Page 15
Hi to ReYnlyn73098! I always love seeing and reading your comments! I totally appreciate it!
Disown
"I have to go..." Mahinang saad ni Hazel kay Carl.
Bahagyang kumunot ang noo ni Carl at hindi ko alam kung bakit parang mas nasasaktan ako habang nakikita ang bawat reaksyon niya habang ang mga mata ay nakatitig sa kaharap na babae.
I shouldn't feel like this...
Hindi pwede.
Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong makaramdam ng pananakit ng puso. I should protect myself before I get hurt so much. But the funny thing is, I don't even know why I need to protect myself, gayong sa una palang naman ay hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan habang nakikita silang dalawa.
Hazel...
Argao.
Carl...
Maybe they do know each other because of that place. What's the big deal? Hindi naman malabo na nag-kita na sila dati lalo na at ang alam ko ay sa iisang university lang sila nag-aral. Besides... Hazel was a student nurse before, malaki ang tyansa talaga na nag-kita na sila.
"Uh... okay." Ani Carl.
Damn. Heart. Pain. Stop.
Nakatutok lamang ang mga mata ko kay Carl, pinapanuod ang bawat pag-galaw ng kanyang mga mata. Sanay na ako sa ganitong pag-tingin niya sa mga tao, the kind of stare that his eyes are giving are so damn heartwarming, they are always careful and patient and I hate it when his eyes stares at someone... not me.
Ito ang isa sa mga kinakatakot ko, ang makaramdam ng ganito.
I accepted it already, before, that he's not someone I should be hoping for but my heart is a betrayer.
Marahan kong pinikit ang aking mga mata at humakbang paatras. Binitawan ko ang seradura ng pintuan at tumalikod para ayusin ang sarili.
Pinilig ko ang aking ulo at huminga ng malalim. I bit my lower lip and waited for him to come to me, hindi ko kakayanin na ako ang kusang lumabas ng pintuan at baka maabutan ko pa siyang nakamasid pa rin sa kanya.
I gulped when I heard the creaking sound of the door.
Minulat ko ang aking mga mata at pinilit ang sarili na lumingon sa kanya. Sa pag-pilit kong iyon ay siya rin pag-litaw ng pekeng ngiti sa aking labi.
"Hey... akala ko nag-hintay ka nalang sa labas. Pasensya ka na, may inayos lang ako pero tapos na ako... let's go." Tuloy-tuloy kong sabi.
Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita at nag-lakad na. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang kakaibang kilos ko dahil siya mismo ay tumabi para makadaan ako, muli kong inabot ang seradura ng pintuan at binuksan 'yon para makalabas.
I didn't even bother waiting for him, I continued walking away even though I can hear him slightly calling my name. I heard his footsteps from behind but my eyes remained in front. Afraid that my expression would show something I don't want him to see.
"Kath..." Tawag niya sa akin gamit ang kanyang malambot na tinig.
I gulped once more.
"Bilisan na natin, para makauwi ka rin agad." I managed to say despite of the feeling that something is punching my heart.
"Hey..."
I felt him touched my elbow and I suddenly felt the need to flinch because of the sudden flow of electricity but before I even react, buong lakas kong pinigilan ang sarili ko.
"Wait for me. Hindi mo naman kailangan mag-alala na gagabihin ako dahil hindi naman ako nag-mamadali."
Tumango ako kahit na hindi naman kailangan tumango sa sinabi niya. Hindi ko lang talaga mahanap ang mga tamang salita na sasabihin. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nakilala si Hazel o kung mag-kaibigan ba sila o malapit ba sa isa't isa... I can't forget how he looked at her.
Something inside me is telling me that I need to ask, that there is something more that I should know but my heart is closing its door.
How can I ask something that has nothing to do with me?
How can I ask him when I have no right to do so.
"What are you thinking?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa realidad.
Umiling ako. "Nothing... I'm just nervous to see my dad." Tugon ko na may halong katotohanan.
Sinubukan kong lumakad muli paalis pero nanatili siyang nakahawak sa akin kaya hindi ko nagawang umalis. Instead, he forced me to look at him by slightly reaching for my chin and held it to face him.
I felt my heart compressed because of his move, my stomach is starting to feel weird because of too much emotions that I am feeling right now.
Nag-salubong ang aming mga paningin at halos mahigit ko ang aking hininga nang makita ko ang repleksyon ko sa kanyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng takot habang tumitingin sa mga mata niya kahit na sobra ang pag-iingat na nakikita ko mula roon.
I was never selfish...
Kaya kong ibigay ang lahat sa ibang tao, kahit na wala ng matira sa akin basta makita lang ang iba na masaya. Just like how I gave my father the chance to re-marry, kahit na kung ako ang masusunod ay ayoko sana. Just like how I gave them our house... ako ang umalis kahit na mas nararapat akong manatili roon.
I am so willing to give up everything, to be alone, but whenever I look at the man in front of me, I am feeling the need to be selfish even for once.
I want him all for myself and I am scared because of it.
"You don't want to see him?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.
Marahan akong ngumiti at umiling. "I don't know." I sighed. "I want to but I don't at the same time. I miss him but I'm afraid that we'll just hurt each other."
His hand caressed my chin that made my heart flutter.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko siya pwedeng guluhin ngayon dahil mas may mga kailangan siyang isipin na higit pa sa akin, maybe I should ask him after all of the things he need to do in Argao.
"Do you want me to wait for you then?"
Maagap akong umiling. "No, you don't have to. Ayoko ngang ihatid mo ako tapos hihintayin mo pa ako."
"It's okay for me." Kibit-balikat niya. "Ikaw naman ang pinag-uusapan dito."
Oh Carl... how good it is to believe in you.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang ang kanyang kamay ay bumaba papunta sa aking kaliwang kamay. Kasabay 'non ay siya ring pag-baba ng tingin ko papunta roon at parang sasayaw ang puso habang nakikita ang mabagal niyang pag-hawak doon.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil ito ng bahagya. Nag-angat ako muli ng tingin sa kanya at nginitian siya.
"Let's go?"
Tumango ako. "Let's go."
Mabilis ang naging byahe at hindi ko alam kung matutuwa ako dahil doon. My father's house is not that far from the hospital that's why it didn't take long before we reach our village.
Kahit papaano naman ay naging maayos na ang lagay ng puso ko habang nag-uusap kami sa loob ng kotse niya. He was telling me things about his life, though most of them... naikwento na sa akin ni Adrian, but still I listened and let him tell and ask me things. I answered them truthfully, kung anong ginawa ko noong umalis sila papuntang Arago, sino na ang mga naging kasa-kasama ko pagkatapos 'non dahil madalas ay si Adrian lang naman ang kasama ko noon at siya rin ay nag-kwento tungkol sa kanya, kung paano sila namuhay doon at ang mga bagay na hindi ko inakalang gugustuhin niyang sabihin sa akin. Like things about two of his siblings... though it isn't a secret from me because of Adrian, still, I was surprised that he told me that.
Though I was hoping that he would tell me about his girl in Argao. The one that Adrian mentioned.
Maybe I would ask him in the future? Uunahin ko na muna si Hazel. Mas natatakot ako sa sagot tungkol doon sa babae kay'sa ang tungkol kay Hazel. That girl is someone he liked... 'yon ang sinabi ni Adrian at kung totoo nga iyon, hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
"We're here." Aniya.
Napatingin ako sa labas at bumigat ang puso ko nang makita ang bahay na minsan kong tinawag na akin.
"Thank you, Carl." Nilingon ko siya at binigyan ng isang ngiti. "I have to go, siguradong hinihintay na nila ako. Ingat ka sa pag-uwi mo ha? Text me when you get home, delikado na sa daan."
Kita ko ang paninitig niya sa akin habang matamang nakikinig. Tumigil ako sa pag-sasalita at pinanuod lamang siya, mula sa pag-taas ng sulok ng kanyang labi hanggang sa naging ganap ang pag-silay ng ngiti sa kanyang labi.
Humawak ang isang kamay niya sa manibela habang ang isa ay pumatong sa likuran ng upuan ko.
"What?" Naguguluhang tanong ko.
Mas nag-laro ang ngiti sa kanyang labi.
"Carl James." Banta ko sa kanya dahil napapailing pa siya habang nag-pipigil ng ngiti.
"Yeah... Yeah... I'll take care. I promise. It's nice to know that you care about me. You really do. Amazing."
Napaawang ang aking labi at umikot ang aking mga mata dahil doon.
"And keep calling me Carl James, I love it." Dagdag niya.
Kumunot ang aking noo. "Ayoko nga. Ang haba."
Umalis ang kanyang pagkaka-hawak sa aking upuan at napahawak sa kanyang batok. Ngumuso siya na para bang batang hindi napag-bigyan ng magulang sa hiling.
I smiled and slightly opened his car's door.
"Take care, James..."
Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita at tuluyan na akong lumabas ng kanyang kotse. Sinara ko ito at tumuloy na sa loob ng gate na nakabukas na, marahil ay inaabangan na talaga nila ang aking pag-dating.
Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay ay nilingon ko muli ang kotse ni Carl at kita ko ang nakababa niyang bintana habang siya ay pinapanuod ako. Ngumiti siya at bahagyang itinaas ang kanyang kamay na kusa naman nagpataas ng kamay ko para kawayan din siya.
Lumipad ang puso ko habang pilit kong inaalis ang tingin ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago umapak papasok sa tahanang nag-dudulot sa akin ng sobrang sakit.
Bumagsak ang puso ko nang makita ang puting dingding ng sala, parang automatic na pumasok sa sistema ko ang mga panahong nakaupo ako sa sofa habang nag-rereview para sa exams ko o kaya tuwing nandito kaming dalawa ni mommy, nanunuod ng mga paborito niyang palabas, pati na rin ang mga panahon na tatakbuhin ko ang pintuan para yakapin si daddy dahil kadarating niya lang mula sa trabaho.
Those days were the best for me...
When I still have a family to call mine.
"Kathleen Fae! Nandito ka na pala! Bakit naman nakatayo ka pa rin diyan, bata ka? Hali ka na, nag-simula ng kumain ang papa mo pati na rin ang bruha niyang asawa kasama ang tatlong pinag-lihi sa pagwaldas ng pera."
Bahagya akong natawa nang marinig ang boses ng aking yaya na naging yaya rin ni mommy. Pilit niyang hinihinaan ang kanyang boses kahit bakas doon ang pagka-galak na makita ako. Lumapit siya sa akin at hinila na ako para dumiretso sa kusina kahit na hindi ko pa naihahanda ang sarili ko na makita ang daddy.
Looks like they didn't wait for me...
Bakit nga ba ako nag-expect?
Maybe a part of me was hoping that my dad would. He's my dad after all.
"Dad... gusto ko yung lupa sa bataan." Rinig kong wika ng isang boses at kung hindi ako nagkakamali ay kay Stacey iyon, panganay na anak ng asawa ni papa.
Rinig ko ang pag buntong-hininga ni daddy.
Nanikip ang puso ko...
Pag ayaw ni daddy ang isang bagay na mangyari ay mabilis at diretso lagi ang sagot niya. If he doesn't want to give it, he won't give it. Ga'non ka-simple pero, hearing his sigh means he is considering it.
"But it is Kathleen's land." Ani daddy.
Mapait akong napangiti at tuluyan ng pumasok sa loob ng dining room.
Tinanguan ko si Yaya Melds at bumitaw na siya sa akin para tumungo sa loob ng kusina para ipagpatuloy na ang mga dapat niyang gawin.
"Ibigay niyo na dad, I don't need it anyway." Tugon ko na nagpakuha ng atensyon nila.
They looked at me but I didn't bother looking at them. Dumiretso lamang ako sa upuan kung saan nakaupo dati lagi si mommy, ang pwesto ko kasi ay kinuha na ni Cecilia, ang asawa ni daddy.
Umupo ako sa mismong tapat ni daddy kaya nag-tama ang mga paningin namin. Gusto ko sana siyang batiin kanina, lapitan, yakapin at sabihing na-miss ko siya kahit papaano pero mukhang hindi na kailangan.
His eyes showed worry and I felt somehow happy because of it.
Sapat na iyon sa akin... na kahit papaano ay nag dalawang-isip siya. Alam ko naman na hindi niya matatanggihan ang anak ng asawa niya kaya masaya na ako na kahit papaano ay inisip niya ako. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na ako umaasang pipiliin niya ako kaya malaking bagay na sa akin ito.
"But..." He trailed.
Umiling ako. "It's okay. I can buy my own properties. Ibigay mo na sa kanya iyon, pa."
Tutal, hindi naman niya magagawang bumili dahil wala siyang ginawa kung hindi ang umasa sa kung anong meron ka.
I want to add those words but I chose not to, ayoko naman mag kagulo ngayon dahil sa akin.
Tumango si daddy at narinig ko ang mahina pero masayang pag yes ni Stacey. Lihim akong napailing habang nililipat ang atensyon ko sa pumasok na katulong. Lumapit siya sa akin at pinag-hain ako ng pagkain. Ngiti lamang ang naging tugon ko rito dahil abala ang aking mga mata sa pag-tingin sa buong dining.
It didn't change a bit...
The purple curtains are still there, the paintings that my mom personally chose are still hanging on the walls and the sculptures we bought from the famous Cruz's family of artist are still on display.
Salamat naman.
"Dad... ako rin. Gusto ko yung lupa sa Laguna." Ani Maela, pangalawang anak ni Cecilia.
What?
Really? Pati iyon?
I can't believe this. Now I want to know how my room looks, baka pati iyon ay naangkin na.
"Laguna?" Tanong ni daddy.
"Yes dad, I want that. Sige na po... malapit na ang birthday ko." Ani Maela.
Napayuko ako dahil doon at tinuon ang mga mata ko sa pagkain ko. Pinilit kong kunin ang mga kubyertos para mag-simula ng kumain.
"Ibibili nalang kita ng iba, it's already named under Kathleen." Ani daddy.
I bit my lower lip and forced myself to eat.
"But I want that land, daddy." Malambing na pilit ni Maela.
"Hon, baka pwede mo na pagbigyan si Maela. It's her birthday next week." Dugtong ng kanyang asawa.
It is mine too...
Pinilit kong ngumuya kahit na hindi na ako natutuwa sa mga naririnig ko. I feel like throwing up the moment I felt the food landed on my stomach. I know that eating while not being comfortable is not good, pwedeng sumama ang tyan mo pag ga'non pero ayoko maging bastos, kahit papaano ay ginagalang ko si daddy at minsan lang ako pumunta rito, ayokong ganito nalang lagi at baka dumating ang panahon na hindi ko na gugustuhin man kahit ang pag-tapak lang sa kabahayang ito.
I feel like this house is already foreign to me...
"But..."
Nag-angat ako ng tingin at bahagyang ngumiti muli.
"It's okay, pa. Okay lang talaga. Ibabalik ko na lahat ng lupang naka-pangalan sa akin. Ibigay mo na rin ang iba sa kanila, even to Donnabella." I said pertaining to the third child.
I used my most normal voice, kahit na gustong-gusto ng kumawala ng tinig sarkasmo roon.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni daddy at maagap siyang umiling na nag-pasaya ng puso ko.
This is enough...
He tried.
But I know, it won't take long until he gives in. Dahil laging ga'non... laging ga'non pag dating sa kanila laban sa akin.
Isa pa, mas gugustuhin kong ibigay sa kanila ang mga 'yon kay'sa panuorin silang isa-isang kunin ang mga 'yon sa akin.
I would rather consider this as my way of giving to charity than I'll be the one who will look like under a charity. Besides, those lands are nothing to me, kaya kong bumili ng lupa pero ang maramdaman ang sakit habang isa-isang nawawala ang mga 'yon sa akin dahil hindi sila matiis ni daddy, I can't take that.
"Are you mocking us?" Mataray na tanong ni Cecilia.
"Cecilia." Banta sa kanya ni daddy pero hindi siya natinag.
She won't back down. I know that. Because she knows, hindi siya mapapakawalan ni daddy, hanggang banta lang naman siya.
Ang ngiti ko ay naging ngisi at tuluyan ko ng binaba ang kubyertos na hawak ko. Nilipat ko ang tingin sa babaeng naka-upo sa silya na dapat ay kina-uupuan ko.
Bahagya kong tinagilid ang aking ulo na tila talagang inuudyok siya.
"If that is mocking for you then I don't care. I don't need to explain my intentions to you nor to anyone inside this house." Puno ng diin kong sambit sa bawat salita.
Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga dahil sa galit.
Pati ang puso ko ay nag-sisimula na rin makaramdam ng pag-sidhi ng emosyon.
Not me...
They can get everything that I have but I won't tolerate them throwing words that I don't deserve.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi at binalingan ng tingin si daddy na naka-kunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"Hon, I want the the property you have in Davao." Aniya.
Mabilis akong napatayo dahil sa narinig.
"No!" Agap kong sabi.
"I want it." Mariing pilit ni Cecilia.
"Kay mommy iyon! Hindi ako makakapayag!" Lubusang pag-tutol ko.
Kita ko ang kalituhan sa mga mata ni daddy na nagpakurot sa puso ko. Ang maliliit na kurot ay naging malalalim na pag-tarak ng kutsilyo.
No... I won't let this happen. I'll die first before giving that up.
"Anak... ang mommy mo..."
Binalingan ko ng tingin si daddy at tinignan siya sa mga mata. Pinakita ko sa pag-tingin ko sa kanya ang sakit na dumadaloy sa bawat ugat ng katawan ko. Nararamdaman ko na rin ang nag-babadyang mga luha sa aking mga mata.
Umiling ako.
"I won't let you do this, dad. Kunin niyo na ang lahat ng mayroon ako pero hindi ang kay mommy. I will never let you do it. Kilala niyo ako, I don't say no to you, kahit na gustong-gusto kong sabihin ang katagang 'yon sa'yo sa maraming pagkakataon pero dahil ginagalang ko ang natitirang mayroon tayo, pinipilit ko pa rin maging mabuting anak... kahit sobrang hirap maging anak niyo... but I'm sorry, hindi sa pagkakataong 'to."
I slightly pushed the chair behind me.
"Not this time, dad."
Naikuyom ko ang mga palad ko habang nakikita ko ang unti-unting pag-tayo rin ni daddy.
"Disown me if you want but I won't let you do it. I won't let you take away the only thing that mom has left." I painfully said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top