° 8 °

Own

I clenched my teeth.

Damn heart. Stop hyperventilating!

Alice, this is not the first time someone showed interest in you! Stop acting like this is once in a lifetime! Get your shit together!

Now I'm even talking to myself.

"Really?"

I really tried my best to sound normal and not affected. Nilingon ko siya na para bang normal na sa akin ang narinig ko at wala akong pakielam kahit ang totoo ay nag wawala na ang kalooban ko.

"Thank you. I get that a lot. You know? People always look for me." I breathed.

My eyes travelled from his hair that I want to touch down to his eyes I want to look at.. then to his nose to his lips..

Stop.

I can't believe this. I'm actually fascinated because of him. I'm losing my sanity here while here he is, smiling and standing in front of me like it's the most normal thing on earth.

"You get that a lot?" Manghang tanong niya.

I nodded.

"Oo. Hindi ba halata?"

I bit my lip. Tension is all over the place. I can feel the tension between us.

Nag-angat siya ng tingin at napabuga ng hangin. Kita ko pag lalim ng hininga niya. His bright aura suddenly turned dark. I admit, pakiramdam ko kaharap ko si Dos ngayon. Most of the times, ganito si Dos pag pinapagalitan niya ako.

But what shocked me the most, I never thought Sky Cabello can be this dark. I mean, his smile and all proves that he is a bright person pero kung titignan, I don't really know him.

"Maybe you get that a lot before." Pag basag niya sa katahimikan.

Bumaba ang kanyang tingin muli sa akin. Nag tama ang mga mata namin at hindi ko akalain na mula noong una ko siyang nakita, I didn't thought he is capable of looking at someone with so much intensity.

Nandoon pa rin ang ngiti niya. Ngiting kahit sino ay mapapalingon pero labi niya lang ang nakangiti. He is faking it, I know he is. I don't need to be Adrianna to know he is faking it.

"Before? Iniinsulto mo ba ako?" Balik ko sa kanya.

"No." Walang alinalangan niyang sagot.

"Then what?"

He shrugged.

"Before, meaning.. back at Manila."

"And?" Mapagtimpi kong tanong.

Tumingin siya sa kanyang orasan at napa buntong-hininga.

I was only staring at him. Alam ko sa sarili ko na ang normal na Alice ay siguradong umalis na pero hindi ko magawa. I can't move my feet and I feel like I'm stuck.

"And." Mapagtimpi kong pag ulit.

Napa-angat siya ng tingin sa akin at bahagyang humalakhak.

"You won't get that here."

Nagpamaywang ako. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong intindihin sa dami-dami ng emosyong nanalaytay at bumubugso sa aking kaloob-looban.

"What did you just said?"

Naiyukom ko ang mga palad ko.

"Are you saying that I'm not attractive?"

I never doubted my appearance before! Never! Pero dahil sakanya, I'm saying these things!

Napayuko siya pero hindi nakatakas sa akin ang pag ngisi niya. He slightly touched his lips with his thumb to stop himself from smiling but he didn't succeed.

This guy is mocking me!

"That's not what I meant, Montgomery." He traced.

"Then what?!" I snapped back.

Mariin kong naipikit sandali ang mga mata ko. I lost my patience. He keeps on pushing my buttons!

"Here.."

Nagmulat ako muli ng mata. I stared back at him and I tried my best not lose in his stare.

He smirked. "I own everything inside this school." 

"Own-- what?" Kunot noo kong tanong.

Lumawak ang kanyang ngiti at tinalikuran lamang ako. Napaawang ang aking labi dahil kahit kailan, hindi ko pa naranasan na talikuran ng kahit sino!

Never!

Siya lang! And I hate it!

"Asshole! Don't you dare turn your back on me!" Inis kong wika habang sinusubukan siyang habulin.

I stopped catching up when he suddenly turned around.

Nahigit ko ang aking hininga at napaayos ng tayo. Tinaasan niya ako ng kilay at nagpamulsa sa aking harapan.

"Your mouth, Montgomery." Ngiting wika niya.

"Stop smiling." I said out of no where.

"What?"

He is amused, I can see that.

Napaiwas ako ng tingin. "Nothing."

He looked back at his watch.

"As much as I want to talk, I need to go back to class. I can't go around cutting class, malalaman agad ng tatay ko. Besides, I'm sure Evander guarded your cousin already and that means, you too. See you around, Montgomery."

Hindi niya na ako hinintay mag salita at tinalikuran niya na ako muli. There he is again, walking like he owned the place. Ngayon, alam ko na kung bakit sila mag kaibigan ng Claveria na 'yon.

They are both full of theirselves!

So it's Evander Claveria?
"What a great day to start school." Bulong ko sa aking sarili.

Napahawak ako sa puso ko at huminga ng malalim.


"The people here are creepy." Wika ko.

Creepy? Baka tinutukoy ko ang sarili ko.

We're here at our building's cafeteria. Dapat ay nag e-enjoy akong makipag kwentuhan sa mga pinsan ko ngayon pero nakakainis talaga ang sarili ko dahil kanina pa ako palinga-linga na parang tanga tuwing may papasok ng cafeteria.

"Huh? Why?" Tanong ni Clyde.

Here he goes, my very tsismosong pinsan.

Umupo siya sa tabi ni Tulip at sinamaan ko lamang siya ng tingin. Sa lahat, siya lang ang hindi umuurong pag sinusungitan ko.

"Sa block kasi namin. Someone approached me trying to claim that he sits originally in my seat--"

"Binubully kayo?"

Naitikom ko ang bibig ko nang biglang mag salita si Kuya Adrian. Ngayon, pinag sisisihan kong nag salita pa ako. Siguradong ano-ano ang tatakbo sa isip nila.

"No kuya. Ibig kong sabihin.. kanina kasi may kumukuha ng chair namin. Maybe one of the oh so called jocks pero nabanggit lang yung pangalan nung Claveria.. umurong na." Paliwanag ko.

Nagtaas ng kilay sa akin si Clyde at inirapan ko lamang siya.

"What?" Rinig kong tanong ni Adrianna.

Napalingon ako sa kanya.

"Claveria? As in Osiris Claveria? Yung nirereto sayo?" Tanong ni Dos.

Who are they talking about? Looks like, hindi lang ako ang nalilito sa dalawang Claveria na 'yon. Great, mag kaka-listahan ata ako ng mga taong hindi ko naiintindihan sa lugar na 'to.

Una doon si Cabello.

"Yeah.." matipid niyang sagot.

Yeah? Why did she answered that? Akala niya ba talaga si Osiris Claveria ang tumulong sa amin kanina, well not completely tulong pero hindi ko alam kung ano ang tawag doon.

"So.. he's protecting you?" Tanong ni Kuya Ad.

"Kuya! Hindi naman si Osiris ang tinutukoy na Claveria" maagap kong wika.

"Change topic. Hindi naman natin to dapat pinaguusapan." Ani Adrianna.

"Then who?"

Nag pabalik-balik ang tingin ko kay Adrianna at Kuya Adrian. I saw how Adrianna glared at Kuya Ad. Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang aking mga mata.

Ngayon ko lang narealize!

Hindi ako dapat nag salita! Shit, Al! Just shit! You weren't thinking!

"Answer, Alice." Ani Kuya Carl mula sa aking harapan.

Alam ko ang tonong 'to. I don't get to lie, ibig sabihin.

"Yung Evander daw" alinlangan kong sagot.

Napatingin ako muli kay Adrianna at napakagat sa aking labi.

"The captain? Hindi ba ay ayaw sa atin non?" Tanong ni Uno sa akin.

Nakuha niya ang aking atensyon. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi naalis ang kuryosidad niya. Basta tungkol sa gulo, si Uno ang pinaka curious. Siya talaga ang pinaka interisado.

"I don't know. Basta yon ang sabi kanina." Sagot ko sabay kibit-balikat.

"Why is he protecting someone from our plot?" Dagdag niyang tanong.

This is nonsense.

"Maybe.. he likes Alice? Or Adrianna?" Ani Kuya Carl.

Kumunot ang noo ko.

Bakit ako nadamay? Definitely not me! Hindi ko pa nga nakakausap ang Evander na 'yon. Ang alam ko lang naman tungkol sa kanya ay ayaw niya sa amin at kaibigan siya ng unggoy na 'yon.

"Baka naman inutusan lang ni Osiris yung kapatid niya? I mean.. Osiris is the good one." Komento ko.

They all looked at me like they're asking if what I'm saying is true.

I rolled my eyes. It was just a suggestion! I'm trying to be reasonable dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Kailangan ay mag hanap ako ng mga rason para magustuhan ko ang lugar na 'to, hindi pa ka-ayawan.

"No. Believe me or not. Osiris is a manipulative jerk person. He made a deal with me to act like we are getting to know each other sa harap ng dad niya but I think he won't go that far like protecting me." Tuloy-tuloy na wika ni Adrianna.

My lips parted a bit.

Sabi ko na nga ba! Wala talagang idudulot na magandang bagay ang mga taong 'yon. Birds with the same feathers flock together! Hindi ako makapaniwala na hinayaan ni Tito Teo na mapasok si Adrianna sa sitwasyong 'to.

What can they get from this?

Ruining her life? Ruining our lives?

"As in act like lovey dovey?" Tanong ni Tulip.

Gross.

"No.. it's like, act like we're trying." Ani Rian.

"Damn that guy."

Napahawak ako sa sentido ko.

"Stop it, Ad. Hayaan nalang natin. Dad's reputation remember." Pag subok ni Rian na pigilan si Kuya Ad.

Tama, lahat ito para sa reputasyon. Aaminin ko, kahit ako takot na makagawa ng pagkakamali na ikagagalit nila daddy pero kung ganito lang din naman, I rather let them get mad at me than force me to do something I don't like.

"Okay.. basta pag may ginawa siya sayo. Tell us, we're gonna beat the shit out of him." Ani Uno.

Atlast! May sinabi na 'ring maganda!

"Hey.."

Napalingon ako kay Agatha na mataman nakatingin sa akin.

"What?" I innocently asked.

"Who was the guy you're with a while ago?"

Parang nawalan ako ng hangin. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Sobrang na blangko ang utak ko na ang tanging gusto ko lang isipin ngayon ay kung paano ako makakatakas sa tanong niya.

But I almost forgot, it's Agatha. I can't lie to her.

"How did you.."

"Ate Rian forgot her wallet in my bag. Pumunta ako para ibigay sa kanya pero iba ang nakita ko." Makabuluhan niyang sabi.

I remained silent.

Thinking of an alibi. Ayoko talaga ng ganitong usapan. Talk about me and all, basta 'wag lang tungkol sa mga bagay na may kauganay sa emosyon ko.

"Nakakatawa ka, alam mo ba 'yon?" Pigil tawang wika ni Agatha.

Kunot noo ko siyang tinignan.

One moment, seryoso siya. Then now? Natatawa pa?

"There's nothing wrong about what I saw! I know Sky Cabello is the guy and I'm not saying that you're dating him or what, chill. Para kang nahuli sa kasalanan mo kahit wala naman. If you just saw your expression! Priceless!"

Napapikit ako at napatakip ng mukha. I can't believe this! Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Ewan ko ba, ramdam ko ang pag kabuhay ng bawat dugo ko sa pag ka-rinig sa pangalan niya pero may iba din akong nararamdaman.

Hindi ako sanay na pag tuonan ng pansin ang isang tao. I shouldn't even care but here I am, caring so much.

The funny thing is, ilang araw ko palang siya kilala.

"Why don't we execute Plan C then proceed to Plan A?" Rinig kong sabi

"So you mean.. we will escape then go to Tagaytay?" Dagdag kong tanong para makatakas kay Agatha.

Matamis akong ngumiti at binalingan si Agatha na parang manghang mangha sa ginawa ko. Dito ako magaling, sa pagtakas at pagpapalusot.

Napasuklay ako sa buhok ko at nilihis 'yon para maipitan.

"Yeah but are you sure 'bout tagaytay?"

Well, Tagaytay is very far.

But I want to get out from here. Kailangan kong huminga at sampalin ang sarili ko dahil sa kahibangan na nangyayari sa akin.

Alam na alam ko, hindi 'to dapat big deal pero..

Alam ko na nasa akin ang problema and the least that I can do is to breathe but not here.

"It's better. Malayo siya pero hindi masasayang ang escape natin. If nasa vicinity tayo ng Cebu. Mabilis tayong mahahanap nila Dad" Ani Kuya Adrian.

I nodded.

Please. Please.

"Tama.. tsaka matagal tagal na tayo hindi nakakapunta sa Tagaytay" ani Adrianna.

Inabot ni Agatha si Adrianna at nakipag high-five. Binalingan niya ako at nginisihan.

"I'm helping you get your sanity back together." Ngising wika niya.

Ngumiti ako ng peke at inirapan siya.

"And it's Tulip's favorite place" saad ni Uno.

"I want to bring my car!" Excited na sabi ni Kuya Ad.

Mukhang kailangan kong pilitin si Kuya Carl na mag dala ng sasakyan. Tagaytay is so far away and I'll die riding Uno or even Kuya Ad's car.

I'm not joking.

"Teka! More or less 18 hours yon.. I don't want to spend 18 hours or worst.. 21 hours in your car!" Ani Adrianna.

Eighteen..

Kakayanin ko ba 'yon? Syempre hindi kami pwede mag eroplano, dad can track us easily if we'll fly. We did this before, escapades and such. Lagi kaming nahuhuli kaya ipapanalangin ko talaga na mas tagumpay na kami ngayon.

"Edi mas maganda. We'll bring my car and Uno's car. Sa klase ng driving namin.. 18 hours would be 16."

Napa face-palm nalamang ako.

Is that a good thing?

"Uno? 16 hours? More like 15" natatawang dagdag pa ni Dos.

Great! My brothers are such a dick!

"Oh damn! This is exciting!" Masayang masayang wika ni Uno.

Napailing nalamang ako at pinabayaan sila.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang may missed call ako mula sa isang unknown number. Pinindot ko ang numero at nag tipa ng mensahe.

Who's this?

Pinindot ko ang send button at binitawan muna 'yon sa itaas ng lamesa. I'm not the type of person who acknowledge unknown numbers pero somehow, nararamdaman kong kailangan kong pansinin 'to.

Or maybe, I'm just bored.

"Oh my gosh. Evander's coming"

Involuntarily, napaangat ako ng tingin. Of course I didn't look because I heard Evander Claveria's name! May ibang hinahanap ang mga mata ko at naninikip 'to habang pinapasadahan niya ng tingin ang bawat lalaking nasa likod ni Claveria.

They entered the cafeteria like they own the place. Nauuna sa pag lalakad si Evander at nasa tabi niya ang unggoy na gusto kong ipa-salvage ngayon para matahimik na din ako. He was smiling so widely while looking back and forth.

Napasinghap ako nang mag tagpo ang mga mata namin. Napaiwas ako ng tingin at napahawak muli sa pisngi ko para maramdaman ang pag init 'non. My whole system is hyperventilating again just because I stared on his eyes.

His eyes.. gusto ko talaga tignan ng matagal. Para akong bata sa hiling ko pero, ganon ata talaga.

The more you try to stop yourself, the more you'll get hungry for it.

Alam ko 'yon pero hindi ko mapigilan. The attraction I'm feeling for him is too much to handle. Masyadong malakas na nakakatakot pansinin.

"Gusto ko pa ng fries." Ani Agatha.

"Me.. club house" halos pabulong kong saad.

"I'll get some" Ani Adrianna.

Tumango ako at nilingon si Agatha.

"Rest room lang ako." Saad ko.

Mabilis akong tumayo at hindi ko na sila hinintay mag salita pa. Tinahak ko ang daan palabas ng cafeteria at hinanap ang rest room. Agad ko naman 'tong nakita at dali-dali akong pumasok doon.

Bumungad sa akin ang puting dingding ng restroom at nilibot ko ang mga mata ko doon. May dalawang babae sa harap ng salamin at abala sila sa pag kukulay ng mukha nila kaya hindi na nila ako napansin.

Pinili ko ang gitnang cubicle at pumasok doon. Napasandal ako sa pintuan 'non at napahawak sa puso ko para makahinga 'to ng maayos. I can feel it, sobrang lakas ng kalabog nito na parang sinasabayan nito ang bawat pag galaw ng kamay sa orasan.

"Bilisan mo, nandoon daw sa cafeteria sila Evander!" Rinig kong wika ng isa.

"Alam ko. Ito na nga. I want to see Cabello though. Alam mo naman, iba pa rin ang appeal ng isang Cabello. Nag-iisang tagapag-mana ng lahat." Hagikgik ng isa.

Binaba ko ang aking kamay at umalis sa pagkaka sandal sa pintuan. Narinig ko ang pag bukas ng pintuan at ang pag sara nito. Walang sabi-sabi din akong lumabas ng cubicle. Tinungo ko ang harapan ng lababo at saglit na pinagmasdan ang sarili ko bago tuluyan lumabas ng rest room.

Cabello?

As what I thought, hindi lang ako ang nakakapansin sa kanya.

"Ang bilis mo?"

Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglakad. Narinig ko ang pag bagsak ng pintuan sa aking likuran at napabaling ako sa lalaking nakasandal sa dingding na katapat ng restroom.

Prente siyang naka sandal doon habang nakapamulsa. He is wearing his cap again and he really looks good with it.

"Pakielam mo?" Inis kong wika at tinalikuran siya.

Nag lakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

I felt so lost all of a sudden!

"Where are you going?" Tanong niya habang naririnig ko ang mga yapak niya sa likuran mo.

Mas binilisan ko ang pag lakad ko pero sadyang mabilis ang lalaking 'to dahil nagawa niya pa rin ako habulin. I still didn't stop though, kahit na nasa tabi ko na siya at naamoy ko na ang pabango niya na kapareho ng kay Uno.

Kapareho pero.. mas mabango ang kanya.

Bias isn't?

"Hey, I'm asking you?" Pangungulit niya.

I stopped walking.

Huminga ako ng malalim at nilingon siya. Mukhang nagulat din siya sa pag harap ko pero kahit na siya dapat ang umurong ay ako pa rin ang humakbang paatras.

He was too close. I didn't even got the chance to estimate his distance.

"Wala kang pakielam doon. Last time I check, you're not my GPS to monitor my where abouts."

"May pakielam ako." Aniya.

My heart leaped for a second. Alice, control it. You can do this.

Nag kibit balikat siya at marahang ngumiti.

"Wala." Pag pupumilit ko.

"Yes I do have. I told you. I own everything in here. That includes you." He proudly said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top