▪ 8 ▪

Sweet

"Hah?"

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Alam ko namang emotional lang siya ngayon kaya siya nagkagaganyan at siguradong naghahanap lang siya ng makararamay sa kanya.

I felt this before, yung pakiramdam na gusto mo ng kausap pero hindi mo masabi sa sarili mong pamilya.

Siguradong gano'n din siya.

"My grandmother died, Evangeline. She died while we're here in Manila and she's in Argao. She's the closest to my heart, she always understands me and she's always there for me even though I was a big jerk. Sakit ako sa ulo pero hindi niya pinaranas 'yon... now... wala man lang kami sa tabi niya," puno ng sakit niyang wika.

Nakatingin lamang ako sa mga mata niya. Ibang iba ang Uno na nakikita ko ngayon.

So vulnerable.

So true and no pretentions.

His eyes were conveying different emotions that I never thought I would see. Hindi ko tuloy mapigilangmaisip kung ganito rin ba ang nakita niya sa akin noong nakita niya akong nakaupo sa gilid ng daan.

"Uno, araw-araw, bawat pagpasok ko sa hospital ay nakakikita ako ng namamatay o nasa bingit ng kamatayan. Oo nga at nagpapakahirap kaming masalba sila para mabuhay pero wala eh... gano'n talaga. Lahat tayo... ipapanganak at sa dulo ng lahat, mamatay din. Hindi pwedeng pigilan 'yon. Sa nakikita ko, mahal na mahal mo siya at mahal na mahal siya ng pamilya niya. Sigurado akong alam niya 'yon at sigurado rin akong kayo ang nasa isip niya bago siya namatay," banayad kong paliwanag.

Ayokong may masabi akong mali. Masyadong emosyonal ang sitwasyon niya ngayon.

Bahagya siyang ngumiti na naging dahilan ng kaginhawaan sa loob ko. Yumuko siyang muli at parang nahiya pa sa ginawa niyang pag-iyak sa harap ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinisil 'yon.

Tinapik ko ang kamay niya at ngumiti rin.

"Damn. I don't know what to say. I'm so shy," nahihiya niyang wika.

"Shy ka pa riyan. Ako nga ilang beses mo nang nakitang umiiyak..."

Bahagya akong napatingin kay Kelly na malungkot na nakatingin sa amin. Tinuro niya ang orasan at tumango naman ako.

"Ayoko man basagin ang moment mo pero... may duty kasi ako. Mabuti pa umuwi ka na muna, sigurado akong hinahanap ka na ng pamilya mo," dagdag ko.

"But..."

Natigilan siya at napabuntong-hininga na lamang. Malungkot niya akong tiningnan pero ngumiti pa rin siya.

"Anong oras labas mo?" tanong niya.

Napahawak ako sa aking batok bago napatingin sa orasan ko.

"Mamaya pa akong gabi..." mahina kong sagot.

"I'll fetch you," agaran niyang alok.

Namilog ang aking mga mata at maagap akong umiling.

"Hindi na! Ano ka ba? Kailangan ka ng pamilya mo tsaka meron na akong lugar na tutuluyan kaya pwede mo na akong alisin sa charity case mo," balita ko sa kanya.

Matamis akong ngumiti pero unti-unti ring napawi 'yon nang sumama ang timpla niya. Sumeryoso ang kanyang ekspresyon at nagtagis ang kanyang bagang.

"Do you really think you're a charity case?" puno ng pagkairita niyang wika.

Napaawang ang aking labi at sinubukan kong magsalita pero wala talaga akong masabi. Nakatatakot siyang kausapin ngayon, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

Nainsulto ko ba siya?

"Hindi naman—"

"Sir, pasensya na po pero... kailangan na po kasi namin magtrabaho."

Napalingon ako kay Raffie na lumapit na sa amin. Bumalik ang tingin ko kay Uno na ang tingin ay nasa akin lamang. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip o kung ano man ang nasa isipan niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Umuwi ka na..." pamamaalam ko.

Tumayo na ako at hindi na siya binigyan ng huling tingin. Nilingon ko si Raffie at tinanguan siya.

"Tara na," pag-yaya ko sa kanya.

Akmang lalakad na ako paalis nang biglang may humawak sa braso ko. Maagap akong napalingon sa aking braso at nakita si Uno na nakatayo sa aking gilid. Mataman siyang nakatingin sa akin.

"I'll fetch you. I don't take no for an answer," wika niya.

"Ano—"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay binitawan na niya ako at nauna na siyang tumalikod para umalis. Ang nagawa ko na lang ay sundan siya ng tingin.

Napalingon ako kay Raffie at nagkibit-balikat lamang ito. Napanguso ako at hinila na lamang siya. Bumalik kami sa station at pinaghandaan ko na ang unang pasyente ko ngayong araw. Sinubukan ko na lang na wag isipin ang apelyidong Montgomery.

Sa totoo lang kasi...

Nakasasakit sila ng ulo.

"Susunduin ka?"

Inabot ko kay Raffie ang bag niya.

"Hindi ko alam. Hindi siguro. Siguradong busy 'yon at nasabi niya lang 'yon kasi hindi natapos yung usapan namin kanina."

Nagpalit na ako ng damit at nilagay sa locker ang mga gamit ko. Kinuha ko ang bag ko at hinintay si Raffie na matapos. Kanina pa umalis si Kelly dahil hindi kami parehas ng oras ng duty.

"Yan ka na naman sa pagiging nega mo! Hindi ba 'yan ang gusto mo? Superman ang dating! Laging nandiyan para sa'yo at pagsisilbihan ka pa! Uno Montgomery na 'yan friendy! Hindi biro ang pangalan niya," ani Raffie.

Sinara niya ang locker niya at sinenyasan na akong lumabas na kami. Sabay kaming naglakad palabas at kahit ayoko man... hindi ko mapigilan ang mapatingin sa paligid.

Baka kasi...

"Superman? Hindi naman totoo 'yon. Nagising na ako sa realidad. Ito ang totoo. Kailangan magtrabaho para sa pamilya, kailangan tiisin ang lahat para mabuhay at kahit ano pang laki ng tiwala ang ibigay mo sa mga tao sa paligid ay hinding hindi magiging sapat 'yon. Masisira at masisira pa rin 'yon..."

Trust.

Binigay ko ang buong tiwala ko sa kapatid ko, siya lang ang inaasahan ko rito lalo na para kay nanay tapos ito lang ang gagawin niya.

Nakatatawa talaga.

"Talaga?" manghang tanong niya.

Kumunot ang aking noo.

"Oo," sagot ko.

Humagalpak siya sa tawa at pailing-iling pa. Bumagal ang paglalakad namin at hindi ko mapigilan ang lalong magtaka dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya tumatawa.

Hinawakan niya ako sa aking braso kaya kusang tumigil ang mga paa ko.

"Kung walang superman... may SuperUno naman! Tingnan mo oh! Ang gwapo talaga!" hagikgik niya.

Wala sa sariling napatingin ako sa harapan. Prenteng nakasandal si Uno sa pader habang nakatingin sa akin. Ngumisi siya at tumayo nang maayos. Inayos niya ang suit niya at lumakad palapit sa amin.

Napalinga-linga ako sa paligid dahil hindi ako sigurado kung ako nga ba ang pinunta niya rito. Ayoko naman mag-assume lalo na sa lebel ni Uno, parang hindi ko mababasa kung ano talang nasa isip niya.

"Let's go?"

"Akala ko..." Akala ko galit ka.

Napakagat ako sa aking labi at bahagyang ngumiti.

"Okay lang naman, kaya ko naman umuwi mag-isa. Tsaka kasabay ko si Raffie," saad ko.

"No, I insist," aniya.

Lumingon siya kay Raffie kaya napalingon rin ako. Nanlaki ang mga mata ni Raffie at pumalakpak na lang siya bigla.

"May pupuntahan pa pala ako! Mauna na ako sa'yo, friendy! See you later sa apartment mo! Punta na lang kami ni Kelly doon," aniya at hindi man lang ako hinintay sumagot.

Mabilis siyang lumakad paalis.

Siya na nga lang ang rason ko kung bakit hindi ako sasama kay Uno dahil pwede naman kaming sabay umuwi, tutal ay sasamahan nila ako ngayong gabi sa apartment ko.

"Now, let's go?" ani Uno.

"Okay..." mahina kong sagot.

Ano pa bang magagawa ko? Sa ugali niya, parang hindi pwede ang salitang hindi.

Lumingon ako sa kanya at natigilan nang kunin niya ang gamit ko mula sa akin. Sinubukan kong bawiin ang gamit ko pero sadyang mas malakas siya. Sunod niyang kinuha ang braso ko at hinila ako para lumakad kasabay niya.

"Ako na, Uno."

Sinubukan kong kunin muli ang gamit ko pero ayaw niya talagang ibigay.

"Kulit mo," aniya.

"Ano?!"

Kumunot ang aking noo at masamang tingin ang ginawad ko sa kanya.

"Mas makulit ka kaya!" balik ko sa kanya.

Pinapataas niya talaga ang blood pressure ko minsan!

Narinig ko ang bahagya niyang paghalakhak at ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang may nakahawak din sa puso ko. Marahil ganito ang pakiramdam ng mga taong unang beses pa lang mahawakan nang ganito katagal sa kamay.

I never had the chance to date.

Though hindi 'to date... Ano bang iniisip ko?

Erase. Erase!

Mas inuna ko pa ang mag-aral na lang habang nangangarap na darating ang Superman ko at ipararanas sa akin ang extra-ordinary lovelife pero wala, sa pelikula lang talaga 'yon.

"Is is really okay to let your friend stay with you, mamaya... sa apartment mo? I mean, he's a guy," pag-iiba niya ng topic.

"Si Raffie? Guy? Ikaw lang nagsabi niyan," natatawang saad ko.

"Physically, he still is. Hindi mo alam kung gaano kalakas ang hormones ng lalaki at kung gaano kahirap ang pagpipigil sa mga temptasyon," aniya.

Thank God, I am in the medical field. Itong mga usapan na 'to ay normal na sa akin.

"Ano? Hindi naman ako temptasyon para kay Raffie," saad ko.

"You're too innocent. Hindi mo masasabi," balik niya.

Tinaligilid ko ang aking ulo.

"Matagal ko nang kilala si Raffie at walang bagay na makapagpapabalik sa kanya sa linya niyo,"pagpupumilit ko pa rin.

"I know, what I'm saying is... iba pa rin kasi lalaki siya."

Napabuntong-hininga ako at matamlay siyang tiningnan. Nakapapagod makipag-diskusyon sa lalaking 'to! Parang ayaw magpatalo.

"Kasama naman namin si Kelly mamaya," saad ko.

"Really? That's good," aniya.

That's good?

"Ewan ko sa'yo."

Tumigil kami sa harap ng kotse niya.

Humarap siya sa akin pero hindi niya pa rin binitawan ang braso ko. Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin at hinanap niya ang aking mga mata.

"Trust me when I say it's hard to keep myself from doing things I badly want to. Well... I mean, generallyfor boys. Not just myself. Fuck. Nevermind," aniya.

Binuksan niya ang pintuan at inalalayan pa ako sa pagsakay. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Ngumisi siya sa akin at mabilis na tinapik ang ulo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon pero hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lamang siya na para bang wala siyang pakialam.

Tumigil siya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin sabay kulong sa akin gamit ang mga braso niya. Bahagya akong napaurong dahil sa ginawa niya pero wala talaga akong kawala. Nahigit ko ang aking hininga at sinubukang pakalmahin ang sariling kalooban ko.

"Uno... malapit ka masyado," lakas loob kong wika.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at saka ngumisi.

Ngising hindi ko alam kung anong ibig sabihin at wala akong balak malaman kung ano 'yon.

"Let's talk about the charity case," aniya.

"Uno..."

Lalo siyang lumapit kaya mas nahigit ko ang aking hininga. Naamoy ko na ang pabango niya at mas nakikita ko na ang mukha niya. Pakiramdam ko tuloy kinakain ang buong pagkatao ko sa sobrang lapit niya.

"I don't know what made you think that you are a charity case for me."

Lumambot ang kanyang mga tingin sa akin. Huminga ako nang malalim at mataman siyang tiningnan.

"Ano pa ba ang pwedeng dahilan kung bakit sobrang bait mo sa akin? Siyempre 'yon yung iisipin ko. Five years ago, galit na galit ka sa akin tapos five years after, gusto mo na akong maging kaibigan? Tsaka alam ko namang malaki ang tyansang naaawa ka lang sa akin," paliwanag ko sa kanya.

Sandali siyang mariin na pumikit bago tumingin muli sa akin. His eyes were all on me. Hindi ko tuloy alam kung may mali ba sa akin o sadyang ganito lang talaga siya tumingin sa mga tao.

Nagsisimula nang magwala ang kalooban ko. Nakararamdam ako ng kaunting pag-ikot sa loob ko at bahagyang kumalabog ang puso ko. Para akong kakapusin ng hininga.

"I'm sorry if you felt that way. Kahit kailan, hindi ko hiniling na ganoon ang maramdaman mo. Yes, I want us to be friends but in a genuine way. Hindi ako naaawa sa'yo, siguro nung una pero hindi ako ang klase ng taong makipagkakaibigan dahil lang sa awa. My friends are very special... and you are too. Gusto kong maging kaibigan ka kasi gusto kong itama ang maling pagkakakilala natin sa isa't-isa. Damn it, I sound so corny right? This is really not my thing."

Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya. Napaiwas siya ng tingin kaya napahalakhak ako. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay para mapigilan ang pagtawa ko.

"Let me ask you a question..." aniya at muling binalik ang tingin sa akin.

"Ano 'yon?"

"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya.

"Gabi ang duty ko bukas pero sa umaga, balak kong mamili ng ilang gamit," sagot ko.

Kahit kaunting gamit lang ay balak kong mamili tutal ay may kaunting ipon pa naman ako. Kaunti na lamang ang mga 'yon pero sapat na para mairaos ako habang wala pa akong sweldo.

"Can I come with you then?"

"'Yon lang pala—ano? Saan? Bakit? Wala ka bang magawa sa buhay mo?"

"Don't ask questions. Basta... sagutin mo ang tinatanong ko. Actually no, kahit wag mo nang sagutin. Susunduin na lang kita. Wala ka namang magagawa kung susunduin kita o hindi. Basta sasama ako,"aniya.

Parang malalaglag ang panga ko habang naririnig ang mga sinasabi niya. Nahihibang na ba ang lalaking 'to? Gumanda na nga ang tingin ko sa kanya tapos bigla siyang maggaganito?

Kakaiba talaga ang lalaking 'to.

Sasabog na ang utak ko pero hindi ko pa rin siya maintindihan.

"Ayoko," deretso kong wika.

"I'm not asking," kalmado niyang wika.

"Uno!" banta ko sa kanya.

"What?"

Ngumiti siya na para bang nagpipigil ng tawa.

"Uno! Ayoko sabi! Tsaka magpaka-busy ka naman sa buhay mo!" pagtanggi ko pa rin.

"I'm busy," aniya.

Napabuga ako ng hangin at saka siya sinamaan ng tingin.

"Busy ka naman pala!" inis kong wika.

"I'm busy with you," deretso niyang saad.

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Parang nawalan ako ng pandinig dahil wala na talaga akong ibang marinig kung hindi ang bagay na malikot sa kalooban ko. Naikuyom ko ang mga palad ko para piliting magising ang sarili ko.

"Uno..." mahina kong banta sa kanya.

Niloloko niya ba ako?

"Wow, I never thought my name would so sweet," nakangisi niyang wika.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top