▪ 9 ▪
Confused
Nanliit ang aking mga mata at umirap sa kanya.
"Sweet mo mukha mo," sarkastiko kong wika.
Anong akala niya sa akin? Tulad ako ng ibang babae riyan na sa simpleng mabulaklak na salita niya ay bibigay na agad? Sa simpleng kislap ng mga mata niya ay mahuhulog na agad?
Hindi 'no!
"I'm just joking," aniya sabay halakhak.
Napabuga ako ng hangin at binaling muli ang tingin sa kanya. Ngiting-ngiti siya kaya tinikom ko na lamang ang aking bibig at napaiwas na lang muli ng tingin.
"Pag hindi pa tayo umalis, uuwi na lang ako mag-isa," saad ko.
"Opo," rinig kong pag-ismid niya.
Napaurong ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking ulo at bahagyang tinapik 'to. Nahigit ko ang aking hininga at hindi na lamang umimik. Hinayaan ko siyang isara ang pintuan ng kotse at lumipat sa driver's seat.
Binalingan niya ako bago paandarin ang kotse kaya umiwas muli ako ng tingin. Nag-angat ako ng kamay at bahagyang tinapat ang blades ng aircon sa akin dahil pakiramdam ko, mauubusan ako ng hangin.
"Uno..." mahinang tawag ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"Hm?" aniya.
Nakatuon lamang ang tingin ko sa labas. Tinitingnan ang mga puno sa daan. Pakiramdam ko, lumiliit ang sasakyan na 'to para sa aming dalawa. Amoy na amoy ang kanyang pabango mula sa pwesto ko, hindi nakatutulong ang aircon at mas lalong hindi nakatutulong ang katahimikan.
"Salamat sa pag-aalala mo sa akin," mahinang wika ko.
"What?"
Napakagat ako sa aking labi.
Bingi ba siya o nagbibingi-bingian?
"Sa mundong 'to, madalang na lang yung taong handang tumulong kahit walang kapalit. Alam kong wala lang sa'yo ang mga tinutulong mo pero para sa akin ay sobrang laking bagay nito," banayad kong wika.
Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may naglilikot sa kalooban ko. Sobrang likot nito na parang unti-unting nabubuhay ang bawat ugat sa aking katawan.
Ang puso ko ay bumabagal ang pintig pero mas naririnig ko 'to. Malakas ang kabog nito.
"Are you being sentimental with me?" aniya.
Nahigit ko ang aking hininga at maagap na napalingon sa kanyang gawi. Kahit nakatuon ang kanyang mga mata sa daan ay hindi makatatakas sa akin ang kanyang ngisi.
"Hah?"
"Don't say those things, I might cross the boundaries," mapanukso niyang wika.
"Boundaries?" naguguluhan kong tanong.
"Is this your apartment?"
Nawala ang aking atensyon sa kanyang sinabi nang tumigil kami sa address na sinabi ko. Napansin ko ring may dalawang taong nakatayo sa harap mismo ng aking pintuan at sigurado akong sina Kelly at Raffie na 'yon.
Nilingon ko siya muli at mabilis na napaiwas ng tingin nang makitang nakatuon sa akin ang kanyang mga mata. Hindi naman dapat ganito..
"Maraming salamat. Ingat ka, pangako... babawi ako sa'yo," magalang kong wika.
Wala na akong pinalipas na panahon at mabilis akong bumaling sa pintuan. Binuksan ko 'yon at dere-deretsong bumaba. Mabilis ang mga yapak ko sa paglapit kina Raffie at Kelly na mukhang gulong-gulo sanakikita.
Sinenyasan ko sila na maunang pumasok. Binigay ko kay Kelly ang susi at para naman silang robot na sumunod. Bumaling muli ako sa sasakyan ni Uno pero laking gulat ko nang sumalubong sa akin ang kanyang matipunong dibdib.
Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at sobrang lapit niya sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang humakbang paatras para mabigyan kaming dalawa ng distansya. Ginawa ko ang lahat para luminaw ang naglalabo kong utak at para matigil ang kung anong bagay na gumugulo sa akin ngayon.
"Are you okay?" puno ng pag-aalala niyang tanong.
Maagap akong tumango.
"Oo naman," saad ko sabay ngiti.
Ginawa ko ang lahat para hindi siya matingnan sa kanyang mga mata. Kung saan-saan na nga ako tumitingin para lang maiwasan siya. May mali talaga, parang may nagbago. Pag tumingin ka sa mga mata niya, parang hihilahin ka nito palapit lalo kahit na ayaw mo. Mawawala ka na lang sa huwisyo at ayokong mangyari sa akin 'yon.
"Okay..." he trailed off.
Humakbang siya paharap kaya mabilis ko siyang hinarangan. Nakita ko ang gulat sa kanya kaya nilagayko sa likod ang aking dalawang kamay. Sinubukan niya muling dumaan pero hinarangan ko siya ulit.
Tumikhim ako.
"Ingat ka. Uwi ka na, gabi na masyado at baka hinahanap ka na sa inyo."
Ginawa ko ang lahat para maging normal ang tono ng pananalita ko.
"Hindi mo man lang ako aalukin na pumasok?" inosente niyang tanong.
"Hindi," deretso kong sagot.
"Why?" balik niya.
Wag kang titingin, Evie!
"Siyempre..."
"Siyempre?"
Sandali akong napapikit nang maramdaman ang kamay niya sa aking baba. Inangat niya ang aking mukha at hindi ko mapigilang mamilog ang aking mga mata nang magtama ang mga mata namin.
He leaned closer.
Lumapit ang mukha niya sa akin kaya hindi ko alam kung paano palalawakin ang espasyong natitira sa pagitan namin.
"Lalaki ka, hindi magandang makitang nagpapasok ako ng lalaki sa apartment ko."
Sinabi ko lamang ang totoo.
"What?"
Kita ang pagkamangha sa kanya. May kumislap sa kanyang mga mata at bahagyang kumunot ang noo niya. Kahit na gano'n, hindi pa rin maikakaila ang ka-gwapuhan niya. Aaminin kong sobrang gwapo niya talaga na kahit sino yata ay lilingon pag nakita siya pero buti na lang at iba ang prayoridad ko ngayon.
Kung hindi, kawawa ako sa kanya.
Ang munting pag-tingin sa kanya ay kasalanan.
"Bakit yung kaibigan mo?"
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya o ano dahil sa ngising hindi niya matago sa akin.
"Hindi nga siya lalaki. Ang kulit mo," kunwari ay inis kong wika.
"Fine. I won't push it today but I need to check your apartment sooner or later," aniya.
"Ano? Bakit?"
His thumb caressed my chin. Parang may umakyat na mga boltahe sa katawan ko habang ginagawa niya 'yon.
Nawala ang ngisi sa kanyang labi. Nagseryoso ang kanyang ekspresyon at malambot ang mga matangtumingin sa akin.
"I need to check the security of this place. May mga ipadadala rin akong tao para malaman kung okay ba ang mga taong nakatira—"
"Wag mong gagawin 'yan! Nababaliw ka na ba? Saan ka ba galing at laging ganyan ang solusyon mo sa mga bagay? Safe man ako rito o hindi, hindi ako pwedeng magreklamo. Kinuha ko ang lugar na 'to kasi ito lang ang kaya ko at malapit pa sa hospital," naiinis kong sabi.
"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang tulong ko?" frustrated niyang tanong.
"Uno, hindi lahat ng tulong ay tinatanggap lalo na yung sa'yo. Sa tingin mo, anong iisipin ng iba pag nalaman nilang tumanggap ako ng condominium mula sa'yo? Tingin mo iisipin nilang nagkakawang-gawa ka? Siguro sa'yo... gano'n iisipin nila pero sa akin, hindi."
Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang mula sa narinig sa akin. Dahan-dahan din akong lumayo mula sa kanya at inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Parang nanghihina ang tuhod ko habang humahakbang paatras.
Napalunok ako at marahang ngumiti.
"Papasok na ako. Salamat ulit," saad ko.
At least ngayon, alam na niya yung totoong saloobin ko sa nangyayari. Sa kondisyon niya, siya yung tipo ng taong hindi kailangang isipin kung ano ang iisipin ng iba tungkol sa kanya. Kung titingan ay nasa kanya na ang lahat at kaunting tulong lang ang binibigay niya sa akin.
Kaunti lang 'yon para sa kanya pero sa akin ay kayang baguhin n'on ang buhay ko.
"Evangeline."
Naramdaman ko ang pagbagsak ng puso ko.
"Hm?"
Tumigil ako sandali at hinintay siyang magsalita.
"I'm not a very helpful person. I'm selfish and I don't care about the others. I don't go around and follow people. I don't even get guilty when I do something wrong. It's hard for me to say sorry unless it's concerning my family but... do you know what I kept on asking myself since the day we saw each other again?"
Nag-init ang aking puso sa aking mga narinig. Matiim kong sinara ang bibig ko at pinigilang may lumabas na isang salita sa akin. Takot akong may masabi akong mali o bagay na magpababago ng lahat.
"Since the day I met you, all those things about me are questioned. Wala pang isang buwan pero lahat 'yon ay nagawa ko nang walang kahirap-hirap dahil sa'yo. I did things an Uno Montgomery will never do. Wala akong pakialam sa ginagawa ko, I can do it so I will and you know that but I don't want to see you confused and I don't want you to think that I pity you because that's not true."
Lumalim ang aking paghinga at parang liliparin ako. Kailangan ko pang hilahin ang sarili ko pabalik ng lupa para umayos ang natitirang katinuan sa akin.
Masyadong mabilis...
Hindi totoo.
Sabi sa napanood ko, ang bagay na mabilis mabuo ay mabilis rin mawala o masira.
Kahit pagkakaibigan pa.
"Uno, umuwi ka muna. Alam kong nakapapagod ang buong araw mo ngayon lalo na at kalilibing lang ng lola mo. Emosyonal ka pa at hindi mo na alam ang sinasabi mo. Good night," I breathed.
Hindi ko na siya hinintay muli magsalita at pinihit ko na ang seradura ng aking pintuan. Mabilis akong pumasok at sinara ang pintuan. Napasandal ako roon at mariing pumikit. Napahawak ako sa aking puso at hinintay kumalma 'yon. Nang maramdaman ang pagkalma mula sa aking puso, lumipat ang aking kamay papunta sa noo ko.
Bahagya ko itong pinitik ng ilang beses dahil sa sobrang inis sa sarili. Napadaing ako at napahimas na lang sa noo.
Evie! Tanga mo!
Anong nangyari? Wala man lang yata ang preno sa bokabularyo niya. Tuloy tuloy siya at sobrang bilis pa. Wala akong panahon sa mga ganitong pakiramdam pero kasalanan ko rin.
Nakatatawang sabihin pero kasalanan ko rin. Nakadadala naman kasi ang lalaking 'yon.
"Masarap bang lumipad kasama si SuperUno?"
"Ano?"
Nagmulat ako ng mga mata habang nakakunot ang noo dahil sa narinig mula kay Raffie. Natagpuan ko silang nakaupo sa sofa ko habang naka-pantulog na silang dalawa ni Kelly. Seryosong nanonood si Kelly ng TV habang si Raffie ay mapanukso ang tingin.
"Kelly, pakipatay nga ang TV at patugtugin ang favorite song ng manhid na babaeng 'yan!" natatawang wika ni Raffie.
"Iba na ang favorite song ko!" inis kong saad at matalim na tingin ang ginawad kay Kelly.
Napakibit-balikat lamang siya at pinatay ang TV. Nag-init ang tainga ko at mabilis na tinungo ang kwarto ko para hindi marinig ang kanta. Binagsak ko ang pintuan at tinakpan ang tainga ko.
Pumikit ako at nag-concentrate na wag makinig. Sa liit ng apartment na 'to, tatagos ang kahit anong tunog sa mga dingding.
She says, "Yeah, he's still coming, just a little bit late.
He got stuck at the laundromat washing his cape."
She's just watching the clouds roll by and they spell her name
Like Lois Lane
And she smiles, oh the way she smiles
Napangiwi na lamang ako at binilisan ang pagpapalit ng damit. Ang kantang 'yan ang bumubuhay sa akin noong mga panahong nagtatrabaho ako sa ibang lugar pero ngayon, nagbago na. Mas nakaiinis pa na may lumilitaw sa utak ko habang naririnig ko ang kanta.
Dati, si Superman ang nakikita ko pero ngayon...
Ay wala!
Evie! Umayos ka!
She's falling apart
Waiting for Superman to pick her up
In his arms, yeah, in his arms, yeah
Lumabas ako ng kwarto ko at sabay napabaling ang tingin sa akin nina Raffie at Kelly.
"She's waiting for SuperUno.... " sabay nilang pagpalit sa lyrics ng kanta.
SuperUno?
"Walang Superhero o kahit SuperUno," pagbasag ko sa kanila.
Tinungo ko ang TV at binuksan 'yon para matabunan ang kanta. Bumukas ito at balita ang sumalubong sa amin. Matamis akong ngumiti sa gawi nila at halatang sila naman ang inis na inis.
"May nalaman pala kami!" maagap na saad ni Raffie na parang inaakusahan ako ng maling gawain.
"Ano?"
Lumakad ako palapit sa isang maliit na sofa at umupo roon. Niyakap ko ang tuhod ko at tinuon ang mga mata sa kanila. Mapanuri nila akong tiningnan na parang kinakabisado nila ang reaksyon ko.
"Anong ginagawa ni Sir Carl sa ICU? Bakit ka niya pinuntahan? Nag-usap daw kayo?" sunod-sunod na tanong ni Kelly.
"Siya ba si SuperCarl?" inosenteng tanong ni Raffie.
Mabilis akong kumuha ng unan at ibinato sa kanya. Humalakhak naman silang dalawa habang ako ay mag-iinit yata ang pisngi dahil sa mga nangyayari sa akin.
Bakit ngayon pa nangyari ang mga 'to? Kung kailan kahit kaunting enjoyment sa buhay ay mahirap makuha?
"Wala, gusto lang tumulong ni Sir Carl kasi nga di ba tinulungan ko raw yung pamangkin niya. Tingin niya tuloy obligado siya na tulungan ako," paliwanag ko.
"Ngayon ko lang nakita ang mga Montgomery na ganyan..."
Nawala ang atensyon ko sa sinasabi ni Raffie nang marinig ko ang pangalan ni Uno sa TV. Hindi ko mapigilan ang tumingin doon at kasabay no'n ay ang pagtahimik ng buong paligid.
Uno Montgomery, spotted in an intimate dinner with actress Christine Garcia.
Kasabay no'n ay ang pag-flash sa screen ng mga litrato ni Uno at nung babae. Magkahawak kamay silapapasok ng isang restaurant; ang isa naman ay nakaupo na sila at masayang kumakain.
"Evie..."
"Sabi ko sa inyo, wala lang 'yon eh. Mabait lang talaga siya tsaka naaawa sa akin. Kayo na ang nagsabi, marami talagang babae sa paligid niya. Kita niyo na?" nakangiting wika ko.
Anong nangyayari sa akin?
Bakit parang ang hirap huminga? Ako yata ang nababaliw.
Lumingon ako sa kanila at inalis ang tingin sa TV. Malungkot ang mga mata nila habang nakatingin sa akin kaya mas napayakap ako sa sarili ko.
"Sikat talaga siya 'no. Para... ipakita pa sa telebisyon ang ganyan, sikat talaga," mahina kong wika.
Isa lang alam ko, ayoko ng komplikasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top