko at mabilis niya akong hinila para mayakap. Mas lalo akong napahikbi dahil doon, napahawak ako sa puso ko na para bang sa pag-lapat ng kamay ko roon ay mawawaksi lahat ng sakit.
I feel like whenever I feel my heart, it is him... who's with me.
"Why don't you go back? Kung nahihirapan ka ng ganito... bakit hindi ka bumalik?"
Umiling ako at napahagulgol.
"Hindi pwede, alam mo naman 'yon diba? Maraming masasaktan. Maraming magugulo. I need to protect my family, I need to protect the people I love."
"Hindi ba siya kasama sa pamilya mo? Hindi mo ba siya mahal? Isn't he the one who gave you family?"
I can hear frustration from her voice but I remained silent. I painfully smiled before I seperated myself from her hug. Pinunasan ko ang mga luha ko at muling naramdaman ang malamig na ihip ng hangin.
Bahagyang nahipan ang buhok ko na mabilis naman niyang inayos. Hindi ko mapigilang maalala ang taong pinakamamahal ko sa ginawang aksyon ni Georgina.
"What are you doing?" Gulat kong tanong kay Carl dahil sa ginawa niyang pag-hawak sa buhok ko.
Inilagay niya iyon sa likuran ng aking tainga na naging dahilan ng pag-init ng pisngi ko.
I smiled sweetly at him and he did the same to me.
"I just want to see you clearly. I want to memorize everything about you..."
My heart hurts because of the sudden flashback of memory but I quickly shrugged it off.
"Kailan ang balik mo sa Pilipinas?" Pag-iiba ko ng usapan.
Sinamaan niya ako ng tingin at napabuga ng hangin na para bang naiinis na siya sa akin.
"Tingin mo makakabalik ako ng Pilipinas ng ganyan ka? Tignan mo nga 'yang sarili mo, tignan mo nga 'yang niluluha mo. Every year, palala ng palala 'yan. Nag-aalala na si Tita Helena at ang--"
"Sh..." pag-pigil ko sa kanya.
I smiled painfully. "I know, I know... kaya nga sinusubukan ko diba? Sinusubukan kong maging maayos. Ngayon lang naman 'to, it is just one of the days where I missed him the most."
Kumunot ang noo ni Georgina na para bang hindi niya na alam ang gagawin niya. Napahawak siya sa kanyang buhok at sinuklayan ito gamit ang kanyang mga daliri dahil muling umihip ang hangin.
Ako rin ay napaayos ng buhok pero mapait na natawa nang ma-realize ko na maikli na pala ang buhok ko.
To perfect my new life, I had to change everything that is in memory of Dra. Kathleen Fae Camongol. I only have my name with me and my family but my job, the man I love and the things I worked so hard for were left behind.
"I miss my long hair, G."
"I miss your old self, Kath." Inis niyang balik sa akin.
"Why don't you ask me about him? Ayaw mo bang makarinig lamang ng konting balita mula sa kanya?" Dagdag niya
Umiling ako at tumalikod. Humakbang ako palapit sa pintuan ng balkonahe para makapasok na muli sa loob pero sandali akong tumigil para sagutin ang tanong niya.
"I don't want to ask because I'm afraid..." I answered.
"Afraid from what? That you'll hear news about him finding new love--"
"I'm afraid that when I heard something about him, I'll run back to him. Natatakot ako na hindi pa siya okay. Natatakot ako na marinig na nahihirapan siya because right now, I don't care if he finds someone to replace me, I just want him to be happy without me." Saad ko.
"Kathleen!" Pag-taas ng boses ni Georgina.
I bit my lower lip to suppress myself from crying again.
Hindi naman ako ganito... I don't cry easily, I don't throw tantrums, I'm independent and I know how to carry myself but whenever that person is the topic, lagi nalang ako umiiyak.
Lagi nalang...
"Naiinis na ako sa ka-gagahan mo! Konting-konti nalang talaga at tatamaan ka na sa akin! Ano 'yang ka-martyran na 'yan? You don't deserve this! Tingin mo makakapayag ako na yung lalaking 'yon masaya habang ikaw nandito, ganito ang buhay! I would rather see you both hurting than see you alone in here! To tell you, sobrang nahihirapan din--"
"Stop! Please, G! Stop!" Pag-pigil ko sa kanya at tinakpan ang aking dalawang tainga.
Umiling ako at napaupo sa sahig.
"Nakita mo, G. Nakita mo na kaya nilang itago si Mommy ng ga'non mula sa akin. How sure are we that they won't do it again. Lalo na ngayon... lalo na ngayon na mayroon na naman silang maaring kunin sa akin. Hindi ako makakapayag. Not him... not mom, hindi pwede. Kaya hanggang kaya ko, ilalayo ko sila, I can't go back..."
I hugged myself and watched how G carefully walked to stand in front of me. Dahan-dahan siyang umupo sa harapan ko para mag-lebel ang paningin namin.
Nanakit ang puso ko habang inaalala ang mga pinagdaanan ko para makarating dito, para makapag-tago, para makalayo...
"I will help you, Kath. Tutulungan naman kita."
Her voice sounded so frustrated but broke at the same time.
Nag-angat ako ng tingin at nag-tama ang mga mata namin. Babad na sa luha ang mga mata ko habang siya ay namumula na rin, I know she's trying to stop her tears, I know she won't cry in front of me.
"Hindi ka pwedeng madamay, G. The promise you had with your parents is on your hands now, I won't let them take it away from you."
Nag-salubong ang dalawa niyang kilay at napasapo sa kanyang noo. Hinilot niya ang kanyang sentido at matalim na tingin ang ginawad sa akin.
"They can't take it away from me, Kathleen. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kitang tulungan. Maraming tutulong sa'yo kung hahayaan mo lang kami makapasok diyan sa mga desisyon mo."
Maagap akong umiling at hinawakan siya sa braso para maipakita ang punto ko.
"You don't understand, G. Kaya nilang kunin lahat sa akin, kaya nila akong saktan sa pamamagitan ng mga kahinaan ko at isa ka roon. You're my only trusted friend and they know how to hurt me by hurting you. I can't risk that..."
Naramdaman ko ang sobra-sobrang takot sa puso ko. Ang mga emosyong pilit kong binabaon araw-araw ay unti-unting bumibigay ulit. The pain that keeps on hunting me is slowly eating me...
...and the only person who can save me from the pain is not with me.
"They can't do that anymore. I have the means to help you, Kath. Sumama ka lang sa akin pabalik." Aniya.
I smiled and reached out to hug her.
Mahigpit ko siyang niyakap na para bang nakasalalay doon ang buhay ko. Kahit papaano, sa yakap na 'yon, naramdaman kong hindi ako mag-isa sa laban ko.
"Thank you, G. Thank you for being here but I can't go back. I can never go back. Not in this lifetime..."
"But Kath--"
"Take care of yourself for me, okay? Live up with the promise you had with your parents. 'Wag mong hahayaan na mawala sa'yo ang mga may'roon ka ngayon."
Naramdaman ko ang pag-yakap niya pabalik sa akin. Mahigpit din 'yon na mas lalong nag paluha sa akin.
"I know..." She sighed. "I know I can't stop you from your decisions but I just want you to know that I'm always here. Hindi kita pababayaan. Tutulungan kita kahit saan pa 'yan. Kung gusto mong bumalik, gagawa ako ng paraan para makabalik ka. I will help you with any means I know. Please stop getting scared..."
I nodded and hugged her tight.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kalahati ng puso ko ay buhay, ang kalahati ay nawawala. Apat na araw sa isang taon ang sagutan naming ga'non ni Georgina. Tuwing umiiyak ako ng sobra dahil sa paghihirap ng damdamin ko ay lagi siyang nandyan.
She knows when to fly here to be with me. Dahil alam niyang wala akong mapapagsabihan. Dahil alam niyang hindi ko pwedeng sabihin sa pamilya ko.
And with each day God has made, I smile and I love for my family but a part of me is running from everything too.
"Anak, gumising ka na riyan. Hapon na, kailangan mo pang sunduin si Carlisle." Ani Mommy.
Ngumiti ako sa munting pagkarinig sa boses niya. Kahit hirap ay umupo ako mula sa higaan ko at inabot siya para mayakap. I smelled her and smiled more because of it.
Lalong lumubog ang kama dahil sa aming dalawa na ikinatawa naman niya. Napaupo siya sa tabi ko at hinayaan akong yakapin siya lalo.
"Ano ka bang bata ka? Ano na namang nangyayari sa'yo?"
Umiling ako bilang tugon.
"Wala po, masaya lang po ako."
Naramdaman ko ang pag-abot ng kamay niya sa aking braso para yakapin ako pabalik.
"Totoo ba 'yan? Masaya ka talaga?" Paninigurado niya.
I nodded and leaned my head over her shoulder.
I silently prayed to thank God for waking me up with my mom and love ones around me. I thank God for giving me hope to live.
"Thank you for being alive, mommy. Thank you for being here. Thank you for not giving up." Saad ko.
Narinig ko ang pag-buntong hininga niya at tinapik-tapik ang aking braso.
"Don't be too hard on yourself, anak. It's been four years already. Hindi na ako mawawala ulit, it's time for you to accept that we should move on with our lives now." Aniya.
Hindi ako sumagot at hinayaan lamang na maramdaman ang presensya ng nanay ko. Kahit na araw-araw ko siyang nayayakap, hindi pa rin ako nakukuntento dahil pakiramdam ko, isang araw ay mawawala ulit siya. Pakiramdam ko, isang araw ay mawawala lahat sa akin ulit...
"Everyday, my hatred towards your father is growing. How can he make you feel like this. Siya ang nag-tanim ng takot sa puso mo na minu-minuto rin lumalaki at nag-bubunga. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa'yo. I will never forgive him for making you like this."
I bit my lower lip and just hugged her. I can't blame anyone anymore, not even my dad, pagod na ako para gawin 'yon. Gusto ko nalang maging masaya at magkaroon ng tahimik na buhay.
'Yon lang naman...
'Yon lang pero ang hirap makamit.
Natigilan kaming dalawa nang makarinig kami ng pagkatok sa pintuan. Napaayos ako ng upo at nagkatinginan kaming dalawa. Unlike me, walang bakas ng kaba o takot sa mga mata ni mommy habang ako ay siguradong punong puno na ng takot.
Akmang tatayo siya nang pigilan ko siya. Umiling ako pero bago ko pa tuluyang makumbinse si mommy na 'wag buksan ang pintuan ay nag-bukas na ito.
Parang nawalan ng tinik ang puso ko nang makita ang taong pumasok at patakbo-takbo pang palapit sa akin. Tumalon siya sa kama at mabilis na hinagkan ako sa pisngi at niyakap ako.
"I miss you mommy! Hindi ikaw yung nag-hatid sa akin sa school so I was sad kanina pero I'm happy now kasi nakauwi na ako and I know we'll have our play time na!" Ani Carlisle.
I smiled sweetly and hugged him tightly which made him cough. Napahagikgik ako kaya niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Inabot ko ang pisngi niya at pinaulanan siya ng halik doon.
Rinig ko rin ang tawa mula kay mommy kaya mas gumaan ang pakiramdam ko.
"Mommy naman! Hindi ka pa nag totooth-brush!" Reklamo ng anak ko pero tumawa lamang ako.
"Aba! Aba! Nag rereklamo ka? Sige ka, hindi kita isasama sa pag grocery ko mamaya." Banta ko sa kanya habang pinipigilan ang tumawa.
Namilog ang mga mata niya na agad kong ikinatigil. Mula sa mga mata niya ay nakita ko ang mga mata ng isa pang taong sobra kong minamahal hanggang ngayon.
His eyes reflected the eyes that made me fall.
Carlisle hugged me and kissed me more than what I did to him.
"Sama ako mommy! Sama ako!" Aniya at muling hinalik-halikan ako.
I laughed and nodded while he keeps on kissing me. Muntik pa akong mapahiga dahil sa bigat niya.
Like his dad, he has this strong built and he has the stance of his dad's family. Sa tindig palang niya, hindi makakaila na kabilang siya sa pamilyang 'yon.
"Can I come too?"
Natigilan kaming pareho at napalingon sa pintuan.
Napangiti ako nang makita ang taong nakahilig sa may hamba nito at ngumiti rin siya pabalik.
"Salamat sa paghatid kay Carlisle, Taw. Sandali nga at paghahanda ko muna kayo ng pagkain." Ani mommy.
Tumango si Taw at napahawak sa kanyang batok.
"Nasa vicinity kasi ako tita, sayang naman kaya dinaanan ko na rin siya." Paliwanag naman ni Taw.
Tumango tango si mommy at pinanliitan ng mata si Taw. Napaurong si Taw sa may pintuan na ikinangiti ko.
"May sinabi ba ako?" Huling hirit ni mommy kaya napangiwi si Taw.
Tuluyan ng lumabas si mommy kaya dumapo sa akin ang tingin ni Taw. He smiled at me and I smiled back. I hugged my son while Taw leaned towards the the side of the door to watch us.
I mouthed 'thank you'
Umiling siya. "You're always welcome." Aniya.
"Mommy ligo ka na ha? So we can go to the grocery na!" Singit ng anak ko.
I nodded and hugged him once more.
From him and my mom, I know... I can continue to live this life. I can because I know I will never leave them and they will never leave me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top