Page 2

Bestfriend

"Bumalik ka na ba sa bahay ng papa mo? Ilang taon na 'rin ang nakalipas mula noong umalis ka sa bahay niyo hindi ba?" Tanong ni Tito Theodore.

Natigil ako sa pagkain at nag-angat ng tingin. May kung anong pag-kirot akong naramdaman sa puso ko pero sinigurado kong hindi nila makikita 'yon. Hindi ako makakapayag na may makakita ng totoo kong nararamdaman.

I faintly smiled and shook my head.

"Dad!" Maagap na pag bawal sa kanya ni Adrian pero inabot ko ang braso niya para mapigilan siya.

It's okay.. gusto kong isatinig 'yan pero hindi ko magawa.

Dahil hindi naman talaga.

Family is a very sensitive topic in my case.

Pero sanay naman akong tanungin ng ganito. Lalo na kung sila ang mag tatanong. Besides, they're like family to me. Noong mga panahon na akala ko mababaliw ako sa pagkawala ng mommy ko, nandoon sila. Alam kong concern lang si Tito lalo na at naging kaibigan din naman niya si daddy.

Sayang lang at hindi sila pareho.. hindi sila pareho dahil tapat si Tito sa pag mamahal niya kay Tita habang si daddy..

"No, tito. Hindi pa po ako bumabalik." Magalang kong tugon.

Napabaling ang tingin ko kay Adrian na puno ng pag-aalala ang mga matang naka titig sa akin. Nanglambot ang puso ko dahil doon, isa 'to sa mga dahilan kung bakit kami naging matalik na mag kaibigan.

He's the brother that I never had.

He's protective, kind, responsible and very caring when it comes to me. He's playful and a ladies man, yes, but that's him being a Montgomery. Maliban doon ay wala na akong marereklamo pa sa kanya.

"I see.." pag-tango ni Tito.

Nahagip ko si Tita Pin at nakitang malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at napa-ayos ng upo. Bumaba na din ang hawak ko mula sa braso ni Adrian at narinig ko ang pag buntong-hininga ng taong nasa kabilang gilid ko.

"Hindi ka ba tinatrato ng mabuti doon? Did they harm you? I mean.. your stepmother and your stepsiblings." Puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Pin.

"Mom.. I don't think it--"

"I can't answer that, Tita. Simula po nung nawala si mommy, umalis na 'rin po ako sa bahay kaya hindi ko po sila nakasama ng ga'non katagal para masabi kung mabuti o masama ang trato nila sa akin.." muli kong pag putol kay Adrian.

I bit my lower lip.

Tuluyan kong binitawan ang kubyertos na hawak ko dahil parang nawalan ako ng gana. Sumandal ako sa upuan at pinilit pa 'rin ang sariling ngumiti, tumikhim ako para makatulong sa boses kong pilit kong pinatutunog kaswal.

"But.. we're okay naman po, hindi naman nila ako pinapakielaman sa mga desisyon ko." Dagdag ko dahil kita ko na hindi sila nakuntento sa sagot ko.

"But that's the problem! Hindi ka nila pinakikielaman which is dapat ay ginagawa nila. If they are really trying to be a good parent, they will do everything to make you stay with them. Sa stepmother mo naman, kung gusto niya talaga maging parte ng buhay ng papa mo, then she should try to know you more which she didn't try for how many years already." Bigay punto ni Tita Pin.

Bahagyang tumaas ang boses niya na kinagulat ko. Lahat kami ay natigilan dahil wala kaming masabi, ang kaninang masayang usapan ay nauwi sa ganito, pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit naging ganito ang usapan.

"Pin.. relax, this is not something that we can control." Pag-papakalma ni Tito sa kanya.

Marahang pumikit si Tita Pin at huminga ng malalim bago nag mulat muli ng mata. Inabot ni Tito Theodore ang kamay niya at hinawakan 'yon, binalingan naman siya ni Tita at nanglambot ang mga mata niya nang magtama ang kanilang mga paningin.

Hindi maiwasan ng puso ko na makaramdam ng pag pisil doon.

"I'm sorry, Kath.."

Muli akong nilingon ni Tita at ngumiti siya sa aking gawi.

"You know how much you mean to this family. Kahit noong mag kaibigan palang kayo ni Adrian ay hindi ka na iba sa amin. Kaya ayokong nakikita kang ganyan lalo na at girlfriend ka na ng anak ko. Isa pa, mas lalo lang kitang minamahal at lahat ng taong mahal ko ay ayokong nalulungkot." She said with a motherly tone.

Parang inatake lalo ng kunsensya ang puso ko. Lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Tita Pin ay totoo at galing sa puso habang kami ni Adrian ay nag sisinungaling sa kanila. Hindi ko maiwasan na maisip ang hinaharap.

Paano kung malaman nila?

Will they hate me? Will they hate him?

This is not a small matter, alam ko 'yon dahil nakita ko kung paano nila pahalagahan ang ganitong usapan.

Love is not a small matter for them. It means a lot and they have this belief that a Montgomery will only love once, meaning.. inaasahan na nila na kami ni Adrian sa huli.

Alam na alam ko 'yon pero nandito ako at gumawa ng hindi pinag isipang desisyon.

Damn it.

Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Adrian na diretso ang tingin sa mama niya.

"Speaking of you and Adrian, paano nga ba naging kayo? The two of you are very clear with your relationship before. That you're only bestfriends. How come.."

"Right tito.." biglang pag sangayon ng taong nasa kabilang gilid ko.

Kinilabutan ako sa pagkakarinig ko sa kanyang boses. Parang nanlamig ang likuran ko dahil sa tindi ng presensya niya sa tabi ko.

"Hindi mo ba ito alam, Carl?" Tanong ni Tito sa kanya.

Kahit pilitin ko ang sarili kong 'wag lumingon sa kanya ay nagawa ko pa 'rin. Tumambad sa akin ang seryoso niyang mga mata habang ang isang sulok ng labi niya ay naka-angat.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil tumingin siya sa akin.

Halos mahigit ko ang hininga ko nang magtama ang mga mata namin kaya mabilis akong umiwas ng tingin na pinagsisisihan ko!

Bakit ako umiwas ng tingin?!

Dapat hindi..

Kasi baka ano isipin niya. Besides, hindi naman ako dapat apektado..

"No tito, 'yun nga ang nakakapagtaka. I'm Adrian's cousin and the closest to be exact pero hindi ko alam na niligawan niya si Kathleen." Tugon niya.

I heard something in his voice but I can't put it into words.

Hindi ko matukoy kung ano 'yon.

"The relationship between me and Kath is very serious that's why we decided to let you know first before telling the others. Gusto namin na kayo muna ni mama ang maka-alam, pa." Pag-sagot ni Adrian sa papa niya.

Marahan akong napapikit sa sinabi niya. Pinigilan ko ang pamumuo ng inis sa kalooban ko dahil talagang tatamaan na sa akin si Adrian. Hindi ko alam kung nag-iisip ba siya o hindi dahil sa mga sagot niyang kapaha-pahamak.

Serious?

Talaga bang tinatali niya ako sa sitwasyon na 'to?

Aba't makakatikim talaga sa akin ang lalaking 'to!

"And.. brother." Binalingan ni Adrian si Carl. "I'm sorry for not telling you sooner, you're my closest but this is something I don't want to spoil." Ngiting-ngiti niyang wika.

"I understand. I totally understand everything." Makabuluhang wika ni Carl.

Kumunot ang noo ko.

Nilingon ko siya at nadatnan ko ang mga mata niyang mataman akong tinitignan. Nanatili lamang ang mga mata kong nakatingin din sa kanya habang pilit kong binabasa ang tumatakbo sa isip niya.

Nakakapanindig balahibo ang tingin niya pero hindi ko inurungan 'yon.
I know him..

His words mean something. Hindi lang basta-basta ang mga 'yon.

"So, see you soon?" Ani Adrian habang pinag-bubuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

Bahagya kong nilingon si Carl na prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Adrian.

Argh!

Nakakainis!

Ramdam na ramdam ko ang init ng titig niya at hindi ako natutuwa doon. Kanina ko pa siya iniiwasan dahil sa tanong niyang hindi ko nasagot at mga titig niyang hindi nakakabuti sa pakiramdam.

"Uh.."

Pinilit kong balingan muli ng tingin si Adrian.

Tumango ako. "Okay."

Pilit kong tinago sa loob ko ang totoo kong nararamdaman kahit na gusto ko na siyang sakalin dahil sa problemang binigay niya sa akin.

Not now, Kath..

Huminahon ka. 'Wag ngayon, 'wag dito. Hayaan mo na munang magpaka-saya ang kaibigan mo sa kasinungalingan niya, tsaka mo nalang siya patayin pag walang nakakakita.

Maybe next time. Pag wala ng Carl na nakatitig sa'yo ng ganyan, titig na para bang huhubaran ka.

"Soon?" Sabat ni Carl.

Fuck.

Ito na naman siya sa pakikielam niya.

"Bakit hindi kayo magkita bukas? Dapat ay araw-araw kayong magkita. You're in a relationship after all." May himig ng panunuya niyang sabi.

Sabay namin siyang nilingon ni Adrian.

Ga'non pa 'rin naman ang pwesto niya at hindi pa 'rin naaalis ang ngisi sa kanyang labi. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin, hindi kay Adrian.. kung hindi sa akin talaga.

"Carl--"

"Nakakasawa naman kung araw-araw kami magkikita, hindi na healthy 'yon." Pagputol ko kay Adrian at ako ang sumagot.

Tinaasan ko siya ng kilay at mas lalo lamang lumawak ang ngisi na sobrang sarap burahin sa labi niya.

Hah!

Akala niya siguro ay mananatili nalamang ako na walang kibo? Hindi niya ba alam na kanina pa ako naiinis sa mga side remarks niya? Wala siyang ginawa kung hindi ang ipakita ang pagdududa niya sa relasyon namin ni Adrian.

"Are the two of you really in a relationship? Because if I am your boyfriend, I'll see you every day, fucking every day. I won't be able to sleep until I see you. I'll always want to be with you, to stick with you, to talk to you, to date you and to spend more time with you. Hinding hindi ako makukuntento sa soon. Hinding hindi ako magsasawa. Kulang pa nga 'yon.. kasi, hindi ako titigil hanggang hindi ko napapalitan ang apelyido mo."

Napaawang ang labi ko.

Parang tumigil ang puso ko sa pag-pintig 'non. Tila kakapusin ako ng hangin hindi lang dahil sa intensidad ng mga mata niyang nakatuon sa akin ngunit dahil na 'rin sa mga salita niyang tagos hanggang buto ang tama sa akin.

Kahit alam kong sinasabi niya lang ang mga 'to para kwestyunin ang kung anong meron kami ni Adrian ay hindi ko mapigilan ang maapektuhan.

Who wouldn't be affected? His words are so sharp.. there's too much in it.

"Wow.."

Nakuha ni Adrian ang atensyon ko kaya tinignan ko siya.

Kitang kita ko ang kanyang pag-ngiti at pag-iling. Humalukipkip siya habang pailing-iling pa 'rin. Tila pinipigilan niya ang tumawa pero hindi siya nag tagumpay doon dahil sa hindi nag tagal ay humagalpak siya sa tawa habang pailing-iling na para bang nababaliw na.

"I can't.." pigil tawa niyang sabi.

Inabot niya muli ang pintuan ng kotse ko para maisara 'yon.

"I get it now. Damn. Sorry. I'm such a fool." Aniya habang ngiting ngiti pa 'rin.

Nagsalubong ang mga kilay ko habang sinusundan ang mga galaw niya.

Sinara niya ang pintuan ng kotse ko at humakbang palapit kay Carl. Napa-ayos ng tayo si Carl dahil doon, umalis siya sa pag kakahilig niya sa kanyang kotse at sinalubong ang papalapit sa kanyang si Adrian.

Hindi ko mapigilan mapuna ang pagkakaiba nilang dalawa. Kahit pareho sila ng tangkad at ng tindig, ibang iba ang makukuha mong aura sa kanilang dalawa. Adrian has this devious but playful aura while Carl has this strong mysterious aura on him.

Dati, noong mga bata kami, hinahalintulad ko siya sa volcano. Dahil para siyang natutulog na bulkan, hindi mo alam kung kailan siya sasabog kaya nakakatakot.

"Carl, I'm so sorry. Man, I can't. Grabe." Aniya.

Litong lito pa 'rin ako habang pinapanuod sila. I mean, sanay na akong ganito ang mga aksyon nila, tipong sila lang nakakaintindi sa usapan na mayroon sila pero ngayon lang ako nainis dahil hindi mapigilan ng kuryosidad ko ang pag-usbong nito.

I get it!

They're cousins and they understand each other pero I have this feeling that it concerns me.

I'm not assuming, kahit kailan hindi pa nag kamali ang mga pakiramdam kong ganito.

"You ruined it." Ani Carl.

Umiling muli si Adrian at tinapik siya sa balikat.

"I'm sorry, brother. Kailangan ko lang talaga gawin 'to. Babawi ako sa'yo, pangako." Aniya.

What the heck are they talking about?

Akmang mag sasalita ako nang biglang lumipat ang tingin sa akin ni Carl. Parang umurong ang dila ko dahil doon kaya tinikom ko nalamang ang bibig ko. Unti-unti na namang namumuhay ang inis sa kaloob-looban ko.

I'm not like this!

Hindi ako kailanman nag dalawang isip sa mga gusto kong sabihin. Kahit kailan ay hindi ako na-intimidate kahit kanino. I clearly know my capabilities, I have a good reputation and I know where I stand.

Pero tulad dati..

Lagi nalang akong napapa-urong tuwing nandyan siya.

Maybe I'm really intimidated by his presence?

Damn. This can't be.

Ayoko nga!

"Ikaw ng bahala sa kanya. I'll call you later. I'll tell you something important." Ani Adrian bago ako nilingon ulit.

Ngumiti siya ng marahan sa akin.

"I'll go now, babe. Thanks for being here. It means a lot to me. Babawi din ako sa'yo." Aniya at hindi na ako hinintay pang mag salita.

Pinasok niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa niya at tinalikuran kami. Kasabay ng pag talikod niya ay siya namang pag-ihip ng hangin dahilan para mapalingon ako muli kay Carl.

Nagulat ako nang sumalubong sa akin ang matalim niyang tingin. Nagtagis ang kanyang bagang habang tinitignan ako kaya hindi ko 'rin napigilan na tignan siya ng masama.

Napupuno na talaga ako sa lalaking 'to!

Kanina pa siya.

"Ano bang problema mo?" Pigil inis kong tanong sa kanya.

He licked his lower lip which made me gulp.

Oh no..

"Ikaw.." he whispered.

"Ano?" Kunot-noo kong tanong.

Mas tumalim pa ang tingin niya sa akin, kung may itatalim pa ba 'yon. Basta ramdam na ramdam ko ang sobra-sobrang emosyon na nanggagaling sa mga mata niya.

"Ikaw ang problema ko." His deep voice said.

Napabuga ako ng hangin at napahawi ako sa buhok kong bahagyang ginalaw ng hangin.

"Ako? Ako na naman? Wala naman akong ginagawa sa'yo 'ah? Ikaw nga 'tong walang ginawa kung hindi ang iparamdam sa akin na kinekwestyon mo lahat ng galaw ko."

My voice sounded so hard yet my insides are getting weaker in every second his eyes bore in me.

Para akong kakapusin ng hangin sa kabila ng subok kong patibayin ang talim ng titig ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko, bago ito sa akin. Sanay akong nakakaramdam ng kakaiba sa kanya-- maybe it's intimidation, pero sanay din akong hindi pinapansin 'yon dahil hindi niya naman talaga ako pinapansin dati.

"That's the point!"

I flinched because of his tone.

I never heard him like this before nor see him this worked up. Para bang inis na inis siya sa isang bagay na hindi ko matukoy kung ano. Sa talim ng titig niya at pagtagis ng bagang niya ay hindi ko maiwasan maisip na dahil 'yon sa akin.

Pero hindi ko alam kung bakit..

Wala naman akong ginagawa sa kanya 'ah?

I can't even remember the last time we talked.

"'Wag mo nga akong sigawan." Mahinahon pero may diin kong sabi.

"You want to know why I'm being like this?" Hindi niya pag pansin sa sinabi ko.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Ayokong sumagot dahil baka may masabi akong mali. Sobra na ang kaguluhan sa utak ko, pwede ng pumasa ang usapan namin bilang panaginip ko dahil hindi talaga kapanipaniwala.

Ano bang meron?

Why is he acting like this all of a sudden? Hindi naman siya ang pinunta ko dito at mas lalong hindi ko naman ginusto na makita siya dito.

"Wala kang ginagawa sa akin? 'Yun na nga eh.. wala! Kaya ako naiinis dahil wala. You don't even give a fuck about me! You never did! And that angers me, Kathleen! So much! It pissed me so much.. thinking that you're here to fool us for Adrian! Just for him? Damn this! Dapat ba ay ginawa din kitang bestfriend para may pakielam ka din sa akin?" Aniya habang tumataas ang kanyang boses.

Heck.

I need to check my respiratory system..

Bakit ako nahihirapan huminga dahil sa mga sinabi niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top