▪ 10 ▪
Inosente
"Saan ka galing? Tapos na duty mo di ba?" tanong ni Raffie.
Tumango ako.
Nilagay ko ang ilang papel sa taas ng station at walang lakas na kinuha ang bag ko.
"Tinignan ko lang si nanay," sagot ko.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya.
"Ano oras out mo?" balik kong tanong sa kanya.
Napatingin siya sa orasan niya at bahagyang hinawi ang bangs niya.
"Hm, wait mo na me, isang pasyente na lang niyan at tapos na ako. Diyan ka muna, pagbalik ko... alis na tayo," aniya.
"Okay."
Sinundan ng mga mata ko ang papaalis niyang bulto.
Luminga-linga ako sa paligid tsaka umupo sa stool chair na nandoon. Tinanggal ko sandali ang aking salamin dahil sa pagod ng mata.
Hindi ako gaanong nakatulog kagabi at masama rin ang gising ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na parang wala akong gana. Buti na lang at natapos ko ang duty ko na walang ginagawang kapalpakan.
"Hey, let's go?" Napaigtad ako sa narinig kong boses.
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang ngiting-ngiting mukha ni Uno. Natigilan ako nang makita siya. Kakaiba ang aura niya ngayon—maaliwalas ito at preskong-presko. Naka-simpleng t-shirt lamang siya at simpleng khaki shorts.
Naramdaman ko ang literal na mabagal ngunit malakas na kalabog ng puso ko. Nahigit ko ang aking hininga at napaiwas ng tingin.
Ano 'yon?
Hindi pwede.
Sandali akong pumikit bago siya hinarap muli.
"Anong let's go?"
Sinubukan ko ang lahat para maging normal ang aking tono.
Tinagilid niya ang kanyang ulo at bahagyang lumapit pa sa akin kaya hindi ko napigilan ang mapaurong. Bawat kibot ng kanyang bibig ay na memorya ko na yata sa paninitig ko sa kanya.
"I told you right? I'll come with you. I thought you're gonna buy stuff? Nakalimutan mo ba?"
"Ano?"
Kumurap-kurap ang aking mga mata.
"Seryoso ka roon?" I trailed off.
"Yeah, of course. I don't say things that I didn't mean. Sasamahan kita," puno ng kasiguraduhan niyang wika.
Hindi ko akalaing seryoso siya roon.
Mas lalo pang nagwala ang aking puso. Simula kagabi ay hindi na ako natahimik at wala akong ginawa kung hindi isarado ang utak ko tuwing alam kong mapupunta ito sa ayokong konklusyon.
"Are you okay? You're not wearing your glasses. May masakit ba sa'yo?" Puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
Akmang hahawakan niya ang aking noo nang mabilis kong hinawi ito. Bahagya akong ngumiti at umiling.
"Okay lang ako. Hindi mo na ako kailangan tulungan. Kaya ko naman at saka siguradong busy ka."
"What? No. I'll go with you," desidido niyang saad.
Napabuntong-hininga ako at mataman siyang tiningnan sa mga mata. Kita kong naguguluhan siya at pati ako ay alam kong naguguluhan din ako sa sarili ko.
"Uno."
Humugot ako ng hininga at umiling muli.
"Sige, sabihin natin na sasamahan mo ako... Tingin mo ba makapapamili ako nang maayos kung alam kong lahat ng mga mata ay nasa sa'yo? Itapak mo lang 'yang paa mo sa loob ng mall ay siguradong lulundag ang mga tao papunta sa'yo."
Nakaiinis!
Sinibukan kong maging normal ang tono ng boses ko pero hindi pa rin nakatakas ang pait dito. Bakit ba? Ano bang meron sa kanya at naiinis talaga akong makita siya ngayon?
Kita kong natigilan siya sa narinig mula sa akin. Ang kanyang matamis na ngiti ay unti-unting nawala. Sinubukan niyang buksan ang bibig ngunit walang lumabas doon. Napaiwas siya ng tingin sandali bago ngumiti muli.
"Hindi ko naisip 'yon..."
"Silly me, I only thought of the fact that I will accompany you today. Nawala lahat sa isip ko, I forgot who I was. Isn't that interesting?" Inosenteng ngiti ang binigay niya sa akin.
No.
No.
Don't listen, Evie. Close and shut your senses. Makalilimutin lang siya, 'yon lang. Kagagaling lang niya sa isang masakit na parte ng buhay niya, nawala ang lola niya at apektado pa siya roon.
Lutang in short.
"Ngayon, alam mo na. Bumalik ka na sa opisina niyo at doon mo na lang ibuhos lahat ng lakas mo."
"But I'm prepared for that! I'll wear glasses, cap and jacket if I have to," maagap niyang wika.
Hindi ko alam pero mas bumigat ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Sa mga ganitong panahon, naaalala ko kung sino talaga siya. Nakatatawa ngang isipin na nagagawa kong makipag-usap sa katulad niyang mataas at sikat na tao.
"Ayoko pa rin," I said with finality.
Kumunot ang kanyang noo.
"May problema ka ba sa akin? Galit ka ba?"
"Hindi."
Umiwas ako ng tingin at nagkunwari na lang na binabasa ko ang mga records na nandoon. Ramdam ko ang init ng paninitig niya sa akin at ang pagsubok niyang basahin ang aking mga kilos.
"You're mad," sigurado niyang sabi.
"Hindi nga."
"You are."
"Hindi."
"Then why are you like that?"
Narinig ko na ang frustration mula sa kanya. Kusang tumigil ang mga daliri ko sa paglipat ng mga pahina ng record book. Nanatili ang tingin ko roon pero nararamdaman ko ang lalim ng paghinga niya sa hindi kalayuan.
"Hi sir! Sinusundo niyo po siya?"
Napalingon ako kay Raffie na ngiting-ngiti sa pagbati kay Uno. Nakapang-alis na siya at dala na ang bag niya. Pumasok siya sa station at kinuha ang ID niya bago bumaling muli sa amin.
"Yeah..."
"Hindi."
Napakagat ako sa aking labi nang ma-realize na iba kami ng sagot. Nakalimutan ko kung gaano kakulit ang kausap ko, hindi yata nagpapatalo ang lalaking 'to.
"Ay magkaiba ng sagot!" natatawang saad ni Raffie.
"She's mad at me."
"Hindi nga sabi," singhal ko sa kanya.
Binalingan ko siya ng masamang tingin. Tinaasan niya ako ng kilay at bahagyang ngumisi. Inirapan ko siya at humalukipkip.
Tumaas yata ang presyon ko sa kanya.
"See?" aniya.
"Oh..." Napalingon sa akin si Raffie.
Pinanlakihan niya ako ng mata at nagkibit-balikat lamang ako.
"By the way, sir! Ang gwapo niyo po pala sa news kagabi! Parang ginawa ang telebisyon para sa'yo talaga! Gwapo gwapo!" kilig na kilig na wika ni Raffie.
Gwapo? Saan banda? Puro kalandian lang naman ang nakita ko roon at halos puro side profile niya.
"Fuck. You saw that?" hindi makapaniwala niyang wika.
"Siyempre, may mata kami," mahinang wika ko.
"Are you mad because of that?"
Mabilis akong napabaling sa kanya at namilog ang aking mga mata. Naitaas ko ang kamay ko at tinuro siya. Pinilit kong tumawa kahit na gusto ko siyang sabunutan. Napabuga ako ng hangin na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Hoy ah! Sumusobra na ang kakapalan ng mukha mo! Bakit naman ako magagalit dahil doon? Ay! Ewan ko sa'yo! Mauna na kami, ingat ka. Baka dumugin ka," saad ko at mabilis na hinila si Raffie.
Lumabas kami ng station at halos itakbo ko siya palabas. Hindi ko kasi alam kung sinasadya niyang bagalan ang lakad niya. Pinipigilan ko nga ang sarili kong lumingon tapos hindi pa niya ako sinusuportahan.
"Iniiwasan mo ba si sir?" kalmadong tanong ni Raffie habang palabas kami ng ospital.
"Hindi," sagot ko.
Tumayo kami sa gilid ng daan at naghintay muna ng taxi. Hindi ko mapigilang kabahan dahil baka lumabas na rin ng ospital si Uno.
"Weh?"
"Hindi nga tsaka bakit ko naman siya iiwasan 'no," saad ko at sinabayan ko pa 'yon ng pekeng tawa.
"Ewan ko... Bakit nga ba?"
Nabitawan ko ang braso ni Raffie at binaling ang buong atensyon ko sa kanya. Napalunok ako at inalis na ang kahit anong pekeng bagay na hinarang ko kanina para hindi lumabas ang kung anong totoong saloobin ko.
"Raffie..." panimula ko.
"Hindi ka ba nagtataka?"
Napangiwi siya at nagtatakang tiningnan ako.
"Sa alin?"
"Sa lahat. Kay Uno. Sa pakikitungo niya."
"Nagtataka rin. Feel ko nga gusto ka niya eh," aniya.
"Hindi 'yon..."
Umiling ako at pinigilan ang kung anong umuusbong sa kalooban ko.
"Wag mo nang i-deny. Ikaw lang naman yata ang hindi naniniwala na gusto ka niya. Tingnan mo ah, sa tagal-tagal kong nagtatrabaho sa hospital na 'to at lagi ko nang nakikita si Sir Uno, kahit kailan ay hindi ko siya nakitang makitungo sa iba nang ganyan. Wala siyang hinatid o sinundo sa mga nurse riyan, wala siyang kinukulit at mas lalong walang hinihintay."
"'Yon na nga eh. 'Yang mga bagay na 'yan ang nakapagtataka. Bakit biglaan? Ang bilis magbago ng pakikitungo niya sa akin. Kasi alam mo ba, kung nandoon ka lang noong panahon na 'yon, nung araw na una kaming nagkita, kitang kita ko kung gaano niya ako kainisan at mas lalo na nung magkita kami ulit,"paliwanag ko.
Bumalik sa alaala ko ang sobrang inis na itsura niya no'n tuwing titingnan niya ako. Ibang iba sa Uno na nakikita ko ngayon—malambot ang mga mata at laging nakangiti tuwing nakikita ako.
"Baka naman nakita niya kung sino ka talaga kaya nagbago ang tingin niya sa'yo o kaya na-love at first sight? Ay hindi pala first 'yon! Hm... second sight?" pagdadahilan niya.
"Ano yung sa news?" balik ko.
Hindi ako naniniwala sa mabilis na pag-usbong ng damdamin. Para sa akin, pag mabilis nabuo... mabilis din maglalaho. Para sa akin, proseso ang lahat at kung may mga ganoong tao man ay paniguradong may pundasyon na ang nararamdaman nila.
"Hay, friendy. 'Yan ang hindi ko masasagot. Bakit hindi mo na lang tanungin si SuperUno. Siya lang ang makasasagot niyan. Basta ako, naniniwala akong genuine ang pakikitungo niya pero nasa sa'yo pa rin. Maganda rin naman 'yan, hindi ka agad nagtitiwala. Baka ikaw ang mahulog diyan tapos walang sumalo,"malungkot niyang wika.
Natigil ako sa pag-iisip nang tumigil ang taxi sa harapan namin. Binuksan ko ang pintuan at nauna nang pumasok. Ganoon din siya at wala akong nagawa kung hindi ang sumandal na lang sa upuan.
Nakatanaw lang ako sa labas buong biyahe. Sandaling nakatulog si Raffie bago naunang bumaba;binigyan niya pa ako ng pera kahit sinabi kong 'wag na. Hati raw kami at wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin 'yon. Nagpahatid na ako sa mall para makapamili na ng mga kailangan.
Nagbayad ako at tuloy-tuloy bumaba ng taxi. Naglakad na ako patungo roon at umakyat sa ilang baitang bago makarating sa pintuan ng mall. Hindi ko mapigilan ang magtaka nang makitang walang mga tao roon. Sarado pa ba? Pero nakabukas ang mga ilaw at tanaw ko ang mga nakabukas na shops.
May zombie apocalypse ba?
Nakatatawa, Evie.
Pinilig ko ang aking ulo at tinungo na lang ang entrance. May dalawang guard ang nandoon. The usual, isang panlalaki at isang pambabae. Binuksan ko ang bag ko para makita nung babaeng guard.
"Ate, anong meron? Bakit walang mga tao?" tanong ko.
Gusto ko pa sanang itanong kung bukas ba o hindi ang mall pero naisip kong katangahan na 'yon. Malamang nakabukas at patunay rito ang hindi nila pagpigil sa akin na pumasok.
"Yes po, ma'am," sagot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at napangiwi na lamang. Sinara ko na ang bag ko at tuluyang pumasok sa loob. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ng mall habang mabagal na naglalakad.
Literal na nakasindi lahat ng ilaw. Nakabukas lahat ng shop at patunay rito ang mga nakatingin na sales lady at men sa akin. Pakiramdam ko tuloy nasa movie ako at may nangyayari rito. Hindi kaya prank 'to o ano? Yung sa mga funny videos?
Close all the main entrances. Close all the exits. I repeat, close all the entrances. Close all the exits.
Napaawang ang aking labi sa narinig. Mabilis akong napalingon at nakitang sinasara na ang mga pintuan. Mabilis akong lumapit sa mga guard ulit at sinubukan silang harangan pero hindi nila ako pinansin.
"Hindi niyo po sinabing magsasara kayo. Aalis na lang po ako," saad ko.
Hindi nila ako pinansin at tuloy-tuloy lamang sa mga ginagawa nila.
Mabilis ang kilos nila. Narinig ko ang pagsara ng mga pintuan pero ang nakapagtataka ay hindi man lang nagsara ang mga shop. Bukas na bukas pa rin ang mga 'to na parang walang balak magsara.
"Ate? Kuya? Naririnig niyo po ba ako? Hindi ko po yata alam na bawal makipag-usap sa mga customer,"sarkastiko kong wika.
Naiinis na ako.
"Ate, hindi—"
Evangeline Yu. Paging Ms. Evangeline Yu. The mall is open for you. Please enjoy your shopping.
"Ano?!"
Nanlaki ang aking mga mata at napalinga-linga. Tumayo muli na parang poste ang dalawang sa guard sa kanilang mga pwesto. Parang hindi nila ako nakikita sa ginagawa nila. Seryoso lamang silang nakatayo na parang robot na walang baterya.
"Bahala kayo riyan! Maghahanap ako ng ibang exit," inis kong wika.
"Akala niyo..."
Tumalikod ako at padabog na naglakad paalis ngunit naka-iilang hakbang pa lang ako nang kusang tumigil ang mga paa ko at nagmistulang bomba ang puso ko sa lakas ng pagkabog nito. Walang sabi-sabi, mabilis at walang kurap-kurap na nagwala ang puso ko.
Mabilis...
Hindi kapani-paniwala.
Ano 'to, Evie?
May mga paro-parong lumipad sa aking tiyan. Matayog ang lipad ng mga 'to, nakakikiliti at paakyat sila sa aking puso. Lumalim ang aking paghinga at bumagsak ang aking damdamin sa nakikita ko ngayon.
Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang mga 'to.
"Will this do?" aniya.
Inangat niya ang kanyang sumbrero at matamis na ngumiti sa akin.
"Uno..."
"Ano..." Anong ginagawa mo rito?
Hindi ko magawang maisatinig ang gusto kong itanong. Parang nagbara ang lalamunan ko at walang salita ang gustong lumabas dito.
Lumapit siya sa akin. Bawat paghakbang ay sinasabayan ng tibok ng puso ko. Ang mga mata ko ay nakatuon lang sa kanya at ganoon din siya. Kita ko ang sinseridad sa kanya kaya mas lalo akong natahimik. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi, parang nahiya pa siya dahil napahawak siya sa sa kanyang batok.
"Sabi mo, pag kasama mo ako... you wouldn't be able to shop in peace. I somehow abused my connections. It's absurd but this is my way. I would rather close the entire mall than get crazy thinking of reasons why you don't want me to accompany you."
"Ano?"
Nahihilig na yata ako sa pagtatanong ng ano.
Kahit kailan ay hindi ako nahirapang intindihin ang mga tao sa paligid ko pero pagdating sa kanya ay wala akong maintindihan at hindi nakatutulong ang takot kong maintindihan siya.
"I want to shop with you," inosente niyang wika.
Inosente?
Pwede ba 'yon? Pwede bang maging inosente ang isang Uno Montgomery?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top