Page 12
Marry me
Huminga ako ng malalim at pinag-tiim ang aking mga labi para mapigilan ang kagustuhan kong singhalan ang taong nasa tabi ko.
Humalukipkip ako at tumingin sa ibang direksyon.
"Hindi ba talaga kayo mag-uusap?" Inosenteng tanong ni Dos habang sumisimsim sa baso niyang may lamang alak.
Nagpanggap ako na hindi ko siya naririnig at nanatiling naka-sandal sa aking kina-uupuan. Pasalamat nalang ako sa malakas na tugtog na pumaibabaw sa buong bar ni Taw, kahit anong sabihin ng dalawang Montgomery sa tabi ko ay pwede kong idahilan na hindi ko sila naririnig.
Tipong, blah... blah... blah... lamang ang naririnig ko sa kanila.
Ewan ko ba, inis na inis ako ngayon dahil pakiramdam ko ay pinagkaka-isahan ako ng mga taong may dugong Montgomery.
Montgomery sa araw, tanghali, pati na rin sa gabi.
Aba, balak ata nila akong i-overdose sa mga pag-mumukha nila!
"Galit ka rin sa akin? Bakit hindi mo ako kinakausap?" Inosenteng tanong pa rin ni Dos.
Napabuga ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin. Mabilis naman siyang bahagyang napaurong dahil sa takot, nakuha niya pang tumikhim at ayusin ang kanyang polo na para bang wala siyang tinanong.
I showed a sarcastic smile while looking at him.
Pinagmasdan ko siya at hindi ako makapaniwala na siya ang tinatawag nilang devil in the boardroom. Kung titignan siya ngayon ay para lang siyang nawawalang sanggol na hindi alam kung paano aayusin ang buhay niya.
I mean, no offense because I know everything he's been through but, wala siyang ginawa kung hindi umiyak sa harapan ko mula noong naging malapit kami.
Hah! Bulag ata ang mga tao na nag-sabi 'non?
"Hindi siya sa'yo galit, sa akin." Sabat ni Adrian.
Napaawang ang labi ni Dos at napatango-tango na para bang naiintindihan niya na ang sinasabi ni Adrian.
Umikot ang mga mata ko dahil doon at binalingan ng tingin ang naka simpleng t-shirt at cargo shorts na katabi ko. Naka-pagitna ako sa kanilang dalawa at kanina ko pa hinihiling na sana ay umalis nalang si Adrian.
Noong una ay gusto ko siyang makausap, gusto ko marinig mula sa kanya ang plano niya tungkol sa gusot na ginawa namin dahil alam kong may parte din naman ako doon. I am more willing to help him to sort things out but he said something that made my blood boil.
"Can't you pretend for six more months? Okay... five? Or three? Just give me more time, I just need to let my mom see that I tried."
Halos mapasabunot ako nang marinig ko 'yon. Gustong gusto ko siyang sigawan at ipamukha sa kanya na siya ang unang sumira ng usapan. Wala pang twenty-four hours ang deal namin noon pero pinasa niya na sa iba ang responsibilidad at kanino pa? Kay Carl pa? Of all people!
Besides, more months? Baka sa altar na kami dalhin nito.
Masyado pang pagod ang utak ko sa issue ko sa kanya pati na rin kay Carl. Nandito ako dahil kailangan ni Dos ng kausap hindi para kausapin ang kahit sino sa kanilang dalawa ni Carl.
Buti na nga lang at wala ang taong nakakapag-paikot sa buong sistema ko kung hindi ay hindi ko na siguro alam ang gagawin ko. I can't stay sane if I'll have three Montgomery to handle.
"If that's the case, then shoo, go away." Ani Dos kay Adrian.
Napaayos ng upo si Adrian at hinarap si Dos. Sinamaan niya ito ng tingin na hindi naman pansin ng huli. Nag-patuloy lamang sa pag-inom si Dos habang si Adrian ay hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanyang pinsan. Nag mistulang sine ang pinapanood ko dahil sa kanilang dalawa.
Kwento ng isang self-proclaimed sira-ulo at isang nag papanggap na hindi sira-ulo.
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.
Dos shrugged. "I don't care about your marriage issues. Dinala ko dito si Kathleen para sa mga mas mahalagang issues." Aniya.
Wait. What?
"Marriage issues?" Wala sa sariling na-itanong ko kay Dos.
Kita ko ang pag-senyas sa kanya ni Adrian na tumahimik pero mukhang wala talagang sense of sensitivity minsan si Dos dahil hindi man lang niya iyon pinansin.
Tumango siya at muling sumimsim sa kanyang baso.
"Yup, I heard from my mom that Tita Pin is already planning for Adrian's wedding. Hindi ko nga alam kung paano 'yon, wala namang bride, hindi naman pwedeng ikasal si Adrian sa sarili niya.."
"..and imposible din naman na ikaw? Hindi ka naman papayag na ikasal sa kanya hindi ba? Mas lalo na si Carl, baka mag-wala 'yon."
My jaw literally dropped.
What the fuck is this?
Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Ang lumala ang sitwasyon at worst, I don't even know anything about it. I have no idea that wedding is on the line now.
I forgot that the word slow is rarely used on the Montgomery's vocabulary.
"Wait... don't tell me?"
Tinignan ako ni Dos ng may kalituhan at sunod na binaling ang tingin kay Adrian na halos wala ng dugong dumadaloy sa mukha niya. Tinagilid niya ang kanyang ulo na parang iniintindi pa ang mga pangyayari at muling binaling ang tingin sa akin.
"Damn. You're doomed." Aniya.
Napasapo ako sa mukha ko at tumango.
Yeah, I'm doomed and I want to kill Adrian because of it.
But I can't handle this situation impulsively. Hindi naman ito basta-basta lamang at hindi ko rin pwede i-sisi lahat kay Adrian, I know that I'm partly responsible for this. I just need to think properly so I can come up with a better plan.
I need to talk to Tita Pin, I don't know what to say or to reason out but I need to. Kung kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat, gagawin ko basta matigil na itong kahibangan na ito.
"Kath.." Mapanuyong tawag sa akin ni Adrian.
Pinilit kong mag-angat ng tingin para matignan siya pero iba ang sumalubong sa aking mga mata. Napaayos ako ng upo dahil doon at halos hindi ko magawang ma-isatinig ang pangalan niya.
What is he doing here?
Why am I feeling like this? Why am I feeling relieved? Why am I happy to see him?
"Carl!" Gulat na tawag sa kanya ni Dos.
Matalim ang tinging ginawad niya kay Dos at mabilis na lumapit sa table namin. Tumayo si Dos para salubungin si Carl pero natigilan siya nang makita ang matalim niyang mga tingin.
"Wait, are you mad?" Inosenteng tanong ni Dos.
Napailing nalamang ako. Hindi ko alam kung totoo ba na inosente niya iyong tinatanong o lasing na siya.
"Why did you turn your phone off?" Carl asked as if he's about to burst.
Nanlaki ang mga mata ni Dos dahil sa narinig na akusayon.
Turn off? Alam ko pinatay niya 'yon dahil doon sa sinasabi niyang nag ta-track sa phone niya pero hindi na dapat ako makielam. Problema na nila 'yan. May mga mas mahalaga akong bagay na dapat problemahin.
Namayani ang katahimikan sa amin kahit na sobrang lakas ng musika sa paligid. The sounds were bursting all over the place, gusto ko na ngang umalis. Tutal, mukhang wala na akong mapapala rito.
Hindi nag-tagal ang gulat kay Dos, sa huli ay tila nalinawagan siya sa mga narinig at napahalaklak. Muli siyang napaupo habang tumatawa pa rin, tinignan niya si Carl na para bang hindi makapaniwala at tuwang-tuwa siya sa natuklasan.
"Sabi ko na nga ba!" Dos said and even snapped his fingers. "Tama ako! I thought I was hallucinating when I saw your car near Kathleen's"
I was lowkey trying to understand what they were talking about but I was tired to put an effort for it. Pansin ko rin ang maya't maya na pag tingin ni Adrian sa akin, alam kong gusto niya akong kausapin at nag hahanap lamang siya ng tamang bwelo.
"Oh well, I don't care about your problems. Me and Kathleen need to talk about more important matters." Rinig kong sabi ni Dos at binigyan niya pa ng diin ang salitang important.
Bago ko pa maintindihan ang kanyang sinabi ay may humawak na sa braso ko at itinayo ako mula sa kinauupuan ko.
Napaawang ang aking labi dahil doon pero naitikom ko din 'yon nang makita si Dos na hila-hila ako paalis sa table namin, hindi ko na nagawang lingunin pa si Carl at Adrian dahil lumipat na kami sa mas closed space na pwesto.
Being a gentleman, Dos helped me get comfortable on my seat.
Ini-upo niya ako sa sa pwestong wala akong makikita kung hindi siya lamang kaya talagang natakpan na si Carl at Adrian sa paningin ko. Muli siyang sumenyas sa waiter bago bumaling sa akin ng tingin.
"How's Mrs. Yu?" Bungad niyang tanong.
Tinanong niya 'yon habang nakangiti pero hindi ko alam kung bakit ramdam ko ang lungkot at konsensya sa tono niya.
Nanglambot ang puso ko at bahagyang ngumiti.
"She's not improving." I honestly answered.
Kita ko ang pagka-tigil niya dahil sa narinig.
"You heard already about her daughter right? Dumating na siya. So don't you worry, I'm sure that she'll get better."
"Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong niya.
I faintly smiled. "Because sometimes, a doctor's help is not enough. Minsan, patients need something more than our hands could do. Naniniwala ako na gagaling siya pag naramdaman niya na nandyan na ang anak niya. Besides, ang mahalaga naman ay lumalaban pa rin ang pasyente."
I stopped when I noticed the waiter walked near our table. Hinintay ko siyang gawin ang dapat niyang gawin, nilapag niya ang inumin ni Dos at nag-lagay din ng juice para sa akin.
Nang makaalis na siya ay tsaka ko palang muli binalingan ng tingin si Dos.
"She's putting a good fight, Dos."
I nodded my head for assurance.
"She is... so you should be strong for yourself too. Paano mo siya haharapin pag nagising siya kung ginaganyan mo ang buhay mo?"
Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na naka-benda na agad naman niyang tinago.
"How can I--"
"Hindi ko alam kung ano ang dapat niyo pang pag-usapan para lumayo kayo sa amin pero hindi ako pumapayag."
I somehow flinched when I heard a voice.
Of course I know who it was.
Kahit hindi ko tignan ang taong nakatayo sa harapan ng table namin ngayon ay alam ko na kung sino ito. Sa taglay palang niyang aura at sa lakas ng dating niya sa suot niyang business' suit ay alam ko na, kahit naka-pikit ako ay malalaman ko pa rin naman.
Who am I fooling?
His presence is always a big thing for me.
Kahit dati pa man, malayo palang siya ay parang ramdam ko na ang presensya niya.
"Fine, ikaw bahala. Basta, Kath and I will talk." Ani Dos.
Hindi siya sinagot ni Carl at tumuloy lamang sa paninitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinilit na ibaling nalamang ang atensyon kay Dos na muling sumisimsim sa kanyang inumin.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Carl sa aking tabi at ang pag-sandal niya sa sofa na kina-uupuan namin. Mula sa aking peripheral vision ay kitang kita ko ang katawan niyang nakaharap sa akin. Ramdam ko rin ang init ng paninitig niya.
What is this?
Is he planning to watch me?
"Uh.."
Tumikhim ako.
Kathleen, huminahon ka. Hayaan mo ang bwisit na 'yan, pag tuonan mo ng pansin ang mas importanteng bagay.
"Continue, Dos." Saad ko.
Tumango siya at binaba ang kanyang hawak na baso. Muli siyang tumingin sa akin pero hindi nakatakas sa akin ang sandali niyang pag-tingin kay Carl.
Napailing siya bago tinuon sa akin ang atensyon.
"I'm still working on it, that's why I'm trying my best to tell you everything that's running on my head. I don't want to hold it in, baka sumabog ako." Aniya.
Tumango ako.
That's good. Atleast, hindi niya sinasarili ang lahat. 'Yon naman ang ayaw namin mangyari, nakakatakot kasi iyon, kung wala siyang pag sasabihan ng mga gumugulo sa kanya ay baka pumitik nalang siya at sumabog.
Keeping extreme emotions can kill someone, especially in Dos' part.
Nakakatakot pag muli siyang tinamaan ng mga nakakatakot na pangyayari sa buhay niya.
"Everything Dos, you have to tell me everything. Okay?" Paninigurado ko.
He nodded and looked at his phone.
Muli niya akong tinignan at bahagyang winagayway ang kanyang cellphone.
"I need to call someone, I'll be back." Aniya.
I nodded and watched him walk away to find a more quiet place.
Bumaba ang tingin ko sa juice sa harapan at inabot 'yon. Bahagya akong sumimsim doon para maibsan ang nadaramang pagkatuyo ng aking lalamunan.
"I missed you.."
My heart leaped.
Mabilis akong napalingon sa taong bumulong sa aking tabi.
"What?"
Kunot-noo ko siyang tinignan at halos lumabas ang puso ko nang mag-tama ang mga mata naming dalawa.
"I won't let you marry him." Bulong niya muli.
"What?" Muli kong tanong.
I want to ask myself..
Why am I losing myself whenever he's around? Why does my heart feels like bursting when I hear his voice? Why do I feel so relieved whenever I see him?
The walls I built for the longest time are crumbling whenever our skin touches.
Tulad ngayon, sa laki ng lugar na ito, sa ingay ng paligid dahil sa musika na pumaibabaw dito at sa madilim na ilaw ay naririnig ko pa rin siya, nararamdaman ko pa rin siya at nakikita ko pa rin siya, gusto kong malaman kung bakit ganito?
"I heard about their plan but I won't let that happen. Please tell me that you won't let it too. Tell me that you'll stand by my side and won't leave me. Tell me that you'll hold my hand..."
His voice choked and I felt a knife stabbed my heart.
"Hmm? Will you do that for me?" Puno ng pagsusumamo niyang pakiusap.
I bit my lower lip.
I can't seem to answer him. I can't find the courage to speak up and say yes nor to give a nod because right now, 'yon ang sagot na gustong gusto ko ibigay sa kanya.
Oo, hindi ko rin naman kayang gawin 'yon, wala akong balak na magpakasal kay Adrian, iniisip ko na nga kung paano ma-sosolusyunan ang problemang 'to pero ang hawakan ang kamay niya at manatili sa kanyang tabi?
Kakayanin ko ba 'yon?
Kakayanin ba ng puso ko 'yon?
"Marry me instead. Ako nalang."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top