Page 13

Won't leave

Kasal?

Ga'non ba kadali 'yon para sa kanila?

This. Is. Insane.

Kakaiba talaga ang pamilyang mayroon sila. Kung banggitin nila ang salitang kasal ay parang napaka-daling bagay lamang nito.

I've seen ruined marriages just because they didn't think about it thoroughly.

A perfect example is my parents. I'm a witness of their failed marriage and I'll forever remember that. It will always be inside my head, how my dad messed up and ruined everything.

I know, he didn't love my mom enough for them to be together for a lifetime but still, hindi sapat na rason 'yon para saktan niya ito, para kalimutan niya ito, para mapalitan niya ito agad. Kaya ako, gusto ko... kung magpapa-kasal man ako ay dapat sigurado.

I won't take a chance for something that is not strong enough.

"Marry me. Ako nalang."

May kung anong tumulak sa puso ko nang marinig ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Tipong sa pag-tulak na 'yon ay ang siyang pagkaramdam ko ng magka-halong pait at saya sa puso ko.

Hindi ko alam pero sandali kong nakalimutan lahat ng mga problema ko, naramdaman ko ang kagustuhang takasan ang lahat.

I felt a hint of hope...

That maybe, I could escape and try to be happy.

Pero mabilis ko rin winaksi 'yon sa aking isipan, alam kong hindi pag-takas ang solusyon sa mga problema. Isa pa, natatakot ako... natatakot pa rin ako dahil wala pa rin kasiguraduhan ang lahat.

Nakakatakot sumugal sa isang bagay na alam mong pwede mong ikamatay sa hinaharap, dahil alam kong pag nagkamali ako, hindi ko kakayanin ang mawalan pa.

Umiling ako.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo..." Halos hangin ko nalamang sambit.

Kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata pero nanatili lamang ang lambot ng kanyang tingin sa akin.

The stare he's giving me is breath-taking, it was full of patience and it showed how gentle he is. I know he's trying to understand me and a part of me is starting to lean on him.

"I know what I'm saying, trust me, I know... and I'll make sure you'll see that."

"Dra? Okay lang po ba kayo?"

Maagap kong pinilig ang aking ulo nang makarinig ng boses.

Damn it! Nawala na naman ako. Hindi maganda ito, masyado na akong nadadala sa mga pangyayari at mukhang nakakalimutan ko na ata ang mga mas dapat kong isipin.

More important stuff... I mean.

Ngumiti ako at binaba ang records na hawak ko. Wala sa sariling napalunok ako bago mag-angat ng tingin. Bumungad sa akin ang nag-aalalang ekspresyon ni Kelly kaya tumango ako kahit hindi naman 'yon ang totoo kong nararamdaman.

"I'm okay." Pilit kong sagot.

Nanatili lamang ang kanyang nakakunot na noo habang nakatingin sa akin kaya napatikhim ako para maiba ang ihip ng hangin.

"Ito na ang mga bagong dosage ng gamot ni Mrs. Yu, please keep track." Untag ko bago siya tinalikuran.

I bit my lower lip as I walk through the hallway.

Kumikirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Gusto ko man itong sagutin ay natatakot ako dahil sa likuran ng aking isipan, alam kong may parte sa akin ang may alam ng sagot... may parte sa akin ang nag-sasabing gusto ko siyang makita, may parte sa akin ang nag-sasabing hinahanap-hanap ko na siya na hindi ko dapat maramdaman.

Ito na nga ba ang kinatatakot ko, ang masanay ako sa presensya niya.

I was already used to the fact that he's not always around, that he's changing every now and then but because of what he showed me this past few days, here I am... being stupid again.

I should just go home and rest.

Tama, 'yon nga ang kailangan ko, ang mag-pahinga para luminaw muli ang aking isipan.

It's clouded by him already and I know that I can't deal with him.

I stopped on my tracks when I felt my phone vibrated. With that, I felt my heart slightly moved but I immediately shrugged it off. I hate expecting... I don't want to expect.

"Hay, Kathleen." Bulong ko sa aking sarili bago kunin ang cellphone ko sa bulsa ng aking white coat.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nag-salubong ang aking mga kilay nang makitang pangalan ito ni Adrian.

Ano na naman ang kailangan niya?

Linggo na ang lumipas simula noong gabing pumunta kami sa bar ni Taw, 'yon din ang huling gabi na nakita ko sila, buong linggo ako walang nakitang anino ng mga Montgomery at hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon o hindi.

Kahit si Dos ay hindi pa dumadalaw dito sa hospital na linggo-linggo naman niyang ginagawa para malaman ang lagay ni Mrs. Yu.

Kaya hindi ko mapigilan ang mag-taka sa intensyon ng pag-tawag niya ngayon. Siguradong malaking bagay ito dahil buong linggo siyang hindi nagparamdam.

Marahan akong pumikit muna bago sinagot ang tawag.

"Hello." Bungad ko sa kanya.

Rinig ko ang malalim niyang pag-hinga sa kabilang linya.

"Kath, kasama mo ba si Carl?" Tanong niya.

Kusang nag-mulat ang aking mga mata sa narinig na pangalan mula sa kanya.

Ang puso ko ay tila bombang nag-hihintay sa pag-sabog nito.

"Hindi." Tugon ko.

Muli akong napakagat sa aking pang-ibabang labi.

"Bakit?" Lakas-loob kong tanong.

Narinig ko ang kanyang marahas na pag-buga ng hangin kaya mas lalong umakyat ang kaba sa aking puso.

"Lola Selena died two days ago, kaka-uwi lang namin mula sa Argao pero babalik rin kami dahil hindi pa siya naililibing, ang problema ay hindi pa namin nakikita si Carl simula nang makabalik kami rito." Aniya.

Napaawang ang aking labi sa mga narinig.

Hindi ko alam kung anong uunahin kong sabihin o itanong. Hindi ko gaano kilala ang kanilang lola mula sa father side dahil sa Argao ito namamalagi pero alam ko kung gaano sila ka-attach sa kanya.

Nakita ko 'yon kahit papaano, kahit kay Carl na hindi masyadong nagpapahayag ng damdamin, may mga pangyayari dati na bigla nalang siyang aalis para sunduin ang lola nila kahit na walang utos mula sa mga magulang niya.

That is something rare from Carl. He's known as a follower, kung may gagawin siyang hindi pinag-uutos, ibig-sabihin ay mahalaga talaga sa kanya ang bagay na iyon.

"I'm sorry, I don't know... hindi ko alam kung nasaan siya."

Where is he?

Where could he be at this time?

Gabi na at hindi ko mapigilan ang mag-alala na baka may nangyari sa kanya kaya hindi siya mahagilap.

I heard Adrian sighed.

"It's okay, nag baka-sakali lang naman ako, naisip ko kasi na baka puntahan ka niya." Aniya.

Mas kumirot ang kumikirot ko ng puso.

Bakit naman niya ako pupuntahan? Walang rason para gawin niya 'yon.

"I'll tell you if I see him."

Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita at pinatay ko na ang tawag. Muli kong binalik ang aking cellphone sa aking bulsa at humakbang na para tahakin muli ang daan papunta sa aking clinic pero may kung ano sa akin ang kusang tumigil sa pag-hakbang.

Napasapo ako sa aking noo at huminga ng malalim para subukan muling humakbang pero patuloy na nag-talo ang utak at puso ko. Hinilot ko ang aking noo at dahan-dahan na pumihit patalikod.

Napailing nalamang ako at hinayaan ang mga paa kong mag-lakad at tahakin ang daan palabas ng hospital.

This is really making me crazy.

How can I make myself feel this way? So damn fucking worried.

I'll really kill him if I see him doing something not important.

Maybe this is my conscience talking, of course I can't just sit back while knowing that he is missing. I should try atleast to find him, kahit papaano... baka mahanap ko siya.

"Ma'am, lalabas po kayo ng naka-ganyan?"

Natigilan ako sa pag-lalakad at napansin na nasa bukana na ako ng hospital. Nilingon ko ang guard na nag-tanong at bumaba ang tingin ko sa suot kong white coat at parang gusto kong mapasapo muli sa mukha ko pero pinigilan kong gawin 'yon.

Tumango ako. "Oo, babalik din kasi ako." Tugon ko.

Hindi ko na siya hinintay pa at nag-madali na akong lumakad muli para hanapin ang aking kotse na pinarada ko sa may gilid lamang ng hospital. Habang tinatahak ang kotse ko ay hinahanap na rin ng kamay ko ang susi ng kotse sa aking bulsa.

Ang aking puso ay nakakaramdam na ng abo't langit na kaba, nanuyo na rin ang aking labi at hindi nakakatulong ang lamig na nanggagaling sa simoy ng hangin.

Malinaw na malinaw ang buwan at may kalakasan ang ihip ng hangin at kasabay 'non ang pag pasok ng mga bagay na maaring nangyari kay Carl kung kaya't hindi siya mahanap.

Argh!

Where are you Carl?

Napatingin ako sa bulsa ko nang mahawakan ko na ang susi at nilabas na 'yon para patunugin ang kotse ko pero halos mapasinghap ako nang mag-angat ako ng tingin sa kinaroroonan ng aking kotse.

Nag-salubong ang aming mga mata at parang may punyal na tumarak sa puso ko nang makita ang mamula-mula niyang mga mata.

Nanglambot ang aking puso habang patuloy akong hinihila ng mga mata niya, walang salita... tanging mga mata lang namin ang nangungusap at mas lalo akong nasasaktan dahil doon.

This is the first time I saw him like this.

So lost and broken...

He's always firm, collected and well-presented that's why I can feel his pain so much with just his mere appearance.

His looks speaks a lot...

"Carl..." Mahinang tawag ko sa kanyang pangalan.

Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin, nakatikom ang bibig at tanging ang sakit lang na bakas sa kanyang mga mata ang nag-sasalita.

"What are you doing here? It's cold..." I almost whispered.

It hurts to see him like this, naka-upo siya sa gilid ng kaliwang gulong ng aking kotse. Naka-sandal siya doon habang ang isang tuhod niya ay naka-angat na naging suporta ng kanyang kamay.

Nang hindi siya sumagot ay ako na ang lumapit sa kanya. Binalik ko ang susi sa aking bulsa at hinayaan kong tangayin ako ng puso ko papalapit sa kanya. Tumigil ako nang mayroon ng sapat na distansya sa amin at bumaba ako para mag-lebel ng tingin sa kanya.

I smiled faintly. "You're not okay..."

Marahang pumikit ang kanyang mga mata at nakita ko roon ang pag-tulo ng kanyang mga luha.

"I can't be not okay..." He painfully said.

His voice slightly choked and I felt a knife stabbed my heart once again.

"Not until everyone is okay." Dagdag niya.

Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na titigan siya ng sobra.

"It's okay not to be okay."

Hindi ko alam kung sa kanya ko lamang ba sinasabi ito o pati sa sarili ko.

Umiling ako. "Okay man ang mga tao sa paligid mo o hindi, ayos lang na hindi imaging maayos."

"You are only human, Carl. Oo nga at ikaw ang panganay, oo nga at ikaw ang inaasahan ng nakakarami sa inyo pero bago ka maging ang mga iyon ay tao ka pa rin."

I remember my mom telling me the same thing before. Noong panahon na pakiramdam ko ay responsibilidad ko ang lahat ng bagay.

Doon ko natutunan na hindi masamang bumigay minsan, na okay lang makaramdam ng pagod dahil tao lang naman ako.

Sometimes... feeling the pain will be enough to keep you living.

You are only human, Kathleen. Oo nga at ikaw ang nag-iisang anak namin ng daddy mo at inaasahan ka niya sa lahat ng bagay pero bago ka maging ang mga iyon ay tao ka pa rin.

Nag-mulat ang kanyang mga mata at kita ko na may bakas pa ng sakit doon pero hindi na tulad ng kanina, somehow, I can see him now from his eyes.

I don't see the foreign him anymore...

"So you heard about it already. Did Adrian call you?" Tanong niya.

Tumango ako bilang tugon.

"Tumawag siya kanina para tanungin kung kasama ba kita kaya ko rin nalaman na hindi ka nila mahagilap."

Pinanuod ko ang kanyang mga matang tinignan ako mula ulo hanggang paa at kita ko ang pag-taas ng sulok ng kanyang labi. Lihim akong napakagat sa aking pang-ibabang labi dahil alam ko kung bakit siya napangisi.

"Are you here because you're looking for me? Nag-madali ka ba para hanapin ako? Nag-aalala ka ba para sa akin?" Sunod-sunod niyang tanong.

Muli niyang binalik ang tingin sa aking mga mata at hinayaan kong kumawala sa aking labi ang aking ngiti.

Walang alinlangan akong tumango at kasabay 'non ang pag-lipad ko sa alapaap habang pinagmamasdan ang mga mata niyang nag-pakita ng kaginhawaan.

It's nice to know that I helped him relieve the pain inside him.

"Nag-alala ako sa'yo. Kaya 'wag mo ng uulitin 'to, hmm? Kung wala kang mapuntahan sa susunod, tawagan mo ako ng maayos at sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo, hindi yung mag mumukmok ka rito sa tabi ng kotse ko." Parang gurong nagpapangaral sa estudyante niyang wika ko.

Tuluyan ng sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Can I really do that?" Tanong niya.

I nodded again. "Anytime."

Bahagya siyang napabuntong-hininga at muling napasandal sa aking kotse.

"I can't imagine how hard it was for you when you felt the pain I'm feeling right now. I have people that I can lean on while you were alone at that time. I have my family... my cousins, my siblings, while you have none at that time. Not to mention, you were away..."

Parang bumalik sa akin ang mga panahong 'yon. Tila bumalik sa akin ang sakit nang unang beses kong marinig ang sinasabi nilang nangyari kay mommy.

Nasa Australia ako noon dahil sa pag-aaral ng business at noong mga panahong 'yon ay hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkalito at galit na unti-unting nabubuo sa puso ko.

It was really hard, not having someone to talk to.

Like I want to scream, cry and lose myself but I can't because I need to go back... sane.

Naramdaman ko ang pag-abot niya sa aking kamay kaya pinilit kong mapangiti. Tumayo siya kaya napilitan din akong tumayo pero hindi pa man ako nakakahuma sa aking pagtayo ay lumapit na siya sa akin para maingat na yakapin ako.

The way he hugged me was so comforting.

Naibsan 'non ang lamig ng gabi at ang pag-usbong ng sakit sa aking puso.

His hugged acted as a guard and I felt so safe because of it.

"I will never leave your side. I promise to be here for you always so you will never feel alone again." Banayad niyang sabi.

Marahan kong pinikit ang aking mga mata at dinama ang kanyang mainit na bisig.

"Don't leave my side too, okay?" Aniya.

Hold my hand...

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob pero inangat ko ang aking dalawang kamay para masuklian ang kanyang yakap.

With that, I nodded.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top