Page 11

Dos' theories

Pinilig ko ang ulo ko at marahang ngumiti.

"They went here for the news because Tita Pin was quite worried about me. Wala ka naman dapat ikabahala, it's not as if Adrian and I will get married."

Nanatili ang kanyang mga matang mataman na nakatingin sa akin. Hindi nag-bago ang intensidad na meron kaya napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko kaya..

"Paano pag nag-demand sila ng ga'non? Papayag ka ba?" Nanghihina niyang tanong.

What?

Paano niya nagagawang itanong 'yon sa akin habang ako ay kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko 'yon. Kahit kailan ay hindi ko inisip na ikakasal ako sa iba.. I can't even imagine myself marrying anyone.

"Kathleen.."

Hindi ako lumingon sa kanya. Ang mga mata ko ay pinanindigan ang pagiging ilap nito.

"I already talked to Adrian about your relationship with him, he told me to give him time. I'm doing my best to find your mother and I'm trying my best to get close to you so your worries about me would vanish.."

Napayuko ako at napakagat aking pang ibabang labi.

"..I'm doing all of those for you, tapos hindi mo man lang ako titignan?" May himig ng pag-tatampo niyang sabi.

Kumunot ang aking noo dahil sa narinig mula sa kanya. Kanina lang ay parang sasabog siya sa inis tapos ngayon ay parang naging ma-among tupa na hindi alam kung paano papansinin ng kanyang amo.

Sorry siya pero matigas ako. Hindi ako nadadala sa mga simpleng pag-lalambing at pag-lambot ng tinig.

"Hey." Pangungulit niya.

"Umalis ka na." May kahinaan kong sabi.

Argh! Dapat firm! Dapat convincing ang pagpapa-alis ko sa kanya pero bakit parang tinatraydor ako ng boses ko?

"Face me first then I'll leave." Aniya.

I rolled my eyes and did what I was told. I faced him and tried as much as I can to remain calm and show that I'm not affected.

His eyes are now as clear as the ocean, hindi tulad kanina na madilim at parang galit na galit. May ngiti na rin sa kanyang labi at maginhawa na ang kanyang ekspresyon. Hindi ko naman maiwasan na matuwa sa nakikita, mas gusto ko talagang nakikita ang kapayapaan sa kanya.

"I know how important Tita Pin is for you but if she'll ask you to marry her son, will you say yes?" Seryoso niyang tanong.

Kita ko ang pangamba sa kanyang mga mata. May kung ano sa akin ang nasaktan habang nakikita ang mga mata niyang nangangamba kaya wala sa sariling umiling ako.

"Of course not. Iba na 'yon. I don't just say yes and marry someone that I don't love. You know me, Carl. I'm hardheaded and most of the time, wala akong pakielam sa mga tao sa paligid ko. Tita Pin is important to me but I can't do that. Besides.. Adrian is Adrian, I don't see him as someone who'll stand next to me when it's time to face the altar." I said with sincerity.

Totoo naman iyon, I only have one person in my life who I can give up everything for.

It's my mom.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tumango-tango. Bahagya siyang lumapit sa akin at binigyan ng halik ang noo ko na nagpalambot muli ng puso ko. Hindi ko alam kung alam niya ba ang epekto ng mga ginagawa niya sa akin pero nag tatagumpay siya.

Unti-unti niyang napapasok ang sistema ko. Nakakatakot na baka mahirapan akong alisin siya doon. Baka humantong sa oras na pag sinubukan ko siyang alisin ay masaktan na rin ako.

"That's good enough. Atleast, you won't agree." Aniya.

I gulped and looked at him.

"How could you kiss me so easily? Hindi naman tayo at hindi pa kita binibigyan ng permiso."

Nag-taas ang kanyang kilay at mas napangiti. Pinanliitan ko naman siya ng mata na mas lalong nag-pangiti sa kanya.

"You never stopped me so I thought it's okay for you." Aniya.

My lips parted and I smacked him on his shoulder.

Dumaing siya na nagpahalakhak sa akin. Lumayo ako sa kanya at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Mataman ko siyang pinagmasdan habang mangiti-ngiti siya. Hinayaan kong mag-sawa ang mga mata ko sa imaheng nakikita.

Mayroon kasi sa akin na natatakot, takot na baka hanggang ngayon lang 'to. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ito, pakiramdam ko.. kailangan sulitin ang araw-araw na binigay ng Diyos dahil baka hindi na maulit.

Rare chances are given to me and I'm afraid that when the right time came, I wouldn't be able to take the chance.

"Sige na, I need to work. Hindi ako makakapag-focus kung nandito ka sa paligid ko and you also need to work, Mr. Carl James Montgomery. Baka nakakalimutan mong may kompanya kang pinapatakbo." Mataray kong sabi sa kanya.

Napangiwi siya at parang bata akong tinignan. Lihim akong napangiti dahil doon, pinilit ko nalamang na itago 'yon dahil hindi ako papayag na makita niya ang totoong epekto niya sa akin.

Hindi ngayon.

Hindi pa.

"Fine. Atleast you saw me already, hindi mo na siguro iisipin na mawawala ulit ako?"

I shrugged. "Who knows? Baka bukas iba na naman ang ihip ng hangin."

Napabuga siya ng hangin at napatingin sa itaas na para bang hindi makapaniwala sa mga naririnig. Napangiti nalamang ako at napahalukipkip dahil wala naman akong balak itago ang mga bagay na pinangangambahan ko sa kanya.

Mabuti ng sa umpisa palang ay alam na niya kung paano ako mag-isip.

"You have major trust issues." Aniya.

Tumango ako. "I do. Kaya hihintayin ko ang araw na mag-sasawa ka rin sa akin dahil matigas ako. Hindi ko nga kayang baliin ang sariling paniniwala ko, ikaw pa kaya?"

Sinubukan ko na dati ang mag-tiwala, sinubukan kong buksan ang sarili ko sa iba, sinubukan ko para sa sarili ko dahil alam kong 'yon lang ang makakatulong sa akin para mamuhay ng walang bigat sa dibdib pero hindi ko talaga kaya.

It's like, I was not meant to trust people. There will be times that I will try then the people around me will break my trust like it' something not important. So I gave up, I gave up trusting people around me and dealt with the fact that it's only me who could help myself. That was also the point of time when I turned my back on my dad.

Because he doesn't deserve it. He doesn't deserve me and my mom. Sinira niya ang tiwala ko at ang pagmamahal na binigay ko sa kanya.

"I can.." he almost whispered.

He took a step closer to me and I gathered my strength for me not to step backwards.

"I'll change your perception about me. I'll make sure that you'll trust me. I will do everything for that to happen. You know me, Kathleen. I'm very persistent. I won't stop until you trust me with every bit of your being."

I felt my heart thumped.

Buti nalang, nakatago ang puso sa loob ng katawan natin, hindi makikita kung gaano ito kalakas tumibok at hindi maririnig kung gaano ito nag-iingay tuwing ganito siya kalapit sa akin.

"I will wait for that to happen."

I felt something inside me.

Hope.

Lumihis ako ng hakbang. I took a step leftward and went to my clinic's door. Ako na ang nag-bukas 'non para sa kanya at nginitian siya nang bumaling siya ng tingin sa akin.

"Goodbye, Carl. Ingat ka."

I hope there are no goodbyes.

Humakbang siya palapit sa pintuan pero tumigil siya sa aking harapan. Muli siyang yumuko ng bahagya para mag-lebel ang mga mata namin. Muli niyang pinakita sa akin ang napaka-ganda niyang ngiti na nagpa-lundag naman sa puso ko.

"No goodbyes. I will see you later." Aniya tsaka na ako tinalikuran at tuluyan ng lumabas sa aking clinic.

Mabilis kong sinara ang pintuan at napasandal doon. Kusang gumalaw ang aking kamay at napahawak sa aking puso. Sobra ang pag-pintig 'non kaya huminga ako ng malalim para kumalma.

Naririnig niya ba ang nasa isip ko? How can he easily give me answers. Besides, see you later? He's bluffing. Maaga ako uuwi ngayon kaya hindi ko siya makikita panigurado. Mabuti pang 'wag ko nalang pansinin ang sinabi niya para hindi na umasa pa.

He gives me assurances that I never thought I could have.

Should I try and believe him?

Buong araw kong ginugol ang oras ko sa pagta-trabaho. I focused myself on my patients, na dapat naman talaga ay ginagawa ko. I forced myself not to think of him, minsan ay nag-tatagumpay ako, minsan ay makulit talaga ang bungo ko at hinahayaan siyang makapasok sa utak ko.

Nakakainis din na may ibang pumapasok. Tulad nalang nung pinag-usapan ni Rafael at Kelly kanina, even the girl Adrian was talking about that Carl liked before in Argao. Lahat 'yon ay pumapasok sa utak ko kaya mas naiinis ako. Pag hinahayaan ko ang sarili kong maisip ang mga 'yon, parang gusto kong sakalin si Carl pero pag naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin, may kung ano sa loob ko ang gustong mag-tiwala.

"Anong iniisip mo at hindi mo ako napapansin sa harapan mo ngayon?"

Mabilis akong napapilig ng ulo at napa-angat ng tingin sa nag-salita.

Napaawang ang labi ko pero mabilis rin 'yon nawala. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at sa huli ay napangiti nalamang ako at napasandal sa swivel chair ko.

"I have too much Montgomery for today, ngayon naman ay nandito ka?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi at hindi na ako hinintay pang alokin siyang umupo. Siya na mismo ang nag-imbita sa kanyang sarili para umupo sa isang libreng upuan sa harapan ng lamesa ko.

"You're making me feel like I'm not welcome here." Aniya.

I rolled my eyes. "What is it, Dos? Anong ginagawa mo dito?"

Sumeryoso ang kanyang mukha at mataman akong tinignan. Hindi siya nag-salita at nanatili lamang ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko naman siya inurungan ng tingin, pinantayan ko 'yon at seryoso rin siyang tinignan.

What's wrong with the Montgomerys and their way of looking?

Their eyes should be locked up. Thank God I'm not affected, except for one person.

"Why don't you shave your stubbles?" Pag-basag ko sa katahimikang namayani sa aming dalawa.

Napabuga siya ng hangin dahil doon at napasandal sa kanyang kinauupuan. Kumawala sa kanya ang isang halakhak na matagal-tagal rin hindi naririnig ng iba sa kanya kaya kahit papaano ay natuwa ako.

He looked so devastated. His undereyes were dark and he looked so thin compared when I last saw him.

"You really have a way of ruining the moment. No wonder my cousin liked you. Kailangan niya talaga ng babaeng tulad mo, someone who'll stir his world. Masyado kasing maayos ang buhay niya, kailangan gumulo naman."

It was my turn to laugh. "What? Maayos? Si Adrian? No way. You know better than that. Alam mong hindi maayos ang buhay ng pinsan mo."

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Pinatong niya ang kanyang kamay na nababalot ng bandage, marahil ay galing na naman siya sa away na hindi naman nakakalimutan ikwento sa akin ni Adrian dati.

Alam ko ang mga issues ni Dos, kahit hindi ako psychologist ay sa akin siya lumalapit tuwing may problema siya o tuwing kinakain siya ng kunsensya niya. Hindi daw siya nag titiwala sa iba kaya mabuti ng sa akin nalang daw siya mag-sabi. Nakakatawa nga dahil dinadahilan niyang doktor naman daw ako, pareho lang daw 'yon.

But instead of forcing him, hinayaan ko nalang siya. Though I made a deal with him, na pag nakita kong hindi na maganda ang pinapakita niya ay talagang dadalhin ko na siya sa mas kayang hawakan ang kondisyon niya.

"I'm not talking about Adrian, Kath. I'm talking about Carl." Aniya.

Naisara ko ang bibig ko dahil doon.

Muli na naman nagulo ang puso ko sa munting pagka-rinig sa kanyang pangalan. Napaiwas ako ng tingin at binaba ang ballpen na hawak ko. Tinabi ko ang mga papel sa harapan ko at muling binalik ang tingin sa kanya, tinignan ko siya sa paraang alam kong maiintindihan niyang kailangan namin mag-usap ng maayos.

Nagkibit-balikat siya. "Don't be surprised. I'm their cousin, sabi mo nga.. I know them better. Sabihin nalang natin na alam ko kung paano sila mag-isip. Adrian is not in love with you, Carl is. Ga'non ka-simple. Besides, you and Adrian have been friends for a long time already, ano 'yon? Ngayon lang niya na-realize na gusto ka niya? Montgomerys doesn't work that way. When we love, alam na namin agad 'yon. Well hindi ko pa naranasan but I think, sa mga nasaksihan ko sa pamilya ko, I'm a hundred percent sure of my theory."

Now I know why he's called the devil.

The way he talk, look and point out the things he believes in, parang siguradong sigurado siya sa lahat. Ito ang gusto kong ma-realize niya, may mga bagay na kailangan niya munang pag-isipan kahit sigurado siya. Mga bagay na kailangan mag dahan-dahan siya kung hindi ay makakasakit siya.

Dos' problem is, dahil sigurado na siya, pakiramdam niya ay 'yon na yon.

Not realizing that he could hurt someone with his way of thinking.

"Bakit ba nandito ka? I'm sure na hindi ka pupunta dito para lang pag-usapan ang theory mo. Tsaka, ano 'yan? Galing ka ba sa away?" Tanong ko sabay turo sa kanyang kamay.

Mabilis naman niya iyon binaba at tinago mula sa paningin ko kaya bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha.

"Pwede ka bang lumabas ngayon? Are you done with your work? I'm not comfortable to stay longer in this hospital but I need to talk to you so--"

"Okay, tara. Dami mo pang sinabi. Tapos na ako sa trabaho kaya halika na." Pag-anyaya ko sa kanya sabay tayo.

Hinubad ko ang white coat ko at kinuha ang bag ko. Sinabit ko 'yon sa aking balikat at muli siyang tinignan. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi pa siya gumagalaw. Mabilis naman niya iyong nakuha at maagap na tumayo.

Tinungo namin ang pintuan at nakuha niya pa akong pag-buksan ng pintuan. Nginitian ko siya at nauna ng lumabas. Sumunod naman siya sa akin at parang nanliit ako dahil sa tangkad niya, hindi naman nalalayo ang tangkad niya kay Carl pero mas matangkad siya ng kaunti.

I feel small compared to Carl, paano pa kaya sa kanya.

"Saan tayo niyan?" Tanong ko.

Kinuha niya ang cellphone niya at may tinignan doon.

"Taw's bar.." mahina niyang sagot habang nakatingin pa rin doon.

I sighed and shook my head. "Bar na naman. Pag ikaw nakipag-away doon, tuturukan kita ng pang pa-tulog." Banta ko sa kanya.

Taw is Adrian's second cousin from the mother side. I know him because we went to the same school before and he tried to court me which I turned down the second he told me he was going to do it.

I don't have issues on going there because I know I'm protected from dangerous people. I'm with Dos and that means a lot for everybody who'll see me with him. Alam din ng lahat na hinding hindi nila ako mahahawakan doon kaya hindi naman ako natatakot.

"Si Adrian ba nandoon niyan? Papuntahin mo siya, kailangan din namin mag-usap." Saad ko habang papalabas kami ng hospital.

I need to talk to Adrian about this whole fiasco.

Masisira na ang utak ko kakaisip kung paano ko sosolusyunan ang bagay na alam kong hindi na maganda ang kapupuntahan. Besides, nauna naman siyang gumawa ng bagay na ika-sisira nito.

"Did you bring your phone?" Dos asked out of no where.

Napabaling ako sa kanya bago kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko. Pinakita ko 'yon sa kanya na siya namang kinuha niya.

"I left my personal phone on my clinic, work phone ko ang dala ko in case of emergency." Tugon ko.

Mga nurses, head ng department at head ng hospital lang ang nakaka-alam ng numero ng work phone ko. Para lamang ito tuwing nasa labas ako at baka magkaroon ng emergency sa mga VIP patients na hawak ko.

Natigilan siya sa pag-lalakad kaya kusa rin ako tumigil. Binalik niya sa akin ang cellphone ko at mabilis niyang pinatay ang cellphone niya.

"Okay good. I'm not sure but someone is tracking my phone." Aniya.

Kumunot ang aking noo. "What? How did you know?"

Hinawakan niya ako sa braso at siya ang humila sa akin para mag-patuloy sa pag-lakad. Tuluyan na kaming nakalabas ng hospital. Nagawa ko pang ngitian ang guard bago siya nilingon ulit dahil gulong-gulo pa rin ako.

Hinila niya ako sa harapan ng sasakyan ko at doon kami tumigil.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko.

"Don't worry, I think it's harmless." Aniya sabay ngiti na para bang kayang ibsan 'non ang pangamba ko sa sinabi niya.

Hindi ako natinag. "Tell me." Giit ko.

Hindi ako gumalaw at nanatili lamang nakatayo sa harapan niya. Hindi ako aalis sa kinatatayuan ko hanggang hindi siya nag-sasabi. Besides, hindi naman siya makaka-alis dahil hindi niya na kayang magmaneho ulit pagkatapos ng aksidenteng kinasangkutan niya noon.

It was a very traumatic experience for him.

He sighed. "Hindi pa kita masasagot sa tanong mo kasi hindi rin ako sigurado pero sa nakikita kong pamilyar na kotseng naka-parada sa bandang likuran mo ay may konklusyon na ako.."

Akmang lilingon na ako nang pigilan niya ako.

"Teka, wag kang lilingon!"

"Dos!" Bulalas ko sa kanyang pangalan dahil sa gulat.

Napaawang ang labi ko sa ginawa niyang pag-hablot sa katawan ko kaya bumagsak ako sa kanyang bisig. Pinilit ko siyang itulak pero hindi ako hinayaan ng mga braso niyang makawala. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon pero ngumisi lamang siya.

"Tuturukan talaga kita." I said through gritted teeth but he only laughed.

Muli siyang ngumisi at nag-pigil ng tawa.

"Come, let's go ahead. May iinisin pa ako." Aniya at hinila na ako sa kotse ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top