▪ 7 ▪
Hot
"Buti same duty tayo ngayon!" masayang saad ni Raffie.
"Oo nga. At least, kasama kita," masayang wika ko.
Lumawak ang aking ngiti habang inaayos ang uniform ko. Tinawagan ako kahapon ng hospital at sinabi sa akin na tanggap daw ako. Agad nilang binigay ang time of duty ko at binigyan ng uniform.
Umaayos na rin ang kalagayan ni nanay sabi nila. Nakatulong daw ang palagi kong pag-kausap sa kanya. 'Yon lang naman ang hiling ko—ang maging maayos na siya at makasama ko na siya. Si ate naman, hindi ko pa rin alam kung nasaan siya ngayon. Wala na rin akong balak alamin.
Pinili niya ang landas na 'yon.
Everyone should take responsibility of their actions.
"Wala yata si Mr. Present all the time?" Napangiwi ako sa tanong niya.
"Wala. Ano naman gagawin niya rito?" balik kong tanong.
Pumunta kami sa front desk at tiningnan ang mga impormasyon ng bagong admit na mga pasyente. Nakalulungkot na medyo marami ang nao-ospital ngayon.
Natigilan ako nang may humarang na tsokolate sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Kelly na ngiting-ngiti habang tinatapat sa akin ang tsokolate.
"Inabot ng guard sa akin. Kahapon pa raw 'yan binigay ni Sir Uno pero mahigpit na bilin na ngayong araw ibigay sa'yo. Ibigay daw sa pinaka-amazona na nurse ng hospital. Ang corny pero kinikilig pa rin ako!" ani Kelly.
"Ano nga ba? Ano ba ang pakay ng isang lalaking halos araw-araw nandito at binibigyan ka pa ng tsokolate?" tanong ni Raffie sabay hagikgik.
Wala sa sariling napangiti ako. Inabot ko ang tsokolate at tiningnan ang naka-post-it note roon.
It's your first day today, goodluck! Smile, Ms. Yu. - Mr. Hot Citizen.
"Nakipagkakaibigan?" tukso ni Kelly.
"Pinatataba ka?" natatawang pagpapangalawa ni Raffie.
"Kawang-gawa?" ani Kelly sabay apir kay Raffie.
"Tatakbo siya sa eleksyon?" subok na panghuhula ni Raffie.
Napanguso ako at mabilis na pinasok ang chocolate sa bulsa ko. Napatikhim ako at inayos ang sarili ko.
"Naawa lang sa akin 'yon. Nakita niya kasi yung sitwasyon ko. Siyempre, nasa kanya na ang lahat. Hindi niya na kailangan humingi at kumayod nang todo para makakuha ng pera kaya tumutulong na lang siya. Mahirap intindihin si Uno pero isa lang ang nasisigurado ko simula nang makilala ko siya. Siya yung tao na... inosente sa mga ganitong bagay, para sa kanya kung kaya niyang ibigay... ibibigay niya," paliwanag ko.
Sabay na napaismid ang dalawa kong kaibigan at tiningnan ako na para bang hindi sila naniniwala. Pinanlakihan ko sila ng mata at binaling na lang ang tingin ko sa medical kit na gagamitin mamaya.
"Oo na! Kahit naman anong sabihin namin ay magde-deny ka pa rin. Kunwari na lang ay naniniwala kami. Kapani-paniwala naman talaga na ang isang Uno Montgomery ay pagkikipag-kaibigan lang ang gusto sa'yo," sarkastikong wika ni Raffie.
"Kapani-paniwala talaga, Evie. Mag-ingat ka, baka mamaya... ikaw na lang pala ang naniniwala riyan,"panunukso ni Kelly.
"Sssss, matuklaw ka sa ginagawa mo," natatawang saad ni Raffie.
Napa-ayos ako ng salamin at pinilig ko ang ulo ko. Pati ako, nadadala na sa mga pinagsasabi ng dalawang 'to. Okay ang buhay ko ngayon, maraming tumutulong kahit hindi ko hinihingi at wala akong balak na kwestyunin ang Diyos tungkol doon.
Magpasalamat na lang ako na maraming tao ang handang tumulong sa akin.
"Ewan ko sa inyo," saad ko sabay iling.
"Evie!"
Mabilis akong napabaling sa tumawag sa akin. Isa itong babaeng nurse na naka-assign sa ICU kaya mabilis na lumundag ang puso ko sa kaba.
"Bakit? Anong nangyari?" kabadong tanong ko.
Mabilis itong lumapit sa akin at agad na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"May naghahanap sa'yo! Wag ko raw sabihin kung sino, baka hindi mo raw siya puntahan," aniya na parang kinikilig pa.
Napaawang ang aking labi at naramdaman ko ang sandaling paglundag ng puso ko. Pinigilan ko ang pag-ngiti dahil narinig ko na ang hagikgik ng mga kaibigan ko sa tabi.
Napa-ayos ako ng salamin ko at marahang ngumiti.
"Puntahan mo na ang kaibigan mo! Hiyang hiya kami sa presence niya! Hindi pa pala sapat ang chocolate, gusto ka pa makita," ani Raffie.
Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi pa rin nakatakas sa akin ang mapangiti.
Pinilig ko ang ulo ko at sinenyasan si Rica, ang babaeng nurse. Iniwan na namin doon sina Raffie at Kelly at dumeretso na kami sa ICU. Bawat hakbang ko ay hindi ko alam kung anong ekpresyon ang ibibigay ko sa kanya.
Isang linggo na simula noong pumayag akong makipagkaibigan kay Uno. Sa buong linggo na lumipas ay walang araw na hindi niya ako pinadalhan ng tsokolate o kahit anong makakain. Kung hindi man siya ang magbibigay ay siguradong ipaaabot niya 'yon sa guard.
Minsan ay dadalaw siya at siya mismo ang magbibigay ng pagkain pero mabilis din siyang aalis dahil sa marami siyang ginagawa. Sinabi ko na sa kanyang hindi niya kailangan gawin ang mga bagay na 'to pero isa lang ang sagot niya sa akin..
"You're not eating on time. Sabi ko sa'yo, I take care of my friends... Hindi ko hahayaang pinababayaan mo ang sarili mo. Don't ask me things, basta gusto ko lang gawin 'to."
Natatahimik na lang ako tuwing sinasabi niya 'yan. Ang hirap niyang intindihin at ayoko na siyang intindihin dahil sasakit lang ang ulo ko. Gusto niya gumastos, bahala siya.
"Mauna na ako, ikaw na bahala," ani Rica.
Tinuro ni Rica ang lugar ng waiting station nila at tumango ako. Naghiwalay na kami ng landas at tumuloy ako sa waiting area ng pamilya ng mga pasyente ng ICU.
Hinanda ko ang walang ekspresyon kong mukha sa pagharap kay Uno. Pag nakangiti akong humarap sa kanya ay maga-assume na naman 'yon at sasabihing...
"You're really happy to see me, huh?"
Ngingisi pa siya sigurado at masisinghalan ko na naman siya.
"Anong ginagawa—Carl?"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita si Carl Montgomery na nakaupo sa isa sa mga upuan doon. Nakatanaw siya sa loob ng ICU at agad na napatayo nang makita ako.
Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi kaya ngumiti ako sa pabalik. Kumalma ang puso kong hindi mapakali kanina.
"Are you expecting someone?" tanong niya.
Marahan akong umiling at tuluyan nang pumasok sa loob. Tumigil ako sa harap niya, sapat na distansya ang nilahad ko para sa aming dalawa.
"Wala naman, hindi ko lang in-expect na ikaw ang makikita ko rito," sagot ko.
"Well, I'm sorry for not telling you ahead. Naging busy kasi ako nung mga nagdaang araw," aniya.
Simpleng ngiti ang ginawad ko sa kanya at tumango na lamang.
"Alam ko naman 'yon kaya nga nagulat ako nung makita kita rito. Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.
Lumagpas ang tingin niya sa akin at dumapo sa likuran ko. Sinundan ko 'yon at tumambad sa akin ang isang babaeng may mahabang buhok, deretsong deretso ang bagsak nito at napaka-inosente ng features niya.
Pero hindi lang 'yon ang napansin ko, pamilyar sa akin ang babaeng 'to. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita...
"Kuya! Ito na yung pinadadala mo," aniya habang palapit sa amin.
Kuya?
Kapatid niya 'to?
Nilapag niya sa upuan ang isang malaking bag bago humarap sa amin. Mula kay Carl ay lumipat ang tingin niya sa akin. Nanlaki ang mata niya at agad na ngumiti.
Parang kumislap na ilaw ang lumitaw sa harapan ko. Naaalala ko na kung saan ko siya nakita! Napakaliit naman talaga ng mundo. Hindi ako makapaniwala.
"Good. Kompleto ba 'yan?" tanong ni Carl.
Hindi siya pinansin nung babae.
"It's you," manghang wika niya.
Hindi ako kumibo at ngumiti na lamang. Alam ko na... naalala ko na kung saan. Sa lugar kung saan ko rin unang nakita si Uno, nakilala ko ang babaeng 'to.
"You know her?" tanong ni Carl.
"Yeah, siya yung hinahanap ni Uno. Dapat ay nakalimutan ko na ang pangalan niyo pero sa katatanong ni Uno, it's still very clear to me. She's Ms. Evangeline Yu," aniya.
Hinahanap?
Si Uno? Hinahanap ako?
"Uno? What? I can't understand..." gulong wika ni Carl.
Bumaling ang babae kay Carl.
"I'll tell you later. By the way, nasaan si Uno? Bakit hindi kayo magkasama? Kauuwi niyo lang ba from Argao?" sunod-sunod na tanong nung babae.
"Yes, kasabay kong umuwi sina Uno at Gelo kanina pero humiwalay si Uno sa amin. Uno is stilldepressed about what happened. Hinayaan na muna namin. He's very close to grandma that's why I understand him," sagot ni Carl.
Depressed si Uno?
Bakit?
Gustong gusto kong sumabat at magtanong pero nanahimik na lang ako. Kahit alam kong sa loob ko ay nag-aalala ako sa kanya ay hindi ko ginawa. Hindi ko maiwasang mag-alala lalo na at wala siyang ipinakita sa akin kung hindi kabutihan.
Nandoon siya nung mga panahong hindi ko inaasahang may makatutulong akin..
"Bakit niyo siya hinayaan! Let's look for him! Nasa bahay na si Agatha, siguradong magagalit 'yon pag nalamang hindi niyo kasama si Uno. You know him, he can't tolerate emotional pain. Kuya naman..."frustrated na saad nung babae.
"Well... wait... I don't know. I'm sorry. I'll look for him," ani Carl tsaka bumaling sa akin.
"Remember? I told you that I'll help you. Let's talk about it some other time. May gagawin lang ako. Take the bag with you. See you again," ani Carl at nauna nang umalis.
Kumunot ang aking noo at napatingin sa bag na iniwan niya. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko kaya napalingon ako roon. Nag-angat ako ng tingin at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Nice meeting you again. Don't worry, I won't tell Uno about you. My name is Tulip by the way. I hope to see you again," aniya sabay yakap sa akin.
Agad din siyang bumitaw at tinalikuran na ako. Para akong napako na lang sa kinatatayuan ko. Pinanood ko ang pag-alis niya at napabuga na lang ng hangin nang hindi ko na siya makita.
Napahawak ako sa ulo ko para bumalik ito sa katinuan. I shook my head and tried to fix myself. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. I felt like the world became so small all of a sudden.
Montgomery...
Masyadong lumiliit ang mundo.
Lumapit ako sa bag at binuksan 'yon. Namilog ang aking mga mata sa tumambad sa akin. Literal na napanganga ang bibig ko sa nasisilayan ko ngayon. Punong puno ito ng pera. Napalinga-linga ako at mabilis na sinara 'yon. Napasapo ako sa puso ko at sinara ang aking bibig.
Ibabalik ko 'to!
Hindi ako makapapayag na ibigay na lang sa akin 'to na parang wala lang. Grabe ang pamilyang 'yon;mahilig sila sa charity works. Kaya dapat ay hindi binibigyan ng malisya ang mga pinakikita nila.
Nature na yata nila 'to.
Binuhat ko ang bag at mabilis na umalis doon. Dumeretso ako sa locker room ng mga nurse at agad na ipinasok ang bag sa loob ng locker ko. Sinusi ko ito at nagpakawala ng hangin.
Nakakakabang mawala ko 'to. Kailangan ko pa 'tong ibalik kay Carl. Tinago ko ang susi ko at dumeretso na sa labas. Tinungo ko ang station namin at nakitang nag-uusap sina Kelly at Raffie habang naglalagay ng label sa mga kit.
"Ako na riyan," saad ko sabay turo sa hawak na marker ni Raffie.
"Hindi kami ang may kailangan ng tulong mo..." malungkot na wika ni Raffie.
"Hah? Sino?" tanong ko.
Sabay silang ngumuso sa may waiting area sa tabi ng station namin. Sinundan ko 'yon ng tingin at agad akong nakaramdam ng martilyong pumupukpok sa puso ko.
Nakaupo si Uno roon. Nakayuko ito at para bang malalim ang iniisip.
"Bilisan mo na lang. Kailangan mo pang saksakan ng antibiotic si Mr. Dela Cruz, fifteen minutes na lang..." ani Kelly.
Tumango ako.
Dumeretso ako kay Uno at unti-unting umupo sa harapan niya. Tinukod ko ang kanang paa ko sa sahig at kahit alanganin ay inabot ko ang kanyang kamay.
"Uno..."
Pinisil ko ang kanyang kamay at mukhang nakuha ko ang atensyon niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at mas kinagulat ko nang makita siyang umiiyak.
His usually bright eyes were brimming with tears.
"Hindi ko itatanong sa'yo kung okay ka lang ba dahil alam kong hindi..." banayad kong saad.
Ang kaninang mababaw na hawak ko sa kamay niya ay humigpit dahil siya mismo ang humawak sa kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon.
Napayuko siyang muli at naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa aking kamay.
"My heart is in pain, Evangeline. I just felt like... I need to see you," aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top