▪ 1 ▪

Impakto

"Okay... Vanessa, you need to trust me okay?"

Hinagod ko ang likod niya para matulungan siyang huminga. Tumango tango naman siya bilang pagsagot. Wala sa sariling napangiti ako habang tinitingnan ang bata.

"First, let's fix your breathing. You did this before?"

"Yes..." she said between her struggles for breathing.

I nodded while fixing my glasses.

"Okay, nagawa mo na 'to dati. You can do this again. Just breathe in... breathe out. Follow me, baby... Breathe in..."

Her eyes locked into mine. Sinabayan ko siya sa paghinga at ginabayan. Laking pasasalamat ko naman at masunuring bata siya.

"Breathe out..."

Ilang beses pa namin 'yon ginawa at nakikita ko namang umaayos paunti-unti ang paghinga niya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. Senyales 'yon na ayos na siya kaya inalis ko na ang paperbag. Hinawakan ko ang dibdib niya at tiningnan kung stable na ba ang paghinga niya. Para akong nabunutan ng tinik nang maramdaman ang normal niyang paghinga.

I smiled. "Good job, baby but still, you need to seek medication okay?"

"Okay po..."

Ngumiti siya sa akin bilang ganti. Tinawid niya ang natitirang distansya naming dalawa at niyakap ako. I felt her hands encircle my neck.

Bahagyang kumirot ang aking puso habang nararamdaman nang bahagya ang paghinga niya dahil sa lapit niya sa akin. Ngayon lang pumapasok sa utak ko ang nakita at napansin ko. This girl has no asthma, iba ang kanya. It's beyond that...

"Thank you po."

Ito 'yon, ito ang bagay na nagpapasaya sa akin kaya kinuha ko ang trabaho na 'to. The thought of taking care of sick people, children, adults and even old people is making my heart melt.

"You're welcome," I sweetly said.

"Where are you headed to, po?" tanong niya.

Bumitaw siya sa akin at nginitian ako. Bahagya akong natawa nang ma-realize na sinubukan niyang lagyan ng 'po' ang dulo ng tanong niya.

"To the hospital."

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Her eyes are just looking at me like she's reading me. Tagos sa kaluluwa ang tingin ng batang 'to.

"Why? Are you hurt?"

Oo, masakit na masakit sa puso.

Pinilig ko ang ulo ko at pagod na tumingin sa kanya. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa puso ko, pati takot ay sumama na rin.

"Well, my mother is in the hospital. She's sick..." I tried explaining to her with the most normal words I can use.

"Oh! My bad, I didn't know. You should go now, I can manage," aniya.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Tinaas ko pa ang aking kilay habang pinipigilan ang pagtawa. Kung magsalita ang batang 'to ay parang ang tanda-tanda na niya. Nakaaaliw! Sarap kurutin ang cheeks.

"But I can't leave you here. You see, I'm a nurse. I took an oath to take care of people. Especially you, I should take responsibility since I'm the one who saw you."

Umiling siya. "But promise, I can manage. My family owns this airport and I can ask for assistance. It's just that I can't breathe a while ago po..."

Namilog ang aking mga mata at nabitawan ko siya. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang gustong lumabas mula sa akin.

Anak ng shark! Nakipag-uusap ako sa may-ari ng airport?

"Really?" hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango ito. Hindi ko tuloy mapigilan ang tingnan siya mula ulo hanggang paa kung saan kitang kita na mayaman nga ang batang 'to. Bumalik ang tingin ko sa kumikinang niyang hikaw at sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako.

"If you don't believe me, you can try and look at the internet po."

Maagap akong umiling. "I do believe you."

"Vanessa!"

Sabay kaming napalingon ni Vanessa sa tumawag sa kanya. Kusa akong napatayo dahil doon at hindi mapigilan ang mamangha sa nakita kong lalaki. He's the typical rich handsome guy you'll see on TV. Siguro kung nakita ko siya noong mga panahong wala akong problema, kinilig na ako ngayon.

Pero sa ngayon, deadma.

"Tito!"

Mabilis na tumakbo si Vanessa sa lalaking 'yon at yumakap sa binti nito. Kita ko ang pagtawa ng lalaki habang tinitingnan si Vanessa. Napailing na lang ako at tiningnan ang mga gamit ko.

"I was looking for you. You scared me," saad nang lalaki.

Dinampot ko ang aking mga gamit at tumalikod na sa kanila. Humakbang na ako paalis dahil kailangan ko nang makita ang nanay ko.

"Tita beautiful!"

"Vanessa!"

Tumigil ang aking paa sa paghakbang. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko kaya napalingon ako roon. Ngiting ngiti si Vanessa habang nakahawak sa kamay ko. Mabilis na lumipat ang tingin ko sa lumapit na lalaki.

Kusa akong napayuko nang magsalubong ang mga tingin namin.

"Tito! She helped me! She's a nurse! Hindi po kasi ako makahinga kanina so she helped me!" masayang kwento ni Vanessa.

Binaling ng tito ni Vanessa ang tingin sa akin at ngumiti. Marahan akong ngumiti pabalik at bahagyang tumango bilang pag-acknowledge ng presence niya.

"Oh... thank you miss..." he trailed off.

"Evangeline Yu," pagtutuloy ko.

Tumango ito at inalok ang kamay niya. Maagap ko 'yong tinanggap at kinamayan siya.

"I'm Carl Montgomery," aniya.

Bumitaw ako sa kanya at binalik ang hawak sa maleta ko.

"Okay na ang breathing niya pero mas maganda kung ipa-check-up pa rin siya," imporma ko.

"Okay, I'll tell her mom."

I nodded. "I need to go," paalam ko.

Nilipat ko ang tingin ko kay Vanessa at matamis na ngumiti sa kanya. Tinapik ko ang kamay niya at dahan-dahan nang bumitaw. Lumipat siya sa tito niya at sa kanya humawak.

"Tito! Let's give her a ride!"

"No need!" maagap kong wika.

"But you helped me. I need to return it by helping you reach the hospital. Di ba, you need to see your mom po?" pagkumbinsi ng bata.

Natigilan ako sa sinabi niya. This kid is so smart.

"Kaya ko na, I can go there by myself," saad ko.

"Tito..." pamimilit niya sa tito niya.

Lumipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Umiling ako sa gawi ng tito niya para ipahiwatig na kaya ko naman. Ayokong magpasok ng mga tao sa problema ko tutal hindi ko naman ginawa ang bagay na 'yon para makakuha ng kapalit.

"Okay... let's give her a ride."

Natigilan ako nang kunin ng lalaki ang maleta ko at nauna nang maglakad palayo. Wala akong nagawa kung hindi ang mapaawang na lang ang labi.

Bumuntong-hininga ako at inayos na lang ang bag ko. Inalok ko ang kamay ko sa ngiting-ngiting bata sa tabi ko. Masaya niya 'yong tinanggap kaya natawa ako. Sabay kaming naglakad at humabol sa tito niya. Binagalan ko nang kaunti ang paglalakad nang marinig kong may kausap siya sa cellphone niya.

"Uno, I told you... may daraanan lang kami ni Nessa. Yes. Yes. Kulit mo. Oo nga," sunod-sunod niyang wika.

"Miss Yu." Napaigtad ako sa pagtawag niya sa akin.

Lumingon siya sa akin at ngumiti nang bahagya.

"Bakit?"

"Saang hospital ka pupunta?"

"Landford Hospital," medyo alanganin kong sabi.

Naku, di ko naisip agad na baka out of way.

Doon namin binabalak na magtrabaho nina Raffie noong sabay-sabay kaming grumaduate. 'Yon talaga ang first choice ko pero umalis ako dahil nabigyan ako ng oportunidad sa ibang bansa habang sila naman ay tumuloy doon.

Tumango ang lalaki at bumalik sa kausap niya.

"Yes Uno. Sa LFH kami niyan. Yes. Yes. May ihahatid lang. Tinulungan kasi si Nessa, nurse pala. Fuck you. Oo, bakit? Shut up," sunod-sunod niyang sabi sa kausap.

Maya't maya pa ang pagtawa niya. Ako naman ay sumusunod lamang sa kanya. Tumigil kami sa harap ng isang kotseng nakaparada sa harap. May naghihintay na driver doon na tumulong maglagay ng gamit ko sa likod.

Pinagbuksan pa ng pintuan yung tito ni Vanessa. Hindi ko maiwasang mapansin ang pagiging suplado ng tito niya.... Pero kung sabagay, hindi naman pwedeng kausapin niya na lang ako basta-basta lalo na at ngayon pa lang kami magkakilala.

"Miss..." alok ng driver nila.

"Thank you po," magalang kong tugon.

Sabay kaming pumasok ni Vanessa sa likod ng kotse habang inaalalayan siya n'ong driver. Binasa ko ang aking labi at inayos ang salamin ko habang nililibot ang mata ko sa buong sasakyan.

"Bahala ka. Oo, dumeretso ka na lang doon. See you at LMH. Yeah. Yeah. Will you shut up Uno Montgomery? Bye."

Natigilan ako sa narinig kong pangalan. Bahagya pa akong napalingon kay Vanessa na busy naman sa paglalaro sa cellphone niya. Hindi ko mapigilang itagilid ang aking ulo habang iniisip kung saan ko narinig ang pangalang 'yon.

Uno?

Uno Montgomery?

It sounds so familiar. Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon?

"Manong, LFH po," saad ng lalaki sa driver bago nito paandarin ang kotse.

"Tito, susunod din po si tito pogi roon?" singit ni Vanessa.

Bahagyang lumingon ang tito niya at tumigil muna ang tingin sa akin. Ngumiti ako at umiwas ng tingin. Binaling ko na lamang ang tingin ko kay Vanessa na excited na excited yatang makita ang Tito Uno niya.

"Yes, hinahanap ka na raw ng mommy mo kaya gustong masigurado na ayos ka lang. Pagagalitan nanaman tayo. Galit na raw kasi mamaya na ang flight niyo pabalik ng Cebu." His voice is friendlier now.

"Tito Pogi will surely flirt at the hospital! Pagkakaguluhan na naman siya ng mga girls, tito! We need to hide him!" natatawang wika niya.

She sounds so ecstatic.

Napahalaklak ang lalaki at napailing-iling na lamang sa sinabi ni Vanessa. Kung titingnan ay maganda talaga ang lahi nila. Tipong, mala-prince charming at princess ang kilos at itsura nila.

"Let him be. He needs to learn his lesson," saad ng tito ni Vanessa.

"Okay Tito Carl!" Masiglang wika ni Vanessa.

Sinara niya ang cellphone niya at umayos ng upo. Tumingin siya sa labas ng bintana at nanahimik na kaya 'yon din ang ginawa ko. Lumingon ako sa bintana at doon na lang binigay ang buong atensyon ko.

Kung titingnan ay wala namang masyadong nagbago sa Pilipinas. Maliban sa mas uminit na temperatura ay wala naman talagang nagbago.

Dumaan ang ilang minuto na katahimikan lang ang namayani sa buong sasakyan. Maya't maya ay may tatawag sa tito ni Vanessa habang ako naman ay nakamasid lang sa labas. Inaalala ko ang bawat nakikita ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakauwi na ako sa Pilipinas.

"We're here," narinig kong wika ng tito ni Vanessa.

Mabilis akong nag-ayos ng gamit at naghanda sa pagbaba. Unang lumabas ang driver para pagbuksan ng pintuan ang tito ni Vanessa. Bumaba ang tito niya na nakita kong dumeretso sa likuran. Pinagbuksan naman kami ng driver at inalalayan ng driver si Vanessa.

Sumunod ako at lumabas na. Agad akong lumapit sa tito ni Vanessa pero bago pa ako tuluyang makalapit ay dere-deretso itong pumasok habang buhat-buhat ang bag ko.

"Uh! Sandali—"

"Hayaan mo siya, tita beautiful. Ganyan po talaga siya. Come... let's go inside po," rinig kong wika ni Vanessa sa gilid ko.

She held my hand. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.

Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitingnan ang kabuoan ng hospital. Now I know why it's the most famous hospital here in Manila.

Tumigil ang tito ni Vanessa kaya kusa rin akong napatigil. Humarap siya sa amin at nilapag ang maleta ko sa aking harapan. Dali-dali ko naman itong kinuha at nilagay sa tabi ko.

"Nessa, we need to drop by to Tita Jackie's office. May pinadadala siya for your mom," saad niya habang nakatingin sa gawi ni Vanessa.

"Okay, tito!" masiglang wika ni Vanessa.

"Uno will be here soon so we need to hurry..." he trailed off.

Lumipat ang tingin niya sa akin at binigyan niya ako ng mababaw na ngiti.

"Miss Yu, hanggang dito na lang. Maraming salamat talaga sa pagtulong sa pamangkin ko. I can't think of anything to offer you but the least that I can do is to help you by providing special health care for your mom. Sabihin mo lang ang pangalan niya at ako na ang bahala. My mom's friend owns the hospital," alok niya.

Maagap akong umiling at kinaway-kaway pa ang kamay ko para ipakitang hindi na kailangan.

"No need. Ayos lang. I'm a nurse and a public servant to people. Hindi ko naman ginawa 'yon para makakuha ng kung ano."

"No... I insist. Malalaman ko rin naman kahit hindi mo sabihin. So goodbye, Miss Yu. Thank you."

Hindi niya na ako hinintay na makapagsalita. Inabot niya si Vanessa at agad siyang tumalikod. Humabol ng flying kiss si Vanessa kaya bahagya akong natawa. Dere-deretso silang umalis habang tinatanaw ko sila.

"Evie?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Wala sa sariling malawak akong napangiti nang makita ang isa sa mga matalik kong kaibigan.

"Kelly!"

Agad na nag-init ang mga mata ko. Nagmadali akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mainit na yakap. Pinigilan ko ang maluha at binigay na lang ang lahat ng emosyon ko sa yakap ko.

"Bruha ka! Bakit hindi mo kami sinabihan na nandito ka na! Naghahanap pa kami ng pera ni Raffie!"mangiyak-ngiyak niyang wika.

"Pasensya na kayo. Mahabang kwento. Si nanay? Nasaan si nanay?" tanong ko.

Humiwalay ako sa kanya.

"Teka lang, tapos na ang duty namin ni Raffie. Tatawagin ko lang siya. Sasamahan ka namin," aniya at napatango na lang ako.

Mabilis siyang umalis at napakagat na lamang ako sa labi ko. Napahawak ako sa leeg ko para pakalmahin ang sarili ko. Hindi nga talaga ako nananaginip. Nandito talaga ang nanay ko at na-ospital siya. Parang ngayon lang pumasok ang lahat sa akin...

Parang ngayon lang napupuno ang utak ko. Si ate pa? Nasaan siya? Iniwan niya ba talaga si nanay? Ngayong nandito na ako sa Pilipinas, mas nagiging totoo lahat.

"Sir! Ang pogi niyo po talaga! May gagawin po kayo mamaya?"

"Oo nga, sir! Lalabas po kami mamaya. Gusto niyo pong sumama?"

Kumunot ang noo ko.

"Well, ladies... I'm sorry but I can't make it tonight because we have a family dinner but I promise to come back and treat you some sweets," malanding wika ng isang lalaki.

Kumalabog nang malakas ang puso ko. Mas lalo akong napahawak sa puso ko at dinama ang nararamdaman n'on. Anong nangyayari sa akin?

"Sayang naman, sir..." puno ng paghihinayang na wika ng kausap ng lalaki.

Narinig ko ang halakhak ng lalaki at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin 'yon pero ayaw kumalma.

"See you, ladies."

Unti-unti akong tumalikod para lingunin ang lalaking 'yon. Sinundan ng mga mata ko ang pagharap niya sa gawi ko palayo naman sa mga kausap na nurse. Parang wala akong marinig nang sandaling magtama ang mga mata namin.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Mabilis kong naikuyom ko ang mga palad ko.

"Ikaw? I mean... you... what... how..." hindi makapaniwala niyang wika.

"Akala ko bumilis ang tibok ng puso ko, tumaas pala ang presyon ko," I said with gritted teeth.

"So finally, again, after five years... nagkita tayo ulit," puno ng pagkamangha ang wika niya.

Napabuga ako ng hangin.

"Oo nga. Ang malas ko talaga," sarkastiko kong wika.

Kumawala ang halakhak mula sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mamangha dahil sa nakikita ko. His looks are beyond the men out there. Noong una kaming nagkita limang taon na ang nakararaan, hindi ko naman din makaila ang gwapo ng lalaking 'to.

Kaya lang, impakto siya.

"Misfortune? I am Uno Montgomery. You're lucky, baby," he said with a smirk.

See? Impakto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top