▪ 12 ▪
Superhero
"Nabili na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Uno habang pinapasok ang mga pinamili namin sa loob ng sasakyan niya.
Hindi ko maiwasang mapangiwi sa narinig na tanong niya.
"Sobra-sobra pa nga 'yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka rin sa inyo," saad ko.
"No need, our house is fine," aniya.
"Sabi ko nga..." bulong ko sa aking sarili.
Napaurong ako nang ilagay niya ang huling plastic at isara ang likod ng kanyang sasakyan. Halos malula na ako sa lahat ng pinamili namin. Bawat kuha ko ng isa, siguradong daragdagan niya. Panlimang taon yata ang mga gamit na 'to.
"Are you okay? You're tired?" nag-aalalang tanong niya.
Maagap akong umiling.
"Inaantok lang..." mahina kong wika.
"Come... I'll bring you home," aniya.
Hinawakan niya ako sa braso kaya bahagya akong natigilan pero sa huli ay pinilig ko na lang ang ulo ko. Hinila niya ako papunta sa harap at pinagbuksan ng pintuan. Sumakay ako roon at napako na lang sa kinauupuan ko nang lumapit siya at inaayos ang seatbelt para sa akin.
Mas lalo pa siyang lumapit kaya nahigit ko ang aking hininga. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa sobrang lapit niya at parang dumaloy 'yon sa buong pagkatao ko. Nanginig ang bawat ugat ko, marahil ay dahil hindi talaga ako sanay na may ganitong taong sobrang lapit sa akin maliban sa mga ilang kaibigan ko at pamilya ko.
Iba siya...
Siyempre ilang linggo pa lang kami magkakilala.
"If you want to take a nap, it's okay," aniya.
Inayos niya ang upuan ko para makasandal ako nang maayos. Nang makuntento na siya ay doon pa langsiya lumayo. Tinapat niya ang mukha niya sa akin at matamlay na ngumiti. Pagkatapos ng usapan namin kanina ay nag-iba siya. Nagbibiro pa rin pero alam kong may malalim siyang iniisip.
Inangat niya ang kamay niya at bahagya akong tinapik sa ulo. Napangiwi ako pero lalo lamang siya napangiti. Tuluyan na siyang dumistansya at sinara ang pintuan para sa akin. Mabilis siyang lumipat sa kabila at pinaharurot ang kotse niya.
Napahawak ako sa seatbelt ko sa sobrang gulat. Napasinghap ako dahil hindi ko inaasahan ang bilis niya sa pagmamaneho. Parang walang break ang kotse niya kung magmaneho siya. Namilog ang aking mga mata nang mapansing marami kaming sasakyan na mababanga kung ganito siya kabilis magmaneho.
Alam niya ba ang ginagawa niya?
May karapatan ba akong magrereklamo kung kotse niya 'to?
Mariin akong napapikit pero sandali lamang 'yon dahil naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko at ang pagbagal ng sasakyan niya.
"I'm sorry, I forgot that I shouldn't be driving like a mad man. Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
"Okay?" hindi makapaniwala kong tanong.
Tumango ako.
"Oo naman. Okay na okay lang," saad ko sabay ngiti.
Okay lang talaga ako.
Medyo nawala lang saglit ang kaluluwa ko.
"Really?" aniya.
"Oo," sagot ko.
"Gusto mo ng mabilis?" inosente niyang tanong.
Napabaling ako sa kanya.
"Hindi!" mabilis kong sagot.
"Okay na 'yan! Okay na okay na!" saad ko.
Nababaliw na yata ang lalaking 'to.
Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. Lalong lumawak ang ngiti niya at hindi napagilan ang mapahalakhak.
"Tingin sa daan, Uno! Mamatay tayo sa ginagawa mo!" pagbabawal ko na lang sa kanya para tumigil na siya.
Hindi ko tuloy alam kung may nakatatawa ba sa mukha ko o ano. Mas lalong hindi ko alam kung ako ba ang pinagtatawanan niya.
"You're really fond of denying facts," aniya.
"Ano?"
"Nothing," aniya sabay iling.
Inirapan ko siya at napatingin sa harap. Nanliit ang aking mga mata nang makita kung gaano ka-traffic. Tanaw na tanaw ang ilaw ng mga sasakyan at ang mga makikintab na ilaw mula sa matataas na building.
Malalim na ang gabi kaya sobrang ganda ng mga ilaw. Mas lalo pang gumanda dahil pansin ko kung gaano kakintab ang mga bituin ngayon.
Nag-angat ako ng tingin para mas lalo pang makita ang mga bituin.
"Fuck this traffic," bulong niya.
"Shh. Sobrang ganda ng gabi, wag mong sirain gamit ang mga marurumi mong salita," bawal ko sa kanya.
Nanatili lamang ang tingin ko sa taas. Ang sarap bilangin ng mga bituin dahil sobrang linaw nila ngayon. Ramdam ko rin ang nanunuot na lamig dahil sa aircon at dagdag pa ang lumalabas na musika sa radyo. Instrumental ito kaya mas nakakakalma.
Mababaw ang paghinga ko at parang ngayon ko lang naramdaman ang kapayapaan mula nang umuwi ako rito.
"Evangeline," tawag niya.
"Hm," tipid kong sagot.
"What are your dreams?"
"Ano?"
Ano na naman.
Baka isipin niya, ang bingi ko.
Nilingon ko siya at nakita kong mataman siyang nakatingin sa akin. Malalim ang mga mata niya atseryoso siya. Walang halong biro ang tinig at tingin niya kaya parang nakaramdam ako ng kaba.
Pakiramdam ko tuloy kailangan ko ng tamang sagot.
"Pangarap?"
Binalik ko ang tingin ko sa harap.
Tumingin muli ako sa langit at napalunok.
"Dati, gusto kong makakuha ng trabaho na may mataas na sweldo. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Gusto kong gumanda hindi lang ang buhay ko kung hindi lahat ng taong malapit sa akin. Gusto kong makatulong sa iba kaya kinuha ko ang trabahong 'to. Gusto kong bumuhay ng tao at gusto kong makapagpasaya ng iba. Gusto kong makakilala ng lalaking handang ibigay sa akin ang lahat, yung sasagipin ako sa lahat. Gusto kong magkaroon ng sariling pamilya. Tatlong anak, pwede na sa akin 'yon. Dalawang babae at isang lalaki, gusto ko panganay ang lalaki," saad ko.
Bahagya pa akong napangiti sa kwento ko. Nakatatawang isipin na ilang taon ko ring dala-dala ang pangarap na 'yan. Alam na alam ko na ang gusto ko para sa sarili ko at sabi ko pa dati, hindi 'yan magbabago. Gagawin ko ang lahat para marating lahat 'yan.
Nag-abroad pa ako para diyan..
"Kaya ko pala lahat," aniya.
"Ano?" natatawa kong tanong.
Nilingon ko siya habang tumatawa pero mabilis na naging peke na lamang ang tawa ko nang makita ang seryoso niyang mukha.
"They're easy..." dagdag niya.
"Lahat?" pag-kumpirma ko.
Tumango ito.
"Yeah," puno ng kasiguraduhan niyang sagot.
"Pero... hindi na kasi 'yang mga yan ang pangarap ko," saad ko.
"Then what are they? Baka kaya ko," aniya.
Nawiwirduhan man sa sinasabi niya ay hindi ko na lamang 'yon pinansin. Lihim ko tuloy pinananalangingumandar na sana ang mga kotse at mawala na ang traffic na 'to. Hindi na kami gumalaw sa pwesto namin at kahit anong gusto ko sa ambiance ay mas gugustuhin ko nang umuwi kaysa makipaghabulan sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Gusto ko na lang magising ang nanay ko..."
Lumingon ako muli sa langit at mapait na napangiti.
"Hindi ko akalaing magbabago lahat ng gusto ko. Wala na akong pakialam sa ibang bagay. Gusto ko na lang na magising si nanay. Okay na ako pag nangyari 'yon... kahit wala nang matupad sa mga pangarap ko dati," dagdag ko.
Nilingon ko siya muli at napangiti.
Gwapo talaga siya. Hindi maikakaila 'yon. Mas lalo na pag seryoso siya.
Teka.
Ano bang iniisip ko?
Evie! Umayos ka.
"Mahirap 'no? Wala kang masabi," biro ko sa kanya.
Umiling siya at mababaw na ngumiti.
"I can."
"Kaya mo?"
"Yeah, I can. Wait and see, you'll be with your mom," aniya.
Napaiwas ako ng tingin at ngumiti na lamang bilang sagot. Tumikhim ako at humalukipkip.
"Cool ba ako?" aniya.
Napaismid ako at napahalakhak na lamang.
"Ewan ko sa'yo," natatawa kong wika.
"Where is your phone?"
"Bakit?"
"Basta..."
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at hindi ko pa man 'yon binibigay sa kanya ay mabilis niyang hinablot 'yon mula sa akin.
Hindi siya nahirapan buksan 'yon dahil wala namang password ang cellphone ko. Pinanood ko siyang magtipa roon at napansin pa ang bahagya niyang pagngiti. Kinuha niya ang cellphone niya at nagtipa rin doon at narinig kong tumunog ang cellphone ko.
"May tumatawag sa akin, teka lang," saad ko.
Kinuha ko 'yon sa kanya at napakunot ang noo nang makita ang pangalang nakalagay doon.
Uno Montgomery - Superman
"Superman?" mangha kong tanong.
Bago ko pa man siya malingon ay pinaandar niya na ang kotse. Napalingon ako sa daan at nakitang sobrang luwang ng daan, sobrang layo nito sa kaninang nakita ko na parang magkakadikit ang kotse.
Natigilid ko ang aking ulo sa sobrang pagkalito.
Nakuha ang atensyon ko dahil sa narinig na tinig mula sa cellphone niya. May tumawag yata sa kanya at naka-speaker 'yon. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para hindi makagawa ng kung anong ingay.
"Job well done. Kunin mo kay Sarah ang bayad para sa kanila," ani Uno.
"Yes, sir! Maraming salamat po," saad nang nasa kabilang linya.
Pinatay niya ang tawag at doon ko pa lang tinanggal ang pagkakatakip ko sa aking bibig.
"May trabaho ka pa?" tanong ko.
"Wala na, I asked my seretary to move my meetings tomorrow so my whole day is packed up. I wouldn't be able to see you so..." aniya habang pahina nang pahina ang boses.
"Okay lang 'yon! Grabe ka naman. Hindi mo naman responsibilidad na kitain ako araw-araw. Daig mo pa ang mga kaibigan ko sa dalas nating magkita," natatawa kong wika.
"Ayaw mo?" tanong niya.
Natigilan ako sa tanong niya.
"You don't want to see me?" dagdag niya.
Nawalan ako ng boses, nablangko ang isipan ko at wala talaga akong masabi. Napahawak na lang ako sa buhok ko at nilagay ang ilang takas na buhok sa likuran ng tainga ko.
"Hindi naman, ang weird lang kasi talaga," saad ko.
"Weird? In what way?" tanong niya.
Napakagat ako sa aking labi.
Ano bang tanong ang lumalabas sa bibig ng lalaking 'to? Ang sisimple pero hirap sagutin.
"Weird kasi... ano... gano'n... hindi ko alam! Bahala ka!" pagsuko ko.
"Ano nga?"
Nakuha niya pang tumawa nang bahagya.
"Wala ka bang girlfriend? Hindi ba dapat mas pagtuonan mo ng pansin 'yung babae roon sa news? Artista pa yata 'yon, stress at pagod kaya kailangan ka niya," saad ko.
Sandali niya akong nilingon at nginisian ako.
"I don't have a girlfriend," deretso niyang sagot.
"Wala? Di nga? Anong tawag mo roon sa babae mong kasama sa news? Friend?" sunod-sunod kong tanong.
"Yeah."
Kawawa si ate.
Na-friend-zone ni Uno Montgomery.
"Ah oo nga pala... you take care of your friends."
Tumango siya.
"You got it," cool na cool niyang wika.
Ganito siya kabait at kaalaga sa mga kaibigan niya kaya mahirap bigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya? Buti na lang at kilala ko na siya nang maayos. Hindi man gaano kalalim ang pagkakakilala ko sa kanya ay sapat na para maintindihan ko siya.
Mas okay 'to, hindi ako mahuhulog sa kahit anong nakapapaasa niyang mga galaw.
Galing mo talaga, Evie!
"Kung gano'n, wala ka bang ibang mga kaibigan na nangangailangan ng atensyon?"
"You know what? Save your questions for next time. Time will come and I'll answer all of them," aniya.
Ano 'to? Big brother?
Takdang panahon? Patawa ka, Evie!
"Kailan naman 'yon?"
Pinatulan ko naman!
"When I prove to you that I'm a Superman."
"Hay nako, Uno. Ilang taon ka na ba at nagpapaniwala ka pa sa ganyan? Wag mo akong tularan at late na nagising sa katotohanan na walang ganyan. Masayang manood ng mga movies tungkol sa mga superheroes pero wag mong dalhin sa realidad," pangaral ko sa kanya.
"See? It's not yet the time," aniya.
"Sus! Bahala ka! Damot damot mo! Hindi ako makatutulog nito!" inis kong wika.
"That's okay. At least I'm the one you're thinking," aniya.
Mabilis kong naitikom ang bibig ko.
Sabi ko na nga ba ay hindi na ako dapat magsalita lalo na pag pwedeng mabigyan ng dalawang meaning ang sinasabi niya. Nakabibigla ng puso, sarap talunin at patulugin ang mga gising na gising kong dugo sa katawan.
"Mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo!"
"I didn't say anything wrong," depensa niya.
"Ewan ko sa'yo!"
Buti na lang at naimbento ang mga katagang 'yan. Sobrang sarap gamitin pag wala nang masabi. Ang daling makatakas sa mga sitwasyon pag gamit 'yan.
"Teka lang..." bulong ko.
Pinasadahan ng mga mata ko ang nagtataasang building na dinaanan na namin kanina pa. Napatingin ako sa likod para kumpirmahin 'yon at tama nga ako.
Inikot at binalik niya ang kotse.
"Teka, bakit tayo bumabalik?"
Nilingon ko siya at kita kong nakangisi ito. Parang masayang masaya siya sa ginagawa niya at parang nagtagumpay siya kung makangiti siya ngayon.
Bahagya niya pang ginalaw ang leeg niya na parang proud na proud siya sa sarili niya.
"Hindi pwedeng dumaan doon sa daan kanina. Kaninang umaga pa nakasara 'yon dahil may ginagawang daan," aniya.
"Ah ganon ba? Kaya traffic—ano?!"
Napaawang ang labi ko at hindi ko maiwasan ang mapatingin sa likod tapos ay sa aking gilid kung saan wala akong makitang kasabayan namin sa pagmamaneho.
"Bakit tayo dumaan doon kung alam mo naman?" inis kong tanong.
"It's one of my ways to prove to you that I'm a superhero. I can do things that you'll never thought I could."
"Anong ibig mong sabihin?"
Binalingan niya ako at sandaling tiningnan gamit ang napakaganda niyang mga mata. Binalik niya ang tingin sa harap at mas binagalan pa ang medyo mabilis pa niyang pagmamaneho.
"I can hire people to make it look like we're stuck in traffic so I could I get your number," he proudly said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top