▪ 11 ▪

Sorry

"Ayoko."

Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya pero nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang paghawak sa aking braso. Hinarap niya ako sa kanya at kitang kita ang pagtitimpi niya.

Alam ko, naiinis na siya sa akin.

"Why?"

"Sira ulo ka ba?" inis kong wika.

Tinagilid niya ang kanyang ulo at bahagyang ngumisi. Napahawak siya sa kanyang batok at bahagyang natawa. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa inaakto niya.

"Well, that's my nickname you know," aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan siya.

"Mag-mall ka mag-isa mo," pagsusungit ko.

"Kung hindi ka talaga galit sa akin, why are you avoiding me?"

Napaiwas ako ng tingin.

Bakit nga ba? Basta!

"Hindi nga sabi."

"Then shop with me," deretsa niyang wika.

Marahas ko siyang binalingan ng tingin. Huminga ako nang malalim at napabuga ng hangin. Padabog akong naglakad para lagpasan siya at nagtungo na sa hallway ng mall.

"Yes!" rinig kong wika niya sa likuran ko.

Pinaikot ko ang aking mga mata at pinilig na lamang ang aking ulo. Tinungo ko ang department store, dumeretso ako sa mga sapatos at hinayaan ko lang siyang sumunod mula sa aking likuran.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga sapatos na nandoon at nakita ang hinahanap ko. Kailangan ko ng sapatos na kulay puti para sa uniform namin. Meron naman ako pero parang bibigay na yata siya.

"What do you need?" tanong ng nasa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin at kinuha na lamang ang sapatos na kailangan ko. Umupo ako sa isang sofa roon, nilapag ko ang gamit ko sa aking gilid at ganoon din ang sapatos na napili. Bahagya akong yumuko para alisin ang rubber shoes ko pero may nauna sa akin.

Lumebel sa akin si Uno, tinukod niya ang kanyang kanang tuhod sa sahig at siya mismo ang nagtanggal ng sapatos ko.

"Ako na."

Pilit kong hinahawi ang kamay niya pero sa halip ay hinuli niya ang aking dalawang kamay at mahigpit na hinawakan 'yon. Nag-angat siya ng tingin sa akin at seryoso akong tiningnan.

"Galit ka talaga sa akin 'no?" aniya.

Natigilan ako sa tanong niya. Paano niya nagagawa 'yon? The way he asks, parang napaka-inosente na para bang ako pa ang magi-guilty sa ginagawa ko.

Bakit ba ako napasok sa sitwasyong ganito?

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'to. Hindi mo responsibilidad at mas lalong hindi ka obligadonggawin ang mga bagay na 'to."

Sinubukan kong huminahon para magkaintindihan kaming dalawa.

"But I want to. Gusto ko at kaya ko, bakit hindi ko gagawin?" banayad niyang wika.

Napahawak ako sa noo ko at napabuntong-hininga. Sabi ko na nga ba, mahirap palinawagan ang isangtaong tulad niya. Nasanay siya na pag gusto at kaya naman ay gagawin na.

"Pero Uno, hindi naman dahil gusto mo at kaya mo... gagawin mo na," saad ko.

"I'm sorry..."

Hindi ko alam kung bakit pero nabigla talaga ako sa sinabi niya. His face shows sincerity and his eyes were directly on mine. Seryoso at tagos sa puso ang paghingi niya ng tawad.

May bagay na umikot sa kaloob-looban ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Kung ano man ang nagawa ko, I'm so sorry. Alam kong hindi ka lang inis sa akin dahil sa ginawa kong 'to pero may malalim pang dahilan. Kung ano man 'yon, I'm so sorry. I won't ask anymore because I think, the reason doesn't matter. The fact that you're avoiding me is enough to make me say sorry. Bati na tayo?"

Inilapit niya nang kaunti ang kanyang mukha at mas lalo akong pinagmasdan. Matamis siyang ngumiwi at hinintay ang sagot ko.

Napangiwi ako at nagpigil ng ngiti.

"Sige na nga. Para matigil ka na. Bati na tayo, para kang bata," saad ko.

Isang halakhak ang kumawala sa kanya kaya hindi ko na rin napigilan ang mapangiti. Napailing na lamang ako habang ngiti-ngiti siyang binalik ang atensyon sa sapatos ko.

Tuluyan niya nang tinanggal ang rubber shoes ko. Kinuha niya ang puting sapatos na napili ko at sinuot 'yon sa akin.

"Why do you need these?" tanong niya habang sinusuot ng maayos ang sapatod.

"Nakita mo naman yung gamit ko di ba? Parang hindi na kaya tsaka dumihin kasi ang puti kaya pag naluma, ang pangit nang tingnan," sagot ko.

Pinisil niya ang dulo ng sapatos at binaling ang tingin sa akin.

"Does it perfectly fit?"

Tumango ako bilang sagot.

Nilagpasan niya ako ng tingin at sumenyas sa isang sales man. Mabilis na lumapit ang lalaki sa amin na para bang natataranta pa.

"Give me five pairs of these. Size seven," aniya.

Namilog ang aking mga mata.

Muli niyang tinanggal ang sapatos at nilapag 'yon sa upuan. Sinuot niya ang sapatos ko muli at parang nagi-init ang aking pisngi sa ginagawa niya. Nasa harap kami ng ibang tao! Siguradong kilala siya nito at baka ipagkalat pa.

Ayoko namang masira ang pangalan niya dahil sa akin.

"Make it six," dagdag niya.

"Ano? Six? Bakit anim?" sunod-sunod kong tanong.

Inosente siyang ngumiti sa akin.

"Para araw-araw ka nagpapalit," aniya.

Literal na nalaglag ang aking panga.

"Uno, hindi na! Hindi ko kayang bayaran 'yan! Marami pa akong bibilhin tsaka nalalabhan naman ang sapatos. Hindi naman kailangan araw-araw magpalit," pigil ko sa kanya.

"Uno..." pagsubok ko na kuhanin ang atensyon niya.

Wala sa aking ang tingin niya, nasa lalaki na 'yon.

Hindi niya man lang ako binalingan ng tingin. Masama ang tingin niya sa lalaki kaya napalingon ako roon. Sumalubong sa akin ang mata ng lalaki at doon ko lang napagtantong nakatingin pala siya sa akin.

"Eyes on me, dickhead. Gusto mo bang matanggal sa trabaho?" matigas niyang saad.

"Uno! Ano ba!" bawal ko sa kanya.

"S-sir?"

Hindi ko mapigilan ang maawa sa lalaki. Parang ngayon lang siya nagising sa katotohanan.

"Pakikuha na lang ako ng isang pares. Maraming salamat," saad ko sabay ngiti.

Napalingon ako sa akin ang lalaki at marahang ngumiti.

Nawala ang tingin ko sa kanya nang may humila sa kamay ko patayo. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo dahil kay Uno. Madilim ang mukha niya at nakatagis ang kanyang panga. Marahas rin niyang kinuha ang bag ko at siya ang humawak n'on.

"Get me six pairs or else, I'll make sure na wala ka nang trabaho bukas. Charge it under Gallora," ani Uno.

Hindi niya na ako hinayaang magsalita at mabilis akong hinila palayo roon.

"Gallora?" hindi ko mapigilang maisatanig ang apelyidong 'yon.

"Yeah, my friend. They own this mall," aniya.

"Alam ko... Gallora Malls pero bakit? Ang ibig kong sabihin, bakit sa kanya mo chinarge? Ako ang magbabayad 'non. Mabuti pa... sabihin mo sa kanya na babayaran ko rin."

Bumagal ang lakad niya kaya binagalan ko rin. Inaasahan kong tatanggalin na niya ang pagkakahawak sa akin pero hindi niya ginawa.

Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko. Sandali niya akong binalingan at ngumisi sa akin.

"Don't worry. May utang siya sa akin," aniya.

"Kung ganoon, babayaran ko sa'yo."

Tumingin siya sa akin na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Tumigil kami sa paglalakad at kahit hirap ay tiningnan ko pa rin siya sa mata.

"You're insulting me."

"Ano?"

Ito na naman ako sa ano.

"Isn't it insulting that you're gonna pay me?" aniya.

Umiling ako.

"Gamit ko 'to kaya ako ang magbabayad."

"I insist. Ako na lang," aniya.

"Bakit?" frustrated kong tanong.

"Gusto ko," simple niyang sagot.

"Hindi. Babayaran ko pa rin. Wala kang magagawa," saad ko at tinalikuran siya muli.

Dumeretso ako sa mga bedsheets at pillowcase. Gaya ng lagi kong ginagawa ay bahagya kong hinahawakan ang mga 'yon para malaman kung malambot ba sila o hindi.

"You need those?"

"Oo. Bagong lipat kasi ako, di ba? Parang ang tagal na no'ng mga gamit ko ngayon. Hindi ko alam kung napapalitan ba 'yon. As a nurse, concerned ako sa sarili kong well-being," saad ko.

"Oh yeah, thank you for making me remember. I need to check your house but anyways, gaano ba kalaki ang kama mo?"

Tumigil ang aking mga palad sa pagdama sa hawak kong bedsheet. Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Bakit kailangan mo i-check? Tsaka bakit tinatanong mo?"

Nagpamulsa siya at bahagyang humilig sa headboard ng malaking kama. Hindi ko mapigilang mapansin ang kulay ng damit niya. Hindi nagkakalayo sa kulay ng bedsheets na gusto ko.

Lihim akong napangiti.

"Basta. Kasya ba ako roon?"

Namilog ang aking mga mata.

Nabitawan ko ang bedsheet at mabilis na niyakap ang aking sarili. Pinanliitan ko siya ng mata at kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Bakit kailangan mong malaman? Anong balak mo?!"

Umayos siya ng tayo at tiningnan ako na para bang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. Umiling-iling siya at mabilis na lumapit sa akin.

Tinapik niya ang ulo ko at humalakhak.

"What are you thinking? You dirty minded lady," aniya at nilagpasan ako.

Napaawang ang aking labi.

"Uno!" tawag ko sa kanya.

Nang lingunin ko siya ay napansin kong may hawak na siyang ilang mga bedsheet at pillowcase. Inabot niya 'yon sa isang sales lady at nilagpasan na 'yon.

Doon lamang ako natauhan at mabilis na hinabol si Uno. Ngiti-ngiti lamang siya nang mahabol ko siya at nakapamulsa pa ang impaktong inosente.

"Uno! Mababaon na ako sa utang sa'yo!"

"Then don't pay," aniya sabay kibit-balikat.

"Uno naman!"

"Yes, Ms. Evangeline?" inosente niyang tanong.

Tumigil ako sa paglalakad nang mapansin ang big screen na nakasabit sa gilid. News ang nasa screen kaya kahit expected na kung ano ang nandoon ay hindi ko pa rin mapigilan ang magulat.

Pinag-uusapan pa rin ang news niya kagabi. Naramdaman ko ang presensya niya sa aking gilid pero hindi ko siya nilingon.

"Girlfriend mo ba 'yon? Yung artista?" tanong ko habang nanatili ang tingin sa screen.

"No. Don't mind that. They're just looking for something to talk about," aniya.

Naalis na ang tingin ko roon dahil hinila niya na ako palayo. Ngumiti ako at pinilig ang aking ulo. Bakit ko nga ba siya tinatanong? Hindi ko naman kailangang malaman 'yon at mas lalong hindi ko dapat siya tinatanong ng mga personal na tanong.

"You hungry?"

Umiling ako.

"I'm hungry," aniya at hinila ako papasok sa isang restaurant.

Dinaanan lang namin ang counter at tinanguan niya ang lalaki roon. Nilagpasan namin 'to at dumeretso kami sa isang table for two. Bahagya pa akong napaismid nang ilahad niya ang upuan para sa akin.

Umupo ako roon at hinintay siyang makaupo sa harapan ko.

"Hindi ka nag-lunch?" tanong ko.

Umiling siya.

"Can I ask some personal questions?" tanong niya.

"Okay..."

"Wala ka na bang ibang pamilya? I mean, except your mom."

I can see the concerned Uno right now.

"Magulo kasi yung pamilya namin. Nung mamatay ang tatay ko, umalis kami sa Argao. Nung una tayong nagkita, 'yon yung araw na kikitain ko yung pinsan kong nag-aaral sa university na pinapasukan mo. 'Yon yung araw na binigyan nila kami ng huling tulong at sinabihan akong 'yon na talaga ang huli. Kaya ang sagot sa tanong mo ay... wala na."

Kita kong natigilan siya sa aking sagot. Nanlambot ang kanyang tingin sa akin kaya marahan akong napangiti.

"Hindi mo kailangan maawa! Alam ko yung kalagayan namin at hindi ko naman dinaramdam 'yon," saad ko.

"You're an only child?" dagdag niyang tanong.

"May nakaratanda akong kapatid na babae."

Pinilit kong ngumiti kahit na naramdaman ko ang pagbigat ng puso ko. Umaasa pa rin naman akongmagsisisi siya at babalik. Minsan, naiisip kong baka siya lang ang hinihintay ni nanay para gumising.

May ilang pasyente na akong nakita na ganon. Pag bumalik yung anak nilang nasa malayo o nasa ibang bansa tapos kauusapin sila, aayos na lang bigla at minsan ay nagigising pa.

"Where is she?"

Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko alam, umalis na lang siya bigla. Pag-uwi ko rito, nalaman ko na lang na walang may alam kung nasaan siya. Hindi ko rin alam kung paano siya hahanapin dahil aminin ko man o hindi, alam kong hindi kami close para magka-idea ako kung nasaan siya. Kahit mga kaibigan niya lang ay wala akong kilala,"sagot ko.

"I'm sorry."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Na naman? Bakit naman?"

He slightly smirked but at the end, naging isang ngiti 'yon. Tinukod niya ang kanyang braso sa lamesa at hinahanap ang mga mata ko.

Sa tahimik na lugar na 'to, sa lapit niya sa akin... wala akong ibang maramdaman kung hindi kaba sa puso at pagkalito ng isip. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang kabang meron ako o kung anong gagawin ko para hindi niya mapansing tensyonado ako.

Hindi ko rin alam paano pigilan ang bagay na gumugulo sa kaloob-looban ko.

"Ang dami kong kasalanan sa'yo," he breathed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top