Page 18
Hello to candyle29! Thank you for your never ending support. Ramdam na ramdam kita, your messages always warmed my heart. Ingat ka palagi and good luck to your endeavors!
Too much
From: Carl James Montgomery
Hey? Have you decided?
Kumunot ang aking noo sa nabasang mensahe mula kay Carl pero hindi 'yon nagtagal dahil sa huli ay kumawala pa rin ang ngiti sa aking labi.
Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa bakasyon na sinasabi niya at hindi lamang ang sagot ko. Sa totoo lang, I don't even know where he got the idea that I'm thinking about it, malinaw naman ang sagot ko kanina sa kanya na hindi ako pumapayag.
Napaka-kulit talaga...
"Dra?"
Maagap akong napatikhim at napailing sa narinig na pag tawag sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata ng isang nurse na naka-duty ngayon sa station ng ICU.
"How's Mr. Vera?" Tanong ko.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at nag-baba ang tingin sa records na hawak.
Nakaramdam ako ng bahagyang pagka-hiya dahil pakiramdam ko ay nakita ng iba ang isang bagay na ayaw kong makita nila sa akin.
"He's doing actually good, Dra. Nag re-respond na po siya sa mga gamot at napapadalas na po ang pag-gising niya." She reported.
Mr. Vera is one of the VIP patients of the hospital. Matagal-tagal na rin siya rito sa hospital, comatose for two months already so this is really a good news.
I nodded. "How about Mrs. Yu?" Tanong ko.
Nilipat niya ang pahina ng kanyang hawak, pinanuod ko siyang pasadahan ng tingin ang buong papel at sa paghihintay na 'yon ay parang naramdaman ko rin ang pag-akyat ng kaba sa aking puso.
Sa ngayon, si Mrs. Yu na ang pinaka-matagal ang pananatili rito kumpara sa ibang mga kasama niya sa loob ng ICU. Aaminin ko, there's a special place in my heart for her, maybe because I can see my mom from her and to see her okay again will make me feel less guilty or maybe because of Dos.
I know that Dos can't go back to the way he was before if his guilt over Mrs. Yu will continue to live on him.
"Wala pa rin pong pag-babago." Aniya. "She's responding to the medicines but she's still unconscious."
Nakaramdam ako ng pag-kirot sa aking puso sa narinig pero mabilis ko iyong winaksi at pinilit na ngumiti sa harapan ng nurse. Tumango ako at humakbang paatras sa kanilang station.
"Okay, I'll go back later to check on her again, though Dr. Castro will also have his rounds later." Wika ko.
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tumalikod na ako. Pinasok ko ang dalawa kong kamay sa magka-bilang bulsa ng aking white coat habang tinatahak ang daan pabalik sa aking opisina.
Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng sobrang pagka-dismaya sa narinig na kondisyon ni Mrs. Yu. A part of me feels like I'm not doing a good job on her condition, kahit na hindi lang naman ako ang doktor na responsible sa kanya.
I haven't talked to Evangeline Yu yet, hindi ko pa kaya. It's too much for me, having her mother on my care while having Dos too... it's too much.
"Years ago, I'm willing to give up everything just to know what you are thinking and looks like, hindi pa rin nag babago 'yon dahil hanggang ngayon ay gusto ko pa rin malaman kung anong iniisip mo."
Natigil ako sa pag-lalakad nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Wala sa sariling sumilay ang ngiti sa aking labi at mabilis akong lumingon para makita ang taong 'yon.
Hindi naman ako nagkamali dahil bumungad sa aking harapan ang taong hindi ko inakalang matutuwa akong makita.
"Hey..." I managed to say. "Anong ginagawa mo rito?" Dagdag kong tanong.
Nag-salubong ang kanyang dalawang kilay at humakbang ng dalawang beses palapit sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuo-an ng paligid at mabilis ko naman nakuha ang ibig-sabihin 'non. Kumawala ang mahinang halakhak sa akin at napailing habang siya naman ay patuloy ang pag papahalata sa akin ng sagot mula sa tanong ko.
Taw really has a way to make me laugh despite of the circumstances. Kahit noon pa ay napapatawa niya na ako, it's just that... I don't really consider him as someone that I can be with.
"I almost forgot, your family owns this hospital." Sagot ko sa sariling tanong.
Ngumisi siya at binalik ang tingin sa akin.
Nag-salubong ang mga mata namin at kita ko ang panglalambot ng mga mata niya, matamis akong napangiti dahil doon. It's really good to see him, matagal din niya akong iniwasan simula noong sinabi ko sa kanya na wala siyang maasahan sa akin. Ngayon na nakikita ko siya, I can't help but to feel relieve and happy because he is one of the people that made me feel that I am not alone.
He is looking so casual with his white shirt and denim pants, sigurado akong si Tita Jackie ang pinunta niya rito.
"Now, can I ask? What are you thinking and I feel like my heart is crumbling from seeing your eyes so sad?"
I scoffed and slightly laughed by what he said.
Hindi ko mapigilan ang bahagyang ikumpara ang nararamdaman ko sa kanya mula kay Carl. Kung tutuusin, mas mabulaklak ang mga salita niya kumpara kay Carl, he's more affectionate too and he showed me a lot of times that I will never go wrong if I pick him but the thing is... wala talaga.
I don't feel giddy, excited, high and I don't feel that electrolytes that I feel whenever Carl is near me.
"You're joking again." Komento ko.
Umiling siya. "Ikaw lang naman ang nag-iisip na lagi akong nag-bibiro kahit hindi naman. Lahat ng sinabi at sinasabi ko sayo ay totoo."
My heart clenched from I heard from him.
His lips are smiling yet the words he uttered felt so sharp.
To be honest, I don't know how to respond on times like this. I don't know how to handle such situations especially if the person in front of me is so genuine. It's making me feel guilty that I'm hurting him.
"I'm sorry, Taw..."
"Don't be." Agap niya. "It's not your fault, it's mine. Hindi mo ako pinaasa o ano man, it was my choice to keep on liking you. It's my choice to keep on seeing you from a far. Dati, naiisip ko na kaya kita nagustuhan kasi gusto kita alagaan, na gusto kong ilayo ka sa lahat dahil nakita ko kung paano ka masaktan. I thought that I just want to be responsible and protect you just like how you let Adrian do it for you."
Napaiwas ako ng tingin sa kanyang sinabi. Napawi na ang ngiti sa kanyang labi at tanging ang sensiridad nalang mula sa mga mata niya ang nakikita ko.
I never thought that seeing sincerity would make me feel this so guilty. Ang tagal na simula noong huli ko siyang nakita at hindi ko inaasahan ang pag-uusap naming ito. It's too much for a reunion...
Dapat ay hi, kumusta ka na? o hello, it's nice seeing you muna, hindi ba?
"But it seems like, hindi lang ga'non dahil hanggang ngayon ay gusto pa rin kita."
Napaawang ang aking labi sa narinig. Kahit hirap ay napilitan akong bumaling muli ng tingin sa kanya. Sinalubong ako ng mga mata niyang puno ng emosyon at hindi mapigilan ng puso ko ang manglambot sa nakikita.
He was always kind and gentle towards me.
Umiling ako. "It's just pity."
"No." Aniya.
"It is, Taw. Awa lang ang nararamdaman mo sa akin. Akala mo lang gusto mo ako pero hindi, awa lang 'yan."
He took one step closer to me again but I didn't feel intimidated compared to what I feel towards Carl whenever he steps closer.
Lakas-loob kong hinarap ang presensya niya.
"Does it makes sense? Kung awa ito, dapat matagal ng wala. Because you are okay now, you're a doctor, a good one. There's nothing to pity about you anymore."
I painfully smiled. "Alam mong hindi totoo 'yan. Alam mong hindi pa ako okay ngayon. Don't play dumb, Taw. I know you pity me and you want to be responsible of how you feel..."
"... but you don't have to."
He doesn't have to...
No one should be responsible of me, kaya ko ang sarili ko. Kahit pa anong gawin nilang pag tulong sa akin, hinding hindi nila ako mapo-protektahan sa bagay na kahit ako mismo ay hindi ko magawang tukuyin kung ano.
Everbody knows how much I should be protected but from who? From what? From where?
Walang may alam...
Basta nasasaktan lang ako sa lahat.
"Dahil ba kay Carl?"
Parang nakagat ko ang dila ko sa sinabi niya at sa munting pagkarinig ko sa pangalang 'yon ay lumundag ang puso ko.
My heart yearned for his voice. I want to see him suddenly, to feel him, to hear his voice and to stare at him.
With just one name, I already felt thousand unknown feelings and I will trade anything to feel those again.
"Is it because of him, Kathleen? Kaya ba hindi mo ako magawang magustuhan?"
I am assuming already that he thinks I am with a Montgomery but not Carl Montgomery.
Kung alam niya, ibig sabihin ba nito na alam na rin ng iba? Does everyone on their family knows already? Even the Montgomerys?
"Taw--"
"Don't lie to me. Alam kong hindi kayo ni Adrian. You never looked at him the way you looked at Carl. Kahit noon pa, nakita ko na 'yon."
His eyes looked so strong.
I know he is sure of what he is saying. Hindi siya nag tatanong, sinasabi niya sa akin na alam niya at tanging kompirmasyon mula sa akin lamang ang hinihintay niya.
But what should I do?
I can't just say that yes, it's because of Carl. You are right, kahit noon pa, siya na. It was him and it will always be him. Hindi nag bago 'yon, kahit konti ay hindi nag bago.
Hindi ko kayang sabihin kahit gaano pa katotoo.
"Answer me, Kath. Siya ang dahilan hindi ba? Kahit na wala siya palagi noon sa tabi mo, kahit na lagi siyang nawawala, siya pa rin ang hinahanap mo at tuwing nandyan siya... hindi mo na alam kung anong gagawin mo."
I heard pain from his voice and I felt his pain too.
Parang bumalik ako sa panahong sinasabi niya. Noong mga panahon na laging wala si Carl, noong mga panahong sobra akong nalilito sa nararamdaman ko para sa kanya, mga panahong hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nandyan siya sa malapit. Bumalik lahat... parang nakita ko ulit ang sarili ko.
It's as if he voiced out the things I never noticed before because of my confusion.
"You were busy looking at him that's why you can't see me."
"Taw please."
He forced a smile and I felt worse.
"I made you feel bad, I'm sorry."
Umiling ako at pinilit din na ngumiti. Kung may isang bagay man akong ayaw marinig ngayon ay 'yon ang humingi siya ng paumanhin dahil hindi niya kailangan humingi 'non.
He's too good to be true, I know that.
Ma-swerte ang taong magugustuhan niya ng totoo. Pero hindi matuturuan ang puso, kahit na gaano pa siya kabuti, ka-ideal at kahit ano pang gusto ko na gustuhin siya, kung hindi 'yon ang nararamdaman ng puso ko, wala akong magagawa.
You can never teach what the heart should feel.
"Ngayon nalang nga ako nagka-lakas ng loob na kausapin ka ulit, pinasama ko pa ang loob mo." Aniya sa mababang boses.
"Hindi naman sumama ang loob ko..." I lied.
"Don't worry, hindi ko naman ipagsasabi 'yon. What you have with Adrian right now is something important, I know. Kilala kita, hindi ka papasok sa isang sitwasyon kung hindi importante sayo ang rason."
I gulped and bit my lower lip.
"Thank you. Always. Thank you, Taw." I hardly said.
Tumango siya at kita ko ang pag-lihis ng tingin niya sa akin papunta sa aking likuran. Nanatili lamang ang aking atensyon sa kanya habang ang mata niya ay nagpakita ng ibang emosyon at ang labi niya ay bahagyang kumibot.
Bago pa ako lumingon ay halos mahulog na ang puso ko sa binanggit niyang pangalan.
"Carl." Pag bati niya rito.
"Taw."
I shivered with his voice. It was deep and dangerous. Pakiramdam ko ay may sinasabi na ang boses niya kahit wala pa man talaga maliban sa pangalan ni Taw.
My heart thumped like crazy. It was fast and hard. Pati ang tyan ko ay parang babaliktad sa sobra-sobrang nararamdaman.
Nahigit ko ang aking hininga habang pinipilit ang sariling lumingon para makita ang taong nagpaparamdam sa puso ko ng ganito pero parang pinagsisihan kong lumingon pa ako dahil may ibang nakasalubong ang mga mata ko.
Confusion filled me once again.
What is this? Talaga bang magkakilala sila? Magkakilala lang ba sila o malapit sila sa isa't isa? Is this only a coincidence or there is much more to this?
Why is my gut telling me that the answer is the latter?
"Hazel." Pilit kong bati sa kanya bago ko binaling ang tingin sa taong nasa gilid niya.
He was already looking at me and his eyes showed that he's not in a good mood.
It was dark and dangerous.
This is just too much for me...
"Carl." I breathlessly uttered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top